"DON'T cry, Ferra. Babalik naman si mommy," ani ko kay Ferra. Ayoko mang umalis pero kailangan. Gamit ang dalawang-palad. Tinuyo ko ang mga luha mula sa mga mata nito. Niyakap ko ito ng mahigpit. Pati ako ay naiyak na rin. Ang bigat ng dibdib ko. Tila ba parang ang sakit lunukin ng aking laway. "Mommy, promise me na babalik ka, ha?" "I promise, sweetie," sagot ko rito. Nag-angat ako ng tingin. Ngumiti sa akin si Zeus. Lumapit ito sa akin. Niyakap agad ako nito nang buong-higpit."We're gonna miss you, sweetheart. Sige na, naghihintay na sina Stacey at Eliza."Muli, niyakap ako ni Zeus ng buong-higpit sabay halik sa noo. I closed my eyes. Niyakap ko rin ito ng buong-higpit. "Video call, tayo," saad nito sa akin. "Always, sweetie."Napasulyap si Zeus sa relong-pambisig nito. "Go'on, sweetie."Hawak ko pa rin ang kamay ni Zeus. Hanggang sa unti-unti ko iyong binitiwan. Niyakap ni Zeus si Ferra na panay ngayon ay umiiyak na. Mabilis na tinalikuran ko ang mga ito sabay hila ng dala k
NAKATINGIN lang ako sa mala-kristal na karagatan habang nakaupo sa may veranda ng bahay na kinaroroonan ko. Napakaganda ng white sands. Hindi ko akalaing napakaganda pala ng Bantayan Island. Naaliw akong pagmasdan ang ilang mga coconut palms. Feel ko tuloy para akong nasa Boracay."Alam mo bang Bantayan Island is also known as 'The Shining Tropical paradise in Asia?'""Glad to hear that. Gusto ko sanang maligo kaya lang ang init. Mukhang nakakatakot ang matinding init ngayon.""Paparating na kasi ang summer," palatak ni Eliza. "Hindi ko akalaing ang ganda pala ng lugar na ito, Eliza. Sariwa ang hangin. Parang Boracay lang din.""Maraming turista ang dumaragsa rito sa tuwing summer. By the way, bukas ang schedule mo for check-up. Tinawagan ko na si Dra. Chiu.""Paalalahanan mo sana ako," saad ko sabay dampot ng mangga at isinawsaw iyon sa maanghang na bagoong. Napangiwi si Eliza sa akin. Nailing na lamang ako sa reaksyon nito sabay ngiti. "Alright," tugon nito sa akin. "Aalis kami n
"NAPATAWAG ka?" tanong ni Eliza sa akin sa kabilang linya."Tatiana is here!" bulalas ko rito. "Ano!?" bulalas nito sa kabilang linya."Kausap niya ang may-ari ng naturang resort, Eli. Please lang, simula ngayon kailangan nating mag-ingat. Mabuti na lang at Cheska ang sinabi kong pangalan nong nakipagkilala sa'kin ang may-ari ng resort. Hindi ko akalaing magkakilala pala sila ni Tatiana," palatak ko rito."It is possible, Yna. Tatiana is a businesswoman. Hindi malabong kilala niya ang may-ari ng resort na 'yan."Sumilip akong muli sa bintana. Wala na roon sina Tatiana at Zander. Lihim akong naginhawaan. Sana lang ay hindi kami makita ni Tatiana. Dahil 'pag nagkataon, lagot na ang pinakatagu-tago kong lihim.Muli, lumabas ako ng sariling kwarto at tinungo ang veranda kung nasaan ang kinakain kong mangga na may hipon. Paborito kong lugar ang veranda dahil damang-dama ko ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. It gives me more relaxation. "Ma'am, hinahanap po kayo ni Mr. Zander kas
AGAD na nagpaalam ako kay Zeus. Mabuti na lamang at naintindihan agad ako nito. Ramdam ko ang matinding guilt na nararamdaman."Ma'am, nakakatakot po kapag may nakakakita sa inyo at bigla kayong i-report sa asawa niyo," saad ni manong sa akin. "Salamat sa concern, manong. Sana naman po walang makakita sa akin. Lagot po ako sa asawa ko 'pag nagkataon," saad ko rito. Napansin kong huminto ang sasakyan. Nasa pier na pala kami papuntang Bohol. Maagap na isinuot ko ang aking shade at sombrero. Tinawagan ko si Eliza. Mabuti na lamang at maagap na sinagot nito ang aking tawag. Matagal bago sinagot nito ang tawag."Salamat, Manong," saad ko kay Manong at umibis na ako mula sa kotse."Mag-iingat po kayo, ma'am. Walang-anuman po."Ngumiti ako rito sabay tango saka hinintay ang pagsagot ni Eliza sa kabilang linya. Nang sa wakas ay sinagot nito ang aking tawag. "Nasaan na kayo?" tanong ko kay Eliza."Kami na ang lalapit sa'yo. Tulad mo ay naka-disguise rin kami ni Cheska. Honestly, kinakabahan
"ANO'NG problema?" tanong ni Eliza sa akin. "Tumawag sa akin si Zeus kanina. And he told me na may surprise raw silang inihanda para sa akin. At nagdududa ako na baka plano nila akong puntahan sa Paris!" ani ko rito na puno ng balisa ang boses. "Oh, gosh!" si Cheska. Napatakip si Eliza sa sarili nitong bibig nang marinig ang sinabi ko. Tila hindi ito makapaniwala. "I guess, kailangan na nating bumiyahe patungong Paris.""Wala tayong choice, Eliza. Mukhang kailangan na nating gawin ngayon din. Pagdating natin ng Bohol, kailangang makabili agad tayo ng plain ticket patungong Paris," suhestiyon ni Cheska.Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga. "Paano kung sa pagdating nila malaki na ang tiyan ko?" "Hindi 'yan mangyayari. Gagawa tayo ng paraan," maagap na sagot ni Eliza. "By the way, ano'ng gagawin mo pagkapanganak mo?" tanong ni Cheska sa akin."Hindi ko pa alam, pero hindi ko pwedeng iwan ang aking anak," sagot ko sa nag-aalalang boses. "Kaya kailangan nating mag-plano ng
"ANO raw sabi?" tanong ni Cheska kay Eliza. Nakatitig lang ako sa mukha ng dalawa kong kaibigan. "Next week daw ang flight natin. 10AM flight papunta sa Paris." Sa wakas ay sagot ni Eliza. Muntik ko ng batukan ito dahil halatang binitin pa ang sinasabi. "Joke lang, ha? Ikaw naman kasi, masyado kang stress. Isa pa, bawal sa buntis ang ma-stress," nakangiting tugon ni Eliza sa akin. Alam kong pinipilit lang ako ng mga ito na maging kalmado. Kahit ang totoo, todo ang kaba at pangamba ko. Next week din kasi ang sinabi ng aking asawa na schedule yata ng mga ito papuntang Paris. Iyon ang siyang nagpaligalig sa akin."Pwede ba kumalma ka," puna sa akin ni Eliza. "Paano ako kakalma kung panay ligalig ang nadarama ko?" nakanguso kong sagot dito."Alam niyo 'yon? Para tayong naglalaro ng habulan at taguan?" nakangiting saad ni Cheska. "Ang mabuti pa, maghanda na lang tayo para sa flight natin next week," sagot na lamang ni Eliza."Hey, hindi mo ba nakaligtaan ang ilang vitamins mo?" tanon
NARITO ako ngayon sa may balcony, kaharap ang malinaw na dagat habang masuyong hinaplos ang hindi ko kalalakihan na tiyan."Here, fresh fruits for you and your breakfast," nakangiting ani Cheska sa akin. "Thank you," sagot ko rito. Saka ako nagpakawala ng isang marahas na hininga. "Namiss mo na naman ang mag-ama?" "Always, by the way, nasaan nga pala si Eliza?" tanong ko rito."May kausap sa cellphone, mukhang importante rin. T'saka, nauna na kaming kumain sa'yo ng breakfast, tagal mo naman kasing gumising.""Okay lang," sagot ko at hinarap ang pagkain. "Nasaan mo nga pala inilagaya ang ilang vitamins mo at nang maihanda ko na rin," ani pa nito.Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Ano ka ba, ako na. Hindi naman ako lumpo para hindi makatayo," nakangiting saad ko rito."Siyempre, love kita, no?" palatak nito."Si Farrah lang naman ang love niyo hindi ako," kunway nagtatampo ako rito. Ngunit, nagulat ako nang pabirong hampasin ako nito."Kayong dalawa, siyempre! Ikaw ha, 'wag kan
MAAGA pa lang ay nasa airport na kaming tatlo. This is it! Dumating pa rin sa punto na sa Paris pa rin pala ang punta naming tatlo. Lihim na lamang ako nailing sa tadhana na tila nag-enjoy sa laro na tinatawag na hide and seek."Hindi ka ba nagugutom?" tanong sa akin ni Stacey."Hindi naman," sagot ko. Narito kami sa waiting area. Samantalang si Eliza ay busy sa sarili nitong cellphone. "Sino ba ang kinontak mo at tila balisa ka?" tanong ko kay Eliza."Si Gia, kailangan may susundo sa atin sa airport," sagot nito sa akin. "I see," sagot ko rito. Mayamaya ay tumunog ang aking cellphone, si Zeus ang nasa kabilang linya. Nakatitig lang ako sa aking cellphone. Patay! "Oh, ano'ng nangyari sa'yo?" takang-tanong ni Stacey sa akin."Tumatawag si Zeus," ani ko. "What?!" bulalas ni Eliza. "Naku, huwag mong sagutin at baka marinig niya ang ingay ng intercom dito.""Punta na lang ako ng comfort room?" suhestiyon ko pa rito."Hindi nga pwede maririnig pa rin do'n ang ingay ng intercom, for p
Yna POV "Kailangan na nating umalis, Yna." Malungkot na napalingon ako sa kaibigang si Eliza. Alam kong naramdaman din nito ang matinding kalungkutan na aking nadarama. "Ate Yna, salamat at ni minsan nagawa mo kaming bisitahin dito." "Hindi ko rin inaasahan na makabalik dito, Erika." Hindi ko napigilan ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at inihanda na pala ng kapatid ko ang lahat. Ilang araw na lamang ay pupunta na rito sina Tatiana kasama ang mga taong inupahan nito para sa ilang imbestigasyon, at siguradong hindi titigil ang babaeng iyon hangga't hindi nito nalalaman ang katotohanan. "Let's go, Yna." Napasulyap ako kay Eliza. Tumango ako rito at tuluyan na naming nilisan ang naturang lugar. "Dalian niyo na bago pa tayo maabutan nina Tatiana," ani Stacey. "Stacey naman, alam mo namang buntis itong si Yna. Kaloka ka talagang babae ka," palatak ni Eliza kay Stacey. Napangiti na lamang ako sa dalawa. "Okay lang," nakangiting saad
Yna's POVSa wakas ay narating namin ang lugar kung saan ako lumaki. Muli, hindi ko napigilan ang pagtulo nang aking mga luha ng maalala ko si inay na siyang nagpalaki sa akin. Pero, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at linis ng naturang lugar. Dati kasi ang dumi rito. Namangha rin ako sa tila dating mga pangit na kabahayan, ngayon ay halos magkapareho na ang hitsura. Parang naging villa ang lugar na kinalakhan ko."Pasensiya ka na kung naalala mo ang inay mo sa lugar na ito," alo sa akin ni Eliza. Inabot nito sa akin ang panyo. Tinanggap ko naman agad iyon. "Salamat. Bigla kong namiss si inay.""Si Ate Yna ba 'yon!" "Parang hindi, e. Kamukha lang yata, hindi naman iyon elegante si Ate Yna. Hindi tulad ng babaeng 'yan."Ang ilan sa mga narinig ko mula sa mga bata na dati ay binibigyan ko ng kendi. Pero ngayon, halatang mga dalaga na kung titingnan."Yna, pakiusap 'wag kang magpakilala bilang si Yna. Si Farrah ka ngayon sa kanilang paningin. Ipalabas natin sa mga ito na patay ka
Yna's POV"Bakit kailangan pang dalhin mo si Ferra?" bulong ni Eliza sa akin. "Dahil iyon ang nais ko, Eliza. Hindi ko ba pwedeng dalhin ang anak ko?""Pero isang malupit na sekreto ang pupuntahan natin, Yna.""Alam na ni Ferra ang totoo na hindi ako si Farrah. Baka nakalimutan mo?" "What?!""Yes, sinabi ko sa kanya. Alam na rin niya kung saan inilibing ang kanyang ina. Hindi ko ba nasabi sa inyo iyan ni Stacey?" takang-tanong ko rito."What the heck, Yna! Hindi, ngayon ko lang 'yan alam."Napaisip ako. Hindi ko pa pala nasabi kina Stacey at Eliza ang tungkol sa pagka-alam ni Ferra sa tunay na nangyari sa ina nito? Napasulyap ako kay Ferra sa front seat na ngayo'y nakatulog na sa kasalukuyang biyahe. Habang pasulyap-sulyap naman si Stacey sa amin ni Eliza, nasa back seat kasi kami nakaupo."Kanina pa kayo nagbulung-bulungan diyan, ano bang pinag-uusapan niyo? Care to share?" tanong ni Stacey sa amin."Tulog na ba si Ferra?" tanong ni Eliza kay Stacey. "Kanina pa ito tulog.""Ito k
Yna's POV"Hindi na lang muna ako maghahatid sa'yo ng lunch mamaya. Here, baon mo 'yan."Ngumiti sa akin nang pagkatamis-tamis ang aking asawa. "May I know kung saan kayo pupunta nina Eliza at Stacey?" tanong nito sa akin na siyang hindi ko inaasahan."Well, ang alam ko ay gusto lang nila akong isama sa isang lugar. At balak ko rin sanang isama si Ferra." Napansin ko ang kakaibang ningning sa mga mata ni Zeus. "Are you sure?""Oo naman," maagap kong sagot dito."Isasama mo si Ferra for the first time sa lakad niyong magkakaibigan?" "Hindi ba pwedeng isama ko ang anak ko, Mr. Mondragon?""I mean, naninibago lang ako. Dati kasi, hindi ka gano'n. Pero natutuwa ako at totoong nagbago ka na nga," nakangiting saad nito sa akin. Ngumiti ako rito at niyakap ito. Gano'n din ito sa akin. Yeah, kailangan kong isama si Ferra. Hindi ako kampante kapag kasama nito si Tatiana. Baka kasi pumasyal si Tatiana at maisip nitong sapilitang kausapin ang anak ko. Hindi maaari! Mukhang kailangan kong pag
Yna's POV"What?!" Bulalas ko."At iyon ang misyon namin bukas ni Stacey. Gusto ko lang ibalita sa'yo. Kaya, be careful sa pakikipag-usap mo sa higad at plastik na babaeng 'yon, okay?" Napahilot ako sa sariling sentido sa narinig mula kay Eliza. Hindi ko akalaing magagawa ni Tatiana iyon. Mabuti na lamang at matalino sina Eliza at Stacey. Dahil kung ako lang, malamang matagal na akong nabuking ni Zeus sa pagpapanggap ko."Sige na, magba-bye na ako at may pupuntahan pa ako," paalam agad nito sa akin. Magsasalita pa sana ako ng patayin na nito ang tawag."Bye," ani ko na lamang. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. This gonna be disaster.Tumayo ako mula sa sofa at bumalik sa opisina ng aking asawa. Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina nito."Come in."Pumasok ako sa loob. Pinilit kong ngumiti rito na tila wala lang nangyari. "So, who's the caller?""Si Eliza, nangungumusta lang. Nagtanong kasi kung pwede ko raw ba siyang samahan bukas," pagsisinungalin
Tatiana's POV"Ano'ng ningiti-ngiti mo riyan?" Pinaglalaruan ko ang aking ballpen gamit ang aking mga daliri. "Alam ko na kung paano pababagsakin si Yna.""Oh c'mon, baka ikapapahamak mo na naman iyang mga plano mo, Tatiana!" Awtomatiko tumaas ang isang kilay ko sa narinig mula kay Leslie. "Alam ko kung ano'ng ginagawa ko.""Really, now tell me kung ano'ng pinaplano mo?""Rumors," sagot ko rito."Ano'ng ibig mong sabihin?""Sa pamamagitan ng rumors masisira ang pangalan ni Yna. Hanggang sa gumawa ng palihim na hakbang si Zeus na pa-imbestigahan ang kanyang asawa.""At sa tingin mo effective ang gawin 'yan? Paano kung malaman ni Zeus na ikaw ang puno't dulo ng pinagmulang rumors?" "It won't happen.""So, ano'ng mas magandang plano na naisip mo?" "Puntahan natin ang lugar kung saan nanggaling ang basurang babaeng 'yon. At mula roon, maghahanap ako ng isang kakilala niya na talaga namang maging sanhi ng malakas na usap-usapan. Hindi ba't malapit na ang birthday ni Zeus. At doon magag
Yna's POVUmibis ako mula sa sariling kotse. Dala ang lunch box para sa asawa. Sana lang, hindi ako ang ma-sorpresa. Naalala ko pa noon ang ilang mga napapanood kong mga Romance movie. May kahalikan na ibang babae ang asawa ng bidang babae sa ganitong tagpo. Subukan lang ng Tatiana na iyon na akitin ang aking asawa, titiyakin kong manghihiram ito ng mukha ng aswang.Binati ako ng ilang mga security guard sa pagpasok ko pa lang sa entrance ng naturang building. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkagulat sa mukha ng ilang employees nang makita ako. Well, sigurado akong hindi inaasahan ng mga ito ang aking pagdating. Hindi ko akalaing ganito pala kasarap kapag ni-respeto ka ng mga tao. Dati, pumapasok lang ako sa ilang mga maliliit na opisina para magbenta, minsan pinapautang ko pa. Pagdating ng sahod, saka ako maniningil.Panay ang bati sa akin ng ilang mga employees. Tulad ng ugali meron si Farrah, as usual, dire-diretso lang ang aking lakad patungo sa kung saan naroon ang opis
Yna's POVNapapikit ako habang dinarama ang kiliti sa pagitan ng aking hita. Since buntis ako, ibang posisyon ang itinuro sa akin ng aking asawa. "Ohhhhhh....hmmmmm....deeper please......ahhhhh.....hmmmmm...." Nakagat ko ang pangibabang-labi habang dinarama ang mainit na p@gkalalaki ng aking asawa na ngayo'y abala sa paglabas-masok sa aking p@gkababae."Sige pa......hmmmmm......ohhhhh!" Ungol ko sa sobrang sarap na nadarama. Wala na akong pakialam pa, alipin ako ngayon ng aking asawa."Sweetie....hmmmmm......f*ck! Ahh!" Malakas na ungol ng aking asawa. Lihim akong nanalangin na huwag na huwag nitong sasambitin ang pangalan ng aking kapatid. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bedsheet ng aming malambot na kama. Habang walang pakundangang napa-ungol ako sa sarap na ipinalasap sa akin ng aking asawa. Tagaktak ang aking pawis sa sobrang init na aking nadarama. Malakas ang aircon pero ibang-iba ang init na lumukob sa buo kong katawan."Ahhhhh.....hmmmm....sweetie.......ohhhh!"Ang pakiramd
Yna's POV"Dahan-dahan lang," ani Zeus sa akin. "Mommy!" sigaw ni Ferra. Sinalubong kami nito, bakas sa anyo ang labis na kasiyahan."Dad, bakit ang aga niyo yatang umuwi ni mommy?" takang-tanong ni Ferra sa ama nito. "May nangyari kasing hindi maganda sa mommy mo, so, I decided to take her home for us to take good care of her," sagot ni Zeus sa matalinong si Ferra. "Of course, mas gusto kong alagaan si mommy, dad.""Your mom is pregnant, Ferra." Balita ni Zeus kay Ferra. Ngunit, napansin kong tila biglang nawala ang kakaibang ngiti sa mga labi nito."Aren't you happy?" tanong ni Zeus sa anak.Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kakaibang reaksyon ni Ferra. Kasabay niyo'n ay ang malakas na kabog ng aking puso. Paano kung makaramdam ito ng selos?"Is that true, mom?" Mayamaya ay tanong nito sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Yes, sweetie.""Kung gano'n, magiging ate na pala ako?!" Masayang saad nito. Tila para akong mabunutan ng tinik."Yes," sagot ko rito. Nakan