SABIK na sabik na hinubaran ni Matt si Natalia habang hinahalikan ang mga labi nito. Napabulalas pa siya nang tumambad sa kanya ang maganda nitong katawan kaya bahagya siyang huminto para titigan ito. “Beautiful,” mahinang sambit niya habang pinagmamasdan ang kagandahang nasa kanyang harapan. Saka parang gutom na gutom na sinupsop ang boobs nito. Dinig niya ang ungol na tumakas ditto dulot ng ginawa niya. Mas lalo naman siyang nag-init sa ginawang iyon ng babae. Binuhat niya ito pahiga saka nagmamadaling naghubad at pumaibabaw rito habang hinahalikan ito sa mga labi pababa sa leeg nito patungo sa boobs nito. Napaliyad si Natalia sa kiliting idinulot niyon ditto. Dumako ang mga labi niya paibaba sa pusod nito habang ang kanyang mga kamay ay gumagapang sa pagitan ng mga hita nito. “Ahh, Matt,” dinig niyang sabi nito nang ipasok niya ang isang daliri sa namamasa nitong bukana. Ginalugad ng isang daliri niya ang loob niyon na waring la
“BAKIT hindi kita magawang kalimutan? God knows how much I tried pero. . .” Napabuntong hininga ng malalim si Timothy. Kitang-kita niya sa mga mata ang paghihirap ng kalooban nito. Ang laki rin ng ipinayat nito. Napansin rin niya ang gusot nitong tshirt at magulo nitong buhok. Malayong-malayo sa dating Timothy na kakilala niya. “Kung maibabalik ko lang ang lahat, hinding-hindi ako padadala sa tukso at di ko papayagang mawala ka sakin,” sabi nito sa mahinang tinig. “Tim, kahit siguro hindi mo ako niloko, mangyayari at mangyayari pa ring iibig ako kay Matt,” matapat na sabi niya rito. Napasuklay ang isang kamay nito sa buhok nito, saka ngumiti nang mapakla, “Mahirap kakompetensya ang isang gaya nya,” malungkot na sabi nito sa kanya, “Ni wala ako sa kalingkingan ng yaman nya.” “At inaakala mong kayamanan lang nya ang nagustuhan ko sa kanya?” Tiningnan siya nito ng matiim, “Hindi nga ba?” Napailing siya, “Hindi mo nga ako lu
PINIRMAHAN NI DEAN ang check saka ibinigay kay Matt. Napapangising dinampot iyon ni Matt habang tinitingnan ang cheque saka napapailing na tiningnan si Dean, “Akala ko’y nagbibiro ka lang ng sabihin mo saking willing kang bayaran ang utang ng pamilya Delgado.” “Mukha ba akong nagbibiro? Nasaiyo na ang kabayaran sa utang nila. Huwag mo na sanang guguluhin pa ang pamilya nila!” May bahid ng authority na sabi ni Dean sa kanya habang seryoso ang mukha. “Tsk, tsk, Dean, look at you! Nakakaawa ka. Nang dahil lamang sa isang babae ay nagpapaka-ulol ka na. Sa palagay mo ba gusto ka talaga ng babaeng iyon? Pera lang ang habol niya saiyo. . .” “Sino ka para panghimasukan ako sa personal kong buhay, Matt? Kung mayroon mang nakakaawa sating dalawa, ikaw iyon. Look at you, nasaiyo na ang lahat. Pero halatang hindi ka naman masaya. Aanhin mo ba ang lahat ng yaman ditto sa mundo kung hindi mo naman kayang bilhin ang kaligayahang hinahanap mo?”
NANGANGATAL SA GALIT si Elena nang ibalita ni Bamboo ang pagdating ni Natalia sa mansion kagabi. Ipinagbabato niya ang lahat ng makita niya sa loob ng kanyang opisina. Kinasusuklaman niya si Natalia. Kung siya nga lamang ang masusunod ay hindi na siya aalis pa sa bahay ni Matt ngunit ito mismo ang nagtaboy sa kanya paalis. Ayaw na niyang tumuntong pa kahit na kalian ang Natalia na iyon sa pamamahay ni Matt. Nagmamadali siyang tumayo at tinawagan ang kanyang driver para magpahatid sa bahay ni Natalia. Once and for all ay gusto na niyang tapusin ang ugnayan ni Natalia kay Matt. Kung pera ang habol nito sa lalaki, magbabayad siya kahit na magkano, lumayo lang ito kay Matt, lumayo lang ito sa buhay nila. Palagay niya ay ito ang balakid kung kaya’t hindi siya magawang mahalin ng binata. Naiinis siya na parang namamalimos siya ng pagmamahal kay Matt. Napakalayo sa kanyang personalidad ang magpakababa ng ganito and yet nagagawa niya sa sobra niyang pagmamahal
INAAPOY NG LAGNAT SI NATALIA at pangalan ni Matt ang binabanggit niya. Napatingin si Mang Oliver kay Girlie, saka napailing, “Hindi ko alam na mahihibang ng ganito ang Ate mo sa lalaking iyon,” hindi makapaniwalang sabi niya saka tumayo. “Pang san kayo pupunta?” Takang tanong ni Girlie. “Kakausapin ko si Matt. Baka magkasakit ng tuluyan ang Ate mo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko at kasalanan ko ang lahat ng ito.” “Anong sasabihin ninyo kay Matt? Na nagkakasakit na si Ate sa sobrang kaiisip sa kanya? Para ano, Papang? Para mas lalo lang kutyain ng lalaking iyon?” Sabi ni Girlie na pinigilan siya, “Wag na Papang. Pasasaan ba at makakalimutan rin ni Ate ang lalaking iyon. Mabuti pa ipagluto nyo na lang siya ng lugaw. Pupunta ako sa palengke at mamimili ako ng mga gulay. Masustansyang pagkain ang kailangan ni Ate at hindi ang lalaking iyon!” Sabi nitong tumayo na para magtungo sa palengke. Napabuntong hininga ng malalim si Mang O
NABITIWAN NI NATALIA ang hawak na walis tambo nang makita si Matt. “A-Anong ginagawa mo ditto sa bahay?” Sita niya rito kahit na nanabik na siya at gustong-gusto na niya itong yakapin. Hindi yata niya ito kayang tikisin. Hinawakan nito ang isang kamay niya, “Come with me. Babayaran kita kahit na magkano,” sabi nitong hinila na siya papasok ng kotse. Pakiramdam niya ay wala siyang lakas ng loob na tutulan ang kagustuhan nito dahil mismong sarili niya ay nanabik na makasama ito. “Ate Nat!” Dinig niyang tawag ni Girlie sa kanya. Natigilan siya. “Huwag mong sabihing magpapauto ka na naman sa lalaking ‘yan?” Asar na sabi nito sa kanya saka nilapitan si Matt at inis na itinulak saka hinila siyang palayo sa lalaki. Nakikiusap ang mukha niya kay Girlie ngunit tiningnan lang siya nito nang matalim saka hinarap na muli si Matt, “Pwede bang layuan mon a ang Ate ko. Wala kaming pakialam sa pera mo. Tantanan mo na si Ate. Hindi siya kagaya ng ibang babae
“ANO BANG IPINAGMAMALAKI NG BABAENG iyon?” Singhal ni Matt nang makailang beses na niyang papuntahan ang kanyang mga tauhan ngunit pilit lang itong tinatanggihan ni Natalia. Ayaw na niyang bumalik pa sa bahay nito. Minsan na rin niya itong pinuntahan peto di naman niya ito naisama. Ayaw na niyang muling mapahiya. Yamot na isinuklay niya ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok. Nangagalaiti siya sa inis kung kaya’t tinawagan niya si Elena at pinapunta sa mansion. Wala pang isang oras ay nanduon na si Elena. Tumayo siya nang pumasok ito sa kanyang kuwarto at siniil ito ng halik sa mga labi nito. Very eager naman si Elena nang tugunin nito ang kanyang yakap at halik. Ngunit maya-maya ay itinulak niya itong palayo sa kanya. Nagtatanong ang mga mata ni Elena habang nakatingin sa kanya. Napayuko siya. Hindi niya ito kayang tingnan. Nahihiya siyang di niya kayang ibigay rito ang gusto nitong mangyari ng mga oras na iyon. Fuck. Ano bang meron sa
“PAGBIGYAN mo ako ng isang gabi lang. Gusto ko lang matiyak kung bakit sa dinami-dami ng babae ditto, bakit ikaw ang hinahanap ko. Pagkatapos nito, hindi na kita guguluhin pa,” sabi ni Matt kay Natalia. Napaisip siya. Sasama ba siya sa lalaking ito? Pagbibigyan na naman ba niya itong saktan siya? Hindi niya kayang tumanggi. God knows kung gaano niya pinanabikan ang sandaling muli itong makasama. “Ate, don’t tell me pagkatapos ng lahat ng hirap na pinagdaanan mo, sasama ka pa rin sa kanya? Maayos ka na at. . .” “Girlie, please. Hayaan mo muna akong magdesisyon,” nakikiusap na sabi niya rito saka tumingin kay Matt, “Sige, pagbibigyan kita. Sasama ako saiyo ngayong gabi. Gusto ko ring magkaroon ng closure ang lahat ng ito sa pagitan natin. Pagbibigyan ko lang rin ang sarili ko. P-pero pagkatapos nito, ipangako natin sa mga sarili natin na titigilan na natin ang isa’t-isa. Pagkatapos ng gabing ito, buburahin na kita sa mga ala-ala ko. . .”