Chapter twenty eightSamanthaPaggising ko gumaan ang pakiramdam ko, kase wala na akong itinatago kay kuya Jiro. Kaso nahihiya ako sa lugar na pinagtrabahuan ko, hindi na ako magpapakita doon pero yung sahod ko kaya? Paano ko kaya kukunin yun? sayang din.Ang mga mata ko ramdam ko ang pamumugto, sobrang bigat na parang naubusan ng luha, kagabi lang kase ako humagulgol ng ganun, nailabas ko lahat ng sama ng loob ko.Sama ng loob sa sarili at sa pagod ko na rin, hindi naman ako galit o wala naman akong sama ng loob kay kuya Jiro sobrang nacomfort niya ako kagabi lalo na noong pinagtulungan ako ng customer na nabuhusan ko, kakaunti lang naman ang mantsa pero ang dami na niyang sinabi, oo kasalanan ko pero hindi naman sana nila ako pinahiya, yung manager namin nanlalaki ang mga mata sa akin na parang may binabalak na masama sa akin after work ko pero buti na lang inilayo ako ni kuya Jiro, inalis niya ako sa sitwasyon na iyon, mabuti na lang talaga iniwas niya ako doon.Sobrang saya ng pus
Chapter twenty nineSamanthaHindi ko na inalala pa yung narinig ko bago ako pumasok dito sa loob, nagfocus ako sa ginagawa kong trabaho dahil dumadami ang customer.Marami kaseng mamimili ang kinakalat lang yung mga nakadisplay at hindi na ibinabalik sa dating ayos.Kahit iniisip ng iba madali lang ang trabaho namain nakakapagod pa rin, minsan kapag nakakaencounter pa ng mga mamimili na mainitin ang ulo, umiiwas na ako doon minsan natrauma ako sa nagyari sa akin noon sa fast food kaya kapag may nagtatanong doon agad sa manager ang tinuturo ko lalo kapag may nagrereklamo.Nasa second floor ako at inaayos ang mga stocks, may kasama ako dito pero hindi naman kami nag uusap, padami ng padami ang tao lalo payday, maraming pera ang tao kapag sahuran, si kuya Jiro kaya sumasahod din kahit sa kaniya na yung kompanya? Siya nanaman naalala ko.Malapit na rin ang sahuran dito, kaso maliit naman ang sasahurin ko dahil apat na oras lang ang trabaho ko minsan pa nga tatlo.Muntikan ko na mabitiwan
Chapter thirtySamanthaBago kami umuwi ni kuya Jiro nakiusap ako sa kaniya na balikan ang gamit ko doon sa pinagtatrabahuan ko, mabuti na lang sinunod niya ako.Pagpasok ko tinginan lahat sila sa akin na parang ang daming tanong sa isipan nila, dumiretso ako sa manager at kinausap siya ng maayos.“Kamusta ang pakiramdam mo Sam?” tanong agad sa akin ng manager.“Mabuti na po ang lagay ko, kukunin ko po sana ang gamit ko sa locker maam.”“Ah ganun ba. Sige kunin mo na at magpahinga ka din.”“Salamat maam.”“Ang gwapo ng boyfriend mo ah.”s biglang hirit niya, nakatingin siya bandang likuran ko at pumasok nga talaga si kuya Jiro dito.“Nako maam hindi---”“Aahh! Ayan na ang pogi!” sigaw nila ng kasama niya at kinikilig pa, hindi nila ako pinansin, hindi nila narinig ang sinabi ko, kunin ko na nga yung gamit ko ng makauwi na kami.Pumunta si kuya Jiro doon sa manager at kinakausap niya ito ngayon, hindi ko alam kung anong sinasabi niya sa kanila ang seryoso ng mukha nila.Yung mga kasama
Chapter thirty one Samantha Hinintay ko silang umuwi, mga alas nuwebe na ng gabi tsaka kami umuwi, si manong Domeng ang driver namin. Halatang pagod si kuya Jiro dahil nakapikit siya habang nasa byahe kami. Natatakot tuloy ako magkamali sa trabaho ko, ano kayang ang magiging trabaho ko sa kaniya? Wala pa naman siyang sinabi dahil busy din siya kanina tapos ang daldal ni manong Domeng. Bagay talaga silang magkasama ni manong Domeng dahil hindi siya maboboring. Nag uusap silang dalawa habang papasok sa bahay, mukhang masama ang pakiramdam ni kuya Jiro dahil sabi ni manong Domeng magtake ng gamot niya. “Kuya gusto mo ba ng kape?” tanong ko sa kaniya. “Hindi na muna siya pwede sa kape Sam, kailangan niya alaga.” Ang sama ng tingin ni kuya Jiro kay manog Domeng. “Hindi ko kailangan ng alaga.” Sabat niya tsaka siya naunang pumasok sa loob, mukhang nainis siya itong si manong Domeng kase malakas mang asar. Pero sanay na sila sa isat isa, hindi kaya bakla si kuya Jiro? Ano ba tong ini
Chapter thirty twoSamanthaMaayos naman ang naging trabaho ko kay kuya Jiro, wala naman siyang reklamo at si manong Domeng naman magaling umalalay sa akin.Sakto weekend na kaya naman naisipan kong ayain si kuya Jiro na pumuntang perya, ito kase yung pagkakataon na hindi ako masyadong pagod.Kapag weekdays nakakapagod din kahit na nasa school ka at nakikinig. “Kuya gusto mo bang pumunta ng perya mamaya?”“Perya?”“Yung nakita natin na may maraming ilaw sa daan.” Hindi siya umiimik. “Pwede din.” Ayun pumayag na din.“Ako gusto ko!” sigaw ni manong Domeng. “Ay may pupuntahan nga pala ako.” biglang nagbago isip niya, ang bilis ah, akala ko gusto niya sumama.Natuwa ako dahil makakapunta akong perya tapos may kasama akong may pera hahaha biro lang gusto ko lang din ipasyal si kuya Jiro.Si manong Domeng parang gusto ata sumama kaso saan naman kaya siya pupunta? Maaga kami umalis dito sa kompanya dahil may pupuntahan kami ni kuya Jiro, hindi pa kami ng dinner pero nagmeryenda kami paano k
Chapter thirty threeSamanthaHinihigit ko ang aking mga braso kaso ang higpit ng pagkakahawak nila sa akin, nakatingin si kuya Jiro sa akin ngayon.Ayos lang ako kuya, lumaban ka, labanan mo sila. Yan ang gusto kong sabihin kaso natatakot ako dahil baka kung anong gawin nila kay kuya Jiro.“Bakit.” yan lang ang nasabi ko habang nakatitig siya sa akin, nanlalamig ang mga paa at kamay ko, hindi na dahil sa phobia ko ito, dahil na rin sa takot ko.“Pumikit ka na lang.” yan ang huling sinabi ni kuya Jiro sa akin bago siya pinagtulungan ng mga lalake na bugbugin.“Tama na!” sigaw ko, iisang lalake na lang ang nakahawak sa magkabilang braso ko pero hindi ako makawala dahil ang higpit ng pagkakahawak niya.Tinatakpan na lang ni kuya Jiro ang kaniyang mukha pero sinisipa siya ng mga lalake habang nakaluhod siya, hindi ko malaman kung napuruhan na ba ang mukha niya pero mahigpit niya itong tinakpan at ang katawan niya ang binugbog.Hindi ko matiis na makita siyang ginaganyan kaya naman pinili
Chapter thirty fourJIROIto yung unang beses na may tumadyak sa akin, hindi ko mapapalampas to, ang sakit ng buong katawan ko pero kaya ko pa naman kumilos.“Kinaya ka talaga ng lima?” tawang tawa si manong Domeng sa akin.“Huwag mo kong kausapin.”“Hahaha Jiro ikaw ba yan?”“Tumigil ka alam ko alam mo rason kung bakit.”“Hahaha oo naman kaso pwede mo naman sila dalhin sa malayong lugar at doon labanan.”“Naunahan ako, wala akong nagawa.” Kung umalis lang si Sam ng oras na iyon napatay ko na silang lahat kaso naunahan ako, hindi ko naman siya sinisisi dahil alam kong natatakot siya at natataranta.“Ganyan talaga kapag napapamahal na.”“Anong sabi mo?”“Napapamahal kako yung napapalapit ganon tapos ano umm, basta yun na yun mahirap na bitiwan.” Yung ngiti niya parang nang aasar.Ginawa ko lang kung anong dapat, alangan pabayaan ko si Sam, mga walang kwentang tao sa Lipunan ang mga nandoon maghintay sila ng oras nila ng malaman nila kung sino ang binangga nila.Hindi na ako sumagot sa
Chapter thirty fiveSamanthaInaalala ko si kuya Jiro ngayon, kase alam ko ang halos karamihan sa mga lalake mahilig gumanti, palalampasin na lang kaya niya yung ginawa nila sa kaniya?Hindi naman galit sa akin si kuya Jiro, akala ko kase ako ang masisisi kapag nabugbog siya pero hindi naman, sobra lang akong natuwa dahil may nagcocomfort sa akin na lalake kahit papaano.May gagawin sana ako ngayong araw pero may napansin akong kakaiba, may mga tauhan si kuya Jiro dito sa mansyon na hindi ko madalas makita.Nagtaka ako dahil hindi naman nagagawi ang mga ganung tauhan ni kuya Jiro, iba ang suot nila parang mga body guward niya.Hindi lang iisa ang nakita ko, ang iba nasal abas ng mansyon pero hind isa mismong harap kundi sa may bandang likod na parang may binabantayan.Tapos may nakasalubong pa akong ibang mga tauhan niya, anong nangyayari? Bakit nasa bandang likod sila, hindi ko sana mapapansin iyon kung hindi ako dumaan sa may gilid kase naman glass ang pader kaya kita sila, ako lang
Chapter fifty nineSamanthaNadidismaya ako hindi kay kuya Jiro kundi sa sarili ko dahil ang dali kong umasa, hinalikan lang ako ang laki na ng expectations ko.Ganun ba talaga ang mga lalake? Kayang gawin ang lahat sa babae kahit hindi naman sila magkarelasyon? Lalo na at alam niyang hinahangaan siya ng lahat ng babae.Ganun ba talaga?Naluluha ako tuwing naiisip ko na pinaglalaruan lang ako ng ibang tao.Pero ano yung mga ipinapakita niyang pag aalala sa akin? Mga pagligtas? Siguro nga dahil kapatid lang ang turing niya sa akin, baka nadala lang siya noong gabing yun kaya niya ako nahalikan.Maaga akong umalis ng bahay, sinadya ko talaga dahil ayaw ko makita si kuya Jiro, sakto naman nandito na si manong Domeng.“Oh ang aga aga nakasimangot ka.” Agad na sabi ni manong Domeng.Ngumiti agada ko. “Hindi naman po.”Pilit na ngiti. “Ah siya ng apala salamat ha sa ginawa mo, kung hindi dahil sayo hindi ako makakabakasyon.”“Sabi mo uuwi ka din agad.”“Hahaha.” Tinawanan lang niya ako na p
Chapter fifty eightJIROHow can I hide my feelings?Yes I’m too older than her but, hays!Hindi ko maipaliwanag kung paano nahulog sa kaniya, basta ang alam ko komportable akong kasama siya, masaya ako kapag kasama siya, hindi ako mapakali kapag matagal ko siyang hindi nakikita.Ganun ang pakiramdam ko.Hindi ko lang napigilan noong nagbakasyon kami, hiyang hiya ako sa kaniya pero hindi ko pinahalata, hindi ko akalain na magiging ganito katindi ang kagustuhan ko para kay Sam, akala ko dati humahanga lang pero hindi, napatunayan ko yun lalo pa at may umaaligid sa kaniyang lalake, si Rod.Hindi pa kami nag uusap tungkol sa paghalik ko sa kaniya.Sa ngayon nakafocus ako sa trabaho, lalo may malaking deal kami na kailangan tapusin, si manong Domeng ang pinaayos ko nun, hindi ko naman akalain na aalis pala siya, hindi siya agpaalam sa akin, alam kase niyang big deal ang gagawin niya kaya hindi siya nagpaalam, nagulat na lamang ako ng sabihin sa akin na nasa probinsya na siya.Sakto pa nga
Chapter fifty sevenSamanthaMaayos naman ang lagay ko, wala akong pwedeng maidahilan para hindi pumunta at samahan sa party sa kompanya si kuya Jiro kase naman wala si manong Domeng hindi pa daw makakauwi sabi ng mga kasambahay na nakakausap ko.Sabi niya uuwi siya kahapon pero wala naman, kung sabagay ngayon lang kase siya nakabakasyon kaya sinulit na niya. Kung ako rin may mga kakilalang kamag anak malamang hindi na ako uuwi hahaha biro lang syempre susulitin lang din, hindi naman madalas magbakasyon si manong Domeng, palagi siyang nandito kasa-kasama ni kuya Jiro kaya wala rin siyang panahon para sa pamilya.Pagkatapos ng klase ko mamaya deretso ako sa kompanya ni kuya Jiro nandoon naman na ang isusuot ko, may party sila kase may naclose daw silang deal ewan kung ano yun, mga empleyado lang din naman ang kasama, salo salo lang din ata basta party yun kase pinag uusapan kahapon din naririnig ko noong palabas ako.Hinanda ko na ang sarili ko at nagpaalam kay kuya Jiro. “Papasok na a
Chapter fifty sixSamanthaHindi talaga ako nakahabol sa first subject ko, sa subject ko na after lunch ang papasukan ko, ang hirap naman kase kung pamamadaliin ko si manong Domeng, nakakahiya naman.Sabay kami ni kuya Jiro na pumasok dahil may klase din siya sa amin at siya ang second subject ko, magkasama kaming naglalakad papunta sa building, maghihintay siya ng oras doon sa office dahil may subject pa kami bago siya.Malapit na kami sa building ng may lumapit sa akin, nagulat na lamang ako ng bigla akong niyakap. “Akala ko kung anong nangyari sayo hindi ka pumasok sa first subject mo.” humiwalay din siya agad sa pagkakayakap, nabigla ako sa ginawa ni Rod at ganun din si kuya Jiro.“Pumasok ka na malalate ka.” Utos ni kuya Jiro sa akin.“Sige papasok na ako.”“May vacant ka ba mamaya?”“Wala.” Si kuya Jiro ang sumagot. “May pupuntahan kami mamaya.”Parang umiiba ang ihip ng hangin ngayon sa pagitan nilang dalawa, si Rod parang nagmukhang seryoso. “Magkasama ba kayo kanina ni Jiro?”
Chapter fifty fiveSamanthaMahina lang naman ang nadidinig kong kulog pero meron pa rin, kinikilabutan pa rin ako at bumibilis ag tibok ng puso ko pero namamanage ko siya ng kaunti, nakakalma ko ng maayos ang sarili ko.“Sigurado kang okay ka pa?”Tumango lang ako kay kuya Jiro. “Hindi masyadong umaatake phobia ko.”Hinahaplos niya ang likuran ko upang pakalmahin ako, hindi naman kagaya noon ang pakiramdam ko basta ang nararamdaman ko ngayon bumibilis ang tibok ng puso ko pero nagiging normal naman minsan.“May gusto ka bang kainin? Inumin? Kukuha ako sa labas?”“Tubig lang kuya.”Para kaseng natutuyo ang lalamunan ko kaya kailangan ko ng tubig, agad naman siyang kumuha, ang bilis nga niyang nakabalik.Mabuti na lang hindi gaanong malamig ang dinala niya, nakalimutan ko kaseng ibilin.“Salamat.” Nasa tabi ko siya ngayon at pinapainom ako ng tubig.“Parang nahihirapan ka pa rin makahinga.”“Ayos lang ako, hindi kagaya noon, mas mahirap nga noon kesa ngayon.” ang tinutukoy ko ay yung n
Chapter fifty four SamanthaNaeexcite ako dahil dalawa lang kami ngayon ni kuya Jiro, para kaming magdadate, ang sabi niya maganda sa pupuntahan namin kase maraming activity kagaya ng zipline, hindi ko pa yun nasusubukan.“Nililigawan ka?”“Huh?”“Nililigawan ka ba?”“Si Rod ba? Hindi ah, kaibigan lang ang turing ko sa kaniya.”“Good.”“Bakit mo natanong?”“Wala lang.”“Ikaw ba kuya, wala ka bang balak manligaw?” sa akin? Charot hindi ko na dinagdagan.“Why should I?”“Ganun naman talaga dapat mga lalake ang nanliligaw?”“Hindi na kailangan nun.”“Paano mo nasabi?”“Kapag ba niligawan kita sasagutin mo ko agad?” napahinto ako sa pagsasalita. “Sample lang yan.” Dagdag niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. “Diba hindi? Boring lang ang panliligaw.”Hindi ako makapagsalita. “Kase yun ang stages ng relationship na nakikita ko.”“Hindi mo makikita ang tunay na ugali kung manliligaw ka, wala ring kasiguraduhan, waste of time.”“Para makilala ang isat isa.”“Hindi kailangan magligawan para ma
Chapter fifty threeSamanthaWeekend nanaman at walang pasok, parang ayaw ko na bumangon, ang ganda ng sikat ng araw at kalangitan kaso yung mood ko parang ayaw kong kumilos pero kailangan ko tumulong.Paglabas ko ng kwarto ko rinig ko ang boses ni Ericka, bakit ang aga naman niyang nandito?Bigla kong naalala yung sinabi ni kuya Jiro kahapon, may nagugustuhan na siyang babae, talaga bang si Ericka yun?Kaya pala wala akong gana magkikilos kase may bad energy akong nasasagap.Gusto ko na lang humiga.Kaso lumabas na lang ako baka kase kung ano nanaman itsismis sa akin ng mga kasambahay dito na naiinggit sa akin.“YJust try Jiro hindi naman matamis.”“No thanks.”“Pero niluto ko to.”“Just leave it here.”“Ipapakain mo nanaman kung kanino.”Para silang nag aaway na magjowa pero hindi sila bagay. Sa pagkakaintindi ko sa naririnig ko pinipilit ipakain ni Ericka yung pagkain kay kuya Jiro kaso ayaw ni kuya Jiro, kahit tumambling ka diyan kung ayaw niya yan hind imo mapipilit.Ang weird la
Chapter fifty twoSamanthaSabi ko na nga ba hindi makakatanggi si kuya Jiro sa paanyaya ni Ericka, paano ba naman pinakausap pati nanay at tatay maimbitahan lang si kuya Jiro at kasama din ang mga schoolmates nila at dati nilang classmates, edi itong isa hindi makatanggi.Syempre sasama din ako babantayan ko si kuya Jiro baka kagatin ni Ericka.Naghahanap na ako ng maisusuot ko mamayang hapon, wala naman akong pangbeach party na theme nila magpantalon na lang ako.Nahihiya naman kase ako magshorts.Tinawagan ko si Riri kung may maipapahiram siya ag sabi niya may palda daw siya na may mahabang slit o kaya yung dress niya na maiksi pwede pangbeach, siguro yun na lang kaya hinihintay ko siya ngayon dito sa labas ng subdivision.Mahigpit kase dito.Inabot lang naman niya sa akin yung ipapahiram niya at bumalik din agada ko sa mansyon kaso pagkatingin ko ang iksi pala parang nagshorts na rin ako ng maiksi pero dress siya, hindi siya sexy sa bandang itaas.Ito na lang siguro, kailangan ko
Chapter fifty oneSamanthaHindi ako nakagalaw nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit sabay sabing sorry, anong ibig sabihin niya doon? Nagsosorry ba siya dahil sa inasta niya at sinabi sa akin? Hindi ko nga malaman ang dahilan kung bakit niya ako pinapalayo sa babaeng iyon.Sinabi na niya na huwag na ako magtanong kaya mananahimik na lang ako pero nasaktan ako dahil parang ang sama sama ko kahit hindi ko naman alam ang nagawa ko sa kaniya.Kumawala siya sa pagkakayakap. “May ipapaencode ako sayo, kailangan ko after one hour.”“Sige kuya.” Parang walang nangyari, ganun ganun na lang ba? Pero ako ang dami kong kinikimkim na katanungan lalo na mga hindi ko maipaliwanag na reaksyon ni kuya Jiro.Hindi tuloy ako mapalagay, nahihiya naman ako magtanong dahil baka hindi nanaman kami magkalinawan.Nagfocus na lang ako sa ginagawa ko habang si kuya Jiro nasa upuan na niya at busy na din sa ginagawa niya.Napapatingin ako sa kaniya at napapaisip tungkol sa babaeng naghatid sa akin, sino ba