Share

CHAPTER 8: SIGNING

Penulis: yunays
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-16 19:53:05

Pagmulat ng mata ni Vivienne, agad siyang sinalubong ng malamig na sikat ng araw na dumadaloy mula sa bintana. Ngunit hindi ang liwanag ang unang sumakit sa kanyang mata, kundi ang papel na nakapatong sa kanyang nightstand. Isang kontrata.

Hindi na siya nagulat.

Nanginginig ang kamay niya habang dinampot ito. Pilit niyang pinalalim ang paghinga, kinakalma ang sarili bago hinayaang dumaan sa kanyang mata ang bawat linya ng dokumento.

"Limang bilyong piso kapalit ng iyong pananatili at ang bigyan ako ng anak."

Para kay Jace. Para sa kapatid niyang kailangan siya. Paulit-ulit niyang inulit iyon sa isip niya. Ngunit ang mga sumunod na salita sa kontrata ay parang talim na humiwa sa kanyang puso.

"Walang pagtutol. Walang pagtakas. Walang paglayo. Only 3 warnings."

Napapikit siya, pinipigilan ang kirot na gumagapang sa kanyang dibdib. Hindi na siya nagulat, pero iba ang makita ito nang nakasulat. Parang isang bakal na posas na kusa niyang isinusuksok sa kanyang pulso.

"Kaya mo ‘to, Vivienne
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 9: TOO HOT WHILE COOKING SPAGHETTI

    Pagkatapos ng tawag kay Polly, napabuntong-hininga si Vivienne. Alam niyang hindi niya pwedeng ipagsabi ang lahat ng nangyari, kahit kanino. Lalo na sa kaibigan niyang si Polly, na siguradong gagawa ng paraan para tulungan siya kahit hindi niya naman kayang solusyunan ang sitwasyon.Para maibsan ang bigat sa dibdib, nagpasya siyang magluto. Isa ito sa mga bagay na nagbibigay sa kanya ng aliw, ang nagbibigay sa kanya ng kontrol kahit sa sandaling panahon lang.Kinuha niya ang mga sangkap mula sa ref at inilagay sa countertop."Wala man lang kalaman laman yung ref, para namang hindi tao nakatira rito," bulong niya sa sarili.Ang spaghetti. Isa sa mga paborito niya.Habang pinapakuluan ang tubig para sa pasta, binuksan niya ang cellphone at naghanap ng cooking tutorial sa YouTube. Kahit alam na niya kung paano ito gawin, gusto niyang may napapakinggang iba—parang may kasama siyang nagluluto.Sinimulan niyang igisa ang bawang at sibuyas, ang amoy nito ay unti-unting bumalot sa buong kusin

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-16
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 10: PAPA?

    Habang hawak ang plato ng spaghetti, dumiretso si Vivienne sa sala at umupo sa sofa. Binuksan niya ang TV at naghanap ng magandang palabas. Sa huli, napadpad siya sa isang K-drama na patok ngayon, isang romantic comedy na puno ng kilig moments.Napairap siya habang pinapanood ang eksena kung saan ang bidang lalaki at babae ay dahan-dahang nagkakadevelopan.Napaka-cliché. Ang slow burn, ang stolen glances, ang aksidenteng paghahawak ng kamay—lahat ng ito ay nagpagulong ng kanyang mga mata."Tsk, ano ba naman 'yan. Ang tagal bago umamin, ang tagal bago magkaaminan," reklamo niya bago sumubo ng spaghetti. "Sa totoong buhay, hindi naman ganito kadali ang love story, no? Hindi lahat ng tao may ganitong moments."Nagpatuloy siya sa pagkain habang patuloy ding napapailing sa pinapanood. Ilang oras ang dumaan ngunit hindi na niya napansin na halos pagabi na. Napansin niyang nauubos na ang spaghetti niya at parang may kulang. Bigla niyang naisip na mas masarap manood kung may popcorn.Bumango

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-17
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 11: GUILT

    Habang papasok si Vivienne sa bahay, ang isip niya ay patuloy na naguguluhan dahil sa hindi malilimutang pagtatagpo nila ng kanyang ama. Ang lamig ng gabi ay para bang yumakap sa kanya, isang hindi kanais-nais na balabal.Inaasahan niyang kahit saglit lang ay makikinig ang kanyang ama, pero sa halip ay patuloy pa rin itong umiwas. Ang sakit na dulot ng mga salitang iniwan nito ay parang isang matalim na karayom na tumusok sa kanyang dibdib.Bumangon siya at pumasok sa kusina, nagdesisyon na magpainit ng spaghetti, umaasang makakahanap siya ng kahit kaunting kaaliwan sa pagkain. Habang hinahalo ang sauce ng pasta, hindi pa rin siya makalimot sa kabiguan na nararamdaman.Binanggit ng kanyang ama na hindi siya matutulungan at mas lalo lang siyang nasaktan.Matapos ang ilang minuto, natapos din niyang painitin ang kanyang spaghetti. Kinuha niya ito at bumalik sa sala, saka umupo sa sofa. Pero hindi pa rin nawala ang lungkot sa kanyang puso. Ang pagkaing kanina ay nagbigay saya ay tila wal

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-17
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 12: DON'T RUSH COMING BACK

    Nagmulat ng mata si Vivienne, ramdam ang kirot sa kanyang leeg habang dahan-dahan siyang nagising. Wala na ang mahinang liwanag mula sa telebisyon, at ang tanging liwanag na pumapasok sa sala ay mula sa sinag ng umaga na sumisilip sa mga kurtina.Narinig niya ang huni ng mga ibon sa labas, hudyat ng pagsisimula ng bagong araw.Kinusot niya ang kanyang mata at bumangon, pilit na tinatanggal ang antok. Tahimik ang buong bahay, walang anumang ingay o kilos. Napatingin siya sa paligid, pero walang kahit anong bakas ni Dominic.Parang hindi man lang ito dumaan doon.Napabuntong-hininga siya at nag-inat bago tumayo. Habang papunta siya sa kusina, may napansin siyang nakapatong sa counter. Isang plastic bag na puno ng groceries.Napakunot ang noo niya at lumapit, saka napansin ang isang maliit na sticky note na nakadikit sa pintuan ng refrigerator. Pamilyar ang matulis na sulat-kamay."Groceries. Huwag ka lang mag-iwan ng kalat."Napairap si Vivienne, kinuha ang sticky note at nilamutak ito

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-18
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 13: CLEANING WITH WINE

    Pagkatapos magluto ay agad na naghain si Vivienne sa maliit na mesa. Kinuha niya ang isang plato at tinikman ang kanyang niluto.Masarap, gaya ng inaasahan niya. Kahit pa may inis siyang nadarama kanina dahil sa groceries na binili ni Dominic, hindi pa rin nito napigilan ang kagustuhan niyang kumain ng maayos na pagkain.Habang kumakain, napansin niyang halos wala nang baterya ang kanyang cellphone. Napairap siya sa sarili. "Hindi na naman ako nag-charge bago matulog," bulong niya.Agad niyang kinuha ang charger at sinaksak sa pinakamalapit na saksakan.Habang hinihintay na mapuno ang baterya nito, naisipan niyang buksan ang telebisyon. Lumabas agad sa screen ang isang balita tungkol sa isang malaking sunog sa kabilang bayan. Bahagyang napakunot ang noo niya habang nakikinig sa reporter, pero hindi rin nagtagal ay hindi na niya ito pinansin at itinuloy ang pagkain.Matapos ubusin ang huling subo ng pagkain, tumayo siya at nagligpit ng pinagkainan. Sinimulan niyang linisin ang buong ku

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-18
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 14: RUN, VIVIENNE, RUN

    Nagpatuloy si Dominic sa paglapit kay Vivienne, ang kanyang mga mata ay puno ng inis habang ang tingin niya ay nakatutok sa mga boteng hawak nito. Ang panga niya ay mahigpit na nakakuyom, pilit pinipigilan ang init ng ulo niya habang ang babae naman ay tila walang pakialam."Vivienne, ibalik mo ‘yan," malamig ngunit may halong pagbabanta ang boses niya. Ramdam sa kanyang tono ang mahigpit na pagpipigil sa sarili.Sa halip na sumunod, hinigpitan pa lalo ni Vivienne ang hawak niya sa bote. Napangiti siya ng mapang-asar at nagkibit-balikat. "Bakit? Hindi ka naman umiinom, ‘di ba? Sayang lang kung dito lang ‘to nakatambak. Ako na lang mag-aalaga."Malamig ang titig ni Dominic ngunit hindi siya agad sumagot. Pinisil niya ang tulay ng kanyang ilong, isang malinaw na senyales na sinusubukan niyang habaan ang pasensya niya. Malalim siyang huminga."Hindi mo alam ang pinapasok mo, Vivienne."Napatawa ang babae, halatang tinamaan na ng alak. "Pinapasok? Ano ‘to, isa na namang kontrata? May kond

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-18
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 15: WHO PAID?

    Dahan-dahang tinanggal ni Dominic ang kanyang suot na maruming shirt, ang baho ng suka ay kumalat sa buong bahay at lalong nagpataas ng kanyang inis. Hindi siya makapaniwala sa nangyari.Hindi lang siya napahiya, pero ang pasensya niya ay halos nasa dulo na ng kanyang tali.Pinilig niya ang ulo at lumabas ng kwarto, diretso sa banyo upang linisin ang sarili. Habang hinuhugasan ang katawan, unti-unting bumalik ang eksena sa kanyang isipan—ang mapang-asar na ngiti ni Vivienne, ang walang pakialam niyang tawa, at ang hindi inaasahang paghina nito sa kanyang bisig bago tuluyang mawalan ng malay.Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa babaeng iyon. Sa sobrang dami ng babae na dumaan sa buhay niya, si Vivienne lang ang hindi sumusunod sa kanya. At ngayon, heto siya, pinagtitripan at ginugulo ang kanyang gabi.Pagkatapos niyang linisin ang sarili, naglakad siya pabalik upang hanapin ito. Hindi siya makakapayag na basta na lang ito mawala sa paningin niya matapos an

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-19
  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 16: HARD HEADED VIVIENNE

    Bumaling ang tingin ni Vivienne kay Dominic, nakakunot ang noo."Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong niya, bahagyang paos ang boses mula sa hangover.Walang ekspresyon ang mukha ni Dominic nang sumagot. "Ibig sabihin, wala kang maalala? Wala kang maalala kung paano ka sumuka kung saan-saan kagabi? Kung paano mo ginawang impyerno ang buhay ko buong gabi?"Napakurap si Vivienne. "Anong... impyerno?" bumuntong-hininga siya, pilit inaalala ang sinasabi nito.Mabilis na naglakad si Dominic papunta sa kanya, inilapit ang mukha sa kanya na parang hinahamon siya. "Oo, impyerno, Vivienne. Alam mo bang ilang beses akong naglinis ng suka mo? Ilang beses kong nilabanan ang urge na itapon ka sa labas? At ngayon, gising ka na, wala ka man lang bang pasasalamat?"Namula ang pisngi ni Vivienne. Hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa inis. "Ewan ko sa’yo, Dominic. Sinong may sabi sa’yo na alagaan ako? Hindi ko naman hiningi 'yon."Napairap si Dominic at tumawa nang mapakla. "Kung alam ko lang na ganito ka

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-19

Bab terbaru

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 39: SILLY VI

    Pagkatapos ng matagal na pagbabasa ng listahan ng mga dadalo sa party, napabuntong-hininga si Vivienne. Nakatitig siya sa makapal na papel na hawak niya habang si Dominic naman ay abala sa pag-aayos ng mga gamit nila para sa event bukas."Grabe, hindi ko na kaya!" reklamo niya at itinapon ang papel sa tabi. "Andami naman nito! Parang mas mahirap pa ‘to kaysa sa final exam!"Hindi siya pinansin ni Dominic at patuloy lang sa paglalagay ng mga damit sa maletang nakabukas sa kama niya. Tahimik itong nagtupi ng mga pormal na damit, parang walang narinig sa reklamo ni Vivienne.Dahil sa inis at pagkainip, nagdesisyon si Vivienne na abalahin ang ginagawa nito. Dahan-dahan siyang lumapit kay Dominic at mahina itong sinuntok sa braso."Hoy, Dominic," tawag niya, pero wala pa ring reaksyon mula sa lalaki.Ngumiti si Vivienne at muling sinuntok ito, mas mahina pa kaysa kanina. "O, ano? Hindi mo ba ako papansinin?"Wala pa ring sagot.Napangisi siya. "Ah ganun, ha?"Bigla siyang lumapit at kinuro

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 38: THE PEOPLE

    Habang patuloy na kinakain ni Vivienne ang kanyang dessert, napabuntong-hininga siya at muling binalingan ang makapal na papel na ibinigay ni Dominic. Sa dami ng mga pangalang nakalista, tila ba mas gusto niyang lumamon na lang ng cake buong gabi kaysa isa-isahin ang mga ito."Ang dami naman nito! Ano 'to, phonebook?" reklamo niya, tinuturo ang listahan gamit ang tinidor niya.Hindi natinag si Dominic. Kinuha niya ang papel at binuklat ito. "Isa-isahin natin ngayon habang kumakain tayo. Mas mabuting alam mo kung sino ang mga dapat mong lapitan at kung sino ang dapat mong iwasan."Napangiwi si Vivienne. "Wala na ba akong choice?""Wala. Simulan na natin."Napabuntong-hininga si Vivienne at sumandal sa upuan. "Fine. Sino ang una?"Tumingin si Dominic sa papel at binasa ang unang pangalan. "Unang-una, si Mr. William Sterling. Siya ang chairman ng Sterling Group. Mahigpit siya pagdating sa negosyo. Huwag kang basta-basta magsasalita sa harap niya kung hindi ka sigurado."Napataas ang kila

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 37: TAKING THE CARD OR GOING TO THE PARTY

    Habang patuloy na kumakain si Vivienne, biglang lumingon sa kanya si Dominic at nagsalita nang malamig at walang emosyon."Sumama ka sa akin bukas."Napakunot ang noo ni Vivienne at bahagyang tumigil sa pagnguya. "Ha? Saan?""Sa isang party," sagot nito, walang pagbabago sa tono.Dahil sa narinig, biglang nanlaki ang mga mata ni Vivienne. Napatalon siya sa saya at halos matapon ang hawak niyang kutsara. "Party?! Oh my gosh, Dominic! Hindi ko inakalang mahilig ka rin pala sa party! Ano ‘to? Yung tipong may DJ? May ilaw na umiikot? Tapos may free drinks? Grabe, sigurado akong mag-eenjoy tayo n’yan!"Habang masayang-masaya si Vivienne at hindi mapakali sa excitement, nanatili lang na walang emosyon si Dominic at tinignan siya nang diretso. Maya-maya pa, malamig itong nagsalita."Hindi iyon ang party na iniisip mo."Biglang natigilan si Vivienne. "Huh? Anong ibig mong sabihin?"Inayos ni Dominic ang pagkakaupo niya bago ipinaliwanag. "Ito ay isang business party ng pamilya Sterling. Isa i

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 36: UR CUTE WHEN YOU LAUGH

    Habang tahimik na kumakain si Vivienne, pakiramdam niya ay medyo bumibigat na ang kanyang tiyan. Masarap ang luto ni Dominic, kahit na ayaw niyang aminin nang harapan. Isa pa, hindi niya inaasahan na magiging ganito kaayos ang kusina matapos niyang makita itong magluto noong una. Sa pagkakataong ito, malinis ang paligid, at hindi magulo ang countertop.Katatapos niya lang ubusin ang laman ng kanyang plato nang biglang lagyan ulit ito ni Dominic ng mas maraming kare-kare at kanin. Napakunot ang kanyang noo at agad na tinignan ito."Hoy, hindi ko ‘yan hiningi, ah," reklamo niya, tinitigan ito nang masama.Ngunit hindi man lang natinag si Dominic, nanatiling malamig ang ekspresyon. "Alam kong gusto mo pa. Kumain ka na lang. Hindi mo kailangang magpanggap."Natahimik si Vivienne, alam niyang totoo ang sinabi nito. Mahilig siyang kumain, pero madalas niyang itinatago iyon. Hindi niya alam kung paano napansin ni Dominic, pero hindi rin siya ganoon kahirap basahin pagdating sa pagkain. Napal

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 35: IPAD

    Nagising si Vivienne nang maramdaman niyang malamig na ang paligid. Nang dumilat siya, napansin niyang madilim na sa labas. Agad siyang bumangon, bahagyang nag-panic nang makita niyang lubog na ang araw. "Ano ba ‘to? Ang tagal ko palang nakatulog!" Napakamot siya sa ulo habang iniinat ang kanyang katawan, pero napairap rin dahil ramdam pa rin niya ang panghihina.Sa pag-upo niya sa couch, naamoy niya ang malakas na aroma ng kare-kare na nagmumula sa kusina. Napaangat ang kanyang kilay. "Hala, ang bilis naman ni Polly! Nakaluto na agad siya?" Tumayo siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa kusina. "Polly? Ikaw na ba—"Naputol ang kanyang sasabihin nang makita kung sino talaga ang nasa harapan ng kalan.Si Dominic.Nakahawak ito sa isang sandok habang nakatingin sa kanyang phone, tila sinusundan ang isang recipe. Nakasuot ito ng itim na fitted shirt at dark sweatpants, at kahit na simple lang ang itsura, hindi pa rin maitatangging malakas ang dating nito.Napalunok si Vivienne, hin

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 34: I WANTED IT LAST NIGHT

    Matapos nilang kumain at mag-usap, napabuntong-hininga si Vivienne habang nakasandal sa upuan. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng kanyang katawan, para bang naubos lahat ng lakas niya sa simpleng pagkain lang."Bes, halika na. Samahan mo ako sa supermarket, bibili tayo ng groceries," aya ni Vivienne kay Polly habang pilit na tinutukod ang sarili upang tumayo.Ngunit sa kanyang paggalaw, agad niyang naramdaman ang panghihina ng kanyang katawan. Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay parang bumagsak na ang kanyang buong sistema pabalik sa upuan."Aray!" reklamo niya, sabay hawak sa kanyang mga hita. "Polly, hindi ako makatayo…"Napatawa nang malakas si Polly habang nakatitig sa kanya. "Hala ka, bes! Mahina ka talaga! Naku, akala ko pa naman malakas ka! Mukhang may ginawa ka talagang matindi kagabi, ha?""Polly!" sigaw ni Vivienne, pinamulahan ng mukha. "Hindi mo na kailangang sabihin ‘yan, saka baka may makarinig pa sa iyo. At hindi ako mahina!"Ngunit hindi siya makagalaw, at mas la

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 33: NOT HAPPY ABOUT IT

    Habang kumakain sila, hindi pa rin mapigilan ni Polly ang pagngisi habang tinitingnan si Vivienne. Halatang gustong-gusto nitong asarin siya."Bes, seryoso, anong nangyari sa'yo? Bakit hindi ka na active? Hindi ka sumasagot sa chat, hindi ka nagpo-post... para kang nawala sa mundo!" reklamo ni Polly habang tinutusok ang itlog gamit ang tinidor.Napabuntong-hininga si Vivienne. "Wala lang. Ayoko lang gamitin ang phone ko. Gusto ko lang mapag-isa."Kumunot ang noo ni Polly. "Hala, may nangyari ba? Hindi ka naman inaabuso nitong si Dominic, ‘di ba? Kung may ginagawang masama ‘yan, sabihin mo sa’kin! Baka gusto mong pagtripan natin—"Mabilis na umiling si Vivienne. "Ano ka ba! Hindi niya ako inaabuso! Sobrang generous nga niya eh… binigyan pa ako ng black card."Napamulagat si Polly, muntik nang mabitawan ang tinidor. "ANO?! BLACK CARD?! HUY, BES, YUNG TOTOO?!"Natawa si Vivienne sa sobrang exaggerated na reaksyon ng kaibigan. "Oo, totoo. Sabi niya, gamitin ko kung gusto ko.""Tangina, gi

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 32: YES, WE DID

    "Diyos ko, Vivienne! Anong ginawa mo?!" bulong niya sa sarili, sabay hampas sa unan. "Napaka-tanga mo talaga!"Sinubukan niyang igalaw ang kanyang katawan, ngunit kahit bahagyang pagkilos ay nagdulot ng sakit. Nanginig pa ang kanyang mga binti sa tuwing susubukan niyang gumalaw.Habang nasa ganoon siyang posisyon, may narinig siyang ingay mula sa kusina. Kasabay nito, kumalat ang mabangong amoy ng itlog sa kwarto.Napalunok siya. Gutom na gutom na siya."Kailangan kong kumain…" bumulong siya sa sarili.Kahit alam niyang mahirap, sinubukan niyang bumangon ulit. Ngunit tulad ng inaasahan, nang tumayo siya, agad na nanginig ang kanyang mga binti. Bago pa siya makabalik sa kama, nawalan siya ng balanse at muling bumagsak.Isang malakas na tunog ang narinig niya nang tumama ang kanyang tuhod sa sahig.Sa loob lamang ng ilang segundo, bumukas ang pinto at pumasok si Dominic, bakas sa mukha ang pag-aalala. "Ano na nangyari?"Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa o mapahiya sa sitwasyon

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 31: VIRGIN

    Ang unang bagay na naramdaman ni Vivienne nang magising siya ay ang init ng bisig na nakayakap sa kanya. Mabigat at mahigpit, parang ayaw siyang pakawalan.Napasinghap siya at marahang iminulat ang mga mata, agad na bumungad sa kanya ang kabuuan ng isang kwarto na hindi pamilyar—malaki, madilim ang kurtina, at amoy na amoy ang pamilyar na samyo ng lalaking yakap niya.Napatingin siya sa dibdib na nakapatong ang kanyang ulo. Mainit, matigas, at tila hinulma ng panahon. Ang mga bisig na nakapalibot sa kanya ay malalakas, at ang mismong katawan niyang nakapatong sa isang kama na hindi kanya ay nagpaalala sa kanya ng isang katotohanang ikinagulat niya.Nagising siya sa kwarto ni Dominic—hubo’t hubad, nasa bisig nito, at walang alinlangang tinapos ang isang gabing hindi niya kailanman inakalang mangyayari.“Diyos ko…” pabulong niyang sabi habang marahang hinawakan ang kanyang noo. “Anong nagawa ko?”Napapikit siya at pilit inalala ang nangyari. Mga halik, haplos, ungol—lahat bumalik sa kan

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status