Share

Chapter 6 - New Beginning

Aiko Belle's POV

"Gaga ka talaga!" sigaw sa akin ni Jay-jay.

Ibinalik ko kasi ang kotse niya sa kan'ya at dahil nga malaki ang gasgas sa harapan ay alam ko na agad na magagalit siya sa akin.

I can even pay for the damage to Jayjay's car. He's my friend and I'm sure he'll understand that I don't have enough money. Mas kaya ko talagang bayaran si Jay-jay kaysa doon sa sports car na nabangga ko.

Siguro mamamatay na ako ng dilat bago ko mabayaran ang pagpapagawa doon. Baka idemanda pa ako ng may-ari.

Wala namang nakakita sa pangyayari. 'Yon na lang ang pag-asa ko.

“Sorry, Jay,” mahinang sabi ko at nagpipigil ako ng luha lalo’t alam ko naman na napakalaki ng atraso ko sa kan’ya.

“Sorry saan? Gaga! Ikaw ang inaalala ko, ayos ka lang ba?” bigla niyang tanong sa akin kaya kahit papaano ay may humaplos sa puso ko.

“Babayaran ko na la—-“

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang unahan niya ako.

“Oh bida-bida ka na naman! Ayos lang ano ka ba!? Ang mahalaga ay ayos ka, walang nangyaring hindi maganda sa ‘yo, dapat hindi ka nagsinungaling sa akin. Sinamahan pa sana kitang jombagin si Vance!” galit na galit na sabi ni Jay-jay.

Tumango na lang ako sa sinabi niya kahit pa ba nilalamon na ako ng kahihiyan na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay sobrang kapal na ng mukha ko.

“Pasensiya ka na talaga, ‘te, babawi na lang ako kapag nakaluwag-luwag ako,” kinakabahang sabi ko kaya naman tumango si Jay-jay.

“Ayos lang talaga, Aiko,” nakangiting sabi niya kaya dahan-dahan ko siyang niyakap.

Hindi ko alam pero nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mga mata ko nang maalala ang kataksilang ginawa ni Vance sa akin.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin sa anak ko na niloko kami ng Vance na ‘yon? I can’t hurt the purest heart of my son.

Hindi ko siya kayang saktan. Sigurado akong iiyak siya ng sobra kapag nalaman niya ang tungkol kay Vance.

“Ayos ka lang ba, Aiko? Kanina ka pa tulala d’yan. Kung iniisip mo ang pagpapagawa ng kotse na ‘to, huwag mo nang isipin ‘yon, ayos lang kasi talaga,” nakangiting sabi sa akin ni Jay-jay naman kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

Alam ko kasing hindi lang ‘to ang ang problema ko. Una si Vance, pangalawa si Asher, pangatlo ‘tong kotse ni Jay-jay, at ang pinakahuli sa lahat ay ang sports car na nabangga ko kagabi. Paniguradong mayaman ‘yon. Ipinagdarasan ko na lang na hindi niya ako mahahanap o ipapahanap.

Ipagdarasal ko na rin talaga na magkaroon pa siya ng maraming blessing. Huwag lang talagang hahayaan na magsalubong ang landas namin no’n dahil paniguradong kawawa lang ako kung ipapabayad sa akin ang damage na natamo ng sports car na ‘yon.

‘Yong damage nga sa kotse ni Jay-jay ay hirap na akong ipagawa dahil sa kakapusan sa pera, ‘yong sports car pa na ‘yon kaya.

“Aiko! OMG! Aiko Belle Velasco!” sigaw ni Jayjay kaya naman masama akong napatingin sa kan’ya.

“Bakit?!”

“Tanga na ‘to, bakit kasi hindi ka sumasagot! Hayaan mo na ‘yang kotse ko, may extra pa naman ako pampagawa. Bayaran mo kapag nagkaluwag-luwag na,” mahinang sabi niya.

“Hindi naman ‘yan ang iniisip ko,” mahinang sabi ko habang nakatitig sa balkonahe ng bahay ni Jayjay rito sa Baguio.

“Ano?”

“Si Vance,” mahinang sabi ko kaya naman nakita kong nanlaki ang mga mata ni Jay-jay.

“OMG! Ikakasal ka na?!” tanong niya kaya naman natigilan ako. Tila may libo-libong karayom ang tumusok sa dibdib ko dahil sa tanong ni Jay-jay.

Paano kami mauuwi sa kasalan ni Vance kung nagloko siya? Niloko niya ako.

“Wala na kami,” mahinang sabi ko kaya naman biglang napatayo si Jayjay.

“Ano?! Paanong nangyari ‘yon? Wait! Prank ‘to ‘no?” tanong ni Jayjay kaya nag-angat ako ng tingin sa kan’ya at nag-uunahang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. Nakita kong nataranta siya at bigla na lang akong niyakap.

Ilang taon kaming nasa isang relasyon ni Vance. Hindi ko alam kung ano ang kulang! Ang sinabi niya hindi ko naibibigay ang sarili ko sa kan’ya. Paano ko ibibigay kung hindi niya ako kayang idala sa altar? Gano’n na lang ba ang baba ng tingin niya sa akin dahil lang sa nagkaroon ako ng anak sa pagkadalaga? Porke’t ba gano’n ay basta-basta na lang niya akong makukuha o bibigay sa kan’ya?

Babae ako! Paano ko ibibigay ang sarili ko sa hindi ko asawa?!

Oo nagkamali ako noon at nabuntis kay Asher pero hindi naman sapat na dahilan na may anak na ako para lang isuko ko ang sarili ko, nagkamali na ako noon sa Tatay ni Asher, hindi ko pwedeng ulitin ‘yon.

Gusto ko naman maikasal. Hindi naman ako mababang uwi ng babae.

“Niloko niya ako, Jay,” umiiyak na sabi ko kaya naman narinig ko ang buntong hininga ni Jay-jay.

Akala ko si Vance na ang para sa akon dahil akala ko nauunawaan niya ako, mahal niya kami ng anak ko, at malinis ang intensyon niya sa akin. Hindi ko naman inaakala na lolokohin niya ako.

Bakit ang bilis naman yata niyang itapon ang taon ng pagsasama naming dalawa?

Ilang taon na niya akong niloloko? Ilang tapn na niya akong ginagawang tanga? Hindi ba siya nahiya sa anak ko na mataas ang tingin sa kan’ya?

“Paano ako, Jay? Paano kami ng anak ko?” umiiyak na tanong ko sa kaibigan ko lalo’t hanggang ngayon damang-dama ko ang sakit.

Hindi ko magawang harapin si Asher dahil pakiramdam ko ay nag-failed ako bilang Mama niya.

Paano ko sasabihin na niloko kami ng lalaking inaakala niyang tatayong Ama sa kan’ya?

“Shh! Tahan na,” mahinang sabi ni Jay-jay sa ‘kin pero tuloy pa rin sa pag-agos ang masagana kong luha.

Ang sakit-sakit.

Nagkamali na naman ako sa pagpili ng lalaki. Bakit gano’n? Ano ba’ng mali sa akin? Ano ang kulang?

Napahawak na lang ako sa noo ko dahil ramdam na ramdam ko kung paano nawarak ang puso ko.

“Pinagpalit niya ako sa ibang babae, Jay! Paano niya nagawa sa ‘kin ‘yon? Paano niya nagawa sa amin ng anak ko ‘yon?” umiiyak na tanong ko kay Jayjay kahit na alam kong wala siyang magiging kasagutan sa tanong ko.

“Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin sa ‘yong dapat kayanin mong wala siya dahil alam ko naman na marami kaming pinagsamahan ni Vance, marami kaming memories na alam kong nagpasa sa ‘yo ng sobra, ngunit Aiko, hindi pwedeng iiyak ka na lang,” mahina ngunit seryosong sabi ni Jayjay sa ‘kin.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya sa akin.

“Iiyak mo lang ngayon tapos bukas kailangan mong bumangon,” mahinang sabi ni Jayjay kaya naman natigilan ako.

Hindi ko kasi alam kung saan na naman magsisimula nang walang Vance sa buhay ko— sa buhay namin ni Asher lalo’t alam kong magtatamomg ang anak ko tungkol kay Vance, kung bakit hindi na dumadalaw ang lalaking akala niya ay magiging Ama niya.

Natatakot ako dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Kung paano magsisimula at kailan ako dapat magsimula.

Napatakip na lang ako sa mukha ko lalo’t alam kong hilam na ang mga luha sa mga mata ko.

“Tahan na,” mahinang sabi ni Jay-jay sa akin.

“Paano si Asher?” mahinang tanong ko. Ang mararamdaman lang talaga ng anak ko ang labis na nagpapahirap sa akin.

Hindi ko na kayang saktan pa ang damdamin ng anak ko.

Nasaktan na ‘yon nang hindi niya kilala kung sino ang totoong ama niya. Alam ko kahit hindi nagsasabi si Asher ay gusto niyang makilala kung sino ba talaga ang Ama niya.

“Alam kong mahirap, Aiko. Alam ko pero kung hindi mo pa kayang sabihin sa inaanak ko ang lahat ng nangyayari, huwag mong ipilit. Kailangan handa kang umamin sa kan’ya kung ano ang nangyayari sa inyo ni Vance, sa ngayon huwag kang tanga,” mahinang sabi niya kaya hindi ko alam kung matatawa ako o hindi.

Napapikit na lang ako lalo’t nag-iisip ako ng dapat na gawin upang makausad ako. Sariwa pa ang sakit at hindi ko alam kung paano ito maghihilom.

Aaminin kong nandito pa rin ang pagmamahal na meron ako kay Vance subalit ayaw ko nang lokokin pa ang sarili ko.

Alam kong mahihirapan ako sa paghakbang ko papaalis sa panibagong kadilim na ‘to pero kailangan kong gawin, kailangan kong bumangon, kailangan kong labanan ang sakit para kay Asher.

Tama si Jay-jay.

Kailangan kong umusad kahit na sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman ko.

Kailangan kong pulutin ang mga nagkawasak-wasak na puso ko upang makausap. Alam kong mahirap pero hindi ako pwedeng sumuko lalo’t may Asher akong dapat na pag-alayan ng lahat.

Siguro nga mahal na mahal ko pa si Vance pero hindi ako tanga para hindi simulan ang bagong bukas ng wala siya.

The new beginning without him.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status