Chapter thirty sixSamanthaMabuti na lang hindi na gaanong masakit itong paa ko, makakapasok ako ngayon at ihahatid naman ako, kaya ko na rin maglakad kaso dahan dahan lang, hindi muna ako pwedeng magsapatos kaya yung sandals ko na komportable ang isusuot ko.“Ako na maghahatid sayo, papunta din ako sa campus niyo.” Sabi ni kuya Jiro sa akin.Maganda ang mood niya, maaga kase ang klase namin sa kaniya kaya maaga din siyang papasok pero hindi siya ang first subject namin.Ngumiti lang ako, hindi niya ako inalalayan pero ayos lang hahaha nasanay na ata akong ginagawang prinsesa ni kuya Jiro hahaha.Kahapon kase hindi ko din makalimutan yung ginawa niya, binuhat niya ako na parang kakakasal lang namin, ano ba yan bakit kinikilig ako!Nawala na sa isip ko yung nakita kong pagbaril niya sa lalake, natabunan ng kilig, ang bango niya kase tapos ang sweet pa ng ginawa niya, imbis na alalayan lang ako binuhat naman na niya ako papunta sa kotse.Napansin ko ang sarili ko na nakangiti habang na
Chapter thirty sevenSamanthaNabanggit ni Erick yung tungkol sa anniversary ng company nila kaya itong si Riri atat na atat sumama, hindi ko naman siya pwedeng tanggihan lalo inimbita din siya.Inimbita din naman si kuya Jiro kaso yung ate ni Erick na si Ericka.Alam ko pupunta si kuya Jiro kase close ata ang family nil ani Ericka lalo pagdating sa business, ano namang kinalaman ko doon? Hays bisita lang ni Erick, kay Riri na lang ako makikisabay.Naghanap kami ni Riri ng pwedeng maisuot sa bahay niya, mabait naman family niya at pinahiraman nila ako ng damit at sapatos na maisusuot.“Salamat ha.”“Sunduin na lang kita bukas dito sa may labas ng village.”“Okay sige.”Hindi siya makapasok sa village kase naman kailangan may tawagan pa sa loob na kakilala, hindi naman pwedeng ako kase kailangan yung may ari mismo ng bahay.Ganiyan kahigpit sa village dito lalo puro mayayaman ang nakatira.Isa na doon siyempre si kuya Jiro. Speaking of kuya Jiro, pupunta kaya siya? Siguro pupunta yun ,
Chapter thirty eightSamanthaPara akong naging Cinderella ng ilang minuto dahil sa pagtakas namin ni kuya Jiro, maski naman ako pagkaupo ko gusto ko na umuwi, iba kase yung datingan sa akin ni Roderick ngayon, basta may kakaiba nararamdaman ko, itong si kuya Jiro naman naging best actor na sa kagustuhan ding tumakas.Mabuti na lang understanding si Riri paano may boylet na kasama hahaha mabait naman si Baste at nandoon din si Rod kaya ayos lang, hindi naman siya maglalasing.Sa ngayon hindi na ako si Cinderella, back to reality na ako, may pasok na rin kaya kailangan kong gumising ng maaga at gumayak ng sarili.Mamayang uwian deretso nanaman ako sa kompanya nila kuya Jiro, kahit papaano naman maayos ang trabaho ko doon sinasamahan naman ako ni manong Domeng sa gawain, at nakasahod na rin ako, dinagdag ni kuya Jiro sa allowance ko yung sahod ko, inalagay niya na lang sa account ko, parang sobra pa nga ang binigay niya sa akin.Makakapag ipon ako nito kaso nga lang kapa malapit na ang
Chapter thirty nine Samantha Weekend ngayon kaya tambay sa bahay, hindi daw muna papasok ngayon si kuya Jiro, gusto rin magpahinga kaya makakapagpahinga din ako. Kaso hindi naman pwedeng late magising dahil kailangan ko rin pagtrabahuan yung allowance ko na binibigay ni kuya Jiro sa akin, kahit hindi niya iutos na pagtrabahuan ko yung allowance ko ay ginagawa ko parin. “Magandang umaga kuya!” “Magandang umaga Sam!” “Aba! Masaya ang prinsesa ni boss.” Pang aasar nila sa akin, nandito ako sa garden, sanay naman ako matawag ng ganiyan kahit nakakailang, ngumingiti o tumatawa na lamang ako. Prinsesa ni boss, ang sarap pakinggan prinsesa ni Jiro. Tumutulong lamang ako sa kanila hanggang maglunch, ayaw ko kase tumulong sa loob ng bahay dahil ang daming nakakairita doon, wala naman akong ginagawa sa kanila pero nararamdaman ko na ayaw nila sa akin kaya dito ako palagi sa labas tumutulong. Naghahakot din ako ng mga tuyong dahoon, kahit mainit dito atleast hindi mga peke ang mga nakaka
Chapter fortySamanthaPaglabas ko ng kwarto napatitig sa akin si kuya Jiro, tapos tumingin siya bandang ibaba. Huwag maging malisyoso yung paa ko tinitignan niya.“Sumama ka sa akin.” Bigla niyang sinabi.“Saan kuya?”“Basta.” Hindi ako lumalakad kaya naman hinila niya ang kamay ko upang sumama sa kaniya, hindi ko naman kase alam saan pupunta, nakasapatos na ako at ready na pumasok pero maya maya pa naman ang klase ko, wala yung first and second subject ko.Nagpahila na lang din ako at sa kotse ako dinala. “Saan tayo pupunta kuya?”“Bibili ng sapatos.”“Sapatos?”“Mo.”Napatingin ako sa sapatos ko, medyo nabubutas na pala ang harapan nito, kaya pala napatingin si kuya Jiro sa bandang ibaba dahil tinitignan niya ang sapatos ko, nakarubber shoes kase ako.Nahiya tuloy ako, tinago ko ang paa ko at umupo ng maayos. “Hindi ka bumili ng bagong sapatos.”“Ayos pa naman tong sapatos ko kuya Jiro.”“Masisira na.”Deretso kami sa mall, mamahaling mall pa talaga kami pumunta at kilala ata si ku
Chapter oneJIROPinaslang sa harap ko ang mga magulang ko, wala akong nagawa dahil away sa negosyo ang pinagmulan ng gulong nakikita ko ngayon.Inilayo ako ni mang Domeng upang hindi ko masilayan ang walang buhay kong mga magulang at upang mailayo na rin ako sa kapahamakan.Nakita ko kung sino ang may gawa nun sa aking mga magulang, tandang tanda ko na sila.Gusto ko silang gantihan pero hindi ko alam kung papaano.Nagig mahirap para sa akin ang mamuhay na wala ang mga magulang ko, ang sakit sakit sa pakiramdam habang lumilipas ang araw na wala sila.Tinulungan ako ni mang Domeng na bumangon, siya kase ang kanang kamay nila mommy at daddy kaya lahat ng mga documents na tungkol sa business namin ay pinag aralan ko, sakto naman kase na kakagraduate ko ng kurso ko kaya binangon ko ang kompanya namin, hindi ko namalayan na lumalago na hanggang sa naging successful na ito.Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa mga magulang ko, tumatak sa isip ko lahat ng pangyayari kaya naman pina
Chapter twoSamanthaMasaya naman ako sa buhay ko, kasama ko ang kuya Jiro ko, yun nga lang maraming naiinggit sa akin dito, ang iba sa mga kasambahay maski na ang mga nakakakilala kay kuya Jiro na babae.Hindi naman sila pinapansin ni kuya Jiro dahil busy siya sa kompanya at sa ibang bagay, nagtataka nga ako kung bakit wala pa siyang aswa dahil may itsura naman siya, mayaman din at mabait yun nga lang mas marami ang kasungitan sa katawan.Wala rin siyang pinupuntang girlfriend dito sa bahay, trabaho at sa bahay lang talaga ang araw araw na gawain niya tapos minsan nakikilaro ng basketball, or golf basta sporty din naman siya.“Kuya Jiro may ipapaalam sana ako sayo.”“Ano?” agad niyang tanong.“Kase may gagawin kami ng mga kaibigan ko, magbobonding lang.”“Pwede naman basta umuwi ka bago magdilim.” Yun talaga ang palagi niyang bilin sa akin, umuwi bago magdilim eh mas masaya nga gumala kapag gabi kaso hindi ako pinapayagan ni kuya Jiro.“Sige.” Napilitan ako, paano nanaman kaya ako ma
Chapter threeSamanthaParang ayaw ko na lumabas ng kwarto ko, kinakabahan ako, tanda ko naman ang mga nangyari, kaso yung parte na nasa tricycle ako parang panaginip.Si kuya Jiro ba ang nagdala sa akin dito?Hays ano ba yan! Bakit kase nalate akong umuwi, nasaktohan pang umulan at kumulog.Ang gaan gaan na ng pakiramdam ko ngayon maski noong nilapitan ako ni kuya Jiro, halos ganun ang nangyayari tuwing niyayakap ako ni kuya Jiro kapag nakakarinig ako ng kulog at kidlat.Para siyang gamot ko tuwing umaatake ang phobia ko, simua’t sapul ganun na talaga ang ginagawa niya kapag nakikita niyang umaatake ang phobia ko, niyayakap niya lang ako ng mahigpit at pinapakalma.“Maam Sam gising ka na ba?” kumakatong na si manong Domeng sa pinto ko.“Opo!” sigaw ko at agad ko siyang pinagbuksan.“Pinapatawag ka ni sir Jiro.” Ito na yun, paano ako makakatakas ngayon, wala ng atrasan, matitikman ko na ang galit ng isang Jiro Villafuente.“Manong samahan mo naman ako doon.”“Hanggang sa labas lang ak
Chapter fortySamanthaPaglabas ko ng kwarto napatitig sa akin si kuya Jiro, tapos tumingin siya bandang ibaba. Huwag maging malisyoso yung paa ko tinitignan niya.“Sumama ka sa akin.” Bigla niyang sinabi.“Saan kuya?”“Basta.” Hindi ako lumalakad kaya naman hinila niya ang kamay ko upang sumama sa kaniya, hindi ko naman kase alam saan pupunta, nakasapatos na ako at ready na pumasok pero maya maya pa naman ang klase ko, wala yung first and second subject ko.Nagpahila na lang din ako at sa kotse ako dinala. “Saan tayo pupunta kuya?”“Bibili ng sapatos.”“Sapatos?”“Mo.”Napatingin ako sa sapatos ko, medyo nabubutas na pala ang harapan nito, kaya pala napatingin si kuya Jiro sa bandang ibaba dahil tinitignan niya ang sapatos ko, nakarubber shoes kase ako.Nahiya tuloy ako, tinago ko ang paa ko at umupo ng maayos. “Hindi ka bumili ng bagong sapatos.”“Ayos pa naman tong sapatos ko kuya Jiro.”“Masisira na.”Deretso kami sa mall, mamahaling mall pa talaga kami pumunta at kilala ata si ku
Chapter thirty nine Samantha Weekend ngayon kaya tambay sa bahay, hindi daw muna papasok ngayon si kuya Jiro, gusto rin magpahinga kaya makakapagpahinga din ako. Kaso hindi naman pwedeng late magising dahil kailangan ko rin pagtrabahuan yung allowance ko na binibigay ni kuya Jiro sa akin, kahit hindi niya iutos na pagtrabahuan ko yung allowance ko ay ginagawa ko parin. “Magandang umaga kuya!” “Magandang umaga Sam!” “Aba! Masaya ang prinsesa ni boss.” Pang aasar nila sa akin, nandito ako sa garden, sanay naman ako matawag ng ganiyan kahit nakakailang, ngumingiti o tumatawa na lamang ako. Prinsesa ni boss, ang sarap pakinggan prinsesa ni Jiro. Tumutulong lamang ako sa kanila hanggang maglunch, ayaw ko kase tumulong sa loob ng bahay dahil ang daming nakakairita doon, wala naman akong ginagawa sa kanila pero nararamdaman ko na ayaw nila sa akin kaya dito ako palagi sa labas tumutulong. Naghahakot din ako ng mga tuyong dahoon, kahit mainit dito atleast hindi mga peke ang mga nakaka
Chapter thirty eightSamanthaPara akong naging Cinderella ng ilang minuto dahil sa pagtakas namin ni kuya Jiro, maski naman ako pagkaupo ko gusto ko na umuwi, iba kase yung datingan sa akin ni Roderick ngayon, basta may kakaiba nararamdaman ko, itong si kuya Jiro naman naging best actor na sa kagustuhan ding tumakas.Mabuti na lang understanding si Riri paano may boylet na kasama hahaha mabait naman si Baste at nandoon din si Rod kaya ayos lang, hindi naman siya maglalasing.Sa ngayon hindi na ako si Cinderella, back to reality na ako, may pasok na rin kaya kailangan kong gumising ng maaga at gumayak ng sarili.Mamayang uwian deretso nanaman ako sa kompanya nila kuya Jiro, kahit papaano naman maayos ang trabaho ko doon sinasamahan naman ako ni manong Domeng sa gawain, at nakasahod na rin ako, dinagdag ni kuya Jiro sa allowance ko yung sahod ko, inalagay niya na lang sa account ko, parang sobra pa nga ang binigay niya sa akin.Makakapag ipon ako nito kaso nga lang kapa malapit na ang
Chapter thirty sevenSamanthaNabanggit ni Erick yung tungkol sa anniversary ng company nila kaya itong si Riri atat na atat sumama, hindi ko naman siya pwedeng tanggihan lalo inimbita din siya.Inimbita din naman si kuya Jiro kaso yung ate ni Erick na si Ericka.Alam ko pupunta si kuya Jiro kase close ata ang family nil ani Ericka lalo pagdating sa business, ano namang kinalaman ko doon? Hays bisita lang ni Erick, kay Riri na lang ako makikisabay.Naghanap kami ni Riri ng pwedeng maisuot sa bahay niya, mabait naman family niya at pinahiraman nila ako ng damit at sapatos na maisusuot.“Salamat ha.”“Sunduin na lang kita bukas dito sa may labas ng village.”“Okay sige.”Hindi siya makapasok sa village kase naman kailangan may tawagan pa sa loob na kakilala, hindi naman pwedeng ako kase kailangan yung may ari mismo ng bahay.Ganiyan kahigpit sa village dito lalo puro mayayaman ang nakatira.Isa na doon siyempre si kuya Jiro. Speaking of kuya Jiro, pupunta kaya siya? Siguro pupunta yun ,
Chapter thirty sixSamanthaMabuti na lang hindi na gaanong masakit itong paa ko, makakapasok ako ngayon at ihahatid naman ako, kaya ko na rin maglakad kaso dahan dahan lang, hindi muna ako pwedeng magsapatos kaya yung sandals ko na komportable ang isusuot ko.“Ako na maghahatid sayo, papunta din ako sa campus niyo.” Sabi ni kuya Jiro sa akin.Maganda ang mood niya, maaga kase ang klase namin sa kaniya kaya maaga din siyang papasok pero hindi siya ang first subject namin.Ngumiti lang ako, hindi niya ako inalalayan pero ayos lang hahaha nasanay na ata akong ginagawang prinsesa ni kuya Jiro hahaha.Kahapon kase hindi ko din makalimutan yung ginawa niya, binuhat niya ako na parang kakakasal lang namin, ano ba yan bakit kinikilig ako!Nawala na sa isip ko yung nakita kong pagbaril niya sa lalake, natabunan ng kilig, ang bango niya kase tapos ang sweet pa ng ginawa niya, imbis na alalayan lang ako binuhat naman na niya ako papunta sa kotse.Napansin ko ang sarili ko na nakangiti habang na
Chapter thirty fiveSamanthaInaalala ko si kuya Jiro ngayon, kase alam ko ang halos karamihan sa mga lalake mahilig gumanti, palalampasin na lang kaya niya yung ginawa nila sa kaniya?Hindi naman galit sa akin si kuya Jiro, akala ko kase ako ang masisisi kapag nabugbog siya pero hindi naman, sobra lang akong natuwa dahil may nagcocomfort sa akin na lalake kahit papaano.May gagawin sana ako ngayong araw pero may napansin akong kakaiba, may mga tauhan si kuya Jiro dito sa mansyon na hindi ko madalas makita.Nagtaka ako dahil hindi naman nagagawi ang mga ganung tauhan ni kuya Jiro, iba ang suot nila parang mga body guward niya.Hindi lang iisa ang nakita ko, ang iba nasal abas ng mansyon pero hind isa mismong harap kundi sa may bandang likod na parang may binabantayan.Tapos may nakasalubong pa akong ibang mga tauhan niya, anong nangyayari? Bakit nasa bandang likod sila, hindi ko sana mapapansin iyon kung hindi ako dumaan sa may gilid kase naman glass ang pader kaya kita sila, ako lang
Chapter thirty fourJIROIto yung unang beses na may tumadyak sa akin, hindi ko mapapalampas to, ang sakit ng buong katawan ko pero kaya ko pa naman kumilos.“Kinaya ka talaga ng lima?” tawang tawa si manong Domeng sa akin.“Huwag mo kong kausapin.”“Hahaha Jiro ikaw ba yan?”“Tumigil ka alam ko alam mo rason kung bakit.”“Hahaha oo naman kaso pwede mo naman sila dalhin sa malayong lugar at doon labanan.”“Naunahan ako, wala akong nagawa.” Kung umalis lang si Sam ng oras na iyon napatay ko na silang lahat kaso naunahan ako, hindi ko naman siya sinisisi dahil alam kong natatakot siya at natataranta.“Ganyan talaga kapag napapamahal na.”“Anong sabi mo?”“Napapamahal kako yung napapalapit ganon tapos ano umm, basta yun na yun mahirap na bitiwan.” Yung ngiti niya parang nang aasar.Ginawa ko lang kung anong dapat, alangan pabayaan ko si Sam, mga walang kwentang tao sa Lipunan ang mga nandoon maghintay sila ng oras nila ng malaman nila kung sino ang binangga nila.Hindi na ako sumagot sa
Chapter thirty threeSamanthaHinihigit ko ang aking mga braso kaso ang higpit ng pagkakahawak nila sa akin, nakatingin si kuya Jiro sa akin ngayon.Ayos lang ako kuya, lumaban ka, labanan mo sila. Yan ang gusto kong sabihin kaso natatakot ako dahil baka kung anong gawin nila kay kuya Jiro.“Bakit.” yan lang ang nasabi ko habang nakatitig siya sa akin, nanlalamig ang mga paa at kamay ko, hindi na dahil sa phobia ko ito, dahil na rin sa takot ko.“Pumikit ka na lang.” yan ang huling sinabi ni kuya Jiro sa akin bago siya pinagtulungan ng mga lalake na bugbugin.“Tama na!” sigaw ko, iisang lalake na lang ang nakahawak sa magkabilang braso ko pero hindi ako makawala dahil ang higpit ng pagkakahawak niya.Tinatakpan na lang ni kuya Jiro ang kaniyang mukha pero sinisipa siya ng mga lalake habang nakaluhod siya, hindi ko malaman kung napuruhan na ba ang mukha niya pero mahigpit niya itong tinakpan at ang katawan niya ang binugbog.Hindi ko matiis na makita siyang ginaganyan kaya naman pinili
Chapter thirty twoSamanthaMaayos naman ang naging trabaho ko kay kuya Jiro, wala naman siyang reklamo at si manong Domeng naman magaling umalalay sa akin.Sakto weekend na kaya naman naisipan kong ayain si kuya Jiro na pumuntang perya, ito kase yung pagkakataon na hindi ako masyadong pagod.Kapag weekdays nakakapagod din kahit na nasa school ka at nakikinig. “Kuya gusto mo bang pumunta ng perya mamaya?”“Perya?”“Yung nakita natin na may maraming ilaw sa daan.” Hindi siya umiimik. “Pwede din.” Ayun pumayag na din.“Ako gusto ko!” sigaw ni manong Domeng. “Ay may pupuntahan nga pala ako.” biglang nagbago isip niya, ang bilis ah, akala ko gusto niya sumama.Natuwa ako dahil makakapunta akong perya tapos may kasama akong may pera hahaha biro lang gusto ko lang din ipasyal si kuya Jiro.Si manong Domeng parang gusto ata sumama kaso saan naman kaya siya pupunta? Maaga kami umalis dito sa kompanya dahil may pupuntahan kami ni kuya Jiro, hindi pa kami ng dinner pero nagmeryenda kami paano k