Share

Chapter 4 - The Betrayal

Aiko's POV

Umuwi ako sa bahay na pagod na pagod galing trabaho pero ayos lang lalo't sigurado akong mauuwian ko ang anak ko. 

Lahat naman ng pagod na nararamdaman ko ay nawawala kapag nakikita ko si Asher. Si Asher ang buhay na hindi ko ipagpapalit kahit na kanino. 

Asher is growing up so fast and I'm sure he's starting to question why he doesn't have anyone called 'daddy'. Alam ko namang mahirap pang ipaliwanag sa kan'ya ang lahat at kung tutuusin ay pwede akong magsinungaling sa kan'ya tungkol sa kan'yang Ama subalit ayaw ko.

Panigurado kasing alam lang din ang mahihirapan kung bubusugin ko ng kasinungalingan si Asher. 

"Mommy!" 

Bigla akong napapikit sa kasiyahan nang marinig ko ang boses ng anak ko. Alam kong sasalubungin niya ako ng isang mahigpit na yakap. 

Gano'n ako kamahal ni Asher. If there's anyone who will stay by my side, I'm sure it's Asher.

"Asher! My baby!" sigaw ko at sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap. 

Nasa pinto kasi siya ng apartment namin. 

"I missed you too, mommy!"

Natawa naman ako sa sinabi niya na para bang hindi kami nagsama kaninang umaga bago siya pumasok sa kan'yang eskwelahan.

"Na-miss din kita," sabi ko at kahit na mabigat na siya ay binuhat ko siya at pinaghahalik sa kan'yang leeg. 

He's only going to act baby to me once in a while so kailangan kong sulitin. 

"Mommy! Pwede mo nang tawagan si Tito Vance," malaki ang ngiti niyang sabi sa akin kaya naman napangiti ako. 

"Naku, Aiko. Pagbigyan mo na 'yang anak mo, kanina pa ako kinukulit na tawagan si Vance pero wala naman akong load. Isa pa wala naman akong karapatan na kulitin 'yong tao at baka busy sa trabaho," sabi ni Ate na kalalabas lang ng pinto namin. 

Pinakatitigan ko naman si Asher. Kitang-kita ko ang pagkasabik sa magandang mga mata ng anak ko. Ang matang kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

Nakuha ni Asher 'to sa Ama niya na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ko makikita. 

It's been a while since we last talked to Vance. Vance seems too busy with his work.

Nasasabik na sa kan'ya si Asher.

Nang magpaalam ang ate ko na siyang nagbabantay kay Asher ay nagpasalamat lang ako sa kan'ya lalo't talagang mas mahihirapan ako kung wala siya an siyang nagbabantay kay Asher.

Dahil nga hindi ko kayang matiis si Asher ay nang makapagbihis ako ng pambahay at matapos na magluto.

Nang nasa sala na kami ay tinawagan ko ang numero ni Vance upang makausap namin siya ni Asher. 

Subalit nakailang tawag na ako ay hindi sumasagot si Vance ngunit tumutunog naman ang phone niya. 

'Gano'n na lang ba siya kaabala na hindi na niya masagot ang tawag sa kan'ya ng nobya niya?'

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Asher nang hindi sinasagot ni Vance ang tawag ko kaya naman hinawakan ko ang anak ko sa mukha niya at ngumiti.

"Busy lang siguro si Tito Vance," nakangiti kong sabi pata kahit papaano ay gumaan ang loob niya.

"Pero ang tagal na po niyang hindi tumatawag," malungkot na sabi ng anak ko.

Alam kong masama ang loob niya dahil matagal na siyang nasasabik kay Vance.

"Kapag nakita ni Tito Vance mo ang mga missed calls natin paniguradong tatawag siya maya-maya kung hindi na siya abala sa trabaho niya," nakangiting sabi ko kaya naman nakita kong mas humaba ang nguso ni Asher.

Kahit malungkot ako para sa anak ko ay hinalikan ko na lang siya sa leeg niya. 

"Lagi na lang kayong abala ni Tito Vance sa trabaho," rinig kong bulong ni Asher. 

Bigla akong nakaramdam ng lungkot at nasaktan sa sinabi ng anak ko. 

"Asher..."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa anak ko. 

"Halika na kumain na tayo anak. Para rin naman sa 'yo lahat ang pagtra-trabaho ni Mommy," mahinang sabi ko habang hinahaplos ang pisngi niya.

Tumingin sa mukha ko si Asher. Pinakatitigan niya akong mabuti bago siya tumango. 

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang tampo niya subalit hindi ko pwedeng pabayaan na lang ang trabaho ko lalo't nag-aaral na siya. 

Ramdam na ramdam ko ang bigat ng gastusin. Hindi naman ako pwedeng umaga na lang kay Vance. Kahit pa ba nagbibigay siya ay may pride naman akong pinaghahawakan.

Until Asher and I finished eating, he always looked at my cellphone as if he was waiting for someone to call from it.

Hinihintay niyang tumawag si Vance. 

Every time he sees my phone light up, he looks at it.

Hindi na ako nakatiis at muling tinawagan si Vance. Bahala na kung mainis siya sa tawag ko pero gabing-gabi na rin naman.

Nagbabakasakali akong nakauwi na siya. Hindi naman kasi dead batt ang cellphone niya lalo't nagri-ring naman.

Iba-iba na ang pumapasok sa isip ko kung bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nagsisimula na rin akong kabahan sa nangyayari. 

Hindi pa rin talaga niya ako sinasagot dahilan kung bakit nakaramdam ako ng inis.

Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko lalo't sigurado akong mag-aaway kami ni Vance kapag pinairal ko na naman ang galit ko.

Ayaw kong mag-isip ng nega subalit hindi ko mapigilan. 

My anger flared even more when I saw that my son had fallen asleep.

Alam kong natulog siya ng may sama ng loob na nararamdaman. Umasa kasi siyang makakausap niya si Vance kahit na papaano. 

Naghintay ang anak ko sa labas ng apartment namin para lang matawag namin ng sabay si Vance pero sawi siya ngayong gabi. 

Napahawak ako sa noo ko at muling tinawagan ang numero ni Vance. 

'May nangyari kayang masama sa kan'ya?'

Nagsisimula na akong kabahay.

Bigla akong nabuhayan nang bigla na lang niyang sinagot sa wakas ang tawag ko.

"Hello, Vance! Bakit ngayon ka lang sumagot ng tawag ko?" nag-aalalang tanong ko sa kan'ya. Tumingin ako kay Asher at lalapitan ko na sana siya para gisingin nang bigla akong nanlamig nang marinig kong may nagsalita. 

["Kanina ka pa tawag nang tawag. Nasa shower si Vance, ano bang kailangan mo? Kanina pa ako naiinis dahil sa kakulitan mo,"] rinig kong sabi ng isang babae.

Biglang naiwan sa ere ang kamay ko na sanang gigising sa anak ko upang sa wakas ay makausap na niya si Vance. 

"B-bakit hawak mo ang cellphone ni Vance?" kinakabahang tanong ko at unti-unting nilalamon ng selos ang puso ko. 

Bakit babae ang may hawak ng cellphone niya? Bakit may kasama siyang babae?

Isa pa... nasa shower si Vance?

["Dapat nga ako ang magtanong sa 'yo... bakit ka tawag nang tawag ng ganitong oras sa nobyo ko?"

Doon ako biglang natigilan nang sabihin 'yon ng babae sa kabilang linya. Nobyo? Nobyo niya si Vance? Baliw yata 'tong babaeng kausap ko. 

"Pwede bang ibigay mo kay Vance ang telepono, siya ang gusto kong kausapin," malamig na sabi ko pero alam ko sa kaloob-looban ko ay nilalamon na ako sa sakit.

Tuluyang nadudurog ang puso ko.

Masasaktan na naman ba ako dahil sa isang lalaki?

Masasaktan na naman ba ako at maiiwan ng isa na namang lalaki?

["Baliw ka ba? Bakit ko ipapakausap sa 'yo ang nobyo ko?!"] sigaw ng babae sa kabilang linya. 

"Ikaw ang baliw! Paano mo nasabing nobyo mo si Vance kung ako ang nobya niya!" sigaw ko na lalo't nakalabas na ako sa kwarto namin ni Asher. 

Nanlalamig ang pawis ko at nanginginig din ang mga kamay ko. 

["Baby, who's that?"] rinig kong tanong ni Vance dahilan kung bakit unti-unting nagsilaglagan ang mga luha mula sa mga mata ko. 

What the fuck?! What kind of betrayal is this?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status