Try to Read Alcantara Series
"Is this all? Maybe you have some new ones out there, bring them out.""We have, but I need to ask my boss first—""Then call your boss, right now!""Po? Ano po kasi Sir—""Just call him. Nagmamadali ako.""Ah? O-opo."Nakatayo si Marie sa likuran ng binata. Dito siya nasaksihan kung gaano siya ka importante para lang bigyan siya ng magandang kasuutan. Tumungo ang dalaga sa harapan ni Iñigo, at saka nagsalita."Ano kasi... pwede na siguro ang mga ito. Magaganda naman. Pwede ko na isukat ang mga ito Sir Iñigo."Napatitig ang binata sa kanya. "Hindi pwede. When it comes to my mom, gusto ko perpekto ang lahat."Napangiti si Marie. "Sabi mo, simpleng tao lang ang mama mo, hindi ba? So, ibig sabihun nun ay hindi importante ang kasuutan; mamahalin man iyan o hindi, dahil ang gusto lang naman ng mama mo, iyong taong gusto niyang makita. Maniwala ka sa akin, matutuwa iyon kapag nakita niyang simple pero elegante ang taong gusto nitong makita."Hindi kaagad nakapagsalita si Iñigo. Napabuntong
TAON 2018, PILIPINAS "Huwag po Tiyo. Pangako, hindi ako magsasabi kay nanay." "Kahit magsumbong ka pa, wala naman may maniniwala sa iyo! Ako pa rin ang paniniwalaan ng iyong ina! Bakit? Dahil mas mahal niya ako kesa sa iyo na ampun niya lang!" Takot na takot si Marie habang pinipilit na itago ang sarili sa manipis na kurtina sa kanyang masikip na kwarto. Papag lang ang bahay nila at malapit lang din ito sa dinadaanan ng reles. Maingay. Maliban sa mga kapit-bahay na walang pakialam sa nangyayari, dumagdag pa ang huni ng tren na subrang ingay. "Tiyo Oscar, maawa po kayo." Hikbi na nagmamakaawang wika ni Marie. "Hihimasin ko lang naman ang balat mo, e. Wala naman akong ibang gagawin sa iyo, Marie." Sunod-sunod na umiling si Marie. Umiiyak pa rin dahil sa takot. Hindi sukat akalain ni Marie na tatratuhin siya ng kanyang madrasto ng ganito. Ang buong akala nito ay ituturing na siya na parang tunay na anak dahil sa ito ang bagong kinakasama ng kanyang ina—si Mariella. Tatlong
TRIAL COURT, MANILA PHILIPPINES "Call the case." Panimula ng Korte. "For hearing. Criminal case number 01234, People of the Philippines versus Xyrine Marie Caballero." Malakas na pagkakawika ng Interpreter sa korte. "Appearances." Wika ulit ng korte. "For the Government." Sagot ni Prosecutor Forth Lim. "For the defense." Sagot din ni Attorney Fuentes—ang lawyer ni Xyrine Marie. "Ready?" Wika ng korte. "Ready Your Honor." Kalmadong sagot ni Prosecutor Forth Lim, at saka tumingin sa nasasakdal na si Marie. "Call your witness to the witness stand." Kaagaran na wika ng korte kay Prosecutor Lim. Nagsimula ang unang hearing ng kaso ni Marie laban sa kanyang Tiyo Oscar—kinakasama ng kanyang Nanay Ester. Meanwhile. ALCANTARA RESIDENCE Lunes ng umaga nang magsama-sama ang buong pamilya sa hapag-kainan. Madalas ito ang nangyayarinsa kanila kahit abala ang bawat isa sa kani-kanilang trabaho. "Dad? Have you heard about the incident that happened in Sta. Ana?" Binungad ka
CORRECTIONAL INSTITUTION for WOMEN (CIW) Isang linggo na ang nakalipas nang matapos ang unang hearing sa kaso si Marie. Tatlong araw na rin gumugulo sa diwa niya ang baho nitong anogado na si Attorney Iñiho Alcantara. Tahimik siyang nahñalakd ng hallway pabalik sa kanyang selda nang harangin siya nito ng limang babae; isang grupo ng mga kababaihan sa loob ng selda na tumagal na roon. "Hoy! Huwag ka ngang paharang-harang sa daan namin! Ka-bago-bago mo palang rito akala mo kung sino ka na! Tabi! Tangina 'to!" Hindi lider, ngunit isa sa mga sunod-sunuran sa kanilang grupo ng kakabihan. Tumungo si Marie. "Paumanhin." Tumabi si Marie. Pero imbes na lalagpas ay nakatikim pa ito ng pananakit sa lima; suntok sa sikmura, sabunot, sampal sa magkabilaang pisngi dahilan para maluha si Marie. Sinikap niyang maglakad hanggang sa makarating ito sa kanyang selda. May isang warden na nakapansin sa kanya roon, at kaagad naman siyang nilapitan. "Caballero? Ayos ka lang ba? Sino'ng may gawa
TRIAL COURT, MANILA "The jury have unanimously decided... to accept the deffendants case as self-defense. Case close." Napatungo sa sariling upuan si Marie nang inanunsyo ng nakatataas na hukom ang pahkawalang bisa ng kanyang kaso sa kanyang Tiyuhin Oscar. Self-defense is governed by Article 11 of the Revised Penal Code of the Philippines (Republic Act No. 3815). "Congratulations," wika ni Iñigo kay Marie na nakatungo pa rin sa sariling upuan. "Malaya ka na, Caballero." Mahinahon na pagkakasabi ni Iñigo sa kanya. Ang malapad na palad ng kamay ay nasa likod ng dalaga—pinapakalma niya ito. Umangata ang mukha ni Marie. Nagpunas ito ng luha at ngumiti sa kanyang abogado. Hindi alintana ni Marie na napayakap na pala siya rito. Ganun nalanh ang pagkakagulat ni Iñigo nang gawin iyon ni Marie. Napalitan ng ngiti sa labi ang ekspresyon sa mukha ni Iñigo. "Well done. Well done." Tinabig ulit nito ang likod ng dalaga. "Maraming salamat, Attorney Alcantara. Kung hindi dahil sa tulong ninyo
ALCANTARA MANSION Kabado ngunit merong sayang nararamdaman sa kanyang puso dahil sa unang pagkakataon sa buong talang buhay ni Marie ay ngayon lang siya nagkaroon ng sinasabing tahanan. "Dito tayo Miss Marie," wika ng butler na si Manuel nang pinagbuksan siya nito ng pintuan. "Ito ang magiging tahanan mo simula ngayon." Iginala ni Marie ang mga mata sa kabuuan ng lugar. Mansyon kung ituturing ang tahanan ng residente ng mga Alcantara. "Nakakalula ang bahay. Sino ang mga nakatira diyan Kuya Manuel?" "Mga Alcantara. Mansyon ang tawag diyan. Halika na't igagaya na kita sa loob para makilala mo ang pamilya ni Sir Benjo." Bumalik ang tingin ni Marie kay Manuel nang magbanggit ito ng ibang pangalan. Napangiti si Manuel. "Ah? Si Sir Iñigo kako. Tara na." Sumunod si Marie. Hindi niya alam o wala siyang ideya na ang magiging tahanan nito ay hindi lang basta bahay, kundi Mansyon. At napatanonh din siya sa kanyang sarili; bakit kailangan dito talaga siya dinala kung pwede naman dum
"Dito ako titira? Kasama ka?" Tila hindi makapaniwalng sabi ni Marie nang makita ang bahay ni Iñigo.Sinundan ni Marie si Iñigo ng tingin hanggang sa makapasok ito sa isang kwarto. Mayamaya ay lumabas din ito, at ngayon ay naka white plain longsleeve nalang.Napatanga si Marie sa ka-guwapuhan ng binata; suot ang reading glass at seryosong mukha."May problema ba?" Kaagad na tanong ni Iñigo sa kanya."Dalawa lang talaga tayo—Sir?"Tanging matatalas na tingin lang ang iginanting sagot ni Iñigo sa kanya dahilan para mapatungo si Marie sabay tampal ng bibug nito at tuktok ng kanyang ulo."Ano ba kasi iniisip mo Marya?!" Saway ng dalaga sa kanyang sarili.Lumapit si Iñigo sa kanya at may inabot ito."Read before you click.""Kontrata?""Yes! Miss Caballero. Basahin mo muna at baka may gusto ka pang idadagdag diyan."Napangisi si Marie. "Babasahin ko nalang. May tiwala naman na ako sa 'yo, Sir. Hindi naman ako mananalo sa kaso ko kung 'di ako nagtiwala sa iyo."Nagtataka si Iñigo sa mga sin
"Hello? Is anyone there?" Diretso ang pasok ni Xavier habang iginagala ang mga mata sa kabuuan ng bahay ng kapatid nitong si Iñigo. Nang tuluyan ng makapasok, doon naman lumitaw si Marie galing ng kusina. Malapad na ngiti ang binungad ni Xavier sa dalaga nang makita ang pustura nito.Mayamaya ay pumasok din si Iñigo—na ngayon ay pinagtataka na rin ni Marie bakit nagmamadali itong pumasok at hinarangan si Xavier na makalapit sa kanya."Really, X? What are you doing here?""And what are you doing here, too? You are supposed in our house, right? Attorney Iñigo Alcantara?""This is my house, and now get out here and leave me alone, Engineer Xavier Alcantara!"Imbes na sundin ang sinasabi ng kapatid ay mas lalo pa itong na-excite nang lumapit si Marie sa kanila. Patulak niyang nilampasan si Iñigo, at nagpakilala ito kay Marie."Hi? You are Marie?" tumango ang dalaga, saka tumingin kay Iñigo nang makita ang nakasalubong na mga kilay. "Don't mind him. He's a grumpy—I mean, I'm his brother. I
"Is this all? Maybe you have some new ones out there, bring them out.""We have, but I need to ask my boss first—""Then call your boss, right now!""Po? Ano po kasi Sir—""Just call him. Nagmamadali ako.""Ah? O-opo."Nakatayo si Marie sa likuran ng binata. Dito siya nasaksihan kung gaano siya ka importante para lang bigyan siya ng magandang kasuutan. Tumungo ang dalaga sa harapan ni Iñigo, at saka nagsalita."Ano kasi... pwede na siguro ang mga ito. Magaganda naman. Pwede ko na isukat ang mga ito Sir Iñigo."Napatitig ang binata sa kanya. "Hindi pwede. When it comes to my mom, gusto ko perpekto ang lahat."Napangiti si Marie. "Sabi mo, simpleng tao lang ang mama mo, hindi ba? So, ibig sabihun nun ay hindi importante ang kasuutan; mamahalin man iyan o hindi, dahil ang gusto lang naman ng mama mo, iyong taong gusto niyang makita. Maniwala ka sa akin, matutuwa iyon kapag nakita niyang simple pero elegante ang taong gusto nitong makita."Hindi kaagad nakapagsalita si Iñigo. Napabuntong
Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari ang ganoong insidente sa pagitan nina Marie at Iñigo. Hindi natuloy ang byaheng Singapore dahil do'n, at pinatapos lang ni Iñigo ang business meeting nito sa Japan sa pangalawang araw nila"t kinagabihan ay bumalik sila ng Pilipinas. Nasa kwarto si Marie, at isang linggi na rin kinulong ang sarili doon. Maging si Manuel ay nagtataka at nagdududa na parang may hinding magandang nangyari sa pagitan ng kanyang among lalaki at kay Marie. Hindi rin pumermi si Iñigo sa kanyang bahay bagkus pagbalik nila ng Pilipinas ay sunod-sunod na rin ang trabaho nito. Hindi mabilang, kaya hindi na nakakauwi sa sariling bahay. "Miss Marie? Kain na po," boses ni Jolan ang nasa labas ng kanyang kwarto. "Habang nandito pa po kami sasabayan ka po namin kumain." Naglalambing na sabi pa ng babae sa dalawa. Umangat ang mukha ng dalaga nang marinig ang boses ni Jolan. Dahil wala naman si Iñigo sa paligid, lumabas ito ng kwarto at kumain. Katuñad nga nang sinabi ni Jo
"I said get out of here! Did you hear me?" Yumukom ang mga palad ng kamay ni Andrea nang pagsalitaan siya ni Iñigo ng ganun. Hindi pa rin siya tapos at ayaw niyang mahpatalo sa binata. Galit na rin ito dahil pinahiya siya nito sa marami. "Seriously? How can you do this to me?" "You came here to ruin our peacful dinner. Do you think I'll be happy? Just one more word... I'm telling you, you'll lose everything, Andrea." Bumaling si Andrea kina Manuel at Marie na ngayon ay nakatungo sa kanilang pinggan. Ayaw man nila na makinig sa usapang magkapatid pero dahil nasa iisabg haoag lang sila—naririnig nila ang buong detalye. "Dahil sa babaeng iyan nagawa mo akong pagsalitaan ng hindi maganda!" "Hindi ito ang unang beses na nangyari. Umalis ka na bago pa dumilim ang paningin ko sa iyo." Nagtiim ang bagang ni Andrea nang titigan niya ng masama si Iñigo. Habang ang binata naman ay kalmado lang magsalita ngunit tagos lahat sa puso't isipan ni Andrea. Walang imik na umalis si Andre
"Miss Marie? Ayos ka lang ba? Bakit parang stress ka? Kumusta ang event na pinuntahan ninyo ni Sir Iñigo kahapon?" Matayog ang iniisip ng dalaga dahil sa nangyari kagabi. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Iñigo sa kanya na hindi niya man lang pinihilan ito o nagpumiglas; parang nahepotismo siya ng mga gabing iyon na sumasabay nalang sa nangyayari. "Miss Marie? Tubig gusto mo?" Tinabig na siya ni Manuel sa balikat para makuha ang atensyon ng dalaga. Bumalik sa wisyo si Marie at napatanga kay Manuel. "Kuya? Ano 'yun? Sorry hindi kita narinig." Natawa si Manuel sabay iling ng ulo nito. "Literal na hindi mo ako narinig dahil malalim ang iniisip mo. Kanina ka pa nga tulala diyan. Inaantok ka pa ba?" "Ha? Ah? O-oo kuya Manuel. Naalimpungatan kasi ako kagabi dahilnm sa masamang panaginip ko." Pagsisinungaling ni Marie. Ang totoo ay hindi talaga siya nakatulog dahil hindi talaga maalis-alis sa diwa niya ang nangyari. "Ganun ba? Ano ba napanaginipan mo?" Mausyusong wika ni
Hindi napigilan ng dalawa ang alab na dumadaloy sa kanilang katawan. Hindi tumigil at walang may nagpatigil dahil kanila ang gabing iyon. Napahiha na si Marie sa hood ng sasakyan habang si Iñigo ay nakakandong na sa maliit na katawan ni Marie. Walang may nagpaawat hanggang sa untin-unting bumuhos ang ulan kaya napahinto ang dalawa sa ginagawa. Natawa si Marie nang inalalayan siyang tumayo ni Iñigo at saka pumasok sa loob ng kotse. Bitbit ang plastic na may lamang alak na binili sa store, pumasok din si Iñigo sa loob ng kotse at saka binuhay ang makina ng sasakyan. Hinubad ni Iñigo ang suot na toxedo. Mayamaya ay may kinuhang maliit na tuwalya sa backseat at saka binigay iyon sa dalaga. "Dry your hair." Mahina saad ni Iñigo kay Marie. "Salamat." Nang matapos ay pinunasan din ni Marie ang basang braso ni Iñigo "Ako na," wika ni Iñigo saka kinuha kay Marie ang tuwalya. "Ang lakas ng ulan." Aniya saka bumaling kay Marie. Ngumiti. "Bakit?" Hindi na nagsalita si Iñigo. Bigla niya na
Araw ng parangal o Awarding ceremony. Golden Phoenix Asian Award ay taon-taon ginahanap para sa mga mahuhusay na mga actors and actresses sa buong Asya. Malaki ang ambag ng pamilyang Alcantara sa event na ito dahil isa sila sa main sponsor ng seremonya. Hindi lang si Iñigo ang naimbitihan kundi maging ang ibang angkan nito. Nandiyan ama na si Alfonso at Inang si Isabela. Hindi rin nagpahuli ang pinsan na si Denver Alcantara; ang tagapagmana ng iilang hotels sa buong Asya dahil sa masikap nitong amang si Liviticus Alcantara. Hindi rin nagpahuli ang kapatid na si Engineer Xavier Alcantara, at ang pinsan na si Lord Chad Alcantara.Nagsalita ang master of ceremony. Lahat ng nominee's ay nabanggit at mga sponsors ng event. Hindi umalis sina Iñigo hanggang sa natapos ito. Inabot ng dalawang oras ang awarding ceremony bago natapos, at saka lumipat na ang mga ito sa main venue ng event.Nasa isang lamesa lang ang mga Alcantara kabilang na rin si Marie doon. Hindi niya inaasahan na makikita
Alas-siete ng umaga. Maaga pa lang ay hising na ang dalaga dahil maaga siyang tinawagan nito ni Iñigo. Nasa kabilang kwarto lang ang binata, kaya anuman oras ay susugurin siya nito ni Iñigo.Saktong natapos siyang maligo, iyon din ang oras nang pagdating ng mga taong mag-aayos sa kanya. Ala-una ng hapon ang okasyon, kaya dapat ay maaga pa lang ay handa na sila."Magandang umaga po Ma'am. Kami po 'yung pinadala ng Madame namin from HK team." Magiliw na sabi ng isang make-up artist."Pasok po kayo." magalang na pagkakasabi ni Marie sa limang tao. Dito nalang po. Kayo na po bahala sa akin." Nakangiting sabi pa nito.Hindi pa naman nagsisimula ay dumating si Iñigo. Nagkasalubong ang mga tingin ngunit hindi iyon umiwas."Good morning Ladies. Thank you for your coming. By the way, I sent some food here. Don't forget to have breakfast before starting work," wika ni Iñigo sa staff ng HK Team. "Miss Caballero? Can I talk to you for a moment?" Hindi nagdalawang isip si Marie na lumapit kay Iñi
"Welcome to Hong Kong!" Wika ng crew nang lumapag ang private jet nina Iñigo sa Hong Kong International Airport or Chek Lap Kok Airport bandang alas-siete ng gabi. Hindi naging mahirap ang pag-exit nila ng airport dahil inasikaso na kaagad ito ng isang kaibigan ni Iñigo.Habang papuntang hotel, ganun pa rin ang sistema ng tatlo—tahimik hanggang sa makarating ang mga ito sa lugar kung saan sila mag i-stay ng tatlong gabi at dalawang araw."Sir Iñigo? Akala ko ba Japan at Singapore? Bakit Hong Kong?""I have a urgent meeting. After two days, Japan na tayo.""Okay Sir.""Anyway, while I am nit around for two days, pakitingin kay Miss Caballero. She's not familiar here.""Copy ulit Sir. Huwag kang mag-alala—safe and sound siya pagbalik mo ng hotel."Kinabig ni Iñigo ang balikat ni Manuel saka naglakad papasok ng hotel. Nasa likod niya lang si Marie nakasunod sa kanya.Nasa reception area na sila para mag-check-in ng kanilang kwarto."Good evening Sir, you have a reservation?" magiliw na b
Tahimik si Marie buong byahe na nakaupo sa likuran ng sasakyan. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Iñigo sa kanya. Dahil do'n bawat pikit ng mga mata niya ay si Iñigo ang nakikita nito. "Miss Caballero?" tawag ni Iñigo sa kanya ngunit hindi niya ito napagtuunan ng oansin dahil sa lalim ng iniisip. Saglit nilingon ni Iñigo si Marie sa kanyang kinauupuan. "Xyrine Marie Caballero? Are you there?" Doon lang nakuha ni Iñigo ang atensyon ng dalaga dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ng dalaga. "Sir Iñigo?" "Physically present, Mentally absent. Are you okay?" "Ah? O-opo. Ano po iyon Sir Iñigo?" Napabuntong hininga si Iñigo—wala na ang tingin sa dalaga. "Do you need something?" Umiling si Marie. "Wala po. Maraming salamat." Tinignan lang siya ni Iñigo sa rear mirror. Bumaling naman sa ibang direksyon ang tingin ni Marie para makaiwas ng eye contact sa binata. Hindi nababasa ni Marie ang bawat iniisip o kinikilos ni Iñigo. Pabigla-bigla lang ito sa kanyang mga kilos