MAAGA pa lang ay nasa airport na kaming tatlo. This is it! Dumating pa rin sa punto na sa Paris pa rin pala ang punta naming tatlo. Lihim na lamang ako nailing sa tadhana na tila nag-enjoy sa laro na tinatawag na hide and seek."Hindi ka ba nagugutom?" tanong sa akin ni Stacey."Hindi naman," sagot ko. Narito kami sa waiting area. Samantalang si Eliza ay busy sa sarili nitong cellphone. "Sino ba ang kinontak mo at tila balisa ka?" tanong ko kay Eliza."Si Gia, kailangan may susundo sa atin sa airport," sagot nito sa akin. "I see," sagot ko rito. Mayamaya ay tumunog ang aking cellphone, si Zeus ang nasa kabilang linya. Nakatitig lang ako sa aking cellphone. Patay! "Oh, ano'ng nangyari sa'yo?" takang-tanong ni Stacey sa akin."Tumatawag si Zeus," ani ko. "What?!" bulalas ni Eliza. "Naku, huwag mong sagutin at baka marinig niya ang ingay ng intercom dito.""Punta na lang ako ng comfort room?" suhestiyon ko pa rito."Hindi nga pwede maririnig pa rin do'n ang ingay ng intercom, for p
(Yna's POV)"WE'RE doomed," ani Eliza. Kunot-noo na nakatitig ako sa maamo nitong mukha. "What do you mean?" kinakabahang tanong ko rito."Nasa Paris na sina Zeus at Ferra," sagot nito."Akala ko ba pinagsabihan mo na ang ilang mga assistant mo kung ano'ng sasabihin kung sakaling dumating sina Zeus?" palatak ni Stacey."Oo, kaya lang nag-aalala pa rin ako," sagot ni Eliza kay Stacey. Nakahinga naman ako ng maluwang. "Kinakabahan ako sa'yo, Eliza," palatak ko. Kasalukuyang sakay kami ngayon ng kulay puting Limousine. Para kunwari galing daw kami sa pag-shopping. So, hindi magdududa si Zeus. Pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan sa ginagawa namin. Hindi madali, sobrang at risk._______________________(Zeus's POV)NAPASIN ko kaagad ang disappointment sa mukha ng aking anak na si Ferra. "Akala ko pa naman narito na si mommy," saad nito sa akin. "Alam mo naman ang mommy mo mahilig mag-shopping. Come here, huwag ka ng magtampo, okay?" "I miss her so much, dad. Sa tingin niyo po ba
(Yna's POV)NANG idilat ko ang aking mga mata, una kong nabungaran ang napaka-gwapong mukha ng aking asawa. Bakas sa anyo nito ang labis na pag-aalala."Mommy, gising ka na ba?" Narinig ko ang malambing na boses ni Ferra."W—where am I?" takang-tanong ko sa nanghihina na boses. Pansin ko ang tila pagod kong katawan. "Hey, huwag ka na munang bumangon," tugon sa akin ni Zeus at inalalayan ako nito. Dama ko ang labis na pag-aalala nito para sa akin. Napatampal ako sa sariling noo nang maalala ang lahat. Ugh! Napahilot ako sa sariling sentido. "N—no," sambit ko. "Yaya, ilabas mo muna si Ferra. Mag-uusap lang kami ng mommy niya. Please...," pakiusap nito."Yes, sir.""Alright, daddy."Hindi ako makatingin ng diretso kay Zeus. Ibig sabihin, alam na nito ang kalagayan ko. Oh, gosh! Napahilamos ako sa sariling mukha. Naririnig ko ang malakas na tibok ng aking puso. This is not right! Ugh!"Now tell me the truth, kay Joshua ba ulit ang batang dinadala mo?" mahinahong tanong nito sa akin.
(Yna's POV)"Ano'ng sabi ni Zeus?!" bulalas na tanong ni Eliza sa akin. "Tinanggap niya ang bata," sagot ko rito. "Really?!" sabay na bulalas ng dalawang sina Eliza at Stacey. "Walangya," sambit ni Stacey. "Hindi ka ba talaga nagbibiro?!" hindi makapaniwalang tanong ulit ni Eliza sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi sabay haplos ng aking tiyan. "Hindi nga, basta iyon na 'yon. Magpasalamat na lang tayo at mabait ang asawa ko," ani ko rito."Bilib na talaga ako sa powers mo, Yna. Grabe ka," palatak ni Stacey. "Yna? Bakit po Yna ang tawag niyo kay mommy?" Awtomatikong napalingon kami sa papasok pa lamang na si Ferra. Lahat kami ay tumahimik. Mabuti na lamang at hindi nito kasama ang ama at ang Yaya nito."Sweetie, nasaan ang daddy at si Yaya mo?" Imbes na sagutin ang tanong nito, tinanong ko ito."Nag-uusap po sila, nasa labas po," maagap na sagot ni Ferra. Nakangiting lumapit ito sa akin sabay yakap at halik sa pisngi. Nakaramdam ng saya ang aking puso sa ginawa nito. Ma
(Yna's POV)"WAKE up sleepy head," nakangiting turan ni Zeus sa akin. Dahan-dahang idinilat ko ang aking mga mata. "Where are we?" tanong ko rito."Inside our private jet. Ilang oras na lang ay mag-landing na tayo," sagot nito sa akin."Where's Ferra?" "Beside you."Sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang makita si Ferra na tahimik na natutulog sa aking tabi. Hinagkan ko ang noo nito. Inayos ang pagkakahiga nito. "Kailangan din kasi nating bumalik agad ng Pilipinas dahil paano na lang ang pag-aaral ni Ferra.""Sweetie, alam mo bang may sinabi sa akin si Tatiana. Regarding sa kakambal mo? May kakambal ka ba?" tanong nito sa akin na tila hindi ko inaasahan. Kunot-noo na napatitig ako sa seryosong mukha ni Zeus. "Wala akong alam na may kakambal pala ako," sagot ko rito. Minabuti ko ang pag-acting. Ramdam ko ang malakas na tibok ng aking puso. What the heck, Tatiana. Sinasabi ko na nga ba at magka-problema ako sa babaeng 'yon. Kailangan kong ibalita agad ito kay Eliza, dahil kung h
(Yna's POV) "NAPAPANSIN kong malamig ang pakikitungo ni Ferra sa'yo, sweetheart?" Kabado agad ako nang marinig iyon mula kay Zeus. "Hindi ko rin alam, Zeus. Kakausapin ko siya," sagot ko rito. "Don't worry, mabait naman ang anak natin. Baka nagtampo lang," saad pa nito. Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga. Saka ko ibinalik ang atensyon sa kinakain kong fresh fruits. "By the way, I have to go. May meeting pa ako," ani Zeus sabay tayo mula sa silya. Lumapit ito sa akin at h******n ang aking mga labi. Nakangiting tinugon ko iyon. Tila parang bula na naglaho ang iniisip na pangamba. Nabitin pa ako nang tumigil ang aking asawa. "I love you," ani Zeus sabay halik sa aking noo. Pumikit ako at dinama ang mainit nitong mga labi na dumadampi sa aking noo. Ang sarap sa pakiramdam. Napayakap ako sa matipuno nitong katawan. Dinama ang init niyo'n. Naramdaman ko ang matipuno nitong mga bisig na yumakap sa maliit kong katawan. "I love you more, sweetheart," sagot ko rito. Saka
(Tatiana's POV)"ANO'NG nais mong pag-usapan natin na importante?" tanong ni Zeus. Sumimsim muna ako sa aking lemonade bago sinagot ang tanong nito. Tumikhim ako. Binuksan ko ang sariling bag at mula roon kinuha ang ilang folders."Ano 'to, Tatiana?""Buksan mo nang malaman mo."Kumunot ang noo ni Zeus nang titigan nito ang envelope na inilapag ko sa harapan nito. Dinampot nito iyon at binuksan. Tumambad sa mismong harapan nito ang ilang mga larawan na kuha ng aking private investigator.Nagulat ako nang makita ang hitsura ni Zeus nang sa wakas ay masilayan nito ang ilang mga larawan. Nagtataka ako nang titigan ang mga larawan. What the! Makikita si SpongeBob at Tom and Jerry. "Ano'ng nangyari?" Bakas sa aking anyo ang pagtataka at sobrang inis. The heck! Niloko ba ako ng private investigator ko?Napansin ko ang pinipigilang tawa ni Zeus. "What are these photo for, Tatiana?" tanong ni Zeus sa akin.Inis na inirapan ko ito. "Hindi ito ang dapat na dala ko," inis kong sagot dito. "Ano
Yna's POV"Doc, how's my little one?" tanong ko sa doktora na tumingin sa akin. Napasulyap ako sa aking assistant na siyang kasama ko na pumunta rito sa hospital. "Don't worry, your baby is fine," nakangiting sagot sa akin ng doktora. Tila para naman akong nabunutan ng tinik sa mga sandaling iyon. "Salamat naman sa Panginoon kung gano'n, doktora.""Always remember, bawal kang ma stressed, Mrs. Mondragon.""Pasensiya na po, may nakaalit kasi ako kanina, naging sanhi para isugod ako sa hospital.""Sweetheart!"Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses ng aking asawa. Agad itong lumapit sa kinahihigaan kong comfy hospital bed."Paano mo nalaman na narito ako?!" Gulat kong tanong dito."Ako po ang tumawag kay sir, ma'am," singit ng aking assistant. Napasulyap ako rito."Are you alright? How's our baby?" Pansin ko ang labis na pag-aalala sa hitsura nito, at sobrang na touch sa reaksyon nito. Ang swerte talaga ni Farrah. Hindi ko tuloy napigilan ang mga luha na kusang tumulo mula sa
Lumipas nga ang ilang buwan hanggang sa dumating ang aking kabuwanan. Kasalukuyang nasa hospital ako ngayon habang nasa tabi ko zi Zeus. "Alam kong kaya mo ito," nakangiting tugon ni Zeus sa akin kahit pa nga sabihing first time kong manganak, expected kasi nito ay second time ko ngayon dahil nga sa pag-aakalang ako si Farrah. Nasa may ulunan ko lang si Zeus habang hawak ang magkabila kong mga kamay. "Like what I've told you before, Mrs. Mondragon gano'n pa rin ang ating gagawin." Narinig kong ani ng doktora. Ibinuka na nga nito ang aking hita kaya lang nahihiya ako at mabilis na isinara ito dahil sa matinding kahihiyan. "Oh, c'mon. At ngayon ka pa ba mahihiya gayong pangalawang beses mo na ito?" Nakangiting turan ni doktora sa akin. "Naninibago pa rin po kasi ako doktora," sagot ko rito. Abut-abot ang kaba ko, paano kung may mapansin ito sa akin? Sigurado akong lagot na talaga ako at siguradong mabubuking ako ni Zeus. "You must be kidding, Mrs. Mondragon." Napangiwi a
"Mukhang desperada si Tatiana na alamin ang katotohanan," ani ko. "Halata naman, impakta kasi 'yon at malaki ang gusto sa asawa mo," palatak ni Stacey. "Kaya ikaw careful ka sa mga kilos at pananalita mo dahil sobrang obvious kang si Yna at hindi si Farrah." "Aminado naman ako, kaya nga plano kong panoorin ulit ang mga videos ng kapatid ko." "Magkaibang-magkaiba talaga kayo dahil hindi ikaw si Farrah but you are, Yna. Alam kong mahirap para sa'yo ito, pero kung hindi mo na kaya we can talk about it, Yna." Kumunot ang noo ko sa narinig mula kay Eliza. "Okay ka lang, Eliza?" Biglang binundol ng matinding kaba ang aking puso. "I'm fine, I just feel like... n—nakonsensya lang ako sa plano kong ito. Ang nais ko lang naman ay mabigyan ng kompletong pamilya ang inaanak kong si Ferra kaya naging pabor sa kaisa-isang hiling ng kapatid mo." Hanggang sa tuluyang lumuha ang mga mata ni Eliza ng sabihin ang mga katagang iyon. Niyakap naman agad ito ni Stacey na siyang mas malapit dito.
Makalipas ang ilang minuto ay natuyo na rin ang basa kong buhok. Tinungo ko ang walk in closet at nagbihis ng pampatulog. Lahat ng damit ni Farrah ay kaysa sa akin. Kung dati ay pangarap ko lang na makapagsuot ng mga mamahaling damit, ngayon ay heto na at ibinigay sa akin ang pagkakataon. Sa buong-buhay ko ang magpanggap bilang aking kapatid ay isang mahirap na bagay na may halong guilt na sa tingin ko ay babaunin ko hanggang sa hukay. Napasulyap ako sa kinaroroonan ni Zeus, naawa ako rito dahil sa malaking kasinungalingang nagawa ko. Napahaplos ako sa aking tiyan, ilang buwan na lang at manganganak na ako. Ang bilis ng buwan at heto ako kinakabahan sa paglabas ng aking munting anghel. Mayamaya ay napailing, sa dami ba naman ng iniisip ko ngayon ko lang naalalang, ang alam pala nito ay anak namin ni Joshua ang batang dinadala ko. Kung alam lang sana nitong patay na ang tunay nitong minamahal na si Farrah. Kumusta na kaya si Joshua na siyang ama at ang tunay na minamahal
Isang malakas na ungol ang pinakawalan ko ng maramdaman ang matigas na bagay na ngayo'y naglabas-masok sa aking pagkabábáé. Nakakapanghina ang bawat ulos ni Zeus, nakakadarang at nakakabaliw lalo na nang marinig ko ang bawat echo ng aming mga halinghing sa looban ng banyong kinaroroonan namin ngayon. Binuhat ako ni Zeus at mabilis ko namang ipinulupot ang magkabilang hita sa bewang nito na naging dahilan para mas lalo pang dumiin ang pagkalapat ng aming mga kasarian. Patuloy na ina-angkin nito ang aking mga labi at mahigpit na napayakap lang ako sa leeg nito. Naglalagablab sa sobrang init ang aming mga katawan na wari bang walang makakapigil sa mainit naming matinding pagniniig. Damang-dama ko ang panunuyo ng aking lalamunan sa init na nanalaytay sa buo kong katawan. Mahirap pigilan ang pagnanasang binuhay ng matinding init na hindi ko alam kung paano ipaliwanag. Bawat haplos ni Zeus sa aking katawan ay may dalang matinding init at sarap. Bawat ungol ay nakakagana sa ba
NAUPO kami sa couch nina Stacey at Eliza. Alam kong pagod ang dalawa kaya ako man ay nagpahinga na rin saglit. Dinampot ko ang remote ng flat screen TV at binuksan ito. Tumambad sa amin ang isang romance movie. Kapwa kami natawa na tatlo. "Grabe ka, Farrah, ha?" "O, bakit?" nakangiting sagot ko kay Stacey. "Nananadya ka yata, e," segunda naman ni Eliza. "Bakit nga?" takang-tanong ko sa dalawa. "Siyempre, puro kami single tapos pinanood natin romance movie," naiiling na sagot ni Eliza sa akin. "I see, kaya pala kung makapag-react kayo ay tila wagas, mag-jowa na kasi kayong dalawa. Marami naman kayong manliligaw pero ni isa wala man lang pumasa sa taste niyo. Naku, baka tumandang dalaga kayo niya'n!" "Sadyang hindi ko pa natagpuan ang lalaking magpapatibok sa puso ko, Farrah." Nailing na lamang ako sa narinig mula kay Eliza. Mabuti na lamang at hindi nakakalimutan ng mga ito na ako si Farrah sa mansion, at kung kaming tatlo lang ay hindi talaga maiiwasan na Yna ang i-t
Yna POV "Kailangan na nating umalis, Yna." Malungkot na napalingon ako sa kaibigang si Eliza. Alam kong naramdaman din nito ang matinding kalungkutan na aking nadarama. "Ate Yna, salamat at ni minsan nagawa mo kaming bisitahin dito." "Hindi ko rin inaasahan na makabalik dito, Erika." Hindi ko napigilan ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at inihanda na pala ng kapatid ko ang lahat. Ilang araw na lamang ay pupunta na rito sina Tatiana kasama ang mga taong inupahan nito para sa ilang imbestigasyon, at siguradong hindi titigil ang babaeng iyon hangga't hindi nito nalalaman ang katotohanan. "Let's go, Yna." Napasulyap ako kay Eliza. Tumango ako rito at tuluyan na naming nilisan ang naturang lugar. "Dalian niyo na bago pa tayo maabutan nina Tatiana," ani Stacey. "Stacey naman, alam mo namang buntis itong si Yna. Kaloka ka talagang babae ka," palatak ni Eliza kay Stacey. Napangiti na lamang ako sa dalawa. "Okay lang," nakangiting saad
Yna's POVSa wakas ay narating namin ang lugar kung saan ako lumaki. Muli, hindi ko napigilan ang pagtulo nang aking mga luha ng maalala ko si inay na siyang nagpalaki sa akin. Pero, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at linis ng naturang lugar. Dati kasi ang dumi rito. Namangha rin ako sa tila dating mga pangit na kabahayan, ngayon ay halos magkapareho na ang hitsura. Parang naging villa ang lugar na kinalakhan ko."Pasensiya ka na kung naalala mo ang inay mo sa lugar na ito," alo sa akin ni Eliza. Inabot nito sa akin ang panyo. Tinanggap ko naman agad iyon. "Salamat. Bigla kong namiss si inay.""Si Ate Yna ba 'yon!" "Parang hindi, e. Kamukha lang yata, hindi naman iyon elegante si Ate Yna. Hindi tulad ng babaeng 'yan."Ang ilan sa mga narinig ko mula sa mga bata na dati ay binibigyan ko ng kendi. Pero ngayon, halatang mga dalaga na kung titingnan."Yna, pakiusap 'wag kang magpakilala bilang si Yna. Si Farrah ka ngayon sa kanilang paningin. Ipalabas natin sa mga ito na patay ka
Yna's POV"Bakit kailangan pang dalhin mo si Ferra?" bulong ni Eliza sa akin. "Dahil iyon ang nais ko, Eliza. Hindi ko ba pwedeng dalhin ang anak ko?""Pero isang malupit na sekreto ang pupuntahan natin, Yna.""Alam na ni Ferra ang totoo na hindi ako si Farrah. Baka nakalimutan mo?" "What?!""Yes, sinabi ko sa kanya. Alam na rin niya kung saan inilibing ang kanyang ina. Hindi ko ba nasabi sa inyo iyan ni Stacey?" takang-tanong ko rito."What the heck, Yna! Hindi, ngayon ko lang 'yan alam."Napaisip ako. Hindi ko pa pala nasabi kina Stacey at Eliza ang tungkol sa pagka-alam ni Ferra sa tunay na nangyari sa ina nito? Napasulyap ako kay Ferra sa front seat na ngayo'y nakatulog na sa kasalukuyang biyahe. Habang pasulyap-sulyap naman si Stacey sa amin ni Eliza, nasa back seat kasi kami nakaupo."Kanina pa kayo nagbulung-bulungan diyan, ano bang pinag-uusapan niyo? Care to share?" tanong ni Stacey sa amin."Tulog na ba si Ferra?" tanong ni Eliza kay Stacey. "Kanina pa ito tulog.""Ito k
Yna's POV"Hindi na lang muna ako maghahatid sa'yo ng lunch mamaya. Here, baon mo 'yan."Ngumiti sa akin nang pagkatamis-tamis ang aking asawa. "May I know kung saan kayo pupunta nina Eliza at Stacey?" tanong nito sa akin na siyang hindi ko inaasahan."Well, ang alam ko ay gusto lang nila akong isama sa isang lugar. At balak ko rin sanang isama si Ferra." Napansin ko ang kakaibang ningning sa mga mata ni Zeus. "Are you sure?""Oo naman," maagap kong sagot dito."Isasama mo si Ferra for the first time sa lakad niyong magkakaibigan?" "Hindi ba pwedeng isama ko ang anak ko, Mr. Mondragon?""I mean, naninibago lang ako. Dati kasi, hindi ka gano'n. Pero natutuwa ako at totoong nagbago ka na nga," nakangiting saad nito sa akin. Ngumiti ako rito at niyakap ito. Gano'n din ito sa akin. Yeah, kailangan kong isama si Ferra. Hindi ako kampante kapag kasama nito si Tatiana. Baka kasi pumasyal si Tatiana at maisip nitong sapilitang kausapin ang anak ko. Hindi maaari! Mukhang kailangan kong pag