"You're doing great," puri sa akin ni Damian. Tipid akong ngumiti baho hinawakan ang rein ng kabayo.
"Bababa na ako," sabi ko. Kanina pa kami naglalakad ng kabayo pero hindi man lang ako pinatakbo ni Damian. I understand naman na kakaturo niya lang sa akin pero kung paglalakad lang ang gagawin namin buong araw ay mas mabuti pang bumaba na ako dahil halos naikot na yata namin ang buong farm."Ayaw mo na?" tanong niya sa akin. Sunod-sunod akong tumango. Maliban sa nagsasawa ay nangangalay na rin ang likod ko dahil walang masandalan. Gusto ko nang magpahinga.Hinawakan niya ang tali ng kabayo at dinala kami kung saan kami nakapwesto kanina bago sumakay. Sinabit niya sa isang kahoy ang tali bago ako hawakan sa magkabilang bewang at binuhat pababa."How was the experience?" tanong niya sa akin. Saglit akong sumulyap sa kabayo bago nagpagpag ng damit."Nangangalay ang likod ko. I wanna go home na," sagot ko. Mahina siyang tumawa bago ako tinanguan."I'll tell your father," sabi niya bago inilabas ang cellphone mula sa bulsa. May kung ano-ano siyang pinindot doon bago uli 'yon ibalik sa bulsa."Itinext ko na. Papunta na 'yon dito mamaya." Tumango ako. Lumakad ako malapit sa malaking barn house at umupo sa nakita kong upuan. Ilang beses ko pang inunat ang katawan ko bago sumandal sa upuan. Sumunod naman sa akin si Damian at umupo sa tabi ko. I'm kinda sleepy.Ilang minuto kong hinintay si daddy bago siya rumating. He's talking to mang Cario while walking towards us. I bet it's all about the problem yesterday again.Nang makalapit sila sa akin ay mabilis akong tumayo. Parang kaunti na lang kasi ay babagsak na ang talukap ng mga mata ko."Dad, I'm sleepy. Let's go home?" yaya ko sa kanya. Sinulyapan niya ang relo bago ako tinanguan."Sige, uuwi na tayo. Anong oras na rin, may pasok ka pa bukas," sabi niya. Nauna na akong lumakad papalabas ng barn house dahil kinausap pa ni daddy si Damian saglit. Binati pa ako ng guard bago pagbuksan ng gate.Sumakay ako ng kotse at doon nagpahinga. Antok na antok na ako.Hindi ko na naabutan ang pagdating nina daddy sa kotse dahil sa pagod. Dumilim na ang paningin ko.Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko dahil ang huling naaalala ko lang ay nakatulog ako sa kotse. Hindi ko alam kung bakit nandirito na agad ako.Binuhat ba ako ni daddy?Hindi man lang ako ginising, hindi tuloy ako nakapag hapunan. Tumayo ako ng kama at nag-ayos ng sarili. Nang matapos ay bumaba ako para kumain ng almusal. It's still early kaya naman ako pa lang ang kumakain, tulog pa siguro silang lahat.Matapos kumain ay marami pang natitirang oras bago ako magklase. Hindi na naman ako naantok dahil ang haba ng itinulog ko kagabi kaya naman nag ikot-ikot na lang ako sa buong mansion. Dumiretso ako sa garden at tumambay roon. It's still 7:00 am kaya naman hindi pa masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw.Habang nasa garden ay puro pagkuha lang ng litrato ang ginawa ko. Maganda ang lighting kaya naman gusto kong kuhanan. I'm sure if Elli is here, mas marami pang litrato ang kukuhanan non. That girl is a photophile.Lumipas ang mga minuto hanggang sa mapagod ako. Umupo ako sa batong upuan at isa-isang tiningnan ang mga kuha kong litrato gamit lang ang cellphone. I deleted some of them because of the bad quality. Hindi ako kasing galing ni Elli mag picture kaya karamihan sa mga kuha ko ay medyo malabo. Habang tinitingnan ang mga ito ay biglang tumunog ang cellphone ko, senyales na may tumatawag.Elias calling...Elias? Bakit naman tatawag si Elias sa ganitong oras? Paniguradong mag aalas otso na ng gabi sa kanila dahil ganon ang oras ngayong umaga rito. Kumunot ang noo ko at nagtatakang sinagot 'yon. "Hello?" panimula kong bati. Mas lalong kumunot ang noo ko nang tahimik lang ang kabilang linya. Nanti-trip ba 'to si Elias? "Hello?" muling tawag ko ngunit tahimik pa rin. Papatayin ko na sana ang tawag nang marinig ko ang malalim na pag buntong hininga ni Elias mula sa kabila."Elias?" muling tawag ko. Dahil sa pag buntong hininga niyang 'yon ay alam ko na agad na hindi siya okay. Plus, minsan lang tumawag 'tong lalaking 'to dahil wala naman kaming pake sa isa't isa. "Ari, kill me now," problemadong sabi niya. Mabilis akong umayos ng upo. Ghad, problemado nga ito. Si Elias 'yung tipo ng tao na bibiruin ka pero tatakbo 'pag gusto mo nang patayin. Tapos ngayon eh wala naman siyang ginagawa sa akin tapos gusto niya nang magpakamatay? "Do you have a problem, Yassi?" mahinahong tanong ko. I always call him Yassi tuwing ganito ang usapan. He's my very first bestfriend simula noong bata pa ako. Nakilala ko si Elli because of him. Mas naging close lang kami ni Elli ngayon dahil kadalasan ay pang babaeng topic lang ang pinag uusapan namin. He calls me Ari everytime he needs his childhood friend which is me. I call him Yassi whenever I'm being his very bestfriend. We call each other "babe" if we're having a friendly but not a serious talk. Naging Elias lang naman ang tawag ko sa kanya dahil nabibwisit ako sa buong mukha niya. "Damn, I think I'm inlove," mababang boses na sabi niya. Saglit akong natahimik at hindi nakasagot. Parang may dumaang anghel sa tawag namin dahil sa sobrang katahimikan. I don't know if I should laugh or cry because finally, this fucker is inlove. It's funny though."Pft--BWAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ko. Kung siguro ay may nakakarinig sa akin na nakilala ako bilang masungit ay hindi sila maniniwala na ako ang tumatawa. Sa sobrang funny kasi ni Elias ay pati ugly laugh ay nagawa ko na. "Babe, stop laughing," muling mahina ang boses na sabi niya.Here we go with his endearments again. Nagpatuloy ako sa pagtawa pero nang marealize kong tahimik na naman ang kabilang linya ay tumigil na ako. Suminghap ako at mabilis na dumapo ang palad sa mga labi. "Omg, are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Would I call you if I'm not?" sarkastiko niyang tanong. Omg. "Ha? Paano--I mean, how? When did it happen? Who's the cursed woman? Damn, I think that woman did a terrible crime in her past life to have a life like this in the present. I mean, who would love to be loved by you?" miserable kong sabi. Dahil sa sinabi ko ay narinig ko na naman ang buntong hininga niya. Parang naging mas problemado pa ata. "She hates me and...I don't think she'll forgive me for what I did. I admit it now, Ari. I'm a coward. I accidentally spill a lot of ink on her painting. I tried to fixed it but it only got worse. Now she's very mad because that painting is her mother's gift before she died. She thinks that I did it purposedly because I love teasing her," problemadong sabi niya. Dahil sa sinabi niya ay ako naman ang napabuntong hininga.Problema nga 'to. "Everything's gonna be alright, Yassi. You know what, babe? I wish I could hug you right now," seryosong sabi ko. I'm sure this guy needs a friend right now. Alam kong nahihiya 'tong mag open up kina tita Elena kaya naman sa akin lumalapit. Malamang, ako lang naman ang kaibigan niyang babae. Sigurado akong hindi pa siya ready na umamin sa mga playboy rin na kaibigan niya na inlove na siya. Ang hirap naman kasing paniwalaan. I believe him, though."I don't know what to do," dugtong niya."You are a very good man, babe. You always tease me a lot but I know you have a good heart. You won't be part of my life if you don't have one," pagpapagaan ko ng loob sa kanya. "Damn, Ari. You're improving, huh? You are good at reassuring people. Did you mean all of that?" tanong niya. "No," kunwaring seryosong sagot ko."Fuck you," pagmumura niya sa akin. Humalakhak ako. "I'm kidding," natatawang sabi ko bago kami sabay na tumawa. "Thank you, Ari. But I need to go because mom is already calling me. It's dinner time you know. But thank you, babe. You made me feel lighter," seryosong sabi niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya ngayon. "Anything for you, Yassi," sabi ko rin. Siya na ang nagpatay ng tawag kaya naman pinatay ko na rin ang cellphone ko. Marahas akong bumuntong hininga bago matamis na ngumiti. Tumayo ako at babalik na sana sa loob nang makita ko si Damian na nakapameywang sa gilid ko. Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang makita ko siya. "Ano ba? Ba't ka nanggugulat? Kanina pa ba r'yan?" sunod-sunod na tanong ko. Hawak ko ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Grabe, pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso dahil sa gulat."Sino 'yung kausap mo?" tanong niya sa akin. Tumaas ang kilay ko at nagpamewang din. "Bakit ka nagtatanong?" tanong ko pabalik. Kumunot ang noo niya at lumapit sa akin, napaatras naman kaagad ako. "You have a boyfriend?" nakakunot noo niyang tanong sa akin. Mas lalong tumaas ang kilay ko. "Wala!" tanggi ko. "Wala? Ano 'yung babe? I wish I could hug you right now? Anything for you?" sarkastikong tanong niya. Hah! So nakinig siya? Tsismosa rin 'tong Damian na 'to."Wala nga! At anong pakialam mo kung meron? Ano? Isusumbong mo ako, ha?" naghahamon na tanong ko. "You're only 15," kalmadong sabi niya. "So? Ano naman? Ikaw nga 16 ka pa lang pero kwinestiyon ko ba 'yung edad mo, ha?" pilosopong sabi ko. He deeply sighed before massaging his nose bridge. Humakbang siya papalapit sa akin ngunit lumayo ako. "Ano ba? Bakit ka ba lapit nang lapit, ha? Ano? Isusumbong mo ako? Edi go, isumbong mo ako! Mas gugustuhin ko pa para pabalikin na ako ni daddy sa US!" Lumayo siya sa akin at seryoso tiningnan. "Hindi kita isusumbong," kalmado ngunit nakakunot pa rin ang noo niyang sabi. "Oh, eh bakit ka nagkakaganyan? Anong problema mo?" "You're only 15, Zari.""So?" "Hiwalayan mo 'yan," utos niya. Kumunot ang noo ko. Nabibwisit na ako. "Ano? Bakit?" tanong ko. "Ang bata mo pa. Alam kong nadadala ka lang sa kasiyahang naidudulot niyan sayo pero--" "Bakit? Ano bang alam mo?" putol ko sa kanya. Gumapang ang pagkairita sa buong pagkatao ko. Ito 'yung pamilyar na pagkairita tuwing nag aaway kami ni Melania. "Wala akong alam. Kaya nga sinasabihan kita dahil--" "'Yun nga, wala kang alam! So stop acting like you know what I feel and I what I do. Kasi hindi mo naman alam. Sinabi ko naman sayong wala akong boyfriend 'di ba? That guy is my bestfriend! He's inlove with a girl which is not me. Alam mo? Para kang sila daddy, eh! Okay na sana pero hindi man lang pinapakinggan ang punto ko! Gusto kong umuwi pero ayaw pumayag dahil miss niya ako, eh lagi naman siya wala rito. Anong pinagkaiba non? Ikaw, tinatanggi ko na nga pero hindi ka naniniwala. Pare-parehas lang kayo!" tuloy-tuloy na sabi ko bago siya iwan doon. Nabibwisit ako. Alam kong bata pa ako pero kung ituring niya ako ay parang wala akong alam. Ilang beses ko na ngang tinangi pero hindi naniniwala. Pakiramdam ko tuloy ay wala siyang tiwala sa akin. Sabagay, bakit nga ba siya magtitiwala? Hindi niya naman ako kilala. Kunot noo akong naglakad papasok ng bahay. Halos lahat ng nakakasalubong kong kasambahay ay napapayuko dahil sa sama ng itsura ko. "Oh, iha? Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" tanong ni yaya Belen sa akin nang makasalubong ko siya. Pilit akong ngumiti at tinanguan siya. "Oo naman po," sabi ko at nilagpasan siya. Didiretso na sana ako sa sala nang mapahinto ako ulit. May nakalimutan pala akong itanong."Uh, yaya Belen? Anong oras po kaming dumating ni daddy kahapon?" tanong ko at muling lumapit sa kanya. "Mag aalas sinko ka umuwi, iha. Si daddy mo naman ay alas otso na," sabi niya. Agad na kumunot ang noo ko. Huh? "Po? Hindi po ba kami nagsabay?" "Hindi, iha. Si Damian ang naghatid sa iyo rito kagabi. Ang sabi niya ay may biglaang alis ang daddy mo kaya sa kanya ka muna pinahatid. Hindi ka na namin ginising dahil ang sarap ng tulog mo," paliwanag niya. Hindi ko pinakita ang gulat ko. Don’t tell me siya rin ang naghatid sa akin sa kwarto? No way! Nagkalat ang mga damit ko kahapon dahil sa pag sukat ko. Hindi ko na naligpit 'yon dahil sa sobrang excitement. "Siya rin po ba ang naghatid sa akin sa kwarto?" tanong ko ulit. "Oo iha. Bakit? May problema ba?" Mabilis akong umiling at pilit na nginitian siya. "Wala naman po. Sige po, una na ako," sabi ko at tinalikuran siya. Nagmadali ako sa pag akyat papuntang kwarto at pinagmasdan ang kabuoan non. Kumunot ang noo ko nang maalala na malinis na 'yon pagkagising ko kanina. Don’t tell me siya rin ang naglinis? "Gagi," mahinang sabi ko bago pabagsak na umupo sa kama. Nakakahiya. "Omg, Azarrrriiiii!" tili ko. Matapos murahin ng kung ano-anong mura ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto.May klase pa ako. Seryoso akong naglakad pababa at hindi pinapansin ang bawat nakakasalubong ko. Nakakahiya ka, Azari. Tapos nakipag away ka pa kanina? Ano na lang sasabihin sayo non? Bastos na burara? Lumipas ang oras hanggang sa natapos ang klase ko. Hindi ko alam kung magkukulong ako sa kwarto o kakausapin si Damian para magpasalamat dahil kahapon. Pero bakit ako magpapasalamat? Hindi ko naman siya sinabihan, ah? Pero kasi hinatid niya pa rin ako. Pero nag-away kami kanina at nabibwisit pa rin ako. Bahala na. Dumating ang gabi hanggang sa tawagin ako dahil kailangan ng mag dinner. Pagkapasok ko sa loob ng dining area ay kumpleto na sila roon. Kahit ang mga kaibigan ni Ria ay naroon sa loob at ako na lang ang kulang. Palihim kong sinulyapan si Damian sa tabi ni Ria. Nang tingnan niya ako ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Sa tabi ako ni Peter umupo. Sa kanya lang kasi ang may bakanteng upuan dahil katabi na ni Ria si daddy. Ayokong tumabi kay Damian at lalong lalo na sa tabi ni Dixie."Good evening," bati sa akin ni daddy. Tinanguan ko lang siya at umupo na sa tabi ni Peter. Hindi na siya uli nagsalita at hinayaan na ako. Siguro ay napansin niyang wala ako sa mood makipag usap kaya nanahimik na lang siya."Uh, let's eat?" medyo awkward na sabi ni Ria. Doon muli nabuhay ang ingay na meron kanina bayo ako rumating. Ako ang nagsilbi sa sarili ko at tahimik na kumain. I was minding my own business nang kalabitin ako ni Peter. "What?" tanong ko. Itinuro niya sa daddy na nakatingin sa akin kaya naman kumunot ang noo ko. "Anong meron kay daddy?" kunot noo kong tanong. "Kanina ka pa niya tinatawag," sagot niya. Mabilis akong lumingon sa upuan ni daddy at mahinang nag paumanhin. "Sorry, what?" tanong ko. Ako na tuloy ang sentro ng atensyon dahil sa pagkabingi ko. Gosh, am I spacing out too much? "I was asking kung anong plano mo sa birthday mo. Malapit na 'yon, Azari. Sa 20 na," sagot niya. Saglit akong natigilan. Oo nga pala, tuwing birthday ko pala ay rito ako lagi n
Mabilis na lumipas ang araw hanggang sa dumating ang araw ng biyernes. April 20, 2020. Tanghali ako nagising dahil wala naman akong pasok ngayon. Today's my birthday so it's automatic na day off din ni ms. Williams. "Happy sweet 16, Azari Kline," nakangiting bati ko sa sarili ko bago nag unat ng katawan. Today's super cold. Ilang araw kasi na sobrang init kaya siguro naipon na 'yung ulan at ngayong linggo binabagsak. Tapos sa susunod na buwan ay sobrang init na naman. Psh, abnormal na panahon. Nanatili akong nakahiga sa kama at binuksan ang cellphone. Notifications boomed my account because f******k notified everyone who folllows me that it's my birthday today. Andami tuloy bumati kahit hindi ko naman kilala. Sa dami-rami ng mga nag message sa akin ay tanging mga mensahe lang nina m
"When I turned 10, that's when I started to hate Melania. I talk about her with my tita Elena at Maryland. I loathe her to hell. Me and tita Elena even call her evil manipulative bitch," natatawa ko pang sabi. "As the years goes by, Ria started to grow too. That's when I started to notice that she has the exact facial features of her mom so I hated her also. Ria is very kind to me but her presence suffocate me. It's like everytime she's around, I can feel Melania's presence too. I hated her for that. Immature, right? But that's what I feel. I can still remember all the trumas her mom gave me. How she made me feel that I'm forcing myself to fit to a family that I am not even belong to. I am suffocated by her. By them. Melania's shameless mouth turned me like this. To be a bad mouthed girl too." "I'm thankful that I have tita Elena's family and mommy. They teach me how to respect someone that deserves to be re
Nagising ako ng madaling araw. My head is aching and I can't move properly. Kahit na nahihirapan ay nakuha ko pa ring abutin ang remote at pinahinaan ang aircon. Ghad, am I gonna get sick just because of that rain? Dahil sa sakit ng ulo ay mabilis din ako ulit nakatulog. Lumipas ang oras hanggang sa sumapit ang umaga. Nagising ako dahil sa ingay ng mga taong nakapaligid sa akin. "Should we call tita Alejandra, dad?" rinig kong boses ni Ria. "I already did. Azari have a personal doctor. 'Yon lang ang pinagkakatiwalaan ni Alejandra dahil ayaw ni Azari sa hospital. Sa tingin ko ay nakalipad na 'yon si Alejandra papunta rito. Siguro ay mamayang madaling araw ay narito na 'yon," si daddy naman. "It's just a fever, Leandro. Bakit mo pa tinawagan?" si Melania. I slowly opened my eyes. Kahit na bumukas 'yon ay nanlalabo pa rin ang mga mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko na parang mamatay na ako anytime. I don't
Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa mag tanghalian na. Ramdam na ramdam ko ang init sa labas kahit nasa loob lang ako ng kwarto. Busy si mommy sa pagliligpit ng mga gamit ko habang ako naman ay nakatulala lang sa ceiling. "How are you feeling?" tanong niya nang matapos niyang mag impake. Nakaligo na siya at iba na rin ang suot. She's wearing a tortilla colored jeans partnered with a cream fitted top. May trench coat din siya na suot na kulay tortilla rin. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at may suot na siguro ay apat hanggang limang inch na takong. She looks like she's still in her 20's. "Mom, it's hot. Why are you wearing a trench coat?" tanong ko sa kanya. "Philippines is hot but Maryland isn't. Aalis na rin naman tayo," sagot niya bago sinapo ang noo ko. "How are you feeling?" &nb
7:00 am kami saktong nakarating sa Maryland. I feel nauseous because of the 17 hours flight. Inalalayan akong bumaba ng mga bodyguards ni mommy dahil sa hilo. Nang makalabas kami ng airport ay agad na nadagdagan ang mga bodyguards. May kumalat at ang iba naman ay lumayo sa amin para pagmasdan ang paligid. Our car was surrounded by some paparazzis. I think they're 2-3 people. Kinukuhanan nila ng litrato ang sasakyan namin. Funny, anong makukuha nila riyan? Tinted ang sasakyan. "Let's go," utos ni mommy sa driver namin. Mabilis lang kaming bumyahe papuntang potomac dahil hindi katulad sa Pilipinas, maluwag ang daan dito. Sa tingin ko nga ay kailanman ay hindi nagkatraffic dito. Minutes had passed until I saw the huge gate of our house. The driver pressed something on the car bago bumukas 'yon. The contemporary mansion still looks extravagant. Hindi mo iisipin na dalawang tao lang ang nakatira rito dahil sa sobrang laki. Wow,
"Uh...what is going on?" takang tanong ko nang makababa sa bahay. Tita Elena, Elias, Elli and mommy were gathered at the huge table outside our house. "You want to forget your feelings for that Damian guy?" tanong ni tita Elena. Kahit na nagtataka ay marahan pa rin akong tumango. Bakit? Iuumpog ba nila ang ulo ko sa malaking lamesa para magkaroon ng amnesia at makalimot? "Y-Yeah. Why?" takang tanong ko sa kanila. Sinulyapan ko si mommy pero nag kibit balikat lang siya sa akin bago ipinagpatuloy ang pagbabasa ng magazine. Parang hindi pa siya interesado at sinasakyan lang ang mga trip nina tita Elena. "Let's forget him!" si Elli. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko. What do they mean? We? Hindi nga nila kilala si Damian. "Vacation is near, Azari. You already finished your highschool. Have some fun and find another man to replace him. O
After weeks, Andro and I became close. Lagi na siyang sumasama sa mga gala namin nina Elli. Wala naman siyang reklamo sa kung saan man kami mag punta dahil nag eenjoy naman siya. "Are you sure this one is needed, Elli?" tanong ko nang nag lagay na naman ng kung ano si Elliana sa cart namin. "Of course! I wouldn't lagay naman diyan if not. Saka, it's very important!" dahilan niya. Wala akong nagawa kung hindi umiling. Ano namang importante sa teddy bear? We're having a sleepover kasi sa bahay nina Andro. Elli was too excited because she saw how big Andro's house sa I*******m. Itinulak ko ang cart at nagpunta sa section ng mga chips. Marami akong kinuha roon at nilagay lahat sa cart. "All done!" excited na sabi ni Elli. Nakadalawang cart kami para lang sa sleep over. Parang pang isang buwan na na grocery 'tong pinamili namin para sa is
"Dad, do you think Azari will like her new room?" nag-aalalang sabi ni Ria. Ibinaba ni tito Leandro ang dyaryo at nakangiti siyang tiningnan. "Oo naman, anak. Azari may be a brat but she's sweet. Hindi niya lang pinapakita 'yon dahil hindi naman siya sanay na makasama tayo," sagot ni tito sa kanya. Nananatili akong tahimik sa gilid at nakikinig lang sa kanila. Darating ngayon ang parating kinukwento ni Ria sa akin na kapatid niya. Her name is Azari. I've never seen her before kasi ngayon lang naman ako nanatili rito tuwing summer. Parati akong nasa ibang bansa para samahan si mama. "Dad, c'mon!" Hindi ko alam kung ngingiti ako o hindi dahil sa sobrang pagka-excited ni Ria. It's good that she's like this when it comes to her step-sister. Ang problema lang sa kanya ay masyado siyang magaslaw 'pag excited, nagiging aggressive tuloy. I'm used to it though. Ria is my friend since we were kids, sanay na sanay na ako sa ganitong ugali niya. Nananatili akong nasa malayo habang pinapanood s
Ang una kong nakita nang maimulat ko ang mga mata ay puting kisame. I'm sure I'm inside a hospital room. But why am I here? Gumapang ang kaba sa buong pagkatao ko nang maalala ang nangyari kanina. Agad kong hinaplos ang tyan ko at kinakabahang tiningnan 'yon. "'Yung baby ko..." I saw Damian beside me, sleeping. Nang marinig niya ang boses ko ay agad siyang naalarma. "Hey, are you okay? May masakit ba sayo? Should I call a doctor?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang ang tyan ko. Does he already know that I'm pregnant? Anong nangyari sa baby namin? Okay lang ba siya? Where's Ali? Si mommy lang ba ang kasama niya sa bahay? Does she know that I'm here? "Damian 'yung baby natin. A-Anong nangyari? Okay lang ba siya, Damian? D-Dinugo ako kanina. Baka m-may nangyari na sa anak natin, Damian," naaalarma kong s
Ilang buwan ang lumipas hanggang sa ma-discharged si daddy sa ospital. Dito muna sila sa manila dahil hindi pa kayang bumyahe ni daddy. Ang alam ko ay sa condo ni Ria sila ngayon tumutuloy. "Mom, where are you going?" tanong ni Ali sa akin nang makitang nakabihis ako. Nasa tabi siya ni Damian, nagkukulay sa coloring book niya. Kaninang umaga rumating si Damian dito. Ewan ko kung nagta-trabaho pa ba 'to dahil palagi na lang narito sa penthouse. "Sa office, anak. Mommy needs to check on lolo's company and...kailangan din sa business natin, baby," sagot ko. Nilabas ko ang cellphone ko at nanalamin doon. Gosh, ilang araw akong walang paramdmam sa opisina kaya kailangan kong mag pakita roon ngayong nakalabas na ng ospital si daddy. "Can you stay here, mom? Daddy's here, I think it's the best time to play." "Ali, I
"Ha?" Halos manginig ang kamay ko dahil sa kaba. Seryoso ba siya? Bakit ngayon? Masakit na nga ang katawan ko tapos interview with his parents pa? Saksakin niyo na lang ako. "Mama and Papa wants to talk--" "Narinig ko. Bakit daw? Galit ba sila sa akin? Omg, Damian, ha. Paano kung ano, ayaw nila sa akin?" sunod-sunod na tanong ko. I heard him chuckle before kissing my cheek. Mabuti na lang at wala si Ria rito, baka mas lalong masaktan 'yon. I really think we should stay away from Ria muna while she's in the process of moving on? Kung mag lalandian kasi kami ni Damian sa harap niya ay baka masaktan lang siya lalo. "Don't be nervous. Mama and Papa don't judge easily. They look intimidating but I know them, they won't hate you if you didn't explain your side yet," pang-u
Kinabukasan ay pagod na pagod ang katawan ko. Kahit nakatulog ako nang mahimbing ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod kagabi. Damian is still beside me, akala ko ay umuwi na siya kanina dahil ang sabi niya noong isang gabi ay isang buong araw lang siya rito. "Baby, let's eat breakfast," malambing na sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Iminulat ko ang mga mata ko at naaantok na tiningnan siya. "My body is tired." Humalakhak siya bago ako yakapin nang mahigpit. Hinaplos niya ang mukha ko bago ako halikan sa labi. "Last night was rough. I'm sorry but I'm not sorry..." Tiningnan ko siya nang masama at hinampas ng unan. Muli siyang humalakhak at hinila ako patayo sa kama. "Baby, c'mon! Alistair is waiting for us outside. She wanna hear your explanation about last night. Madaling araw ka na kasi u
Buong hapon akong naroon sa restaurant. Dalawang beses lang akong binalikan ng waitress at hindi na muling ginulo pa. I'm thankful that pinabayaran muna nila sa akin ang mga inorder ko para hindi na ako maistorbo. I don't want them to see me ugly crying while drinking wine. Hindi ako broken hearted, nalulungkot lang. Lumipas ang oras hanggang sumapit ang gabi. I feel a little bit dizzy because of the wine. Hindi naman umabot sa kalahati 'yon kaya nahihilo lang ako ng kaunti. Lumabas ako ng VIP room at pumuntang banyo. Inayos ko lang ang sarili ko bago umalis ng restaurant ng 'yon. Being alone while sad isn't helping, I need to socialize. Kailangan kong mag party. Sumakay ako ng sasakyan at inikot ang buong BGC. Sunod-sunod ang bar na nadaraanan ko pero ang tanging hinintuan ko lang ay 'yung walang pila. I don't have time
Tahimik ang buong kusina hanggang sa matapos ko siyang handaan ng pagkain. Grabe ang titig niya nang humarap ako, pakiramdam ko ay kaunti na lang ay itatapon niya na ako sa labas ng penthouse. Why is he so intimidating? "Here. Luto ni mommy 'yan," Inilapag ko ang plato na may lamang pagkain sa harap niya. Tinitigan niya 'yon bago nag simulang kumain. Umupo ako sa upuan ko kanina, hindi ko alam kung kakain na lang ako nang tahimik o kakausapin ko siya tungkol sa pinag-usapan nila ni Ria. "So uh...how's your day--I mean, kamusta 'yung pag-uusap niyo ni Ria?" Nag kagat ako ng labi, gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kaba. Ano ba, Azari? Hindi ka naman papatayin ni Damian. Bakit ka ba nag kakaganyan, ha? "It went well," maikling sagot niya. Akala ko ay may isusunod pa siya roon pero ni isang
Mas lalong tumulo ang luha ko. Linakasan ko ang loob ko at lumapit sa kanya. I wiped his tears before hugging him tight. "Baby, ako lang 'yun, ako lang 'yung may alam ng nararamdaman mo noon. Ako lang..." Paulit-ulit niya 'yong binubulong habang humihikbi. Pilit kong pinipigalan ang pag hagulgol ko dahil baka magising si Ali. Baka mag taka pa 'yon kung bakit kami nag iiyakan dito. "Is it true? Someone locked her inside a cabinet?" tanong niya. Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata kaya kahit natatakot ako sa kung ano mang gagawin niya ay mabilis pa rin akong tumango. I heard him curse before burying his face on my chest. "Now, my daughter thinks I don't love her..." bulong niya. Hindi ako sumagot at niyakap na lang siya. I know he's mad at me, pero ito lang ang alam kong mag papakalma sa kanya ngayon. "Tell me about her." I cleare
"Her fever is going down." Pinagmasdan ko si Ali, mahimbing at malalim ang tulog niya. This is the third day since she had her fever. Pababa na ang lagnat niya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko. Simula noong sinabi ko kila daddy na may anak ako ay pinabayaan muna nila akong alagaan si Ali habang may sakit siya. Wala pa akong natatanggap na tawag sa kahit na sino sa kanila, pati kay Damian. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil hindi nag pararamdam si Damian ngayon. Naiisip ko kasing baka hindi man lang pumasok sa isip niya na buhay ang anak namin. Baka ang nasa isipan niya ngayon ay nag pabuntis ako sa iba. Tumayo ako ng kama at iniwan si Ali kay mommy. Aalis ako ngayon dahil may kailangan akong gawin sa opisina ni daddy. Nag sisimula na kasi ulit bumangon ang negosyo niya dahil sa negosasyon namin sa iba't ibang b