Share

The Billionaire's Prize Wife
The Billionaire's Prize Wife
Author: Julia

Chapter One

Author: Julia
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

NAMUMUO na ang pawis sa makinis at mamula-mulang mukha ni Harry Sy. Bagama't may ipinatong siyang tela sa inuupuan niyang semento ay randam pa rin niya ang init nito lalo na at alas tres pa lang ng hapon ngayon. Hindi pa kumukulimlim ang panahon.

Bagama't suot niya ang makulay niyang sunglasses, hindi pa rin nito naitago ang nakaarko niyang mga kilay at nakakunot na noo. Sumisimangot siya sa tuwing may tumititig sa kaniya, lalo na kapag babaing hindi niya type ang nagpaplanong lumapit sa kaniya.

'You are here for the Merlion, not to be my friend.'

Bagama't hindi niya ibinubuka ang bibig niya para itaboy ang bawat nagtatangkang lumapit sa kaniya ay hindi sila tumutuloy sa tuwing nakikita ng mga ito ang pagkunot ng kaniyang noo.

Hindi siya natutuwa sa kinasuungan niyang sitwasyon. Pangatlong araw na nila ito ng paghahanap ng mapapangasawa niya. Lahat ng target nila ng assistant niyang si Cohen ay pawang hindi pumasa nang ipinakita nila ang portfolio ng mga ito sa ama niya. Ngayon ay nasa Merlion Park sila. Naupo siya sa sementadong upuan at nagsuot ng simpleng itim na tee shirt at itim na jeans, na tinernuhan ng puting rubber shoes. Kumunot ang noo niya nang mapadako ang pansin niya sa sapatos. Hindi niya ito type, pero dahil sa pagmamadali ay ito ang naisuot niya. Sa mall lang kasi siya nagpalit ng outfit.

Kanina lang ay naka business attire siya, pero biglang tumawag ang president ng kanilang kumpanya,-- ang kaniyang ama na si Samuel Sy. 

Napabuntong-hininga siya nang maalala ang sinabi ng kaniyang ama.

"You only have one week to marry!"

Humingi naman siya ng extension sa ama niya. Wala na kasi siyang maisip na babaing puwede niyang pakasalan. Mapili ang kaniyang ama. Hindi rin niya makukuha ang presidency ng kanilang kumpanya kung hindi pasado sa kaniyang ama ang magiging asawa niya. Magkakaroon lang siya ng asawang walang silbi sa kaniya. Sa malas ay hindi niya napapayag ang ama sa hiningi niyang extension, kaya heto siya at sumunod sa suhestiyon ni Cohen na dumisplay sa Merlion Park.

Ayaw naman niyang pumayag na tanggapin na lang ang kung sino ang ibibigay sa kaniya ng kaniyang ama. Gusto niyang siya ang unang makausap ng babae. Papipirmahin niya kasi ito ng kontrata na ililingid nila sa kaniyang ama.

Lumapit si Cohen sa amo para ipaalala dito ang dahilan kung bakit tinitiis nito ang init ng araw ngayon. "Sir, there are beautiful ladies around. Would you like me to talk to them for you?"

Sinimangutan lang siya nito.

Gustong punahin ni Cohen ang boss niya sa pagkakaroon nito ng supladong mukha. Sino nga ba naman ang magkakagusto pang lumapit dito. Nauunawaan naman niya ang pagsusuplado nito. Naiipit ito sa sitwasyong ni siya ay ayaw niyang maranasan.

Naaawa siya sa boss niya. Ang pagtiim ng bagang nito ay proof na ayaw niya ng ginagawa nito. Sinusunod nito ang kaniyang ama kahit na puwedeng masagkaan ang sarili niyang love life. Paano kung dumating ang araw na makakita si Harry ng babaing magpapatibok ng puso nito? Paano kung hindi umayon sa kagustuhan ng binata ang mga pangyayari?

Nasa kaniya ang envelope kung saan nakapaloob ang kasulatang papipirmahan nila sa mapipili nilang babae.

"We're wasting our time here." 

Saglit siyang napamaang ngunit wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa boss niya patungo sa parking lot. Kahit paano ay inasahan na niyang ganito ang mangyayari. Paano nga ba sila makakakuha ng mapapangasawa nito sa isang parke? Desperate measure na kasi nila ito dahil kinakapos na sila sa panahon.

"I can't believe that my father would actually think that I can get a bride that would pass to his liking, now or even years from now! That woman would be from the moon!"

Halos padabog na isinara ni Harry ang side door ng kotse nang makaupo siya sa back seat nito. Nilingon naman siya ni Cohen bago nito tinapakan ang silinyador.

"Where to, sir?" Tanong niya habang tinitingnan ang nakabusangot na binatang amo sa rear view mirror.

"Drop me at Ivana's."

"But, sir, your father actually told you to--"

Harry just gave him a quick frown at ibinaling na nito ang tingin sa labas. Pinili ni Cohen na tumahimik na lang. Kahit mas matanda siya dito ng thirteen years ay iginagalang pa rin niya ito, lalo na ang emosyon nito ngayon. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya itong patamad na sumandal at pumikit. Alam niya, gusto ng binatang kalimutan sandali ang problema nito.

Nang tanggapin niya ang alok ni Samuel Sy na maging assistant ng anak nitong si Harry ay inihanda na niya ang sarili sa mga pagkakataong ganito. Alam niyang mas magiging challenging ang role niya dito kesa noong personal driver pa siya ng ina nitong si Benita.

Nanlaki ang mga mata ni Harry at pinukulan niya ng matiim na tingin ang kaniyang assistant nang mapagtanto niya kung saan siya nito dinala. Nasa malawak silang garahe ng kaniyang condominium. "Haven't you heard what I said? This is not Ivana's!"

"If I have to carry you up to your unit, I would." Pormal ang mukhang hinarap ni Cohen ang binatang amo. "You know the rules, sir."

Naaawa man sa tila paglaglag ng balikat ng binata, minabuti ni Cohen na panindigan ang naging desisyon. Hinintay niyang umibis ng kotse si Harry bago siya nag parallel parking.

Sinundan niya ang amo na wala sa mood na pumasok ng elevator.

"I can't believe that up to this day, I still don't have your loyalty," Harry said in a low tone, almost murmuring. 

Nang makarating sila sa 31st floor ay sabay silang lumabas ng elevator. 

"Harry," he wanted to apologize pero hindi siya agad nakakibo when Harry looked at him in the eye. 

"I would like you to leave me, Cohen," he said while looking at where he's going.

Bagaman mababa ang tono at mahina ang pagkakabigkas nito ay bumalot sa pagkatao ni Cohen ang mabigat nitong mensahe. Agad siyang pinamulahan ng mukha at pinanlamigan. Pinagpawisan siya sa halos lahat ng parte ng kaniyang katawan.

Cohen slightly cleared his throat. "I can leave you, Harry. I will. Just give this to me. I'd like to complete my mission first before I leave."

There was an awkward silence. Tahimik na tinungo ni Harry ang kaniyang unit. Nag-aalangan man ay sumunod na rin sa kaniya si Cohen.

Halos silang dalawa lang ang naglalakad sa pasilyo. On better days ay maririnig ang habulan ng mga paa ng dalawang mamang umaaktong bata dito. Lumalabas kasi ang pagka- childlike ni Harry kapag sila lang dalawa ang magkasama. Mag-iisang buwan nang walang habulan sa pasilyong ito.

Iniinom ni Harry ang bawat alak na itinatagay ni Cohen sa kopita niya. Bagama't masama ang loob niya sa ginawa nitong pagsuway sa kagustuhan niya ay aminado siyang tama ang ginawa nito. Deep inside ay nagpapasalamat siya sa ginawa nitong desisyon. Pero gusto pa niyang makita ang feeling guilty na itsura nito.

"I hate you, Cohen."

"I'm sorry!" paghingi niya ng paumanhin sa amo habang sinasalinan ng alak ang kopita nito.

"All you do is follow the old man's orders. I appreciate that, but how about me?"

"Am I not able to give everything you need, sir?"

"My needs?... yes, you did. You're perfect! But I have my wants, too! You don't give me pussy!" 

Bahagya siyang napangiti sa nakitang ekspresyon ng amo. Alam niyang nagbibiro na ito. "You can see them all after this, sir." He cleared his throat again, loudly this time, "If you want, I can call Dr. Cheung."

"Who? Dr. Cheung? I don't like his caged breeds, man!" Tinapik nito ang assistant sa braso bago tumayo at umaktong pusang nangangalmot. 

"I've heard that pets are great stress relievers, sir." 

"Nothing compared to a woman." Binuksan nito ang isang aparador at inilabas ang dalawang paper bags. "Silly women, I can't even remember who these belong to."

Sinilip ni Cohen ang laman ng paper bags na iniabot sa kaniya.

"Give them to those who want them or burn them, I don't care. I have to practice celibacy from now on."

"Why did you keep these?"

"Don't blame me, I didn't ask for souvenirs." Pagkuwa'y naalala niyang may dapat siyang bigyan ng agarang desisyon. Napaupo siya sa lazy dog niya at nag-isip.

"We can ask Chester for help, sir."

Hindi makapaniwala si Harry sa tinuran ng assistant. Maayos makitungo sa kanila si Chester Singh, ang pinsan niya na Vice President ding tulad niya, pero hindi niya maaaring ipagkatiwala dito ang bagay na ito. Si Chester pa naman ang mahigpit niyang karibal sa Presidency ng kanilang kumpanya. Ito ang  in-charge sa production samantalang si Harry ay sa administration.

"You know what, I got only one person whom I can trust about this," bahagyang kinilabutan si Cohen sa tinuran ng amo, "...you! You can do it, Cohen. Find me a bride and ensure father's nod on her. But make her sign the agreement first, okay?"

"B-but--"

"I trust you, Cohen!"

     …...

     

ISANG buntunghininga pa ang pinakawalan ni Harry bago siya tuluyang umibis sa kaniyang red car. Si Cohen kasi ang gumamit sa isa niyang kotse. Sinundo nito ang babaing mapapangasawa niya ngayon. Sinadya niyang mauna ng dating ang bride niya sa simbahan. Ayaw niyang maghintay sa wala sakaling magbago ang isip ng babaing nakasundo nilang magpakasal sa kaniya.

Si Cohen lang at isang babae ang tumayong saksi sa kanilang kasal. 

Nang matapos ang seremonya ay agad na pinirmahan ni Harry ang papel. Hindi na niya hinalikan ang kaniyang bride. Minadali niya si Cohen na kuhanan sila ng larawan. 

"Make sure to give this to my father." Nang tumango si Cohen ay iniabot niya dito ang marriage contract kapagkuwa'y nag dial sa kaniyang mobile phone at naglakad. Si Cohen naman ay mabilis na tinungo ang kotse upang puntahan si Samuel Sy.

Napamaang na sinundan sila ng tingin ng pari. "Maybe I have to find another profession," ang sabi nito sa bride na nanatiling nakatayo sa kinaroroonan niya. Bagama't nakatakip pa ang belo nito sa kaniyang mukha ay halata ang pag-iyak nito.

"Go now, my child. You deserve a beautiful life."

Tila iyon ang nagbigay ng lakas sa bride para maihakbang ang kaniyang mga paa. Nagtataka namang naiwan ang babaing witness. "W-where's the reception?"

Iniwan ng bride ang babaing witness sa kasal nila. Nagtatatakbo siya palayo sa simbahan. Nang makalayo ay pinagpupunit-punit niya ang kaniyang wedding gown.

“I hate you, Harry! I hate you! Pagsisisihan mo itong ginawa mo sa akin, damontres ka! Pagsisisihan mo ito ng malaki!” Tuluyan nang naghabulan sa pagbuhos ang masaganang mga luha ng babaing pinakasalan ni Harry Sy.

Nasa ganitong kalagayan siya nang may taxi na pumara sa tabi niya. 

“Taxi, miss?” 

Hindi na nag-abala ang babae na ayusin ang kaniyang sarili. Agad siyang sumakay sa taxi.

“To the airport.” Nang makaandar na ang taxi ay nagbago ang isip niya. “No. Go back!”

Tinunton nila ang daan papunta sa simbahan kung saan sila ikinasal. Nang makita niya ang babaing witness na nakasimangot at papasakay na ng isang taxi ay ibinalik niya ang belo sa pagkakatakip sa kaniyang mukha. “Wait!”

Samantala, malayo-layo na ang inabot ni Harry nang huminto siya sa pagda-drive. Lumingon siya sa backseat, kapagkuwa'y tinawagan niya si Cohen.

"Is my wife with you?"

"Sir, you've been married for less than an hour, you think I got your wife?... Why would I have your wife?"

Napaigtad si Harry sa pagkakaupo. Nag-panic na siya. Mabilis niyang hinanap ang U turn at tinungo ang simbahan kung saan sila nagpakasal. Hinanap niya ang kaniyang bride sa bawat sulok ng simbahan ngunit wala ng tao sa loob. Huminto siya sa paghahanap. Napuno ng katahimikan ang paligid.

"Graaaaaa!" 

Gusto man niyang maglupasay dahil sa pagkawala ng kaniyang bride ay hindi niya magawa. Twenty-seven years old, at isang professional, nawalan ng asawa sa mismong araw ng kasal. Mapapahiya siya sa lipunan. Kailangang mabilis siyang makapag-isip ng maidadahilan sa ama niya kung ayaw niyang mabalewala ang effort nila ni Cohen. Nakasilip siya ng pag-asa. Tinawagan niya si Cohen.

"Hello!...Harry?" 

"Where are you?" Umaasa siyang may good news siyang makukuha mula kay Cohen.

"I'm with your father now."

Napasabunot sa sarili si Harry sa narinig mula sa kabilang linya. Pinanlambutan siya ng tuhod.

"Tell him to bring his wife here."

Pinagpawisan siya ng malamig sa narinig na tinuran ng kaniyang ama habang kaharap nito si Cohen. 

SAMANTALA, ang nawawala niyang asawa ay kasalukuyang pinagtitinginan ng mga tao. Nasa loob kasi sila ng isang shooting club habang nakasuot pa ito ng kaniyang damit pangkasal. Kitang-kita ang bagsik na nararamdaman ng bride sa bawat pagputok ng kaniyang baril.

“You okay there, miss?”

Ang tinutukoy ng bride ay ang babaing witness sa kasal nila. Nakaupo ito sa ‘di kalayuan sa kaniya habang sarap na sarap na nilalantakan ang mga pagkaing laman ng mga supot na nakapalibot sa kaniya. “More than okay, this is too much for one person. Thanks, Miss.”

SA KABILANG BANDA ay nakailang ulit nang pagpaparoo't parito si Harry sa loob ng kaniyang condominium unit. Nag-alibi siya sa kaniyang ama kanina na hindi sila makakaharap na mag-asawa dahil sumakit ang tiyan ng babae. Ngunit tila excited si Samuel Sy na makita ng personal ang kaniyang bagong manugang kung kaya't ito na ang dadalaw sa kanila after work.

Lumakas ang pagtambol ng kaniyang dibdib nang makita niyang pumihit ang seradura ng kaniyang pinto. Iniluwa nito si Cohen. May dala itong isang brandy, ang paboritong inumin ng kaniyang ama. Bagama't inaasahan na niyang makita ang sariling ama ay umasa siyang hindi ito darating.

"So, where's my daughter?" Nakabuka ang mga braso nito at maluwang ang pagkakangiti habang hinihintay ang paglapit ng kaniyang bagong manugang.

Lagot. Paano niya ihaharap sa kaniyang ama ang nawawala niyang bride?

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Julia
Marami pa pong gagawin si Cohen para kay Harry.
goodnovel comment avatar
rvillacarlos
Wawang Cohen at swerte yung witness.. May free lunch siya.
goodnovel comment avatar
Julie Strife
ang suplado!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Two

    "How could you lose your wife on your wedding day!" Samuel Sy was so furious at his son. Pinamulahan na siya ng pisngi sa galit at tila gusto niyang lamugin ang anak. Nanatili namang nakasalampak sa sahig si Harry, sapo ang kaliwang pisngi kung saan tumama ang suntok ng kaniyang ama. Hindi naman malaman ni Cohen ang gagawin. Gusto niyang tulungan si Harry dahil tiyak niyang malakas ang tinanggap nitong suntok mula sa ama. Pero minabuti niyang daluhan ang matanda. Nag-aalala siyang baka atakehin ito ng sakit sa puso. "Master, it's my fault. I'm sorry!" "Where is the bride?!" "S-she's…" hindi alam ni Cohen ang sasabihin sa matanda. Gusto niyang mag second the motion sa sinabi ni Harry kanina na sumakit ang t

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Three

    MAAGANG pumasok sa trabaho si Harry Sy. Pero hindi siya dumiretso sa kaniyang opisina. Nakaupo siya sa may lobby ng building, nakaharap sa may pintuan. Nakatayo sa kaniyang tabi si Cohen. Nahalata ni Harry na inaantok pa si Cohen. "Eyes on the door. Be alert or I'll fire you." Nag-snappy look naman si Cohen. Natatawa siyang nauumay sa tinuran ng kaniyang amo. Kahapon lang ay isinoli na niya ang susi ng kotse nito dahil pinag-resign siya, ngunit pagalit lang nitong itinapon sa kaniya ang naturang susi. Hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa puso niya ang pagkaawa kay Harry dahil sa ginawi nito kahapon. Nakita niya ang paghihirap ng kalooban nito, ang frustration nito dahil naramdaman nito ang kawalan ng pag-asang makitang muli ang kaniyang ina. Nga

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Four

    TAHIMIK na binabalikan ni Harry sa kaniyang isipan ang pangyayari kagabi. Malinaw pa sa alaala niya ang disappointment na nakalatag sa mukha ng kaniyang ama habang nagsasalita ito sa kaniya. "You spent one million just to have a fake bride. You prepared an agreement to make your marriage null and void. You were willing to spend another fortune just to find your fake bride. I can't believe how my son turned out to be an idiot!... Just how crazy can you be?" Mula sa paniningkit ng mga mata ay pinanlakihan siya ng mata ng kaniyang ama. "Crazy enough to find my father's happiness! Here's your idiot son who would spend a fortune to bring back your lost priceless treasure!" Hindi na niya itinago sa ama ang naramdaman niyang disappointment. Pinanghinaan na siya ng loob na matupad ang nais niyang mangyari.

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Five

    The roar of a wide-open throttle woke him up. Kunot ang noong kinapa ni Harry ang kaniyang relo. Lalong kumunot ang kaniyang noo nang makitang pasado alas dos pa lang ng madaling-araw. “Really?” Babalik pa sana sa pagtulog ang binata nang marinig ang pagkatok at pagtawag ng kaniyang ama sa may pinto. “Get up, boy! Your fiancee is already warming up her bike. Don’t be a lazy ass there!” ‘Who said I’ll be up at this hour?’ Antok na antok pa siya. Wala siyang nagawa kundi ang magbihis at ayusin ang sarili. Feeling niya ay kailangan niyang itayo ang bandera ng kanilang angkan kaya titiisin niya ang antok at pagkainis. Sino ba naman ang matutuwa kung sunod-sunod na ingay ng malaking motorbike ang gigising sa mahimbing na pagkakatulog? He practiced

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Six

    NOT EVEN IN HIS WILDEST DREAMS ang sumakay sa isang kalabaw, lalo na at tila galing pa ito sa bathing session sa maputik nitong pool. Pakiramdam ni Harry ay pinagtatawanan siya ng mga tao habang tila masayang pumaparada sa kalsada ang kalabaw habang sumusunod ito sa kaniyang owner na sakay naman ng isang kabayo. “Does this thrill you so much?” She was amused and he fumed, his emotions scattered by her schemy acts. Wala kasing taxi sa lugar na ito, at ayon kay Jemima ay walang tricycle na pumapasok sa sitio nina Jemima. Takot daw ang mga driver dahil malapit ang bahay nila sa camp ng lawless elements. “Bakit hindi na lang ako nag- backride sa kaniya?” Itinuro niya ang lalaking sakay ng kabayo sa kaniyang unahan. “Nangingilala ang kabayong iyan, baka masipa ka pa. Huwag kang malikot, ihuhulog ka niyan kapag mainis iyan sa iyo,” she giggled, not hiding her emotions. “Is this your ally? I won’t be surprised kung warfreak din siya.” N

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Seven

    “Ouch! My back!” Hindi na umaarte si Harry this time. Talagang masakit ang likod niya dulot ng pagbagsak niya sa sahig. Nadagdagan ang sakit ng kaniyang likod mula sa pagkakabagsak din niya kanina nang nawalan siya ng ulirat. Pero mas masakit ang katotohanang walang umagapay sa kaniya para makaupo ng sofa. Nakatingin lang ang lahat sa kaniya, inoobserbahan siya. Nalilito naman si Jemima kung ano ang gagawin. “So, what is it now?” Naiinis na ang kaniyang ama. Halata sa mukha nito ang disappointment. Sablay ang plano nila, o pinlano ni Jemima. “I’m…” Wala siyang maapuhap na sabihin sa ama. Ayaw din naman niyang mapahiya sa mga Te. HINDI na naituloy ng dalawa ang pagbabakasakaling makumbinsi ang mga magulang nila na posibleng nagka- amnesia si Harry. Pareho naman kasi silang hindi sanay na umarte o magsinungaling sa magulang kaya hindi nila ito napanindigan. Habang sakay sila ng kotse para m

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Eight

    Part of him ay gustong pitikin ang sariling dila nang biglang tumayo si Jemima. Pakiramdam niya’y tila nagkaroon bigla ng malaking kakulangan sa kaniyang pagkatao nang magkalayo ang kanilang katawan. Gusto niya itong hapitin pabalik sa kaniya, amuyin ang kabanguhan ng kaniyang mapapangasawa. “Get out.” Feeling awkward na sabi ni Jemima sa kaniyang mapapangasawa na hindi pa kumikilos sa sahig. Pakiramdam niya’y namumula ang kaniyang pisngi dahil sa awkward feeling na nararamdaman niya ngayon. Kung puwede lang sana ay bumalik siya sa pagkakadikit sa katawang iyon. Lean but comforting, bagay na hindi niya inakalang taglay ni Harry. Maku-comfort pala siya ng kaniyang kaaway? Saglit na pinagmasdan ni Harry ang mukha ni Jemima. Deep inside of him ay gusto niyang makipagbati sa babae. Pero paano kung ayaw nitong makipagbati sa kaniya? Maingat na inayos ng babae ang kaniyang boda. Isusuot niya ito sa kanilang kasal kahit medyo nagusot na. Akala pa nama

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Nine

    Chapter Nine “Guys, don’t be surprised when you’d hear that Chester Singh,-" tinapik niya ang balikat ng pinsan, “my cousin, will get married soon.” Iyon ang naisip niyang gawin para maitaboy ang pinsan palayo sa kaniya. Alam niya kasing wala pa itong girlfriend. In fact, sa observation niya ay aloof ito sa mga babae. “Oh, I’m not,” mabilis na sagot ni Chester. “I’d rather enjoy being single than become…” binigyan niya ng half smile ang pinsan. Nagtagis ang bagang ni Harry. Pakiramdam niya’y sinadya ni Chester na ibitin ang kaniyang sinasabi. Siguro ay alam nito ang totoong situwasyon nilang mag-asawa. Hindi naman ito imposible. Dati nang magkakilala sina Jemima at Chester, nakasama kasi nila ito noon sa pagbabakasyon nila sa Pilipinas noong maliliit pa sila. Hinarap ni Harry ang ibang bisita. Kung dati ay mapagpatol siya kapag sa palagay niya’y pinariringgan siya, ngayon ay kailangan na niyang mag-in

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Fifty-nine

    HABANG inihahanda ang delivery room ay magkasama sa isang sulok sina Harry at Jemima. Inilipat kasi doon ang kama niya. Si Harry lang ang pinayagang sumama sa loob. Napansin ni Harry na kinakabahan ang asawa. "Be strong, Jemima, pabulong niyang sabi rito. "I'm scared!" pabulong din nitong sagot. "No. You can do it. Be a strong mother. I won't be with you anymore." Natigilan naman si Jemima sa narinig sa asawa. "I will do as you said. I will find my own happiness. I will find someone who is afraid to lose me." Tumulo ang luha ni Jemima sa bigat ng naramdaman. Siya namang paglapit sa kanila ng doctor. "It's time." Lumabas na si Harry ng delivery room. Sabay ng paghilab ng kaniyang tiyan ay ang sakit na kaniyang nararamdaman sa dibdib. Humiyaw siya na may luha sa mga mata. "Aaaahhh!" Umiri siya ng malakas. Nataranta naman ang doctor na nag-aasikaso sa kaniya. "No, no, no! Hintayin mo ang instruction ko, misis." Naunawaan niya kung paano niya sinaktan ang asawa. Hindi kasi siya

  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Fifty-eight

    HINDI mapalagay si Harry sa loob ng taxi. Katabi niya si Chester na naiinis na rin sa sobrang traffic sa highway ng Metro Manila. Halos hindi na umuusad ang sinasakyan nila. Bumper to bumper na ang itsura ng mga sasakyan sa kanilang lane. Magkasabay silang agad na sumakay ng eroplano nang malaman nila ang nangyari kay Jemima. Tiyempo naman kasing magkausap silang dalawa nang matanggap ni Harry ang text message ni Melinda na nagsasabing isinugod nila sa ospital si Jemima. "Oh, it's not moving anymore!" iritableng bigkas ni Chester nang hindi na umuusad ang trapiko. Gusto na niyang manghampas dahil sa kabugnutan. Dahil hindi rin talaga mapalagay si Harry, binuksan niya ang pinto ng taxi. Nang makita niyang mahaba ang mga hindi umuusad na sasakyan mula sa unahan nila ay nagpaalam siya sa pinsan. "See you there!" "Hey! It's too far!" Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ng tingin si Harry na mabilis nang tumakbo. Halos naliligo na si Harry sa pawis sa katatakbo. Pinupunasan niya an

  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Fìfty-seven

    TINUNGO ng magkapatid ang isang bar hindi kalayuan sa condominium unit ni Harry. Pinili nila ito dahil hindi ito matao. Puro mamahaling alak ang pinagpilian nilang inumin. "What would you like?" tanong ni Daniel sa kanila. "I bet, bro would like to scream," ang sagot naman ni Cholo. Natatawang pinili ni Daniel ang Screaming Eagle Cabernet Sauvignon. Hindi ito ang madalas nilang iniinom, pero nagkasundo silang ito ang pagsaluhan nila ngayong gabi. Nanatili namang tahimik lang na nakaupo si Harry. Nagpatiayon lang siya sa gusto ng mga kapatid niya. Wala namang hinahanap na particular na lasa ng alak ang lalamunan niya kaya ayos lang sa kaniya kung alin ang mapili ng mga kapatid. Ang mahalaga ay kasama niya ang mga ito ngayon. Habang nagsasalin sila ng alak sa baso para sa pangatlong round ay siya namang pagdating ni Chester. "So, this is how you celebrate?" umiling-iling niyang bungad mula sa likuran ng tatlong pinsan. "Chester!" pinaupo ni Daniel ang pinsan sa tabi niya. "You'r

  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Fifty-six

    MAGKASUNOD na dumating sa harapan ng Shangri-la Hotel ang kotseng kinalululanan ni Harry at ng kaniyang pamilya. Kasama ni Harry ang buong pamilya sa pagdalo ng awarding night ng People's Choice Award, maliban kay Jemima. Tila mga modelo ng damit ang buong pamilya Sy sa suot nilang formal attire. Bagay na bagay sa kanila ang Hollywood Glamour themed nilang suot. Pawang naka black suit and black tie ang magkakapatid habang naka vintage suit ang kanilang ama at may metallic colored tie. Si Benita naman ay tila nabawasan ang kaniyang edad sa kaniyang suot na vivid yellow metallic color na full length gown. Accentuated pa ito ng emerald stones to match its golden color. Napaka elegante nilang tingnan sa kanilang pustura. Agad namang pinagkaguluhan ng mga reporter ang pamilya Sy, lalo na si Harry. Matapos nilang kuhanan ng larawan ang pamilya ay humakbang na sina Harry patungo ng entrance ng hotel. "Mr. Sy, we have a question for you!" Ngiti at kaway lang ang isinagot ni Harry sa report

  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Fifty-five

    MULA sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising si Jemima. Napangiti siya nang pagmulat niya ng mga mata ay nakita niyang nakahiga sa kaniyang tabi si Harry. Magkaharap sila, at magkayakap.Naaamoy niya ang hininga ng natutulog niyang asawa. Guwapong-guwapo pa rin si Harry kahit na medyo na-haggard ang itsura nito. Stress na yata ang kinakain nito araw-araw.Madaling-araw pa lang, kaya maingat siyang kumilos. Ayaw man niyang gawin ito, pero naisip niyang baka kailangan niyang mag-usisa. Hindi namalayan ni Harry ang paglabas niya ng kuwarto dahil patingkayad siyang humakbang. Tinawagan niya ang taong inaasahan niyang hindi siya pagkakaitan ng impormasyon."Yes, he is badly needed here. They can't fix the problem."Ikinalungkot naman ni Jemima ang narinig mula sa kausap. Nalaman pa niya na may transaksyon itong nalagay sa alanganin dahil sa biglaang pagpunta ni Harry sa Pilipinas. Malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Kailangan niyang tatagan ang sarili sa naisip na decision.Bi

  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Fifty-four

    Nakatanggap siya ng pasabi na tuloy ang video session nila para sa advertisement ng company ni Vince Schuck. May kaunting pagbabago nga lang sa naunang plano. Pumayag naman si Jemima. Si Harry ang sumama sa kaniya sa studio. Binati ni Jemima ang staff pagbungad nila ng pinto. “Hello! “Hello, Ma’am!” Pumalatak sa tuwa ang make-up artist nang makita nito si Harry. “Wow, ang guwapo naman ng partner mo, madam!” Agad itong lumapit kay Harry, nakangiti ito sa kasiyahan habang pinagmamasdan nito ang lalaki mula ulo hanggang paa. “One to ten, twelve ka!” saad nito sa lalaki. Pipindutin sana nito ang bisig ni Harry pero umiwas ang huli. “Silvestre,” pabagsak niyang sinabi ang pangalan ng make-up artist,-- “Aray naman po! Palagapak talaga! Sly lang po.” “Don’t touch my honey. Asawa ko ito!” pabiro niyang pinanlakihan ng mga mata ang make-up artist. Kinilig naman si Harry sa narinig sa asawa. Inakbayan niya ang babae. “Ay! Siya pala si Harry Sy?” Muli niyang tiningnan ang mukha ni Harry,

  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Fifty-three

    HINDI inaasahan ni Jemima ang pagdating ni Harry sa kaniyang harapan. Wala siyang photo shoot ngayong araw at natapos na niya ang mga dapat niyang i-email kaya nag lazy mode siya. “Hi!” bati ni Harry sa asawa nang pagbuksan siya nito ng pinto. Halata niya ang pagkagulat nito. “Can I come in?” “Y-yeah. Come in.” Nakasuot lang siya ng nighties. Hindi man lang siya nagsuot ng roba dahil inakala niyang si Melinda ang nag door bell. Nakita niya ang pagtiim ng mukha ni Harry habang nakatitig ito sa kaniya. “W-why… are you mad?” “You’re almost naked, lady! You opened the door wearing that. Were you waiting for somebody?” Agad namang nakuha ng babae ang ipinupunto ng asawa. Minabuti niyang magpaliwanag dito. Pagod pa naman ito at nagdududa. “I thought it was Melinda. I thought she forgot something so I fid not care to change clothes. Who else will I expect to come here?” Hindi na niya itinuloy ang pagpapaliwanag dahil nakatuon na ang pansin ng asawa sa kaniyang tiyan. “It’s bigger now.” N

  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Fifty-two

    KANINA pa silang dalawa nagtititigan sa isa’t isa. Halos hindi sila kumikilos, pero halata nila ang paghinga ng malalim ng bawat isa.Hindi nagawang iwasan ni Jemima ang tawag ni Harry dahil kaharap niya kanina si Melinda nang tumawag ito. Ayaw naman niyang kung ano pa ang isipin ng pinsan tungkol sa nararamdaman niya sa sitwasyon nila ngayon. Baka lalo lang siyang tuksuhin nito. Worse, baka mag-alala ito sa kaniya, at makarating pa sa mga magulang niya ang pag-iwas niya na kausapin ang asawa.Nagtago siya sa loob ng kaniyang kuwarto. Heto nga at nasa tatlong minuto nang walang salitang nanulas sa kanilang bibig mula nang mag “hi” at “hello” silang mag-asawa.Napalunok naman ng laway si Harry nang may maalala habang nakatitig siya sa kaniyang asawa. Naalala niya na noong nasa Malaysia siya ay nag video call din silang dalawa. Nasa honeymoon stage pa lang sila noon. It was a delightful experience for him dahil nauwi iyon sa steamy scenes. Ramdam nila ang kasabikan sa isa’t isa noon. Ib

  • The Billionaire's Prize Wife   Chapter Fifty-One

    KANINA pa tinititigan ni Harry ang cellphone niya. Nakailang missed calls na kasi siya sa asawa pero hindi man lang nito nagawang mag call back. ‘I thought you understood me, but it seems you don’t care.’ Inilapag na niya sa mesa ang phone nang tumunog ito. Si Melinda ang tumatawag. Agad niya itong sinagot. “Hello!” “Hello, Sir Harry,” hindi pa rin siya sanay na tawagin ito na walang ‘sir’, “it’s me, Mel.” “Yeah, I know. How’s life going there?” “We’re fine, sir.” Tiningnan niya ang pinsan na kasalukuyang inaasikaso ng wardrobe stylist. “Jemima’s phone is right here beside me, she’s currently busy.” “What is she doing?” “She just signed a modeling contract with Vince Schuck. Would you like to see her?” “Yes, please.” Ini-on nila ang camera at ipinakita ni Melinda ang pagsusukat ni Jemima ng mga damit para sa mga buntis. Hindi nakakibo si Harry sa paghanga sa asawa. Gandang-ganda siya rito. Lalo tuloy niya itong nami-miss, lalo na nang natuon ang kaniyang paningin sa umbok ng

DMCA.com Protection Status