7 p.m at Luxury HotelMaraming tao na ang mga naroon ng dumating kaming dalawa. Medyo malaki na rin ang tummy ko at two months na lang ang hihintayin namin ay manganganak na talaga ako sa twins namin. Alam kong excited na ang ate Alexa nito at ang abuela niya na kasama rin sa party. Naunang dumating ang magulang ko at marami pa silang bisitang kakausapin. Nang makita nila ang pagdating namin natigil ang pakikipag usap nito at sinenyasan kaming lumapit sa kinaroroonan nila. Inalalayan ako ni Peterson papunta sa harapan kong saan sila nakatayo. Pag dating namin doon pinakilala kaming dalawa agad ni Dad. At super thankful ako na tanggap nila ang fiance' ko kaya wala na talaga akong ibang mahihiling pa kundi ang maikasal na rin kami. Gusto sana nilang ikasal na kami kaso nag alangan ako at hindi pa ako nanganganak kaya ipinagliban na lang muna namin ang kasal at hintayin na lang na manganak ako. "Please excuse us!" singit ko sa usapin nila at medyo nakakaramdam na rin kasi ako ng hilo, s
After the party bigla akong nag cravings kaya niyakag ko si Peterson. "Love, saan ba tayo pupunta? Medyo late na rin hindi ka ba napagod?" tanong nito na mukhang siya ang pagod na pagod sa itsura niya."Hindi. Kaya tara, heto ang susi at mag drive ka. Utos ko rito sabay hagis ng key sa kaniya na nasalo naman nito. "Fine! Fine!" sagot niya. Kong 'di ka lang buntis. Haixt!!" bulong niya na akala hindi ko maririnig "Anong sabi mo?" tanong ko."W..Wala, sabi ko ang ganda mo. Oo ipagda drive na kita." sagot nito."Good, let's go." nakangiting saad ko. Inayos ko ang seatbelt pagkapasok at maging siya. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan papalayo ng building. Hindi ko alam kong saan kami pupunta, pero ang cravings ko ay mga street foods na alam kong 'di siya papayag kaya mamaya ko na sasabihin sa kaniya kapag nasa Bay walk na kami or seaside ng Mall. Nakakalahati na kami ng layo ng bigla siyang magtanong kong saan ba talaga kami pupunta. Ngunit patay malisya lamang ako at hindi ko siy
Natigil ako sa pag kwento ng naka tunghay lang siya sa akin. "Ganon ba, sorry, love. Hindi ko naman kasi alam mga pinagdaanan mo." wika niya."Okay lang, wala kang dapat ika-sorry pa. Ako dapat ang mag sorry sayo kasi ini inis na naman kita. Hindi pa kita sinamahan kanina, medyo badtrip kasi ako. Pero ngayon hindi na, sige I'll try kong makakaya kong kumain niyan." wika nito. "Ano ka ba, you don't have too. Binibiro lang kita, hindi rin naman ako kakain ng sisiw at buntis ako remember.""E, para saan yang binili mo?" tanong niya."Wala lang gusto ko lang mang libre sa mga kapwa ko kabataan noon. Alam ko kasi ang dinaranas nila, minsan na rin akong naging palaboy laboy sa lansangan simula ng lumayas ako sa Palasyo at bago pa kita nakilala at si Mrs. Sta. Felicia. "So, okay ka na ngayon? Pwede na ba tayong umuwi kasi super late na rin talaga." "Sige, medyo happy na rin ako." Niyakag na niya ako pabalik ng kotse at pinaharurot na niya ito papalayo ng baywalk. 12 A.M at the Forbes M
KINABUKASAN Panay hilab ng tummy nito at kinailangan nang dalhin sa ospital ni Peterson. Sobrang kaba ang naramdaman nito ng makarating sila sa ospital at sinabi ng doctor na kailangan nang paanakin siya via ceasarean section delivery. Hindi na raw kaya ng kambal na magtagal sa loob ng sinapupunan niya at pumutok na rin kasi ang panubigan nito kaya no choice sila. Pagpasok niti sa O.R pinayuko agad siya at tinurukan ng karayom, dama niya ang sakit ng pag tusok ng injection sa likod nito. Hanggang sa ang sakit ay nawala at namanhid ang kalahating katawan niya hanggang sa nakatulog na rin ito at doon na sinimulan ng mga doctors ang operasyon. Kanina pa nasa labas si Peterson at matyagang nag hihintay mag i-isang oras na kasing nasa loob ng O.R si Angela at wala pa siya na kahit isang balita sa mga doctors na nasa loob ng O.R, kanina pa rin siya kinakabahan sa labas. Hanggang sa lumipas ang dalawang oras at lumabas na rin ang isang doctor galing sa loob. Kaagad siyang lumapit dito at n
Hinawakan niya ang pisngi niya na sinampal ko. Ginalaw galaw niya ang panga niya bago tumingin sa akin. "Love, what's wrong with you??? Anong problema mo???" "Talaga ba tinatanong mo ako kong anong problema ko. Ikaw! Ikaw ang problema ko. Napakasinungaling mo. How many times I ask you about the twins but you fool me. Ang sabi mo okay lang ang kambal, tapos ano 'tong malalaman ko?" galit na sigaw ko at kulang na lang murahin ko siya sa gigil ko. "Hija, enough. Stop it. You need to relax." awat ni Mommy. Pero, hindi ako nagpatinag dito. "Love, let me explain, please. Wala naman akong balak na itago sayo ang lahat ng 'to. Humahanap lang talaga ako ng tyempo para hindi ka mabigla. Kakapanganak mo pa lang at hindi normal delivery kaya hindi ka pwedeng ma stressed. Sasabihin ko rin naman sana sayo kaso na--" "Lier! Wala kang balak sabihin sa akin kasi kong meron kanina pa. Ano magsisinungaling ka pa rin. Ipagpipilitan mo yang kamalian mo ngayon." "Hija, hijo, enough. Stop shouting in fron
Kasalukuyang nagpapahinga si Angela sa Mansyon kararating lamang niya buhat ng mang galing sa pagkaka discharge sa ospital. Medyo nalulungkot pa nga siya, sapagkat hindi makakasama ang kambal niya sa kaniya, dahil nasa NICU pa rin ang mga ito. Pinahinga niya muna ang kaniyang sarili at mga agam-agam na gumugulo sa kaniyang isipan ng mga oras na 'yon. Kahit panay sulyap siya sa labas ng bintana at nagbabakasakaling dumating na ito at ng makapag usap sila ng masinsinan. Malapit lapit na rin kasi ang kasal nila ay ayaw naman niyang magkaproblema silang dalawa nito. Ang babaw naman kasi ng pinag awayan nila kong hindi matutuloy ang kasal. Napaka immature niya na kong mangyayari ang ganon sa kanila. Hanggang sa nakatulugan niya ang mga ini-isip.KINABUKASANBubulabugin ang Mansyon ng mga VillaGracia sa balitang darating. Kasalukuyang naka higa sa kama si Angela ng tawagin siya ng kasambahay nila at sinabing may pulis sa ibaba at hinahanap siya, dahil hirap at hindi maka bangon ng maayos si
Ilang oras rin ang iniyak ni Angela bago siya napapayag ng mga magulang na sumama sa funeraria para makita ang bangkay ng kaniyang fiance' bago ito dalhin sa simbahan para paglamayan ng ilang araw bago ihatid sa kaniyang libingan. Wala siyang magawa kundi harapin na lang ang masakit at masalimuot na kaniyang pagdaraanan lalo na't kapapanganak pa lang niya sa kanilang anak at isa pa paano niya sasabihin sa anak niyang si Alexa na kasalukuyang nag-aaral sa ibang bansa na patay na ang kaniyang Daddy Peterson. Habang nasa byahe sila hindi pa rin maiwasang mapaluha ni Angela at isipin na darating siya punto na ganito. Tumigil ang sasakyan at bumaba na ang kaniyang mga magulang at sumunod na lang siya. Naglakad na ito papasok samantalang siya naman ay kinailangan pang humugot muna ng lakas ng loob bago pumasok sa loob ng funeral. At nang kumalma na ang kaniyang pakiramdam. Itinulak niya na ang pintuan at mula sa dulong bahagi nakita niyang nakatayo ang mga magulang. Mabigat ang mga hakbang n
Habang nagtatakbo ito palayo sa bakanteng gusali kung saan siya dinala nang masamang taong dumukot sa ka'nya. Hanggang sa naririnig niya na ang boses ng mga tauhan nito."Hoy! Sabing tumigil ka," sigaw nito, pero hindi man lang siya lumilingon kahit anong gawin nila para hindi siya maabutan at mahuli. Hanggang sa nagpa putok na ito ng baril para lang tumigil siya, pero hindi pa rin ito nag patinag. "Bahala sila humabol ng humabol, kailangan kong umalis dito." usal niya. Mas binilisan niya pa ang pag takbo, sapagkat hindi siya dapat maabutan, dahil mas manganganib ang buhay ng kan'yang mag-ina kung sakaling makukuha nila ulit siya. Kahit masakit na at nagkanda paltos paltos na ang paa niya tuloy pa rin ito sa pag takbo. "Tulungan niyo akong maka alis sa lugar na 'to," mahinang usal ko. Dahil pagod na pagod na rin ang katawan ko at gusto ko nang sumuko pero hindi talaga pwede. Tumakbo pa ako ng mabilis hanggang sa hindi ko namalayan ang--"Nagising siya na hapong hapo at pawis na pawi