Pinagpapawisan ng malapot si Ali habang nakaupo sa silya sa harap ni Senior Faustino, ang ama ni Eros. Kagigising lamang nila ni Penny kanina nang makatanggap ng tawag ang babae. Ang utos ng senior ay ang dalhin siya sa Heritage Ville at sa bahay ng magulang ng binata.Noong marinig niya ang utos ng senior at ang makapangyarihang boses ng matanda ay hindi niya maiwasang kabahan. Bigla siyang natakot ng hindi niya maintindihan kung bakit. Ang utos pa ng senior ay dapat trienta'y minutos ay naroon na sila.Dahil sa tono ng matanda ay biglang bumalik sa isipan niya ang nangyari kahapon. May hinala siya na baka may inutusan itong sundan siya at narinig lahat ng mga sinabi niya. Tapos sinumbong sa ama ni Eros kaya ito at pinatawag siya.Pagdating nila rito ay sa study room sila pumunta ni Penny ngunit naiwan ito sa labas at tanging siya lamang ang pumasok. Hindi lamang si senior ang nandito kundi pati na ang ina ni Eros na si senyora Camila.Their piercing gaze was like a sharp razor penet
Nagkulong sa kuwarto si Ali pagka-uwi nila. Kahit na anong tawag ni Penny sa kanya ay parang bingi siya at walang naririnig. Gusto kasi niyang mag-isa muna.She felt heavy-hearted and stuffy inside. Pero ayaw niyang mag-hyperventilate siya kaya kahit na umiiyak siya ay paulit-ulit siyang humuhot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Pero hindi pa rin nabawasan ang kirot na nararamdaman niya. The extreme pain was insufferable.Umalingawngaw sa utak niya ang sinabi nilang layuan niya si Eros. And when she thought of not seeing him she felt very unsettled. It's unbearable!Pero ano ang gagawin niya kung pinapalayo na siya ng magulang nito? Saan naman siya pupunta? At paano ang pag-aaral niya. Ngayon pa na mahal na niya ang lalaki saka naman matuklasan ng pamilya nito ang trabaho niya?At sino ba kasi ang nag-record ng usapan nila ni Penny kahapon? Wala naman siyang kaaway upang atakihin siya ng ganito. Wala siyang binangga na alam niyang magagalit sa kanya. O kaya ay sino ba an
Sa araw din na ito ay palihim na lumabas ng bahay si Ali bitbit ang mga gamit niya sa eskwela. Nakasuot siya ng sunglasses para itago ang namumugtong mata niya. Itinaon niyang naliligo si Penny at mabilis siyang kumilos para hindi siya maabutan ng babae. Naisip niya kasi na ngayong tumawag si Eros ay paniguradong pabalik na ito.Pagkatapos niyang sabihin ang gusto niyang iparating sa lalaki ay ayaw niyang harapin ito. Baka mapilitan siyang aminin dito ang sinabi ng magulang nito. Isa pa ay kung aaminin niya rito ay siyempre kailangan din niyang sabihin ang tungkol sa litrato kung saan siya hinalikan ni Diego. Alam niyang galit ang binata sa pamangkin nito dahil sa closeness nila. Kaya kapag natuklasan nito ay hindi niya alam kung paano sasabog na naman si Eros.Agad siyang sumakay ng jeep nang masigurong hindi siya sinundan ng dalaga. Huminga pa siya ng malalim at pinunasan ang pawis niya sa noo. Nagpadala na siya ng mensahe kay Bree na pansamantalang makikitira siya sa apartment nito
“Uy! Ali!” tawag ni Bree sa kaibigan na nakahiga sa lapag. Hindi na makatayo ang dalaga dahil sa kalasingan. Namumula ang mukha at leeg nito at umuungol. O kaya naman ay may sinasabi ito pero hindi niya maintindihan.Muli ay niyugyog ni Bree ang dalaga at nang itulak nito ang kamay niya at umungol lang ay namaywang siya. Nilukutan niya ito ng ilong.“Sabi ko na, eh! Uy, hindi pa natin nauubos iyong binili kong alak. Iisa pa lang ang nataob natin!” sabi niya at tinulungan itong maupo. Sumandal ito sa sofa ngunit nakapikit pa rin at hindi man lang nagmulat para tignan siya.“‘Yoko na!” Suminok ito at winagayway ang kamay sa kanya. “N-Nasusuka— ugh…”“Hoy! Teka muna! Huwag dito!” bulalas niya at pilit itong itinayo.“Hmn! I don't want to!” reklamo ni Ali at tinabig ang kamay niya.“Anong sinasabi mo riyan— Ali!!” sigaw niya nang tuluyang sumuka na ito at napunta pa sa paa niya iyong iba.Napahawak siya sa noo at hindi alam kung ano ang gagawin niya. Huminga siya ng napakalalim para kalma
Ali dazedly opened her eyes and stared at the white ceiling dumbly. Animo sasabog ang utak niya at humihilab ang tiyan niya na parang masusuka siya. First time niyang uminom kaya pakiramdam niya ay humiwalay na ang kaluluwa niya sa kanyang katawan dahil sa hangover. Parang lasing pa nga siya hanggang ngayon dahil blurred ang paningin niya.Mariing pumikit siya at napaungol habang sinasabunutan ang kanyang buhok na parang sa paraan na ito ay maiibsan ang kirot sa kanyang ulo. Ngunit useless pa rin kumikirot pa rin ito. Kung alam lang niya na ganito ang magiging kahihinatnan ng paglalasing niya ay hindi siya uminom. Dahil tama nga iyong iba na uminom ka man at pansamantalang makalimutan mo iyong sakit pero ‘pag nahimasmasan ka naman ay bumalik na nga iyong sakit tapos nadagdagan pa ng hangover.“Did you have s*x with him?”Animo nabuhusan siya ng nagyeyelong tubig nang marinig ang malamig at malagom na pamilyar na tinig ni Eros. Napabalikwas siya ng bangon at namumutlang napatingin sa l
Walang kagana-ganang nag-ayos siya ng kanyang sarili. Pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto. Gusto na niyang umalis dito bago pa malaman ng magulang ni Eros na nandito na naman siya sa bahay ng binata. Ngunit nang nasa may punong hagdan na siya ay namanhid ang buong katawan niya. Dahil sa ibaba, sa malawak na sala ay naroon ang ina ni Eros at kausap ang lalaki. Pero agad napatingin sa kanya nang bumungad siya.Agad na lumarawan ang disgusto sa mata ng ginang nang magtama ang mata nila.Napakagat labi siya at hindi alam kung papanaog na ba siya o kaya ay babalik muli siya sa kuwarto. Dahil kahit na ilang metro ang layo nila ng ginang ay nanunuot sa bawat buto niya ang nakakamanhid na tingin nito. Kulang na lang ay duruin siya nito.“What are you still doing up there? Come down already,” tawag ni Eros na tumingala rin sa kanya.Kahit na tutol ang kalooban ay mabagal na bumaba na siya ng hagdan. Nagyuko pa siya dahil ramdam niya ang nakasunod ang mata ng ginang sa kanya. Ngunit nang humi
Maghapon na wala sa sarili si Ali. Lahat ng mga sinabi ng professor nila ay walang pumasok sa kokote niya. Lumilipad ang utak niya kung saan at ‘di siya makapag concentrate.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang salitang ‘wife’ na binanggit ng ina ni Eros. At aminin man niya o hindi ay minsan na niyang pinangarap na sana asawa na siya ng binata. Dapat nga ay sa sandaling ito'y ito ang nasa imahinasyon niya dahil inamin mismo ni eros na mahal siya nito. Pero hindi niya magawa dahil iba ang tumatakbo sa utak niya ngayon.Kasalukuyan na nandito siya sa garden niya at binubunot ang ligaw na damo sa paligid ng tanim niyang kamatis. At dahil nga para siyang nililipad ay hindi sinasadyang nahila niya ang namumulaklak na tanim niya.Malutong siyang napamura at mariing pumikit. Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya magawang umakto na maayos ang lahat. Kaya ito at siya rin ang sisira sa thesis niya. Kaya naman bago pa niya mabunot ang mga tanim niya huminto na siya. Nagpasya siyang
Tanging manipis na nighties ang suot niya habang nakaupo sa gilid ng kama. Hinihintay niya ang pagdating ni Eros. Pero hindi siya nakakaramdam ng excitement kundi bahaw ang pakiramdam niya. Iyong pagmamahal na dapat ay nagbibigay ng saya sa kanya ay naging lungkot.Marahas na huminga siya at sinulyapan ang oras sa cellphone niya. Treinta'y minutos na late na ang binata. At hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung madidismaya ba siya, malulungkot o kaya ay makakahinga ng maluwag dahil hindi ito darating.Nagpasya siyang lumabas muna ng kuwarto at pumunta sa kusina dahil nauuhaw siya. Ngunit napatalon siya sa gulat nang makita ang pigurang nakaupo sa sofa. Ni hindi ito tuminag o napalingon sa kanya. Basta tahimik lamang si Eros na sumisimsim sa kopita na may laman na alak.Nagtaka siya dahil hindi naman niya narinig ang pagdating ng sasakyan nito.At bakit nandito lang ito at nakaupo? Ang awra pa na nakapligid dito ay nakakatakot at nakapanindig balahibo.Iignorahin sana niya ito
“Mama, bakit kailangan mo pong ilagay sa mga paso ang tanim mong petchay?” tanong ng sampung gulang na anak nina Ali at Eros na gumagawa ng assignment nito sa may maliit na mesa na nakalagay sa kanang parte ng kanyang harden.“Kasi kulang iyong kama na pinagtamnan ko, anak. Marami akong binhi at sayang naman kung hahayaan ko lang,” tugon niya sa tanong ng kanyang anak.“Eh, bakit palagi pong petchay iyong tinatanim mo? Naalala ko na nagrereklamo si Daddy na puro na lang petchay ang tinatanim mo gayong sa gabi ay kumakain siya ng petchay?” inosenteng tanong nito.Nalukot ag mukha niya nang marinig ang tinuran ng kanyang anak. Minsan ay gusto na niyang tirisin ang asawa dahil sa mga birong lumalabas sa bibig nito. Alam na nga nitong curious ang mga bata kapag may naririnig sila pero hindi pa rin nito mapigilan ang bunganga nito kapag nagsasalita.“Bakit naririnig ko ang pangalan ko?” singit ni Eros na pumasok ng greenhouse at may hawak na meryenda.Matalim na tingin ang iginawad niya ri
“What did that brat tell you?” tanong ni Eros kay Ali na katatapos lang naligo at tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang tuwalya.Natigil siya sa ginagawa at nilinga ang binata na nakasandal sa headboard ng kama. Hindi maipinta ang mukha nito at halatang pinipigilan lang nito ang ipakitang nagseselos ito. Pero hindi iyon naitago ng pagkakasalubong ng kilay nito.Kanina kasi na nag-usap sila ni Diego at pumasok ito ay naabutan nito nang magkayakap sila at tumatawa pa. Ora-orada tuloy na pinaalis nito ang pamangkin at simula ‘nun ay ramdam niya na bad mood ito. Hindi rin siya nito kinakausap at ngayon lang siya nito pinansin.“Wala naman,” kibit balikat na tugon niya. Sinasadya niyang balewala ang pananahimik nito dahil natutuwa siyang makita ang pagseselos nito na kahit pilit nitong tinatakpan ay nahahalata pa rin niya. At gustong-gusto niyang tignan sng mga reaksyon nito na ngayon lang maliwanag niyang nakikita.Mas lalo pang nalukot ang mukha nito at lumaki ang mga ugat sa sentido nito
Days passed in the blink of an eye. Everything that happened in the hospital was already cleared by Eros’s parents. Like nothing happened from the start. Kung may lumabas man na balita ay hindi nabanggit ang pangalan ni Ali na halatang prinotektahan ng pamilyang Ramazotti ang privacy ng dalaga. Gusto nilang kapag lumalabas siya at naglalakad sa sidewalk man o kahit saang lugar ay hindi siya tinitignan ng mga tao na isa siya sa naging biktima ng mga babaeng nakatikim ng drugs kahit pa labag sa kanyang kalooban. She was protected from gossip that will ruin her life. And that's thanks to Eros that she has the privilege to avoid being the subject of their stories.Sa ngayon ay na-discharge na rin si Ali sa hospital at nakauwi na sila sa Heritage Ville. Hindi na siya pinayagan ng binata na umuwi sa kanyang bahay at balak na nitong ibenta iyon pero tinutulan niya. Sa una ay ayaw ng binata ngunit nakiusap siya. Nang tinanong siya nito kung bakit ayaw niyang ibenta ang bahay ay nag-alangan si
Subalit hindi pa rin magawa ni Ali na kumalma. She kept on trembling while tears streamed down her eyes. Nanlalamig din ang buong katawan niya habang naglalaro sa imahinasyon niya ang kung ano mang ginawa sa kanya habang wala siya sa katinuan. Animo masusuka siya habang iniisip lahat ng mga senaryong tumatakbo sa utak niya.Ngumisi ang lalaki nang makita ang reaksyon ni Ali.“Alam mo ba kung sino dapat ang sisihin mo kung bakit nangyayari sa'yo ang lahat ng ito?” Bumangis ang mukha nito at itinutok ang baril sa mag-asawang Ramazzotti. “Ang anak ng dalawang ‘to ang may sala. Si Eros ang nagdala ng kapahamakan sa buhay mo.”Pagkatapos niyong sabihin iyon ay kinalabit nito ang gatilyo at tumama iyon sa dingding. Halatang pinaglalaruan sila ng lalaki dahil humalakhak pa ito at kay Don Faustino naman niyo tinutok ang baril.“Siguro’y hindi mo ako naalala, Don Faustino. Ang mga magulang ko ay dating kasambahay ng pamilya ninyo pero dahil lamang kay Eros na anak ninyo ay nakulong ang aking m
Kumakain si Ali ng orange nang bumukas ang pinto ng private room niya at pumasok si Eros. Napakurap siya at napanganga nang mabistahan ang hitsura at outfit ng binata ngayon. Alam niyang may pupuntahan itong interview ito mamayang after lunch at akala niya ay three piece suit ang isusuot nito ngunit natulala siya nang makita ito ngayon.Puting polo ang pang ilalim at grey vest ang ipinatong nito bago ang grey jacket suit. Kulay blue naman ang kurbata nito at grey pants ang pang-ibaba. His ink-blank hair was clean and well-kempt. Animo naging bata ito kaysa sa tunay na edad nito.Sa sandaling ito ay hindi pa rin niya mapigilan ang mamangha at ma-attract sa binata. He's already handsome in her eyes but everytime it was like he's even more handsome and attractive each day. Her heart quivered at the sight of him. She unconsciously wiped the corner of her lips.“Beautiful!” hindi niya napigilang ibulong at pinasadahan ng tingin ito mula ulo hanggang paa.Eros paused and raised his eyebrows
Abala si Eros sa harap ng kanyang laptop at inaayos ang mga bagay na ginawa ni Dylan. Ang pamilya ni Mr Wang ay maayos na ring nakabalik sa kanila at naging eyewitness rin ang una. Ang iba pang mga empleyado na na naapektuhan sa gulong ginawa ng pinsan ay nabigyan na rin nila ng compensation. Mabuti na lang at hindi agad nakatunog ang ibang investors at hindi sila umatras.He remembered when Dylan said he will agree to let Ali go if he agrees to split the business. But it's impossible to complete such actions in a short period of time. Though, he's still confident that everyone will object if he does so. There are a lot of people in the Ramazzotti group who despise Dylan and they will not support him even if he succeeded in his plan. They don't want to experience such turmoil if they divide the large business of Ramazzotti. Besides, if he agreed to it that night then every single employee of their business would lose their work in just a blink of an eye.Isa pa ay hindi siya isang tan
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy