Share

14

Author: Anastasia Blanc
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Mabilis na lumipas ang araw hanggang sa dumating ang araw ng biyernes. April 20, 2020.

Tanghali ako nagising dahil wala naman akong pasok ngayon. Today's my birthday so it's automatic na day off din ni ms. Williams.

"Happy sweet 16, Azari Kline," nakangiting bati ko sa sarili ko bago nag unat ng katawan. Today's super cold.

Ilang araw kasi na sobrang init kaya siguro naipon na 'yung ulan at ngayong linggo binabagsak. Tapos sa susunod na buwan ay sobrang init na naman.

Psh, abnormal na panahon. 

Nanatili akong nakahiga sa kama at binuksan ang cellphone. Notifications boomed my account because f******k notified everyone who folllows me that it's my birthday today. Andami tuloy bumati kahit hindi ko naman kilala.

Sa dami-rami ng mga nag message sa akin ay tanging mga mensahe lang nina mommy ang binasa ko. Elli wants to be unique again so she did a video greet.

I was about to get up from my bed when suddenly, my phone rang.

Mommy calling...

I cleared my throat before answering. Hindi pa kasi ako nakakapag inom ng tubig kaya malamang ay tuyo pa ang lalamunan ko.

"Hey, mom," panimulang bati ko. Tahimik ang linya sa kabila kaya naman muli kong sinulyapan ang screen kung napindot ko ba ang end call button o hindi.

Hindi naman. 

"Mom--" 

"Happy birthday to you..." rinig kong kanta nila sa kabilang linya. Yes, nila. I can hear tita Elena, tito Frank, Elli and Elias' voice through the line. Kasabay nilang kumakanta si mommy habang may minus one ng happy birthday na tumutugtog sa background.

"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday...Happy birthday to you...HAPPY BIRTHDAY AZARI!" sabay-sabay nilang sigaw. I can't see them but I know they're celebrating with me. Parang hinaplos ang puso ko dahil doon. 

Ang gandang panimula sa umaga. 

"Gosh, girl, you're already 16!" sigaw ni Elli sa kabilang linya. Humalakhak ako. 

"Yeah. I'll sing a happy birthday to you also after 2 months," sabi ko. Mas matanda kasi ako kay Elli ng dalawang buwan. Swerte namang hindi pasok sa buwan ng summer ang birthday niya kaya parati akong nakakadalo sa mga selebrasyon. Sa mga oras kasi na 'yon ay nakauwi na ako sa maryland. 

"What's your plan? Are you gonna celebrate there too?" rinig kong tanong ni Elias. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Maybe? How could I celebrate? Wala naman akong bisita. 

"Maybe? Daddy wants me to celebrate, eh. But I don't know. I don't have any guests by the way," natatawa kong sabi.

"We are your guest, anak," si mommy. Mapait akong ngumiti. How I wish. 

"Alright, alright. I need to end this call na, mommy. I haven't eaten yet. Wala pa nga akong hilamos," kunwaring natatawa kong sabi. They greeted me a happy birthday again before ending the call. Pagkapatay na pagkapatay ng tawag ay agad kong isinubsob ang mukha ko sa unan at pinag susuntok 'yon. 

I wanna go home.

This day shoud be my special day. But how can this be day so special when I'm alone here? It's hard to celebrate through call. Saka, alam kong may iba ring inaasikaso sina tita Elena. 

"We'll celebrate your sweet 16th. I promise you that."

Parang nag echo ang boses ni Damian sa utak ko. Oo nga pala! Mabilis na nabuhay ang katawan ko at tumayo na mula sa kama. 

Damian promised me to celebrate my birthday with him so I won't feel alone. 

Kaagad akong tumakbo sa malaking bintana at binuksan ang kurtina. I thought sunlight would hit my face but it did not. 

Why the weather is suddenly so gloomy? 

Saglit kong tinitigan ang madilim na langit bago bumalik sa kama. 

It's okay. At least it's cold.

Inayos ko ang higaan at niligpit ang mga nasa ibabaw nito. Matapos non ay dumiretso ako sa banya para maligo. Matagal kong inibanabad ang katawan ko sa tub at nag sindi pa ng scented candle sa gilid. 

I want my body to be really fresh today. 

Nang matapos kong maligo ay dumiretso ako sa walk in closet suot lamang ang roba. Isa-isa kong tiningnan ang mga damit doon at ipinatong sa katawan ko, tiningnan kung babagay ba ito. I chose the red skater dress at pinaresan 'yon ng lace up heels. 

"Wow," puri ko sa sarili nang makita ang repleksyon sa salamin. Parang tanga pa akong umikot dahil gandang ganda ako sa sarili ko. 

Matapos na titigan ang sarili ko ay kumuha ako ng litrato. I didn't bother to tie my hair na kasi maganda na naman kahit hindi na ito nakatali. I just let my long wavy hair to spread down to may waist. 

Ilang litrato pa ang kinuha ko bago lumabas ng kwarto. Kataka-takang wala akong makitang maid sa hallway pagkalabas ko. Kadalasan kasi ay mayroong mga naglilinis na kasambahay rito. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

Pagkababa ko ng second floor ay agad na kumunot ang noo ko nang makitang maraming tao. Like catering crews, mga naglalagay ng disenyo sa gilid at doon ko rin natagpuan lahat ng kasambahay na todo ang paglilinis. 

What are they doing? 

Mabagal akong nag lakad at isa-isang pinagmasdan ang ginagawa nila. All of them were busy kaya naman kahit pag hinto ko sa harapan nila ay hindi nila napapansin.

Muli akong lumakad at dumiretso sa dining area para kumain. Nang pagkapasok ko sa loob ay agad din akong lumabas dahil maraming tao na hindi ako pamilyar. They're all cutting vegetables or mga nag ma-marinate ng kung ano. Sa sobrang pagtataka ko ay hindi ko mapigilang huminto sa gilid at tinanong si Nerida na nagpupunas ng mga picture frame.

Are they preparing because it's birthday? 

"Nerida," tawag ko sa kanya. Mabilis niya akong nilingon at sandali pang nagulat bago ibaba ang picture frame na hawak niya.

"Uy, ma'am! Good afternoon po!" bati niya sa akin. Ngumiti ako bilang sagot ngunit sigurado akong hindi pa rin tanggal ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa pagtataka.

"What...is exactly happening here?" takang tanong ko. Itinuro ko pa ang mga catering crews at mga orgnizer sa paligid na busy sa mga kanya-kanyang ginagawa. 

"Ah, 'yan po? Si ma'am Melania po ang kumuha sa kanila," sabi niya. Mas lalo tuloy akong nagtaka. Para saan naman? 

"For what?" tanong ko uli. 

"Uh, hindi niyo po ba alam? Nakasama po si Ria sa with high honors. Gusto pong icelebrate ni ma'am Melania dahil malaking achievement po 'yon!" sabi niya, mukhang nae-excite pa. 

Oh. 

"Ah, ganon ba? Asan si Ria kung ganon? B-Babatiin ko lang," mapaklang sabi ko. 

I didn't ask for a celebration but...I thought it was for me. 

"Ah si ma'am Ria po? Nasa mall po siya kasama sina sir Leandro at ma'am Melania. Sasamahan daw po nila sa salon para makapag ayos at masorpresa pag uwi rito," sagot niya. Magkakasama sila? Alam ko ay malayo ang mall dito kaya siguradong matatagalan ang mga 'yon sa pagbalik. Siguro ay pagkatapos maayos ng mga dinidisenyo rito ay saka sila makakarating. So...dad is busy? 

I was expecting that dad would celebrate me. It's okay though. I didn't ask for his presence for today naman. And he didn't promise me that he'll celebrate with me so...it's okay. 

I'll be ok. 

Speaking of promises, mabilis na binalot ng lungkot ang buong pagkatao ko. Damian promised me that he'll be with me today so I won't be alone. 

But...will he? 

Ria's very speacial to Damian. Ang mga kwento rito ay gusto nila ang isa't isa, hindi lang umaamin. So how will he celebrate with me? It's his girl's special day. 

Ako? It's my birthday. Taon-taon na ginaganap so...pwede ko namang ipagdiwang uli sa susunod na taon. 

Don’t be a fool, Azari. Ria deserves this celebration. 

"Ah, sige. Salamat, Nerida," mahina kong sabi bago siya talikuran. Wala ako sa sariling lumabas ng bahay at naglakad na lang sa kung saan. Paniguradong wala ring pwesto sa kusina para kumain. Puno ang dining area kaya malamang, puno rin ng tao roon. 

Tanging sarili ko lang ang dala ko sa paglalakad. I left my phone in my room kaya kahit na isang gamit ay wala akong dala. Balak ko lang naman sanang kumain kaya bakit ko pa dadalhin ang cellphone ko, 'di ba? Hindi ko naman inaasahang ganon ang dadatnan ko sa baba, edi sana dinala ko na. 

Patuloy akong naglakad hanggang sa makarating sa gate ng mansion. Nang lalabas na sana ako ay pinigilan ako ng guard. 

"Ma'am, saan po kayo pupunta?" tanong niya sa akin. Pilit akong ngumiti at itinuro ang dagat sa labas. I've never been there since I came here this year. 

"Doon po. I want to breathe fresh air, kuya. Palagi na lang po kasi akong nakakulong dito," sabi ko. 

"Alam po ba ni sir Leandro, ma'am?" tanong niya ulit. Kailangan pa ba ng permiso ni daddy para makalabas ako?

Sa US nga, nagma-mall kami ni Elli kahit hindi nagpapaalam kay mommy. Si tita Elena ang nagtatanggol sa amin tuwing pagagalitan kami. 

"Hindi po. It's so malapit lang naman, kuya," dahilan ko. Saglit siyang nag isip bago bumuntong hininga.

"Sige, ma'am. Kailangan niyo ho ba ng kasama?" tanong niya. Mabilis akong umiling at nginitian siya. 

"Huwag ho kayong magpapagabi, ah? Medyo hindi po kasi maganda ang panahon ngayon kaya malaki ang posibilidad na umulan," muling sabi niya bago ako pagbuksan ng gate. 

Nang makalabas ay agad akong tumawid sa daan para makarating sa dalampasigan. Kailangan mo pa kasing tumawid sa mga dinaraanan ng kotse para marating ang buhanginan. 

Nang marating 'yon ay hinubad ko agad ang suot kong heels at binitbit na lang habang naglalakad. I can't walk here with that kind of shoes. 

Lulubog lang ako. 

Nang makalapit sa tabing dagat ay mariin akong napapikit dahil sa lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko. The strong air blew my skater dress backwards, same as my voluminous bouncy hair who's also blown by the wind. The waves were crawling gently to the shore. Hindi ko alam kung sasaya ako o hindi dahil sa nakikita ngayon. I feel sad that's why I came here. I was relaxed but I can't help but to think that I'm all alone.

Ang ganda nga ng tanawin ko, nag-iisa naman ako. 

Marahas akong nagbuga ng hangin at umupo sa puting buhangin. Inilapag ko sa gilid ko ang heels na suot ko kanina at pinagtabi 'yon. Isinandal ko ang ulo sa magkadikit na tuhod habang dinadama ang simoy ng hangin na nanggagaling sa malinaw na karagatan. 

I wanna go home. 

Lumipas ang oras hanggang sa dumating ang hapon. I still don't wanna go back to their mansion. Nang uminit ang paligid ng mga mata ay mabilis kong pinunasan 'yon. Muli kong hinarap ang dagat para mapigilan ng malakas na hangin ang pagtulo ng mga luha ko. I can't help but to think how miserable my life is. 

Ayoko nito, hindi ito 'yung gusto kong buhay. I wanna go back home. Watch n*****x in my room while the snow is falling wildly outside. Drink hot chocolate with tita Elena that is stored in her expensive westinghouse teapot. I wanna travel around US and roam around magnificent mile at chicago with my mom. I wanna sneak out in the middle of the night so Elli and I can sleep at their backyard where her tent was already arranged. And mom, mommy is alone at our house. I am the only person in her life. Wala siyang kasama sa bahay.

"Happy birthday." Mabilis akong nag-angat ng tingin. My heart pounds like a hummingbird’s wings when I saw Damian's intimidating face with a smile. He's holding a small rectangular box in his hands that is wrapped around with a crimsom red ribbon. 

He came.

Umupo siya sa tabi ko at ibinigay ang regalong dala. Tinitigan ko lang 'yon at muling ibinalik sa karagatan ang paningin. 

"Ria's not here," mahinang sabi ko. Gaya ng ginawa niya noong nakaraan ay hinarap niya ang mukha ko sa kanya at malakas na pinitik ang noo ko. Halos maibaon ko siya sa buhangin dahil sa sakit non. 

"Silly. I came here for you," seryosong sabi niya at inilapag ang rectangular box sa hita ko. 

"Anong gagawin ko r'yan?" taas na kilay na tanong ko habang nakatingin sa inilapag niya. 

"That's my gift. Don't tell me you don't know what's the purpose of a gift?" Inirapan ko siya.

"I don't accept gifts." 

"I don't care."

"You're so mean."

"No, you're the one who's mean here. Accept my gift, I flew to manila just to find something like that," sabi niya. Muli kong tiningnan ang 'yon at binuksan. 

It's a wooden pen that has my name engraved on it. 

Azari 

"Do you like it?" tanong niya. Mabilis akong tumango at tiningnan ang kabuoan non. 

"It's pretty," puri ko rito. My name is written in cursive. Parang pen 'yon ng mga sinaunang tao kaya naman gandang-ganda ako. 

"That's refillable. Kapag maubos na 'yung ink ay pwede mong palitan ng bago." 

"Thank you," seryosong sabi ko. Hindi siya sumagot kaya naman nanahimik na lang ako. 

It's okay though. As long as he's not leaving me here, It's okay. 

Parehas lang kaming nakatingin sa dagat at pinagmamasdan ang mabagal na paghampas ng alon. There's a very loud silence between us and I'm afraid that he'll hear my pounding heartbeat. 

"I was 8 when I first came here and met dad and his oh-so-perfect family," panimula kung kwento. 'Yon ang bumasag sa katahimikan na kanina pa bumabalot sa amin. He didn't respond a single word but I know that he's listening. I can feel that. 

"I wasn't afraid of Melania but I don't like the way she stares at me. I was a child by then, I don't know things. Hindi ko alam kung bakit ganon siya makatitig sa akin," dugtong ko. 

"When I turned 9, that's when I knew that mom was once dad's mistress. That's when I knew that I'm dad's illegitimate child."

"As the years passed by, I started to understand things. Why Melania was looking at me like that, why my dad doesn't visit me in Maryland, why they call me Ria's step sister." 

Mapait akong ngumiti nang maalala ko lahat 'yon. Lahat ng mga naranasan ko tuwing napunta ako rito. All of those things that made me think that my life is miserable. That my life is unsuitable for a child to experience. 

Related chapters

  • The Billionaire's Daughter    15

    "When I turned 10, that's when I started to hate Melania. I talk about her with my tita Elena at Maryland. I loathe her to hell. Me and tita Elena even call her evil manipulative bitch," natatawa ko pang sabi. "As the years goes by, Ria started to grow too. That's when I started to notice that she has the exact facial features of her mom so I hated her also. Ria is very kind to me but her presence suffocate me. It's like everytime she's around, I can feel Melania's presence too. I hated her for that. Immature, right? But that's what I feel. I can still remember all the trumas her mom gave me. How she made me feel that I'm forcing myself to fit to a family that I am not even belong to. I am suffocated by her. By them. Melania's shameless mouth turned me like this. To be a bad mouthed girl too." "I'm thankful that I have tita Elena's family and mommy. They teach me how to respect someone that deserves to be re

  • The Billionaire's Daughter    16

    Nagising ako ng madaling araw. My head is aching and I can't move properly. Kahit na nahihirapan ay nakuha ko pa ring abutin ang remote at pinahinaan ang aircon. Ghad, am I gonna get sick just because of that rain? Dahil sa sakit ng ulo ay mabilis din ako ulit nakatulog. Lumipas ang oras hanggang sa sumapit ang umaga. Nagising ako dahil sa ingay ng mga taong nakapaligid sa akin. "Should we call tita Alejandra, dad?" rinig kong boses ni Ria. "I already did. Azari have a personal doctor. 'Yon lang ang pinagkakatiwalaan ni Alejandra dahil ayaw ni Azari sa hospital. Sa tingin ko ay nakalipad na 'yon si Alejandra papunta rito. Siguro ay mamayang madaling araw ay narito na 'yon," si daddy naman. "It's just a fever, Leandro. Bakit mo pa tinawagan?" si Melania. I slowly opened my eyes. Kahit na bumukas 'yon ay nanlalabo pa rin ang mga mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko na parang mamatay na ako anytime. I don't

  • The Billionaire's Daughter    17

    Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa mag tanghalian na. Ramdam na ramdam ko ang init sa labas kahit nasa loob lang ako ng kwarto. Busy si mommy sa pagliligpit ng mga gamit ko habang ako naman ay nakatulala lang sa ceiling. "How are you feeling?" tanong niya nang matapos niyang mag impake. Nakaligo na siya at iba na rin ang suot. She's wearing a tortilla colored jeans partnered with a cream fitted top. May trench coat din siya na suot na kulay tortilla rin. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at may suot na siguro ay apat hanggang limang inch na takong. She looks like she's still in her 20's. "Mom, it's hot. Why are you wearing a trench coat?" tanong ko sa kanya. "Philippines is hot but Maryland isn't. Aalis na rin naman tayo," sagot niya bago sinapo ang noo ko. "How are you feeling?" &nb

  • The Billionaire's Daughter    18

    7:00 am kami saktong nakarating sa Maryland. I feel nauseous because of the 17 hours flight. Inalalayan akong bumaba ng mga bodyguards ni mommy dahil sa hilo. Nang makalabas kami ng airport ay agad na nadagdagan ang mga bodyguards. May kumalat at ang iba naman ay lumayo sa amin para pagmasdan ang paligid. Our car was surrounded by some paparazzis. I think they're 2-3 people. Kinukuhanan nila ng litrato ang sasakyan namin. Funny, anong makukuha nila riyan? Tinted ang sasakyan. "Let's go," utos ni mommy sa driver namin. Mabilis lang kaming bumyahe papuntang potomac dahil hindi katulad sa Pilipinas, maluwag ang daan dito. Sa tingin ko nga ay kailanman ay hindi nagkatraffic dito. Minutes had passed until I saw the huge gate of our house. The driver pressed something on the car bago bumukas 'yon. The contemporary mansion still looks extravagant. Hindi mo iisipin na dalawang tao lang ang nakatira rito dahil sa sobrang laki. Wow,

  • The Billionaire's Daughter    19

    "Uh...what is going on?" takang tanong ko nang makababa sa bahay. Tita Elena, Elias, Elli and mommy were gathered at the huge table outside our house. "You want to forget your feelings for that Damian guy?" tanong ni tita Elena. Kahit na nagtataka ay marahan pa rin akong tumango. Bakit? Iuumpog ba nila ang ulo ko sa malaking lamesa para magkaroon ng amnesia at makalimot? "Y-Yeah. Why?" takang tanong ko sa kanila. Sinulyapan ko si mommy pero nag kibit balikat lang siya sa akin bago ipinagpatuloy ang pagbabasa ng magazine. Parang hindi pa siya interesado at sinasakyan lang ang mga trip nina tita Elena. "Let's forget him!" si Elli. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko. What do they mean? We? Hindi nga nila kilala si Damian. "Vacation is near, Azari. You already finished your highschool. Have some fun and find another man to replace him. O

  • The Billionaire's Daughter    20

    After weeks, Andro and I became close. Lagi na siyang sumasama sa mga gala namin nina Elli. Wala naman siyang reklamo sa kung saan man kami mag punta dahil nag eenjoy naman siya. "Are you sure this one is needed, Elli?" tanong ko nang nag lagay na naman ng kung ano si Elliana sa cart namin. "Of course! I wouldn't lagay naman diyan if not. Saka, it's very important!" dahilan niya. Wala akong nagawa kung hindi umiling. Ano namang importante sa teddy bear? We're having a sleepover kasi sa bahay nina Andro. Elli was too excited because she saw how big Andro's house sa I*******m. Itinulak ko ang cart at nagpunta sa section ng mga chips. Marami akong kinuha roon at nilagay lahat sa cart. "All done!" excited na sabi ni Elli. Nakadalawang cart kami para lang sa sleep over. Parang pang isang buwan na na grocery 'tong pinamili namin para sa is

  • The Billionaire's Daughter    21

    "Okay, okay. I'm almost done.""Okay, I'm still driving. I'll be there for maybe 10 minutes?" sagot ni Andro mula sa kabilang linya. Kahit hindi niya nakikita ay tumango ako."Drive safely, bye." Ako na ang nag patay sa tawag. Today is Elli's birthday kaya naman ipagdidiwang namin 'yon. This is her sweet 16 kaya naman kung anong gusto niyang klase ng selebrasyon ay gagawin niya. We're gonna celebrate her birthday sa bar na pag aari ni tita Elena. Actually, minors isn't allowed pero dahil nga sila ang may ari, pwede kami.I'm wearing a green midi dress. Lagpas ng tuhod 'yon at may sleeve na aabot malapit sa siko ko. I know this isn't not revealing enough for bars but I don't care. Hindi naman ako naroon para ipakita ang katawan ko.I did a low bun at nilagyan ng manipis na takas ang magkabilang parte ng buhok. Suot ko rin ang kulay brown na sanda

  • The Billionaire's Daughter    22

    "Did you call tita Alejandra already?" tanong ni Elli sa isang bodyguard. "Yes, ma'am. She's on her way here," sagot ng guard sa kanya. Hindi na sumagot si Elli at ako na lang ang binigyan ng atensyon. I was hugging her the whole time because I still feel scared. Pakiramdam ko ay kung sino mang lumapit sa aking lalaki ay gagawin 'yon. Nakita kong kumuha si Elli ng wet wipes at ipinunas 'yon sa katawan ko. I'm still hugging her kaya alam kong nahihirapan siya pero parang hindi niya na inalintana 'yon. "Elli, how's Azari?" rinig kong boses ni Elias. Liningon ko sila at nakita kong papalapit sila saking dalawa ni Andro. Gumapang ang kaba sa dibdib ko at mas niyakap nang mahigpit si Elli. I started sobbing because of fear. "N-No! Please, no!" umiiyak kong sabi habang nakabaon ang mukha sa dibdib ni Elli. Ramdam ko ang pag tahimik nila ba

Latest chapter

  • The Billionaire's Daughter    64

    "Dad, do you think Azari will like her new room?" nag-aalalang sabi ni Ria. Ibinaba ni tito Leandro ang dyaryo at nakangiti siyang tiningnan. "Oo naman, anak. Azari may be a brat but she's sweet. Hindi niya lang pinapakita 'yon dahil hindi naman siya sanay na makasama tayo," sagot ni tito sa kanya. Nananatili akong tahimik sa gilid at nakikinig lang sa kanila. Darating ngayon ang parating kinukwento ni Ria sa akin na kapatid niya. Her name is Azari. I've never seen her before kasi ngayon lang naman ako nanatili rito tuwing summer. Parati akong nasa ibang bansa para samahan si mama. "Dad, c'mon!" Hindi ko alam kung ngingiti ako o hindi dahil sa sobrang pagka-excited ni Ria. It's good that she's like this when it comes to her step-sister. Ang problema lang sa kanya ay masyado siyang magaslaw 'pag excited, nagiging aggressive tuloy. I'm used to it though. Ria is my friend since we were kids, sanay na sanay na ako sa ganitong ugali niya. Nananatili akong nasa malayo habang pinapanood s

  • The Billionaire's Daughter    63

    Ang una kong nakita nang maimulat ko ang mga mata ay puting kisame. I'm sure I'm inside a hospital room. But why am I here? Gumapang ang kaba sa buong pagkatao ko nang maalala ang nangyari kanina. Agad kong hinaplos ang tyan ko at kinakabahang tiningnan 'yon. "'Yung baby ko..." I saw Damian beside me, sleeping. Nang marinig niya ang boses ko ay agad siyang naalarma. "Hey, are you okay? May masakit ba sayo? Should I call a doctor?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang ang tyan ko. Does he already know that I'm pregnant? Anong nangyari sa baby namin? Okay lang ba siya? Where's Ali? Si mommy lang ba ang kasama niya sa bahay? Does she know that I'm here? "Damian 'yung baby natin. A-Anong nangyari? Okay lang ba siya, Damian? D-Dinugo ako kanina. Baka m-may nangyari na sa anak natin, Damian," naaalarma kong s

  • The Billionaire's Daughter    62

    Ilang buwan ang lumipas hanggang sa ma-discharged si daddy sa ospital. Dito muna sila sa manila dahil hindi pa kayang bumyahe ni daddy. Ang alam ko ay sa condo ni Ria sila ngayon tumutuloy. "Mom, where are you going?" tanong ni Ali sa akin nang makitang nakabihis ako. Nasa tabi siya ni Damian, nagkukulay sa coloring book niya. Kaninang umaga rumating si Damian dito. Ewan ko kung nagta-trabaho pa ba 'to dahil palagi na lang narito sa penthouse. "Sa office, anak. Mommy needs to check on lolo's company and...kailangan din sa business natin, baby," sagot ko. Nilabas ko ang cellphone ko at nanalamin doon. Gosh, ilang araw akong walang paramdmam sa opisina kaya kailangan kong mag pakita roon ngayong nakalabas na ng ospital si daddy. "Can you stay here, mom? Daddy's here, I think it's the best time to play." "Ali, I

  • The Billionaire's Daughter    61

    "Ha?" Halos manginig ang kamay ko dahil sa kaba. Seryoso ba siya? Bakit ngayon? Masakit na nga ang katawan ko tapos interview with his parents pa? Saksakin niyo na lang ako. "Mama and Papa wants to talk--" "Narinig ko. Bakit daw? Galit ba sila sa akin? Omg, Damian, ha. Paano kung ano, ayaw nila sa akin?" sunod-sunod na tanong ko. I heard him chuckle before kissing my cheek. Mabuti na lang at wala si Ria rito, baka mas lalong masaktan 'yon. I really think we should stay away from Ria muna while she's in the process of moving on? Kung mag lalandian kasi kami ni Damian sa harap niya ay baka masaktan lang siya lalo. "Don't be nervous. Mama and Papa don't judge easily. They look intimidating but I know them, they won't hate you if you didn't explain your side yet," pang-u

  • The Billionaire's Daughter    60

    Kinabukasan ay pagod na pagod ang katawan ko. Kahit nakatulog ako nang mahimbing ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod kagabi. Damian is still beside me, akala ko ay umuwi na siya kanina dahil ang sabi niya noong isang gabi ay isang buong araw lang siya rito. "Baby, let's eat breakfast," malambing na sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Iminulat ko ang mga mata ko at naaantok na tiningnan siya. "My body is tired." Humalakhak siya bago ako yakapin nang mahigpit. Hinaplos niya ang mukha ko bago ako halikan sa labi. "Last night was rough. I'm sorry but I'm not sorry..." Tiningnan ko siya nang masama at hinampas ng unan. Muli siyang humalakhak at hinila ako patayo sa kama. "Baby, c'mon! Alistair is waiting for us outside. She wanna hear your explanation about last night. Madaling araw ka na kasi u

  • The Billionaire's Daughter    59

    Buong hapon akong naroon sa restaurant. Dalawang beses lang akong binalikan ng waitress at hindi na muling ginulo pa. I'm thankful that pinabayaran muna nila sa akin ang mga inorder ko para hindi na ako maistorbo. I don't want them to see me ugly crying while drinking wine. Hindi ako broken hearted, nalulungkot lang. Lumipas ang oras hanggang sumapit ang gabi. I feel a little bit dizzy because of the wine. Hindi naman umabot sa kalahati 'yon kaya nahihilo lang ako ng kaunti. Lumabas ako ng VIP room at pumuntang banyo. Inayos ko lang ang sarili ko bago umalis ng restaurant ng 'yon. Being alone while sad isn't helping, I need to socialize. Kailangan kong mag party. Sumakay ako ng sasakyan at inikot ang buong BGC. Sunod-sunod ang bar na nadaraanan ko pero ang tanging hinintuan ko lang ay 'yung walang pila. I don't have time

  • The Billionaire's Daughter    58

    Tahimik ang buong kusina hanggang sa matapos ko siyang handaan ng pagkain. Grabe ang titig niya nang humarap ako, pakiramdam ko ay kaunti na lang ay itatapon niya na ako sa labas ng penthouse. Why is he so intimidating? "Here. Luto ni mommy 'yan," Inilapag ko ang plato na may lamang pagkain sa harap niya. Tinitigan niya 'yon bago nag simulang kumain. Umupo ako sa upuan ko kanina, hindi ko alam kung kakain na lang ako nang tahimik o kakausapin ko siya tungkol sa pinag-usapan nila ni Ria. "So uh...how's your day--I mean, kamusta 'yung pag-uusap niyo ni Ria?" Nag kagat ako ng labi, gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kaba. Ano ba, Azari? Hindi ka naman papatayin ni Damian. Bakit ka ba nag kakaganyan, ha? "It went well," maikling sagot niya. Akala ko ay may isusunod pa siya roon pero ni isang

  • The Billionaire's Daughter    57

    Mas lalong tumulo ang luha ko. Linakasan ko ang loob ko at lumapit sa kanya. I wiped his tears before hugging him tight. "Baby, ako lang 'yun, ako lang 'yung may alam ng nararamdaman mo noon. Ako lang..." Paulit-ulit niya 'yong binubulong habang humihikbi. Pilit kong pinipigalan ang pag hagulgol ko dahil baka magising si Ali. Baka mag taka pa 'yon kung bakit kami nag iiyakan dito. "Is it true? Someone locked her inside a cabinet?" tanong niya. Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata kaya kahit natatakot ako sa kung ano mang gagawin niya ay mabilis pa rin akong tumango. I heard him curse before burying his face on my chest. "Now, my daughter thinks I don't love her..." bulong niya. Hindi ako sumagot at niyakap na lang siya. I know he's mad at me, pero ito lang ang alam kong mag papakalma sa kanya ngayon. "Tell me about her." I cleare

  • The Billionaire's Daughter    56

    "Her fever is going down." Pinagmasdan ko si Ali, mahimbing at malalim ang tulog niya. This is the third day since she had her fever. Pababa na ang lagnat niya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko. Simula noong sinabi ko kila daddy na may anak ako ay pinabayaan muna nila akong alagaan si Ali habang may sakit siya. Wala pa akong natatanggap na tawag sa kahit na sino sa kanila, pati kay Damian. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil hindi nag pararamdam si Damian ngayon. Naiisip ko kasing baka hindi man lang pumasok sa isip niya na buhay ang anak namin. Baka ang nasa isipan niya ngayon ay nag pabuntis ako sa iba. Tumayo ako ng kama at iniwan si Ali kay mommy. Aalis ako ngayon dahil may kailangan akong gawin sa opisina ni daddy. Nag sisimula na kasi ulit bumangon ang negosyo niya dahil sa negosasyon namin sa iba't ibang b

DMCA.com Protection Status