"Welcome to Hong Kong!" Wika ng crew nang lumapag ang private jet nina Iñigo sa Hong Kong International Airport or Chek Lap Kok Airport bandang alas-siete ng gabi. Hindi naging mahirap ang pag-exit nila ng airport dahil inasikaso na kaagad ito ng isang kaibigan ni Iñigo.Habang papuntang hotel, ganun pa rin ang sistema ng tatlo—tahimik hanggang sa makarating ang mga ito sa lugar kung saan sila mag i-stay ng tatlong gabi at dalawang araw."Sir Iñigo? Akala ko ba Japan at Singapore? Bakit Hong Kong?""I have a urgent meeting. After two days, Japan na tayo.""Okay Sir.""Anyway, while I am nit around for two days, pakitingin kay Miss Caballero. She's not familiar here.""Copy ulit Sir. Huwag kang mag-alala—safe and sound siya pagbalik mo ng hotel."Kinabig ni Iñigo ang balikat ni Manuel saka naglakad papasok ng hotel. Nasa likod niya lang si Marie nakasunod sa kanya.Nasa reception area na sila para mag-check-in ng kanilang kwarto."Good evening Sir, you have a reservation?" magiliw na b
Alas-siete ng umaga. Maaga pa lang ay hising na ang dalaga dahil maaga siyang tinawagan nito ni Iñigo. Nasa kabilang kwarto lang ang binata, kaya anuman oras ay susugurin siya nito ni Iñigo.Saktong natapos siyang maligo, iyon din ang oras nang pagdating ng mga taong mag-aayos sa kanya. Ala-una ng hapon ang okasyon, kaya dapat ay maaga pa lang ay handa na sila."Magandang umaga po Ma'am. Kami po 'yung pinadala ng Madame namin from HK team." Magiliw na sabi ng isang make-up artist."Pasok po kayo." magalang na pagkakasabi ni Marie sa limang tao. Dito nalang po. Kayo na po bahala sa akin." Nakangiting sabi pa nito.Hindi pa naman nagsisimula ay dumating si Iñigo. Nagkasalubong ang mga tingin ngunit hindi iyon umiwas."Good morning Ladies. Thank you for your coming. By the way, I sent some food here. Don't forget to have breakfast before starting work," wika ni Iñigo sa staff ng HK Team. "Miss Caballero? Can I talk to you for a moment?" Hindi nagdalawang isip si Marie na lumapit kay Iñi
Araw ng parangal o Awarding ceremony. Golden Phoenix Asian Award ay taon-taon ginahanap para sa mga mahuhusay na mga actors and actresses sa buong Asya. Malaki ang ambag ng pamilyang Alcantara sa event na ito dahil isa sila sa main sponsor ng seremonya. Hindi lang si Iñigo ang naimbitihan kundi maging ang ibang angkan nito. Nandiyan ama na si Alfonso at Inang si Isabela. Hindi rin nagpahuli ang pinsan na si Denver Alcantara; ang tagapagmana ng iilang hotels sa buong Asya dahil sa masikap nitong amang si Liviticus Alcantara. Hindi rin nagpahuli ang kapatid na si Engineer Xavier Alcantara, at ang pinsan na si Lord Chad Alcantara.Nagsalita ang master of ceremony. Lahat ng nominee's ay nabanggit at mga sponsors ng event. Hindi umalis sina Iñigo hanggang sa natapos ito. Inabot ng dalawang oras ang awarding ceremony bago natapos, at saka lumipat na ang mga ito sa main venue ng event.Nasa isang lamesa lang ang mga Alcantara kabilang na rin si Marie doon. Hindi niya inaasahan na makikita
Hindi napigilan ng dalawa ang alab na dumadaloy sa kanilang katawan. Hindi tumigil at walang may nagpatigil dahil kanila ang gabing iyon. Napahiha na si Marie sa hood ng sasakyan habang si Iñigo ay nakakandong na sa maliit na katawan ni Marie. Walang may nagpaawat hanggang sa untin-unting bumuhos ang ulan kaya napahinto ang dalawa sa ginagawa. Natawa si Marie nang inalalayan siyang tumayo ni Iñigo at saka pumasok sa loob ng kotse. Bitbit ang plastic na may lamang alak na binili sa store, pumasok din si Iñigo sa loob ng kotse at saka binuhay ang makina ng sasakyan. Hinubad ni Iñigo ang suot na toxedo. Mayamaya ay may kinuhang maliit na tuwalya sa backseat at saka binigay iyon sa dalaga. "Dry your hair." Mahina saad ni Iñigo kay Marie. "Salamat." Nang matapos ay pinunasan din ni Marie ang basang braso ni Iñigo "Ako na," wika ni Iñigo saka kinuha kay Marie ang tuwalya. "Ang lakas ng ulan." Aniya saka bumaling kay Marie. Ngumiti. "Bakit?" Hindi na nagsalita si Iñigo. Bigla niya na
"Miss Marie? Ayos ka lang ba? Bakit parang stress ka? Kumusta ang event na pinuntahan ninyo ni Sir Iñigo kahapon?" Matayog ang iniisip ng dalaga dahil sa nangyari kagabi. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Iñigo sa kanya na hindi niya man lang pinihilan ito o nagpumiglas; parang nahepotismo siya ng mga gabing iyon na sumasabay nalang sa nangyayari. "Miss Marie? Tubig gusto mo?" Tinabig na siya ni Manuel sa balikat para makuha ang atensyon ng dalaga. Bumalik sa wisyo si Marie at napatanga kay Manuel. "Kuya? Ano 'yun? Sorry hindi kita narinig." Natawa si Manuel sabay iling ng ulo nito. "Literal na hindi mo ako narinig dahil malalim ang iniisip mo. Kanina ka pa nga tulala diyan. Inaantok ka pa ba?" "Ha? Ah? O-oo kuya Manuel. Naalimpungatan kasi ako kagabi dahilnm sa masamang panaginip ko." Pagsisinungaling ni Marie. Ang totoo ay hindi talaga siya nakatulog dahil hindi talaga maalis-alis sa diwa niya ang nangyari. "Ganun ba? Ano ba napanaginipan mo?" Mausyusong wika ni
"I said get out of here! Did you hear me?" Yumukom ang mga palad ng kamay ni Andrea nang pagsalitaan siya ni Iñigo ng ganun. Hindi pa rin siya tapos at ayaw niyang mahpatalo sa binata. Galit na rin ito dahil pinahiya siya nito sa marami. "Seriously? How can you do this to me?" "You came here to ruin our peacful dinner. Do you think I'll be happy? Just one more word... I'm telling you, you'll lose everything, Andrea." Bumaling si Andrea kina Manuel at Marie na ngayon ay nakatungo sa kanilang pinggan. Ayaw man nila na makinig sa usapang magkapatid pero dahil nasa iisabg haoag lang sila—naririnig nila ang buong detalye. "Dahil sa babaeng iyan nagawa mo akong pagsalitaan ng hindi maganda!" "Hindi ito ang unang beses na nangyari. Umalis ka na bago pa dumilim ang paningin ko sa iyo." Nagtiim ang bagang ni Andrea nang titigan niya ng masama si Iñigo. Habang ang binata naman ay kalmado lang magsalita ngunit tagos lahat sa puso't isipan ni Andrea. Walang imik na umalis si Andre
Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang ganoong insidente sa pagitan nina Marie at Iñigo. Hindi natuloy ang byaheng Singapore dahil do'n, at pinatapos lang ni Iñigo ang business meeting nito sa Japan sa pangalawang araw nila"t kinagabihan ay bumalik sila ng Pilipinas. Nasa kwarto si Marie, at isang linggi na rin kinulong ang sarili doon. Maging si Manuel ay nagtataka at nagdududa na parang may hinding magandang nangyari sa pagitan ng kanyang among lalaki at kay Marie. Hindi rin pumermi si Iñigo sa kanyang bahay bagkus pagbalik nila ng Pilipinas ay sunod-sunod na rin ang trabaho nito. Hindi mabilang, kaya hindi na nakakauwi sa sariling bahay. "Miss Marie? Kain na po," boses ni Jolan ang nasa labas ng kanyang kwarto. "Habang nandito pa po kami sasabayan ka po namin kumain." Naglalambing na sabi pa ng babae sa dalawa. Umangat ang mukha ng dalaga nang marinig ang boses ni Jolan. Dahil wala naman si Iñigo sa paligid, lumabas ito ng kwarto at kumain. Katuñad nga nang sinabi ni Jo
"Is this all? Maybe you have some new ones out there, bring them out.""We have, but I need to ask my boss first—""Then call your boss, right now!""Po? Ano po kasi Sir—""Just call him. Nagmamadali ako.""Ah? O-opo."Nakatayo si Marie sa likuran ng binata. Dito siya nasaksihan kung gaano siya ka importante para lang bigyan siya ng magandang kasuutan. Tumungo ang dalaga sa harapan ni Iñigo, at saka nagsalita."Ano kasi... pwede na siguro ang mga ito. Magaganda naman. Pwede ko na isukat ang mga ito Sir Iñigo."Napatitig ang binata sa kanya. "Hindi pwede. When it comes to my mom, gusto ko perpekto ang lahat."Napangiti si Marie. "Sabi mo, simpleng tao lang ang mama mo, hindi ba? So, ibig sabihun nun ay hindi importante ang kasuutan; mamahalin man iyan o hindi, dahil ang gusto lang naman ng mama mo, iyong taong gusto niyang makita. Maniwala ka sa akin, matutuwa iyon kapag nakita niyang simple pero elegante ang taong gusto nitong makita."Hindi kaagad nakapagsalita si Iñigo. Napabuntong
EPILOGUE—PART TWO—DESTINED WITH YOU TAON 2025, MAY—PHILIPPINES Maganda ang mga ngiti ni Iñigo habang papalapit sa kanya ang babaeng minahal niya na simula pa noong una. Mayamaya, ang magandang ngiti ay napalitan ng luha; luha ng kagalakan. "You destined with me," mahinang sambit ni Iñigo. Nakikita niya ang batang Marie na humihikbi. "I'm so inlove with you." Aniya't nagpunas ng luha sa mga mata. "Pangalawang kasal mo na ito, ngayon ka pa talaga iiyak?" "Wala kang alam—" "May alam ako. May nagsabi sa akin—isa sa mga naging ka-klase mo noon—Marie is your first love. Bro, child abuse ginawa mo!" "She's already fifteen that time. Bata lang siyang tignan dahil hindi naman siya katangkaran." "Bata pa rin 'yun Benjo! Bente uno ka noon, kinse lang siya. Baka nga 'di pa nagdadalaga 'yun!" "Shut up will you? How about you? Akal mo ba hindi ko alam na nandito 'yung—" "Ipapakilala ko na siya mamaya kina Mom at Dad. Wala kang dapat na alalahanin." "Pssh!" Natigil lang ang us
EPILOGUE—PART ONE; THE PLOT TWIST TAON 2010, PHILIPPINES TWENTY-ONE YEARS OLD, IÑIGO ALCANTARA—FOURTH YEAR COLLEGE "Benjo, let's go to the café! You're leaving tomorrow—you can treat us to a free meal." "You guys can go—I'm leaving." "Hoy! Sandali naman! Wala man lang despedida diyan? Grabe ka naman sa amin Iñigo! Ang yaman-yaman ninyo tapos ayaw mo kaming i-libre! Tara na nga mga Par! Kung ayaw niyang ilibre tayo_e di libre natin sarili natin!" Hindi pinansin ni Iñigo ang mga ka-klase. Ang totoo ay lalapitan lang naman siya ng mga iyon dahil alam nila na mapera ang binata. Napabuga ng hangin sa kawalan si Iñigo saka umihis ng daan. Mayamaya ay napahinto siya nang may napansin batang babae na nakatungo at tahimik na humikhikbi. Akma niya sanang lapitan nang may lumapit na ginang sa batang babae. Nagulat na lang si Iñigo nang biglang sampalin ng ginang ang bata. Napayukom siya ng kamao nito't lalapitan sana nang biglang tumunog ang telepono niya. Napahinto siya sa paglal
APRIL 2025 PHILIPPINES "Case number 2025-PH-9090. I'll deliver the sentence. Despite the cruel nature of the crimes... and the clear evidence, the defendant made excuses that were imposible to believe, refuse to show remorse. The defendant, Lucio Salazar is sentenced to life in prison." Samo't saring reaksyon ang naririnig sa loob ng korte matapos bigyan ng panghabang buhay na pagkabilango si Lucio. Nag-ingay ang social media at maging ang media roon. Napasinghap ng hangin sa kawalan si Iñigo habang si Marie ay tahimik lang at nakatitig lang kay Lucio. Nang patayuin na siya ng mga warden—posas kaagad at saka siya inilabas ng korte. Binungad ng maraming media reporter sa labas ang salarin habang tulala na lang ito na naglalakad. "His family is here." Wika ni Iñigo. "Wala naman na magagawa ang pamilya niya kundi ang tignan na lang siya sa malayo." Salita din ni Marie. Nang lumingon si Lucio sa kinaroroonan nina Iñigo at Marie, saglit itong nagpaalam sa dalawang pulis na kakausapin
Gabi, at nasa St. Miguel Chapel inilamay ang abo ng ina ni Marie. Walang kamag-anak na pumunta—tanging sina Iñigo at ang pamilya niya ang pumunta para bigyan ng dasal. "Bukas na ihahatid ang ina mo, qala ka babg sasabihin?" Wika ni Iñigo. Umiling si Marie. "Wala." Saka siya naupo sa gilid at nakatitig lang sa puting banga kung saan naroon ang abo ng kanyanh ina. "Okay. " "Iñigo, huwag na kayong pumunta ng sementeryo—ako na bahala ang maghatid ng abo niya sa libingan ni Tiyo Oscar." "Marie, hindi ako papayag na ikaw lang—asawa mo ako at karapatan kong samahan ka. Huwag mong isipin na naging pabigat na ito sa amin dahil hindi ko naisip iyan. Kahit man lang sa huling hantungan ng ina mo, mabigyan siya ng magandang burol." Binalingan ni Marie si Iñigo. Paklang ngumiti at nagpasalamat sa asawa. "Maraming salamat sa inyong lahat. Kahit papaano nairaos din ang paglagay ng abo ni inay sa kanyang hulinh hantungan." "Walang anuman Marie, anak. Makapagpahinga na ng tuluyan ang nan
Nakatayo sa harapan ng pintuan; nagdadalawang isip kung papasok ba si Iñigo sa loob o hindi upang hikayatin ang asawang si Marie na dalawin ang inang si Ester. Mayamaya ay napalingon siya sa kanyang likuran nang may pumatong na kamay sa kanyang balikat—ang amang si Alfonso. Kauuwi lang galing ng ospital. "Dad? How are you? Kumusta si Kid?" "Stable na mga vital sign niya. Me and your Tito Viktor nauna nang umalis pero babalik iyon si Viktor dahil siya ang mag-aasikaso kay Kid habang nasa ospital pa ang pinsan mo. Ako naman may aasikasuhin akong kaso; 'yung salarin sa pananaksak kay Kid sa Boracay. Kailangan kong bumalik ng Boracay para makausap ang salarin." "Thank you so much Dad. I'm sorry I can not able to assist you. Marie's mom died last night; she's sick. Abd now I need convince her na puntahan namin." "Is that so? Sige, sent my condolences and flowers to her burial." "Yes, Dad. Ingat ka papunta roon—tumawag ka." "Suyuin mo 'yan nang nabisita niya ang nanay nito kahit
MANILA, PHILIPPINES—ALCANTARA RESIDENCE "Dahan-dahan—ang mga bata ipasok na ninyo sa kanilang kwarto. Naneng, tabihan mo muna si Amber, ha? Pasensya, masyado lang abala. Magoahinha ka na rin. Joan—Jolan, kung naguguyom kayo—idamay niyo na si Lili. Ako na bahala kina Tita Ana at Mommy. Ihahatid ko lang si Marie sa kwarto namin." Isa-isang nagsinuran sa mga sinabi ni Iñigo. Nakarating na sila sa mansyon ng Alcantara, at lahat ay pagod. Paglapag ng eroplano sa NAIA 4, dumiretso na kaagad ang tatlong magkapatid na sina Alfonso, Viktor, at Lemuel—kasama ang bunsong anak na si Caleb patungong ospital—maneho ni Manuel ang sasakyan. Sakay ng ambulansya, mabilis nailipat si Kid. "Iñigo magpahinga ka na rin muna. Alam namin na mas pagod ka dahil sa nangyari." Wika ng ina.. Tumango si Iñigo. "Yes, Mom. Magpahinga na kayo. Tita Ana, ayos lang po ba kayo? Bukas pupuntahan natin si Kid—sa ngayon mas kailangan mong magpahinga." "Maraming salamat Benjo. Sige na't papasok na rin ako ng kwarto
Kumalipas ng takbo si Iñigo nang makitang bumagsak si Marie. Dali-dali niyang kinarga ang asawa at patakbong inilabas kahit walang sasakyan; mabuti na lang may taxi na nakaabang kaagad kaya mabilis na naisugod ang asawa sa pagamutan. "I'll pay you later, Sir. I forgot my wallet. I'm sorry." "Ayos lang po Sir." Tinulungan ng driver si Iñigo na maisugod sa loob ng emergency room si Marie. "Nurse? Please, help my wife—she passed out." "This way Sir." Kaagad naman sila inasikaso ng nurse na nakaduty roon. Hindi umalis si Iñigo sa tabi ng asawa. Mamg matapos lagyan ng IV fluid si Marie ay hindi pa rin panatag si Iñigo dahil nha sa hindi pa nagigising ang asawa. "Sir, pwede na po si Ma'am ilipat ng kwarto." "Yes please, and I want VIP suite for my wife, if there is a chance?" "Sige po, Sir. Ito po ang application form. Paki-fill-up na lang then proceed na tayo sa kwarto ni Ma'am." "Thank you so much." Nag fill-up ng application si Iñigo. Nang matapos ay kaagad din na-aprobahan at sa
THREE HOURS AGO "Miss? I am Xyrine Marie Alcantara—ako 'yung nakausap ng management dahil sa cancelation ng wedding. Can I speak to the organizer and manager?" "Ah? Yes po. Hello po Ma'am Alcantara. Sasamahan ko na lang po kayo sa head office ng manager ng hotel." Napangiti si Marie. "Great! Ngayon na ba?" "Yes po Ma'am. One second po." Panay ang pagmamasid ni Marie sa kanyang paligid. Alam niyang delikado na lumabas dahil kay Lucio na nasa Boracay lang din naman. Payapa at mahinahon ang bawat torista at mga bisita ng hotel kaya panatag si Marie na walang may masamang mangyari. "Tara na po Ma'am?" Wika ng isang staff ng hotel at nauna na itong naglakad—nakasunod si Marie sa kanyang likuran. Pagdating ng dalawa sa harapan ng elevator saka naman nagsalita ang nasa tabi nilang lalaki—mikaniko ng elevator. "Out of service po muna mga magagandang Ma'am. Pasensya na po." "Matagal pa po ba iyan Kuya?" Salita ng babaeng staff. "Abutin pa po ng isang oras Ma'am—under maitena
BORACAY, PHILIPPINES "I'm asking you na huwag muna tayong lalayo sa area natin, as soon as possible," binalingan ni Iñigo si Marie. "Stay here. Xavier, Dad, Tito Viktor, and Tito Lemuel will come with me. Kid please look at them, okay? This is importante matter. I'm asking for your cooperation." Nasa lobby ng hotel ang buong pamilya. Maliban kay Manuel ay nauna na itong umalis—tumungo sa lugar na binigay ng Chief. Labis-labis man ang pag-aalala ng pamilya ni Manuel—sinisigurado naman ni Iñigo na ligtas ito. "I want to come with you guys, but it's better to stay here. Don't worry, I'll take care of them. Now, go!" Saad ni Kid. "Mag-iingat kayo." Nag-aalalang salita ni Marie. "Tumawag kayo kaagad kapag nahuli na siya." Sabi naman ng inang si Isabela. "Dong, ang habilin ko—" hindi natapos ang sasabihin ni Anastasia nang yakapin siya ni Lemuel. "Oo." Maiksing sagot nito. Napayakap na rin si Iñigo kay Marie bago sila tuluyan na umalis. Napabuga ng hangin sa kawalan si Marie