"Ah, may konting problema lang po sa ilaw pero maaayos din po namin iyan," sagot ni Hannah, nakasunod pa rin kay Mrs. Falcon."Ito namang lalaking ito, bakit naman hindi ka nagsusuot ng safety belt? Hindi ba delikado kapag wala iyon? Aba, dapat ay inuuna niyo lagi ang safety niyo at ng mga tauhan niyo," sabi ni Mrs. Falcon.Dahil siya ang asawa ni Mr. Falcon, ang chairman ng kumpanya ay kita talaga niya ang mga problema ng isang project kung meron man.Sinuot naman talaga ni Simon ang safety belt, pero hinubad niya lang iyon dahil bumaba na siya. Pero dahil sa pagmamadali ay hindi na niya iyon nasuot noong bumalik siya sa itaas para magtrabaho ulit."Tama naman po, hindi dapat i-ignore iyon dahil safety ng tauhan ang nakasalalay," sagot ni hannah pagkatapos ay tumingin siya kay Simon bago nagsalita."Paano ka ba nakapunta dyan nang walang safety belt? Bumaba ka nga dyan, dalian mo," utos ni hannah kaya nagmadali naman si Simon na bumaba.Kung dati ay hirap na hirap si Hannah na kausap
“Sabihin mo nga ang totoo sa akin, pare. Kamusta kayo ni Hannah? May nangyari na ba sa inyo?” tanong ni Roldan kay Jared, dahilan para hindi tuluyang pumasok si Hannah sa loob ng bahay.Nakita ni Hannah na nakaupo si Jared sa sofa habang kausap si Roldan. Hawak nito ang isang beer. Nag-iinuman pala sila, ni hindi man nagpaalam kay Hannah.“Sinusubukan niya, pero hindi naman ako interesado. Bakit mo natanong?” sagot ni Jared na nagbigay ng sakit sa puso ni Hannah.“Ha? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Si Hannah na ang lumapit sa’yo, hindi mo man lang pinansin? Ang dami kayang nagkakagusto sa kanya,” sagot naman ni Roldan, hindi makapaniwala sa sinagot ni Jared sa kanya.Ang kausap niya ay si Roldan, isa sa mga matalik niyang kaibigan. Isa siya sa mga nakakita kung paano magmahalan sina Jared at Hannah sa lumipas na sampung taon. Hindi lubos maisip ni Hannah na niloloko lang pala siya noong dalawa.“Ayaw ko sa kanya, naiintindihan mo ba ‘yon?” nakasimangot na sagot ni Jared.Labing apat n
Pagbukas ng pinto ay nagulat na lang si Roldan nang makita niya si Hannah. Alam niyang narinig ni Hannah ang lahat pero ngumiti lang siya na para bang walang nangyari.“Hinahanap mo si Jared? Nandito siya,” sabi ni Roldan.“Kanina ka pa ba nandyan? Pasok ka,” sabi ni Jared, pagkatapos ay pinaupo niya si Hannah.Umalis na noon si Roldan. Para bang bumigat ang dala-dalang gamit ni Hannah habang sinasara niya ang pinto. Hindi niya alam kung paano haharapin si Jared pero alam niyang kailangan niya itong gawin.Kahit hindi nakatingin si Jared kay Hannah ay alam nito na may mali kaya agad niya itong tinanong.“Bakit hindi ka yata komportable? May problema ba?”Tahimik lang na naglakad si Hannah papunta sa lamesa ni Jared saka siya nagsalita.“Kung ayaw mo akong pakasalan, pwede akong bumalik sa mga magulang ko.”Dahil sa sinabi ni Hannah ay alam na ni Jared na narinig ni Hannah ang pinag-usapan nila ni Roldan kanina.“Anong nangyari sa’yo? Bakit ganoon?”“Sa mata ng tao, mag-asawa na tayo n
Pero kahit alam na niyang gagawin iyon ni Jared ay umasa pa rin siya na uunahin siya ni Jared. Na bago niya puntahan kung sino man iyon ay iuuwi muna siya sa bahay nito. Masakit para kay Hannah ang katotohanan na iyon.“Ano bang nangyari?” tanong ni Hannah, rinig ang lungkot sa boses niya.Hindi man lang sumagot si Jared sa tanong niya. Ni hindi na nga siya tiningnan nito.“Bumaba ka na at sumakay ng taxi. Malinaw ba iyon?” matapang na sabi ni Jared kay Hannah.Wala nang nagawa si Hannah kung hindi ang bumaba. Alam niya kasi na kapag pinilit niya pa si Jared ay mapapahiya lang siya. Ano pa bang magagawa niya e mukha namang nakapagdesisyon na si Jared?“Tawagan o i-text mo na lang ako kung nakauwi ka na, ha?” pagkasabi ni Jared noon ay handa na agad siyang umalis. Hawak ni Hannah ang kanyang bag pagkatapos ay bumaba na siya ng kotse.Hindi naman sa nangingialam siya kay Jared pero sa pinapakita nito sa kanya ay para talagang may kakaiba. Hindi naman na nagawang magtanong pa ulit ni Han
Hindi makapaniwala si Hannah sa mga sinabi noong bata. Si Jared lang ang lalaking gusto niyang hawakan, hindi ang isang batang lalaking katulad niya. Si Jared nga, hindi niya mahawakan, ‘yong iba pa kaya? Napailing na lang si Hannah sa sobrang inis.Bago pa man siya tanungin ay humindi na agad si Hannah.“Hindi ko siya hinawakan sa kahit anong parte ng katawan niya. Nakasalubong ko lang siya at aksidenteng nasagi pero hindi ko intensyon iyon.”“Lasing ka ba?” tanong noong pulis kay Hannah.Sa mundong ito, kapag ang lalaki ay uminom ay ayos lang para sa iba, pero kapag ang babae na ang uminom ay maling-mali na iyon para sa kanila. Kahit konti pa iyon, basta uminom ang babae ay malaki na itong pagkakamali.“Oo,” tumango si Hannah roon sa pulis.“Gaano karami ba ang nainom mo?” tanong noong pulis kahit wala naman iyong kinalaman sa kung ano man ang nangyayari sa kanila.“Isang bote ng beer,” sagot ni Hannah kahit na inis pa siya roon sa pulis.Alam ni Hannah na hindi siya pinaniniwalaan
Pagkatapos noon ay tumingin na si Jane kay Hannah. Kitang-kita sa mukha niya ang hiya na nararamdaman dahil sa ginawa ng kapatid niya kay Hannah. “Pasensya ka na sa ginawa ng kapatid ko, Hannah. Hindi na talaga mauulit,” sabi ni Jane. Tumingin si Jared kay Erick. “Wala kang pakialam, sa susunod na may gawin ka ulit, wala nang tutulong saýo. Naiintindihan mo ba ýon?”galit na sabi ni Jared. “Sino ka ba? Bakit mo sinasabi ‘to? E kung payag ka na maging bayaw ko, sige. Makikinig ako saýo,”sagot naman ni Erick. “Erick!”sigaw ni Jane.” “Ate, gusto ka niya. Kung hindi, bakit ka niya sasamahan mula araw hanggang gabi para lang bantayan ka?” sabi ni Erick. Dahil sa sinabi ni Erick ay naging malinaw ang lahat para kay Hannah. Kaya pala ilang gabing wala si Jared sa tabi niya ay dahil kasama nito ang babaeng nasa harapan nila ngayon. Kung sabagay, asawa siya ng kapatid ni Jared, kaya kailangan talaga na alagaan siya ni Jared. Pero kailangan ba talagang araw-araw niyang alagaan si Jane kah
Sa isang iglap, naging isang ama si Jared ng isang batang hindi naman sa kanya. Alam naman ni Hannah na papel lang iyon at walang kahit na anong meaning pero hindi niya inakala na mangyayari iyon.Sa awa ng Diyos, okay naman ‘yong baby ni Jane. Naisalba naman ito at bumalik na agad si Jane sa ward. Nakakaawa si Jane dahil namumutla siya at namumula ang mga mata dahil sa kakaiyak niya.“Huwag ka nang mag-alala, ha? Okay na ang baby mo,” paninigurado ni Jared kay Jane.“Natatakot ako, Jared,” sabi ni Jane habang siya ay patuloy na naiyak.Agad na binigyan ng tissue ni Jared si Jane. Tinanggap naman iyon ni Jane at naghawakan pa sila sa kamay. Habang hawak ni Jane ang kamay ni Jared ay doon siya umiyak kaya may luha ang kamay nito. Oo, nakakaawa siya pero mukhang masyado na yata ang pag-aalaga ni Jared sa kanya. Kaya naman, lumapit na si Hannah sa kanilang dalawa.“Jane, ang sabi ng doktor ay bawal daw sa mga
“Mommy, Daddy!” bati ni Jared sa kanyang mga magulang.“Tito, Tita!” bati naman ni Hannah.“O, kumain na ba kayo? Aba, kung hindi pa, meron naman akong tinirang pagkain para sa inyo roon,” sabi ni Emelda, ang nanay ni Jared.“Kumain na ako, ikaw ba? Gutom ka pa?” sagot ni Jared pagkatapos ay tiningnan si Hannah para tanungin ito.“Hindi naman ako gutom,” sagot ni Hannah pero ang totoo ay wala pa talaga siyang kinakain simula kaninang umaga.“Ah, ganoon ba? Sige, dadalhan ka na lang ni Aling Miding ng gatas mamaya. Pwede ka nang magpahinga sa taas,” sabi ni Emelda kay Hannah.“Salamat po, Tita. Hindi naman na po kailangan pero salamat pa rin po,” sagot naman ni Hannah at pumanhik na sa taas.Pag-akyat ni Hannah, hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o ano dahil nag-iba na ang itsura ng kwarto nila. Agad naman siyang napatanong kay Jared noon.
"Ah, may konting problema lang po sa ilaw pero maaayos din po namin iyan," sagot ni Hannah, nakasunod pa rin kay Mrs. Falcon."Ito namang lalaking ito, bakit naman hindi ka nagsusuot ng safety belt? Hindi ba delikado kapag wala iyon? Aba, dapat ay inuuna niyo lagi ang safety niyo at ng mga tauhan niyo," sabi ni Mrs. Falcon.Dahil siya ang asawa ni Mr. Falcon, ang chairman ng kumpanya ay kita talaga niya ang mga problema ng isang project kung meron man.Sinuot naman talaga ni Simon ang safety belt, pero hinubad niya lang iyon dahil bumaba na siya. Pero dahil sa pagmamadali ay hindi na niya iyon nasuot noong bumalik siya sa itaas para magtrabaho ulit."Tama naman po, hindi dapat i-ignore iyon dahil safety ng tauhan ang nakasalalay," sagot ni hannah pagkatapos ay tumingin siya kay Simon bago nagsalita."Paano ka ba nakapunta dyan nang walang safety belt? Bumaba ka nga dyan, dalian mo," utos ni hannah kaya nagmadali naman si Simon na bumaba.Kung dati ay hirap na hirap si Hannah na kausap
Lumipas pa ang halos isang minuto bago sumagot si Hannah kay Mary. "A-Ah, hindi ah! Bakit mo naman nasabi na nakipag-inuman ako roon?" nauutal na sagot ni Hannah. "E, sige nga. Paano niya nalaman na lasing ka kung hindi ka nakipag-inuman sa kanya, aber?" sabi ni Mary, para bang hinuhuli niya sa salita ang kaibigan. Inis na inis si Hannah dahil matanong talaga na tao si Mary. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sabihin na rito ang totoo. "Nakita niya kasi na umiinom ako, okay? Kaya, alam niya na lasing ako," pagtatanggol ni Hannah sa kanyang sarili. "Ah, iyon ba iyon? Okay. ." Sa reaksyon ni Mary na iyon ay halatang hindi pa siya kuntento sa kung ano ang sinabi sa kanya ni Hannah. Base sa mga tingin niya ay alam niyang meron pa siyang mapipiga sa mga sagot ni Hannah sa kanya. "O, bakit ganyan ka makatingin sa akin? Ano? Hindi ka pa ba satisfied sa sagot ko, ganoon ba?" halatang inis na sagot ni Hannah. "Miss Hannah, naniniwala naman ako sa iyo. Pero, may kakaiba kasi
Pagkatapos ng tawag na iyon ay bigla na lang na nag-ring ang cellphone ni Hannah. Nakita niyang si Liane ang tumatawag. Sa isip-isip niya, baka night shift na naman ito kaya gising na gising kahit hatinggabi na.Pumunta sa terrace si Hannah para hindi magising sa boses niya si Mary. Nagulat naman siya nang makita si Simon sa baba ng terrace, naglalakad. Para hindi siya mapansin ni Simon ay tumalikod siya at nakipag-usap na lang kay Liane."Ano na ang balita sa'yong babae ka? Okay ka lang ba? Hindi ka naman hinarass ng lalaking iyon?" pangangamusta ni Liane sa kaibigan."Naku, hindi naman. Alam mo ba, nakita niya ang message mo at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya noon? Naku, buti na lang talaga ay parang wala lang sa kanya 'nong nabasa niya 'yong text mo."Dahil sa sinabi ni hannah ay natawa na lang sa kabilang linya si Liane. Hindi siyas makapaniwala sa kinikwento ni Hannah sa kanya."Hannah, alam mo, mukhang mabuti namang tao 'yan si Simon eh. Bakit kaya hindi mo i-tr
“Alam ko,” sagot ni Simon.Ngumiti si Hannah at biglang nagtagpo ang kanilang mga mata.“Gusto ka din ni Mary,” sambit ni Hannah.Hindi naman gusto ni Hannah na ibunyag ang sikreto ni Mary, pero kasi ay tuwing nagkikita sila ni Simon ay halatang halata sa mukha ni Mary ang pagkagusto nito kay Simon. Sa totoo lang ay dapat noon pa lang ay napansin na niya ito, kahit pa hindi ito nabanggit ni Hannah.“Ikaw ba? Gusto mo ba ako?” direstong tanong ni Simon.Nagulat si Hannah sa tanong ni Simon kaya umiling na lang siya.Tila ba nagulat din si Simon sa sagot ni Hannah pero hindi na niya tinanong kung iyon ang kanyang sagot, pero pinaliwanag naman ni Hannah kung bakit.“Simon, hindi ko gusto sa lalaki na madaming nagkaka gusto sa kanya, kasi ayaw ko na nakikipag kumpitensya sa iba. Gusto ko ay akin lang siya, kahit na hindi siya sing gwapo mo,” paliwanag ni Hannah.“Okay,” sagot ni Simon.“Anong ibig sabihin mo sa okay?” pangiting tanong ni Hannah.“Alam ko naman yon,” sagot ni Simon sa kany
Pero nang makita niya na pagewang-gewang si Hannah ay agad niya itong tinulungan. Sinalo niya si Hannah pagkatapos ay inayos niya ang kanyang bike."Hannah, sige na. Lasing na lasing ka na eh. Tutulungan na kitang makataas doon sa kwarto mo. Ano ba ang room number mo?" may pag-aalalang tanong ni Aldred kay Hannah."Hindi na, okay na ako," agad na tinanggal ni Hannah ang kanyang kamay na hawak noon ni Aldred.Pero kinuha pa rin ni Aldred iyon at hinawakan. "Hannah, ayaw kong maging Kuya mo lang. Gusto kitang alagaan habambuhay. Hindi ba pwede iyon?"Natigilan si Hannah noon, nakatayo lang siya at nagbabadya nang mamaga ng kanyang lalamunan kahit hindi naman ito namamaga kanina."Hannah, alam mo naman na hindi ko gagawin ito kung kayo pa ng kapatid ko, pero ngayon na hiwalay na kayo, siguro naman ay pwede na, hindi ba? Ipaglalaban ko na ito ngayon," mahina ang boses ni Aldred pero para kay Hannah ay sobrang linaw noon. Sobrang bigat din ng mga linyang binibitawan niya na lalong nagpapa
Naalala niyang wala siyang bike kaya roon na lang sa pinakamalapit na bike renting machine na lang sila umarkila ng bike. Sa tingin ni Hannah ay mas exciting iyon kaysa ang mag-taxi sila."Iyon o, may bike naman. Mag-bike na lang tayo, katulad nang dati!" yaya ni Hannah, dahil nakainom ay sobrang kulit niya.Mayroong bicycle renting machine sa di kalayuan kung saan may isa-scan ka lang na QR code at pwede mo nang gamitin 'yong bike ng ilang oras. Isa-scan na sana ni Hannah ang kanyang cellphone pero agad siyang pinigilan ni Aldred."Uy, nakainom ka, ah. Hindi pwede iyan. Sumakay ka na lang dito sa bike ko at ako na ang bahalang maghatid sa iyo. Malinaw ba iyon?"Tumingin lang noon si Hannah kay Aldred pero sa mga tingin niyang iyon ay alam ni Aldred na ayaw magpapigil ni Hannah."Ha? Bakit naman? Iche-check pa ba ng mga tao iyon kung lasing o hindi ang nakasakay dito?" sagot ni Hannah, halata na gusto niya talagang sumakay sa bike."Oo, 'no. May magche-check sa iyo dyan kaya dapat ay m
“Simon, hindi na ako makakasabay sa iyo kumain,” sambit ni Hannah.“Ganoon ba, sige huwag na tayong kumain,” sagot naman ni Simon habang inaabot ang aking kamay.“Hindi, kumain ka na doon, hayaan mo na ako,” paiwas na sagot ni Hannah.Pagkatapos noon ay hindi na pinansin ni Hannah ang reaksyon ni Simon. Agad agad na lang siyang umalis.Pagkatapos umalis ni Hannah ay dumiretso ito sa isang Bar. Halos buong gabi siyang uminoon doon. Sa totoo lang ay hindi naman talaga malakas uminom si Hannah pero sa gabing iyon ay uminom siya hanggang mamanhid na ang katawan at utak niya dahil sa nangyari.“Oh hanggang anong oras ka dito? Meron bang susundo sa iyo?” sambit ni Mister Legaspi.Si Mister Legaspi ang may ari ng bar na iniinuman ni Hannah, pero madalas ang tawag sa kanya ng mga tao doon ay Isidro. Kung titignan ay parang nasa singkwenta anyos na siya. Sa isip ni Hannah ay kung nabubuhay pa ang kanyang ama ay magkasing edad na ang dalawa.“Ngayon na, eto aalis na,” sagot ni Hannah.Ayaw pa
Natawa na lang din si Hannah sa mga sinabi ni Jared sa kanya.“Jared, ikaw? Hindi ka ba takot tawanan ng ibang tao lalo na ngayon na isang balo ang kinakasama mo? Bakit naman ako matatakot sa sasabihin ng iba? Papaalala ko lang sa iyo na kung meron kang makita na mas mabuti sa akin ay ipapalangin ko na maging okay kayo, ang kaso lang ay ang nakita mo ay isang babaeng balo na buntis pa anak ng ibang lalaki,” sabi ni Hannah.Sa mga oras na iyon ay huminti saglit si Hannah at sinabing, “Ah oo nga, ganito mo pinapakita ang pagiging mabait mo at pagiging mapagbigay sa isang tao.”Tila ba nabulunan si Jared nang marinig ang mga sinabi ko, hindi na siya nakapag salita pa. Kaya din nahila na ni Hannah ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Jared at pumunta na ng restroom.Habang nakatayo si Hannah sa harap ng salamin ay nakita niya ang kanyang mukha na para pang pagod na pagod na.Kahit pa kasi wala na sila ni Jared ay nasaktan pa din siya sa mga sinabi nito sakanya. Pero pansin din ni Han
Kung ayaw mag reply ni Liane agad ay dapat hindi na lang siya nag-reply. Bakit pa siya nag-reply kung kailan hawak ni Simon ang phone ni Hannah, at talagang ganoon pa ang sagot ni Liane sa message ni Hannah.Sa sobrang hiya ni Hannah ay hindi na niya magawang tumingala at tingnan si Simon. Bigla namang nagsalita si Simon nang malumanay, “Okay lang naman kung pinag-uusapan niyo ako, walang problema sa akin.”Hindi na nagawa pang magsalita ni Hannah dahil sa hiya niya kay Simon sa mga oras na iyon. Sa isip-isip na ni Hannah ay kung puwede lang niyang ibaon ang sarili niya sa lupa ay gagawin niya iyon, kaso nga lang ay hindi puwede.Alam din ni Hannah na hindi niya puwedeng iwasan ang issue na iyon, dahil kapag lalo siyang umiwas ay lalo naman itong iisipin ni Simon, dagdag pa ay si Simon ang klase ng lalaki na kapag meron siyang sinabi ay gagawin o sasabihin niya ito, maski pa man mag mukha pa siyang bulgar o hindi.Lalo pa at hindi naman kasi tinuturin na iba ni Simon si Hannah.“Totoo