Hindi na sya umimik nang kahit konti mula noon. Mukhang napikon pa yata sa biro ko. Seryosong-seryosong diretso na lang ang kanyang tingin sa kalsada at naka-concentrate sa pagda-drive. Sabi nya kakain daw kami, ilang fastfood restaurants na ang nadaanan namin pero hindi naman sya humihinto. “Galit ka ba?” untag ko nang hindi ako makatagal sa pananahimik nya. Tiningnan ko sya at naghintay ng sagot pero hindi pa rin sya nagsalita, sinulyapan lang nya ako saglit tapos bumuntung-hininga nang malalim. “Galit nga,” bulong ko. Inis na tumaas ang kilay ko sa napagtanto. Na-offend ko nga sya sa sinabi kong iyon. Well, kung hindi na sya iimik, hindi na rin ako iimik. Ibinaling ko ang tingin sa dinaraanan namin. Maganda nga iyang hindi na nya ako imikin habambuhay para tumigil na sya nang kusa sa panliligaw nya para hindi na ako mahirapang bastedin sya sa pangalawang pagkakataon. “Hindi naman ako galit, parang ikaw yata ‘yung nagagalit eh. Sorry na, may iniisip lang ako,” ngumiti sya tap
“Hi, babe! How are you?” nakangiting bati nya. “Ah, okay lang po, kakatapos lang ng klase ko,” inayos ko ang nawangi kong salamin sa mata sa pagyakap nya. “You ready? Let’s go, tinawagan ko si Atsi pero sabi nya may konting problema raw sa office so hindi sya makakasama, pero ita-try daw nyang humabol when she can. Okay lang, kasi kasama naman kita. You know the way around, right?” tuluy-tuloy nyang saad habang naglalakad kami nang magka-abresiete pa. “Depende po,” nahihiya kong tugon. “Hindi naman po kasi ako gaanong gumagala.” “Let’s go watch a Tagalog movie, I heard of a movie na showing ngayon. Maganda raw. Let’s go watch it! Mahilig ka ba manood ng cinema? Sa’n kaya maganda manood?” “Uhm, hindi ko po alam. Sa cellphone lang po ako madalas manood ng mga palabas. Marami po kasing ginagawa sa school, hindi na po nakakapaglibot-libot.” Nahihiwagaang minasdan nya ako sa paglalakad namin, “Wow, I gotta say, your life’s kinda boring! I thought my life’s boring enough, may mas
“Hindi ko po alam eh, kayo na lang po ang bahala,” pinakat ko ang magandang ngiti sa aking mga labi. Tinitingnan ko ang pabalik-balik at paulit-ulit na pagba-browse nya nito na tila wala syang mapiling kanta na magandang i-play. Akin pa naman ang playlist na iyon, ako ang gumawa at pumili ng mga kantang nakalagay roon na madalas patugtugin ni Knives kapag magkasama kami. Alam kong kanina pa nya ako sinusulyap-sulyapan sa rearview mirror pero iniiwas ko ang aking tingin. Ayoko syang tingnan kasi naiinis ako sa pagkaka-corner nila sa akin. Naiisip kong i-text si Atsi baka pwedeng i-excuse si Orlie ngayong araw na ito at pasunurin sa amin para may maka-partner ako sa ganoon ay hindi naman ka-awkward-awkward ang sitwasyon ko rito. Ewan ko ba a mga daliri kong ito kung bakit si Orlie ang iniisip ko pero ang message thread namin ni Seiji sa cellphone ko ang pinagmamasdan ko. Hindi naman kalaunan ay ipinarada ni Knives ang SUV sa parking lot ng isang restaurant sa Banawe na dati na
[Knives' POV] “Sorry, baka nagkakamali lang ako,” tucking her loose hair at the back of one of her ears. “Marami po siguro akong kamukha,” ngisi ng waiter. “Sabi nga nila meron daw akong kilalang artista.” I’m frowning as I watch her keep on keeping on the conversation with the waiter. Her head slightly tilted on one side, eyes wide, leaning in with both elbows on the table---clearly, she’s flirting. While the waiter, judging by the way she looks at her with that fascinated grin, seems to be enjoying it. I clear my throat and set the menu down with just enough weight to grab their attention. “Are you going to take our order or her number?” I smirk at the guy; luckily, hindi sya manhid sa pagkairita ko. He straightens his back and returns to his waiter composure. Kataleia snaps her head towards me, giving me a side-eye. “Her number, perhaps,” nangingiting susog ni Divine. “I-I’m sorry, Sir. Nakapili na po ba kayo?” holding out his little notepad upright. “Ito, it
“Hey, where are you going?! You can’t just leave,” I hold onto her arm firmly to stop her. “Kung wala kang tiwala sa ‘kin, wala na ‘ko magagawa roon. Kung lahat na lang ng ikikilos ko pag-aawayan natin at sasabihin mong malandi ako, mas mabuti pang umuwi na lang ako. Marunong ako mag-commute. Nagko-commute naman talaga ako dati pa.” I quickly realize I’ve no way of winning this argument anytime soon. Napagtanto ko ang punto nya na hindi ko naisip kanina. Pero wala naman ako talagang ibang intensyon, I just couldn’t shake the feeling that something might happen today if I don’t come along with them—or maybe praning lang ako o hindi ko makuhang magtiwala sa kanya at sa mga tao sa paligid nya. Wala akong choice kundi magpakumbaba na lang kundi lalo lang hahaba lang ang pag-aaway namin. “Hindi naman sa walang tiwala, babe. I’m just trying to protect you,” I say softly, not letting go of her. “Please, take your seat. I’m sorry. I didn’t mean to make you uncomfortable or upset or wh
“Oh c’mon! Hindi naman ‘yun totally masakit. May binibigay naman na gamot to ease the pain.” “Anaesthesia po?” Halos mabuga ko lahat ng ininom ko nang hindi ko mapigilan ang matawa sa tanong nya habang umiinom ako ng iced tea. She turns her gaze at me habang umuubo-ubo ako sa pagkakasamid ko, then she discreetly kicks me in the leg. I abruptly stop coughing as I subtly flinch in pain. “Hindi anaesthesia, syempre! Magpapabunot ka ba ng ngipin o magpapa-opera ka?” Napakalakas ng halakhak ni Divine, nakaagaw na sya ng pansin sa ibang mga nagda-dine kasabay namin. Hinaplos ko nang palihim ang tuhod ni Kataleia sa ilalim ng lamesa to comfort her sa pamumula ng kanyang mukha kaso sinipa nya lang ako ulit. +++++ And after almost an hour of convincing her over lunch while I quietly indulge on the food I ordered for myself, finally, pumayag na rin si Kataleia sa trip ni Divine. Divine excitedly mentions the name of an expensive spa and wellness center she discovered while browsin
“Hindi na ako magpa-park, puno rin ang parking lot eh. Tatawagan ko na lang si Roman para puntahan kayo rito. For sure magtatagal kayo. Umuwi kayo agad pagkatapos, okay?” si Kataleia ang nilingon ko para bilinan. “Oooh! Ang lakas ng pang-amoy ni loverboy, huh!” hagikhik ni Divine habang nakalingon sila pareho sa kanan. “Pwede ka nang umalis, Knives. Meron na kaming date ni Kat at mas gwapo pa sa 'yo,” sabay tawang pang-asar nya. “What the fucking hell?” I muttered nang malingunan ko ang pagpasok ng kotseng kulay gray sa parking lot ng spa. “Hey, did you tell him we’re here?” pabulong na tanong ni Divine pagsiko nya sa tagiliran ni Kataleia. “Hindi po. Hindi ko sya tinext, promise!” agad na depensa ni Kataleia, nagkatamaan kami ng tingin sa rearview mirror pagsipat nya sa akin na nakatingin na ako sa kanya. Nababasa ko sa mukha nya ang pagkagitla at pagso-sorry nya. At talaga namang napakabilis ng reflex ko. Pagkakita kong umatras palabas ang isang sasakyan sa isang parking slo
“Oh, what happened?” Divine asks when she sees me approaching them. “Everything is under control; I don’t need to go to the site today.” I project as very cool and calm. I nudge my arm on purpose against Kataleia’s habang kumukuha ako ng isang flyer na nakapatong sa ibabaw ng reception desk. “Na-praning na naman si Ahya,” napapabungisngis na pabulong na tudyo nya na hindi ko pinansin I pretend to be busy reading the flyer. Inumpisahan kong tanungin ang matangkad na receptionist na naka-kimono tungkol sa mga premium at VIP package nila. Ako na ang pipili ng para sa amin, para masigurado kong maghihiwalay sila ni Seiji sa buong panahong naririto kami sa spa. “Okay na ‘ko,” saad ni Seiji, may hawak na syang magnetic key. Nakapagpa-reserve na ako bago ako nagpunta rito.” Sinabi nya iyon kahit wala namang nagtanong sa kanya, siguro akala nya ililibre ko sya. Napakaswerte naman nya kung ganoon. “This is a good thing, right?” ani Divine habang nilalakad namin ang papunta sa locke
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u
“Sumama ka na. Wala ring magda-drive sa ‘yo papunta sa bangko dahil isasama ko si Ibiza, may pupuntahan kami,” ani Seiji. “Kaya ko namang pumunta ng bangko nang mag-isa eh, mamamasahe na lang ako. Bakit kaylangang sumama pa d’yan?! Marunong ba talagang mag-drive ‘yan?” naiinis na turan nya. Paalog-alog ang suso nyang walang panapo sa papadyak-padyak nya. Tumutulis ang nguso ko habang tinitingnan ko sya sa pagmamarakulyo nya, ‘kung matadyakan ko lang ‘tong maliit na babae na ‘to talaga…’ gigil na nasabi ko na lang sa aking sarili. “Hindi ka pwedeng mamasahe, Veronica. Please, gumayak ka na lang. Pagkatapos naming kumain magbibihis na si Kataleia… Pasensya ka na, love, nagkaro’n ng emergency sa bar eh,” nagi-guilting hinawakan nya ang aking pisngi. “Magkita na lang tayo rito mamaya para makapunta tayo sa mansyon. Nag-promise ako kay Mama na du’n tayo magdi-dinner at matutulog,” “Okay lang, love. Kaso parang ayaw nya kasi,” tinapunan ko ng tingin ang pabulung-bulong na mestizang pins
Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang katapat naming kwarto at binuksan ang ilaw nito na nasa gilid ng pinto. Ito ang drawing room ni Seiji. Puno ang bawat dingding ng kanyang mga obra. Gustung-gusto kong tumatambay rito kasi ang tahimik tsaka natutuwa ako sa pagtingin-tingin sa mga larawang iginuhit nya halos puro pagmumukha ko—iba’t ibang anggulo at facial expressions. Napaka-passionate nya sa pagpipinta. Kung gagawa nga lang si Seiji ng art gallery mapupuno nya iyon ng mga display kaso naisip ko baka walang pumunta kasi puro ako rin lang naman ang maidi-display nya. Napasimangot ako nang makita ang canvas na huli nyang iginuhit na nakalagay na naman sa painting stand. “Sabi ko itago eh, nakakahiya! Pa’no kung may makakita. Dyusko!” nagigiba ang aking mukha habang ibinabalik ko ang larawan ng aking hubad na katawan sa likuran ng aparador kung saan ito nakalagay. “Did Veronica bother you again? Ay! I told you I’ll dust it off myself,” ani Mamancona pagsilip nya at nadatnan nya ako