"Azari? Matagal ka pa ba riyan?" rinig kong tanong ni yaya mula sa labas ng kwarto. Kinagat ko ang labi ko at muling inayos ang nagulo kong buhok.
"Sandali na lang po!" sagot ko. Paalis na sana ako kanina sa kwarto kaso sumabit yung buhok ko sa kung saan kaya nagulo na naman ito. Nadoble pa tuloy ang oras ko dahil sa pag-aayos.
"Pakibilisan na lang, iha. Kanina pa naghihintay 'yung guro mo roon sa baba," muling sabi niya. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang sa pag-aayos.
I really need to fix this. Kahit na malate pa ako ay wala akong pakialam. My hair is my makeup. Without my hair, I always feel ugly.
"Sa wakas," sabi ko nang makuntento ako sa ayos ng buhok ko. Ilang minuto rin ang ginugol ko sa pag aayos non kaya naman natagalan talaga ako. It is styled as a princess like braid kaya naman medyo nahirapan ako. Nang makuntento sa sarili ay mabilis akong lumabas ng kwarto at patakbong bumaba dala ang laptop ko.
Ms. Williams would scold me for sure.
Nang makarating ako sa sala ay kitang-kita ko kung paano mag pabalik-balik ang tingin niya sa relo niya na tila ba binibilang niya kung ilang minuto na akong late.
"Sorry, I'm late," simula ko bago umupo sa tabi niya. Hindi siya nagsalita at umiling na lang.
"I like your hair," puri niya sa buhok ko. Dalawang beses akong umiling bago nag-angat ng tingin sa kanya.
"Even if I tell you that it is the reason why I'm late?" natatawa kong tanong. Inirapan niya ako bago sumimangot.
"Psh, is that a new news for me? It's always the reason why you're late," sarkastikong sabi niya. Muli akong natawa.
Maya-maya ay ibinigay niya sa akin ang panibagong papel bago nagturo. Kalat ang mga libro ko sa lamesa at dalawa roon ang nakabukas. Masyado kasing marami ang examples ng tinuturo niya na kailangan pang gamitan ng volume 1 at volume 2 na version.
"Is this how you do it?" tanong ko nang hindi ako sigurado sa ginagawa ko. Saglit siyang nag type ng kung ano sa laptop niya bago ako binalingan ng atensyon. Kinuha niya ang ginawa ko at pinagmasdan 'yon.
"Move this one a little, Azari," seryosong sabi niya habang nakaturo sa isang part ng project na pinapagawa niya. Muli kong kinuha ang project at inayos iyon. Buong umaga ay 'yon lang ang ginawa namin. Saktong natapos ko ang gawain nang tinawag kami ni yaya Belen para sa tanghalian.
"Azari, handa na ang tanghalian. Magsabay na kayo ng guro mo dahil tapos na si Melania," sabi niya. Nginitian ko lang siya at hindi na sinagot. Andito pala si Melania? Hindi ko siya nakita. Mukhang ayaw niya rin naman ako makita so baka iniiwasan niya ako?
Mabuti naman.
"Let's eat lunch!" pasigaw kong sabi habang iniikot ang nangalay kong kamay dahil sa project. Sabay kaming tumayo at iniwan ang mga gamit namin para pumuntang dining area.
Nang makarating kami sa loob ay mabangong aroma agad ng sinigang ang sumalubong sa amin.
"Maupo na kayo at ihahanda ko na ang mga plato niyo," si yaya Belen. Mabilis kaming sumunod ni Ms. Williams. I'm really hungry kanina pa. Nakakagutom din pala ang project na 'yon.
"Thanks, ya," sabi ko nang bigyan kaming dalawa ni yaya Belen ng plato. Tahimik lang kaming kumain at hindi nag uusap. Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos din kami.
"Oh, andyan na pala sina Ria!" biglang sabi ni yaya Belen. Sabay kaming napatingin ni Ms. Williams sa kanya ngunit ako lang ang nakataas ang kilay.
"Bakit? Hindi ba umuwi si Ria kagabi, ya?" tanong ko. Posible 'yon dahil hindi naman namin siya kasabay ni daddy mag dinner. Hindi rin nabanggit ni daddy kung saan siya nagpunta at kinausap lang ako buong hapunan.
"Hindi. Balita ko ay may party raw sa isang kaibigan nila kaya hindi siya nakauwi. Dito raw sila mag iistay ngayon dahil mas maganda ang tanawin sa dagat," paliwanag niya. Hindi ko na lang siya sinagot at nagpunas na lang ng bibig.
Matapos namin kumain ni Ms. Williams ay nagpatuloy kami sa pag-aaral. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot nang marinig ko ang malalakas na tawanan ng iba't ibang babae at lalaki. Sa tingin ko ay papasok sila sa loob ng bahay dahil palakas nang palakas ang mga boses nila. Sila na ba 'yung mga kaibigan ni Ria?
Nasagot ang tanong ko nang isa-isang nagsipasukan ang grupo ng mga babae at lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 15 pataas. H***d ang mga lalaki at tanging shorts lang ang suot ng mga ito habang ang mga babae naman ay nakasuot ng bikini. Ang iba pa sa kanila ay may suot-suot ng roba habang basang-basa ang buhok. Nasa dulo sina Ria at Damian na nag uusap. Seryoso si Damian habang si Ria naman ay humahalakhak.
"Stop it, Peter!" rinig kong sigaw ng isang babae. Maarte ang pagkakasabi niya noon kaya naman nakuha niya talaga ang atensyon ko. Hinampas niya ang isang lalaki ng towel habang nakasimangot. That guy must be Peter.
"Continue answering your tasks, Azari," sabi ni Ms. Williams nang makita niyang hindi na ako nagpo-focus sa sinasagutan ko. Mabilis kong binawi ang tingin ko sa mga kaibigan ni Ria at ipinagpatuloy na lang ang pagsasagot.
I hope they won't disturb us here. They seem very loud. A very loud group.
Nakahinga ako nang maluwag nang lagpasan nila ang sala at dumiretso papuntang kusina. Napailing na lang ako nang marinig ko pa rin ang malalakas na boses nila kahit na nasa loob na sila ng kusina.
"May I see your answer?" tanong ni Ms. Williams sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"I'm not done yet," sabi ko. Siya naman ang nagtatakang tumingin sa akin.
"You're taking so long. It's almost 2:00 pm, you still have one task to answer," nakakunot noong sabi niya. Tumaas ang kilay ko bago tingnan ang relo.
She's right, I've been answering the same task for about 40 minutes. I usually answer my task for only 15-25 minutes.
"I think I can't focus here. It's noisy," sabi ko habang nakaturo sa direksiyon kung nasaan ang kusina. Rinig na rinig ko pa rin ang tawanan nila.
"Yeah, right. I'll tell yaya Belen that we'll continue studying in the library. You really can't focus here because of the noise. You go there first, I'll just use the bathroom," sabi niya bago tumayo at pumuntang banyo. Sinimulan kong ayusin ang mga libro ko at inilagay 'yon sa ilalim ng lamesa. Tanging dalawang libro ko lang ang dala ko kasama ang laptop. Kaunti na lang naman ang sasagutan ko dahil natapos ko na ang iba kanina.
Tahimik akong naglakad papunta sa library nang kamalas-malasan ay nakasalubong ko sina Ria. Hindi ko na sana sila papansinin at didiretso na lang sa paglalakad papuntang second floor nang tawagin ako ni Ria at tumakbo papalapit sa akin. She's wearing a purple two piece while a pink scarf is tied around her waist. She has curves but her body is inverted triangle shaped. A normal shape for a 16 year old girl like her.
"Azari, wait lang!" sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa akin. Huminto ako sa paglalakad at mariing pumikit. Humarap ako sa kanya at pekeng ngumiti.
"Bakit?" tanong ko. Nang makalapit siya sa akin ay siya namang pagsunod ng mga kaibigan niya sa kanya. Katulad kanina, nahuhuli pa rin si Damian.
"Wait lang, ipapakilala lang kita," sabi niya bago ako hilahin papalapit sa mga kaibigan niya.
"Guys, this is Azari, my sister. Actually, she's only my step sister but...it still has a sister on it so, we're sisters! Siya 'yung lagi kong kinukwento sa inyo!" nakangiting pakilala ni Ria sa akin. Iilan ang ngumiti sa kanila at 'yung iba naman ay nagpakilala sa akin.
"Not my sister, Peter. She's only 15!" sigaw sa kanya ni Ria nang akmang babanat ng kung ano si Peter. I can see Elias' personality in him. Mas mayabang nga lang si Elias sa kanya.
"Oh really? Akala ko 19 na. Matured ang katawan and...mas matangkad siya sayo, Ria," walang halo na birong sabi niya pero natawa 'yung ibang mga kaibigan nila.
"Malamang, she got it from her mom's genes! Hindi naman matangkad ang mommy ko kaya 'yon ang namana ko. Saka, foreigner ang mama niya kaya matured ang katawan niya," depensa ni Ria sa sarili. Blanko lang akong tumingin sa kanila. I don't know what to say. Ni hindi ko nga matandaan ang mga pangalan nila.
"Ria, I think I need to go na. May tatapusin pa akong task--"
"Wait! Hindi ka pa nga nagpapakilala sa kanila. Magpakilala ka muna!" sabi niya at mas hinila ako papalapit. Wala akong nagawa kung hindi nagkagat labi. Kita ko ang mga plastik na ngiti ng ibang babae niyang kaibigan sa akin. Do they hate me? I see.
"Uh, I'm Azari Kline--"
"Anong Kline? You are a Lafuente, Azari," pagtatama sa akin ni Ria. Doon ako napalingon sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
Kanina niya pa ako pinangungunahan, ah?
"I'm not a Lafuente, Ria--"
"You are! Anak ka ni daddy--"
"I am not a Lafuente. My birth certificate says it all. Being a daughter of Leandro Lafuente doesn't change a thing," sabi ko at tinalikuran sila.
'Yon ang problema ko kay Ria, kadalasan ay bida-bida siya. Maikli ang pasensya ko pero hindi naman ako bastos. Pero kung paulit-ulit niyang puputulin ang mga sasabihin ko at dudugtungan niya ng kanya, aalis na lang ako. Gusto niyang magpakilala ako pero hindi niya ako pinapatapos magsalita?
Saka, I'm not a Lafuente naman talaga. Bakit niya ba pinipilit? Oo, anak ako ni Leandro Lafuente pero hindi naman Lafuente ang nakasulat sa mga dokumento ko. Kline ang ginagamit kong apelyido at alam kong pinaglaban ni mommy 'yon bata pa lang ako.
Mabilis lang ako nakarating sa library. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay ramdam ko na ang katahimikan. Marami at malalaki ang mga bintana roon kaya naman ang sinag ng araw sa labas ang nagsisilbing liwanag ng buong silid.
I like it here, it's very peaceful. Inilapag ko ang mga hawak kong gamit sa lamesa at nagsimulang ikutin ang buong library.
Ghad, this is paradise!
Maraming nagbago sa library. Nung nakaraang taon ay hindi ako pumasok dito kahit isang beses kaya ngayon na lang ulit yung una. It is a very wide tudor library. Maraming antique na kagamitan sa paligid and most of the bookshelves are antique too.
"Azari?" rinig kong tawag ni Ms. Williams sa akin. Mabilis akong bumalik sa lamesa kanina kung nasaan ang mga kagamitan ko. Nadatnan ko roon si Ms. Williams na nilalapag ang mga gamit niya. Kita ko rin ang pagkamangha niya sa ganda ng loob ng library.
"I just roamed around the library, ms. Williams," sabi ko at umupo sa tabi niya. Nagsimula ako uli na magsagot at hindi katulad kanina, mas mabilis na ang proseso ko. Nakatulong ang tahimik at magandang library.
Natapos ako agad pero hindi muna ako lumabas dahil baka makasalubong ko na naman sina Ria. Umalis na si Ms. Williams para magpahinga pero nanatili pa rin ako sa loob ng library. Hindi naman ako nabuburyo dahil nakakapag browse ako sa internet kasi dala ko naman ang laptop ko. Maya-maya ay pumasok ang isang maid sa loob ng library. May dala-dala itong miryenda na nakalagay sa tray. Inilapag niya ito sa lamesa kaya naman itinabi ko ang mga libro ko.
"Sabi ng teacher mo ay dalhan daw kita ng miryenda dahil tapos ka na magsagot. Si manang Belen sana ang magdadala kaso inaasikaso niya ang mga bisita ni Ms. Ria kaya ako na lang ang inutusan niya," sabi niya. Tumango ako at nginitian siya.
"Thank you. What's your name, ate?" tanong ko. Hindi katulad ng ibang mga maid, mas bata itong nasa harap ko. Siguro ay nasa edad 20-23 years old lang siya. Ngayon ko lang din siya nakita. Siguro bago?
"Ako po si Nerida. Bago lang ho ako rito kaya po hindi niyo ako kilala." Muli akong tumango. Magpapasalamat sana ako uli nang marinig ko uli ang mga tawanan ng mga kaibigan ni Ria. Hindi 'yon galing sa labas ng library kung hindi sa labas ng mansion. Sumilip ako sa bintana malapit sa akin at tiningnan ang mga kaibigan ni Ria na kumukuha ng litrato sa iba't ibang parte ng bahay. Ginawa nilang background 'yung mga magagandang halaman ni yaya Belen.
"Ang gaganda ho nila, ano?" biglang sabi ni Nerida at nakisilip din. Saglit ko siyang tiningnan bago ibalik ang paningin ko sa mga kaibigan ni Ria. Ngayon ko lang napansin na halos lumagpas sa sampu ang bilang nilang lahat.
Ria's really friendly, huh?
"Okay lang," blankong sabi ko. They're all pretty nga pero plastik naman. I can imagine them backstabbing me when I walked out sa hallway kanina. Plastik din naman ako kadalasan pero tanging masasama lang ang ugali ang pinaplastik ko. I don't understand why some of the girls looked at me like I'm a piece of bullshit earlier eh wala naman akong ginagawa sa kanila.
"Alam mo ba, ma'am? Ang yayaman ng mga magulang ng mga 'yan! Halos lahat sila ay kilala sa Fuego dahil sa mga negosyo ng mga magulang nila," kwento ni Nerida. Tumingin ako sa kanya at kinunotan siya ng noo.
"Mayaman? Bakit hindi ko kilala?" takang tanong ko. Because of mommy, marami na rin akong kilala na mga mayayaman na tao. Low or high profile man. Old money or new money, I can write a book writing all of their names. Ni wala akong natandaan sa mga apelyido ng mga nagpakilala sa akin kanina na kasama sila sa mga 'yon.
"Ay malamang, ma'am! Ibang yaman naman po kasi 'yung sa inyo. Super duper mega yaman niyo naman po kasi. Ang ibig ko pong sabihin ay kasama sila sa mga mayayaman dito sa Fuego. Kita niyo po 'yung morenang babae na nakasuot ng bikining kulay green? Siya si Dixie, congressman ang tatay niyan dito," kwento niya habang nakaturo sa babaeng plastik sa akin kanina.
"'Yon naman pong isa na pogi? Si Peter po 'yan, anak ng isang kasosyo sa negosyo ni sir Leandro. Dati siyang kasintahan ni ma'am Dixie," dugtong niya. So naghiwalay na sila ngayon? Dati raw, eh. Kaya pala amplastik ng ngiti sa akin ni Dixie kanina noong nilapitan ako ni Peter, nagseselos siguro.
"Bakit sila naghiwalay?" tanong ko. Maganda si Dixie, mas maganda pa kay Ria sa totoo lang. Parang ang tanga ni Peter dahil hiniwalayan niya pa si Dixie.
"Ewan ko, ma'am. M*****a kasi 'yan si ma'am Dixie. Baka siguro kaya po siya hiniwalayan kasi masama ang ugali. Kahit ako po ay napagmalditahan na niyan," sagot niya.
"Ahh," mabagal na sabi ko bago tumango. Kaya naman pala, nagsawa siguro 'tong si Peter.
"Kakahiwalay lang po ata nila noong nakaraang buwan sabi ni ma'am Ria," kwento uli nung maid. Liningon ko siya at tinaasan ng kilay. "Kinuwento ni Ria sayo?" tanong ko. Hindi naman pala kwento 'yon si Ria sa akin tungkol sa mga kaibigan niya. Si Damian nga lang ata ang willing niyang ikwento kahit pa sa lahat ng tao ng mundo. "Hindi po, narinig ko lang na pinag uusapan nila ni ma'am Melania. Naglilinis po kasi ako non sa dining area tapos pumasok sila at pinag usapan 'yung hiwalayan ni Peter at Dixie. Hindi ko naman po ako pwedeng umalis doon at iwan sila dahil pagagalitan ako ni manang Belen," paliwanag niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Akala ko tsismosa rin ito si Nerida, eh. "Mauna na ho ako, ma'am Azari. Marami pa po akong gagawin sa kusina," paalam niya. Ngumiti lang ako at hinayaan siyang umalis. Muli kong sinilip ang bintana at nakita kong papalabas
"Nagkausap na kayo ng mommy mo?" tanong sa akin ni daddy. Wala akong sinagot sa kanya kundi pag tango lang. Ano naman kung nag-usap na kami? Papauwiin niya na ba ako? "You don't have classes tomorrow. Anong gagawin mo bukas?" tanong niya uli. Napahinto ako. Oo nga pala, day off ni Ms. Williams tomorrow kaya wala akong klase. Ibig sabihin non, wala rin akong gagawin buong araw. Ano namang gagawin ko rito? Matulog buong araw? "I don't know. Maybe sleep?" patanong na sabi ko. Wala naman kasi akong alam na ibang pwedeng gawin kung hindi 'yon lang maliban sa pagbabasa. Hindi naman ako makakapamasyal dahil wala akong kasama. "What are your hobbies ba sa US, Azari?" tanong ni Ria sa akin. Simula kanina ay naging tahimik na sina Dixie at 'yung ibang babae niyang bestfriends. I don't know what happened to them at nanahimik na lang sila bigla. Tanging si Ria, yung dalawa pang babae at mga boys na lang ang nagsasalita nang walang preno.
"Bye, thanks for the food," pagpapasalamat ko. Tumayo ako mula sa upuan at iniwan siya roon. Hindi na ako nagpaalam kina Ria dahil busy naman sila sa mga ginagawa nila. Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong maghapon. Tanging pagtulog at pagbabasa lang ang ginawa ko hanggang sa dumating ang gabi. Ang sabi ni yaya Belen ay umalis daw sina Ria kanina para maligo sa dagat. Nag island hopping sila at baka bukas pa uuwi dahil may hihintuan daw silang isla at doon magpapalipas ng gabi. Daddy is still out and I heard that Melania's with him. May importante raw na dinalo sa business si daddy at sinamahan lang ni Melania kung sakaling may kakailanganin ito. As if siya 'yung kailangan. Ni hindi nga marunong magpatakbo ng business 'yon. Mag-isa akong kumakain sa dining area at sa ilang araw ko na naririto, ngayon lang ako nakaramdam ng katahimikan sa paligid. Hindi literal na tahimik
"You're doing great," puri sa akin ni Damian. Tipid akong ngumiti baho hinawakan ang rein ng kabayo. "Bababa na ako," sabi ko. Kanina pa kami naglalakad ng kabayo pero hindi man lang ako pinatakbo ni Damian. I understand naman na kakaturo niya lang sa akin pero kung paglalakad lang ang gagawin namin buong araw ay mas mabuti pang bumaba na ako dahil halos naikot na yata namin ang buong farm. "Ayaw mo na?" tanong niya sa akin. Sunod-sunod akong tumango. Maliban sa nagsasawa ay nangangalay na rin ang likod ko dahil walang masandalan. Gusto ko nang magpahinga. Hinawakan niya ang tali ng kabayo at dinala kami kung saan kami nakapwesto kanina bago sumakay. Sinabit niya sa isang kahoy ang tali bago ako hawakan sa magkabilang bewang at binuhat pababa. "How was the experience?" tanong niya sa akin. Saglit akong sumulyap sa kabayo bago nagpagpag ng damit. "Nangangalay ang likod ko. I wanna go home na," sagot ko. Mahina siyang tumawa
"Uh, let's eat?" medyo awkward na sabi ni Ria. Doon muli nabuhay ang ingay na meron kanina bayo ako rumating. Ako ang nagsilbi sa sarili ko at tahimik na kumain. I was minding my own business nang kalabitin ako ni Peter. "What?" tanong ko. Itinuro niya sa daddy na nakatingin sa akin kaya naman kumunot ang noo ko. "Anong meron kay daddy?" kunot noo kong tanong. "Kanina ka pa niya tinatawag," sagot niya. Mabilis akong lumingon sa upuan ni daddy at mahinang nag paumanhin. "Sorry, what?" tanong ko. Ako na tuloy ang sentro ng atensyon dahil sa pagkabingi ko. Gosh, am I spacing out too much? "I was asking kung anong plano mo sa birthday mo. Malapit na 'yon, Azari. Sa 20 na," sagot niya. Saglit akong natigilan. Oo nga pala, tuwing birthday ko pala ay rito ako lagi n
Mabilis na lumipas ang araw hanggang sa dumating ang araw ng biyernes. April 20, 2020. Tanghali ako nagising dahil wala naman akong pasok ngayon. Today's my birthday so it's automatic na day off din ni ms. Williams. "Happy sweet 16, Azari Kline," nakangiting bati ko sa sarili ko bago nag unat ng katawan. Today's super cold. Ilang araw kasi na sobrang init kaya siguro naipon na 'yung ulan at ngayong linggo binabagsak. Tapos sa susunod na buwan ay sobrang init na naman. Psh, abnormal na panahon. Nanatili akong nakahiga sa kama at binuksan ang cellphone. Notifications boomed my account because f******k notified everyone who folllows me that it's my birthday today. Andami tuloy bumati kahit hindi ko naman kilala. Sa dami-rami ng mga nag message sa akin ay tanging mga mensahe lang nina m
"When I turned 10, that's when I started to hate Melania. I talk about her with my tita Elena at Maryland. I loathe her to hell. Me and tita Elena even call her evil manipulative bitch," natatawa ko pang sabi. "As the years goes by, Ria started to grow too. That's when I started to notice that she has the exact facial features of her mom so I hated her also. Ria is very kind to me but her presence suffocate me. It's like everytime she's around, I can feel Melania's presence too. I hated her for that. Immature, right? But that's what I feel. I can still remember all the trumas her mom gave me. How she made me feel that I'm forcing myself to fit to a family that I am not even belong to. I am suffocated by her. By them. Melania's shameless mouth turned me like this. To be a bad mouthed girl too." "I'm thankful that I have tita Elena's family and mommy. They teach me how to respect someone that deserves to be re
Nagising ako ng madaling araw. My head is aching and I can't move properly. Kahit na nahihirapan ay nakuha ko pa ring abutin ang remote at pinahinaan ang aircon. Ghad, am I gonna get sick just because of that rain? Dahil sa sakit ng ulo ay mabilis din ako ulit nakatulog. Lumipas ang oras hanggang sa sumapit ang umaga. Nagising ako dahil sa ingay ng mga taong nakapaligid sa akin. "Should we call tita Alejandra, dad?" rinig kong boses ni Ria. "I already did. Azari have a personal doctor. 'Yon lang ang pinagkakatiwalaan ni Alejandra dahil ayaw ni Azari sa hospital. Sa tingin ko ay nakalipad na 'yon si Alejandra papunta rito. Siguro ay mamayang madaling araw ay narito na 'yon," si daddy naman. "It's just a fever, Leandro. Bakit mo pa tinawagan?" si Melania. I slowly opened my eyes. Kahit na bumukas 'yon ay nanlalabo pa rin ang mga mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko na parang mamatay na ako anytime. I don't
"Dad, do you think Azari will like her new room?" nag-aalalang sabi ni Ria. Ibinaba ni tito Leandro ang dyaryo at nakangiti siyang tiningnan. "Oo naman, anak. Azari may be a brat but she's sweet. Hindi niya lang pinapakita 'yon dahil hindi naman siya sanay na makasama tayo," sagot ni tito sa kanya. Nananatili akong tahimik sa gilid at nakikinig lang sa kanila. Darating ngayon ang parating kinukwento ni Ria sa akin na kapatid niya. Her name is Azari. I've never seen her before kasi ngayon lang naman ako nanatili rito tuwing summer. Parati akong nasa ibang bansa para samahan si mama. "Dad, c'mon!" Hindi ko alam kung ngingiti ako o hindi dahil sa sobrang pagka-excited ni Ria. It's good that she's like this when it comes to her step-sister. Ang problema lang sa kanya ay masyado siyang magaslaw 'pag excited, nagiging aggressive tuloy. I'm used to it though. Ria is my friend since we were kids, sanay na sanay na ako sa ganitong ugali niya. Nananatili akong nasa malayo habang pinapanood s
Ang una kong nakita nang maimulat ko ang mga mata ay puting kisame. I'm sure I'm inside a hospital room. But why am I here? Gumapang ang kaba sa buong pagkatao ko nang maalala ang nangyari kanina. Agad kong hinaplos ang tyan ko at kinakabahang tiningnan 'yon. "'Yung baby ko..." I saw Damian beside me, sleeping. Nang marinig niya ang boses ko ay agad siyang naalarma. "Hey, are you okay? May masakit ba sayo? Should I call a doctor?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang ang tyan ko. Does he already know that I'm pregnant? Anong nangyari sa baby namin? Okay lang ba siya? Where's Ali? Si mommy lang ba ang kasama niya sa bahay? Does she know that I'm here? "Damian 'yung baby natin. A-Anong nangyari? Okay lang ba siya, Damian? D-Dinugo ako kanina. Baka m-may nangyari na sa anak natin, Damian," naaalarma kong s
Ilang buwan ang lumipas hanggang sa ma-discharged si daddy sa ospital. Dito muna sila sa manila dahil hindi pa kayang bumyahe ni daddy. Ang alam ko ay sa condo ni Ria sila ngayon tumutuloy. "Mom, where are you going?" tanong ni Ali sa akin nang makitang nakabihis ako. Nasa tabi siya ni Damian, nagkukulay sa coloring book niya. Kaninang umaga rumating si Damian dito. Ewan ko kung nagta-trabaho pa ba 'to dahil palagi na lang narito sa penthouse. "Sa office, anak. Mommy needs to check on lolo's company and...kailangan din sa business natin, baby," sagot ko. Nilabas ko ang cellphone ko at nanalamin doon. Gosh, ilang araw akong walang paramdmam sa opisina kaya kailangan kong mag pakita roon ngayong nakalabas na ng ospital si daddy. "Can you stay here, mom? Daddy's here, I think it's the best time to play." "Ali, I
"Ha?" Halos manginig ang kamay ko dahil sa kaba. Seryoso ba siya? Bakit ngayon? Masakit na nga ang katawan ko tapos interview with his parents pa? Saksakin niyo na lang ako. "Mama and Papa wants to talk--" "Narinig ko. Bakit daw? Galit ba sila sa akin? Omg, Damian, ha. Paano kung ano, ayaw nila sa akin?" sunod-sunod na tanong ko. I heard him chuckle before kissing my cheek. Mabuti na lang at wala si Ria rito, baka mas lalong masaktan 'yon. I really think we should stay away from Ria muna while she's in the process of moving on? Kung mag lalandian kasi kami ni Damian sa harap niya ay baka masaktan lang siya lalo. "Don't be nervous. Mama and Papa don't judge easily. They look intimidating but I know them, they won't hate you if you didn't explain your side yet," pang-u
Kinabukasan ay pagod na pagod ang katawan ko. Kahit nakatulog ako nang mahimbing ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod kagabi. Damian is still beside me, akala ko ay umuwi na siya kanina dahil ang sabi niya noong isang gabi ay isang buong araw lang siya rito. "Baby, let's eat breakfast," malambing na sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Iminulat ko ang mga mata ko at naaantok na tiningnan siya. "My body is tired." Humalakhak siya bago ako yakapin nang mahigpit. Hinaplos niya ang mukha ko bago ako halikan sa labi. "Last night was rough. I'm sorry but I'm not sorry..." Tiningnan ko siya nang masama at hinampas ng unan. Muli siyang humalakhak at hinila ako patayo sa kama. "Baby, c'mon! Alistair is waiting for us outside. She wanna hear your explanation about last night. Madaling araw ka na kasi u
Buong hapon akong naroon sa restaurant. Dalawang beses lang akong binalikan ng waitress at hindi na muling ginulo pa. I'm thankful that pinabayaran muna nila sa akin ang mga inorder ko para hindi na ako maistorbo. I don't want them to see me ugly crying while drinking wine. Hindi ako broken hearted, nalulungkot lang. Lumipas ang oras hanggang sumapit ang gabi. I feel a little bit dizzy because of the wine. Hindi naman umabot sa kalahati 'yon kaya nahihilo lang ako ng kaunti. Lumabas ako ng VIP room at pumuntang banyo. Inayos ko lang ang sarili ko bago umalis ng restaurant ng 'yon. Being alone while sad isn't helping, I need to socialize. Kailangan kong mag party. Sumakay ako ng sasakyan at inikot ang buong BGC. Sunod-sunod ang bar na nadaraanan ko pero ang tanging hinintuan ko lang ay 'yung walang pila. I don't have time
Tahimik ang buong kusina hanggang sa matapos ko siyang handaan ng pagkain. Grabe ang titig niya nang humarap ako, pakiramdam ko ay kaunti na lang ay itatapon niya na ako sa labas ng penthouse. Why is he so intimidating? "Here. Luto ni mommy 'yan," Inilapag ko ang plato na may lamang pagkain sa harap niya. Tinitigan niya 'yon bago nag simulang kumain. Umupo ako sa upuan ko kanina, hindi ko alam kung kakain na lang ako nang tahimik o kakausapin ko siya tungkol sa pinag-usapan nila ni Ria. "So uh...how's your day--I mean, kamusta 'yung pag-uusap niyo ni Ria?" Nag kagat ako ng labi, gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kaba. Ano ba, Azari? Hindi ka naman papatayin ni Damian. Bakit ka ba nag kakaganyan, ha? "It went well," maikling sagot niya. Akala ko ay may isusunod pa siya roon pero ni isang
Mas lalong tumulo ang luha ko. Linakasan ko ang loob ko at lumapit sa kanya. I wiped his tears before hugging him tight. "Baby, ako lang 'yun, ako lang 'yung may alam ng nararamdaman mo noon. Ako lang..." Paulit-ulit niya 'yong binubulong habang humihikbi. Pilit kong pinipigalan ang pag hagulgol ko dahil baka magising si Ali. Baka mag taka pa 'yon kung bakit kami nag iiyakan dito. "Is it true? Someone locked her inside a cabinet?" tanong niya. Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata kaya kahit natatakot ako sa kung ano mang gagawin niya ay mabilis pa rin akong tumango. I heard him curse before burying his face on my chest. "Now, my daughter thinks I don't love her..." bulong niya. Hindi ako sumagot at niyakap na lang siya. I know he's mad at me, pero ito lang ang alam kong mag papakalma sa kanya ngayon. "Tell me about her." I cleare
"Her fever is going down." Pinagmasdan ko si Ali, mahimbing at malalim ang tulog niya. This is the third day since she had her fever. Pababa na ang lagnat niya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko. Simula noong sinabi ko kila daddy na may anak ako ay pinabayaan muna nila akong alagaan si Ali habang may sakit siya. Wala pa akong natatanggap na tawag sa kahit na sino sa kanila, pati kay Damian. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil hindi nag pararamdam si Damian ngayon. Naiisip ko kasing baka hindi man lang pumasok sa isip niya na buhay ang anak namin. Baka ang nasa isipan niya ngayon ay nag pabuntis ako sa iba. Tumayo ako ng kama at iniwan si Ali kay mommy. Aalis ako ngayon dahil may kailangan akong gawin sa opisina ni daddy. Nag sisimula na kasi ulit bumangon ang negosyo niya dahil sa negosasyon namin sa iba't ibang b