Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga nang marinig ko ang boses niya."R-Rozzean?"Napatingin ako kay Thes. Nakatayo na ako ngayon at siya ay nakahawak sa akin."Si Rozzean 'yan?! totoo?" bulong niya.Tumango ako sa kaniya pero ang buong atensyon ko ay nasa kabilang linya. Kay Rozzean na hindi ko inaasahan na tatawag. Pigil ko ang aking paghinga habang hinihintay ko ang boses niya sa kabilang linya. Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Thes dahil sa kaba.He called me! tinawagan niya ako at hindi ako nananaginip! this is his voice! hindi rin ako maaaring magkamali! kilalang-kilala ko ang boses niya, kahit bulong ay malalaman ko na siya.And he said Thaliana! hindi Tali, kung hindi Thaliana! pinatawad na niya ba ako? h-hindi na ba siya galit sa akin?"R-Rozzean? hello--""Thaliana... are you... okay?"Napasinghap ako nang muli kong marinig ang boses niya. Si Rozzean nga! Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Thes. Natutop ko ang aking bibig dahil hindi ako mak
Hindi pala sapat na mahal mo lang ang isang tao para mag-stay ka at maghintay na muli kayong magkakaayos. Kahit pala ilang beses ko na sinabi na sobrang mahal ko si Rozzean at hindi ko isusuko ang nararamdaman ko sa kaniya ay darating pa rin ako sa punto na ito.Na mas mangingibabaw na yung sakit kaysa sa pagmamahal.Sa dalawang beses na nakita ko silang magkasama ni Klari ay hindi lang basta kurot ang naramdaman ko sa puso ko, paulit-ulit na parang may punyal na sumasaksak sa dibdib ko.Ang sakit. Sobrang sakit.Tama na. Ayoko na. Hindi na ako aasa na maaayos pa dahil mukhang okay na rin siya. He's better without me. He looks good without me.Rozzean is fine... without me."Thaliana, you are not eating your food. Sinabi mo sa akin na mag-uusap tayo pero pagdating dito ay hindi ka naman nagsasalita. Hanggang sa dumating ang pagkain ay ginagalaw mo lang. What happened?"Umangat ang tingin ko kay Luther. Tinawagan ko siya at tinanong ko kung mayroon siyang libreng oras ngayon upang maka
Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ni Luther ay inabala ko na lang ang sarili ko sa aking negosyo. Kinuha ko na rin kay Thes ang mga alaga ko upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko."Rose, daisy, Dandy, Dahlia, Cherry and Lily, na-miss ninyo ba si Mommy? sorry, ha? kung iniwan ko muna kayo kay Ninang Thes ninyo..."Kumakawag ang buntot ng aking pomeranian pati na ng white poodle ko nang halikan ko sila isa-isa. Nakapalibot sila sa akin ngayon at katabi ko sa aking kama.Indeed, simply spending time with your pets can help you feel better."Gutom na ba kayo?"Bumangon na ako at pagkatapos ay bumaba tinungo ang kanilang silid. Nakasunod naman silang lahat sa akin. They have their own room in my house pero palagi na dito sila sa aking silid natutulog.While I was preparing the foods of my pet my phone ring. Sinilip ko kung sino ang tumatawag at nakita ko na si Daddy iyon. I already talked to him and cleared everything about Rozzean. Nakuha ko naman ang nais kong
Okupado ang isip ko ng tungkol sa tatlong piraso ng rosas na ibinigay ng batang babae kanina pati na ang nilalaman ng card na ibinigay nito sa akin. If it's Rozzean then bakit hindi siya ang nagbigay non sa akin?Walang ibang tao sa isipan ko na gagawa non kung hindi siya lang.He's the only man in my life.Sino ang gagawa?"Ma'am 12 na po, half day lang po kayo ngayong araw, hindi po ba?"Napatingin ako kay Alma. Hindi ko namalayan ang oras. Ang bilis. Buwisit na tatlong rosas na iyan. Napatingin ako sa kinalalagyan, nasa gilid ko lang katabi ang card rin.I miss you?"Thank you for reminding me, Alma," baling ko sa kaniya at nginitian ko siya.Inayos ko na ang mga gamit ko. Kinuha ko rin ang bouquet ng bulaklak na ako mismo ang nag-ayos upang ibigay sa ina ni Luther mamaya. Nang aalis na ako ay napatingin ako sa tatlong rosas at sa card. Kinuha ko ang mga iyon at tinungo ko ang aking sasakyan. I was too stunned to speak when I saw the letter. Kinilig pa nga si Alma at ang akala ay s
Hindi ko namalayan na isang oras ko na pa lang kausap si Thes. Nagpaalam na ako sa kaniya. Nang maibaba ko ang cellphone ko ay hinila naman ako ng antok at nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa tunog ng cellphone ko.Kinapa ko iyon sa gilid at nang makita ko na si Luther ang tumatawag ay napabalikwas ako ng bangon."Hello?""Are you ready? nasa labas na ako ng bahay mo."Nanlalaki ang mga mata ko na napatingin sa orasan sa kwarto ko.4:50 pm na! holy shit! nawala sa isip ko! 5 pm nga pala kami aalis!"W-Wait lang, Luther."Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at tinungo ko ang labas. Nang buksan ko ang gate ay nandoon nga si Luther at nakasandal sa harapan ng kaniyang kotse."Luther!" tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin at unti-unting ibinaba ang cellphone. Naglakad siya palapit."I am sorry, nakatulog kasi ako, you can wait inside my house."Nilakihan ko ang bukas ng gate at pumasok naman si Luther nang isasara ko na ay sinabi niyang siya na ang magsasara ng aking gate
Hindi na ako halos makahinga ng normal. Hawak ako ni Rozzean sa aking kanang kamay at si Luther naman ay sa aking kaliwang kamay. Masama ang tinginan nilang magkapatid habang ako ay nakagitna sa kanila."Ang sabi ko ay bitawan mo si Thaliana, Cyron. Ano ba hindi mo maintindihan doon--""I said no. Ano rin ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, Luther?"Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pero nagtagal kay Rozzean ang mga mata ko nang mahuli niya ang aking tingin. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, hindi ba at ayaw na niya sa akin? hindi niya na ako gustong makita?Sa bahay pa lang niya ay marami na siyang sinabi na dapat tumigil na ako sa paghingi ko ng pagpapatawad niya pero ano ang ginagawa niya dito ngayon? kung kailan nakapag-decide na ako na kalimutan siya ay saka siya babalik at biglang magpaparamdam na parang importante talaga ako sa kaniya na may pagmamahal pa rin siya.Pagkatapos ano?"You are done with her, right? ano pa ang palabas na ito, Rozzean?
Nang matapos ang hapunan at makapag-usap-usap ay nagpaalam na ang aking mga magulang na uuwi na sila. Ako naman ay nanatili pa dahil umiiyak si Taki at ayaw pa akong pauwiin. Sinabi naman ni Luther sa mga magulang ko na ihahatid ako sa aking bahay but Tita Cynthia said that I can stay here for tonight. Mukhang wala rin balak si Taki na bitawan ako.Umiiyak siya kapag lumalayo ako at talagang tinatawag niya akong mommy."I don't know why... but this is the first time I saw him act like this, Thaliana. I am really sorry, ha? nangangawit ka na ba?"Bumaba ang tingin ko kay Taki, nandito kami sa living room at nakakapit sa aking mga kamay ang bata. Natutulog na ito. Kanina lang ay naglalaro ng puzzle pero ilang sandali lang rin ay nakatulog na.Ang isip ko ay nasa mga alaga ko, but they're fine I think. Dati kasi ay two days pa akong nawala, maaga na lang akong uuwi bukas dahil maggagayak pa ako ng gamit ko. Maaga rin ang alis namin bukas ni Luther pero anong oras na ay umiinom pa rin siy
Napahikbi ako. Masakit naman talaga na makita si Rozzean at si Klari na magkasama pero iyon na ang senyales para idiretso ko ang planong pagkalimot sa kaniya. Ilang beses niya akong tiningnan kanina kahit nasa tabi niya ang babaeng iyon pero hindi ko bibigyan ng malisya."Kahit pa sinabi mong I m-miss you s-so much! hmmp! hindi ako maniniwala!"Tumayo ako at pumunta sa cr nang makaramdam ng pagsusuka.Naparami talaga ang inom ko dahil sa mga naganap ngayong gabi. Klari was also testing my patience. Kanina ay binuksan niya ang topic tungkol sa katulong ni Rozzean--that was me. I saw Tito Royce changed his expression. Malamang mag-iiba dahil alam niya na na-in love ang anak niya sa katulong nito--and that was me, again."Hmmm..."Nagmumog ako sa sink pagkatapos kong sumuka. Nang mapatingin ako sa salamin ay pipikit-dilat ang mga mata ko. Umiikot ang paningin ko sa kalasingan. Hindi ko na rin masyadong makita ang paligid.Damn. I was so drunk. Ngayon lang ako ulit nalasing ng ganito.Luma