AGAD na nagpaalam ako kay Zeus. Mabuti na lamang at naintindihan agad ako nito. Ramdam ko ang matinding guilt na nararamdaman."Ma'am, nakakatakot po kapag may nakakakita sa inyo at bigla kayong i-report sa asawa niyo," saad ni manong sa akin. "Salamat sa concern, manong. Sana naman po walang makakita sa akin. Lagot po ako sa asawa ko 'pag nagkataon," saad ko rito. Napansin kong huminto ang sasakyan. Nasa pier na pala kami papuntang Bohol. Maagap na isinuot ko ang aking shade at sombrero. Tinawagan ko si Eliza. Mabuti na lamang at maagap na sinagot nito ang aking tawag. Matagal bago sinagot nito ang tawag."Salamat, Manong," saad ko kay Manong at umibis na ako mula sa kotse."Mag-iingat po kayo, ma'am. Walang-anuman po."Ngumiti ako rito sabay tango saka hinintay ang pagsagot ni Eliza sa kabilang linya. Nang sa wakas ay sinagot nito ang aking tawag. "Nasaan na kayo?" tanong ko kay Eliza."Kami na ang lalapit sa'yo. Tulad mo ay naka-disguise rin kami ni Cheska. Honestly, kinakabahan
"ANO'NG problema?" tanong ni Eliza sa akin. "Tumawag sa akin si Zeus kanina. And he told me na may surprise raw silang inihanda para sa akin. At nagdududa ako na baka plano nila akong puntahan sa Paris!" ani ko rito na puno ng balisa ang boses. "Oh, gosh!" si Cheska. Napatakip si Eliza sa sarili nitong bibig nang marinig ang sinabi ko. Tila hindi ito makapaniwala. "I guess, kailangan na nating bumiyahe patungong Paris.""Wala tayong choice, Eliza. Mukhang kailangan na nating gawin ngayon din. Pagdating natin ng Bohol, kailangang makabili agad tayo ng plain ticket patungong Paris," suhestiyon ni Cheska.Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga. "Paano kung sa pagdating nila malaki na ang tiyan ko?" "Hindi 'yan mangyayari. Gagawa tayo ng paraan," maagap na sagot ni Eliza. "By the way, ano'ng gagawin mo pagkapanganak mo?" tanong ni Cheska sa akin."Hindi ko pa alam, pero hindi ko pwedeng iwan ang aking anak," sagot ko sa nag-aalalang boses. "Kaya kailangan nating mag-plano ng
"ANO raw sabi?" tanong ni Cheska kay Eliza. Nakatitig lang ako sa mukha ng dalawa kong kaibigan. "Next week daw ang flight natin. 10AM flight papunta sa Paris." Sa wakas ay sagot ni Eliza. Muntik ko ng batukan ito dahil halatang binitin pa ang sinasabi. "Joke lang, ha? Ikaw naman kasi, masyado kang stress. Isa pa, bawal sa buntis ang ma-stress," nakangiting tugon ni Eliza sa akin. Alam kong pinipilit lang ako ng mga ito na maging kalmado. Kahit ang totoo, todo ang kaba at pangamba ko. Next week din kasi ang sinabi ng aking asawa na schedule yata ng mga ito papuntang Paris. Iyon ang siyang nagpaligalig sa akin."Pwede ba kumalma ka," puna sa akin ni Eliza. "Paano ako kakalma kung panay ligalig ang nadarama ko?" nakanguso kong sagot dito."Alam niyo 'yon? Para tayong naglalaro ng habulan at taguan?" nakangiting saad ni Cheska. "Ang mabuti pa, maghanda na lang tayo para sa flight natin next week," sagot na lamang ni Eliza."Hey, hindi mo ba nakaligtaan ang ilang vitamins mo?" tanon
NARITO ako ngayon sa may balcony, kaharap ang malinaw na dagat habang masuyong hinaplos ang hindi ko kalalakihan na tiyan."Here, fresh fruits for you and your breakfast," nakangiting ani Cheska sa akin. "Thank you," sagot ko rito. Saka ako nagpakawala ng isang marahas na hininga. "Namiss mo na naman ang mag-ama?" "Always, by the way, nasaan nga pala si Eliza?" tanong ko rito."May kausap sa cellphone, mukhang importante rin. T'saka, nauna na kaming kumain sa'yo ng breakfast, tagal mo naman kasing gumising.""Okay lang," sagot ko at hinarap ang pagkain. "Nasaan mo nga pala inilagaya ang ilang vitamins mo at nang maihanda ko na rin," ani pa nito.Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Ano ka ba, ako na. Hindi naman ako lumpo para hindi makatayo," nakangiting saad ko rito."Siyempre, love kita, no?" palatak nito."Si Farrah lang naman ang love niyo hindi ako," kunway nagtatampo ako rito. Ngunit, nagulat ako nang pabirong hampasin ako nito."Kayong dalawa, siyempre! Ikaw ha, 'wag kan
MAAGA pa lang ay nasa airport na kaming tatlo. This is it! Dumating pa rin sa punto na sa Paris pa rin pala ang punta naming tatlo. Lihim na lamang ako nailing sa tadhana na tila nag-enjoy sa laro na tinatawag na hide and seek."Hindi ka ba nagugutom?" tanong sa akin ni Stacey."Hindi naman," sagot ko. Narito kami sa waiting area. Samantalang si Eliza ay busy sa sarili nitong cellphone. "Sino ba ang kinontak mo at tila balisa ka?" tanong ko kay Eliza."Si Gia, kailangan may susundo sa atin sa airport," sagot nito sa akin. "I see," sagot ko rito. Mayamaya ay tumunog ang aking cellphone, si Zeus ang nasa kabilang linya. Nakatitig lang ako sa aking cellphone. Patay! "Oh, ano'ng nangyari sa'yo?" takang-tanong ni Stacey sa akin."Tumatawag si Zeus," ani ko. "What?!" bulalas ni Eliza. "Naku, huwag mong sagutin at baka marinig niya ang ingay ng intercom dito.""Punta na lang ako ng comfort room?" suhestiyon ko pa rito."Hindi nga pwede maririnig pa rin do'n ang ingay ng intercom, for p
(Yna's POV)"WE'RE doomed," ani Eliza. Kunot-noo na nakatitig ako sa maamo nitong mukha. "What do you mean?" kinakabahang tanong ko rito."Nasa Paris na sina Zeus at Ferra," sagot nito."Akala ko ba pinagsabihan mo na ang ilang mga assistant mo kung ano'ng sasabihin kung sakaling dumating sina Zeus?" palatak ni Stacey."Oo, kaya lang nag-aalala pa rin ako," sagot ni Eliza kay Stacey. Nakahinga naman ako ng maluwang. "Kinakabahan ako sa'yo, Eliza," palatak ko. Kasalukuyang sakay kami ngayon ng kulay puting Limousine. Para kunwari galing daw kami sa pag-shopping. So, hindi magdududa si Zeus. Pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan sa ginagawa namin. Hindi madali, sobrang at risk._______________________(Zeus's POV)NAPASIN ko kaagad ang disappointment sa mukha ng aking anak na si Ferra. "Akala ko pa naman narito na si mommy," saad nito sa akin. "Alam mo naman ang mommy mo mahilig mag-shopping. Come here, huwag ka ng magtampo, okay?" "I miss her so much, dad. Sa tingin niyo po ba
(Yna's POV)NANG idilat ko ang aking mga mata, una kong nabungaran ang napaka-gwapong mukha ng aking asawa. Bakas sa anyo nito ang labis na pag-aalala."Mommy, gising ka na ba?" Narinig ko ang malambing na boses ni Ferra."W—where am I?" takang-tanong ko sa nanghihina na boses. Pansin ko ang tila pagod kong katawan. "Hey, huwag ka na munang bumangon," tugon sa akin ni Zeus at inalalayan ako nito. Dama ko ang labis na pag-aalala nito para sa akin. Napatampal ako sa sariling noo nang maalala ang lahat. Ugh! Napahilot ako sa sariling sentido. "N—no," sambit ko. "Yaya, ilabas mo muna si Ferra. Mag-uusap lang kami ng mommy niya. Please...," pakiusap nito."Yes, sir.""Alright, daddy."Hindi ako makatingin ng diretso kay Zeus. Ibig sabihin, alam na nito ang kalagayan ko. Oh, gosh! Napahilamos ako sa sariling mukha. Naririnig ko ang malakas na tibok ng aking puso. This is not right! Ugh!"Now tell me the truth, kay Joshua ba ulit ang batang dinadala mo?" mahinahong tanong nito sa akin.
(Yna's POV)"Ano'ng sabi ni Zeus?!" bulalas na tanong ni Eliza sa akin. "Tinanggap niya ang bata," sagot ko rito. "Really?!" sabay na bulalas ng dalawang sina Eliza at Stacey. "Walangya," sambit ni Stacey. "Hindi ka ba talaga nagbibiro?!" hindi makapaniwalang tanong ulit ni Eliza sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi sabay haplos ng aking tiyan. "Hindi nga, basta iyon na 'yon. Magpasalamat na lang tayo at mabait ang asawa ko," ani ko rito."Bilib na talaga ako sa powers mo, Yna. Grabe ka," palatak ni Stacey. "Yna? Bakit po Yna ang tawag niyo kay mommy?" Awtomatikong napalingon kami sa papasok pa lamang na si Ferra. Lahat kami ay tumahimik. Mabuti na lamang at hindi nito kasama ang ama at ang Yaya nito."Sweetie, nasaan ang daddy at si Yaya mo?" Imbes na sagutin ang tanong nito, tinanong ko ito."Nag-uusap po sila, nasa labas po," maagap na sagot ni Ferra. Nakangiting lumapit ito sa akin sabay yakap at halik sa pisngi. Nakaramdam ng saya ang aking puso sa ginawa nito. Ma
Yna POV "Kailangan na nating umalis, Yna." Malungkot na napalingon ako sa kaibigang si Eliza. Alam kong naramdaman din nito ang matinding kalungkutan na aking nadarama. "Ate Yna, salamat at ni minsan nagawa mo kaming bisitahin dito." "Hindi ko rin inaasahan na makabalik dito, Erika." Hindi ko napigilan ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at inihanda na pala ng kapatid ko ang lahat. Ilang araw na lamang ay pupunta na rito sina Tatiana kasama ang mga taong inupahan nito para sa ilang imbestigasyon, at siguradong hindi titigil ang babaeng iyon hangga't hindi nito nalalaman ang katotohanan. "Let's go, Yna." Napasulyap ako kay Eliza. Tumango ako rito at tuluyan na naming nilisan ang naturang lugar. "Dalian niyo na bago pa tayo maabutan nina Tatiana," ani Stacey. "Stacey naman, alam mo namang buntis itong si Yna. Kaloka ka talagang babae ka," palatak ni Eliza kay Stacey. Napangiti na lamang ako sa dalawa. "Okay lang," nakangiting saad
Yna's POVSa wakas ay narating namin ang lugar kung saan ako lumaki. Muli, hindi ko napigilan ang pagtulo nang aking mga luha ng maalala ko si inay na siyang nagpalaki sa akin. Pero, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at linis ng naturang lugar. Dati kasi ang dumi rito. Namangha rin ako sa tila dating mga pangit na kabahayan, ngayon ay halos magkapareho na ang hitsura. Parang naging villa ang lugar na kinalakhan ko."Pasensiya ka na kung naalala mo ang inay mo sa lugar na ito," alo sa akin ni Eliza. Inabot nito sa akin ang panyo. Tinanggap ko naman agad iyon. "Salamat. Bigla kong namiss si inay.""Si Ate Yna ba 'yon!" "Parang hindi, e. Kamukha lang yata, hindi naman iyon elegante si Ate Yna. Hindi tulad ng babaeng 'yan."Ang ilan sa mga narinig ko mula sa mga bata na dati ay binibigyan ko ng kendi. Pero ngayon, halatang mga dalaga na kung titingnan."Yna, pakiusap 'wag kang magpakilala bilang si Yna. Si Farrah ka ngayon sa kanilang paningin. Ipalabas natin sa mga ito na patay ka
Yna's POV"Bakit kailangan pang dalhin mo si Ferra?" bulong ni Eliza sa akin. "Dahil iyon ang nais ko, Eliza. Hindi ko ba pwedeng dalhin ang anak ko?""Pero isang malupit na sekreto ang pupuntahan natin, Yna.""Alam na ni Ferra ang totoo na hindi ako si Farrah. Baka nakalimutan mo?" "What?!""Yes, sinabi ko sa kanya. Alam na rin niya kung saan inilibing ang kanyang ina. Hindi ko ba nasabi sa inyo iyan ni Stacey?" takang-tanong ko rito."What the heck, Yna! Hindi, ngayon ko lang 'yan alam."Napaisip ako. Hindi ko pa pala nasabi kina Stacey at Eliza ang tungkol sa pagka-alam ni Ferra sa tunay na nangyari sa ina nito? Napasulyap ako kay Ferra sa front seat na ngayo'y nakatulog na sa kasalukuyang biyahe. Habang pasulyap-sulyap naman si Stacey sa amin ni Eliza, nasa back seat kasi kami nakaupo."Kanina pa kayo nagbulung-bulungan diyan, ano bang pinag-uusapan niyo? Care to share?" tanong ni Stacey sa amin."Tulog na ba si Ferra?" tanong ni Eliza kay Stacey. "Kanina pa ito tulog.""Ito k
Yna's POV"Hindi na lang muna ako maghahatid sa'yo ng lunch mamaya. Here, baon mo 'yan."Ngumiti sa akin nang pagkatamis-tamis ang aking asawa. "May I know kung saan kayo pupunta nina Eliza at Stacey?" tanong nito sa akin na siyang hindi ko inaasahan."Well, ang alam ko ay gusto lang nila akong isama sa isang lugar. At balak ko rin sanang isama si Ferra." Napansin ko ang kakaibang ningning sa mga mata ni Zeus. "Are you sure?""Oo naman," maagap kong sagot dito."Isasama mo si Ferra for the first time sa lakad niyong magkakaibigan?" "Hindi ba pwedeng isama ko ang anak ko, Mr. Mondragon?""I mean, naninibago lang ako. Dati kasi, hindi ka gano'n. Pero natutuwa ako at totoong nagbago ka na nga," nakangiting saad nito sa akin. Ngumiti ako rito at niyakap ito. Gano'n din ito sa akin. Yeah, kailangan kong isama si Ferra. Hindi ako kampante kapag kasama nito si Tatiana. Baka kasi pumasyal si Tatiana at maisip nitong sapilitang kausapin ang anak ko. Hindi maaari! Mukhang kailangan kong pag
Yna's POV"What?!" Bulalas ko."At iyon ang misyon namin bukas ni Stacey. Gusto ko lang ibalita sa'yo. Kaya, be careful sa pakikipag-usap mo sa higad at plastik na babaeng 'yon, okay?" Napahilot ako sa sariling sentido sa narinig mula kay Eliza. Hindi ko akalaing magagawa ni Tatiana iyon. Mabuti na lamang at matalino sina Eliza at Stacey. Dahil kung ako lang, malamang matagal na akong nabuking ni Zeus sa pagpapanggap ko."Sige na, magba-bye na ako at may pupuntahan pa ako," paalam agad nito sa akin. Magsasalita pa sana ako ng patayin na nito ang tawag."Bye," ani ko na lamang. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. This gonna be disaster.Tumayo ako mula sa sofa at bumalik sa opisina ng aking asawa. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina nito."Come in."Pumasok ako sa loob. Pinilit kong ngumiti rito na tila wala lang nangyari. "So, who's the caller?""Si Eliza, nangungumusta lang. Nagtanong kasi kung pwede ko raw ba siyang samahan bukas," pagsisinungalin
Tatiana's POV"Ano'ng ningiti-ngiti mo riyan?" Pinaglalaruan ko ang aking ballpen gamit ang aking mga daliri. "Alam ko na kung paano pababagsakin si Yna.""Oh c'mon, baka ikapapahamak mo na naman iyang mga plano mo, Tatiana!" Awtomatiko tumaas ang isang kilay ko sa narinig mula kay Leslie. "Alam ko kung ano'ng ginagawa ko.""Really, now tell me kung ano'ng pinaplano mo?""Rumors," sagot ko rito."Ano'ng ibig mong sabihin?""Sa pamamagitan ng rumors masisira ang pangalan ni Yna. Hanggang sa gumawa ng palihim na hakbang si Zeus na pa-imbestigahan ang kanyang asawa.""At sa tingin mo effective ang gawin 'yan? Paano kung malaman ni Zeus na ikaw ang puno't dulo ng pinagmulang rumors?" "It won't happen.""So, ano'ng mas magandang plano na naisip mo?" "Puntahan natin ang lugar kung saan nanggaling ang basurang babaeng 'yon. At mula roon, maghahanap ako ng isang kakilala niya na talaga namang maging sanhi ng malakas na usap-usapan. Hindi ba't malapit na ang birthday ni Zeus. At doon magag
Yna's POVUmibis ako mula sa sariling kotse. Dala ang lunch box para sa asawa. Sana lang, hindi ako ang ma-sorpresa. Naalala ko pa noon ang ilang mga napapanood kong mga Romance movie. May kahalikan na ibang babae ang asawa ng bidang babae sa ganitong tagpo. Subukan lang ng Tatiana na iyon na akitin ang aking asawa, titiyakin kong manghihiram ito ng mukha ng aswang.Binati ako ng ilang mga security guard sa pagpasok ko pa lang sa entrance ng naturang building. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkagulat sa mukha ng ilang employees nang makita ako. Well, sigurado akong hindi inaasahan ng mga ito ang aking pagdating. Hindi ko akalaing ganito pala kasarap kapag ni-respeto ka ng mga tao. Dati, pumapasok lang ako sa ilang mga maliliit na opisina para magbenta, minsan pinapautang ko pa. Pagdating ng sahod, saka ako maniningil.Panay ang bati sa akin ng ilang mga employees. Tulad ng ugali meron si Farrah, as usual, dire-diretso lang ang aking lakad patungo sa kung saan naroon ang opis
Yna's POVNapapikit ako habang dinarama ang kiliti sa pagitan ng aking hita. Since buntis ako, ibang posisyon ang itinuro sa akin ng aking asawa. "Ohhhhhh....hmmmmm....deeper please......ahhhhh.....hmmmmm...." Nakagat ko ang pangibabang-labi habang dinarama ang mainit na p@gkalalaki ng aking asawa na ngayo'y abala sa paglabas-masok sa aking p@gkababae."Sige pa......hmmmmm......ohhhhh!" Ungol ko sa sobrang sarap na nadarama. Wala na akong pakialam pa, alipin ako ngayon ng aking asawa."Sweetie....hmmmmm......f*ck! Ahh!" Malakas na ungol ng aking asawa. Lihim akong nanalangin na huwag na huwag nitong sasambitin ang pangalan ng aking kapatid. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bedsheet ng aming malambot na kama. Habang walang pakundangang napa-ungol ako sa sarap na ipinalasap sa akin ng aking asawa. Tagaktak ang aking pawis sa sobrang init na aking nadarama. Malakas ang aircon pero ibang-iba ang init na lumukob sa buo kong katawan."Ahhhhh.....hmmmm....sweetie.......ohhhh!"Ang pakiramd
Yna's POV"Dahan-dahan lang," ani Zeus sa akin. "Mommy!" sigaw ni Ferra. Sinalubong kami nito, bakas sa anyo ang labis na kasiyahan."Dad, bakit ang aga niyo yatang umuwi ni mommy?" takang-tanong ni Ferra sa ama nito. "May nangyari kasing hindi maganda sa mommy mo, so, I decided to take her home for us to take good care of her," sagot ni Zeus sa matalinong si Ferra. "Of course, mas gusto kong alagaan si mommy, dad.""Your mom is pregnant, Ferra." Balita ni Zeus kay Ferra. Ngunit, napansin kong tila biglang nawala ang kakaibang ngiti sa mga labi nito."Aren't you happy?" tanong ni Zeus sa anak.Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kakaibang reaksyon ni Ferra. Kasabay niyo'n ay ang malakas na kabog ng aking puso. Paano kung makaramdam ito ng selos?"Is that true, mom?" Mayamaya ay tanong nito sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Yes, sweetie.""Kung gano'n, magiging ate na pala ako?!" Masayang saad nito. Tila para akong mabunutan ng tinik."Yes," sagot ko rito. Nakan