Alex’s point of viewKinaumagahan ay bumangon na ako, dahil kinailangan ko pang pumasok ng maaga sa aking kompanya. Ipinag-handa ako ng agahan ng aking asawa na si Calypso, kaya’t mas naging mabilis ang aking pag-kilos.Nang makaalis na ako sa bahay ay mabilis rin naman akong nakarating sa aking kompanya, at pag-pasok ko palang ay agad akong tinawag ng aking kaibigan na si Makoy na kapit-bahay ko pala sa condo.“Alex!” pag-tawag niya sa akin nang bigla akong napatingin sa kaniya,“Bro, ang aga mo naman yata—hindi ka naman excited ano? So are you ready?” tanong ko naman kaagad sa kaniya,Nang agad din naman siyang tumango at sumagot, “Oo naman,” tugon naman niyaAt habang nag-lalakad na kami pataas patungo sa aking opisina ay muli ko siyang kinausap“Sayang, hindi ko naipakilala sayo ang asawa ko—siguro naalala ka niya kung nag-harap kayo no,” pahayag ko naman sa kaniya,“Ano ka ba Alex, okay lang yan—dito naman ako mag-tatrabaho sa kompanya mo, mas makikita ko na palagi kayo ng asawa
Kim’s point of viewHabang nakaupo ako sa harap kung saan nandoon nakaburol si Miguel, ay biglang dumating sina Alex kasama sina Calypso, kaniyang kapatid ganoon din ang kaniyang ina na si Tita Melody.Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at sinalubong sina Alex, “Condolence,” pahayag niya sa akin, at doon ay tumungo sina Alex kay Miguel upang kanilang silipin.Nang nakaupo na ako muli at pinag-mamasdan sila ay agad akong kinausap ni mama,“Hanggang dito, hindi ko ramdam na totoo ang mga kasama ni Alex sa pakikiramay,” pahayag sa akin ni mama nang pabulong,Nang biglang naupo sa likod namin sina Alex, at agad niya akong kinausap,“Bakit hindi mo naman sinabi sa akin kahapon na dinala sa ospital si Miguel?” tanong naman ni Alex sa akin,Napailing naman ako nang sinabi niya iyon at agad na sumagot,“Biglaan ang nangyari kay Miguel, nang dahil sa aksidente kahit sina mama hindi rin nakaabot at tanging ako lang ang nakaabot sa hininga niya,” tugon ko naman kaagad sa kaniya.Huminga ng ma
Kim’s point of viewNang makalipas ang ilang araw na nailibing na si Miguel, ay nakatira parin kami sa bahay nila kasama sina mama at papa dahil iyon ang sinabi niya sa amin ni Yumi.Nakakapanibago lamang dahil kahit saan ako mag-punta sa buong bahay ay hindi ko na nakikita si Miguel kahit sa aking pag-kain ganoon doon sa pag-tulog ay wala na din akong kasama at katabi.Habang nakaupo ako sa sofa, ay bigla akong nilapitani mama at kinausap.“Hija? Bakit hindi mo subukang pumasok na sa trabaho at mag-simula ka na bukas upang maipag-patuloy mo na ang ginawa ni Miguel. Baka kapag sinimulan mo yun, mag-bago ang nararamdaman mo at hindi mo na mararamdaman ang lungkot dahil alam mo na yun ang ikinasasaya ng anak ko?” tanong naman niya sa akin,Nang agad akong napatingin sa kaniya, “Mama, sigurado na po ba kayo na ako ang gusto niyong ilagay sa posisyon ni Miguel? Pwede pa naman po ni papa na ipag-patuloy ang kompanya—at kahit kayo po,” saad ko naman sa kaniya,At nag sinabi ko iyon ay agad
Kim’s point of viewNang sagutin ko ang sinabi ni Yumi sa akin ay agad rin akong napaisip kung bakit ginagawa na ni Alex ang bagay na iyon.“Paano kung planado na na nga Ms. Kim? Siguro ang kailangan niyo nalang gawin ay maging mahigpit sa mga papasok dito sa kompanya natin, lalo na kung may bagong mga empleyado na papasok—baka mamaya, utusan na pala nina Sir Alex, hindi pa natin alam,” pahayag naman sa akin ni Paul,Napatingin naman ako sa kaniya nang sabihin niya iyon sa akin dahil isa rin yung malaking idea para makaiwas sa panloloko ng pamilya nina Alex.--Kinabukasan ay maaga akong nag-palagay ng harang papasok sa loob upang maingat na bantayan ng aking mga gwardya ang mga empleyado na papasok sa loob. Mahigpit na din ako sa mga papasok sa loob ng kompanya ko at lalo na sa mga walang ginagawa kung hindi ang tumambay lang sa lobbyNang biglang dumating si mama, at napansin niya ang aking ipinapagawa.“Ahm—Kim? May problema ba sa kompanya ni Miguel? Bakit mo pinalagyan na ng haran
Kim’s point of viewNang makaalis na si mama, ay bumalik na kami ni Yumi sa aking opisina at nang makaupo ako, doon ay nakahinga ako ng maluwag.“Hindi ko alam kung bakit kailangan nila pag-initan ang kung anong meron si Miguel, sa kung ano ang mga pinag-hirapan niya noong siya ay nabubuhay pa lang. Grabe sila mainggit, talagang lahat ng pwede nilang gawin at sa tingin nila ay kaya, gagawin talaga nila at idadaan nila sa pera,” pahayag ko naman kay Yumi,Nang bigla naman siyang napatingin sa akin, “May kahahantungan naman ang ginagawa nila ngayon, hayaan mo at titigil din sila kapag nakita nilang katapusan na nila,” saad naman niya sa akin.“Mukhang may gagawin pa kayo sa department, bumalik ka na—at baka kung ano pang sabihin nila sayo, sabihin naman ng mga kasama mo doon, na palagi ka nalang nandito at wala sa opisina mo,” pahayag ko naman sa kaniya.Agad naman siyang tumango, “Oo ng apala! Akala ko, nasa bahay ako—hahaha!” tugon naman niya sa akin,At doon ay dali-dali siyang bumal
Kim’s point of viewNang makarating kami sa kompanya ay agad akong tumungo sa aking opisina at nang makarating ako doon ay laking gulat ko nang makita ko si Alex na nakaupo sa upuan.“Anong ginagawa mo dito? And how—” putol kong pag-kakatanong sa kaniya ng agad siyang ngumiti at nag-salita,“Shhh—wag mo na alamin, pumayag ka na kasi sa ipinapakiusap ko sayo,” saad naman niya sa akin,Ngunit nang sabihin niya iyon sa akin ay agad akong umiling, “Naririnig mo ba ang mga isinasagot ko sayo? Hindi ba ang sabi ko ay hindi ako pumapayag? Matuto ka naman sana rumespeto kay Miguel,” tugon ko naman sa kaniya.“Ano ba Kim—wala na si Miguel, siguro naman mapapakiusapan na kita this time hindi ba?” saad niyang muli sa akin,Nang bigla akong nainsulto sa kaniyang sinabi, “Hindi ka ba titigil diyan o gusto mo hindi lang gwardya ang ipatawag ko kundi ang pulis dahil sa pagiging trespassing mo?” pananakot ko sa kaniya, at doon ay bigla siyang natawa na tila parang nangiinsulto.“Really Kim? Gagawin
Alex’s point of viewNang makaalis si mom sa aking opisina ay aksidente kong naitapon ang mga gamit ko sa aking lamesa nang dahil s ainis na aking nararamdaman at sa stress na bumabalot sa aking isipan. Nang biglang pumasok naman ang aking assistant,“Ahm—excuse me sir—” putol niyang pag-kakasabi nang bigla naman akong napatingin sa kaniya,“What are you looking at? What do you need ha?” tanong ko naman sa kaniya ng pabalang,Nang bigla siyang natakot at dahan-dahan umimik,“Ahm—sir, sasabihin ko lang po sana na may meeting kayo mamayang hapon with Mr. Gomez,” pahayag niya sa akin,Nang agad akong sumagot, “Just cancel it—wala ako sa mood para umattend ngayon ng meeting, just give him a reason na katanggap-tanggap sa kaniya basta hindi ako aattend okay? Thank you, you may leave,” tugon ko naman sa kaniya,Doon ay tumango naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, at dali-dali naring lumabas ng aking opisina nang dahil sa takot.Nang bigla namang pumasok ang asawa kong si Calypso,“Ano
Calypso’s point of viewNang sabihin ko iyon kay Lei ay muli niya akong kinausap nang agad naman akong nakaupo,“Alam mo sis, hindi makakatulong sa anak niyo yan kung nag-kakaganiyan kayo ng asawa mo no—baka kung mapaano si baby sa tiyan mo kung palagi kayo nag-aaway ni Alex,” pahayag niya sa akin,Nang agad naman akong napatingin sa kaniya, “Paano kung nasa sa kaniya ang problema at hindi sa akin?” tanong ko naman sa kaniya,Napahinga siya ng malalim nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Pag-usapan niyo yan—wala namang problemang hindi nalulutas sis, basta mapag-usapan lang ng maayos okay? Both of you will be okay and happy,” pahayag naman niya sa akin,Dahan-dahan nalang akong napatango nang sabihin niya iyon sa akin, at nang hindi na ako nakaimik ay bumalik na siya sa kaniyang pag-tatrabaho.Nang biglang may kumatok sa opisina namin, at nang pag-lingon ko ay laking gulat namin ni Lei nang biglang bumungad sa amin si Alex.“Ahm—what are you doing here? Hindi ba you need time?” tanong ko