“No! We will not take a bath unless mommy does it!” Bia yelled out of disappointment when she learned that her Mommy Avva will not take a bath with her. “Pero Senyorita Bia, may ginagawa po si Miss Avva. Abala siya sa pagpapaayos ng kaniyang sarili,” magalang na turan ni Aling Elvira. “No! I want
Nagmamadaling bumaba ng kaniyang big bike si Gavin at agad na pumasok sa mataas na gusali kung saan naroroon ang kaniyang lolo. Maya’t-maya ang tingin niya sa orasan dahil nag-aalala na rin siya sa kalagayan ni Hope. Pagpasok niya sa restaurant ay mabilis niyang inilibot ang kaniyang mga mata. He’s
“Lolo, huwag niyo naman pong gagawin sa akin ang bagay na ‘yon. Alam kong importante po sa inyo ang dangal at puri ng ating pamilya pero siguro naman po ay mas importante ang kinabukasan at nararamdaman ko kaysa sa mga ‘yon, hindi ba? Pinagbayaran ko na po ang kasalanang hindi ko naman sinasadyang m
Hindi magkandaugaga si Brandon sa pagbibitbit ng mga pinamili nina Avva, Hivo at Bia. Sa tantsa niya ay umabot ng halos labinlimang milyong piso ang nalustay ng mga ito sa loob lamang ng kalahating oras. Halos malaglag na ang ilan sa mga bitbit niya pero walang pakialam ang mag-iina. Patuloy lang an
‘Oo, Miss Avva. Sa tingin ko ay nais mong pahirapan ang iyong anak!’ sigaw ng isip ni Brandon. “Bakit? Hindi po ba?” nakangiting tanong niya. “HA! Of course not! Sino bang ina ang nanaising masaktan at lumuha ang kaniyang mga anak?” Avva crossed her arms. ‘Kayo po, Miss Avva,’ piping wika ni Brand
Tahimik na nagsusulyapan sina Don Gilberto, Hope at Gavin habang mabagal silang kumakain. “Lolo, marami pong salamat sa ice cream! Kahit papaano po ay naibsan nito ang aking kalungkutan at pagdadalamhati,” ani Hope habang nakangiting nakatitig kay Don Gilberto. Kumuha ng tissue si Don Gilberto at
"Mommy, hindi po ba natin dadalhan ng pagkain si Bia? Ipag-takeout po natin siya, mommy at saka po si Kuya Brandon. Sigurado po akong gutom na rin po sila,” suhestiyon ni Hivo. Itinabi ni Avva sa loob ng kaniyang mamahaling bag ang kaniyang lipstick at foundation. Katatapos niyang lang mag-retouch
“Lolo, you misunderstood the situation. I badly want to tell you this but I don't want to humiliate that kid in front of you…” Kinamot ni Don Gilberto ang kaniyang ulo. “Anong ibig mong sabihin? Hindi mo anak si Hope? ‘Yon ba, Gavin?” Tumango si Gavin. Tumawa nang pagak si Don Gilberto at saka um
“Stop insulting him! Kung makapagpayo ka naman sa akin, Nigel. As if naman inaapply mo sa sarili mo. Patay na patay at baliw na baliw ka nga kay Maya! Napakarami ring nakapila sa harap na handang magpatuklaw sa'yo anumang oras pero si Maya pa rin ang nais mo. Huwag mo na nga ulit akong payuhan ng mg
“Paasikaso naman po si Nijiro sa mga yaya. Pakiliguan at pakibihisan. Pakisabi na rin po sa head chef na magluto ng pasta para makakain si Nijiro,” magalang na utos ni Garret. Bumaling siya sa kaniyang anak. “Sumama ka muna kay tatang. Dadalhin ka niya sa silid mo. Naroroon na rin ang mga bago mong
Hindi mapakali si Nijiro. Panay na panay ang paggalaw niya. Nagsalubong naman agad ang kilay ni Betina nang mapansin niya ang pagki-ot ni Nijiro. Tiningnan niya ang pamangkin niya na ngayon ay tila namumutla na. “What’s wrong, baby? Masama ba ang pakiramdam mo?” malambing na tanong ni Betina. S
Matagal bago natapos kumain si Avva. Pinagpahinga muna siya saglit at agad ring pinalitan ang gaza sa mukha niya. Pinainom na rin siya ng mga gamot na dapat niyang i-take upang mas mapabilis ang paghilom ng kaniyang mukha. Napapaaray pa siya paminsan-minsan. Nais man niyang tarayan ang nurse ay hind
Napabuntong hininga si Avva, bagot na bagot na siya. Naging matagumpay ang operasyon niya at kasalukuyan na siyang nagpapagaling. Balot pa rin ang mukha niya ng puting benda. Hindi rin siya masyadong nagkikilos dahil masakit pa ang buong katawan niya kahit pa mukha niya lamang ang inayos. Wala nam
Parehong natahimik ang dalawa. Naupo sila sa hospital waiting chair. Minabuti ni Gavin na tawagan muna ang kaniyang mag-iina matapos niyang makatanggap ng mensahe mula kay Maya na hindi pa nakakasakay ng eroplano ang mga ito. Ilang saglit pa ay sumagot agad si Maya sa tawag niya. “Love!” masayang
Nakahiga si Avva sa hospital bed. Hinihintay niya ang pagdating ng doktor. Muli siyang ibinalik sa private room nang magkaroon ng emergency surgery ang doktor. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang maghintay. Nakatingin lang siya sa kisame. Kinakabahan siya sa gagawing operasyon sa kaniya pero mas
Ngumiti si Gavin. “Don’t cry, love. Baka maiyak na rin ako niyan,” pagbibiro pa niya. Nang kumalma ang mga bata ay kumandong ang tatlo kay Gavin. Ninanamnam nila ang natitirang oras na magkakasama silang lahat. Ilang saglit pa ay dumating naman sina Don Gilberto at Donya Conciana, dala-dala ang bun
“I know, love. I just want to swear in front of you that I will never touch her even though she's wearing your face. Kahit pa maging kamukhang-kamukha mo siya, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko at…” Huminto si Gavin sa pagsasalita. Tumaas ang isang kilay ni Maya. “At?” Inilapit ni Gavin ang labi