Chapter twenty fourSamanthaNagpaalam na kami sa bagong kasal, maski si Ericka aalis na din dahil nandito na yung sundo niya, sa wakas! Pero hindi ko naenjoy yung buong wedding paano naman kase may asungot, imbis na solohin ko ang moment kasama si kuya Jiro nandito rin pala si Ericka.“Salamat sa pagsama sa akin, ingat sap ag uwi, ikaw Jiro hwuag kaskasero magdrive.” Salamat daw sa pagsama? Ano kami alalay niya? eh siya itong sama ng sama sa amin hanggang sa reception. Tsk!Hindi umimik si kuya Jiro tumango lang siya at tsaka deretso sa sasakyan niya syempre ako sumusunod lang din sa kaniya.Hays sa wakas makakauwi na, sayang moment namin ni kuya Jiro.“Ang ganda ng wedding nila.” Sambit ko, ang tahimik kase namin dito sa sasakyan, hindi umiimik si kuya Jiro focus lang sa pagmamaneho, tinitignan ko yung music sa sasakyan niya kaya inayos ko kaso bakit love song? Hindi ko mailipat, hininaan ko na lang kesa naman patayin, ang tahimik kase niya. “Ang daldal nung kaibigan mo kuya.”“Kaya
Chapter twenty fiveSamanthaHindi ko feel na close si Jiro at Roderick sadyang magkakilala lang talaga sila. Parang kay Ericka, kumbaga magkakilala lang talaga.Iba kase kapag friends or close friends talaga iba yung vibes, ramdam mo rin yun kahit nakikisama ka lang.Inaalala ko pa sila eh wala naman silang maitutulong sa iniisip ko ngayon, may malaking babayaran kami ngayon kaso nahiya akong humingi kay kuya Jiro dati kase ang malaking binibigay niya sa akin nasa thirty thousand kaso ngayon fifty thousand ang kailangan kong bayaran, nahihiya akong humingi.Yung ipon ko kulang naman.Matagal na iyong last na hingi ko ng malaking halaga, ewan bakit nahihiya ako magsabi, hulugan ko na lang kaya sa cashier namin?Maghanap na lang ako ng part time job ko ngayon total matagal pa ang deadline ng bayarin ko.Matapos ang klase ko dumiretso ako sa bayan upang maghanap ng hiring, nagsabi ako sa sundo ko na magcommute na lang ako pauwi.Gumawa ako ng resume sa computer shop, medyo natagalan nga
Chapter twenty sixSamanthaIba pala talaga kapag working student lalo kapag may kailangan gawin sa campus na hindi natapos, yung iuuwing mga sasagutan hays nakakawindang talaga, hindi pa naman ako nahahalata ni kuya Jiro lalo ngayon masyado siyang busy.Nakakahigit isang linggo na ako sa trabaho at malapit na ako sumahod.Parang hindi nakakaexcite lalo pa at mapupunta lang ang sasahurin ko sa bayarin ko sa school.Gustong magpahinga ng isip at katawan ko, pakiramdam ko may sinat ako pero pumasok pa rin ako sa trabaho, sayang kase ilang oras lang naman.Hindi ako mabilis kumilos ngayon, ramdam ko na may sinat ako dahil para akong sisipunin. Minsan pinaparinggan na ako ng manager na bilisan, hindi ko kaya kase masakit ang katawan ko.Siguro dahil sa sunod sunod na pagod na rin ito.Kailangan ko bumili ng vitamins, bumibigay ang katawan ko kapag ganito na pagod.“Maam mag out na po ako.”“Hindi ka ba magfive hours?”“May kailangan po kase akong tapusin na homework.”“Sige.”Pero ang tot
Chapter twenty sevenSamanthaIlang araw din akong hindi nakapasok, ayos lang sana kaso yung trabaho ko baka matanggal ako, after ng klase ko pumunta agad ako sa trabaho ko at nagpaliwanag, mabuti na lang hindi ako tinanggal, may sakit naman talaga ako at hindi naman ako nanloloko.Hindi ko na inalala kung mabinat man ako basta nagtrabaho ako ng apat na oras, hindi ko na sinagad ng lima dahil baka bumalik ang sakit ko.Sumahod na rin ako kaso may kaltas lalo sa uniform ko, kakaunti lang din ang sinahod ko dahil naabutan ako ng cut off.Ngayon na mag uumpisa ulit ako ng trabaho baka sakaling malaki na masasahod ko.Alas otso ako umuwi, mabuti na lang wala pa si kuya Jiro kaso malalaman din niya na hindi ako nagpasundo, ano nanaman idadahilan ko? Hays.Itulog ko na lang kaya agad?Tama! Para hindi na niya ako maabutan na gising matulog tulugan na lang ako, minadali kong maglaba at nakalimutan ko na kumain ng gabihan para lang matulog ng maaga, sa sobrang pagod ko rin nakatulog ako ng ma
Chapter twenty eightSamanthaPaggising ko gumaan ang pakiramdam ko, kase wala na akong itinatago kay kuya Jiro. Kaso nahihiya ako sa lugar na pinagtrabahuan ko, hindi na ako magpapakita doon pero yung sahod ko kaya? Paano ko kaya kukunin yun? sayang din.Ang mga mata ko ramdam ko ang pamumugto, sobrang bigat na parang naubusan ng luha, kagabi lang kase ako humagulgol ng ganun, nailabas ko lahat ng sama ng loob ko.Sama ng loob sa sarili at sa pagod ko na rin, hindi naman ako galit o wala naman akong sama ng loob kay kuya Jiro sobrang nacomfort niya ako kagabi lalo na noong pinagtulungan ako ng customer na nabuhusan ko, kakaunti lang naman ang mantsa pero ang dami na niyang sinabi, oo kasalanan ko pero hindi naman sana nila ako pinahiya, yung manager namin nanlalaki ang mga mata sa akin na parang may binabalak na masama sa akin after work ko pero buti na lang inilayo ako ni kuya Jiro, inalis niya ako sa sitwasyon na iyon, mabuti na lang talaga iniwas niya ako doon.Sobrang saya ng pus
Chapter twenty nineSamanthaHindi ko na inalala pa yung narinig ko bago ako pumasok dito sa loob, nagfocus ako sa ginagawa kong trabaho dahil dumadami ang customer.Marami kaseng mamimili ang kinakalat lang yung mga nakadisplay at hindi na ibinabalik sa dating ayos.Kahit iniisip ng iba madali lang ang trabaho namain nakakapagod pa rin, minsan kapag nakakaencounter pa ng mga mamimili na mainitin ang ulo, umiiwas na ako doon minsan natrauma ako sa nagyari sa akin noon sa fast food kaya kapag may nagtatanong doon agad sa manager ang tinuturo ko lalo kapag may nagrereklamo.Nasa second floor ako at inaayos ang mga stocks, may kasama ako dito pero hindi naman kami nag uusap, padami ng padami ang tao lalo payday, maraming pera ang tao kapag sahuran, si kuya Jiro kaya sumasahod din kahit sa kaniya na yung kompanya? Siya nanaman naalala ko.Malapit na rin ang sahuran dito, kaso maliit naman ang sasahurin ko dahil apat na oras lang ang trabaho ko minsan pa nga tatlo.Muntikan ko na mabitiwan
Chapter thirtySamanthaBago kami umuwi ni kuya Jiro nakiusap ako sa kaniya na balikan ang gamit ko doon sa pinagtatrabahuan ko, mabuti na lang sinunod niya ako.Pagpasok ko tinginan lahat sila sa akin na parang ang daming tanong sa isipan nila, dumiretso ako sa manager at kinausap siya ng maayos.“Kamusta ang pakiramdam mo Sam?” tanong agad sa akin ng manager.“Mabuti na po ang lagay ko, kukunin ko po sana ang gamit ko sa locker maam.”“Ah ganun ba. Sige kunin mo na at magpahinga ka din.”“Salamat maam.”“Ang gwapo ng boyfriend mo ah.”s biglang hirit niya, nakatingin siya bandang likuran ko at pumasok nga talaga si kuya Jiro dito.“Nako maam hindi---”“Aahh! Ayan na ang pogi!” sigaw nila ng kasama niya at kinikilig pa, hindi nila ako pinansin, hindi nila narinig ang sinabi ko, kunin ko na nga yung gamit ko ng makauwi na kami.Pumunta si kuya Jiro doon sa manager at kinakausap niya ito ngayon, hindi ko alam kung anong sinasabi niya sa kanila ang seryoso ng mukha nila.Yung mga kasama
Chapter thirty one Samantha Hinintay ko silang umuwi, mga alas nuwebe na ng gabi tsaka kami umuwi, si manong Domeng ang driver namin. Halatang pagod si kuya Jiro dahil nakapikit siya habang nasa byahe kami. Natatakot tuloy ako magkamali sa trabaho ko, ano kayang ang magiging trabaho ko sa kaniya? Wala pa naman siyang sinabi dahil busy din siya kanina tapos ang daldal ni manong Domeng. Bagay talaga silang magkasama ni manong Domeng dahil hindi siya maboboring. Nag uusap silang dalawa habang papasok sa bahay, mukhang masama ang pakiramdam ni kuya Jiro dahil sabi ni manong Domeng magtake ng gamot niya. “Kuya gusto mo ba ng kape?” tanong ko sa kaniya. “Hindi na muna siya pwede sa kape Sam, kailangan niya alaga.” Ang sama ng tingin ni kuya Jiro kay manog Domeng. “Hindi ko kailangan ng alaga.” Sabat niya tsaka siya naunang pumasok sa loob, mukhang nainis siya itong si manong Domeng kase malakas mang asar. Pero sanay na sila sa isat isa, hindi kaya bakla si kuya Jiro? Ano ba tong ini
Chapter sixty sevenSamanthaMaski ako nagugulat sa sinasabi ni kuya Jiro, yung tsismis oo nakakagulat din dahil maski si Ericka alam niya yung tungkol sa tsismis dito, paiba iba naman ang mga sinasabi nila wala na sa katotohanan, akala nila eighteen lang ako?May dagdag bawas ang bawat kwento nila pero dahil kalmado lang si kuya Jiro pinipilit ko na lang din maging kalmado.“Seriously ganiyan lang magiging reactions mo? hindi ka ba gagawa ng ibang way or let say wala ka bang action na gagawin?”“That’s my problema, not yours.”“Inaalala lang naman kita Jiro paano kung may impact sa iba yun paano kung—”“Enough, please.” Halatang naiirita na si kuya Jiro, kase naman rinig na rinig ko ang usapan nila napapatingin sa akin si kuya Jiro habang nagsasalita kanina si Ericka.Akala niya siguro hindi ko pa alam na may tsismis na kumakalat dito sa opisina niya.“Jiro.” Banggit ni Ericka sa kaniya para pakalmahin siya alam niya kase na papunta na sa inis yung boses ni kuya Jiro.“Can you please
Chapter sixty sixSamanthaAraw araw kaming magkasama ni kuya Jiro, halos wala akong pakealam sa ibang tao, sa ibang bagay ngayon dahil focus ako sa trabaho at kay kuya Jiro.Hindi ko talaga namamalayan ang oras lalo na ang mga taong nakapaligid sa amin.Ganito pala mainlove wala kang pakealam sa mga tao na nasa paligid mo, alam ko naman na hindi ako nakakasakit at nakakagawa ng mali sa ibang tao, basta ang alam ko masaya ako.Nasa opisina na ako at si kuya Jiro, syempre sabay kaming pumasok, lumabas muna ako para bumili ng kailangan ko, aya wko naman kaseng mag utos lalo personal belongin ko naman bibilhin ko lalo na napkin.May mini grocery dito sa baba ng kompanya nila kuya Jiro, medyo malayo pa kaunti kaya doon ako pumunta.Mag isa ko lang naglalakad, excited ako palagi at masaya kaso ngayong araw parang nawirduhan ako bigla, may naramdaman akong kakaiba sa paligid ko, pakiramdam ko pinag uusapan ako kase naman bawat lingo ko sa taong madadaanan ko ay napapatingin sa akin.Pakiram
Chapter sixty fiveSamanthaPara akong nanaginip ng maganda, panaginip nga ba iyon? Pero hindi eh alam ko totoong nangyari iyon, totoong sinabi ko kay kuya Jiro na gusto ko siya.Teka? Kailangan ba tawagin ko pa rin siyang kuya? Hays bakit ganito ang aga aga kinikilig ako! napahawak tuloy ako sa magkabilang pisngi ko.Kakagising ko pa lang pero ang utak ko napakaganda ng mood na para bang lumalangoy sa alapaap.May kumatok sa pinto kaya binuksan ko agad ang akala ko nga si kuya Jiro inayos ayos ko pa buhok ko pero yung kasambahay pala.“Tinatawag ka ni sir.” Masungit niyang sabi sa akin mukang napag utusan siya.“Saan?”“Hanapin mo.” sabay alis na.Ganito dito, kapag ayaw sayo susungitan ka kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanila, ganiyan na ganiyan ang ugali nila dito.Hindi ko masabing sanay na ako kase kapag ganiyan ang trato sa akin nasasaktan pa rin ako, tao lang din ako may pakiramdam.Pero hinahayaan ko na lang din para hindi lumaki ang away.Huwag lang nila akong sakt
Chapter sixty fourSamanthaHindi ginalaw ni kuya Jiro yung pagkain na binigay sa kaniya ni Ericka sabi niya kakainin na lang daw niya sa bahay kase nauna na niyang sinabihan si manong Domeng na umorder ng pagkain namin.Patingin tingin lang si manong Domeng sa kanila habang ako kunwari focus sa ginagawa pero ang tenga ko naririnig sila.Parang ako yung nasaktan kay Ericka hahaha paano kase trying hard kahit iniiwasan na siya hindi kaya niya napapansin yon.Umalis din siya mga alas kwatro na kase may pupuntahan daw sila ng mommy niya.Kinabukasan sabay ulit kami ni kuya Jiro pumasok at nagulat ako ng may humila sa akin, hindi naman malakas kaso napahinto ako, nasa likuran kase ako ni kuya Jiro hindi niya ako napansin.“Kamusta?”“Oh Rod, bakit nand—” oo nga pala naalala ko mag aapply siya, pero sige kunwari wala akong alam. “Baki nandito ka?”“Mag aapply ako dito.” Napatingin siya sa malayo, nakahinto pala si kuya Jiro at nakatingin sa amin.“Ah ganun ba, maganda yan.” Ngumiti ako kahi
Chapter sixty threeSamanthaNgayon lang ako gumising ng umaga na nag aalala sa amoy ko at sa itsura ko, ewan ko ba sarili ko bigla akong naaware.May pimples pa talaga ako ngayon, hays bakit dati hindi naman ako ganito kaaware.Iniba ko ang routine ko lalo na sa sarili ko, hindi ako mahilig maglalagay ng kung anoa no sa itsura pero ngayon bago lumabas naghilamos ako at naglagay ng kaunting make up.Mahahalata ba ni kuya Jiro ito?Hays ang aliwalas ng mukha talaga kapag nag aayos, bakit ngayon ko lang naisipan to gawin sa buong buhay ko?Paano ang aga aga pa naman at tamad na tamad akong mag ayos kapag ganito kaso ngayon parang nahihiya na akong lumabas kapag bagong gising.Inalis ko yung make up ko kase baka mapansin at maasar lang ako ni manong Domeng. Ang aga aga nalilito ako sa sarili ko, nagmumukha na akong tanga sa harap ng salamin.Lumabas na ako at sakto paglabas ko nasa harap ng pinto si kuya Jiro.“Kanina kapa gising ang tagal mong lumabas.”“Pano mo nalaman?”“Naririnig ko
Chapter sixty twoSamanthaAko yung naiilang kase naman ako lang yung inaasikaso ni kuya Jiro, kasama pa man din namin yung babaeng patay na patay sa kaniya.Palagi tuloy tumitignin sa akin si Ericka kahit kwento siya ng kwento ng walang kwenta.Kulang na lang subuan ako ni kuya Jiro, sa totoo lang kilig na kilig ako sa pag aasikaso niya sa akin, circle kase ang table namin kaya malapit lang siya sa akin.Syempre bago kami umuwi ni kuya Jiro ihahatid pa namin si Ericka.Papunta na kami sa parking lot ng sasakyan ni kuya Jiro, nasa likod lang nila ako kase ayaw ko naman silang sabayan pero si kuya Jiro lingon ng lingon sa akin na para akong bata na baka mawala.Hindi ko inasahan si Ericka na mauuna sa gilid ng driver seat, para lang makatabi si kuya Jiro, wala akong pakealam diyan, deretso na lang ako sa likuran ng sasakyan.Para akong bata talaga, parang anak nila.Nagkatitigan kami ni kuya Jiro sa salamin ng makapasok na siya sa loob, umiwas na lang ako ng tingin kase naman nakasiman
Chapter sixty oneSamanthaSabay kaming pumasok sa sasakyan kaya naman walang imikan sa amin, hindi ko alam kung totoo ang narinig ko kanina.Gusto ako ni kuya Jiro?Mahal niya ako?Ano ba talaga? Kapatid lang ba turing niya sa akin? Sinasabi lang ba niya iyon dahil kasama namin kanina si Rod?Mas lalong nanahimik dahil umaandar na ang sasakyan, nakafocus na siya sa daanan habang ako? nakatingin sa daan pero ang isip nasa sinabi ni kuya Jiro.Nanlalamig ang mga kamay ko patunay na kinakabahan ako, naeexcite at natatakot, halo halong emosyon ba kaya ako ganito ngayon.Bigla akong napaubo ng kaunti dahilan ng pagkalingon niya sa akin sabay abot ng tubigan niya. “Hindi na, meron naman ako.” may baon naman akong inumin kaso ubos na pala, parang nagdadry ang lalamunan ko kaso wala akong magawa kundi magkunwaring umiinom kahit ubos na laman.“Inumin mo na wala akong sakit.” Abot uli niya ng tubigan niya, kinuha ko na lang kesa naman ipilit ko na ayaw ko kase naman parang nagdradry lalamunan
Chapter sixtySamanthaBumaba rin lang ako sa sasakyan niya kase mag uumpisa na ang susunod kong klase, bakit ganun? Hindi ako makampante para kaseng may importanteng bagay akong kailangan malaman sa kaniya.Umalis na agad siya papunta na siyang kompanya, matagal tagal na rin simula ng nagturo siya dito sa campus namin and kami lang talaga ang klase niya, sa totoo lang sa klase niya lang ako ganado kase naiintindihan ko mga paliwanag niya.“Aba bakit malungkot ang prinsesa ni prof?”Hindi ko pinansin si Jude kase puro pang aasar lang ang gagawin niya sa akin, gusto ko lang ipahinga ang utak ko, marami akong gustong malaman at itanong kay kuya Jiro lalo yung tungkol kay Ericka, bakit parang ang laki laki ng pagsisisi sa mukha niya kanina.“So guys may company na ba kayo para magOJT?”Oo nga pala next week na iyon, nasabi ko na rin na doon ako sa kompanya nila kuya Jiro mag OOJT at pumayag naman si kuya Jiro, mababago nga lang ang oras ko, imbis na papasok ako dito sa campus, doon na ak
Chapter fifty nineSamanthaNadidismaya ako hindi kay kuya Jiro kundi sa sarili ko dahil ang dali kong umasa, hinalikan lang ako ang laki na ng expectations ko.Ganun ba talaga ang mga lalake? Kayang gawin ang lahat sa babae kahit hindi naman sila magkarelasyon? Lalo na at alam niyang hinahangaan siya ng lahat ng babae.Ganun ba talaga?Naluluha ako tuwing naiisip ko na pinaglalaruan lang ako ng ibang tao.Pero ano yung mga ipinapakita niyang pag aalala sa akin? Mga pagligtas? Siguro nga dahil kapatid lang ang turing niya sa akin, baka nadala lang siya noong gabing yun kaya niya ako nahalikan.Maaga akong umalis ng bahay, sinadya ko talaga dahil ayaw ko makita si kuya Jiro, sakto naman nandito na si manong Domeng.“Oh ang aga aga nakasimangot ka.” Agad na sabi ni manong Domeng.Ngumiti agada ko. “Hindi naman po.”Pilit na ngiti. “Ah siya ng apala salamat ha sa ginawa mo, kung hindi dahil sayo hindi ako makakabakasyon.”“Sabi mo uuwi ka din agad.”“Hahaha.” Tinawanan lang niya ako na p