Dahan-dahang tinanggal ni Dominic ang kanyang suot na maruming shirt, ang baho ng suka ay kumalat sa buong bahay at lalong nagpataas ng kanyang inis. Hindi siya makapaniwala sa nangyari.Hindi lang siya napahiya, pero ang pasensya niya ay halos nasa dulo na ng kanyang tali.Pinilig niya ang ulo at lumabas ng kwarto, diretso sa banyo upang linisin ang sarili. Habang hinuhugasan ang katawan, unti-unting bumalik ang eksena sa kanyang isipan—ang mapang-asar na ngiti ni Vivienne, ang walang pakialam niyang tawa, at ang hindi inaasahang paghina nito sa kanyang bisig bago tuluyang mawalan ng malay.Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa babaeng iyon. Sa sobrang dami ng babae na dumaan sa buhay niya, si Vivienne lang ang hindi sumusunod sa kanya. At ngayon, heto siya, pinagtitripan at ginugulo ang kanyang gabi.Pagkatapos niyang linisin ang sarili, naglakad siya pabalik upang hanapin ito. Hindi siya makakapayag na basta na lang ito mawala sa paningin niya matapos an
Bumaling ang tingin ni Vivienne kay Dominic, nakakunot ang noo."Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong niya, bahagyang paos ang boses mula sa hangover.Walang ekspresyon ang mukha ni Dominic nang sumagot. "Ibig sabihin, wala kang maalala? Wala kang maalala kung paano ka sumuka kung saan-saan kagabi? Kung paano mo ginawang impyerno ang buhay ko buong gabi?"Napakurap si Vivienne. "Anong... impyerno?" bumuntong-hininga siya, pilit inaalala ang sinasabi nito.Mabilis na naglakad si Dominic papunta sa kanya, inilapit ang mukha sa kanya na parang hinahamon siya. "Oo, impyerno, Vivienne. Alam mo bang ilang beses akong naglinis ng suka mo? Ilang beses kong nilabanan ang urge na itapon ka sa labas? At ngayon, gising ka na, wala ka man lang bang pasasalamat?"Namula ang pisngi ni Vivienne. Hindi dahil sa hiya, kundi dahil sa inis. "Ewan ko sa’yo, Dominic. Sinong may sabi sa’yo na alagaan ako? Hindi ko naman hiningi 'yon."Napairap si Dominic at tumawa nang mapakla. "Kung alam ko lang na ganito ka
Napatingin si Vivienne kay Dominic nang bigla itong maglabas ng isang itim na card at inilapag iyon sa lamesa."Ano 'yan?" tanong niya, nakataas ang kilay.Walang emosyon ang mukha ni Dominic. "Simula ngayon, ikaw ang magluluto ng almusal at hapunan araw-araw. Gamitin mo 'yan kung kailangan mong bumili ng ingredients o kung may gusto kang bilhin. Pero tandaan mo, dalawang beses ka lang magluluto sa isang araw."Napanganga si Vivienne. "Ano? Gusto mong ako ang maging personal chef mo? Hindi mo ba kaya magluto?"Tumiklop ang mga braso ni Dominic at matigas ang boses nang sumagot. "Hindi ko sinabing hindi ako marunong."Napatawa si Vivienne. "Oh, talaga? Kung gano'n, bakit ako ang uutusan mong magluto?"Hindi sumagot si Dominic. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya, malamig at walang ekspresyon.Ngumisi siya at umiling. "Oh my God. Aminin mo na lang kasi, Dominic. Hindi ka marunong magluto, ano?""Tumigil ka, Vivienne," madiin nitong sabi, halatang naiinis na.Pero imbes na tumigil, l
Maagang nagising si Vivienne kinabukasan. Habang nakahiga pa sa kama, pinag-isipan niya kung ano ang susuotin. Gusto niyang magmukhang presentable pero hindi naman sobrang pormal."Hmm... dapat ba dress? O jeans at blouse?" tanong niya sa sarili habang binubuksan ang aparador.Isa-isang hinila ang ilang damit. "Too formal... too casual... masyadong revealing... ay, ito na lang!" Kinuha niya ang isang cream-colored na dress na hanggang tuhod at itinerno ito sa nude flats.Bago lumabas, humarap siya sa salamin at nag-ayos ng buhok. "Okay, Vivienne, mukha ka namang matinong tao. Hindi ito para kay Dominic, para ito sa sarili mo," bulong niya sa sarili.Bago umalis, naisipan niyang tawagan ang best friend niyang si Polly."Hoy, anong balita? Hindi ka man lang nagpaparamdama sa favourite best friend mo ha," agad na sagot ni Polly."Lalabas ako ngayon, mamimili ng groceries. Ikaw?""Aba, sosyal, nagsho-shopping. Ako? Wala, nakikinig lang sa drama ng sarili kong buhay. Guess what? Nag-messag
Pagdating nila sa harap ng mall, agad na itinigil ni Dominic ang sasakyan. Hindi man lang siya tumingin kay Vivienne habang binibigkas ang kanyang sasabihin."Bumili ka ng kahit anong gusto mo. Hindi ako interesado. Pero huwag mong kalimutan ang groceries," malamig niyang sabi bago inabot sa kanya ang isang papel na may nakasulat na numero.Nag-aalangan si Vivienne nang kunin ito. "Ano 'to?""Numero ng driver namin. Tawagan mo siya kapag tapos ka na. Susunduin ka niya." Walang pagbabago sa ekspresyon ni Dominic, tila isa lang itong pormal na transaksyon.Nanlaki ang mga mata ni Vivienne. Hindi niya inasahan na ganito ang gagawin ni Dominic. Sanay siyang hindi ito nagbibigay ng kahit anong atensyon sa kanya, pero ito? Ibang klase.Sa halip na magtanong pa, tumango na lang siya. "Salamat."Walang sagot si Dominic. Kinuha niya ang kanyang bag at bumaba na ng sasakyan. Napansin niyang hindi ito agad umalis dahil hindi man lang niya narinig na umalis ang sasakyan nito.Nanatili ang kotse s
Tumigil si Vivienne sa isang sulok ng mall, pilit pinapakalma ang sarili. Nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay habang mahigpit na hawak ang mga paper bag. Hindi niya inakalang makikita niya ang kanyang tiyahin dito, at ang kaba sa kanyang dibdib ay hindi pa rin humuhupa.Napatingin siya sa paligid at napansin niyang maraming nakatingin sa kanya. Noon lang niya naalala ang suot niya—isang fitted na sleeveless dress na bumagay sa kanyang katawan. Dati, hindi siya mahilig sa ganitong kasuotan, pero nang makita niya ito kanina sa boutique, naisip niyang subukan.Ngayon, parang gusto niyang isumpa ang sarili sa ginawa niyang iyon at lumabas pa talaga ng bahay."Ano ba ‘tong suot ko..." bulong niya habang agad na hinanap sa paper bag ang jacket na binili niya kanina. Mabilis niya itong sinuot, pilit tinatakpan ang kanyang katawan kahit alam niyang huli na.Naramdaman niyang lalo pang dumami ang mga matang nakatingin sa kanya. Ramdam niya ang ilang bulungan mula sa mga tao sa paligid, at
Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan palayo sa mall. Ramdam pa rin ni Vivienne ang kaba sa kanyang dibdib, pero hindi na kasing bigat kanina. Huminga siya ng malalim, sinusubukang ayusin ang sarili."Ma'am, huwag po kayong mag-alala. Wala akong sasabihin kahit kanino. Kahit kay Sir Dominic," biglang sabi ng driver habang nakatingin sa daan.Napatingin siya rito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala, pero may isang bahagi sa kanya na gustong magtiwala. Mukha naman itong mabait na tao. Matanda na ito, may mapuputing buhok sa gilid at may mga linya ng edad sa kanyang mukha, pero magaan ang dating nito."Salamat po," mahina niyang sagot.Ngumiti ang matanda sa rearview mirror. "Alam niyo po, hindi ko po alam ang pinagdadaanan niyo, pero gusto ko lang makatulong kahit papaano. Sandali lang po, may ibibigay ako sa inyo." Inabot nito ang isang maliit na termos mula sa harapan at iniabot sa kanya."Ano po ito?" tanong niya, bahagyang nagdududa."Tsaa po. Gawa
Pagdating ni Vivienne sa harapan ng bahay, agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at kinuha ang kanyang mga pinamili. Ngumiti siya sa driver bago tuluyang bumaba."Salamat po ulit, Manong. Sa kwento, sa tsaa, sa lahat," aniya habang inaayos ang mga dala.Ngumiti ang matanda. "Walang anuman, Ma’am. Mag-ingat po kayo, ha?"Tumango siya at naglakad papasok. Hindi pa man siya nakakatapak sa loob ng bahay ay naamoy na niya ang isang matapang na halimuyak mula sa kusina. Napakunot ang noo niya.Amoy sunog ba ‘yon?Nagmamadali siyang pumasok at agad na bumungad sa kanya ang isang magulong kusina—mga sangkap na nagkalat sa countertop, harina sa mesa, isang bukas na kahon ng pasta, at higit sa lahat, si Dominic na nakatayo sa harap ng stove, hawak ang cellphone habang halatang litong-lito sa binabasa niya.Napatawa siya. "Diyos ko, anong klaseng trahedya ang nagyari dito?"Napalingon si Dominic sa kanya, halatang gulat ngunit agad na bumalik ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. "Hin
Pagkatapos ng matagal na pagbabasa ng listahan ng mga dadalo sa party, napabuntong-hininga si Vivienne. Nakatitig siya sa makapal na papel na hawak niya habang si Dominic naman ay abala sa pag-aayos ng mga gamit nila para sa event bukas."Grabe, hindi ko na kaya!" reklamo niya at itinapon ang papel sa tabi. "Andami naman nito! Parang mas mahirap pa ‘to kaysa sa final exam!"Hindi siya pinansin ni Dominic at patuloy lang sa paglalagay ng mga damit sa maletang nakabukas sa kama niya. Tahimik itong nagtupi ng mga pormal na damit, parang walang narinig sa reklamo ni Vivienne.Dahil sa inis at pagkainip, nagdesisyon si Vivienne na abalahin ang ginagawa nito. Dahan-dahan siyang lumapit kay Dominic at mahina itong sinuntok sa braso."Hoy, Dominic," tawag niya, pero wala pa ring reaksyon mula sa lalaki.Ngumiti si Vivienne at muling sinuntok ito, mas mahina pa kaysa kanina. "O, ano? Hindi mo ba ako papansinin?"Wala pa ring sagot.Napangisi siya. "Ah ganun, ha?"Bigla siyang lumapit at kinuro
Habang patuloy na kinakain ni Vivienne ang kanyang dessert, napabuntong-hininga siya at muling binalingan ang makapal na papel na ibinigay ni Dominic. Sa dami ng mga pangalang nakalista, tila ba mas gusto niyang lumamon na lang ng cake buong gabi kaysa isa-isahin ang mga ito."Ang dami naman nito! Ano 'to, phonebook?" reklamo niya, tinuturo ang listahan gamit ang tinidor niya.Hindi natinag si Dominic. Kinuha niya ang papel at binuklat ito. "Isa-isahin natin ngayon habang kumakain tayo. Mas mabuting alam mo kung sino ang mga dapat mong lapitan at kung sino ang dapat mong iwasan."Napangiwi si Vivienne. "Wala na ba akong choice?""Wala. Simulan na natin."Napabuntong-hininga si Vivienne at sumandal sa upuan. "Fine. Sino ang una?"Tumingin si Dominic sa papel at binasa ang unang pangalan. "Unang-una, si Mr. William Sterling. Siya ang chairman ng Sterling Group. Mahigpit siya pagdating sa negosyo. Huwag kang basta-basta magsasalita sa harap niya kung hindi ka sigurado."Napataas ang kila
Habang patuloy na kumakain si Vivienne, biglang lumingon sa kanya si Dominic at nagsalita nang malamig at walang emosyon."Sumama ka sa akin bukas."Napakunot ang noo ni Vivienne at bahagyang tumigil sa pagnguya. "Ha? Saan?""Sa isang party," sagot nito, walang pagbabago sa tono.Dahil sa narinig, biglang nanlaki ang mga mata ni Vivienne. Napatalon siya sa saya at halos matapon ang hawak niyang kutsara. "Party?! Oh my gosh, Dominic! Hindi ko inakalang mahilig ka rin pala sa party! Ano ‘to? Yung tipong may DJ? May ilaw na umiikot? Tapos may free drinks? Grabe, sigurado akong mag-eenjoy tayo n’yan!"Habang masayang-masaya si Vivienne at hindi mapakali sa excitement, nanatili lang na walang emosyon si Dominic at tinignan siya nang diretso. Maya-maya pa, malamig itong nagsalita."Hindi iyon ang party na iniisip mo."Biglang natigilan si Vivienne. "Huh? Anong ibig mong sabihin?"Inayos ni Dominic ang pagkakaupo niya bago ipinaliwanag. "Ito ay isang business party ng pamilya Sterling. Isa i
Habang tahimik na kumakain si Vivienne, pakiramdam niya ay medyo bumibigat na ang kanyang tiyan. Masarap ang luto ni Dominic, kahit na ayaw niyang aminin nang harapan. Isa pa, hindi niya inaasahan na magiging ganito kaayos ang kusina matapos niyang makita itong magluto noong una. Sa pagkakataong ito, malinis ang paligid, at hindi magulo ang countertop.Katatapos niya lang ubusin ang laman ng kanyang plato nang biglang lagyan ulit ito ni Dominic ng mas maraming kare-kare at kanin. Napakunot ang kanyang noo at agad na tinignan ito."Hoy, hindi ko ‘yan hiningi, ah," reklamo niya, tinitigan ito nang masama.Ngunit hindi man lang natinag si Dominic, nanatiling malamig ang ekspresyon. "Alam kong gusto mo pa. Kumain ka na lang. Hindi mo kailangang magpanggap."Natahimik si Vivienne, alam niyang totoo ang sinabi nito. Mahilig siyang kumain, pero madalas niyang itinatago iyon. Hindi niya alam kung paano napansin ni Dominic, pero hindi rin siya ganoon kahirap basahin pagdating sa pagkain. Napal
Nagising si Vivienne nang maramdaman niyang malamig na ang paligid. Nang dumilat siya, napansin niyang madilim na sa labas. Agad siyang bumangon, bahagyang nag-panic nang makita niyang lubog na ang araw. "Ano ba ‘to? Ang tagal ko palang nakatulog!" Napakamot siya sa ulo habang iniinat ang kanyang katawan, pero napairap rin dahil ramdam pa rin niya ang panghihina.Sa pag-upo niya sa couch, naamoy niya ang malakas na aroma ng kare-kare na nagmumula sa kusina. Napaangat ang kanyang kilay. "Hala, ang bilis naman ni Polly! Nakaluto na agad siya?" Tumayo siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa kusina. "Polly? Ikaw na ba—"Naputol ang kanyang sasabihin nang makita kung sino talaga ang nasa harapan ng kalan.Si Dominic.Nakahawak ito sa isang sandok habang nakatingin sa kanyang phone, tila sinusundan ang isang recipe. Nakasuot ito ng itim na fitted shirt at dark sweatpants, at kahit na simple lang ang itsura, hindi pa rin maitatangging malakas ang dating nito.Napalunok si Vivienne, hin
Matapos nilang kumain at mag-usap, napabuntong-hininga si Vivienne habang nakasandal sa upuan. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng kanyang katawan, para bang naubos lahat ng lakas niya sa simpleng pagkain lang."Bes, halika na. Samahan mo ako sa supermarket, bibili tayo ng groceries," aya ni Vivienne kay Polly habang pilit na tinutukod ang sarili upang tumayo.Ngunit sa kanyang paggalaw, agad niyang naramdaman ang panghihina ng kanyang katawan. Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay parang bumagsak na ang kanyang buong sistema pabalik sa upuan."Aray!" reklamo niya, sabay hawak sa kanyang mga hita. "Polly, hindi ako makatayo…"Napatawa nang malakas si Polly habang nakatitig sa kanya. "Hala ka, bes! Mahina ka talaga! Naku, akala ko pa naman malakas ka! Mukhang may ginawa ka talagang matindi kagabi, ha?""Polly!" sigaw ni Vivienne, pinamulahan ng mukha. "Hindi mo na kailangang sabihin ‘yan, saka baka may makarinig pa sa iyo. At hindi ako mahina!"Ngunit hindi siya makagalaw, at mas la
Habang kumakain sila, hindi pa rin mapigilan ni Polly ang pagngisi habang tinitingnan si Vivienne. Halatang gustong-gusto nitong asarin siya."Bes, seryoso, anong nangyari sa'yo? Bakit hindi ka na active? Hindi ka sumasagot sa chat, hindi ka nagpo-post... para kang nawala sa mundo!" reklamo ni Polly habang tinutusok ang itlog gamit ang tinidor.Napabuntong-hininga si Vivienne. "Wala lang. Ayoko lang gamitin ang phone ko. Gusto ko lang mapag-isa."Kumunot ang noo ni Polly. "Hala, may nangyari ba? Hindi ka naman inaabuso nitong si Dominic, ‘di ba? Kung may ginagawang masama ‘yan, sabihin mo sa’kin! Baka gusto mong pagtripan natin—"Mabilis na umiling si Vivienne. "Ano ka ba! Hindi niya ako inaabuso! Sobrang generous nga niya eh… binigyan pa ako ng black card."Napamulagat si Polly, muntik nang mabitawan ang tinidor. "ANO?! BLACK CARD?! HUY, BES, YUNG TOTOO?!"Natawa si Vivienne sa sobrang exaggerated na reaksyon ng kaibigan. "Oo, totoo. Sabi niya, gamitin ko kung gusto ko.""Tangina, gi
"Diyos ko, Vivienne! Anong ginawa mo?!" bulong niya sa sarili, sabay hampas sa unan. "Napaka-tanga mo talaga!"Sinubukan niyang igalaw ang kanyang katawan, ngunit kahit bahagyang pagkilos ay nagdulot ng sakit. Nanginig pa ang kanyang mga binti sa tuwing susubukan niyang gumalaw.Habang nasa ganoon siyang posisyon, may narinig siyang ingay mula sa kusina. Kasabay nito, kumalat ang mabangong amoy ng itlog sa kwarto.Napalunok siya. Gutom na gutom na siya."Kailangan kong kumain…" bumulong siya sa sarili.Kahit alam niyang mahirap, sinubukan niyang bumangon ulit. Ngunit tulad ng inaasahan, nang tumayo siya, agad na nanginig ang kanyang mga binti. Bago pa siya makabalik sa kama, nawalan siya ng balanse at muling bumagsak.Isang malakas na tunog ang narinig niya nang tumama ang kanyang tuhod sa sahig.Sa loob lamang ng ilang segundo, bumukas ang pinto at pumasok si Dominic, bakas sa mukha ang pag-aalala. "Ano na nangyari?"Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa o mapahiya sa sitwasyon
Ang unang bagay na naramdaman ni Vivienne nang magising siya ay ang init ng bisig na nakayakap sa kanya. Mabigat at mahigpit, parang ayaw siyang pakawalan.Napasinghap siya at marahang iminulat ang mga mata, agad na bumungad sa kanya ang kabuuan ng isang kwarto na hindi pamilyar—malaki, madilim ang kurtina, at amoy na amoy ang pamilyar na samyo ng lalaking yakap niya.Napatingin siya sa dibdib na nakapatong ang kanyang ulo. Mainit, matigas, at tila hinulma ng panahon. Ang mga bisig na nakapalibot sa kanya ay malalakas, at ang mismong katawan niyang nakapatong sa isang kama na hindi kanya ay nagpaalala sa kanya ng isang katotohanang ikinagulat niya.Nagising siya sa kwarto ni Dominic—hubo’t hubad, nasa bisig nito, at walang alinlangang tinapos ang isang gabing hindi niya kailanman inakalang mangyayari.“Diyos ko…” pabulong niyang sabi habang marahang hinawakan ang kanyang noo. “Anong nagawa ko?”Napapikit siya at pilit inalala ang nangyari. Mga halik, haplos, ungol—lahat bumalik sa kan