Share

Chapter 2 - Aiko's Life

Aiko Belle's POV

Nagmamadali akong umuwi upang magpaalam sa anak ko lalo't makikipagsaya ako kila Megan. Buti na lang ay nakausap ko naman si Ate at sinabing ihatid na lang sa bahay si Asher.

"Asher, anak?"

"Mommy!"

Napangiti ako agad at tila nawala ang pagod ko nang makitang tumakbo si Asher papalapit sa akin.

May ngiti siya sa mga labi niya na tila nananabik din na makita ako. Buong maghapon akong wala dahil sa trabaho. Kung tutuusin din ay hindi na ako ang nagbabantay sa paaralan niya lalo't si Asher ay kinder na at talagang matalinong bata.

Natatakot ako tuwing nakikita ang mata ni Asher. It's obvious that he has a different race besides being a Filipino.

Hindi ko nakita ang mga mata ng lalaking nakatalik nang gabing 'yon dahil mahimbing na natutulog ang lalaki.

Ngunit nang ipinanganak ko si Asher ay sigurado na akong may lahi ang gwapong lalaking 'yon.

'Well... malaki ang bayag niya kaya hindi nakakagulat,' mahinang sabi ko sa aking isip.

My son's eyes are color baby blue eyes.

Ayos lang naman palang magpakana sa may lahi na 'yon lalo't biniyayaan din ako ng magandang lahi na anak.

Kulay itim na itim ang buhok ni Asher na nakuha niya sa akin ngunit ang asul na mga mata niya ang dahilan kung bakit alam ng mga chismosa sa labas namin na hindi si Vance ang ama ni Asher.

Si Vance ay ang nobyo kong tumanggap sa aming dalawa ni Asher.

Isa pang dahilan kung bakit labis na nasasaktan ako ay ang katalinuhang taglay ng anak ko na madali niyang nalaman na hindi si Vance ang Ama nita dahilan kung bakit may nagtutukso kay Asher sa eskwelahan niya.

Si Asher ang buhay ko at ayaw kong maranasan niya ang dinanas kong panghuhusga.

Hindi ko kakayanin na makitang lumuluha ang anak ko.

Kung bakit ba naman kasi may asul na mga mata ang tatay ni Asher? Meron nga ba? Imposible namang wala lalo't siya lang naman anng nakakuha sa akin.

Pero mukha naman talagang Americano ang lalaking nakatalik ko kaya hindi ko maipagkakailang doon namana ni Asher ang mga mata niya.

"Mommy ko? Ang dami kong stars, look!" masayang sabi ng aking anak kaya napangiti naman ako.

"Ang yabang ah, bakit hindi pa tinanggal ni Tita?" tanong ko lalo't ang ate ko nga ang nagbabantay rito dahil lang ilang minuto lang ang layo ng bahay ng Ate ko sa apartment namin.

"Ayaw kong ipatanggal kasi gusto ko makita ni Tito Vance," nakangiting sabi ni Asher.

Mahal na mahal ng anak ko si Vance.

I felt happy when my son mentioned my boyfriend. I was happy that the two got along even though Vance was often away from us.

'Yon lang naman ang pangarap ko maliban sa ikasal na kay Vance lalo't handa naman na ako.

Hindi na ako bumabata at nag-uumpisa na ring gumanda ang pasok ng kinikita ko, kaya ko naman ipunan ng pag-aaral ni Asher.

Masaya si Asher kay Vance kaya mas masaya ako.

Alam ko naman na minsan ay nangungulila si Asher sa totoo niyang tatay pero si Vance ang sumasalo sa pangungulilang 'yon. Kaya bakit ko pa pakakawalan si Vance?

Madalas lang itong wala dahil isang businessman si Vance at abala sa pagpapalawak ng namanang kumpanya kaya naman pabalik-balik ito sa Maynila.

"Anak baka hindi pa dumalaw si Tito Vance, lalo't naggtratrabaho ito," nakangiti kong sabi at ginulo ang itim na itim na buhok ni Asher.

Nakita ko namang bagsak ang balikat ni Asher nang maring ang sinabi ko.

"'Di ba sinabi naman niya na babawi siya sa 'yo sa susunod na dumalaw siya rito? Hintayin na lang natin siya," mahina pang pang-uuto ko kay Asher.

"Sinabi niya rin po 'yan noon pero hindi naman siya bumawi at madalang siyang makipaglaro sa akin," mahinang sabi ng limang taong gulang kong anak.

"Asher naman... alam mo namang abala lang talaga si Tito Vance mo. Minsan naman ay nakikipaglaro siya sa 'yo kaya ano ang problema mo anak?" mahinang tanong ko.

Mukhang mahihirapan akong ligawan ang anak ko para lang payagan akong makitulog kila Megan.

Asher doesn't want to sleep without me by his side.

"Promise, Mommy? Babawi si Tito Vance?" tanong sa akin ng anak ko habang nakatitig sa mga mata ko na tila ba naghihintay ng positibong sagot.

"Oo naman anak," nakangiting ani ko lalo't nagtitiwala ako kay Vance na hindi niya bibiguin si Asher dahil katulad ng pagmamahal niya sa akin ang nararamdaman niya sa anak ko.

Buong-buo ang tiwalang meron ako kay Vance. Hindi naman niya sisirain ang tiwalang meron ako sa kan'ya kaya nga maging ang anak ko ay isinugal ko sa relasyong 'to.

Maging ako ay umaasa na may tatayong Ama kay Asher.

Dahil oras na makita kong nasasaktan si Asher ay siguradong 'yon din ang dahilan ng dobleng sakit na mararamdaman ko.

Asher is my life. Unexpectedly, the night I had sex with a stranger; that stranger gifted me a good son.

Gagawin ko ang lahat para kay Asher.

Nasa banyo sila ni Asher habang nililinis ko ang braso nito kung saan may mga tatak ng stars mula sa guro niya. Madumi kasi 'yon at ayaw ko naman na tumagal pa sa balat ni Asher dahil baka magpantal-pantal ito.

Ang selan pa naman ng mapuputi niyang balat.

"Mommy kailan po dadalaw sila Tita Ganda?" tanong ni Asher. Ang tinutukoy niyang babae ay si Megan.

"Nasasabik ka na kay Tita Ganda at Tita Love?" tanong ko kay Asher.

Tita Love ay si Jay-jay. Sila ang tumulong sa akin noong naghihirap ako kay Asher.

"Hmm-mm. Laging may pasalubong na laruan si Tita Love tsaka Tita Ganda kapag dinadalaw ako," nakangiting sabi ng anak ko kaya naman natawa ako.

My son is a real user and he has a lot of money from his aunts. I don't know where Asher got that from or if he really just has a habit of talking to his aunts as if they talking about some business.

Katulad na lang sa mga stars niya o kaya naman sa mga aktibidad niya sa eskwelahan. Idadaldal 'yon ng anak ko kila Megan dahilan kung bakit binibigyan naman siya nila Megan ng laruan o ng pera.

Nakakaipon pa nga ng malaki-laki si Asher na siyang ginagamit niya para bumili ng paborito niyang pokemon mini toys, hindi na rin siya humihingi ng pera sa akin.

"Mommy... may pera ka na po?" tanong ni Asher dahilan kung bakit malakas akong natawa.

"Kung ang mga Ninang mo ay nabobola mo at nadadala mo sa pakiusap pwes sa akin hindi 'yan uubra," tumatawang sabi ko sa anak ko.

"Kasi ano... meron akong nakita sa labas ng school na nagbebenta ng laruan," sabi pa niya na tila hindi ako sinusukuan habang mahaba ang nguso kaya naman pinisil ko ng mahina ang ilong ni Asher.

"Ang dami mong laruan anak. Bibilhan ka ni Mommy kapag hindi ka magulo sa school at hindi ka pasaway kay Teacher at kay Tita Apple," sabi ko bago ko buhatin si Asher.

Halos matumba pa ako lalo't ang laki na pala ni Asher at mabigat na rin.

Pumasok sa kwarto namin ni Asher at binihisan na ito.

"Anak... ayos lang ba kung kila Tita Apple ka muna?" tanong ko kay Asher na nanonood na ng paborito niyang Pokemon na palabas sa telebisyon.

"Saan ka po punta, Mommy?"

"Kila Tita Ganda lang," sabi ko kaya nagliwanag naman ang mukha ng anak ko kaya naman alam kong ang kasunod ng maaliwalas na mukha ni Asher ay ang hiling na hindi pwede lalo't mag-iinuman kami nila Megan.

"Sama ako, Mommy!" malakas na sabi ni Asher sa akin at tumalon-talon pa siya na para bang may masayang balitang narinig mula sa akin.

"Anak... iinom sila, Mommy e."

Mabilis umintindi si Asher at alam din nitong pang matatanda lang ang ginagawa ko lalo't hindi naman ako nagkukulang na magpaliwanag kay Asher sa mga bagay-bagay.

"Alcohol, Mommy? Why?"

Umupo naman ako sa kama bago sinagot si Asher. "Opo, anak. Kasi 'di ba natapos na sa pag-aaral si Tita Ganda at nakapasa siya. Ililibre lang kami ni Tita Ganda."

"Okay. Come home right away so you can pick me up from Aunt Apple right away."

"'Nak kasi doon na muna matutulog si Mommy e. Ayos lang ba? Pwede namang hindi, uuwi na lang agad ako para hindi ka umi---"

"Makikita kita bukas pagkagising ko?" tanong niya sa akin kaya wala akong pamimilian kundi umuwi ng maaga bukas para makita ako ng anak ko.

Sabado bukas kaya naman pang-gabi ang duty ko sa trabaho kaya naman makakasama ko si Asher maghapon at baka kausapin ko si Megan na sumama para dalawin si Asher.

Nasasabik na kasi ang anak ko na makita si Megan.

"Opo anak, makakasama mo si Mommy bukas tapos maglaro tayong dalawa," nakangiti kong sabi kaya naman tumango si Asher.

Wala naman akong nagawa kundi ayusin na lang ang mga gamit ni Asher at tawagan ang Ate ko na doon na muna si Asher hanggang bukas.

Minsan na lang naman ako lumabas at kasa-kasama ko lang sila Megan kaya nagsisimula na akong magsawa sa pagmumukha ng mga kaibigan ko.

Konti na lang ay magpalit-palit na kami ng mukha nila Megan.

Muli akong tumingin kay Asher na tahimik na nanonood at hinihintay akong mag-ayos. Mamaya-maya lang kasi ay susundo na rin si Jay-jay para sabay na kaming aalis papunta sa bahay ni Megan.

Muli akong napangiti dahil nakikita ko si Asher na lumalaking mahal na mahal ako.

Hindi ako nagsisi na piliin ito kaysa sa desisyon ng mga magulang ko noon at ng una kong nobyo na ipalaglag si Asher.

Sabihin na ng mga ito na masama akong anak at nobya ngunit hindi ako magiging masamang Ina. Oo nga't nagkasala ako sa mga magulang ko ngunit hindi ako magkakasala sa Panginoon para lang sa papuri ng ibang tao. Mas ninais kong buhayin si Asher.

Ngayon si Asher ang buhay ko.

Lahat gagawin ko para kay Asher. Lahat-lahat, gano'n ko kamahal ang anak nkong sigurado akong kakampi ko hanggang sa huli.

My life; Asher Dale Velasco. Ang bunga namin ng lalaking may malaking bayag.

Paano kung magsalubong muli ang landas naming dalawa? Tatanggapin niya kaya si Asher?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status