Lumipas pa ang halos isang minuto bago sumagot si Hannah kay Mary. "A-Ah, hindi ah! Bakit mo naman nasabi na nakipag-inuman ako roon?" nauutal na sagot ni Hannah. "E, sige nga. Paano niya nalaman na lasing ka kung hindi ka nakipag-inuman sa kanya, aber?" sabi ni Mary, para bang hinuhuli niya sa salita ang kaibigan. Inis na inis si Hannah dahil matanong talaga na tao si Mary. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sabihin na rito ang totoo. "Nakita niya kasi na umiinom ako, okay? Kaya, alam niya na lasing ako," pagtatanggol ni Hannah sa kanyang sarili. "Ah, iyon ba iyon? Okay. ." Sa reaksyon ni Mary na iyon ay halatang hindi pa siya kuntento sa kung ano ang sinabi sa kanya ni Hannah. Base sa mga tingin niya ay alam niyang meron pa siyang mapipiga sa mga sagot ni Hannah sa kanya. "O, bakit ganyan ka makatingin sa akin? Ano? Hindi ka pa ba satisfied sa sagot ko, ganoon ba?" halatang inis na sagot ni Hannah. "Miss Hannah, naniniwala naman ako sa iyo. Pero, may kakaiba kasi
"Ah, may konting problema lang po sa ilaw pero maaayos din po namin iyan," sagot ni Hannah, nakasunod pa rin kay Mrs. Falcon."Ito namang lalaking ito, bakit naman hindi ka nagsusuot ng safety belt? Hindi ba delikado kapag wala iyon? Aba, dapat ay inuuna niyo lagi ang safety niyo at ng mga tauhan niyo," sabi ni Mrs. Falcon.Dahil siya ang asawa ni Mr. Falcon, ang chairman ng kumpanya ay kita talaga niya ang mga problema ng isang project kung meron man.Sinuot naman talaga ni Simon ang safety belt, pero hinubad niya lang iyon dahil bumaba na siya. Pero dahil sa pagmamadali ay hindi na niya iyon nasuot noong bumalik siya sa itaas para magtrabaho ulit."Tama naman po, hindi dapat i-ignore iyon dahil safety ng tauhan ang nakasalalay," sagot ni hannah pagkatapos ay tumingin siya kay Simon bago nagsalita."Paano ka ba nakapunta dyan nang walang safety belt? Bumaba ka nga dyan, dalian mo," utos ni hannah kaya nagmadali naman si Simon na bumaba.Kung dati ay hirap na hirap si Hannah na kausapi
"Eh, sige na. Wala naman na akong magagawa kung ayaw mo na eh. Dahil buo na ang desisyon mo, hindi na kita pipilitin pa.," sagot ni Mrs. Falcon, dahil sa sinabi noong matanda, kahit paano ay parang nabunutan ng tinik si Hannah sa sinabi niya. Takot na takot kasi si Hannah na baka pilitin siya ni Mrs. Falcon. Yumuko na lang si Hannah para humigop ng mainit na sabaw. Habang ginagawa iyon ni Hannah ay nagsalita ulit si Mrs. Falcon sa kanya. "Alam mo, kung hindi man kayo naging mag-asawa ni Jared ay gusto ko pa rin na makahanap ka ng isang lalaki na maayos. 'yong mamahalin ka nang sobra." Natigilan si Hannah sa kanyang kinakain. Ang higpit din ng hawak niya sa spoon na hawak niya. Sa isip-isip niya ay parang may ibang meaning ang sinabi ni Mrs. Falcon. 'Hindi naman niya siguro ipapakasal sa akin si Aldred, 'di ba?' Ngumiti lang si Mrs. Falcon noon bago tuluyang magsalita. “O, bakit? Aba, hindi naman pwede na hindi ka na magmahal dahil lang hindi ka trinato ng anak ko nang ta
So, anong nangyari noong pumunta ka roon? Naging maayos naman ba?" tanong ni Mrs. Falcon.Dahil sa tanong na iyon ay naisip agad niya si Simon, 'yong garden ng landlady at syempre, 'yong landlady."Marami po ang nabago sa akin," sagot ni Hannah pagkatapos ay ngumiti.Pero, wala namang balak si Hannah na ikwento pa kung ano ang detalye pa ng mga iyon dahil wala namang kinalaman doon si Mrs. Falcon.Isa pa, nahihiya siya dahil baka marinig pa sila ni Simon. Tama na 'yong sagot niya, ang importante naman para sa kanya ay nasagot niya 'yong tanong ni Mrs. Falcon."Totoo naman, halos twenty yeras na rin iyon, ano?" sagot ni Mr. Falcon.Noong dinala kasi siya ng mga magulang niya kina Mr. and Mrs. Falcon ay bata pa siya. Ni hindi na nga niya maalala kung kailan iyon. Basta, sobrang tagal na noon."Sabihin mo na sa amin sa susunod kung saan ka talaga galing ha? Mahirap kasi 'yong nanghuhula kami. hindi kaya kami mapalagay noong mga panahon na iyon. Wala talaga kasi kaming ideya kung nasaan k
Ilang minuto pa ay narinig na ni Hannah kung sino ang kausap ni Simon. Nang marinig niya ang boses na iyon ay gulat na gulat siya."Pero, sinabihan ako ni Mr. Jared Falcon na kami na lang daw ang bahala rito. Problema na raw namin kung sino ang ipapalit namin sa iyo kaya huwag mo nang isipin pa iyon. Sa ngayon, makakaalis ka na," sabi ni Sec. Martinez.Dahil sa sinabi ni Sec. Martinez ay napilitan na si Hannah na itulak ang pinto. Kailangan niyang sumabat sa usapan na iyon dahil alam niyang personal na ang pag-atake ni Jared sa kanila ni Simon. Syempre, hindi naman siya papayag dito."Hindi ako makakapayag," sabi ni Hannah na kinagulat naman ni Sec. Martinez.Nang makita ni Sec. Martinez si Hannah ay naging defensive agad ito sa dalaga."Miss Hannah, utos lang po iyon ni Sir Jared. Sinunod ko lang po, huwag po sana kayong magalit sa akin," hiyang-hiya si Sec. Martinez kay Hannah noon, ni hindi niya nga kayang ngumiti."Kung ano man ang sinabi niya, pakisabi na hindi maganda iyon. Nana
Ang tapang nang pagsasalita ni Jared, para bang gusto na niyang kainin si Hannah noong mga oras na iyon. Pero, hindi naman siya natatakot sa kanyang ex-boyfriend. Mangyari na rin lang na may sasabihin din siya kay Jared kaya pumayag siya na makipag-usap dito.Sumunod agad noon na parang aso si Sec. Martinez pero agad siyang tumigil nang sigawan siya ni Jared."This conversation is none of your business!"Bumalik naman tuloy si Sec. Martinez kung saan siya nakatayo kanina at doon na lang naghintay na matapos ang pag-uusap noong dalawa.Hindi alam ni Hannah kung saan papunta noon si Jared kaya agad niya itong sinabihan. Para matapos na rin ang pag-uusap nilang dalawa."Sir Jared, kung ano man po ang gusto niyong sabihin sa akin ay pwede niyo na pong sabihin ngayon. Huwag na po kayong maglakad kung saan-saan."Hindi pa rin tumigil si Jared noon, naglakad pa rin siya nang naglakad kaya nainis na si Hannah sa kanya."Sir Jared, kung may sasabihin po kayo sa akin ay sabihin niyo na, please?
Dahil sa mga sinabi ni Hannah ay napatigil si Jared. Kita na inis na inis siya dahil sa sinabi ng dalaga. Agad na binitawan ni Jared si Hannah dahil sa inis na kanyang nararamdaman. "Oo, isa lang naman akong siraulo noon eh. tama ka, hinalikan ko siya. Pero nabigla lang ako noon at para sa akin ay walang meaning iyon. Okay?" sagot ni Jared na lalong kinainis ni Hannah."So, ibig sabihin, 'yong pagtatabi niyo sa kama, wala lang iyon?" para bang nang-aasar na tanong ni Hannah."Ano bang pinupunto mo, ha? Ibig sabihin ba na nagtabi kami ni Jane, marumi na akong tao para sa iyo? Ganoon ba iyon? O dahil lang sa hindi ako tumatabi sa iyo kaya ganyan ka mag-isip sa akin? Kung tumabi ba ako sa iyo noon, magbabago ang isip mo?" sagot ni jared na lalong nagpakulo sa dugo ni Hannah.Natawa na lang si Hannah dahil sa sinabi ni Jared sa kanya. Ibig sabihin ba niya ay kung sumiping si Hannah sa kanya ay hindi siya magagalit ng ganun? Inis na inis si Hannah, sa isip-isip niya, ano bang pag-iisip an
Pagkatapos ng pag-uusap nila ay agad na nag-ayos ng sarili si Hannah at bumalik kina Simon at Sir Fritz. Halatang hindi mapalagay si Simon dahil agad siyang lumapit kay Hannah para tanungin kung kamusta ang pag-uusap noong dalawa."Ano? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo lang sa akin, lagot talaga ang lalaking iyon. Nagtitimpi lang ako sa kanya kanina pero inis na inis na ako. Ano, okay ka lang ba?" may pag-aalalang sabi ni Simon kay Hannah.Sa loob-loob ni Hannah ay napangiti na lang siya dahil hindi niya lubos akalain na ganoon ka-concerned si Simon sa kanya. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o ano dahil sa sinabi ng binata."Ano ka ba? Hindi niya ako kayang saktan, 'no. Try niyang subukan, makikita niya ang hinahanap niya. Nag-usap lang kami, personal na bagay. Pero, okay na iyon. Tapos na, ang importante ngayon ay bumalik na tayo sa trabaho kasi may deadline pa tayo. Sir Fritz, halika na," yaya ni Hannah na para bang walang masamang nangyari sa kanya."Sigurado ka ha? Kapag may
Dahil sa sweetness ng mag-ina na nakikita niya ay parang hindi na siya makahinga kaya agad siyang nagpaalam kay Mrs. Falcon. "Mauna na po ako, Tita. Ingat po kayo." "Thanks, iha for your time. Ikaw din, mag-ingat ka," sagot ni Mrs. Falcon pagkatapos ay ngumiti. Aalis na sana siya noon nang biglang tinawag siya ni Jared. "Hannah, wait lang. May gusto sana akong sabihin sa iyo." "Ha? Wala naman na tayong pag-uusapan pa," mahinahong sagot ni Hannah. Sa totoo lang ay ayaw na niyang makausap pa si Jared dahil baka kapag nagkainitan na naman sila ay baka kung ano na naman ang magawa niya rito. Hindi lang sugat sa ulo ang matatamo nito sa kanya, kung hindi higit pa. Syempre, ayaw na niyang umabot pa sa ganoon dahil na-realize niyang walang ikakabuti ang pananakit sa kapwa. "Meron, meron akong sasabihin," sagot ni Jared kaya naman pinisil ng kanyang ina ang tagiliran nito. "Ikaw ha, kung wala ka rin namang sasabihin na maganda, tumigil ka na. Baka kung ano pa ang magawa ko sa
"Magbubukas ng bagong kumpanya ang Tito mo at si Aldred ang gagawin niyang CEO. Gusto mmo ba, roon kita ipasok ng trabaho? Pwede naman. Kakausapin ko na lang sila," nagulat si Hannah nang marinig iyon sa ginang. Alam ni Hannah na hindi naman sinabi iyon ni Mrs. Falcon para tulungan talaga si Aldred sa kumpanya kung hindi para i-match siya sa binata pagkatapos na hindi sila nagkatuluyan ni Jared. Sa isip-isip ni Hannah, talagang gusto ng ginang na ikulong siya sa kanilang pamilya. Dahil sila ang nagpalaki sa kanya, kailangan ay kung hindi nito napakasalan ang panganay ay pakakasalan naman niya ang bunso. "Tita, makinig po kayo sa akin ha? Sige po, isipin niyo po ito. Paano na lang po haharapin nina Jared at Aldred ang isa't isa kunh magiging asawa ko ang isa sa kanila? 'Di ba, parang ang hirap naman po yata noon? Baka mag-away pa sila. Ayaw naman po natin siguro iyon, 'di ba?" sabi ni Hannah. "E, ayaw talaga kitang mawala sa kumpanya, lalo na sa buhay namin. Ayaw ko na iwan m
Sobrang kinagulat naman iyon mi Hannah. Ang buong akala niya ay tapos na ang pakikitungo niya sa mga Falcon pagkatapos ng araw na ito pero hindi pala. Alam niyang todo ang pagrespeto niya kay Mrs. Falcon pero hindi na niya kayang maging isang sunud-sunuran dito na kung ano lang ang gusto ay iyon ang masusunod. "Ano po? Tita, nag-resign na po ako at naghahanap na rin ng bagong trabaho sa ngayon. Actually, may scheduled interview na po ako ngayong araw," pag-amin ni Hannah, laking gulat naman ni Mrs. Falcon sa kanyang narinig. "Ano? Aba, ang bilis naman yata," halatang ayaw niyang pakawalan si Hannah. "Tita, sa totoo po nga niyan ay plano ko na po talagang mag-resign noon pa pong bago namin pirmahan 'yong marriage certificate," sabi ni Hannah, ang mga tingin niya sa ginang ay hindi na siya nakukusensya. "Saka Tita,kung magiging magkatrabaho pa rin kami ni Jared pagkatapos ng lahat ng nangyari ay mahihirapan na po ako noon. Hindi po ako makapagtrabaho nang maayos dahil nakikita
"O, Tita. Hello po," bati ni Hannah pagkatapos ay hinalikan ang matanda sa kanyang pisngi. "Hannah," sagot naman nito pagkatapos ay hinawakan agad ang kamay ni Hannah at may tumulo na luha sa mata ng ginang. Alam ni Hannah sa kanyang sarili na hindi na siya makukuha pa sa paiyak-iyak ng ginang. Agad niyang tiningnan si Aldred at nakuha naman agad nito ang gustong sabihin ng dalaga. Kumuha siya ng tissue sa bag ng kanyang ina pagkatapos ay pinahid na iyon sa mga luha. "Mommy, hindi tayo pumunta rito para umiyak ka nang ganyan. Tinatakot mo si Hannah eh. Kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na agad sa kanya," saway ni Aldred. Nagpunas muli ng mga luha niya si Mrs. Falcon bago magsalita. "Hannah, please. Umuwi tayo sa mansion at doon natin pag-usapan ang problema." Muling tiningnan ni Hannah si Aldred, para bang tinatanong ng dalaga kung bakit ba sila pumunta roon at kung bakit rin umiiyak si Mrs. Falcon sa harap niya. Doon na pinaliwanag ni Aldred sa kanya ang lahat.
"Sir Simon, 'yong fried egg na nasa plato ko? Gusto mo sa iyo na rin?" tanong ni Mary habang nakangiti. "Hindi, busog na ako. Sa iyo na 'yang fried egg sa plato mo," sagot ni Simon, seryoso na naman ang itsura nito habang kumakain. Napalunok na lang ng laway si Hannah nang makita na may tira-tira pa na itlog sa plato ni Simon. Pakiramdam niya ay ayaw naman talaga ng binata na kumain noon. Pero laking pagtataka niya dahil kinain ni Simon ang fried egg niya. Bago pa man siya makapagsalita ay nakita na lang niyang tapos nang kumain ang lalaking nasa harapan niya. "Kumain lang kayo dyan, mauna na ko sa site," paalam nito sa kanila pagkatapos ay tumayo't umalis. Sinundan ng tingin ni Mary si Simon nang ito ay paalis na. At saka siya nagsalita. "Alam mo, may gusto talaga sa iyo si Sir Simon eh. Isipin mo, 'yong fried egg sa plato mo, kinain niya pero noong ibibigay ko na 'yong sa akin, ayaw niya na. Ang weird 'di ba?" may inis sa boses ni Mary pero hindi na lang iyon pinansin ni
Habang kumukuha ng pagkain si Simon ay kinausap nang palihim ni Hannah si Mary. Ayaw kasi niya na pupunta sila sa amusement park nang may unfinished issue pa. "Short na ako sa pera kaya hindi ko susundin ang sinasabi mo. Sabay-sabay na tayong pumunta roon. Ano 'yon, sabay-sabay tayong kumain pero hindi tayo sabay-sabay na papasok sa trabaho? Ang labo mo naman." "Miss Hannah-" hindi na natapos ni Hannah kung ano ang sasabihin niya dahil sumagot agad si Hannah. "Ay, naku. Wala na akong pakialam sa excuses mo, ha? I mean, kung gusto mo siyang masolo ay huwag naman sa ganoong paraan. May trabaho din 'yong tao, respetuhin mo iyon." Dahil seryoso na nga ang boses ni Hannah ay tumahimik na lang si Mary. Dahil medyo rinig ang pag-uusap ng dalawa ay napatingin si Simon sa kanila. Agad na sumenyas si Hannah na wala silang problema para hindi na mag-isip pa ng kung ano si Simon. Nang bumalik ang binata ay nagulat silang dalawa dahil may dala-dala itong ice cream. Mas nagulat sila nang ipaton
Nanlaki ang mga mata ni Hannah nang marinig iyon mula kay Mary. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa sinabi ng katrabaho. "Ah, gusto mo ba ay video-han ko pa para makita mo kung ano talaga ang feeling, ha? Ganoon ba?" inis na sagot ni Hannah.Todo ngiti naman si Mary. Sige ba, gawin mo nga talaga iyon! Tingnan natin kung kaya mo!" Napailing na lang si Hannah dahil seryoso pala talaga si Mary sa gusto niyang mangyari. Ang buong akala kasi niya ay nagloloko lang ito sa kanya.Nang makita niya ang pillow sa tabi niya ay agad niyang tinapon iyon kay Mary. Doon na lang niya binuhos ang asar at inis na nararamdaman."Ouch! Ano ba? Nagtatanong ako nang maayos dito, o! Seryoso nga kasi ako! Anong akala mo? Joke time ko lang 'yong sinabi ko kanina? Hindi 'no!""Mary, kung ako sa iyo ay umayos ka na lang. Huwag ka nang mag-isip nang kung anu-ano," sagot ni Hannah, ang buong akala niya ay tapos na ang pinag-uusapan nila ni Mary.Pero, umayos ito nang upo at saka tinuloy ang pagta
Agad na sinampal ni Hannah ang kanyang sarili nang ma-realize niya na sobra na pala niyang iniisip si Simon. Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone para tingnan kung sino ang mga nag-message sa kanya.Una niyang nabasa ang message ni Liane, habang binabasa niya iyon ay hindi niya napigilang hindi matawa. "Ayun, buhay pa ang demonyo. Gustuhin ko man na mamatay na siya pero doktor ako eh. I should save lives, hindi ruin. Puro dugo nga lang, grabe ang ginawa mo sa kanya, ah? Hayaan mo, iu-update pa kita tungkol sa kanya. Alam ko naman na kahit paano ay nagke-care ka pa rin sa lalaking ito. Talk to you soon."Agad niyang ni-replyan si Liane."Liane naman, ikaw talaga o. Pero, salamat. You don't need to do this though."Ilang minuto pang naghintay sa reply ni Liane si Hannah pero dahil alam niyang busy ito sa ospital ay hindi na niya iyon inabala pa. Ang kasunod naman na nag-message sa kanya ay si Harry. Hindi rin niya naiwasan na matawa sa mga messages nito sa kanya. Patungkol iyon ka
Nang makita niya si Simon sa ganoong position ay natigilan siya. Feeling niya ay isang anghel na natutulog ang kasama niya sa hotel room. Habang tinitingnan niya ang binata ay hindi niya maiwasang hindi mag-isip. Kung si Mary nga ay reklamo nang reklamo na pagod na, paano pa kaya si Simon na panhik nang panhik para lang i-check ang lahat ng ilaw sa amusement park? Hindi naman diyos si Simon para hindi mapagod kaya sigurado si Hannah na pagod din ito kahit na hindi nagsasabi. Hindi niya tuloy maiwasang hindi maawa sa katrabaho. Dahil sa tanong na iyon ay nagulat si Hannah. Kitang-kita rin ang pagkapula ng mga cheeks niya. "Oo, feeling ko kanina parang magkakasakit ka kaya kinumutan kita agad. Pasensya ka na," sabi ni Hannah pagkatapos ay pinilit na nilayo ang kanyang sarili sa binata. Hanggang sa naramdaman niyang lumamig na roon sa kwarto ni Simon. Gawa siguro noong aircon. Idagdag mo pa na mahangin din sa labas dahil naambon. Dahil napansin ni Hannah na naka suot lang ng