"Magandang umaga Kuya Manuel," nakangiting bati ni Marie kay Manuel nang pumasok ito ng lobby. "Magandang umaga Miss Marie. Nga pala, belated happy birthday." "Ha? Alam mo rin?" Mahinang tumawa si Manuel saka lumapit sa dalaga sa kusina. "Oo naman. Nga pala, nasaan si Bossing?" Bumaling ang tingin ni Marie sa kwarto ni Iñigo saka ngumuso. "Nasa loob pa ata ng kwarto niya. Hindi ko nakitang lumabas simula pa kanina, e. Bakit?" Naupo si Manuel sa bakanteng silya sa kusina kung saan nando'n din si Marie—nagtitimpla ng kape niya. "May lakad kasi kami ngayon. Kaya nandito ako't maagang nagrereport." "Saan punta ninyo Kuya Manuel?" "Japan." Naupo si Marie sa baknateng silya. Ayaw niya din sana magtanong pero dahilnsa kuryusidad niya ay napapatanong siya. Gusto niya rin kasi na mas makilala ang among si Iñigo. "Japan?" Ulit ng dalaga. Tumango naman si Manuel. "Umm! Mga dalawang araw lang naman tapos Singapore dalawang araw din, at saka balik ulit dito." Salaysay ni Manuel sa dal
Tahimik si Marie buong byahe na nakaupo sa likuran ng sasakyan. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Iñigo sa kanya. Dahil do'n bawat pikit ng mga mata niya ay si Iñigo ang nakikita nito. "Miss Caballero?" tawag ni Iñigo sa kanya ngunit hindi niya ito napagtuunan ng oansin dahil sa lalim ng iniisip. Saglit nilingon ni Iñigo si Marie sa kanyang kinauupuan. "Xyrine Marie Caballero? Are you there?" Doon lang nakuha ni Iñigo ang atensyon ng dalaga dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ng dalaga. "Sir Iñigo?" "Physically present, Mentally absent. Are you okay?" "Ah? O-opo. Ano po iyon Sir Iñigo?" Napabuntong hininga si Iñigo—wala na ang tingin sa dalaga. "Do you need something?" Umiling si Marie. "Wala po. Maraming salamat." Tinignan lang siya ni Iñigo sa rear mirror. Bumaling naman sa ibang direksyon ang tingin ni Marie para makaiwas ng eye contact sa binata. Hindi nababasa ni Marie ang bawat iniisip o kinikilos ni Iñigo. Pabigla-bigla lang ito sa kanyang mga kilos
"Welcome to Hong Kong!" Wika ng crew nang lumapag ang private jet nina Iñigo sa Hong Kong International Airport or Chek Lap Kok Airport bandang alas-siete ng gabi. Hindi naging mahirap ang pag-exit nila ng airport dahil inasikaso na kaagad ito ng isang kaibigan ni Iñigo.Habang papuntang hotel, ganun pa rin ang sistema ng tatlo—tahimik hanggang sa makarating ang mga ito sa lugar kung saan sila mag i-stay ng tatlong gabi at dalawang araw."Sir Iñigo? Akala ko ba Japan at Singapore? Bakit Hong Kong?""I have a urgent meeting. After two days, Japan na tayo.""Okay Sir.""Anyway, while I am nit around for two days, pakitingin kay Miss Caballero. She's not familiar here.""Copy ulit Sir. Huwag kang mag-alala—safe and sound siya pagbalik mo ng hotel."Kinabig ni Iñigo ang balikat ni Manuel saka naglakad papasok ng hotel. Nasa likod niya lang si Marie nakasunod sa kanya.Nasa reception area na sila para mag-check-in ng kanilang kwarto."Good evening Sir, you have a reservation?" magiliw na b
Alas-siete ng umaga. Maaga pa lang ay hising na ang dalaga dahil maaga siyang tinawagan nito ni Iñigo. Nasa kabilang kwarto lang ang binata, kaya anuman oras ay susugurin siya nito ni Iñigo.Saktong natapos siyang maligo, iyon din ang oras nang pagdating ng mga taong mag-aayos sa kanya. Ala-una ng hapon ang okasyon, kaya dapat ay maaga pa lang ay handa na sila."Magandang umaga po Ma'am. Kami po 'yung pinadala ng Madame namin from HK team." Magiliw na sabi ng isang make-up artist."Pasok po kayo." magalang na pagkakasabi ni Marie sa limang tao. Dito nalang po. Kayo na po bahala sa akin." Nakangiting sabi pa nito.Hindi pa naman nagsisimula ay dumating si Iñigo. Nagkasalubong ang mga tingin ngunit hindi iyon umiwas."Good morning Ladies. Thank you for your coming. By the way, I sent some food here. Don't forget to have breakfast before starting work," wika ni Iñigo sa staff ng HK Team. "Miss Caballero? Can I talk to you for a moment?" Hindi nagdalawang isip si Marie na lumapit kay Iñi
Araw ng parangal o Awarding ceremony. Golden Phoenix Asian Award ay taon-taon ginahanap para sa mga mahuhusay na mga actors and actresses sa buong Asya. Malaki ang ambag ng pamilyang Alcantara sa event na ito dahil isa sila sa main sponsor ng seremonya. Hindi lang si Iñigo ang naimbitihan kundi maging ang ibang angkan nito. Nandiyan ama na si Alfonso at Inang si Isabela. Hindi rin nagpahuli ang pinsan na si Denver Alcantara; ang tagapagmana ng iilang hotels sa buong Asya dahil sa masikap nitong amang si Liviticus Alcantara. Hindi rin nagpahuli ang kapatid na si Engineer Xavier Alcantara, at ang pinsan na si Lord Chad Alcantara.Nagsalita ang master of ceremony. Lahat ng nominee's ay nabanggit at mga sponsors ng event. Hindi umalis sina Iñigo hanggang sa natapos ito. Inabot ng dalawang oras ang awarding ceremony bago natapos, at saka lumipat na ang mga ito sa main venue ng event.Nasa isang lamesa lang ang mga Alcantara kabilang na rin si Marie doon. Hindi niya inaasahan na makikita
Hindi napigilan ng dalawa ang alab na dumadaloy sa kanilang katawan. Hindi tumigil at walang may nagpatigil dahil kanila ang gabing iyon. Napahiha na si Marie sa hood ng sasakyan habang si Iñigo ay nakakandong na sa maliit na katawan ni Marie. Walang may nagpaawat hanggang sa untin-unting bumuhos ang ulan kaya napahinto ang dalawa sa ginagawa. Natawa si Marie nang inalalayan siyang tumayo ni Iñigo at saka pumasok sa loob ng kotse. Bitbit ang plastic na may lamang alak na binili sa store, pumasok din si Iñigo sa loob ng kotse at saka binuhay ang makina ng sasakyan. Hinubad ni Iñigo ang suot na toxedo. Mayamaya ay may kinuhang maliit na tuwalya sa backseat at saka binigay iyon sa dalaga. "Dry your hair." Mahina saad ni Iñigo kay Marie. "Salamat." Nang matapos ay pinunasan din ni Marie ang basang braso ni Iñigo "Ako na," wika ni Iñigo saka kinuha kay Marie ang tuwalya. "Ang lakas ng ulan." Aniya saka bumaling kay Marie. Ngumiti. "Bakit?" Hindi na nagsalita si Iñigo. Bigla niya na
"Miss Marie? Ayos ka lang ba? Bakit parang stress ka? Kumusta ang event na pinuntahan ninyo ni Sir Iñigo kahapon?" Matayog ang iniisip ng dalaga dahil sa nangyari kagabi. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Iñigo sa kanya na hindi niya man lang pinihilan ito o nagpumiglas; parang nahepotismo siya ng mga gabing iyon na sumasabay nalang sa nangyayari. "Miss Marie? Tubig gusto mo?" Tinabig na siya ni Manuel sa balikat para makuha ang atensyon ng dalaga. Bumalik sa wisyo si Marie at napatanga kay Manuel. "Kuya? Ano 'yun? Sorry hindi kita narinig." Natawa si Manuel sabay iling ng ulo nito. "Literal na hindi mo ako narinig dahil malalim ang iniisip mo. Kanina ka pa nga tulala diyan. Inaantok ka pa ba?" "Ha? Ah? O-oo kuya Manuel. Naalimpungatan kasi ako kagabi dahilnm sa masamang panaginip ko." Pagsisinungaling ni Marie. Ang totoo ay hindi talaga siya nakatulog dahil hindi talaga maalis-alis sa diwa niya ang nangyari. "Ganun ba? Ano ba napanaginipan mo?" Mausyusong wika ni
"I said get out of here! Did you hear me?" Yumukom ang mga palad ng kamay ni Andrea nang pagsalitaan siya ni Iñigo ng ganun. Hindi pa rin siya tapos at ayaw niyang mahpatalo sa binata. Galit na rin ito dahil pinahiya siya nito sa marami. "Seriously? How can you do this to me?" "You came here to ruin our peacful dinner. Do you think I'll be happy? Just one more word... I'm telling you, you'll lose everything, Andrea." Bumaling si Andrea kina Manuel at Marie na ngayon ay nakatungo sa kanilang pinggan. Ayaw man nila na makinig sa usapang magkapatid pero dahil nasa iisabg haoag lang sila—naririnig nila ang buong detalye. "Dahil sa babaeng iyan nagawa mo akong pagsalitaan ng hindi maganda!" "Hindi ito ang unang beses na nangyari. Umalis ka na bago pa dumilim ang paningin ko sa iyo." Nagtiim ang bagang ni Andrea nang titigan niya ng masama si Iñigo. Habang ang binata naman ay kalmado lang magsalita ngunit tagos lahat sa puso't isipan ni Andrea. Walang imik na umalis si Andre
"Tita? Tita Isabela?" Kumalipas ng takbo pababa ng hagdan si Marie kahit wala itong sapin sa paa. Ang kadahilan ay pagising niya, wala na si Iñigonsa tabi nito. Nasa kusina ang Ginang. Nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo nang marinig niya ang boses ni Marie na hinahanap siya. Nang mapatungonsi Marie sa kusina kaagad din nito tinanong ang Ginang. "Si Iñigo po?" "Ah? Umalis kasama si Manuel. May pinuntahan saglit—" "Ha?! Saan po?" Napangiti ang Gina dahil nakikita niya sa mukha ng dalaga ang labis-labis na pag-aalala nito sa kanyang panganay na anak. Kinuha ng Ginang ang kamay ng dalaga't inalalayan na maupo sa tabi nito. "He's not going somewhere, he promise me." "Ganun po ba? Baka po kasi—" "Are you sure this is all you want?" "Hmm..." Bumaling si Marie sa pintuan nang marinig ang malakas na tawa ni Xavier habang kausap si Iñigo. "Nandiyan na sila." Wika ng Gina, saka tumayo. Nilapitan ang dalawang anak at saka pumagitna siya roon. Mayamaya ay tumuon ang mga tingin ni Iñig
"Natatakot ako." Mahinang sabi ni Marie. "Listen to me. Sasagot ka lang kapag may itatanong sila sa iyo. Wañang dagdag, walang bawas. Nakuha mo ba?" Magkaharap ang dalawa sa lamesa habang in-orient ni Iñigo si Marie "Natatakot ako Iñigo." Naiiyak na sabi ni Marie kay Iñigo. "Like what you did before; isang taning, isang derektang sagot lang dapat. Huwag kang matakot hindi kita iiwan, nandito lang ako." Sunod-sunod na tumango si Marie bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ni Iñigo sa kanya. Mayamaya ay niyakap siya ng binata upang maibsan ang takot nito. "Don't worry, gagawin ko ang lahat para sa 'yo. " Pinunasan ni Iñigo ang luha ni Marie na pisngi. Mayamaya ay tumayo si Iñigo't nagpaalam na lumabas na siya roon at tinuro ang salamin kung saan diyan siya nakapanood sa kanya. Saglit tumungo si Marie't nagdasal. Mayamaya ay umangat ang mukha ng dalaga't huminga ng malalim at dahan-dahan niya iyon ibinuga sa kawalan. Tahimik lang si Marie na nakupo sa investigation room habang h
TAON 2023 MANILA PHILIPPINES "Where have you been X?! Yesterday we called you, you didn't even respond! Dalawang araw kang nawala sa bahay." "Something important just went. Hindi ko obligasyon na magpaalam sa iyo. Anong ganap?" "Hinahanap pa rin siya hanggang ngayon. He suddenly disappeared." "Disappear? For real? How come?" Hindi sumagot si Iñigo, imbes lahat ng CCTV records na nakopya sa iba't-ibang area sa Taguig at Pasay ay tinignan nito sa kanyang laptop. "Paano kung hayaan mo na lang muna siya't gumawa ka ng planong alam mong bibitag siya roon?" "I don't think it's worked." "Why don't you try first. Malay natin." Matagal bago nakapagsalita si Iñigo. "Next week we're going to New York," aniya kay Xavier. "For good." Saka tumayo't kinabig ang balikat ng kapatid. Napamewang nalang si Xavier at saka sinundan ang kapatid sa bar area. Doon nagpalipas ng oras ang dalawa habang nagkukwentuhan ng kung ano-ano. "By the way, I have something to ask." "Speak." "Ano ang magiging
TAON 2022 MANILA PHILIPPINES "Congratulations Marie! I didn't expect na tatalon ka ng isang taon! O.M.G!" "Maging ako ay hindi nga makapaniwala Liza. Ang saya-saya ko." "Iiwan mo na ako bff! Auto fourth-year ka ng law! Kyah! Let's go! Dinner is mine. Huwag ka munang mag part-time. Okay?!" Hindi masukat ang saya ni Marie dahil hindi nito inaasahan na makapapasa siya sa isang exam na pwedeng umakyat sa susunod na level ng taon. Walang baker o reference si Marie. Hindi niya ginamit ang pangalan ni Nudge Alfonso Alcantara para lang makapasa. Talino at pagpoporsige ang naging sabdata ni Marie sa mga oras na iyon at dasal sa puong may kapal. "Liza, bakit dito tayo? Maraming tao." "Ano ka ba! Okay lang 'yan! Saka minsan lang naman ito. Teka! Ladies room lang ako, huwag kang umalis ng table natin, ha?" "Sige." Sa isang disco bar sa Cubao dinala ni Liza ang kaibigan na si Marie upang ipagdiwang ang pagkapasa nito sa isang pinakamalaki pagsusulit sa buong Pilipinas. Isang beses l
"Si Marie ang kailangan niya," panimula ni Iñigo nang tahimik na ang mamsyon dahil nagpapahinga na ang lahat maliban sa kanyang Ama at sa nakababatang kapatid na si Xavier. "Actuully, I don't have any idea what he wants to her." Aniya't lumagok ng alak. "E, gago pala siya! Nagpanggap pa na kapatid. Pinaniwala si Xy na kamag-anak sila! That f*cking bastard! Buburahin ko mukha nun!" Bulalas ni Xavier; galit na galit nang malaman ang buong kwento. "Una ko siyang nakita, hindi na maganda ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. Walang kapatid na kung tignan si Marie ay parang may masamang binabalak." Wika pa ni Iñigo. "Kailangan niyo munang magpakalayo-layo. Bumalik ka ng New York, at isasama mo si Marie. For good." Suhisyon ng ama. "Magsasampa ako ng kaso sa kanya at doon sa lalaking hindi pa nagsasabi ng totoong pakay nito," napayukom ng kamao si Iñigo. "I drag him to hell!" Mariin niyang sabi at hindi na nagsalita. Kinabukasan. Maagang umalis si Iñigo para puntahan ang nangyaring i
"Hello? Oh? Liza, bakit?" "Anong bakit ka diyan?! Ang tagal mo nang hindi nagpapakita sa akin!" Napangiti si Marie dahil sa ilang buwan nitong hindi nakakausap ang kaibigan, wala pa rin may pinagbago sa kanya. "Ayos lang naman ako. Nasaan ka ngayon?" "Nandito ako malapit lang sa bahay ni Attorney. Alam mo ba 'yong bar dito? May harapan ng 24/7 open na store?" "Dito sa block 5? Nandito kami ni Iñigo—convenient store. Nasaan ka ba?" "As in?! Teka lalabas ako," patakbong lumabas si Liza ng bar at tumayo sa gitna ng kalsada upang makiyata siya kaagad ni Marie. "Hoy! Nandito ako sa gitnan ng kalsada, nasaan ka?!" Tuwang-tuwa ang kaibigan nang makita si Marie na lumabas ng sasakyan ni Iñigo. Patakbong lumapit si Marie sa kaibigan; walang pakialam sa paligid. Mayamaya, ang galak at tuwa ng dalawa ay napalitan ng kaba at takot nang biglang sinalpok ng malaking track ang sasakyan ni Iñigo. Nangangatug ang mga tuhod ni Marie sa nakita nang sumabog pa ang sasakyan pagkatapos. Na
"Can I talk to him first?" "Sir, kailangan niyo po muna bigyan ng first-aid. Malalim po 'yong sugat niyo po." "I'm okay. I want to talk to him first before I proceed to file him a case." "Tawagan niyo nalang po muna ang abogado ninyo Sor para po malaman ang sitwasyon niyo ngayon." "I'm a lawyer. Attorney Iñigo Alcantara." Hindi kaagad nakapagsalita ang pulis na kumakausapnsa kanya. Tumikhim ito at mayamaya ay kumalikot ng computer saka pinaupo si Iñigo. "Attorney Alcantara? May kaunting katanungan lang sana ako tungkol sa nangyaring insedente. Maaari po bang idetalye ninyo sa akin kung ano ang nangyari?" "I don't what exactly happened. He just bump my car—at the back. He apologize; he approach me in purpose and he suddenly attack me with his dagger. Kung makikita ninyo sa surveilance camera; may matandang lalaki akong tinulungan na makatawid ng pedestrian lane. After a moment—green light; paglagpas ko ng intersection ganun na ang nangyari." "Abogado po kayo. Wala ka po
Alas-kwatro ng hapon nang bumisita si Iñigo sa Correctional Institution for Women sa lungsod ng Mandaluyong. "Attorney Alcantara, kumusta? Long time no see." Magalang na pagbati ni warden kay Iñigo nang pumasok kaagad ito sa loob. Apat na warden ang nakabantay; dalawang lalaki, dalawang babae. "I want to see her." Aniya't alam na kaagad ng mga warden kung sino ang tinutukoy nito. "Right away po Attorney—this way po." Dalawang warden ang nag-scort kay Iñigo. Habang nilalakad ang hallway, hindi maiwasan ni Iñigo ang igala ang mga mata sa field kung saan may ilang mga priso roon—nakasunod ang mga mata sa kanya, na akala mo'y mga bwitring gustong umatake sa kalaban. Naghintay ng ilang minuto si Iñigo sa isang kwarto kung saan para lang sa kanya at sa prisong bibisitahin nito. Apat na CCTV ang nandoon—bawat sulok ay may nakalagay. Pagdating ng Ginang; isang ngiti kaagad ang sinalubong sa kanya. "Parang alam ko lang na bibisitahin mo ako ngayon, Attorney. Napanaginipan kasi kita kagabi—
Tahimik ang pagitan ng tatlon nang basagin iyon ng binatang lalaki. "So? Babalik ka na paña ng Maynila? All of the sudden?" "Why are you asking her? Who are you?" Biglang salita ni Iñigo. Nakangiti panrin ang binata—nang aasar kay Iñigo habang si Marie ay hindi magawang makasingit sa usapan nilang dalawa. "Well... I'm just his brother." "Brother?" Nagkibit balikat ang binata at bumaling kay Mariw sabay kindat. "I'll go ahead. Papasyalan nalang kita sa Maynila kapag may oras ako, at saka naghihintay pa kami ng sagot mo—isang linggo na iyon." "Tatawagan nalang kita. Sa ngayon, may pupunta pa kami ni Iñigo." "Fine. But don't forget you decision Xyrine. We'll waiting," bumaling ang binata kay Iñigo. "Attorney Alcantara, take care of my beautiful sister. See you later." Saka tumayo. Akma pa sana itong yayakap kay Marie nang humarang si Iñigo. Mas lalo nagkaroon ng interes ang binata kay Iñigo. Samantala. "Brother? Kailan ka pa nagkaroon ng kapatid, Marie?" "Bahay-amp