Share

CHAPTER 39: SILLY VI

Author: yunays
last update Last Updated: 2025-04-13 19:16:39

Pagkatapos ng matagal na pagbabasa ng listahan ng mga dadalo sa party, napabuntong-hininga si Vivienne. Nakatitig siya sa makapal na papel na hawak niya habang si Dominic naman ay abala sa pag-aayos ng mga gamit nila para sa event bukas.

"Grabe, hindi ko na kaya!" reklamo niya at itinapon ang papel sa tabi. "Andami naman nito! Parang mas mahirap pa ‘to kaysa sa final exam!"

Hindi siya pinansin ni Dominic at patuloy lang sa paglalagay ng mga damit sa maletang nakabukas sa kama niya. Tahimik itong nagtupi ng mga pormal na damit, parang walang narinig sa reklamo ni Vivienne.

Dahil sa inis at pagkainip, nagdesisyon si Vivienne na abalahin ang ginagawa nito. Dahan-dahan siyang lumapit kay Dominic at mahina itong sinuntok sa braso.

"Hoy, Dominic," tawag niya, pero wala pa ring reaksyon mula sa lalaki.

Ngumiti si Vivienne at muling sinuntok ito, mas mahina pa kaysa kanina. "O, ano? Hindi mo ba ako papansinin?"

Wala pa ring sagot.

Napangisi siya. "Ah ganun, ha?"

Bigla siyang lumapit at kinuro
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 1: DEAL WITH THE DEVIL

    Ang malamig na ulan ay dumadagundong habang humahampas ito sa balat ni Vivienne. She sprinted sa halos walang taong lansangan, habol-habol ang kanyang hininga. Basa na siya mula ulo hanggang paa nang makarating sa ospital at halos madapa siya nang bumukas ang awtomatikong pinto.Pumasok siya, nanginginig sa lamig, at sinalubong siya ng nakakasilaw na liwanag ng fluorescent lamps na lalo pang nagpatindi sa sakit ng kanyang ulo. Ngunit hindi niya ito pinansin. May mas mahalaga siyang dapat alalahanin."Nasaan ang kapatid ko?" halos pabulong ngunit desperadong tanong niya sa nurse sa front desk.Saglit siyang tiningnan ng nurse, kita sa mga mata nito ang awa sa kanyang kalunus-lunos na itsura. Kinuha nito ang record at sinuri."Jace Levison? Nasa ICU siya ngayon. Kasalukuyang nasa loob ang doktor."Mahigpit na tumango si Vivienne at nagmamadaling tinungo ang intensive care unit. Sa pagdating niya, nakita niya ang kanyang ina na nakaupo sa isang sulok, nakayuko at tinatakpan ng kanyang mg

    Last Updated : 2025-03-05
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 2: WEDDING WITHOUT LOVE?

    Ang grandeng ballroom ng Chester Estate ay kumikislap sa ilalim ng liwanag ng isang libong kristal na chandelier. Ang mga hanay ng mga eleganteng bisita ay nagbubulungan, ang mga mata nila ay nakatutok sa pinto.Dapat sana ay isang grandeng okasyon ito—ang kasal ni Dominic Sterling, ang tagapagmana ng makapangyarihang pamilya Sterling, at ang kanyang piniling asawa. Ngunit walang nakakaakalang mangyayari ang ganito.Nagkalat ang mga boses sa buong silid nang pumasok si Vivienne sa ballroom.Imbes na isang malinis at elegante na wedding gown, suot niya ang isang Lolita dress—mga palahinghabang lace at mga ribbon na may malalambot na pastel na kulay. Ang mga puffed sleeves at detalyadong burda ay nagpapakita na para siyang isang rebelde na manika kaysa isang bride.Ang mga lace stockings na umaabot hanggang tuhod at ang playful na beret na nakatagilid sa kanyang ulo ay nagbigay sa kanya ng hitsura ng isang prinsesa na parang lumabas mula sa isang makulay na fairy tale, hindi mula sa isa

    Last Updated : 2025-03-05
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 3: WAR AT HOME

    The apartment felt as cold as the marble floors beneath Vivienne’s feet. She had stepped into Dominic’s world, at lahat ng aspeto nito ay sumisigaw ng perpeksiyon.Hindi ito tahanan. Hindi sa anumang paraan.Isa itong palabas—palabas ni Dominic.Pagkatapos ng kanilang kasal, lumipat si Vivienne sa penthouse, tulad ng nakasaad sa kontrata.Isang kasal na may kontrata, walang kalakip na emosyon.Ngunit hindi ibig sabihin nito na papayag siyang maging wala lamang sa buhay ni Dominic.Nagising si Vivienne nang maaga, sinubukang magdala ng init sa malamig na apartment sa pamamagitan ng pagluluto. Inihanda niya ang paboritong pagkain ni Dominic, umaasang kahit papaano ay maa-appreciate ito.Ngunit nang dumating si Dominic, hindi man lang siya tumingin sa lamesa.Pagod at walang emosyon siyang dumiretso sa sala, saka inilapag sa mesa ang isang imbitasyon at isang itim na card. “We have a party to attend to. Buy a decent evening gown. Use my card.”Napangiti si Vivienne nang mapait. Typical c

    Last Updated : 2025-03-05
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 4: THE FIRE BETWEEN US

    Nang umalis si Vivienne mula sa penthouse, hindi niya ininda ang lamig ng gabi. Hindi niya rin hinayaang manaig ang bigat ng emosyon sa dibdib niya.Hindi ngayon. Hindi para kay Dominic.Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nag-type ng mensahe para sa kaibigan niyang lagi niyang kasama sa kalokohan, si Polly.Vivienne: "Polly, let's go out. Now."Ilang segundo lang ang lumipas bago nag-reply ang kaibigan niya.Polly: "GURL. KANINA PA KITA HINIHINTAY MAG-REBELDE! WHERE BA?"Vivienne: "Fantasy Bar Club. See you in an hour."Polly: "YASSS, BITCH! Get ready to be the hottest woman in the room!"Napangiti si Vivienne nang mapait at medyo napaisip.Tama si Polly. Ngayong gabi, siya ang magiging pinaka-mapang-akit na babae sa lugar na ‘yon. Hindi siya ang misis na pinapabayaan at hindi pinapansin.Pagdating sa isang high-end boutique, hindi siya nagdalawang-isip. Kinuha niya ang pinaka-sexy at daring na damit sa koleksyon—isang pulang silk slip dress na may high slit at open back.Kasama a

    Last Updated : 2025-03-05
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 5: SHADOWS OF THE PAST

    Vivienne's heart pounded as she gripped the steering wheel. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula kay Jace."Omega...? Jace, anong pinagsasabi mo?" She tried to keep her voice steady, pero ramdam ang kaba sa bawat salita niya."Vie... may atraso ako sa kanila." Jace's voice was weak, guilty. "Hindi ko na kinaya... I tried, but I lost everything. Nasa ICU ako dahil sa kanila. At ang masama, hindi pa tapos ang lahat."Vivienne's grip tightened. "How much this time, Jace?"Tahimik."Jace, how much?!"She heard him swallow hard before whispering, "Five billion."Nanlambot ang buong katawan niya. Hindi siya agad nakapagsalita, tila binuhusan ng malamig na tubig. "Five billion pesos?! Jace, anong ginawa mo?!"Vivienne’s hands trembled as she clutched the steering wheel, her mind still clouded by alcohol and the weight of Jace’s words.“Five billion pesos.”It echoed in her head like a death sentence.Her brother was in the ICU because of another massive debt, one she didn’t even know exis

    Last Updated : 2025-03-05
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 6: DEMAND

    He sighed, as if debating whether to answer or not. "I have my connections.""Connections?" she scoffed. "You knew them. Those men—hindi lang basta-basta may impormasyon ka tungkol sa kanila. You recognized them."Silence.Vivienne's fingers curled into fists. "Putangina, Dominic. Anong tinatago mo?" Her voice was sharp, demanding answers.His expression remained cold, impassive. "You’re too nosy."She exhaled sharply, turning to face him fully. "This isn’t about curiosity. Jace is involved with Omega, and now ako na rin. You shot at them, which means you’ve got something to do with them, too! Tell me the truth, Dominic!"His eyes flicked toward her for a brief second before focusing back on the road. "They owed me something before. Let’s just say, may utang pa silang hindi nababayaran."Her breath hitched. "So, anong ibig sabihin niyan? Kaibigan mo sila?"He let out a low, humorless chuckle. "Friends? No. They don’t have friends. They only have enemies and business partners."Vivienn

    Last Updated : 2025-03-13
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 7: YOU ARE MINE, VIVIENNE

    Ang mga paa ni Vivienne ay parang mabigat habang siya ay umaakyat patungo sa malaking hagdan, nakatingin ang mata sa sahig at iniiwasan ang malamig na tingin ni Dominic sa likod niya. Ang mga iniisip niya ay mabilis, isang bagyong emosyon ang bumabalot sa kanyang puso.Bawat hakbang ay tila isang pagtataksil, isang paalala na wala nang bawian.Pagkarating niya sa kanyang kwarto, pinagbuksan ni Vivienne ng malakas ang pinto, ang tunog nito ay umalingawngaw sa malamig at walang buhay na mga pader.Sinarado niya ang kandado, ngunit ang pakiramdam ng seguridad ay pansamantala lamang. Sumandal siya sa pinto, ang katawan ay nanginginig habang ang bigat ng sitwasyon ay bumabalot sa kanya.Ang hininga niya ay mababaw, at ang kanyang kamay ay dumapo sa kanyang mukha, pinapawi ang mapait na hapdi ng mga luha na nagsimula nang magpatakbo.Pinikit niya ang mata, hiniling na tumigil ang mga luha, ngunit hindi ito tumigil—mabagal at tuloy-tuloy, dumadaloy sa kanyang mga pisngi na para bang ang biga

    Last Updated : 2025-03-13
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 8: SIGNING

    Pagmulat ng mata ni Vivienne, agad siyang sinalubong ng malamig na sikat ng araw na dumadaloy mula sa bintana. Ngunit hindi ang liwanag ang unang sumakit sa kanyang mata, kundi ang papel na nakapatong sa kanyang nightstand. Isang kontrata.Hindi na siya nagulat.Nanginginig ang kamay niya habang dinampot ito. Pilit niyang pinalalim ang paghinga, kinakalma ang sarili bago hinayaang dumaan sa kanyang mata ang bawat linya ng dokumento."Limang bilyong piso kapalit ng iyong pananatili at ang bigyan ako ng anak."Para kay Jace. Para sa kapatid niyang kailangan siya. Paulit-ulit niyang inulit iyon sa isip niya. Ngunit ang mga sumunod na salita sa kontrata ay parang talim na humiwa sa kanyang puso."Walang pagtutol. Walang pagtakas. Walang paglayo. Only 3 warnings."Napapikit siya, pinipigilan ang kirot na gumagapang sa kanyang dibdib. Hindi na siya nagulat, pero iba ang makita ito nang nakasulat. Parang isang bakal na posas na kusa niyang isinusuksok sa kanyang pulso."Kaya mo ‘to, Vivienne

    Last Updated : 2025-03-16

Latest chapter

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 39: SILLY VI

    Pagkatapos ng matagal na pagbabasa ng listahan ng mga dadalo sa party, napabuntong-hininga si Vivienne. Nakatitig siya sa makapal na papel na hawak niya habang si Dominic naman ay abala sa pag-aayos ng mga gamit nila para sa event bukas."Grabe, hindi ko na kaya!" reklamo niya at itinapon ang papel sa tabi. "Andami naman nito! Parang mas mahirap pa ‘to kaysa sa final exam!"Hindi siya pinansin ni Dominic at patuloy lang sa paglalagay ng mga damit sa maletang nakabukas sa kama niya. Tahimik itong nagtupi ng mga pormal na damit, parang walang narinig sa reklamo ni Vivienne.Dahil sa inis at pagkainip, nagdesisyon si Vivienne na abalahin ang ginagawa nito. Dahan-dahan siyang lumapit kay Dominic at mahina itong sinuntok sa braso."Hoy, Dominic," tawag niya, pero wala pa ring reaksyon mula sa lalaki.Ngumiti si Vivienne at muling sinuntok ito, mas mahina pa kaysa kanina. "O, ano? Hindi mo ba ako papansinin?"Wala pa ring sagot.Napangisi siya. "Ah ganun, ha?"Bigla siyang lumapit at kinuro

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 38: THE PEOPLE

    Habang patuloy na kinakain ni Vivienne ang kanyang dessert, napabuntong-hininga siya at muling binalingan ang makapal na papel na ibinigay ni Dominic. Sa dami ng mga pangalang nakalista, tila ba mas gusto niyang lumamon na lang ng cake buong gabi kaysa isa-isahin ang mga ito."Ang dami naman nito! Ano 'to, phonebook?" reklamo niya, tinuturo ang listahan gamit ang tinidor niya.Hindi natinag si Dominic. Kinuha niya ang papel at binuklat ito. "Isa-isahin natin ngayon habang kumakain tayo. Mas mabuting alam mo kung sino ang mga dapat mong lapitan at kung sino ang dapat mong iwasan."Napangiwi si Vivienne. "Wala na ba akong choice?""Wala. Simulan na natin."Napabuntong-hininga si Vivienne at sumandal sa upuan. "Fine. Sino ang una?"Tumingin si Dominic sa papel at binasa ang unang pangalan. "Unang-una, si Mr. William Sterling. Siya ang chairman ng Sterling Group. Mahigpit siya pagdating sa negosyo. Huwag kang basta-basta magsasalita sa harap niya kung hindi ka sigurado."Napataas ang kila

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 37: TAKING THE CARD OR GOING TO THE PARTY

    Habang patuloy na kumakain si Vivienne, biglang lumingon sa kanya si Dominic at nagsalita nang malamig at walang emosyon."Sumama ka sa akin bukas."Napakunot ang noo ni Vivienne at bahagyang tumigil sa pagnguya. "Ha? Saan?""Sa isang party," sagot nito, walang pagbabago sa tono.Dahil sa narinig, biglang nanlaki ang mga mata ni Vivienne. Napatalon siya sa saya at halos matapon ang hawak niyang kutsara. "Party?! Oh my gosh, Dominic! Hindi ko inakalang mahilig ka rin pala sa party! Ano ‘to? Yung tipong may DJ? May ilaw na umiikot? Tapos may free drinks? Grabe, sigurado akong mag-eenjoy tayo n’yan!"Habang masayang-masaya si Vivienne at hindi mapakali sa excitement, nanatili lang na walang emosyon si Dominic at tinignan siya nang diretso. Maya-maya pa, malamig itong nagsalita."Hindi iyon ang party na iniisip mo."Biglang natigilan si Vivienne. "Huh? Anong ibig mong sabihin?"Inayos ni Dominic ang pagkakaupo niya bago ipinaliwanag. "Ito ay isang business party ng pamilya Sterling. Isa i

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 36: UR CUTE WHEN YOU LAUGH

    Habang tahimik na kumakain si Vivienne, pakiramdam niya ay medyo bumibigat na ang kanyang tiyan. Masarap ang luto ni Dominic, kahit na ayaw niyang aminin nang harapan. Isa pa, hindi niya inaasahan na magiging ganito kaayos ang kusina matapos niyang makita itong magluto noong una. Sa pagkakataong ito, malinis ang paligid, at hindi magulo ang countertop.Katatapos niya lang ubusin ang laman ng kanyang plato nang biglang lagyan ulit ito ni Dominic ng mas maraming kare-kare at kanin. Napakunot ang kanyang noo at agad na tinignan ito."Hoy, hindi ko ‘yan hiningi, ah," reklamo niya, tinitigan ito nang masama.Ngunit hindi man lang natinag si Dominic, nanatiling malamig ang ekspresyon. "Alam kong gusto mo pa. Kumain ka na lang. Hindi mo kailangang magpanggap."Natahimik si Vivienne, alam niyang totoo ang sinabi nito. Mahilig siyang kumain, pero madalas niyang itinatago iyon. Hindi niya alam kung paano napansin ni Dominic, pero hindi rin siya ganoon kahirap basahin pagdating sa pagkain. Napal

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 35: IPAD

    Nagising si Vivienne nang maramdaman niyang malamig na ang paligid. Nang dumilat siya, napansin niyang madilim na sa labas. Agad siyang bumangon, bahagyang nag-panic nang makita niyang lubog na ang araw. "Ano ba ‘to? Ang tagal ko palang nakatulog!" Napakamot siya sa ulo habang iniinat ang kanyang katawan, pero napairap rin dahil ramdam pa rin niya ang panghihina.Sa pag-upo niya sa couch, naamoy niya ang malakas na aroma ng kare-kare na nagmumula sa kusina. Napaangat ang kanyang kilay. "Hala, ang bilis naman ni Polly! Nakaluto na agad siya?" Tumayo siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa kusina. "Polly? Ikaw na ba—"Naputol ang kanyang sasabihin nang makita kung sino talaga ang nasa harapan ng kalan.Si Dominic.Nakahawak ito sa isang sandok habang nakatingin sa kanyang phone, tila sinusundan ang isang recipe. Nakasuot ito ng itim na fitted shirt at dark sweatpants, at kahit na simple lang ang itsura, hindi pa rin maitatangging malakas ang dating nito.Napalunok si Vivienne, hin

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 34: I WANTED IT LAST NIGHT

    Matapos nilang kumain at mag-usap, napabuntong-hininga si Vivienne habang nakasandal sa upuan. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng kanyang katawan, para bang naubos lahat ng lakas niya sa simpleng pagkain lang."Bes, halika na. Samahan mo ako sa supermarket, bibili tayo ng groceries," aya ni Vivienne kay Polly habang pilit na tinutukod ang sarili upang tumayo.Ngunit sa kanyang paggalaw, agad niyang naramdaman ang panghihina ng kanyang katawan. Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay parang bumagsak na ang kanyang buong sistema pabalik sa upuan."Aray!" reklamo niya, sabay hawak sa kanyang mga hita. "Polly, hindi ako makatayo…"Napatawa nang malakas si Polly habang nakatitig sa kanya. "Hala ka, bes! Mahina ka talaga! Naku, akala ko pa naman malakas ka! Mukhang may ginawa ka talagang matindi kagabi, ha?""Polly!" sigaw ni Vivienne, pinamulahan ng mukha. "Hindi mo na kailangang sabihin ‘yan, saka baka may makarinig pa sa iyo. At hindi ako mahina!"Ngunit hindi siya makagalaw, at mas la

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 33: NOT HAPPY ABOUT IT

    Habang kumakain sila, hindi pa rin mapigilan ni Polly ang pagngisi habang tinitingnan si Vivienne. Halatang gustong-gusto nitong asarin siya."Bes, seryoso, anong nangyari sa'yo? Bakit hindi ka na active? Hindi ka sumasagot sa chat, hindi ka nagpo-post... para kang nawala sa mundo!" reklamo ni Polly habang tinutusok ang itlog gamit ang tinidor.Napabuntong-hininga si Vivienne. "Wala lang. Ayoko lang gamitin ang phone ko. Gusto ko lang mapag-isa."Kumunot ang noo ni Polly. "Hala, may nangyari ba? Hindi ka naman inaabuso nitong si Dominic, ‘di ba? Kung may ginagawang masama ‘yan, sabihin mo sa’kin! Baka gusto mong pagtripan natin—"Mabilis na umiling si Vivienne. "Ano ka ba! Hindi niya ako inaabuso! Sobrang generous nga niya eh… binigyan pa ako ng black card."Napamulagat si Polly, muntik nang mabitawan ang tinidor. "ANO?! BLACK CARD?! HUY, BES, YUNG TOTOO?!"Natawa si Vivienne sa sobrang exaggerated na reaksyon ng kaibigan. "Oo, totoo. Sabi niya, gamitin ko kung gusto ko.""Tangina, gi

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 32: YES, WE DID

    "Diyos ko, Vivienne! Anong ginawa mo?!" bulong niya sa sarili, sabay hampas sa unan. "Napaka-tanga mo talaga!"Sinubukan niyang igalaw ang kanyang katawan, ngunit kahit bahagyang pagkilos ay nagdulot ng sakit. Nanginig pa ang kanyang mga binti sa tuwing susubukan niyang gumalaw.Habang nasa ganoon siyang posisyon, may narinig siyang ingay mula sa kusina. Kasabay nito, kumalat ang mabangong amoy ng itlog sa kwarto.Napalunok siya. Gutom na gutom na siya."Kailangan kong kumain…" bumulong siya sa sarili.Kahit alam niyang mahirap, sinubukan niyang bumangon ulit. Ngunit tulad ng inaasahan, nang tumayo siya, agad na nanginig ang kanyang mga binti. Bago pa siya makabalik sa kama, nawalan siya ng balanse at muling bumagsak.Isang malakas na tunog ang narinig niya nang tumama ang kanyang tuhod sa sahig.Sa loob lamang ng ilang segundo, bumukas ang pinto at pumasok si Dominic, bakas sa mukha ang pag-aalala. "Ano na nangyari?"Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa o mapahiya sa sitwasyon

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 31: VIRGIN

    Ang unang bagay na naramdaman ni Vivienne nang magising siya ay ang init ng bisig na nakayakap sa kanya. Mabigat at mahigpit, parang ayaw siyang pakawalan.Napasinghap siya at marahang iminulat ang mga mata, agad na bumungad sa kanya ang kabuuan ng isang kwarto na hindi pamilyar—malaki, madilim ang kurtina, at amoy na amoy ang pamilyar na samyo ng lalaking yakap niya.Napatingin siya sa dibdib na nakapatong ang kanyang ulo. Mainit, matigas, at tila hinulma ng panahon. Ang mga bisig na nakapalibot sa kanya ay malalakas, at ang mismong katawan niyang nakapatong sa isang kama na hindi kanya ay nagpaalala sa kanya ng isang katotohanang ikinagulat niya.Nagising siya sa kwarto ni Dominic—hubo’t hubad, nasa bisig nito, at walang alinlangang tinapos ang isang gabing hindi niya kailanman inakalang mangyayari.“Diyos ko…” pabulong niyang sabi habang marahang hinawakan ang kanyang noo. “Anong nagawa ko?”Napapikit siya at pilit inalala ang nangyari. Mga halik, haplos, ungol—lahat bumalik sa kan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status