I can clearly tell she’s in a panic state. Hinawakan ko sya sa braso, trying to console her. “We’re good, Tita, thanks for asking. Where are you at right now?” “Ano ba ‘yun?” mouthing my words as I ask Kataleia para hindi ako marinig ng nasa kabilang linya. Pero wala akong maintindihan sa magulo at natatarantang pagcha-charades nya. “Nandito kami sa hotel sa Dubai ngayon. Kagagaling lang namin sa tour namin sa Safari Park at sa Burj Khalifa. Worth it kahit nakakapagod nang husto. Pag-uwi namin dito sa hotel nakatulog na agad ang Daddy mo... Uh, Knives, itatanong ko lang sana sa ‘yo, totoo bang kumukuha si Kataleia ng MBA?” tanong ni Tita Marisa. “MBA?” tinitigan ko si Kataleia na lintik ang pagtango-tango sabay pihit-pihit nya sa braso ko. “Ah yeah. MBA,” nahihiwagaan ako pero sumang-ayon na rin ako kahit alam na alam kong Master of Arts in Education ang inaaral nya. “That’s good news! Akala ko hindi nya ako pakikinggan eh, mabuti naman. Pero sabi nya online class lang daw, tot
Hindi ko napigilan ang matawa nang lalong tumindi ang pagnanasa nyang makuha ang phone nya. Lumalayo na ako sa kanya pero hinahatak nya ang damit ko at pilit na inaabot ang phone nya sa kamay ko. Medyo masasakit na rin ang mga hatak nya sa braso ko at lumalaginit ang mga tahi ng suot kong t-shirt pero hinding-hindi ko ito ibibigay sa kanya hangga't hindi kami natatapos mag-usap ng Mama nya. I intend to make her realize what she has done at ipaalala sa kanya ang authority ko as her guardian habang wala ang kanyang ina. “Kung may oras ka Knives baka pwede mong pakibantayang maigi si Kataleia para sa ‘kin. Ayokong magulat na lang ako isang araw na magpapaalam na syang mag-aasawa na. Baka mamaya teacher din lang ang makatuluyan nya. Dyusko! Maghihikahos sya habambuhay nya.” My eyes glimmer as I grin from ear-to-ear nang marinig ko iyon. It appears Atsi’s assumption was wrong, hindi magugustuhan ng Mama nya si Seiji para sa kanya. Somehow nakaramdam ako ng relief. “Sure, Tita Marisa
[Kataleia's POV] “Bakit dito? Ayoko rito! Matutulog na ‘ko, gabing-gabi na. May pasok pa ‘ko bukas!” inis na inis talaga ako. Tama bang isumbong ako sa Mama ko, kahit pahaging lang ‘yung mga sinabi nya binigyan na rin nya ‘yun ng clue. Hinihintay ko na lang na tumawag ‘yun sa ‘kin para sermunan na naman ako nang pagkahaba-haba. Akala ko naman magkakasundo kami dahil pinagtakpan nya ako sa kinuha kong Masteral course, hindi pala. Napakakitid talaga ng utak nitong ugok na ‘to minsan. “Bakit ka ba nagagalit? Totoo naman ‘yun eh, ‘sweet’ ka sa lahat! Hindi ba kabilin-bilinan ko sa ‘yo na h’wag kang makalapit-lapit sa Mike na ‘yun? Ano’ng ginawa mo kanina? Naghihilot ka ng nakaharap ‘yang mga dibdib mo sa pagmumukha nya, binibigyan mo sya ng motibo!” sinisigawan pa nya ako kaya lalong nag-iinit ang tumbong ko. “Ano’ng motibo?! Napakadumi naman ng isip mo!” “If that’s how you get back at me for Divine, I have nothing to do with it. Wala akong sinabing makipag-inuman ka at ihatid mo
“You can’t keep on running away from arguments, babe. I find this really frustrating,” anas nya habang binabalanse nya ako sa kanyang balikat. “Ibaba mo mo ‘ko! Sige, sisigaw ako nang malakas,” banta ko kahit na wala naman talaga akong balak magsisigaw. Syempre ayoko rin namang may makakita sa amin sa pag-e-eksena namin dito sa labas at maghinala sa aming dalawa. “I’m telling you, kapag sumigaw ka at may makarinig sa ‘yo, hindi na magiging secret ang secret natin. Babalik tayo sa kubo kasi doon lang tayo pwedeng mag-stay, naiwan ko ang susi ko sa taas kaya we have no choice, kesa manggising tayo ng kasambahay at makita tayong magkasama nang ganitong oras,” hingal na hingal sya sa pagsasalita nya habang naglalakad. Kinukuru-kurot ko sya sa likod bilang sign of protest pero hindi ganoon kalakas, iniisip ko pa rin ang mala-porselanang kutis nyang ito na hindi mabahiran ng sugat dulot ng mga kuko ko kahit galit ako sa kanya. “Hahanapin ka ni Ate Divine kapag nagising ‘yun, hindi ka
“At saan ka galing, enday?” pupungas-pungas na tanong ni Orlie nang pagbuksan nya ako ng pinto sa likuran sa may bandang kitchen. Naka-pink na silk robe si bakla. Hula ko kay Atsi Olivia ‘yun kasi nakita ko na ‘yun kay Atsi dati. “Napag-lock-an ako, kinausap ko si Mama sa may pool tapos pagbalik ko locked na ang mga pinto... May damit ka ba sa loob n’yan?” Napabungisngis ako sa mabilis nyang pag-ilag nang nag-akma akong dadakmain ang harapan nya. “Alisto si bakla!” tudyo ko sa kanya. “Gaga! Wala akong shorts.” “Edi naka-panty ka?” tinaasan ko sya ng kilay tapos pumasok na ako sa loob. Instead na brief o boxer brief na tulad ng sinusuot ni Knives ay brief panty ang madalas nyang gamit. Minsan kapag trip nyang magpaka-girl ay mayroon syang mga laced pero madalang lang nyang gamitin. Kahit siguro sya nasasagwaan sa itsura nya kapag naka-laced panty lang sya. “Hindi rin,” sabay tawa nya nang marahan. “Ibig sabihin wala? Kadiri ka!” mahina kong sambit na nakakunot ang noo nang maisip
“Good morning, Kat,” nakangiting bati ni Divine nang madatnan kon syang nag-a-almusal sa comedor nang mag-isa. “Tulog pa si Knives, ewan ko kung saan ‘yun nagsuot kagabi. Umaga na dumating," tuluy-tuloy nyang banggit kahit hindi ko naman sya tinatanong. Although frustrated sya sa kanyang asawa ay ngiting-ngiti pa rin. Kung malalaman lang nyang kasama ko lang naman ang mahal nyang asawa magdamag ay siguradong mabubura ang matamis na ngiti nyang iyon sa kanyang mga labi. Wala na akong balak na mag-almusal pa rito dahil gusto ko nang makaalis agad-agad. Sinabi ko na iyon kay Nanay Myrna kanina paglabas ko nang maka-receive ako ng text mula kay Seiji na susunduin nya ako at ihahatid sa klase. Nakikita ko nga ngayon ang kotse nya na nakaparada sa labas ng gate. Loko talaga ‘tong tao na ‘to, wala naman akong sinabing sunduin nya ako; hindi ko nga sya nire-reply-an eh, pero naroroon sya, kausap ang gwardya at kanina pa naghihintay sa akin. “Magandang umaga rin po, Ate Divine. Aalis na
Hindi na sya umimik nang kahit konti mula noon. Mukhang napikon pa yata sa biro ko. Seryosong-seryosong diretso na lang ang kanyang tingin sa kalsada at naka-concentrate sa pagda-drive. Sabi nya kakain daw kami, ilang fastfood restaurants na ang nadaanan namin pero hindi naman sya humihinto. “Galit ka ba?” untag ko nang hindi ako makatagal sa pananahimik nya. Tiningnan ko sya at naghintay ng sagot pero hindi pa rin sya nagsalita, sinulyapan lang nya ako saglit tapos bumuntung-hininga nang malalim. “Galit nga,” bulong ko. Inis na tumaas ang kilay ko sa napagtanto. Na-offend ko nga sya sa sinabi kong iyon. Well, kung hindi na sya iimik, hindi na rin ako iimik. Ibinaling ko ang tingin sa dinaraanan namin. Maganda nga iyang hindi na nya ako imikin habambuhay para tumigil na sya nang kusa sa panliligaw nya para hindi na ako mahirapang bastedin sya sa pangalawang pagkakataon. “Hindi naman ako galit, parang ikaw yata ‘yung nagagalit eh. Sorry na, may iniisip lang ako,” ngumiti sya tap
“Hi, babe! How are you?” nakangiting bati nya. “Ah, okay lang po, kakatapos lang ng klase ko,” inayos ko ang nawangi kong salamin sa mata sa pagyakap nya. “You ready? Let’s go, tinawagan ko si Atsi pero sabi nya may konting problema raw sa office so hindi sya makakasama, pero ita-try daw nyang humabol when she can. Okay lang, kasi kasama naman kita. You know the way around, right?” tuluy-tuloy nyang saad habang naglalakad kami nang magka-abresiete pa. “Depende po,” nahihiya kong tugon. “Hindi naman po kasi ako gaanong gumagala.” “Let’s go watch a Tagalog movie, I heard of a movie na showing ngayon. Maganda raw. Let’s go watch it! Mahilig ka ba manood ng cinema? Sa’n kaya maganda manood?” “Uhm, hindi ko po alam. Sa cellphone lang po ako madalas manood ng mga palabas. Marami po kasing ginagawa sa school, hindi na po nakakapaglibot-libot.” Nahihiwagaang minasdan nya ako sa paglalakad namin, “Wow, I gotta say, your life’s kinda boring! I thought my life’s boring enough, may mas
“Nasa ibang bansa raw eh, hindi nakarating kasi may problema. Pero tumawag naman daw tapos nagpadala ng regalo,” ngiti ko. Wala ni isang kamag-anak ni Seiji ang dumating sa kasal namin. Tanging ang sinasabi nyang kaibigan lang nya na minsan ay kasama nya kapag may bibitbiting mabibigat noong kasagsagan ng pagpe-prepara nya sa kasal ang naririto ngayon at tahimik lang na nakatayo sa gilid ng hardin na tila nagmamasid at pinakikiramdaman ang paligid. Natigil ang pagtsi-tsismisan namin nang lumapit ang pogi kong asawa mula sa lamesa kung nasaan sina Rector Mendez, Father Erin na Rector naman sa isang branch ng Catholic School kung saan ako dati nagtuturo, ilan pang mga pari at seminarista na kakilala namin. Napakaaliwalas ng babyface nyang mukha paghalik nya sa aking bibig. Hindi ko na mabilang kung may ilang beses nya akong hinalikan mula pa kanina. “Ikaw ha, Sir Seiji! Andami n’yong secret ni Kataleia sa ‘kin. Nagbakasyon lang naging mag-asawa na kayo,” tudyo ni Miss Nori. “Inunahan
Hindi kami nag-imikan ni Seiji habang nasa daan, mataman lang syang nagmamaneho at ako naman nakatingin lang sa gawing bintana ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, hindi ko rin sya tinatanong dahil abala ang isip ko sa ibang mga bagay. Nagsalita lang sya nang mag-stopover kami sa isang malaking bilihan ng pasalubong para tanungin kung mayroon akong gustong bilhin at kung ano ang gusto kong kainin. Hindi na ako bumaba ng sasakyan para samahan syang mamili, hinayaan ko na lang syang mag-isa nya. “May problema ba tayo?” tanong ko nang hindi na ako nakatiis pag-abot nya sa akin ng plastic ng pinamili nyang kung anu-anong minatamis at mineral water. “Wala, wala namang problema,” hinalikan nya ako sa noo nang napakagaan na halos wala akong naramdaman pagkatapos ay sumakay na syang muli sa kotse. Kinibit ko ang aking balikat. Kung anuman ang arte nya ngayon, wala na ‘ko do’n. Wala naman kasi akong alam na ginawa kong masama. Ganumpaman, hindi ko maiwasang hindi makaramdam n
Padabog akong naupo sa nakasaradong inidoro pagpasok ko sa isang cubicle. Nakakainis, mariing punas ko sa mukha ko ng tissue na nakuha ko sa tissue dispenser. Hindi naman ako iyakin dati, ngayon laging nag-uunahan ang luha ko sa konting kibot lang!Ang kumplikado na ng buhay ko. Noong magkasama pa kami ni Orlie sa paupahang bahay ay masaya na ako sa mga simpleng bagay. Gala o ‘di kaya tulog maghapon kapag walang pasok, kain kung anong magustuhan. Inom dito, disco doon—gano’n lang. Okay lang kahit minsan walang pera at tipid na tipid. Nagkakasya ako sa isang lata ng sardinas. Sinusulat-kamay ko lahat ng lesson plans ko. Ngayong tumira ako sa magandang bahay at nakasama ko na si Mama, pakiramdam ko napakahirap pag-isipan lahat ng kailangang pagdesisyunan at sa tuwing gagawa ako ng desisyon, lagi akong nagkakamali at sa huli ako ang nasasaktan.Nasa kalagitnaan ako ng walang kasense-sense na pag-iyak ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng cubicle kung saan ako nagtatago. “Kat, a
“Oh, ano naman ang problema mo do’n, Kataleia?! Ganu’n din naman ‘yun eh, bakit patatagalin pa? May naipon naman siguro ‘tong si Seiji, kaya kang pakasalan kahit saang simbahan mo pa gusto,” komento ni Mama. “Ah hindi ‘Ma, sa huwes na lang muna kami. Tapos after two to three years sa simbahan na.” “Smart choice, Mr. Mendoza,” sabat ni Atsi Olivia na kadarating lang. “Good afternoon, Dad.” Hinalikan nya si Tito Miguel sa noo pati na rin kami ni Mama saka naupo sa harapan ko sa lamesa. Nakasunod sa kanya ang asawa nyang nakasuot pa ng shades na parang walang nangyari kagabi na lalong ikinagiba ng mukha ko na hindi ko na lang pinahalata. “Sukob ang kasal n’yo kung ngayong taon din na ‘to kayo ikakasal sa simbahan. Malas ’yun,” dagdag pa nya.“Pwede rin namang sa simbahan na. Hindi naman kailangan pang sumunod sa tradisyon na ‘yan. Malas ang taong naniniwala sa malas,” ani Tito Miguel.“Eh, Seiji,” nguso ko. Hindi ko naiwasang hindi magprotesta. “Hindi naman ganu’n ang sinabi ko eh.”“S
Tumayo sya sa kama at hinawakan ako sa magkabilang bewang. “Para kang Diyosa,” anas pa nya. Napahagikhik na lang ako bigla. “Oh, bakit ka natawa?” ngiti nya. Tila napakalambing naman ngayon ng tinig nya sa aking pandinig. “Kasi ‘kala ko sasabihin mo, ‘para kang multo.’” Hindi sya tumawa o ngumiti man lang. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi nya sinakyan ang biro ko mula ng magkakilala kami. Naaninag ko ang kaseryosohan ng kanyang mukhang nakatitig sa akin. Binuhat nya ako papunta sa kama at marahang inihiga ako roon. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin habang hinuhubad nya ang kanyang damit. Nakangiti ang kanyang mga matang kinulumpon ang mahaba at basa ko pang buhok pataas saka marahang dumapa sa ibabaw ko. At doon na nagkatotoo ang matagal na nyang hiling. Sinamba nya nang paulit-ulit ang buong katawan ko hanggang sa pumutok ang bukang-liwayway. +++++ Pinagmamasdan ko sya habang nakadapang natutulog sa tabi ko. Napakaganda ng mga tattoo nya sa likod na umaabot
“Damn, you’re so hot. Hindi ko sila masisisi kung bakit sila nababaliw sa ‘yo,” nakaririmarim ang init ng hininga nya sa tenga ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang hawakan nya ako sa aking tadyang. Inilalapit nya nang husto ang mukha nya sa mukha ko kaya tinulak ko sya nang ubod ng lakas at nagmadaling dumiretso sa bahagyang nakabukas na pinto. “Shobe? Lalabas ka na?” mahinang usal ni Atsi na nakapikit ang mga mata habang inaayos ang kanyang kumot. Napalingon ako kay Kuya Mike na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya at pangisi-ngising nakatingin din sa akin. “Opo, Atsi. Nandito na si Kuya Mike, may kasama ka na,” matalim na tingin ko kay Kuya Mike. “Goodnight, Siobe. Thanks for taking care of Olivia,” ngiti nya na tila nang-aasar pa akma syang lalapit na naman kaya nagkumahog na akong lumabas ng pintuan. Mangiyak-ngiyak akong tinakbo ang papunta sa kwarto ni Orlie. Siguro naman nakauwi na ‘yun galing sa bar. Ano bang gagawin nya do’n nang mag-isa? Hind
Napakurap-kurap ako nang nakarinig ako ng mahinang lagitik. Maya-maya ay malinaw na nagsalita ang prompt ng network nya.‘The number you have dialed is not accepting calls at this time.’Laglag ang mga balikat na tin-ap kong muli ang re-dial. Baka naman napatay lang nya ang tawag o kung ano, isip-isip ko. Baka tulad ko, hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin nya. Pero hindi naman ako ang alam nyang tumatawag, kundi si Atsi, dahil cellphone nya ito. Binigyan ko ang sarili ko ng pag-asa. Kaso sa kasamaang-palad, hindi na ito muling nag-ring pa. Isang mahaba at matining na tunog na lang aking narinig hudyat na hindi na maaari pang tawagan ang cellphone nya. Inis na inis ako. Kung cellphone ko lang ito naibalibag ko na sa bwisit ko. Hanggang ngayon sarili pa rin lang nya iniisip nya. Ultimo ang nakatatanda nyang kapatid, tinanggal na nya sa utak nya.‘Naka-move on na sya, Kat. Ganu’n talaga ‘yon, lalake eh. Para ka namang bago nang bago. Kapag umayaw ang lalake, ayaw na talaga. Kahit
“Uhm, antayin mo na lang ako sa kwarto, love. Susunod ako sa ‘yo, hihintayin ko lang si Kuya Mike na dumating para meron syang kasama rito. For sure, naglalakad-lakad lang ‘yun sa labas,” binigay ko sa kanya ang susi ng kwarto ko. “Gusto n’yo hanapin ko na lang sya?” naiilang na sinulyapan nya si Atsi. “Hindi mo makikita ang ayaw magpakita,” mahinang tugon ni Atsi habang nakatungo sa sahig. Nangingiwing iginiya ko na sya sa pintuan hanggang sa makalabas na sya na natitilihan pa, “susunod naman ako maya-maya lang. Masama ang pakiramdam kasi,” pagdadahilan ko sa kasungitan ni buntis. Pagkasarado ko ng pinto ni Atsi saka sya pumalahaw ng iyak, nataranta ako sa lakas ng atungal nya na parang napakasakit ng kalooban nya. “Atsi, h’wag kang umiyak. Makakasama ‘yan sa baby mo,” alalang-alalang niyakap ko sya. “Muntik na ‘kong dalhin ni Dad sa doktor kanina. What will I tell if he finds out?! This is out of wedlock, Kat,” hagulgol nya sa balikat ko. “I wanted to tell Knives about this.
“Seiji, anak, sige na, sa kanya ka na matutulog, ha. Baka mamaya biglang makaisip na maglakad-lakad ‘yan ng madaling-araw para sundan ‘yung bakla nyang kaibigan, at least and’yan ka para masamahan mo,” tamang parinig sa akin ni Mama pagbaling nya kay Seiji na napapakamot naman ng ulo. “Si-sige po, ‘Ma, kung gusto nya po, bakit naman hindi?” sabay tawa pa nya. “Swerte mo kasi maginoo ang mapapangasawa mo, Kataleia, kaya nga pinagtitiwalaan ko nang husto eh. Sige na magpahinga na kayo, magkita tayo bukas,” Nabaling ang atensyon namin nang dumuwal si Atsi nang malakas, nakasandal sa dingding na sapo-sapo ng isang kamay ang kanyang bibig at ang isa naman ay ang kanyang tiyan. Agad kaming lumapit ni Seiji para alalayan sya. “Nasa’n ba ang asawa mo, Olivia? Parang hindi ko nakita maghapon,” ani Tito Miguel na may iritasyon sa kanyang tinig. “Baka iba na ‘yan kung kanina ka pa nagsusuka. You need to be checked. My love, pumunta ka sa reception baka may doktor sila rito na pwedeng mag-