Kim’s point of viewNang makalipas ang ilang araw na nailibing na si Miguel, ay nakatira parin kami sa bahay nila kasama sina mama at papa dahil iyon ang sinabi niya sa amin ni Yumi.Nakakapanibago lamang dahil kahit saan ako mag-punta sa buong bahay ay hindi ko na nakikita si Miguel kahit sa aking pag-kain ganoon doon sa pag-tulog ay wala na din akong kasama at katabi.Habang nakaupo ako sa sofa, ay bigla akong nilapitani mama at kinausap.“Hija? Bakit hindi mo subukang pumasok na sa trabaho at mag-simula ka na bukas upang maipag-patuloy mo na ang ginawa ni Miguel. Baka kapag sinimulan mo yun, mag-bago ang nararamdaman mo at hindi mo na mararamdaman ang lungkot dahil alam mo na yun ang ikinasasaya ng anak ko?” tanong naman niya sa akin,Nang agad akong napatingin sa kaniya, “Mama, sigurado na po ba kayo na ako ang gusto niyong ilagay sa posisyon ni Miguel? Pwede pa naman po ni papa na ipag-patuloy ang kompanya—at kahit kayo po,” saad ko naman sa kaniya,At nag sinabi ko iyon ay agad
Kim’s point of viewNang sagutin ko ang sinabi ni Yumi sa akin ay agad rin akong napaisip kung bakit ginagawa na ni Alex ang bagay na iyon.“Paano kung planado na na nga Ms. Kim? Siguro ang kailangan niyo nalang gawin ay maging mahigpit sa mga papasok dito sa kompanya natin, lalo na kung may bagong mga empleyado na papasok—baka mamaya, utusan na pala nina Sir Alex, hindi pa natin alam,” pahayag naman sa akin ni Paul,Napatingin naman ako sa kaniya nang sabihin niya iyon sa akin dahil isa rin yung malaking idea para makaiwas sa panloloko ng pamilya nina Alex.--Kinabukasan ay maaga akong nag-palagay ng harang papasok sa loob upang maingat na bantayan ng aking mga gwardya ang mga empleyado na papasok sa loob. Mahigpit na din ako sa mga papasok sa loob ng kompanya ko at lalo na sa mga walang ginagawa kung hindi ang tumambay lang sa lobbyNang biglang dumating si mama, at napansin niya ang aking ipinapagawa.“Ahm—Kim? May problema ba sa kompanya ni Miguel? Bakit mo pinalagyan na ng haran
Kim’s point of viewNang makaalis na si mama, ay bumalik na kami ni Yumi sa aking opisina at nang makaupo ako, doon ay nakahinga ako ng maluwag.“Hindi ko alam kung bakit kailangan nila pag-initan ang kung anong meron si Miguel, sa kung ano ang mga pinag-hirapan niya noong siya ay nabubuhay pa lang. Grabe sila mainggit, talagang lahat ng pwede nilang gawin at sa tingin nila ay kaya, gagawin talaga nila at idadaan nila sa pera,” pahayag ko naman kay Yumi,Nang bigla naman siyang napatingin sa akin, “May kahahantungan naman ang ginagawa nila ngayon, hayaan mo at titigil din sila kapag nakita nilang katapusan na nila,” saad naman niya sa akin.“Mukhang may gagawin pa kayo sa department, bumalik ka na—at baka kung ano pang sabihin nila sayo, sabihin naman ng mga kasama mo doon, na palagi ka nalang nandito at wala sa opisina mo,” pahayag ko naman sa kaniya.Agad naman siyang tumango, “Oo ng apala! Akala ko, nasa bahay ako—hahaha!” tugon naman niya sa akin,At doon ay dali-dali siyang bumal
Kim’s point of viewNang makarating kami sa kompanya ay agad akong tumungo sa aking opisina at nang makarating ako doon ay laking gulat ko nang makita ko si Alex na nakaupo sa upuan.“Anong ginagawa mo dito? And how—” putol kong pag-kakatanong sa kaniya ng agad siyang ngumiti at nag-salita,“Shhh—wag mo na alamin, pumayag ka na kasi sa ipinapakiusap ko sayo,” saad naman niya sa akin,Ngunit nang sabihin niya iyon sa akin ay agad akong umiling, “Naririnig mo ba ang mga isinasagot ko sayo? Hindi ba ang sabi ko ay hindi ako pumapayag? Matuto ka naman sana rumespeto kay Miguel,” tugon ko naman sa kaniya.“Ano ba Kim—wala na si Miguel, siguro naman mapapakiusapan na kita this time hindi ba?” saad niyang muli sa akin,Nang bigla akong nainsulto sa kaniyang sinabi, “Hindi ka ba titigil diyan o gusto mo hindi lang gwardya ang ipatawag ko kundi ang pulis dahil sa pagiging trespassing mo?” pananakot ko sa kaniya, at doon ay bigla siyang natawa na tila parang nangiinsulto.“Really Kim? Gagawin
Alex’s point of viewNang makaalis si mom sa aking opisina ay aksidente kong naitapon ang mga gamit ko sa aking lamesa nang dahil s ainis na aking nararamdaman at sa stress na bumabalot sa aking isipan. Nang biglang pumasok naman ang aking assistant,“Ahm—excuse me sir—” putol niyang pag-kakasabi nang bigla naman akong napatingin sa kaniya,“What are you looking at? What do you need ha?” tanong ko naman sa kaniya ng pabalang,Nang bigla siyang natakot at dahan-dahan umimik,“Ahm—sir, sasabihin ko lang po sana na may meeting kayo mamayang hapon with Mr. Gomez,” pahayag niya sa akin,Nang agad akong sumagot, “Just cancel it—wala ako sa mood para umattend ngayon ng meeting, just give him a reason na katanggap-tanggap sa kaniya basta hindi ako aattend okay? Thank you, you may leave,” tugon ko naman sa kaniya,Doon ay tumango naman siya nang sabihin ko iyon sa kaniya, at dali-dali naring lumabas ng aking opisina nang dahil sa takot.Nang bigla namang pumasok ang asawa kong si Calypso,“Ano
Calypso’s point of viewNang sabihin ko iyon kay Lei ay muli niya akong kinausap nang agad naman akong nakaupo,“Alam mo sis, hindi makakatulong sa anak niyo yan kung nag-kakaganiyan kayo ng asawa mo no—baka kung mapaano si baby sa tiyan mo kung palagi kayo nag-aaway ni Alex,” pahayag niya sa akin,Nang agad naman akong napatingin sa kaniya, “Paano kung nasa sa kaniya ang problema at hindi sa akin?” tanong ko naman sa kaniya,Napahinga siya ng malalim nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Pag-usapan niyo yan—wala namang problemang hindi nalulutas sis, basta mapag-usapan lang ng maayos okay? Both of you will be okay and happy,” pahayag naman niya sa akin,Dahan-dahan nalang akong napatango nang sabihin niya iyon sa akin, at nang hindi na ako nakaimik ay bumalik na siya sa kaniyang pag-tatrabaho.Nang biglang may kumatok sa opisina namin, at nang pag-lingon ko ay laking gulat namin ni Lei nang biglang bumungad sa amin si Alex.“Ahm—what are you doing here? Hindi ba you need time?” tanong ko
Kim’s point of view“Ahm—sige po mama, maupo po kayo, at saktong-sakto na kararating lang dito ni Yumi,” tugon ko naman kaagad kay mama, nang sabihin niya sa amin ang tungkol kay Miguel,Nang maupo si mama, ay agad din namang naupo na kami ni Yumi,“Baka namang may trabaho kayong dalawa? Dahil sa totoo lang pumunta lang talaga ako dito dahil naalala ko si Miguel,” tanong naman kaaagd sa aming daalwa ni Yumi,Nang agad naman akong umiling, “Wala pa naman po mama, pero kahit naman po may gawin kaming dalawa ni Yumi ay mas aasikasuhin po namin kayo kagaya nang pag-iingat sa inyo at ginagawa sa inyo ni Miguel,” tugon ko naman sa kaniya,Ngumiti naman sa amin si mama nang sabihin ko iyon sa kaniya,“Bigla nalang kasi siyang sumagi sa isip ko, hindi ko maalala kung anong ginagawa niya o kung anong sinabi niya sa akin—pero basta nasa isip ko lang siya,” pahayag naman niya sa aminNapahinga ako nang malalim nang sabihin iyon sa akin ni mama,“Baka po namimiss lang din kayo ni Miguel, dahil al
Kim’s point of viewNang makarating ako sa aking opisina ay agad kong pinapunta si Yumi sa aking opisina ganoon din ang aking assistant na si Bia, at doon ay kinausap ko silang dalawa.“Mabuti at nalaman mo ang ginawa ni Hernandez, ipinakilala ba niya sayo ang babae?” tanong ko naman kaagad kay Yumi,Nang agad naman siyang tumango sa akin, “Oo Ms. Kim, doon palang nag-taka na ako dahil sa pag-kakaalam ko nga ay wala ka pang na-iinterview simula kanina— at napakabilis naman kung na-hire na agad siya,” tugon naman sa akin ni Yumi.At nang sabihin niya iyon sa akin ay agad akong napatingin kay Bia,“Alam kong hindi ka okay Bia, kaya nananahimik ka lang—pero sana hindi na ito maulit okay? Dahil alam mo kung gaano natin kinaiingatan ang kompanya ng sir Miguel mo, lalo na ako na ako pa ang namamahala, ayoko na maliitin ng kabila ang napalago ni Miguel, okay ba yun?” pahayag ko naman kay Bia,Nang dahan-dahan siyang tumingin sa akin, at tumango.“Akon a po ang bahalang kumausap sa mga nag-aa
Pag-pasok ng Agosto ay isang malaking pag-diriwang ang nasimulan,Alex’s point of viewNasa altar na ako—nang biglang itinuro na sa akin ni Paul si Kim na nasa pintuan na ng simbahan, at mag-sisimula ng mag-lakad papalapit sa akin. Habang nakikita ko siyang papalapit sa akin ay doon na nag-simula ang pag-tulo ng aking luha, at nang makita ako ni Paul ay tinapik-tapik niya ako sa akin likod,“Talagang ipinaubaya parin sayo ni Kuya Miguel sa Ate Kim, at doon palang nakikita ko ng napaka-swerte mo,” pahayag niya sa akin,Agad naman akong napatingin sa kaniya, at ngumiti sa kaniya.Nang nasa harapan ko na si Kim, ay agad akong nag-mano kayna Tita Alejandro at Tita Lucy ngunit nang pag-mano ko kay Tita ay agad niya akong niyakap at binulungan niya ako,“Si Kim na yan—alagaan mo siya ha,” pahayag naman niya sa akin,At agad naman akong tumango sa kaniya, nang umimik din naman si Tito“Ito na ang kamay niya,” pahayag nito habang iniaabot na sa akin ang kamay ni Kim,Nang kunin ko ang kamay n
Alex’s point of viewHabang nag-iisa ako sa kwarto sa ospital at hinihintay sina Yumi at Paul na makabalik, ay biglang may pumasok sa aking kwarto na isang lalaki na hindi ko kilala kaya’t agad naman akong kinabahan at natakot na baka kung anong gawin niya sa akin,“Who are you?! what are you doing here?!” sigaw kong patanong sa kaniya,Ngunit nananatili siyang nakangiti at naupo siya sa upuan na katabi sa akin,“Alam mo—wag kang matakot sa akin, dahil wala naman akong gagawin sayong masama. Gusto lang kitang dalawin para sa mom mo, dahil gusto niyang malaman kung kamusta ka na, lalo na at nalaman niya kay Calypso na nabaril ka niya,” tugon naman niya sa akin,At nang marinig ko na binanggit niya ang aking ina, ay agad naman akong nawala sa aking mood.“You know what, umalis ka na dito dahil wala akong kailangan sayo at wala din akong kailangang malaman tungkol kay mom dahil tapos na kung anong meron sa amin okay? So you better leave,” saad ko naman sa kaniya,Napailing naman siya at
Calypso’s point of viewHabang nasa presinto kami, at wala pa si mom ay kinausap ako ni dad nang kami lang—Tila balisa ako sa nangyari, kaya’t hindi ako ganoon kadali makausap,“Wala ka na sa tamang pag-iisip Calypso, dapat alam mo kung saan ka lulugar hindi yung ganito—tingnan mo ang ginawa mo, pinaputukan mo si Alex and now he’s in hospital,” pahayag niya sa akin habang napapailing siya dahil sa aking ginawan,Ngunit habang nasa kalagitnaan ako ng sermon ng aking ama, ay biglang pumasok ang aking in at agad-agad na ibinaba ang kaniyang dala-dalang bag. Laking gulat ko noon na bigla niya akong sinampal ng malakas,“What the hell Calypso! Ano itong pinasok mo! Hindi mo ba alam na ikakasama mo ito?! Ngayon! Paano ka namin pyapyansahan ha? Sa tingin mo hahayaan ka namin makalaya ngayon nang dahil sa ginawa mong kalokohan? At saan galing ang baril mo!? Saan!” sigaw naman sa akin ni mom,Hindi ako nakaimik at derederetsong tumulo ang luha ko,Nang bigla siyang kinausap ni dad, “Anong sin
Alex’s point of viewNang maihatid ko na si Kim sa kanilang kompanya, ay tumungo na ako sa aking opisina ngunit nang makarating ako sa opisina ay bigla akong sinalubong ng aking assistant at agad akong kinausap.“Good morning, sir, mabuti po at nakarating na kayo—kanina pa po kasi tumatawag si Mr. Jordan, at may appointment po kayo ngayon sa restaurant niya kung saan doon gaganapin ang kanilang event, ano pong sasabihin ko sa kaniya?” pag-bati niya sa akin nang may kasunod na pag-tatanong.Nang sasagot sana ako sa kaniyang tanong, ay biglang nag-ring ang aking cellphone. Kaya’t agad ko naman itong sinagot,“Hello?” tugon ko naman,“Good Morning Mr., Alex, sorry kung naabala kita—nabanggit ko kasi sa assistant mo na mag-meet tayo in person?” saad naman niya sa akin,Nang agad naman akong umimik sa kaniya,“Ahm—Yes sir, Good morning. Yes po, nabanggit ng assistant ko ang about sa meeting natin, and I guess makakapunta ako diyan right now. Just wait me their sir,” tugon ko naman sa kaniy
Kim’s point of viewHabang masaya kaming kumakain nina mama at nag-kekwentuha, ay biglang may narinig kaming nasigaw sa labas ng bahay. Laking gulat namin nang biglang pumasok si yaya at tumakbo papalapit sa amin, kaya’t kami ay napatigil sa aming mga ginagawa.“Ya? What’s happening? Sino ang sumisigaw sa labas?” tanong naman ni mama sa kaniya,Tarantang sumagot si yaya dahil sa hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin,“Hindi ko po kilala eh—babae po siya madam, hinahanap po si Sir Alex,” tugon naman niya kay mama,At nang patayo na sina mama at papa ay agad naman akong tumayo at umuna na sa kanila.“Mama, ako na—ako na ang kakausap sa kaniya,” saad ko naman sa kaniya,At doon ay tumungo ako sa labas, at hinarap si Calypso.At nang makita ko siya ay agad siyang nag-salita,“Oh, mabuti naman at naisipan mong lumabas? Ilabas mo si Alex ngayon na!” sigaw niya sa akin,Napangisi naman ako sa kaniyang pag-kakasabi at lumabas pa ako para sa kaniya upang makaharap siya.“Wow, bakit ko
Mag-iisang taon ang lumipas ay naging matatag ang relasyon ng dalawa ni Kim at Alex,Alex’s point of viewHabang nag-lalakad kami sa tabing ilog, malapit sa restaurant ni Paul ay naisipan kong kausapin siya,“Ahm—Kim? are you happy? Na kasama na ulit ako?” tanong ko naman sa kaniya,Napatingin naman siya sa akin nang sabihin ko iyon sa kaniya, at agad na ngumiti sa akin.“Bakit Alex? Mukha bang hindi? Do I look creepy para hindi maging masaya? Mag-iisang taon na nga tayo eh, at kahit paikot-ikot diyan ang ex-wfie mong si Calypso, naging matatag parin tayo, at hinangaan kita sa part na yun,” tugon naman niya sa akin,Natahimik naman ako sa sinabi niya, at habang tahimik ako ay bigla naman siyang nag-tanong,“Alam mo madili na dito, pero dito mo pa naisipang pumunta no? pumunta tayo kasi itatanong mo lang yan sa akin Alex?” tanong naman niya,Natawa naman ako nang kaniyang sabihin iyon sa akin,“Ano ka ba, ang sarap kaya sa feeling na nag-tatanong ng ganoong bagay—habang may malakas na
Kim’s point of viewNang makatapos na ang aming pag-uusap ng harapan nina mama at papa ay agad na akong bumalik sa aking kwarto. Nang makaupo ako sa aking kama, ay agad na tumunog ang aking cellphone at laking gulat ko nang makita ang pangalan ni Alex kaya’t agad ko iyong sinagot,“Hi, bakit gising ka pa?” nauna kong pag-tatanong sa kaniya,At nang gawin ko iyon ay natawa siya, “Talagang naunahan mo ako ah—” saad naman niya sa akin,Napangiti naman ako, “Pero bakit nga gising ka pa? hindi ba nag-good night ka na kanina?” tanong ko naman sa kaniya,“Hindi ko rin alam—I just can’t sleep, baka dahil sa hindi ko akalain na sasagutin mo na ako kanina—” pag-tugon naman niya sa akin,Napahinga naman ako ng malalim nang sabihin niya iyon sa akin,“Ano ka ba, hindi mo naman kailangan irason yan eh—pero alam mo ba may sasabihin ako sayo,” pahayag ko naman sa kaniya,Naging interesado naman siya sa aking sasabihin kaya’t agad siyang nag-tanong,“What is it? bad news ba? Or good news?”“Kanina, l
Alex’s point of viewHabang hawak-hawak ko ang kamay ni Kim, ay biglang napatingin sa amin sina Yumi at Paul at tumingin din sila sa aming kamay na tila nag-tataka,“Wait—anong ibig sabihin niyan? Bakit may pa-hawak kamay na ngayon?” tanong naman ni Yumi sa amin,Nang dahan-dahan ko sanang aalisin ang kamay ni Kim sa aking kamay ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko at tumingin sa akin at tumango,“Kami na Yumi—hindi ko na pinatagal,” tugon naman niya sa kaniya,Hindi nakaimik ang dalawa ni Yumi at Paul nang sabihin iyon sa kanila ni Kim,Kaya’t napatango nalamang sila, at nang talikuran nila kami ay bigla silang nag-parinig—“Ah—may love life na pala love, tara na—pwede na natin silang iwanan,” saad naman ni Yumi kay Paul.Nag-katinginan kami ni Kim nang sabihin iyon ni Yumi, at natawa sa sinabi ni Yumi.Habang nag-lalakad-lakad na kami, ay agad niya akong kinausap.“Ahm—balak mo ba kaninang itago sa kanila ang tungkol sa atin?” tanong naman niya,Nagulat naman ako sa tanong niy
Alex’s point of viewNang makabili na kami ng t-shirts at nang makapag-palit na kaagad, ay muli kaming nag-kita-kita sa isang upuan. At nang mag-sidatingan na sina Yumi at Kim,Ay muli ng nag-aya si Yumi, at hinila-hila na naman si Kim papunta sa gusto niyang rides. At nag-aya na siya sa isang bump car kung saan sasakay kami sa isang maliit na sasakyan at makikipag-bungguan sa kahit kanino.At doon ay muli nang umimik si Yumi,“So? Dating gawi, kasama ko si Paul—at ikaw naman Kim, kasama mo si Alex, mas maganda kung may kasama—baka kung mapaano pa ang isa sa atin no, hindi naman tayo pro driver,” pahayag naman ni Yumi,Natawa naman ako nang sabihin niya iyon, at nang makapila na sina Yumi ay pumila narin kami ni Kim.Napansin kong tahimik lang si Kim ngunit nangiti siya pag nag-eenjoy sa rides na pinupuntahan namin, at habang nakapila kami ay agad ko siyang kinausap,“Kim? naiilang ka parin ba sa akin? I noticed na mukhang naiilang ka eh, at napapatahimik ka nalang,” pahayag ko sa kan