Share

Chapter 6

Ngayon ay nagsisisi na ako at pumayag pa ako na ihatid ni Luther sa hospital. Buong akala ko naman kasi ay ihahatid lang talaga niya ako at aalis rin pero ito at hindi niya naman sinunod ang gusto ko kahit nakailang pagpapasalamat na ako sa kabutihan niya.

And what's worse? He even went inside the hospital with me!

Ngayon ay iniisip ko kung ano ang isasagot ko sakaling makita siya ni Zack at tanungin ako dahil nga wala naman akong ibang kaibigan na lalake maliban sa kaniya. Hindi naman rin madaling mapaniwala ang isang 'yon, specially if the man who's with me is a Valleje.

Kilalang-kilala ang pamilya ng mga ito. Pati nga yung fiancè ni Thaliana na kapatid nitong si Luther.

Hahh. What am I gonna tell them? At paano rin kung narito na sila Mommy?

Maniwala kaya sila kung sasabihin ko na magkaibigan kami ni Luther?

Right! I will just tell them that Luther and I are very good friends.

Gumana kaagad ang utak ko doon. Tumigil ako sandali sa pagmamadali upang pumunta sa silid ni Dad at hinawakan sa braso si Luther. Tingnan mo ito, ako ay hindi na mapakali pero siya ay chill-chill lang talaga. Sadya ata niya na sumama siya pra asarin pa ako.

"Hey, if anyone ask my relationship with you just tell them we are friends."

"Alright but, why do you look so nervous, Catalina? your dad knows me," sabi naman niya sa akin.

Eh, 'yon nga! kilala siya ni Dad. Sino ba ang hindi nakakakilala sa kaniya sa larangan ng negosyo? wala. Paano kung tanungin ako ni Dad kung bakit magkasama kami ng ganitong oras? Eh, hindi ko naman siya naikwento na kaibigan ko!

Saka, ano ang sasabihin ko? na, 'Dad, nagkita po kami ni Luther sa bar, naglaro po kami doon ng jak en poy tapos itinuloy po namin sa bahay ko kaya nung nalaman ko ang balita eh nagprisinta po siya na samahan ako.'

That's bullsht.

"Kung hindi ka sumama sa akin dito sa loob ay hindi ako kakabahan at mamomroblema ng ganito. Pwede naman kasing iwan mo na ako."

"If someone who knows us see us together, just tell them that we are friends at nagmagandang loob ka lang na ihatid ako dito sa hospital! pero mas mabuti kung umuwi ka na! okay na ako. Thank you so much for your kindness!"

Sunod-sunod at walang preno na sabi ko. He smirked and then leaned on me. Sandali akong nabigla dahil ang lapit niya sa akin.

"What else do you want me to do?" I can smell his mint breath. Inilapat ko ang kanang kamay ko sa kaniyang dibdib at itinulak siya.

"T-That's all!"

"Umayos ka!" pahabol ko pa.

Nauna na akong maglakad. Naramdaman ko naman na sumunod na ulit siya. At nang marating ko na nga ang room ni Dad ay hindi na ako nag-abala na kumatok at binuksan ko agad ang pinto.

And there I saw him on the bed, nakaupo siya at kausap ang ama ni Zack. He's smiling and he's okay! T-Thank God! Nang bumaling ang tingin niya sa akin ay tipid akong ngumiti.

"Catalina, hija. It's late, bakit pumunta ka pa? I am okay," he said softly.

I can sense worry in his voice. Napasimangot ako dahil siya pa ang nag-alala sa akin when he's the one who got shot.

"H-How are you, Dad? are you really okay now?" tanong ko pero bago pa man ako makalapit sa kaniya ay bumukas muli ang pinto sa likod ko, ang lakas non na tumama sa pader at kasunod ay narinig ko ang boses ni Caitlin.

Zack's Dad give distance when my sister went in.

"Dad! Oh, Gosh! Are you okay, Daddy? Saan ka po tinamaan? And w-where the hell is your bodyguards?! Bakit hindi nila ginagawa ang trabaho nila na protektahan ka!"

She was so worried. Like me. Napangiti ako dahil narito na rin pala siya pero nawala rin ang ngiti na 'yon nang marinig ko ang boses ni Mom malapit sa tainga ko.

"You are drunk and you came here? Paano kung ikaw naman ang nadisgrasya, Therese? hindi ka talaga nag-iisip."

Napatigil ako sa paglapit. My mother's words made a huge impact that my eyes heated so fast. I came here because I was so worried about Dad.

"Mom..."

"Save your words, Therese. I am not here for your explanation."

Gusto ko lang naman rin magpaliwanag at sabihin na hindi naman ako ganoong lasing at hindi naman ako ang nagmaneho pero pagkasabi non ni Mom ay sumunod na rin siya sa paglapit kay Caitlin at kinamusta ang Dad.

She didn't even want to hear my words.

Ano pa ba ang bago?

"Thes..." I looked back and saw Zack entered the room, too. Hinawakan niya ako kaagad sa braso na ikinaharap ko sa kaniya. He caressed my face and that's when a single tear fell. Paiyak na pala ako.

Why am I so weak when it comes to my family?

"Are you okay?"

I always think that the best answer to that questions is, "Yes" kasi parang napakahirap sabihin na, "No, I am not." Dahil hindi mo rin naman alam at hindi ganoon kadali ipaliwanag kung bakit hindi ka okay.

"Y-Yes, I am okayz Thank you for taking care of Dad. I can see that he's fine now. Hindi na rin ako magtatagal, Zack. Nariyan na rin naman si Mom at Caitlin."

Marahas siyang napabuga ng hangin ng mas inilapit ako nang hilahin niya ako sa braso. He even caressed my back because he knows what I feel right now.

Zack knows how Mom and Caitlin treats me.

"Dumito ka muna sandali. Kausapin mo kahit sandali si Tito Trevor. I know how worried you are sa tawag pa lang kanina. And I apologize for that, Thes. Hindi ko na naisip na sobrang mag-aalala ka."

Umiling naman ako at tumingin kay Dad. Tumatawa siya habang nagsasalita si Caitlin, at ang Mom ay nakangiti naman.

"Maybe, I'll talk to Dad tomorrow? hindi naman rin nga tama na pumunta pa ako dito gayong nakainom ako. Tama si Mom. Bukas ay babalik ako kung mananatili pa si Dad para sa ilang mga tests."

Nakita ko naman ang awa sa mga mata ni Zack. Tumango siya at hindi na ako lumapit sa aking ama. We just both stay on the corner. Nakatingin ako sa kanila. Nanonood.

Si Caitlin ay nakaupo sa gilid ng kama at hawak ang braso ng aming ama. I heard her sweet tone asking Dad if he's really okay.

I want to be that close too.

Pero ang tingin ni Mom ay pinapatigil ako sa aking pwesto. She was on the other side and she glanced at me only once. Isang beses lang pero warning na 'yon na huwag akong lumapit. And while I am watching them, naramdaman ko na naman ang layo ko sa kanila.

My heartache and my mind is telling me that I am part of their family too, so why am I here? bakit ang layo-layo ko?

Stop, Therese Catalina. Hindi ka iyakin.

Bago pa man ako maiyak sa loob ng silid ay lumapit ako sa kanila, hindi para makisali sa kasiyahan kung hindi para magpaalam na aalis na.

"Dad..." tawag ko.

Nakita ko agad ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Mom nang humakbang ako palapit.

"Mauuna na po ako. Maaga pa po kasi akong pupunta bukas sa bagong branch ng Catalina's."

Pangalan ng clothing line business ko 'yon. Simula nang iwan ko ang modeling career ko, nag-focus na lang ako sa pagtatayo ng iba't-ibang negosyo. I owned bars, resorts, pet shops, pet house, Household staffing agency at marami pang iba.

Ang sabi nga ng kaibigan ko na si Thaliana Tangi ay para raw sampung pamilya ang binubuhay ko.

Pero, kahit gaano karami ang mga negosyo ko, hindi pa rin sapat yung saya dahil hindi ko pa rin nagagawa ang pinakagusto at mahal ko na trabaho. And even if I wanted to now, I can't do it anymore."

Because I've already given that up for Caitlin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status