Kim’s point of viewNang makarating ako sa aking opisina ay agad kong pinapunta si Yumi sa aking opisina ganoon din ang aking assistant na si Bia, at doon ay kinausap ko silang dalawa.“Mabuti at nalaman mo ang ginawa ni Hernandez, ipinakilala ba niya sayo ang babae?” tanong ko naman kaagad kay Yumi,Nang agad naman siyang tumango sa akin, “Oo Ms. Kim, doon palang nag-taka na ako dahil sa pag-kakaalam ko nga ay wala ka pang na-iinterview simula kanina— at napakabilis naman kung na-hire na agad siya,” tugon naman sa akin ni Yumi.At nang sabihin niya iyon sa akin ay agad akong napatingin kay Bia,“Alam kong hindi ka okay Bia, kaya nananahimik ka lang—pero sana hindi na ito maulit okay? Dahil alam mo kung gaano natin kinaiingatan ang kompanya ng sir Miguel mo, lalo na ako na ako pa ang namamahala, ayoko na maliitin ng kabila ang napalago ni Miguel, okay ba yun?” pahayag ko naman kay Bia,Nang dahan-dahan siyang tumingin sa akin, at tumango.“Akon a po ang bahalang kumausap sa mga nag-aa
Yumi’s point of viewNang makarating kami sa bahay, ay nadatnan namin sina mama at papa na nanunuod sa sala ngunit si Kim naman ay nag-derederetso sa kaniyang kwarto.At nang makalagpas si Kim, ay agad akong tinanong ni Mama,“Oh? Napaano si Kim? Is she okay?”Napakamot ako sa aking ulo, at dahan-dahan akong umiling.“Mama, mukhang nakakapagod na araw ito sa kaniya ngayon. Sa tingin ko hayaan nalang muna natin, naalala na naman niya si Miguel noong bumibili kami ng pag-kain, at may nangyari sa—” putol kong pag-kakasabi nang bigla akong hinawakan ni Paul,Ngunit muling nag-tanong si mama,“Oh? Anong nangyari? Sabihin mo na Yumi—hindi yung pati yan itatago mo pa sa amin ng papa mo,”Huminga ako nang malalim at agad kong itinuloy sabihin iyon,“Ahm—actually po, may nangyari na naman sa kompanya. Talaga pong hindi tinitigilan nina Alex ang pag-kuha ng design ni Miguel sa atin, at nag-hanap pa talaga sila ng kasabwat sa isa sa mga designers natin,” tugon ko naman sa kaniya,Nagulat si mama
Alejandro’s point of viewNang makalabas ako ng kwarto ni Kim, ay biglang bumungad na ang aking asawa na si Lucy sa pintuan. At nang makita niya ako at nang sarhan ko na ang pintuan ay agad niya akong tinanong,“Kamusta si Kim?” tanong naman niya kaagad sa akin,Napailing naman ako nang mag-tanong siya, “I think mukhang kailangan na ako muna ang mag-manage ng kompanya, kaya sinabi ko sa kaniya na mag-pahinga muna siya hanggang sa maging okay siya. Hindi makakatulong sa kaniya kung palagi siyang ganiyan, tuwing naaalala niya si Miguel,” tugon ko naman sa kaniya,Nang makarating kami sa kwarto ng aking asawa ay patuloy parin kaming nag-uusap,“So? Kailan ka mag-sstart mag work?” tanong naman niya muli sa akin,“I think bukas? Wag na muna natin ipush si Kim na mag-work lalo na ang sariwa pa sa kaniya ang mga nangyari,” tugon ko naman sa kaniya.Tumango naman si Lucy nang sabihin ko iyon sa kaniya, “At dahil gusto mong ikaw muna—tutulungan kita at sasamahan palagi sa company para naman hi
Alex’s point of viewNang sabihin ko iyon kay mom ay laking gulat ko nang muli siyang umimik,“Ano bang nangyayari sayo ha? Hindi pa ba sapat ang ginagawa namin ng asawa mong si Calypso para sayo? Bakit hindi ka nalang maging masaya sa ginagawa namin para sayo at hindi yung mag-rereklamo ka nalang ng basta-basta diyan ah?” saad sa akin ni mom at muli akong napatingin sa kaniya,“Why mom? Did you ask me first bago mo gawin ang ganiyang bagay? You what? Gusto ko ng malinis na trabaho, at hindi yung ganyan na kailangan pa nating kumuha ng ibang designs para mag-karoon ng intrest ang ibang tao na hindi naman talaga sa akin, you get my point mom? Ang problema nalang kasi palagi sa inyo, sarili niyo lang ang iniisip mo and not mine!” pasigaw kong pag-kakasabi sa kaniya,Nang biglang pumasok sa calypso sa aking opisina,“What’s happening here? Babe? Bakit mo naman sinisigawan si Mom?” tanong naman kaagad sa akin ni Calypso nang marinig niyang nag-sisigawan kaming dalawa ni mom,At napailing
Calypso’s point of viewNang makauwi ako sa bahay ay agad na bumungad sa akin si Tita Melody, at nakita niya kung paano ako hindi mapakali,“Your home na hija, bakit parang may kakaiba sayo? May nangyari ba? Tell me,” pahayag kaagad sa akin ni tita Melody,Nang agad akong tumingin sa kaniya at lumapit, at napahawak sa kaniyang mga kamay.“Mom—nakausap ko kanina si Alex, at parang unti-unti na niyang maaalala kung anong meron kay Kim, kanina lang sinabi niya sa akin na sumagi si Kim sa ala-ala niya. Anong kailangan kong gawin mom? Natatakot ako na baka malaman n ani Alex ang buong katotohanan,” pahayag ko sa kaniya,Nang biglang dumating si Alex, At agad niya akong hinanap ngunit dalawa kami ni Tita Melody ang kaniyang nakita.“Mom! Mom! Aminin niyo nga sa akin! Anong meron sa amin ni Kim before ha? Bakit nasa ala-ala ko siya kanina? Bakit ko siya kasama?!” tanong na pasigaw ni Alex sa kaniyang ina,Nang agad akong ipinalikod ni Tita Melody, at siya ang humarap dito“Sige sigawan mo p
Kim’s point of viewKinaumagahan habang nakain kami ng almusal kasabay sina mama at papa, ay bigla kaming may narinig na nag-kakagulo sa labas ng bahay kaya’t agad na tumayo si mama at tiningnan kung ano ang aming naririnig.At nang bumukas ang pinto, ay laking gulat namin nang makita ni mama si Alex na nasa pintuan.“Wow? Alex? Anong ginagawa mo dito? Agang-aga nang-gugulo ka dito sa pamamahay ko,” tanong naman ni mama sa kaniya,“Tita, kailangan kong kausapin si Kim—hayaan niyo ako kausapin siya, nasaan siya?” tanong naman ni Alex sa kaniya habang nag-pupumilit na pumasok nang bigla niya akong nakita.“Kim! Kim?! Please kausapin mo ako—gusto ko lang malaman lahat!” putol niyang pag-kakasabi sa akin nang muli siyang kinausap ni mama,“Wala kang dapat malaman Alex dahil hindi naging parte ng buhay mo si Kim—kung ano man yang sinasabi mo na naala-ala okay? Kaya please, bumalik ka na sa inyo dahil wala kang mapapala dito kung hindi kahihiyan lang,” saad naman sa kaniya ni mama,Nang big
Tita Melody’s point of viewPag-sapit ng alas-dyis ng gabi nang lumabas ako sa aking kwarto ay nadatnan ko si Calypso na nasa ibaba sa salas at mag-bubukas na ng alak, kaya’t agad akong bumaba upang siya ay pigilan at agad ring sumigaw.“Calypso! Hija?! What are you doing?!” sigaw ko naman sa kaniya,At nang makababa ako ay agad kong hinawakan ang bote na kaniyang hawak-hawak at agad na ipinatong sa ibang mapapatungan.“Ano ba mom?! Kailangan ko ito! Alam niyo kung ano ang pinag-dadaanan ko!” sigaw naman sa aking ni CalypsoDoon ay nainsulto ako nang kaniyang sabihin iyon, “Bago mo gawin yan naisip mo ba mun ang anak mo na nasa sinapupunan mo? Alam mong bawal yan hindi ba?! Bakit mo ginagawa yan sa apo ko?!” sigaw ko naman sa kaniya ng patanong,Napangisi naman sa akin si Calypso nang aking sabihin iyon sa kaniya,“Wow mom—naisip niyo yan pero hindi niyo naisip ang anak niyo na palagi ng nag-hahabol kay Kim? Tapos papasok sa isip niyo itong anak ko? Sa tingin niyo mabubuo kaming tatlo
Alex’s point of viewIlang oras din ang lumipas, ay nakarating na rin kami sa America—Mabilis lang din ang byahe sa New York, at nang makarating kami sa aming destinasyon ay agad na kaming pumasok at bumungad sa amin ang aking lolo sa side ni mom.“Apo Alex! Welcome back!” pag-bati sa akin ni Lolo,Agad ko naman siyang niyakap, “Thanks lo, were finally back—” tugon ko naman sa kaniya,Nang mayakap ko siya, ay sumunod namang yumakap at bumati sina mom at ang aking asawa na si Calypso.“Ito na ba ang asawa mo? Mukhang nalaki yata ang tiyan niya ah? wag niyong sabihing—” putol niyang pag-kakasabi sa amin nang mapansin niya ang tiyan ni Calypso,At doon ay dahan-dahan naman akong tumango sa kaniya, at agad naman siyang natuwa nang kaniyang malaman na buntis si Calypso.“Mag-kakaapo na ako sa tuhod?! Congrats apo ko!” pahayag naman niya sa akin,“Thank you lo, lalaki na ang lahi natin,” saad ko naman sa kaniya,Habang nag-uusap-usap pa sina lolo at mom, ay tumungo naman ako sa aming kwart