Isang linggo na ang nakalipas muli. Thes invited me to go out. Sinabi niya sa akin na hindi ako dapat nagmumukmok sa aking silid at isipin ang mga nangyari sa amin ni Rozzean. Pero ano ang magagawa ko? kahit na nasaktan ako ng sobra ay ito at umaasa ako na magiging maayos pa kami.I miss Rozzean so much, miss na miss ko na. Napapanaginipan ko na siya dahil sa sobrang pagka-miss ko. Naiiyak pa rin ako sa gabi sa tuwing maalala ko ang nangyari sa amin. How his eyes looked at me with hatred. Nararamdaman ko pa rin ang sakit nang makita ko sila na magkasama ni Klari.Iyong sobrang saya namin ng ilang araw sa bahay niya ito na ang kapalit at walang ibang dapat na sisihin kung hindi ako lang."Are you sure you don't need a guard?" tanong ni Mommy sa akin.Hinihintay ko na lang na dumating si Thes. Siya ang magmamaneho, hindi na ako maaaring mag-drive mag-isa simula noong maaksidente ako. My parents and brothers were so worried that they took my car keys. Ang dalawang sasakyan ko ay hindi ko
Dalawang oras rin na inaayusan ako sa salon ni Thes. Katulad ng sinabi niya ay vanilla blonde nga ang ikinulay sa aking buhok. Nakatingin lang ako sa salamin habang ginagawa binoblower. Patapos na at ako naman ay naghihintay na lang rin."Okay na po, Ma'am. Tapos na po!" sabi ng babae sa akin.Tumayo ako at tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.I didn't know that vanilla blonde hair color would suit me. Ito ang unang beses na nagpakulay ako ng buhok at dahil iyon sa kaibigan ko na linggo-linggo ay iba ang kulay ng buhok. Nilapitan ko si Thes, nakatuon ang mga mata niya sa kaniyang cellphone.Nang mapansin na nasa harapan niya ako ay ibinaba niya ang hawak at tumayo."Wow! ganda, ah? tapos tara at makapaghanap ng damit!"Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Wala na rin akong nagawa nang hilahin ako ni Thes at dalhin sa shop niya. Hinayaan ko na siya sa mga gusto niyang gawin. Pumili siya ng red velvet backless fitted dress at ipinasuot sa akin.She said that we are go
Hawak-hawak ko si Thes at nasa loob kami ng vip room sa kaniyang bar. Natutulog na ang aking kaibigan. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kaniya."Luther..."Napatingin sa akin si Luther. Sinamahan niya kami dito ngayon dahil siya ang umaayos sa gulo na nangyari kanina. Nag-aalala rin ako sa sitwasyon. Wala pa rin daw malay ang lalake na ilang beses na sinuntok ni Rozzean. Dinala na raw ito sa ospital."Nakita mo ba siya?" tanong ko kay Luther na ang tinutukoy ay si Rozzean."No, but he called me. He said that he's willing to pay for the damages. Pinapabalik ko dito pero sinabi niya na aayusin niya and if the man will sue him sa korte na lang sila magkita."Ayaw niya ba akong makausap?Pero ano ang ginagawa niya dito? he doesn't like to drink outside."Kasama mo ba siya na pumunta dito, Luther? hindi ko alam na nandito pala si Rozzean."Sa gulat ko ay hindi ako nakapag-reak kanina. I called his name but I didn't expect that he was actually here. Ang bilis ng tibok ng puso k
"Daddy...""Tangi, stop chasing that man. If he loves you he will come to you--"Pinutol ko ang aking ama sa pagsasalita dahil na rin sa emosyon na nararamdaman ko ngayon."Dad, he did! h-he was there earlier. Sinabi ni Luther sa akin na hindi naman niya sinabi kay Rozzean na naroon ako sa bar. Saka he lives in Tagaytay, ilang oras ang byahe papunta dito. M-M-Maybe he followed me earlier? m-maybe he was there watching m-me?"I sound so desperate that Rozzean was actually there earlier for me. Hindi ko na alam... asang-asa ako. Masakit pero umaasa talaga ako na nandoon siya kanina para sa akin. Kahit iyon na lang..."Or it's just a coincidence that he was there and saw you. Paano kung may katagpo pala siyang iba kaya naroon siya kanina at nakita ka lang niya?""K-Katagpo?" tanong ko. Naputol ang pag-asa ko dahil sa sinabi ni Dad. Hindi iyon pumasok sa isipan ko. Sino naman ang kikitain ni Rozzean dito?"Rozzean saw and saved you because that's the only thing he could do to clean his im
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga nang marinig ko ang boses niya."R-Rozzean?"Napatingin ako kay Thes. Nakatayo na ako ngayon at siya ay nakahawak sa akin."Si Rozzean 'yan?! totoo?" bulong niya.Tumango ako sa kaniya pero ang buong atensyon ko ay nasa kabilang linya. Kay Rozzean na hindi ko inaasahan na tatawag. Pigil ko ang aking paghinga habang hinihintay ko ang boses niya sa kabilang linya. Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Thes dahil sa kaba.He called me! tinawagan niya ako at hindi ako nananaginip! this is his voice! hindi rin ako maaaring magkamali! kilalang-kilala ko ang boses niya, kahit bulong ay malalaman ko na siya.And he said Thaliana! hindi Tali, kung hindi Thaliana! pinatawad na niya ba ako? h-hindi na ba siya galit sa akin?"R-Rozzean? hello--""Thaliana... are you... okay?"Napasinghap ako nang muli kong marinig ang boses niya. Si Rozzean nga! Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Thes. Natutop ko ang aking bibig dahil hindi ako mak
Hindi pala sapat na mahal mo lang ang isang tao para mag-stay ka at maghintay na muli kayong magkakaayos. Kahit pala ilang beses ko na sinabi na sobrang mahal ko si Rozzean at hindi ko isusuko ang nararamdaman ko sa kaniya ay darating pa rin ako sa punto na ito.Na mas mangingibabaw na yung sakit kaysa sa pagmamahal.Sa dalawang beses na nakita ko silang magkasama ni Klari ay hindi lang basta kurot ang naramdaman ko sa puso ko, paulit-ulit na parang may punyal na sumasaksak sa dibdib ko.Ang sakit. Sobrang sakit.Tama na. Ayoko na. Hindi na ako aasa na maaayos pa dahil mukhang okay na rin siya. He's better without me. He looks good without me.Rozzean is fine... without me."Thaliana, you are not eating your food. Sinabi mo sa akin na mag-uusap tayo pero pagdating dito ay hindi ka naman nagsasalita. Hanggang sa dumating ang pagkain ay ginagalaw mo lang. What happened?"Umangat ang tingin ko kay Luther. Tinawagan ko siya at tinanong ko kung mayroon siyang libreng oras ngayon upang maka
Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ni Luther ay inabala ko na lang ang sarili ko sa aking negosyo. Kinuha ko na rin kay Thes ang mga alaga ko upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko. "Rose, daisy, Dandy, Dahlia, Cherry and Lily, na-miss ninyo ba si Mommy? sorry, ha? kung iniwan ko muna kayo kay Ninang Thes ninyo..." Kumakawag ang buntot ng aking pomeranian pati na ng white poodle ko nang halikan ko sila isa-isa. Nakapalibot sila sa akin ngayon at katabi ko sa aking kama. Indeed, simply spending time with your pets can help you feel better. "Gutom na ba kayo?" Bumangon na ako at pagkatapos ay bumaba tinungo ang kanilang silid. Nakasunod naman silang lahat sa akin. They have their own room in my house pero palagi na dito sila sa aking silid natutulog. While I was preparing the foods of my pet my phone ring. Sinilip ko kung sino ang tumatawag at nakita ko na si Daddy iyon. I already talked to him and cleared everything about Rozzean. Nakuha ko naman ang nais
Okupado ang isip ko ng tungkol sa tatlong piraso ng rosas na ibinigay ng batang babae kanina pati na ang nilalaman ng card na ibinigay nito sa akin. If it's Rozzean then bakit hindi siya ang nagbigay non sa akin?Walang ibang tao sa isipan ko na gagawa non kung hindi siya lang.He's the only man in my life.Sino ang gagawa?"Ma'am 12 na po, half day lang po kayo ngayong araw, hindi po ba?"Napatingin ako kay Alma. Hindi ko namalayan ang oras. Ang bilis. Buwisit na tatlong rosas na iyan. Napatingin ako sa kinalalagyan, nasa gilid ko lang katabi ang card rin.I miss you?"Thank you for reminding me, Alma," baling ko sa kaniya at nginitian ko siya.Inayos ko na ang mga gamit ko. Kinuha ko rin ang bouquet ng bulaklak na ako mismo ang nag-ayos upang ibigay sa ina ni Luther mamaya. Nang aalis na ako ay napatingin ako sa tatlong rosas at sa card. Kinuha ko ang mga iyon at tinungo ko ang aking sasakyan. I was too stunned to speak when I saw the letter. Kinilig pa nga si Alma at ang akala ay s
After 6 yearsWe are outside of the room. Birthday ni Rozzean ngayon at nag-bake ako ng cake para sa kaniya. I looked at my triplets. Their pointer finger was on their mouth. Sinabi ko kasi sa kanila na huwag maingay.Nakasunod sa amin ang mga alaga kong aso at pusa. I am thankful na wala sa mga anak ko ang may allergy sa mga hayop. At nakuha pa nila ang pagkakagusto ko sa mga ito. Thalia always play with Rose. Si Rozwell at Rockwell naman ay sa mga aso.Nang tumahol si Lily ay ngumuso si Rockwell dito na kaagad naman ikinatigil ng aso namin."Mommy, magugustuhan naman kaya ni Daddy itong surprise natin?" bulong niya."I think?" sagot ko kay Taki at sinindihan ko na ang kandila sa cake.Nang buksan ko ang pinto ng silid namin ni Rozzean ay dahan-dahan kaming pumasok. Takip-takip ng aking mga anak ang kanilang mga bibig upang hindi makagawa ng ingay. My husband is still sleeping. Nakadapa siya sa kama at kita ang hubad niyang likod."Shhh, Rockwell!" sita ni Rozwell sa kapatid.My tripl
Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje "R-Rozzean!" What the hell? a-akala ko ay next week pa? "Rozzean!" sigaw ko ulit. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng aming silid. Nang magkatinginan kaming dalawa ay mabilis siyang lumapit sa akin. "W-Why?" "My water just broke! m-manganganak na ako!" Nagkatinginan pa kaming dalawa. Hindi siya kumilos. "Rozzean!" sigaw kong muli. Nang mahimasmasan siya ay binuhat niya ako at tinungo ang garahe. Nadaanan pa namin si Luther. Mukhang nagtatrabaho pa sila! "Manganganak na?!" tanong ni Luther. "Oo!" Nakayapak pa si Rozzean at nang pinaandar niya ang sasakyan ay napahiyaw ako sa sakit. "Fck!" "Ako na ang magda-drive, nasaan iyong mga gamit ng mga bata?" tanong ni Luther na umikot. "Damn, oo nga!" rinig kong sabi ni Rozzean at lumabas ito ng sasakyan. Para akong mahihimatay sa sakit na aking nararamdaman. "Ahhh!!" sigaw ko nang makaramdam ng hapdi. Nang bumalik si Rozzean sa loob ng sasakyan ay dala na niya ang gamit ng mga bata. Luther dro
Rozzean Cyron Valleje."Baby... it's 1:45 am. Ano ang gusto mo?"Nakatingin ako sa aking asawa na nakasimangot habang nakaupo sa aming kama. Lumipat kami ng silid dito sa ibaba dahil nangangamba ako na baka madulas siya sa hagdan. It's dangerous for her to use the stairs dahil biglang lumaki rin ang kaniyang tiyan. Sinabi ni Ferline na normal lamang iyon at asahan pa raw namin na mas lalaki pa sa susunod na mga linggo."I want spaghetti. Ipagluto mo naman ako, asawa ko..."I nodded and smiled at her. We went out of the room. Nakahawak siya sa aking kamay. Naupo siya sa gilid habang nakamasid at pinapanood ako sa pagluluto."Gwapo..."Napangiti ako sa kaniya. Thaliana eats a lot but she's not getting fat. Siguro ay kaya palagi siyang gutom at malakas siyang kumain ay dahil nga sa tatlo ang ipinagbubuntis niya. I understand her that's why I am always with her to give her cravings. Sa bahay na rin ako nagtatrabaho muna. Thaliana said that it's okay to leave her but I refused.Tiyak na ku
Kinabukasan bilang bagong mag-asawa namin ni Rozzean ay ginising ko siya sa pamamagitan ng munting mga halik. Dahil nga sa antok na antok pa rin siya ay sinabi ko sa kaniya na bababa ako at magluluto ng aming pagkain. Sumang-ayon naman siya at muling natulog.Naabutan ko sa kusina si Manang, nag-aasikaso na rin siya ng umagahan at tinulungan ko na siya."Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje," sabi ko habang nakatingin sa wedding ring ko."Gosh... para naman akong teenager na kinikilig!"Rozzean is my husband... we are married."Tangi... kalma! kumalma ka!"Nang maihanda ko na ang mga pagkain ay umakyat ako sa aming silid habang hawak ang tray. Pumasok ako at ibinaba ang aking dala sa table sa gilid at nilapitan ang aking asawa na natutulog pa rin."Good morning, husband..." sabi ko ng nakangiti at muling hinalikan si Rozzean sa kaniyang buong mukha."Hmmm..." he's smiling!"We are going to eat--""I will eat you.""Ay, Rozzean, ha! bumaba ako at ipinagluto ka, huwag mo ako paandaran ng '
Para pa rin panaginip dahil sa sobrang saya ng aming kasal ni Rozzean. Halos buong oras ay nakangiti lamang ako at nakatawa dahil sa mga kaganapan na hindi ko inaasahan. Even my Dad dance with him. Noon ko lang nakita na sumayaw ng ganoon ang Daddy.Tapos pati na ang mga kapatid ko ay nakisali pa. But the most memorable moment was the reaction of our family when we announced about my pregnancy. Naiyak pa sa huli ang aking mga magulang."Baby..."At ito na nga. Kabababa lang sa akin ni Rozzean sa silid niya. He was at my back. Pinapadaan niya ang kaniyang mga labi sa aking likod habang ibinababa niya ang zipper ng aking wedding gown."Sure kang puwede?" tanong ko."Hmmm... you didn't ask Ferline earlier to be sure."Naroon nga si Ferline kanina sa reception pero syempre nahihiya ako dahil itatanong ko pa kung safe pa ang pagtatalik kahit buntis at tatlo pa ang nasa sinapupunan ko.Nilingon ko siya nang naibaba na niya ng tuluyan ang aking gown."S-Sandali. Wala bang ligo-ligo ito? mali
Nang matapos ang napakasayang intermission number ng aking pamilya ay nilapitan ako ni Rozzean na hinihingal. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako. Idinikit niya ang bibig sa aking tainga at bumulong."Nakakahiya..."Natawa akong muli at hinimas ang likod niya."Nahiya ka pa ng lagay na 'yon? bigay na bigay ka."Malakas kong narinig ang pagtawa ni Rozzean. When he let go of me I wiped the sweat on his face and neck. Pawis na pawis kahit na air conditioned itong reception!"It was Thes idea. Sabi niya na sobrang matutuwa ka kapag sumayaw ako ng jumbo hotdog. And she was right."Napatingin ako kay Thes na nakatutok sa screen ng cellphone niya mukhang pinapanood niya iyong video niya na kinuha kanina dahil tumatawa pa rin siya."And Luther? paano mo napapayag na sumayaw?" tanong ko ng nakangiti."I don't know what happened. I think Thes talked to him. Mukhang napilitan lang rin, hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Thes para mapapayag si Luther para sumayaw kasama ko. I was surpris
"I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride."Malakas na palakpakan ang narinig namin ni Rozzean sa loob ng simbahan pagkatapos ng isang mabilis na halik."Ahhh..." napalingon ako kay Rozzean nang marinig ko ang boses niya. He was holding my hand and kissing it."Mine... finally, you are mine."Napangiti ako sa sinabi niya. Hinawakan ko siya sa kaniyang pisngi at mahinang kinurot iyon."Sa 'yo naman po talaga," sagot ko sa kaniya."Hmm... I can't wait for our honeymoon."Pinanlakihan ko siya ng mga mata at lumingon sa paligid dahil baka may nakarinig sa sinabi niya. Pinalo ko ng mahina sa dibdib si Rozzean. Honeymoon na naman!"Nauna na nga ng ilang beses ang honeymoon, ang isip mo ay honeymoon pa rin."He's still kissing my hand."That's different. My performance this time with you is not as your boyfriend but as your husband."Ang dami niyang nalalaman! at anong performance pa 'yon? I was about to talk again but the crowd went in front to congratulate us."Congratu
Pagkalipas ng sampung minuto ay nakita ko na palapit na sa akin ang organizer. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas na ako. Maraming mga photographer ang kumukuha ng larawan habang naglalakad ako."Ma'am kayo na po ang papasok," sabi sa akin ng organizer.Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng simbahan ay huminga ako ng malalim.Nang bumukas iyon unti-unti ay mahigpit kong nahawakan ang aking bouquet. Nakatayo ang lahat ng nasa loob ng simbahan. Nasa akin ang lahat ng kanilang atensyon habang dahan-dahan ang aking paglakad.I looked at the aisle and saw Rozzean. Gwapong-gwapo sa itim na tuxedo na suot. Nakangiti siya sa akin habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Nakita ko rin na inayos niya ang kaniyang suot kahit sa paningin ko ay ayos naman. Is he nervous?Nang salubungin na ako ng aking mga magulang sa gitna ay humalik ako sa kanilang pisngi. My father is crying again!"Dad..." sabi ko.We continue to walk in the aisle."I-I'm just hap
Rozzean and I decided to keep my pregnancy until we get married. Sinabihan rin namin si Luther at si Thes pati na si Ferline na huwag munang ipapaalam sa iba. Nais namin na sabihin sa aming pamilya ang tungkol sa pagbubuntis ko pagkatapos namin makasal.We wanted to surprise everyone that we are having triplets.Hindi ko rin talaga makakalimutan ang araw na nalaman namin na tatlo ang magiging anak namin ni Rozzean. It was memorable because my husband fainted. Nag-alala ako sa nangyari sa kaniya pero nang magising siya ay halos hindi ako makahinga katatawa.He was so fckng embrassed. Luther was also laughing and so Ferline and my bestfriend Thes. Kahit ako ay hindi ko mapigilan, naawa na lang ako sa kaniya at tumigil sa pagtawa nang yumakap siya sa akin at ibaon ang kaniyang ulo sa aking leeg.Rozzean keep on cursing and he's saying that he was just so happy. Sa sobrang saya ay hinimatay nang malaman na triplets ang aming magiging mga anak.Hindi natigil ang kaniyang kapatid. Palagi si