Share

Kabanata 0003

Hawak-hawak ni Gavin ang isang bangkang keychain habang titig na titig siya rito. Naiwan ito ng babaeng nakaniig niya limang taon na ang nakalilipas. Hindi niya nakita ang mukha nito dulot ng kawalan ng liwanag sa hotel room at labis na pagkalasing noong gabing iyon. Agad niya itong ipinahanap sa kaniyang mga tauhan ngunit nabigo ang mga ito dahil hindi nila alam ang tunay na pagkakakilanlan ng babae. Maging ang CCTV footage sa hotel noong araw na iyon ay hindi niya napakinabangan dahil biglang nagkaroon ng power outage at problema sa generator system ng hotel.

“Sir Gavin, may schedule po ulit kayo ngayong 7 P.M. sa Casa Balario. Huwag na huwag daw po kayong hindi sisipot sabi ng inyong lolo,” ani Brandon.

“Nakakailang blind dates na ba ako? Hindi pa ba nananawa si lolo? Kasi ako, sawang-sawa na ako sa mga pakulo niya.” Pinaikot ni Gavin ang keychain sa gitnang daliri niya. Kumunot ang kaniyang noo nang may napansin siyang nakaukit na pangalan sa loob ng bangka. “Avva Mendez,” bulong niya. Bigla siyang napatayo. “Brandon, gather our people. Locate this woman as soon as possible. A-attend ako sa blind date mamayang gabi para hindi ka mapagbalingan ng galit ni lolo pero siguraduhin mong mahahanap mo ang babaeng ito bago sumapit ang araw ng bukas. Am I clear?”

“Avva Mendez? Siya po ba ‘yong babaeng nakaku—”

“I don't know but her name was engraved inside this little keychain,” Gavin replied. Gumanda bigla ang kaniyang mood. Nilingos niya si Brandon. “Anong pang tinitingin-tingin mo riyan? Hanapin niyo na ang babaeng ‘yon!” Ibinigay niya ang keychain kay Brandon para ipakita ito sa babae oras na matagpuan nila ito.

Kinuha ni Brandon ang keychain at yumuko. “Masusunod po, Sir Gavin.” Mabilis siyang lumabas ng opisina. Kailangan niya munang malaman kung ano ang hitsura ng babaeng ipinapahanap sa kaniya ng kaniyang amo bago sila mag-umpisang maglibot sa buong Monte Frusco.

“Finally, after five fúcking years. Matutuldukan na rin ang lahat ng mga katanungang naglalaro sa aking isip. Miss Avva Mendez, how dare you leave Gavin Thompson after you stained my reputation?” Ikinuyom ni Gavin ang kaniyang kaliwang kamao.

Five years ago, naging matunog sa media, magazines at tabloids ang mga Thompson dahil sa séx scandal na kinasangkutan ni Gavin. May isang paparazzi ang nakakuha ng kaniyang litrato kasama ang isang nakatalikod na babae. Nasundan sila nito hanggang sa makapasok sa loob ng hotel. Kinabukasan ay ipinabugbog siya ng kaniyang lolo dahil sa kahihiyang dinala niya sa kanilang angkan. Isang taon siyang nawalan ng suporta mula sa mga Thompson. Ang lahat ng kaniyang bank accounts, credit cards at maging mga membership sa iba’t-ibang clubs at organizations ay sinuspende ng kaniyang lolo. Pagkatapos noon ay apat na taon siyang namalagi sa Russia para pamahalaan ang kanilang ilang negosyo roon. Parusa pa rin ito sa kaniya dahil hindi niya mahanap ang babaeng kasama niya sa litrato. Simula nang magbalik siya ng bansa ay wala nang ginawa ang kaniyang lolo kung hindi ang ipares siya sa iba't-ibang babae na siyang nagpapakulo nang husto ng dugo niya. Sa lahat ng mga nakaharap at nakasama niyang blind dates ay wala siya ni isang natipuhan. Hindi pa rin kasi maalis sa isip niya ang babaeng nakaniig niya noong gabing iyon. Napakaraming tanong sa kaniyang isip na sa palagay niya ay malapit nang masagot oras na matagpuan ito nina Brandon.

Napatingin si Gavin sa kaniyang Patek Philippe wristwatch. Mag-aalas sais y medya na nang gabi. Kailangan na niyang pumunta ng Casa Balario para sa kaniyang blind date. Agad niyang dinampot ang kaniyang cell phone sa ibabaw ng mesa nang tumunog iyon. Isang mensahe mula kay Brandon ang dumating.

{“Sir Gavin, alam na po namin kung saan matatagpuan si Miss Avva Mendez. Pupuntahan na po ba namin siya o hihintayin po namin kayong matapos muna sa inyong blind date?”}

“Napakabilis naman talagang kumilos ni Brandon. Mukhang mabibigyan ko siya ng salary increase at bonus ngayong gabi,” wika ni Gavin bago siya nagtipa ng reply niya sa kaniyang cell phone. Umalis na rin siya ng opisina para pumunta sa Casa Balario. “Cheers to my LAST blind date!” he exclaimed.

~~~

“Avva, ikaw na muna ang bahala sa mga bata ha. May raket lang ako ngayong gabi. Tumawag kasi si Manager Anne. May VVIP client daw sila tonight eh kaso wala raw available na female waitress. Sayang din ang kikitain kasi galante rin daw magbigay ng tip ‘yong client nilang ‘yon. Patulugin mo na lang sina Matthan at Hope kapag alas siyete na ng gabi. May pagkain na rin diyan sa ref. Dito na lang din kayo kumain nina Hivo at Bia.” Dalas-dalas na nagbihis at nagsuklay si Maya. Naglagay na rin siya ng kaunting lipstick sa kaniyang labi.

“Wala ka bang delivery schedule tonight, Maya? Baka masuspende ka na naman ni Mang Julius kapag may nakaligtaan ka.” Inaayos ni Avva ang buhok ni Bia habang tinutulungan niyang magbihis si Hivo. “Mga anak, pumasok na muna kayo sa kuwarto. Makipaglaro na muna kayo kina Matthan at Hope. Tatawagin ko na lang kayo kapag handa na ang pagkain,” aniya sa kaniyang mga anak. Mabilis naman siyang sinunod ng mga ito.

“Wala akong delivery schedule ngayon, Avva. Pasensya ka na ha. Biglaan na naman kitang pinapunta rito sa bahay. Medyo makalat pa rin dito kasi wala pa akong gaanong oras para maglinis. Alam mo na, busy tayong mga single mom sa pagkayod para may pantustos sa araw-araw na gastusin. Lalo pa ngayon, malapit nang pumasok sa kindergarten sina Matthan at Hope.” Kinuha ni Maya ang kaniyang bag. Nagtunugan ang sangkaterbang keychains na nakasabit doon. Mahilig silang mangolekta ni Avva ng mga keychains kapag pumupunta sila sa ibang lugar. Nilalagyan nila iyon ng kanilang maliliit na pangalan at nagpapalit sila bilang remembrance sa isa't-isa.

“Ano ka ba! Malapit lang naman ang bahay ko rito. Isa pa, wala naman din kaming kasama sa bahay. Mas masaya nga sina Hivo at Bia kapag naririto kami eh. Tuwang-tuwa silang makipaglaro kina Matthan at Hope.” Bumuntong hininga si Avva. “Hay! Kailan kaya tayo yayaman? Nakakasawa nang magtrabaho araw-araw. Nakakapagod at nakakalosyang nang bongga!”

Tumawa nang mahina si Maya. “Tigilan mo na kasi ang pagtaya sa lotto at sa juetEng. Ipunin mo na lang. Baka sakaling yumaman ka pa. Mas malaki nga ang kinikita mo araw-araw kaysa sa akin eh. Money management is the key, Avva. Alalahanin mong hindi na tayo tulad ng dati. Hindi na tayo basta-basta makakapagtapon ng pera.” Napatingin siya sa may wallclock. “Naku, six forty-five na! Baka mahuli ako sa raket ko. Maiwan ko na kayo ha!”

Bago tuluyang lumabas ng kaniyang bahay ay nagbeso at yumakap muna si Maya sa kaniyang matalik na kaibigan. “Maraming maraming salamat talaga, Avva! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka! Hulog ka talaga ng langit sa aming mag-iina! Paano? Ikaw na ang bahala sa mga bata ha!”

Pagbaba ni Maya sa may ground floor ay may nakasalubong siyang mga lalaki. Nakasuot ang mga ito ng itim na suit at pantalon. Dahil naging mayaman din naman siya noon, alam niyang mga bodyguards ang mga ito ng isang mayamang tao. Sinundan niya ng tingin ang mga ito. Mukhang patungo ang mga ito sa itaas.

“We need to find her tonight. Kailangan niyong maging mapagmatyag. Alam niyo na kung sino ang target natin. Alam niyo na rin kung ano ang hitsura niya. Kapag nakita niyo siya, agad kayong magbigay-galang. Tawagan niyo ako agad, maliwanag?” utos ni Brandon.

“Masusunod po, Sir B!” tugon ng mga kasamahan ni Brandon bago tuluyang umakyat papunta sa taas ng lumang gusali.

Nagkibit-balikat si Maya. Aalis na sana siya nang bigla siyang tawagin ni Brandon.

“Miss, sandali!”
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status