Share

Kabanata 0005

Simangot ang mukha ni Gavin habang nakatulala sa direksyon ng pinto. Ito ang unang beses na hindi dumating ng tama sa oras ang blind date niya. Limang minuto na siyang naghihintay. Kinuha niya ang kopitang may alak sa mesa at diretso iyong nilaklak.

“Lolo, is this your own doing?” Gavin gritted his teeth. Habang naghihintay sa kaniyang blind date ay sakto namang iniluwa ng pinto ang humahangos na si Maya.

Napatingin si Maya sa table kung saan naroroon ang VVIP client na pag-se-serve-van niya ng pagkain. Napapikit siya nang makita niyang hindi maipinta ang pagmumukha nito. Didiretso na sana siya sa kitchen para kunin ang mga pagkaing nakalaan para rito nang magdesisyon siyang dumaan muna sa table nito para humingi ng paumanhin. Naglalakad pa lamang siya palapit dito nang bigla siya nitong sinalubong. Nagulat siya nang pinisil nito ang braso niya at kinaladkad siya patungo sa table nito.

“Is this how your parents taught you? To waste someone's precious time? Do you know that my schedule is full? Do you even know how busy I am as a person?” Huminga muna si Gavin bago siya nagsalin ng alak sa kaniyang kopita at saka iyon muling nilaklak. “Why are you dressed like that? Are you insulting me? You came from a wealthy family yet you go out on a blind date with me wearing that trash?”

Napanganga si Maya. ‘Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito?’ Kumunot ang kaniyang noo. ‘Teka, parang pamilyar ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita?’

“Hey! Answer me! Hindi ka na nakakaintindi ng ingles o pipi ka kaya hindi ka nagsasalita?” Bakas sa mukha ni Gavin ang pagkainis.

“Maya, naririto ka na pala! Kunin mo na sa kitchen ang orders ng ating VVIP. Magsuot ka na rin ng proper uniform.” nakangiting wika ng kararating lang din na si Manager Anne. “Sir Gavin, good evening. I'm glad that you always choose our restaurant for your important meetings,” she said, smiling.

Biglang namula ang mukha ni Gavin. Dinampot niya ang bote ng wine at direkta nang uminom mula roon. He cleared his throat before he spoke. “She's a waitress?” he asked while pointing out Maya.

Tumango si Manager Anne. “Bakit, sir? May atraso po ba sa inyo ang aming empleyado?” Tiningnan niya si Maya na ngayon ay nagpipigil ng tawa.

Umupo si Gavin at umaktong walang nangyari. “Well, she's…She's late. I'm hungry. Go to the kitchen and serve my food.”

Yumuko si Maya. Ngumiti siya. “For a while po. Kindly wait for three minutes. Thank you,” aniya bago nagtatakbo patungo sa kitchen.

Inayos ni Gavin ang kaniyang coat at umaktong may itetext sa kaniyang cell phone. Naririnig niya ang mga bulungan ng iba pang customers sa loob ng restaurant.

“Sir Gavin, if you have additional concerns or requests, please don't hesitate to tell Maya. She will serve you this evening. Again, thank you for always choosing Casa Balario,” Manager Anne said before she left.

Sinuntok nang mahina ni Gavin ang mesa. Pulang-pula ang kaniyang mga tainga dahil sa kahihiyan. “Whoever is my blind date tonight will be banned from my lists forever,” galit na galit na wika niya.

“Sir, ito na po ang mga orders niyo,” nakangiting sambit ni Maya habang ibinaba ang mga pagkain sa mesa.

‘Looks like my blind date will not come tonight. Ano kaya kung…’

Aalis na sana si Maya nang bigla siyang tinawag ni Gavin.

“Hey, you!”

Itinuro ni Maya ang kaniyang sarili.

“Yes, you. Come and eat with me. Hindi ko mauubos ang lahat ng ito.” Nag-iwas ng tingin si Gavin pagkasabi niya noon.

‘Inaaya niya ba akong makipag-date sa kaniya?’ isip-isip ni Maya. “Pasensya na po, sir. We are not allowed to dine with our customers lalong-lalo na po sa aming mga VVIP. Isa pa, busog pa po a…” Natigil siya sa pagsasalita nang biglang kumulo ang kaniyang tiyan. “Ako, hehe.”

“Well, your stomach disagreed with what you said. Don't worry about the rules. Kilala ko ang may-ari nito. I can even pay you by just sitting here and eating with me. Hindi ba ikaw ‘yong babae kanina na nagtitinda sa may kalye? Hope’s mother, if I'm not mistaken.” Hindi maipaliwanag ni Gavin kung bakit magaan ang loob niya sa babaeng nasa harap niya.

Nanlaki ang mga mata ni Maya. “Sabi ko na nga ba! Ikaw si Mister Pogi eh.” Napatakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bibig dahil sa kaniyang sinabi.

Pinigilan ni Gavin na ngumiti. “My blind date for tonight, dumped me. I don't want to eat alone. I hope you can join me here. P-Please?” Iyon ang unang pagkakataon na nakiusap ang isang Gavin Thompson.

“Sige na, Maya. Pagbigyan mo na si Sir Gavin,” kantiyaw ng mga empleyado.

Nahihiya man ay sinaluhan din ni Maya si Gavin sa hapunan nito.

“By the way, nasaan pala ang ama ni Hope? She told me na hindi niya kilala ang kaniyang daddy. Totoo ba ‘yon?” Biglang sumubo ng pagkain si Gavin nang mapagtanto niyang masyadong personal ang tanong na ibinato niya kay Maya.

Ngumiti nang mapait si Maya. “Nasa abroad ang daddy niya. We're not in good terms kaya hindi ko na ipinakilala sa kaniya ang daddy niya,” pagsisinungaling niya.

Tumaas ang dalawang kilay ni Gavin. Nagpatuloy siya sa pagkain habang nakatitig kay Maya. ‘Her scent is familiar and her face… Parang matagal ko na siyang nakasama.’ Umiinom siya ng tubig nang napatingin siya sa screen ng kaniyang cell phone. Nang mabasa niya ang mensahe mula kay Brandon ay naibuga niya ang tubig na nasa bibig niya sa mukha nang kumakaing si Maya.

{“Sir Gavin, kasama na po namin si Miss Avva at ang mga anak niyo.”}

Kumuha si Maya ng tissue at pinunasan ang basang-basa niyang mukha. Magsasalita pa lamang sana siya nang biglang nagtatakbo si Manager Anne palapit sa kinaroroonan nila ni Gavin.

"Maya, kailangan mo nang umuwi. Nasusunog ang building na tinitirhan niyo," may pag-aalalang sabi ni Manager Anne habang ipinapakita ang live video nang nasusunog na gusali kay Maya.

Biglang nanghina ang mga tuhod ni Maya. Halos tumriple ang bilis ng tibok niya. Nangilid agad ang mga luha kaniyang mga mata nang maalala niya ang mga anak at kaibigan niya. Halos manginig na rin ang buo niyang katawan dahil sa takot at nerbyos.

"Sir, pasensya na po kung iiwan ko kayo at ang pagkain sa mesa pero kailangan ko na pong umalis. Kailangan ko pong puntahan sina Hope a----"

Tumayo si Gavin. Pinunasan niya ang kaniyang labi at saka nag-iwan ng pera sa mesa. "I'll go with you," he said without any hesitation.

Natulala si Maya sa sinabing iyon ni Gavin pero agad din siyang bumalik sa wisyo. "Si-Sige po. Manager Anne, dito na po muna ang bisekleta ko. Balikan ko na lang po bukas. Pasensya na po."

"No worries, Maya. Sige na. Umalis na kayo at palaki na nang palaki ang apoy," pagtataboy ni Manager Anne.

Tuluyan nang nabasa ang mga pisngi ni Maya. Napatingin siya sa kamay ni Gavin nang tapikin nito ang kaniyang balikat.

"Let's go. Don't worry. Hope will be fine. Let's pray for her while we're on our way." Hinawakan ni Gavin ang kamay ni Maya at inakay na ito patungo sa sasakyan niya.
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status