Share

//42

Author: Darn Maligaya
last update Huling Na-update: 2024-12-30 17:37:55
Chapter forty two

Samantha

Maayos na lahat ng tent nagpapahinga na ang iba at may sinabing call time para mag umpisa sa activity mamaya, may mga pagames at may paprice din kaso hindi pwedeng sumali ang mga kasama kagaya nila Ericka at kuya Jiro, tanging mga estudyante lang pero pwede naman sila manuod.

“Paano bay an magkaiba ang activity natin.”

“Oo nga eh.” Kasama ko ngayon si Riri, kausap ko habang nakaupo at nanunuod sa ibang mga estudyante.

Maya maya pa tinawag na ako ng isang professor, nagkahiwalay kami ng landas ni Riri kaso si kuya Jiro nakabantay sa akin may sarili siyang upuan na dala yung folded.

Parang artista lang na naghihintay ng taping hahaha.

Nakisali ako sa mga ginagawang acticity ang lawak ng space namin kaya nakakapagod pero ayos na rin para pagpawisan, napansin kong may tumabing babae kay kuya Jiro nagpalit ng outfit si Ericka, kala mo magaactivity din sa suot niya, buti pala nabilhan ako ni kuya Jiro ng sapatos dahil kung hindi sira agad ang sapatos ko dito.

Nanun
Darn Maligaya

Happy New Year everyone thank you so much sa pagbabasa ng stories ko more more chapters pa next year! sana suportahan niyo pa ako.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Revenge   //1

    Chapter oneJIROPinaslang sa harap ko ang mga magulang ko, wala akong nagawa dahil away sa negosyo ang pinagmulan ng gulong nakikita ko ngayon.Inilayo ako ni mang Domeng upang hindi ko masilayan ang walang buhay kong mga magulang at upang mailayo na rin ako sa kapahamakan.Nakita ko kung sino ang may gawa nun sa aking mga magulang, tandang tanda ko na sila.Gusto ko silang gantihan pero hindi ko alam kung papaano.Nagig mahirap para sa akin ang mamuhay na wala ang mga magulang ko, ang sakit sakit sa pakiramdam habang lumilipas ang araw na wala sila.Tinulungan ako ni mang Domeng na bumangon, siya kase ang kanang kamay nila mommy at daddy kaya lahat ng mga documents na tungkol sa business namin ay pinag aralan ko, sakto naman kase na kakagraduate ko ng kurso ko kaya binangon ko ang kompanya namin, hindi ko namalayan na lumalago na hanggang sa naging successful na ito.Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa mga magulang ko, tumatak sa isip ko lahat ng pangyayari kaya naman pina

    Huling Na-update : 2024-08-27
  • The Billionaire's Revenge   //2

    Chapter twoSamanthaMasaya naman ako sa buhay ko, kasama ko ang kuya Jiro ko, yun nga lang maraming naiinggit sa akin dito, ang iba sa mga kasambahay maski na ang mga nakakakilala kay kuya Jiro na babae.Hindi naman sila pinapansin ni kuya Jiro dahil busy siya sa kompanya at sa ibang bagay, nagtataka nga ako kung bakit wala pa siyang aswa dahil may itsura naman siya, mayaman din at mabait yun nga lang mas marami ang kasungitan sa katawan.Wala rin siyang pinupuntang girlfriend dito sa bahay, trabaho at sa bahay lang talaga ang araw araw na gawain niya tapos minsan nakikilaro ng basketball, or golf basta sporty din naman siya.“Kuya Jiro may ipapaalam sana ako sayo.”“Ano?” agad niyang tanong.“Kase may gagawin kami ng mga kaibigan ko, magbobonding lang.”“Pwede naman basta umuwi ka bago magdilim.” Yun talaga ang palagi niyang bilin sa akin, umuwi bago magdilim eh mas masaya nga gumala kapag gabi kaso hindi ako pinapayagan ni kuya Jiro.“Sige.” Napilitan ako, paano nanaman kaya ako ma

    Huling Na-update : 2024-08-27
  • The Billionaire's Revenge   //3

    Chapter threeSamanthaParang ayaw ko na lumabas ng kwarto ko, kinakabahan ako, tanda ko naman ang mga nangyari, kaso yung parte na nasa tricycle ako parang panaginip.Si kuya Jiro ba ang nagdala sa akin dito?Hays ano ba yan! Bakit kase nalate akong umuwi, nasaktohan pang umulan at kumulog.Ang gaan gaan na ng pakiramdam ko ngayon maski noong nilapitan ako ni kuya Jiro, halos ganun ang nangyayari tuwing niyayakap ako ni kuya Jiro kapag nakakarinig ako ng kulog at kidlat.Para siyang gamot ko tuwing umaatake ang phobia ko, simua’t sapul ganun na talaga ang ginagawa niya kapag nakikita niyang umaatake ang phobia ko, niyayakap niya lang ako ng mahigpit at pinapakalma.“Maam Sam gising ka na ba?” kumakatong na si manong Domeng sa pinto ko.“Opo!” sigaw ko at agad ko siyang pinagbuksan.“Pinapatawag ka ni sir Jiro.” Ito na yun, paano ako makakatakas ngayon, wala ng atrasan, matitikman ko na ang galit ng isang Jiro Villafuente.“Manong samahan mo naman ako doon.”“Hanggang sa labas lang ak

    Huling Na-update : 2024-08-27
  • The Billionaire's Revenge   //4

    Chapter fourSamanthaNakakatamad pumasok kung kailan graduating na ako, paano naman kase paiba-iba ang schedule ko minsan may pasok minsan wala, mas marami yung pinapagawa kesa sa tinuturo, kung sabagay pabor naman sa akin ito dahil mas marami akong oras gumala, yun nga lang hindi pwede sa gabi.Para akong natrauma sa nangyari sa akin noong nakaraang linggo, hindi naman sa natatakot ako kay kuya Jiro, natatakot ako para sa sarili ko, paano kung hindi dumating si kuya Jiro sa ganung sitwasyon, baka inatake na ako sa puso o kaya namatay, hays ang lala nang naiisip ko.“Sam!”“Oh Riri!”“Nahihirapan ako sa isang subject ko Sammy!” siya ang bestfrend kong si Riri magkaiba na kami ngayon ng subject kase naman bumagsak siya sa isang semester.“Tutulungan na lang kita total wala akong ginagawa.”“Talaga!”“Bilisan mo dahil may klase na ako mamaya.”“Oo heto na.”Nasa bench kami ng school at ako? naghihintay sa next subject ko, ang pangit kase ng schedule ko, para hindi ako antukin tutulunga

    Huling Na-update : 2024-09-04
  • The Billionaire's Revenge   //5

    Chapter fiveJiro“I’m busy I will call you later.”“Sir tungkol po kay Sam.” Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pangalan ni Samantha.“Bakit? anong meron?”“Meron po kaseng umaaligid na lalake sa kaniya dito sa campus, classmate po niya, Jude ang pangalan, halata kaseng sinusundan si maam Samantha at naiilang siya dito, sir Jiro mukhang pauwi na rin po siya ngayon.”“Pero may klase pa siya diba?”“Opo, mukhang hindi na siya papasok sa last subject niya po sir.”Napabuntong hininga na lamang ako, sino naman kaya yang Jude? Wala siyang nababanggit sa akin na nambubully sa kaniya, ngayon lang nireport sa akin ng tauhan ko.Naghired ako ng magmamanman kay Sam sa lahat nang gagawin niya at kung saan man siya pupunta, hindi ako mapalagay sa nilagay kong tracker sa phone niya, kaya ginawa ko yan.Hindi lang dahil sa safety niya kung hindi para na rin sa tunay niyang pamilya, gusto kong makasiguro na hindi siya matatagpuan nang mga tunay niyang pamilya.Binilin ko agad si manon

    Huling Na-update : 2024-09-05
  • The Billionaire's Revenge   //6

    Chapter six Samantha Pumunta ako sa kwarto ni kuya Jiro upang magpaalam na papasok, nakita ko kaseng medyo bukas kaso nag alangan ako dahil maaga pa, baka kung ano makita ko. Iba naiisip ko hahaha, pero sige magpapaalam muna ako, gawain ko naman ito kapag bukas ang pinto niya, minsan kase nagbrebreakfast siya nang ganitong oras. Pagbukas ko sa pinto walang tao. Napatingin ako sa paligid at hinahanap siya, walang tao, walang nakaupo sa couch kung saan madalas siyang kumain nang almusal. “Kuya?” tawag ko sa kaniya kaso walang sumasagot. Aalis na lang ata ako, wala naman siya dito sa kwarto niya, iniwan pa niyang bukas. Humakbang ako paatras kaso nabigla ako dahil may nakaharang sa likuran ko hindi ko alam kung ano dahil wala namang kung ano diyan sa likuran ko kanina, kaya napaharap ako bigla kaso sa gulat ko kay kuya Jiro na nasa likuran ko pala ay napahawak ako sa tuwalya niya na nakasampay sa kaniyang leeg. Muntikan pa akong matumba patalikod mabuti na nga lang nasalo ng kam

    Huling Na-update : 2024-09-08
  • The Billionaire's Revenge   //7

    Chapter sevenSamantha“Kuya!” sigaw ko sa kaniya,bukas kase yung pinto ng kwarto niya at nakita ko siya na nasa table niya kaya nilapitan ko.“Hindi ka pa ba aalis, malalate ka.”“Magpapaalam palang naman ako na aalis na ako, sunod ka na lang kuya Jiro!” nakangiti ako sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin.Hindi ako natatakot sayo kahit ganiyan ka makatitig hahaha, alam kong maglelecture ka pa sa amin mamaya. Natutuwa nga ako dahil kasama kita araw araw kahit isang oras lang.Yung pakiramdam ko napakasafe ko talaga.Si mang Domeng ang naghatid sa akin ngayon dahil day off ng driver namin. “Ang saya moa ta ngayon.”“Syempre manong , nasa campus mamaya si sir Jiro.”“Kaya pala.”“Anong kaya pala?”“Hahaha wala naman Sam pagbutihan mo lang ang pag aaral mo.”“Syempre manong kailangan eh may bantay ako.”“Talaga naman si Jiro oh.”Masaya ang araw ko ngayon, ibang iba ang mood ko kaso sinalubong ako ni Jude na may masamang mood, ayaw ko mahawa kaya umiwas ako pero ang sama ng tingin

    Huling Na-update : 2024-09-09
  • The Billionaire's Revenge   //8

    Chapter eightJiroGago yung batang yun, ayaw tigilan si Sam kahit na dinamay ko ang pamilya ayaw pa rin tumigil, mas mainam siguro na patikman ko ulit ang pamilya niya ng mas malalang problema.Alam kong binubully nanaman niya si Sam kaya inilayo ko siya sa lalakeng yun.Kung ayaw mo siyang tigilan hindi rin kita titigilan. Inutusan ko ang tauhan ko na takutin ang pamilya ni Jude at sabihing may binubully siya sa campus at si Jude ang dahilan kaya nalugi sila, hindi pwedeng malaman ni Sam ang mga ginagawa ko.Kailangan lang tumigil ng lalakeng iyon, sinisisi pa si Sam sa pagkalugi ng kompanya nila pero ang totoo siya naman talaga ang dahilan, kaya pinaasikaso ko na sa tauhan ko ang lahat.Papunta na ako ngayon sa kompanya ko dahil may meeting akong kailangan puntahan.Halos dalawang oras ako sa conference hall namin.Umiinit lang dina ng ulo ko sa mga empleyado ko, kung hindi lang ako naaawa sa iba matagal ko na silang pinaalis, mga palpak.Paglabas ko ng conference room dumiretso ak

    Huling Na-update : 2024-09-11

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Revenge   //42

    Chapter forty twoSamanthaMaayos na lahat ng tent nagpapahinga na ang iba at may sinabing call time para mag umpisa sa activity mamaya, may mga pagames at may paprice din kaso hindi pwedeng sumali ang mga kasama kagaya nila Ericka at kuya Jiro, tanging mga estudyante lang pero pwede naman sila manuod.“Paano bay an magkaiba ang activity natin.”“Oo nga eh.” Kasama ko ngayon si Riri, kausap ko habang nakaupo at nanunuod sa ibang mga estudyante.Maya maya pa tinawag na ako ng isang professor, nagkahiwalay kami ng landas ni Riri kaso si kuya Jiro nakabantay sa akin may sarili siyang upuan na dala yung folded.Parang artista lang na naghihintay ng taping hahaha.Nakisali ako sa mga ginagawang acticity ang lawak ng space namin kaya nakakapagod pero ayos na rin para pagpawisan, napansin kong may tumabing babae kay kuya Jiro nagpalit ng outfit si Ericka, kala mo magaactivity din sa suot niya, buti pala nabilhan ako ni kuya Jiro ng sapatos dahil kung hindi sira agad ang sapatos ko dito.Nanun

  • The Billionaire's Revenge   //41

    Chapter forty oneSamanthaPag punta ko sa opisina balak kong sabihin yung tungkol sa camping, mabuti na lang wala si manong Domeng dito sa opisina ni kuya Jiro at hindi ata siya busy ngayon.“Maaga tayong uuwi mamaya.” Sabi niya sa akin.“May ipapagawa ka ba sa akin kuya?”“Wala na magpahinga ka na diyan.” Paano yun? wala akong trabaho ngayon? wala akong sahod? Sasabay lang ako sa kaniya pauwi? Pero ayos lang para may pahinga din ako. “Huwag ka mag alala bayad ang araw mo.” dagdag niya.Naririnig ba niya ang isipan ko? Bakit niya nasabi yun sa akin? Hindi na lang ako umimik, nabigla kase ako sa sinabi ni kuya Jiro parang alam niya kung ano naiisip ko.Grabe lang alam na alam niya talaga takbo ng utak ko, mukha na ba akong pera sa paningin niya? hahaha pero hayaan na atleast makakapagpahinga ako, barya lang niya yung sahod ko eh parang pangmeryenda lang ata niya yung sinasahod niya sa akin sa isang araw.“Siya nga pala kuya alam mo na ba yung camping na nakapaskil sa campus?”“Oo, bak

  • The Billionaire's Revenge   //40

    Chapter fortySamanthaPaglabas ko ng kwarto napatitig sa akin si kuya Jiro, tapos tumingin siya bandang ibaba. Huwag maging malisyoso yung paa ko tinitignan niya.“Sumama ka sa akin.” Bigla niyang sinabi.“Saan kuya?”“Basta.” Hindi ako lumalakad kaya naman hinila niya ang kamay ko upang sumama sa kaniya, hindi ko naman kase alam saan pupunta, nakasapatos na ako at ready na pumasok pero maya maya pa naman ang klase ko, wala yung first and second subject ko.Nagpahila na lang din ako at sa kotse ako dinala. “Saan tayo pupunta kuya?”“Bibili ng sapatos.”“Sapatos?”“Mo.”Napatingin ako sa sapatos ko, medyo nabubutas na pala ang harapan nito, kaya pala napatingin si kuya Jiro sa bandang ibaba dahil tinitignan niya ang sapatos ko, nakarubber shoes kase ako.Nahiya tuloy ako, tinago ko ang paa ko at umupo ng maayos. “Hindi ka bumili ng bagong sapatos.”“Ayos pa naman tong sapatos ko kuya Jiro.”“Masisira na.”Deretso kami sa mall, mamahaling mall pa talaga kami pumunta at kilala ata si ku

  • The Billionaire's Revenge   //39

    Chapter thirty nine Samantha Weekend ngayon kaya tambay sa bahay, hindi daw muna papasok ngayon si kuya Jiro, gusto rin magpahinga kaya makakapagpahinga din ako. Kaso hindi naman pwedeng late magising dahil kailangan ko rin pagtrabahuan yung allowance ko na binibigay ni kuya Jiro sa akin, kahit hindi niya iutos na pagtrabahuan ko yung allowance ko ay ginagawa ko parin. “Magandang umaga kuya!” “Magandang umaga Sam!” “Aba! Masaya ang prinsesa ni boss.” Pang aasar nila sa akin, nandito ako sa garden, sanay naman ako matawag ng ganiyan kahit nakakailang, ngumingiti o tumatawa na lamang ako. Prinsesa ni boss, ang sarap pakinggan prinsesa ni Jiro. Tumutulong lamang ako sa kanila hanggang maglunch, ayaw ko kase tumulong sa loob ng bahay dahil ang daming nakakairita doon, wala naman akong ginagawa sa kanila pero nararamdaman ko na ayaw nila sa akin kaya dito ako palagi sa labas tumutulong. Naghahakot din ako ng mga tuyong dahoon, kahit mainit dito atleast hindi mga peke ang mga nakaka

  • The Billionaire's Revenge   //38

    Chapter thirty eightSamanthaPara akong naging Cinderella ng ilang minuto dahil sa pagtakas namin ni kuya Jiro, maski naman ako pagkaupo ko gusto ko na umuwi, iba kase yung datingan sa akin ni Roderick ngayon, basta may kakaiba nararamdaman ko, itong si kuya Jiro naman naging best actor na sa kagustuhan ding tumakas.Mabuti na lang understanding si Riri paano may boylet na kasama hahaha mabait naman si Baste at nandoon din si Rod kaya ayos lang, hindi naman siya maglalasing.Sa ngayon hindi na ako si Cinderella, back to reality na ako, may pasok na rin kaya kailangan kong gumising ng maaga at gumayak ng sarili.Mamayang uwian deretso nanaman ako sa kompanya nila kuya Jiro, kahit papaano naman maayos ang trabaho ko doon sinasamahan naman ako ni manong Domeng sa gawain, at nakasahod na rin ako, dinagdag ni kuya Jiro sa allowance ko yung sahod ko, inalagay niya na lang sa account ko, parang sobra pa nga ang binigay niya sa akin.Makakapag ipon ako nito kaso nga lang kapa malapit na ang

  • The Billionaire's Revenge   //37

    Chapter thirty sevenSamanthaNabanggit ni Erick yung tungkol sa anniversary ng company nila kaya itong si Riri atat na atat sumama, hindi ko naman siya pwedeng tanggihan lalo inimbita din siya.Inimbita din naman si kuya Jiro kaso yung ate ni Erick na si Ericka.Alam ko pupunta si kuya Jiro kase close ata ang family nil ani Ericka lalo pagdating sa business, ano namang kinalaman ko doon? Hays bisita lang ni Erick, kay Riri na lang ako makikisabay.Naghanap kami ni Riri ng pwedeng maisuot sa bahay niya, mabait naman family niya at pinahiraman nila ako ng damit at sapatos na maisusuot.“Salamat ha.”“Sunduin na lang kita bukas dito sa may labas ng village.”“Okay sige.”Hindi siya makapasok sa village kase naman kailangan may tawagan pa sa loob na kakilala, hindi naman pwedeng ako kase kailangan yung may ari mismo ng bahay.Ganiyan kahigpit sa village dito lalo puro mayayaman ang nakatira.Isa na doon siyempre si kuya Jiro. Speaking of kuya Jiro, pupunta kaya siya? Siguro pupunta yun ,

  • The Billionaire's Revenge   //36

    Chapter thirty sixSamanthaMabuti na lang hindi na gaanong masakit itong paa ko, makakapasok ako ngayon at ihahatid naman ako, kaya ko na rin maglakad kaso dahan dahan lang, hindi muna ako pwedeng magsapatos kaya yung sandals ko na komportable ang isusuot ko.“Ako na maghahatid sayo, papunta din ako sa campus niyo.” Sabi ni kuya Jiro sa akin.Maganda ang mood niya, maaga kase ang klase namin sa kaniya kaya maaga din siyang papasok pero hindi siya ang first subject namin.Ngumiti lang ako, hindi niya ako inalalayan pero ayos lang hahaha nasanay na ata akong ginagawang prinsesa ni kuya Jiro hahaha.Kahapon kase hindi ko din makalimutan yung ginawa niya, binuhat niya ako na parang kakakasal lang namin, ano ba yan bakit kinikilig ako!Nawala na sa isip ko yung nakita kong pagbaril niya sa lalake, natabunan ng kilig, ang bango niya kase tapos ang sweet pa ng ginawa niya, imbis na alalayan lang ako binuhat naman na niya ako papunta sa kotse.Napansin ko ang sarili ko na nakangiti habang na

  • The Billionaire's Revenge   //35

    Chapter thirty fiveSamanthaInaalala ko si kuya Jiro ngayon, kase alam ko ang halos karamihan sa mga lalake mahilig gumanti, palalampasin na lang kaya niya yung ginawa nila sa kaniya?Hindi naman galit sa akin si kuya Jiro, akala ko kase ako ang masisisi kapag nabugbog siya pero hindi naman, sobra lang akong natuwa dahil may nagcocomfort sa akin na lalake kahit papaano.May gagawin sana ako ngayong araw pero may napansin akong kakaiba, may mga tauhan si kuya Jiro dito sa mansyon na hindi ko madalas makita.Nagtaka ako dahil hindi naman nagagawi ang mga ganung tauhan ni kuya Jiro, iba ang suot nila parang mga body guward niya.Hindi lang iisa ang nakita ko, ang iba nasal abas ng mansyon pero hind isa mismong harap kundi sa may bandang likod na parang may binabantayan.Tapos may nakasalubong pa akong ibang mga tauhan niya, anong nangyayari? Bakit nasa bandang likod sila, hindi ko sana mapapansin iyon kung hindi ako dumaan sa may gilid kase naman glass ang pader kaya kita sila, ako lang

  • The Billionaire's Revenge   //34

    Chapter thirty fourJIROIto yung unang beses na may tumadyak sa akin, hindi ko mapapalampas to, ang sakit ng buong katawan ko pero kaya ko pa naman kumilos.“Kinaya ka talaga ng lima?” tawang tawa si manong Domeng sa akin.“Huwag mo kong kausapin.”“Hahaha Jiro ikaw ba yan?”“Tumigil ka alam ko alam mo rason kung bakit.”“Hahaha oo naman kaso pwede mo naman sila dalhin sa malayong lugar at doon labanan.”“Naunahan ako, wala akong nagawa.” Kung umalis lang si Sam ng oras na iyon napatay ko na silang lahat kaso naunahan ako, hindi ko naman siya sinisisi dahil alam kong natatakot siya at natataranta.“Ganyan talaga kapag napapamahal na.”“Anong sabi mo?”“Napapamahal kako yung napapalapit ganon tapos ano umm, basta yun na yun mahirap na bitiwan.” Yung ngiti niya parang nang aasar.Ginawa ko lang kung anong dapat, alangan pabayaan ko si Sam, mga walang kwentang tao sa Lipunan ang mga nandoon maghintay sila ng oras nila ng malaman nila kung sino ang binangga nila.Hindi na ako sumagot sa

DMCA.com Protection Status