Humahangos na tumakbo si Maya patungo sa harap ng nag-aapoy na gusali kung saan naroroon ang kaniyang mga anak na sina Matthan at Hope. Halos matumba siya nang makita niya kung gaano na kalala ang sunog. Nanginginig ang kaniyang labi habang inuusal ang pangalan ng kaniyang mga anak.
“Hope…Matthan. Diyos ko! Iligtas at protektahan Mo po ang mga anak ko!” mahinang bulong ni Maya. Nag-uunahang tumulo ang kaniyang mga luha habang tahimik na nagdadasal.
Hindi malaman ni Gavin kung paano niya mapapagaan ang pakiramdam ng babaeng babago pa lamang niyang nakikilala. Nag-aalangan man ay nagawa niyang hawakan ito sa balikat. Hinaplos niya rin ang likod nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.
Halos gumuho ang mundo ni Maya nang makita niya ang sunod-sunod na mga bangkay na bitbit mga rescuer sa mga stretch beds. Biglang natuyo ang kaniyang mga mata. Mabigat man ang pakiramdam ng kaniyang paa na para bang may mga kadenang nakatali sa mga ito ay nagawa niya itong ihakbang. Lumapit siya sa isa sa mga bumbero. Nangangatal ang kaniyang mga kamay nang kinuha niya mula sa kaniyang bag ang kaniyang wallet at mula roon ay inilabas niya ang litrato ng dalawa niyang anak.
“Na-Nakita niyo po ba s-sila? M-May na rescue po ba kayong kamukha nila?” Basag na ang boses ni Maya at halatang anumang oras ay muli na namang tutulo ang mga luha niya.
Hinawakan ng bumbero ang litrato nina Matthan at Hope. Umiling siya. “Pasensya na po, ma’am. Sa dami po ng aming mga ni rescue, buhay at patay, ay hindi ko na po matandaan ang mga hitsura nila. Excuse me po. Kailangan ko na pong bumalik sa serbisyo.”
Tulalang napaupo si Maya sa may tabi ng kalsada. Nabitiwan niya ang litrato ng kaniyang mga anak at nilipad ito ng hangin patungo sa nag-aalab na gusali. Sinapo niya ang kaniyang dibdib at doon ay hindi na niya napigilang umiyak at sumigaw.
Napatingala si Gavin habang ginugulo ang kaniyang buhok. Kahit pa sabihing napakayaman niya at marami siyang tauhan ay wala siyang nagawa kung hindi ang pagmasdan ang lumalaking apoy sa harapan nila. Umupo siya at walang pagdadalawang-isip na niyakap si Maya. Iyon lang ang tangi niyang magagawa para rito. Nagulat siya nang biglang tumayo si Maya. Pinahid nito ang mga luha sa mata. Agad niyang hinawakan ang isa nitong kamay nang mapagtanto niyang nais nitong pumunta sa nag-aapoy na gusali.
“Maya, please don't go. Masyado nang delikado.” May pag-aalala sa tono ng pananalita ni Gavin.
“Let me go! My twins need me! Let me go!” Maya yelled.
‘Twins? Kambal ang anak niya?’ piping turan ni Gavin habang nakatitig kay Maya. “No, Maya. Mapapahamak ka lang sa gusto mong gawin. I'm sure your children will not allow you to go there if they are here.”
“NANDITO BA SILA? WALA, ‘DI BA? NAROROON SILA SA IKA-LABINLIMANG PALAPAG! NI HINDI KO ALAM KUNG MAHIMBING PA SILANG NATUTULOG NGAYON O KUNG NAKAALIS NA BA SILA BAGO PA MAN LUMALA NG GANITO ANG SUNOG! LET ME GO, SIR. BUHAY KO ITO AT SILA ANG BUHAY KO! HINDI KO KAKAYANIN KAPAG NAWALA SILA SA AKIN!” Muling napaupo si Maya nang manghina ang mga tuhod niya. “Please, let me go. Kailangan ako nina Matthan at Hope,” naluluhang wika niya.
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Gavin. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naaapektuhan sa tuwing makikita niya ang sitwasyon ngayon ni Maya. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay nang maalala niya ang inosente at masayahing mukha ni Hope. Lumakad siya patungo sa harap ni Maya at hinawakan niya ang magkabilang balikat nito.
“Stay here. I will try to…to save them.” Gavin couldn't comprehend what's happening to him. He even thought to risk his life just to save Maya’s twins.
Natigilan si Maya. Umiling siya pagkatapos. “Hindi mo sila kaano-ano kaya bakit mo isusugal ang buhay mo para sa mga anak ko? We just met today, sir. Kung may kailangan mang magligtas sa mga anak ko, iyon ay walang iba kung hindi ako.” Itinuon niya ang kaniyang mga natitirang lakas para muling makatayo.
“No! Stay here. Sa mental state mo ngayon, hindi mo kakayaning sumuong sa apoy. Mapapahamak ka lang,” may pinalidad na sabi ni Gavin.
‘This man. He's willing to risk his own life for the sake of my kids. Why?’
“Maya, makinig ka sa akin. Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang aalis dito. Did you get it?” Hinubad ni Gavin ang kaniyang suit. “When you're kids get off of that building, the first thing that they will do is to find you. You need to be vigilant and most importantly, you need TO STAY HERE NO MATTER WHAT. Nakikinig ka ba sa akin, Maya?”
Wala sa sariling tumungo si Maya. Tama ang lalaking nasa harap niya. Kapag natatakot sija Matthan at Hope ay agad siyang hinahanap ng mga ito para yakapin.
Aalis na sana si Gavin nang pigilan siya ng mga bumbero. “Sir, hindi po kayo maaaring pumasok sa danger area. Malapit na pong gumuho ang buong gusali dahil sa patuloy na paglaki ng apoy. Matutusta lang po kayo kapag pinilit niyong gawin ang gusto niyo. Marami na po sa aming mga kasamahan ang nasugatan at namatay dahil sa sunog. Marami na rin pong mga sugatan at namatay na biktima kaya pakiusap po, huwag na po kayong dumagdag sa mga buhay na kailangan naming sagipin.”
Itinuro ni Gavin si Maya. “I need to go there. Her kids…” Biglang nablangko ang isip niya.
“Sir, please cooperate. We are doing our best to lessen the casualties of this incident. Mukha naman pong may mataas kayong pinag-aralan kaya pakiusap po, huwag na pong matigas ang inyong ulo. Kung ipipilit niyo po ang gusto niyo ay mapipilitan din kaming gumamit ng pwersa para lang pigilan kayo. Please, sir. Huwag niyo na pong dagdagan ang trabaho namin,” pagkasabi noon ay umalis na ang bumbero.
“Sir, t-tama si kuyang bumbero. Ma-Makinig ka na lang sa kaniya,” ani Maya habang nagpapahid ng kaniyang mga luha.
Hinilot ni Gavin ang kaniyang noo. Halos mapamura siya nang makita niyang kumaripas ng takbo si Maya patungo sa direksyon ng nagliliyab na gusali. “ShiT! That hard-headed woman!” aniya bago nagtatakbo para habulin at pigilan si Maya.