“Hindi ko po alam eh, kayo na lang po ang bahala,” pinakat ko ang magandang ngiti sa aking mga labi. Tinitingnan ko ang pabalik-balik at paulit-ulit na pagba-browse nya nito na tila wala syang mapiling kanta na magandang i-play. Akin pa naman ang playlist na iyon, ako ang gumawa at pumili ng mga kantang nakalagay roon na madalas patugtugin ni Knives kapag magkasama kami. Alam kong kanina pa nya ako sinusulyap-sulyapan sa rearview mirror pero iniiwas ko ang aking tingin. Ayoko syang tingnan kasi naiinis ako sa pagkaka-corner nila sa akin. Naiisip kong i-text si Atsi baka pwedeng i-excuse si Orlie ngayong araw na ito at pasunurin sa amin para may maka-partner ako sa ganoon ay hindi naman ka-awkward-awkward ang sitwasyon ko rito. Ewan ko ba a mga daliri kong ito kung bakit si Orlie ang iniisip ko pero ang message thread namin ni Seiji sa cellphone ko ang pinagmamasdan ko. Hindi naman kalaunan ay ipinarada ni Knives ang SUV sa parking lot ng isang restaurant sa Banawe na dati na
[Knives' POV] “Sorry, baka nagkakamali lang ako,” tucking her loose hair at the back of one of her ears. “Marami po siguro akong kamukha,” ngisi ng waiter. “Sabi nga nila meron daw akong kilalang artista.” I’m frowning as I watch her keep on keeping on the conversation with the waiter. Her head slightly tilted on one side, eyes wide, leaning in with both elbows on the table---clearly, she’s flirting. While the waiter, judging by the way she looks at her with that fascinated grin, seems to be enjoying it. I clear my throat and set the menu down with just enough weight to grab their attention. “Are you going to take our order or her number?” I smirk at the guy; luckily, hindi sya manhid sa pagkairita ko. He straightens his back and returns to his waiter composure. Kataleia snaps her head towards me, giving me a side-eye. “Her number, perhaps,” nangingiting susog ni Divine. “I-I’m sorry, Sir. Nakapili na po ba kayo?” holding out his little notepad upright. “Ito, it
“Hey, where are you going?! You can’t just leave,” I hold onto her arm firmly to stop her. “Kung wala kang tiwala sa ‘kin, wala na ‘ko magagawa roon. Kung lahat na lang ng ikikilos ko pag-aawayan natin at sasabihin mong malandi ako, mas mabuti pang umuwi na lang ako. Marunong ako mag-commute. Nagko-commute naman talaga ako dati pa.” I quickly realize I’ve no way of winning this argument anytime soon. Napagtanto ko ang punto nya na hindi ko naisip kanina. Pero wala naman ako talagang ibang intensyon, I just couldn’t shake the feeling that something might happen today if I don’t come along with them—or maybe praning lang ako o hindi ko makuhang magtiwala sa kanya at sa mga tao sa paligid nya. Wala akong choice kundi magpakumbaba na lang kundi lalo lang hahaba lang ang pag-aaway namin. “Hindi naman sa walang tiwala, babe. I’m just trying to protect you,” I say softly, not letting go of her. “Please, take your seat. I’m sorry. I didn’t mean to make you uncomfortable or upset or wh
“Oh c’mon! Hindi naman ‘yun totally masakit. May binibigay naman na gamot to ease the pain.” “Anaesthesia po?” Halos mabuga ko lahat ng ininom ko nang hindi ko mapigilan ang matawa sa tanong nya habang umiinom ako ng iced tea. She turns her gaze at me habang umuubo-ubo ako sa pagkakasamid ko, then she discreetly kicks me in the leg. I abruptly stop coughing as I subtly flinch in pain. “Hindi anaesthesia, syempre! Magpapabunot ka ba ng ngipin o magpapa-opera ka?” Napakalakas ng halakhak ni Divine, nakaagaw na sya ng pansin sa ibang mga nagda-dine kasabay namin. Hinaplos ko nang palihim ang tuhod ni Kataleia sa ilalim ng lamesa to comfort her sa pamumula ng kanyang mukha kaso sinipa nya lang ako ulit. +++++ And after almost an hour of convincing her over lunch while I quietly indulge on the food I ordered for myself, finally, pumayag na rin si Kataleia sa trip ni Divine. Divine excitedly mentions the name of an expensive spa and wellness center she discovered while browsin
“Hindi na ako magpa-park, puno rin ang parking lot eh. Tatawagan ko na lang si Roman para puntahan kayo rito. For sure magtatagal kayo. Umuwi kayo agad pagkatapos, okay?” si Kataleia ang nilingon ko para bilinan. “Oooh! Ang lakas ng pang-amoy ni loverboy, huh!” hagikhik ni Divine habang nakalingon sila pareho sa kanan. “Pwede ka nang umalis, Knives. Meron na kaming date ni Kat at mas gwapo pa sa 'yo,” sabay tawang pang-asar nya. “What the fucking hell?” I muttered nang malingunan ko ang pagpasok ng kotseng kulay gray sa parking lot ng spa. “Hey, did you tell him we’re here?” pabulong na tanong ni Divine pagsiko nya sa tagiliran ni Kataleia. “Hindi po. Hindi ko sya tinext, promise!” agad na depensa ni Kataleia, nagkatamaan kami ng tingin sa rearview mirror pagsipat nya sa akin na nakatingin na ako sa kanya. Nababasa ko sa mukha nya ang pagkagitla at pagso-sorry nya. At talaga namang napakabilis ng reflex ko. Pagkakita kong umatras palabas ang isang sasakyan sa isang parking slo
“Oh, what happened?” Divine asks when she sees me approaching them. “Everything is under control; I don’t need to go to the site today.” I project as very cool and calm. I nudge my arm on purpose against Kataleia’s habang kumukuha ako ng isang flyer na nakapatong sa ibabaw ng reception desk. “Na-praning na naman si Ahya,” napapabungisngis na pabulong na tudyo nya na hindi ko pinansin I pretend to be busy reading the flyer. Inumpisahan kong tanungin ang matangkad na receptionist na naka-kimono tungkol sa mga premium at VIP package nila. Ako na ang pipili ng para sa amin, para masigurado kong maghihiwalay sila ni Seiji sa buong panahong naririto kami sa spa. “Okay na ‘ko,” saad ni Seiji, may hawak na syang magnetic key. Nakapagpa-reserve na ako bago ako nagpunta rito.” Sinabi nya iyon kahit wala namang nagtanong sa kanya, siguro akala nya ililibre ko sya. Napakaswerte naman nya kung ganoon. “This is a good thing, right?” ani Divine habang nilalakad namin ang papunta sa locke
“Nagandahan ako sa tattoo mo,” sagot ko sabay iwas ko ng tingin. Hindi ako nagkamali sa nakita ko nang isang beses ay inilahad nya ang braso nya sa ilalim ng madalas nyang get-up na ¾ sleeves shirt. I know I’ve seen those tattoos before, hindi ko lang ma-pin point kung saan at kung kanino ko nakita 'yung gano'ng klaseng tattoo. May dugo syang Filipino pero definitely Japanese ang kultura na sinusundan nya, based on the tattoos on his body. Hindi ko alam kung nakita na ba ang mga ito ni Kataleia kasi kahit isang beses ay wala syang nababanggit sa akin. O baka nakita na rin nya, hindi nya lang sinabi kasi hindi naman ako interesadong malaman. Or I'm hoping not, because that could only mean nakapaghubad na si Seiji sa harapan nya, my jaws clenched at the thought. Una palang iba na ang impression ko sa kanya, lalo lang tumindi ito ngayong nakita ko na at namasdang maigi ang mga matitingkad na burda nya sa katawan. “Disiotso palang ako noong tatuan ako, paglapad ng katawan ko lu
“There you are, lovely,” grabbing her by the hips. “Kahit tumaba ka sa kakakain mo maganda ka pa rin sa mga mata ko.”“Uy!” ngiti nya paglingon nya sa akin. “Nasa taas pa si Ate Divine, in-enjoy pa ang masahe nya, sinilip ko sya bago ako bumaba. Kanina pa nga sya doon eh. Nagugutom na ‘ko kaya bumaba na muna ako rito.”“Buti naman kung gano’n, du’n na lang sya habambuhay nya,” nakapampante akong lalo nang ma-sure kong hindi nya kasama rito si Divine. “Patingin nga ako ng brazilian wax kung okay,” malambing na biro ko while planting kisses on her nape. “Shhht…” natatawang sinaway nya ako sabay tulak nya sa akin nang konti. “Mamaya pa kasi sabay kami dapat ni Ate Divine kaya kakain muna ako.”“Dapat ako unang makakakita ng end result, okay?” pinahid ko ang puting icing sa gilid ng kanyang labi. “Bawal ang kahit anong sexual activity within 48 hours kasi ma-i-irritate ang skin ko, sabi ng babae do’n na nakausap namin kanina. Ngayon ko lang nalaman kailangan rin palang i-moisturize an
“Nasa ibang bansa raw eh, hindi nakarating kasi may problema. Pero tumawag naman daw tapos nagpadala ng regalo,” ngiti ko. Wala ni isang kamag-anak ni Seiji ang dumating sa kasal namin. Tanging ang sinasabi nyang kaibigan lang nya na minsan ay kasama nya kapag may bibitbiting mabibigat noong kasagsagan ng pagpe-prepara nya sa kasal ang naririto ngayon at tahimik lang na nakatayo sa gilid ng hardin na tila nagmamasid at pinakikiramdaman ang paligid. Natigil ang pagtsi-tsismisan namin nang lumapit ang pogi kong asawa mula sa lamesa kung nasaan sina Rector Mendez, Father Erin na Rector naman sa isang branch ng Catholic School kung saan ako dati nagtuturo, ilan pang mga pari at seminarista na kakilala namin. Napakaaliwalas ng babyface nyang mukha paghalik nya sa aking bibig. Hindi ko na mabilang kung may ilang beses nya akong hinalikan mula pa kanina. “Ikaw ha, Sir Seiji! Andami n’yong secret ni Kataleia sa ‘kin. Nagbakasyon lang naging mag-asawa na kayo,” tudyo ni Miss Nori. “Inunahan
Hindi kami nag-imikan ni Seiji habang nasa daan, mataman lang syang nagmamaneho at ako naman nakatingin lang sa gawing bintana ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, hindi ko rin sya tinatanong dahil abala ang isip ko sa ibang mga bagay. Nagsalita lang sya nang mag-stopover kami sa isang malaking bilihan ng pasalubong para tanungin kung mayroon akong gustong bilhin at kung ano ang gusto kong kainin. Hindi na ako bumaba ng sasakyan para samahan syang mamili, hinayaan ko na lang syang mag-isa nya. “May problema ba tayo?” tanong ko nang hindi na ako nakatiis pag-abot nya sa akin ng plastic ng pinamili nyang kung anu-anong minatamis at mineral water. “Wala, wala namang problema,” hinalikan nya ako sa noo nang napakagaan na halos wala akong naramdaman pagkatapos ay sumakay na syang muli sa kotse. Kinibit ko ang aking balikat. Kung anuman ang arte nya ngayon, wala na ‘ko do’n. Wala naman kasi akong alam na ginawa kong masama. Ganumpaman, hindi ko maiwasang hindi makaramdam n
Padabog akong naupo sa nakasaradong inidoro pagpasok ko sa isang cubicle. Nakakainis, mariing punas ko sa mukha ko ng tissue na nakuha ko sa tissue dispenser. Hindi naman ako iyakin dati, ngayon laging nag-uunahan ang luha ko sa konting kibot lang!Ang kumplikado na ng buhay ko. Noong magkasama pa kami ni Orlie sa paupahang bahay ay masaya na ako sa mga simpleng bagay. Gala o ‘di kaya tulog maghapon kapag walang pasok, kain kung anong magustuhan. Inom dito, disco doon—gano’n lang. Okay lang kahit minsan walang pera at tipid na tipid. Nagkakasya ako sa isang lata ng sardinas. Sinusulat-kamay ko lahat ng lesson plans ko. Ngayong tumira ako sa magandang bahay at nakasama ko na si Mama, pakiramdam ko napakahirap pag-isipan lahat ng kailangang pagdesisyunan at sa tuwing gagawa ako ng desisyon, lagi akong nagkakamali at sa huli ako ang nasasaktan.Nasa kalagitnaan ako ng walang kasense-sense na pag-iyak ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng cubicle kung saan ako nagtatago. “Kat, a
“Oh, ano naman ang problema mo do’n, Kataleia?! Ganu’n din naman ‘yun eh, bakit patatagalin pa? May naipon naman siguro ‘tong si Seiji, kaya kang pakasalan kahit saang simbahan mo pa gusto,” komento ni Mama. “Ah hindi ‘Ma, sa huwes na lang muna kami. Tapos after two to three years sa simbahan na.” “Smart choice, Mr. Mendoza,” sabat ni Atsi Olivia na kadarating lang. “Good afternoon, Dad.” Hinalikan nya si Tito Miguel sa noo pati na rin kami ni Mama saka naupo sa harapan ko sa lamesa. Nakasunod sa kanya ang asawa nyang nakasuot pa ng shades na parang walang nangyari kagabi na lalong ikinagiba ng mukha ko na hindi ko na lang pinahalata. “Sukob ang kasal n’yo kung ngayong taon din na ‘to kayo ikakasal sa simbahan. Malas ’yun,” dagdag pa nya.“Pwede rin namang sa simbahan na. Hindi naman kailangan pang sumunod sa tradisyon na ‘yan. Malas ang taong naniniwala sa malas,” ani Tito Miguel.“Eh, Seiji,” nguso ko. Hindi ko naiwasang hindi magprotesta. “Hindi naman ganu’n ang sinabi ko eh.”“S
Tumayo sya sa kama at hinawakan ako sa magkabilang bewang. “Para kang Diyosa,” anas pa nya. Napahagikhik na lang ako bigla. “Oh, bakit ka natawa?” ngiti nya. Tila napakalambing naman ngayon ng tinig nya sa aking pandinig. “Kasi ‘kala ko sasabihin mo, ‘para kang multo.’” Hindi sya tumawa o ngumiti man lang. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi nya sinakyan ang biro ko mula ng magkakilala kami. Naaninag ko ang kaseryosohan ng kanyang mukhang nakatitig sa akin. Binuhat nya ako papunta sa kama at marahang inihiga ako roon. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin habang hinuhubad nya ang kanyang damit. Nakangiti ang kanyang mga matang kinulumpon ang mahaba at basa ko pang buhok pataas saka marahang dumapa sa ibabaw ko. At doon na nagkatotoo ang matagal na nyang hiling. Sinamba nya nang paulit-ulit ang buong katawan ko hanggang sa pumutok ang bukang-liwayway. +++++ Pinagmamasdan ko sya habang nakadapang natutulog sa tabi ko. Napakaganda ng mga tattoo nya sa likod na umaabot
“Damn, you’re so hot. Hindi ko sila masisisi kung bakit sila nababaliw sa ‘yo,” nakaririmarim ang init ng hininga nya sa tenga ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang hawakan nya ako sa aking tadyang. Inilalapit nya nang husto ang mukha nya sa mukha ko kaya tinulak ko sya nang ubod ng lakas at nagmadaling dumiretso sa bahagyang nakabukas na pinto. “Shobe? Lalabas ka na?” mahinang usal ni Atsi na nakapikit ang mga mata habang inaayos ang kanyang kumot. Napalingon ako kay Kuya Mike na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya at pangisi-ngising nakatingin din sa akin. “Opo, Atsi. Nandito na si Kuya Mike, may kasama ka na,” matalim na tingin ko kay Kuya Mike. “Goodnight, Siobe. Thanks for taking care of Olivia,” ngiti nya na tila nang-aasar pa akma syang lalapit na naman kaya nagkumahog na akong lumabas ng pintuan. Mangiyak-ngiyak akong tinakbo ang papunta sa kwarto ni Orlie. Siguro naman nakauwi na ‘yun galing sa bar. Ano bang gagawin nya do’n nang mag-isa? Hind
Napakurap-kurap ako nang nakarinig ako ng mahinang lagitik. Maya-maya ay malinaw na nagsalita ang prompt ng network nya.‘The number you have dialed is not accepting calls at this time.’Laglag ang mga balikat na tin-ap kong muli ang re-dial. Baka naman napatay lang nya ang tawag o kung ano, isip-isip ko. Baka tulad ko, hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin nya. Pero hindi naman ako ang alam nyang tumatawag, kundi si Atsi, dahil cellphone nya ito. Binigyan ko ang sarili ko ng pag-asa. Kaso sa kasamaang-palad, hindi na ito muling nag-ring pa. Isang mahaba at matining na tunog na lang aking narinig hudyat na hindi na maaari pang tawagan ang cellphone nya. Inis na inis ako. Kung cellphone ko lang ito naibalibag ko na sa bwisit ko. Hanggang ngayon sarili pa rin lang nya iniisip nya. Ultimo ang nakatatanda nyang kapatid, tinanggal na nya sa utak nya.‘Naka-move on na sya, Kat. Ganu’n talaga ‘yon, lalake eh. Para ka namang bago nang bago. Kapag umayaw ang lalake, ayaw na talaga. Kahit
“Uhm, antayin mo na lang ako sa kwarto, love. Susunod ako sa ‘yo, hihintayin ko lang si Kuya Mike na dumating para meron syang kasama rito. For sure, naglalakad-lakad lang ‘yun sa labas,” binigay ko sa kanya ang susi ng kwarto ko. “Gusto n’yo hanapin ko na lang sya?” naiilang na sinulyapan nya si Atsi. “Hindi mo makikita ang ayaw magpakita,” mahinang tugon ni Atsi habang nakatungo sa sahig. Nangingiwing iginiya ko na sya sa pintuan hanggang sa makalabas na sya na natitilihan pa, “susunod naman ako maya-maya lang. Masama ang pakiramdam kasi,” pagdadahilan ko sa kasungitan ni buntis. Pagkasarado ko ng pinto ni Atsi saka sya pumalahaw ng iyak, nataranta ako sa lakas ng atungal nya na parang napakasakit ng kalooban nya. “Atsi, h’wag kang umiyak. Makakasama ‘yan sa baby mo,” alalang-alalang niyakap ko sya. “Muntik na ‘kong dalhin ni Dad sa doktor kanina. What will I tell if he finds out?! This is out of wedlock, Kat,” hagulgol nya sa balikat ko. “I wanted to tell Knives about this.
“Seiji, anak, sige na, sa kanya ka na matutulog, ha. Baka mamaya biglang makaisip na maglakad-lakad ‘yan ng madaling-araw para sundan ‘yung bakla nyang kaibigan, at least and’yan ka para masamahan mo,” tamang parinig sa akin ni Mama pagbaling nya kay Seiji na napapakamot naman ng ulo. “Si-sige po, ‘Ma, kung gusto nya po, bakit naman hindi?” sabay tawa pa nya. “Swerte mo kasi maginoo ang mapapangasawa mo, Kataleia, kaya nga pinagtitiwalaan ko nang husto eh. Sige na magpahinga na kayo, magkita tayo bukas,” Nabaling ang atensyon namin nang dumuwal si Atsi nang malakas, nakasandal sa dingding na sapo-sapo ng isang kamay ang kanyang bibig at ang isa naman ay ang kanyang tiyan. Agad kaming lumapit ni Seiji para alalayan sya. “Nasa’n ba ang asawa mo, Olivia? Parang hindi ko nakita maghapon,” ani Tito Miguel na may iritasyon sa kanyang tinig. “Baka iba na ‘yan kung kanina ka pa nagsusuka. You need to be checked. My love, pumunta ka sa reception baka may doktor sila rito na pwedeng mag-