Share

3

Author: Anastasia Blanc
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Mabilis akong umakyat sa taas at nagkulong sa kwarto. Buong gabi ay hindi ako lumabas. Kahit nang mag hapunan ay hindi ako bumaba dahil ayoko silang makita.

"Azari? May dala akong dinner. Kumain ka muna kaya?" rinig kong boses ni Ria mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pag iyak. She knew that mom was leaving but she didn't even bother to tell me. Ano ang inatupag niya? Ang pagmamalaki sa kwarto niyang hindi ko naman nagustuhan? Tch. I know I'm being a brat but this is what I feel. Nagagalit ako sa lahat dahil sa pagsisinungaling nila sa akin.

"Azari? Please, open the door. Nangangalay na ako," muling sabi niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay umirap pa rin ako.

"Kung nangangalay ka, edi bumaba ka na. I can't remember telling you to bring some foods for me. Leave me alone, I'm not hungry," napapaos na sabi ko. Ilang segundo ang lumipas nang marinig ko ang papalayong yabag ni Ria. Huminga ako nang malalim at humiga na.

Kahit mamatay ako sa gutom ngayon, hinding-hindi ako kakain.

Kinabukasan ay halos mapamura ako dahil sa sobrang mugto ng mga mata ko. Daig ko pa ang namatayan dahil sa pamamaga non. 

"Oh gosh, seriously?" hindi makapaniwalang sabi ko habang tinititigan ang repleksyon ko sa salamin. Para akong nagluksa sa sampung tao na sabay-sabay namatay. 

"Ma'am Azari? Handa na raw po ang almusal. Bababa po ba kayo o ihahatid ko na lang dito 'yung pagkain niyo?" rinig kong sabi ng maid sa labas. Marahas akong bumuga ng hangin at muling tinitigan ang sarili ko. 

"Bababa na lang ako. Pwede naman silang mag umpisa kahit wala ako. 'Wag na nila akong hintayin," sagot ko. 

"Sige po, ma'am." Hindi na ako sumagot at kinuha na lang ang tuwalya. Dumiretso ako sa banyo at doon naligo. Ilang beses ko pang kinuskos ang mata ko, umaasang matanggal ang pamamaga non. 

Punyeta naman. 

Nang matapos akong maligo ay mabilis akong tumingin sa salamin. Ganon na lang ang pagkadismaya ko nang makita kong halata pa rin ang pamamaga non. Parang pamumula lang ang tinanggal, hindi ang pagkamaga. 

"Should I apply make up?" tanong ko sa sarili ko. Bubuksan ko na sana ang cabinet nang maalala kong wala pala akong make up. Hindi naman kasi ako nalabas ng bahay kaya hindi ko na kailangan. Hindi na ako nag aksaya ng oras pa para bumili non dahil hindi ko rin naman magagamit. 

"Paano na 'to?" muling tanong ko sa sarili. Binuksan ko ang cabinet at naghalukay ng pwedeng ipangtakip sa mga mata ko. 

"Argh!" asar na sigaw ko nang mabuksan ko ang lahat ng cabinet ngunit wala akong mahanap na pwede kong gamitin. Sana pala bumili na lang ako ngayong kakailanganin ko pala.

Eh hindi ko naman kasi alam na mangyayari 'to. Kasalanan ko ba 'yon? 

"I guess I'll walk around the house with this look," mahina kong sabi. Paano kung tawanan nila ako? Melania would insult me for sure. 

"Whatever. I'm still prettier than them," pagpapagaan ko ng loob sa sarili. Dapat hindi na ako mag paapekto sa mga ganon dahil ilang taon na rin naman akong nilalait non kahit gamit lang ang mga mata. Hindi pa ba ako nasanay?

Nang sumuko sa paghahanap ay umupo ako sa harap ng salamin. Kumuha ako ng ilang panali sa buhok at nagsimulang ayusin ang buhok ko. Kahit sa buhok man lang ay bumawi ang ganda ko. 

I blow dried my hair before styling it into a twisted crown. Ngumiti ako sa sarili nang ma-satisfied ako sa itsura ko. 

Hindi muna ako lumabas ng kwarto at nag-intay muna ng maraming minuto. Ayoko silang kasabay kumain kaya titiisin ko 'tong gutom ko kahit na kagabi pa kumakalam ang tiyan ko. 

"Calm down, wormies," bulong ko nang muling tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. Siguro naman pwede na akong bumaba? It's been an hour since the maid came here. Marahas akong naglabas ng hangin bago naglakad palapit sa pinto. Saglit pa akong tumigil don at nag-isip kung bababa ba talaga ako o hindi. 

"I'm sure they're already finished," sabi ko bago pihitin ang doorknob. Nang makalabas sa kwarto ay tahimik na pasilyo ang sumalubong sa akin. Sikat na sikat na ang araw kaya kitang-kita na rin kung gaano kaaliwalas ang buong palapag na ito. Malalaki kasi ang bintana kaya tagos na tagos ang liwanag na nagmumula sa araw.

Mabagal akong lumakad at tiningnan ang mga painting sa paligid. Wala ni isang painting doon ng kanilang mga mukha. Tanging ancestors lang ni daddy ang mga naroon at iba pang magagandang tanawin. 

Nang saktong malagpasan ko ang mga 'yon ay siya namang kita ko kay yaya Belen. She's walking towards me while holding a broom. 

"Oh, gising ka na pala, iha? Pupuntahan sana kita roon sa kwarto mo para yayain kang kumain ng agahan. Mabuti na lang at nakasalubong kita para hindi na mapalayo ang paglalakad ko. Siya nga pala, sa hardin ko inihanda ang agahan mo. Tapos na kasi sina Ria kaya wala ka ng kasama. Mas mabuting sa hardin ka na lang kumain para naman makakita ka ng magandang tanawin kahit mag-isa ka lang kumain," mahabang sabi niya. Ngumiti ako at tumango. This is one of the reasons why I like her. She's really sweet. 

"Salamat po. Una na po ako, yaya Belinda," paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nag dire-diretso na pababa ng bahay. Nang makababa ako ay ni anino ng tao ay wala akong makita. Maaga kasing naglilinis ang mga maid kaya naman pagkagising mo ay malinis na ang buong bahay. Si Melania naman ay kadalasang nasa kwarto niya lang o 'di kaya naman kasama ang mga kaibigan niya. Si Ria ay palaging nasa labas at hindi ko alam kung anong ginagawa. 

Payapa akong naglakad hanggang sa makarating sa garden. Tanging garden lang ang paborito kong parte ng bahay na 'to maliban sa library nila. Iba't ibang klase ng halaman ang mga naroon na ni minsan ay hindi ko pa nakita sa ibang bansa. I heard daddy's mom loves to collect different kinds of plants. Sobra raw ang pag-aalaga nito sa mga halaman nito kaya noong namatay siya, si yaya Belen na ang nag patuloy sa pag-alaga ng mga 'yon.

Nang makita ko ang batong lamesa na may mga pagkain ay agad akong lumapit doon. I'm really hungry, for real. Iba't ibang pagkain ang naroon. May mga prutas, bread, cereals at iba ipa. Binuksan ko ang fresh milk at ibinuhos 'yon sa mangkok ng cereals. 

Kahit na gutom na gutom ay mabagal pa rin akong sumubo. What if may hidden camera pala rito tapos kinukuhanan ako ng video kung gaano ako kabilis kumain 'di ba? I don't want that. Baka mamaya ay tawagin pa nila akong patay gutom. 

Nang matapos kumain ay ininom ko ang buko juice na nakalagay na sa baso. Maraming yelo 'yon kaya naman halos mahampas ko ng ilang beses ang ulo ko nang maramdaman ko ang pagkalamig non. 

Ang sakit sa ulo, nyemas. 

"Now, I'm full. What to do next?" tanong ko sa sarili. Bukas pa ang dating ng teacher ko kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Yes, kahit na nandito ako, nag-aaral pa rin. Summer sa kanila pero sa amin hindi. I'm homeschooled, though. Sinasabayan ko lang ang daloy ng klase ni Elli para 'pag nahirapan kaming dalawa ay pwede kaming sabay na mag-aral. 

"Tapos ka na ba kumain, iha?" Halos malaglag ako sa inuupuan ko nang marinig ko ang boses ni yaya Belen sa likod ko. Masyado na ba akong nag-iimagine kaya hindi ko naramdaman ang papalapit na presensya niya? 

"Ah, yes po," nahihiya kong sabi. Nakita niya kaya kung paano ako nagulat? Siguradong mukha akong tanga. 

"Akin na at liligpitin ko," sabi niya bago lumapit sa lamesa at isa-isang inilagay sa dala niyang tray ang mga pinagkainan ko. Kukunin ko na sana 'yung isang plato para iabot sa kanya nang pigilan niya ang kamay ko. 

"Nako, iha. Huwag mo na akong tulungan. Siguradong magagalit ang ama mo 'pag nalaman niyang tumutulong ka sa mga ganitong klaseng gawain," sabi niya sa akin bago kunin ang plato na hawak ko. Saglit niyang pinunasan ang kakaunting dumi sa lamesa bago ako muling iwan doon. 

Sino ba kasing nagsabi na tutulong ako? Hindi naman ako tutulong, iaabot ko lang. 

Tamad akong sumandal sa backrest ng upuan at tumingin-tingin na lang sa paligid. Nagkalat ang iba't ibang kulay ng mga halaman sa bawat sulok ng garden. Kahit na marami 'yon ay hindi pa rin magulo ang pagkaka-ayos. Parang may OCD nga ang nag arrange non dahil kung pula ang mga halaman na nandoon, pula lang dapat. Nang mabagot sa kakatingin ay tumayo ako at lumapit sa mga 'yon. 

Lumakad ako sa pulang bulaklak na malapit sa'kin. Hindi ko alam ang tawag sa halaman na 'yon pero pulang pula 'yon at dilaw ang gitna. Maya-maya ay napansin ko ang maliit na karatula sa gilid non. It says "Chrysanthemum" on it. Is that its name? I don't know. Maybe? Alam kong merong chrysanthemum na bulaklak pero hindi ko naman alam ang itsura non kaya hindi rin ako sigurado. 

"You're so pretty," puri ko sa bulaklak na parang kinakausap 'yon. Dahan dahan kong hinawakan iyon at marahang hinaplos. Siguro kakadilig lang nito kanina dahil medyo basa pa siya. 

Gusto ko siyang bunutin. Gusto kong kumuha ng isa. I'm sure my grandma will forgive me because I'm her granddaughter, right? I remember that she spoils me a lot before kaya naman hindi siya magagalit sa akin, 'di ba? Saka, isa lang naman. I'm sure that it'll grow again just like the other flowers. Pipitasin ko na sana 'yon nang may magsalita sa likuran ko. Halos mapatalon pa ako dahil sa gulat nang marinig ko ang malalim na boses niya. 

"I'm sure yaya Belen would scold you if she knew that you stole one of her flowers," sabi ng nasa likod ko. Kahit na nagulat ay matapang ko pa rin siyang hinarap. 

Well, uh...he's handsome. Very handsome. Sa tingin ko ay nasa bente anyos na ang edad niya. His body is very matured like a model from Calvin Klein. He's very familiar too. Simple lang ang suot niya pero bagay na bagay pa rin 'yon sa kanya. Is he the gardener here? Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang matandaan kung saan.

"Who are you?" nakataas ang kilay na tanong ko. Nagkagat siya ng labi bago lumapit sa akin at tinabihan ako. Umurong ako ng kaunti para hindi magsagi ang braso naming dalawa. 

"Damian," maikling sagot niya bago ilahad ang kamay sa harap ko. Mas lalong tumaas ang kilay ko at tiningnan lang 'yon. 

"Anong gagawin ko r'yan?" mataray na tanong ko habang nakatingin pa rin sa kamay niya. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa bago ako hinarap. Mas lalo akong lumayo sa kanya nang makita ko ang height difference namin. I'm tall but...I feel so small beside him! 

Is he a titan or what?

"Don't you know how to make friends?" tanong niya sa akin. Ewan ko ba kung ako lang o talagang sarkastiko ang pagkakatanong niya. 

"Nilalait mo ba ako?" tanong ko pabalik. Sa tono kasi ng pagtatanong niya ay parang kawawa ako dahil hindi ako marunong makipag kaibigan. For your information, I have two. Elias and Elli! 

"Panlalait na ba 'yon sayo?" muling tanong niya. Nag-init ang pisngi ko. Bakit niya ba sinasagot ng tanong ang tanong ko? Gaya-gaya. 

"Hindi!" mabilis na tanggi ko. Muli siyang tumawa at inalis ang paningin sa akin. Ibinalik niya ang atensyon niya sa mga bulaklak kanina na pipitasin ko sana. 

"Hindi pala, eh. Edi hindi rin kita nilalait," sagot niya bago amuyin ang pulang bulaklak. 

"So kung panlalait ang tingin ko roon ay nilalait mo talaga ako? Huh?!" pasigaw na tanong ko sa kanya. Mabilis kong naitikom ang bibig ko nang muli siyang humarap sa akin at tiningnan ako sa mga mata. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mailang ako. His eyes are very intimidating. Baka sapakin na lang ako nito bigla.

"Your eyes are swollen. Did you cry the whole night?" biglang tanong niya, iniiba pa ata ang topic. So nilalait niya nga ako? Iniiba niya 'yung topic, eh. 

"Ano namang pakielam mo?" masungit na tanong ko bago iniwas ang paningin. Binigyan ko ng atensyon 'yung mga bulaklak sa gilid ko para libangin ang sarili. 

Naalala ko na naman tuloy kung bakit ako umiyak kagabi. Nagagalit ako, nakakatampo. They don't know how suffocating they are so they'll never understand. 

"Are they suffocating you?" tanong niya ulit. Doon niya naagaw ang atensyon ko. How did he know that? Who is he? 

"What?" gulat na tanong ko. Hinarap ko ang buong katawan ko sa kanya at diretsong tiningnan siya sa mata. Not intimidated this time. 

"Tita Melania and Ria. Are they suffocating you?" muling tanong niya. Kinagat ko ang labi ko at matalim siyang tiningnan. 

"Who the hell are you? How did you know that? Are you a stalker or what?" sunod-sunod na tanong ko. Paano niya nalaman 'yon? Si Elias, Elli, tita Elena, and mommy ko lang ang nakakaalam non. Is he a paparazzi na nagpapanggap lang na gardener para makakuha ng impormasyon tungkol sa akin? 

"So they're suffocating you," sabi niya. Hindi patanong 'yon kundi tonong naninigurado. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa inis nang hindi niya sagutin ni isa sa mga tanong ko. 

"W-What? Sino ka ba, ha? Paano mo nalaman 'yan? Are you a stalker? A paparazzi? Sinong kumpanya ang nagbayad sayo para sundan mo ako rito? Grabe, pati personal na buhay ko, inaalam mo. Magkano ba binayad sayo ng kumpanyang 'yon? I can pay triple than that! I'm sure mommy's bodyguards would beat you if they knew that you're a paparazzi--"

"What the hell are you saying? A paparazzi? A stalker? Me? Seriously?" nakakunot noong tanong niya. Ano? Ide-deny niya pa? Ilang beses ko nang naranasan 'to, ano! Kung ano-anong pagpapanggap ang ginagawa makakuha lang ng impormasyon sa buhay namin ni mommy. 

"Oh, bakit? Totoo naman, ah? Ide-deny mo pa? Hoy, hindi na bago sa akin 'yang pag-arte mo. Marami na akong naranasang ganyan kaya hindi mo ako malulusutan!" singhal ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo niya na tila ba hindi naiintindihan ang mga sinabi ko. 

"I'm not stalking you," tanggi niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at mahinang itinulak sa dibdib. 

"Eh paano mo pala nalaman 'yon? Mga kaibigan ko lang sa Maryland ang nakakaalam non! Saka paano mo nalaman 'yung name ni Yaya Belen? I've never seen you here before so maybe  you're a newly hired gardener here. Oh wait, a paparazzi, dressed like a gardener to be exact!"

Related chapters

  • The Billionaire's Daughter    4

    "I'm too handsome to be a paparazzi," naiiling na sabi niya. Mas lalong tumalim ang paningin ko. "You're so mayabang! Who are you ba? Bakit ka naririto? Paano mo nalaman 'yon? Saka, bakit ka nangingialam, ha? And for your information, sa lola ko 'tong chrysanthemums! Anong yaya Belen ka r'yan? Walang pakialam si yaya Belen kahit kalbuhin ko pa 'yang buong halaman na 'yan!" sigaw ko sa kanya. Lumayo siya ng kaunti sa akin na tila ba naiingayan sa pag sigaw ko. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil doon. "These chrysanthemums belongs to yaya Belen, Zari," sabi niya bago uli binalingan ang mga bulaklak at hindi pinansin ang mga tanong ko. "Can you answer even one of my questions? Kanina ka pa salita nang salita pero hindi mo man lang sinasagot 'yung mga tanong ko," medyo kalmado ko nang sabi. Ayoko nang sumigaw, nahihiya rin ako, 'no. "Which one?" tanong niya at tiningnan ako. Mabil

  • The Billionaire's Daughter    5

    "Yes, tito. Marami rin pong itinuturo sa akin si papa. Not all of his knowledge, though. Hindi naman po kasi siya parating nasa bahay," rinig kong sabi ni Damian kay daddy. He's talking like he knows my dad for a long time so...they are very close, huh? "Well, parati ngang wala rito sa Fuego 'yang ama mo. Marami kasing mas malaking oportunidad sa labas ng bayan at bansang ito. Mabuti na rin na natututo kang mag-isa, iho. Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan mong matuto sa iba. You should know how to learn with yourself too," si daddy. Nananatili akong tahimik at nakikinig lang sa kanila. Kung mag usap sila ay para silang mag ama. I bet daddy wants Damian to be his son too. Hindi niya man sabihin ay halata naman ata naming lahat na isang beses niya na ring hiniling na magkaroon ng anak na lalaki. "Yes, tito. Ikaw po ba? Bakit po hindi niyo mas ipinalalaki ang business niyo? Your business is very successful at halos sayo na ku

  • The Billionaire's Daughter    6

    Matapos ang tawagan namin ni Elli ay hindi na ako bumaba. Ayoko nang makasalamuha pang muli si Melania dahil baka hindi ako makapagpigil at masabihan ko pa siya ng kung ano-ano. Nanatili ako sa kwarto buong gabi kahit na kumakalam pa rin ang tyan ko. Kaunti lang kasi ang nakain ko kanina kaya grabe ang gutom ko ngayon. Ghad, noong nakaraang taon ay sama ng loob lang naman ang nakukuha ko. Bakit ngayon may kasama ng gutom? "Azari?" Mabilis natigil ang imahinasyon ko nang marinig ko ang boses ni Ria mula sa labas ng kwarto. Kahit na tinatamad ay nagawa ko pa ring tumayo mula sa kama at pag buksan siya ng pinto. "Bakit?" tanong ko. Sobrang liit lang ng bukas ng pinto na halos mata ko lang ang nakikita. Wala akong balak na patambayin siya ngayon dito sa loob dahil mainit pa rin ang ulo ko dahil kay Melania. Kung 'di lang siguro sila magkamukha ng nanay niya baka ginawa ko pa 'tong bestfriend si Ria.

  • The Billionaire's Daughter    7

    "Uh...eherm," Mabilis akong napabalik sa reyalidad nang marinig ko ang pekeng ubo ni Ms. Williams. Nakataas ang kilay niya sa akin habang itinuturo ang relo niya. "Uh...I was about to thank him," dahilan ko nang makita ko ang pabalik-balik na sulyap niya sa aming dalawa ni Damian. Baka akalain pa nito may gusto ako roon. "Why didn't you do it?" tanong niya sa akin. Palihim akong umirap. Tsismosa rin pala 'tong si Ms. Williams eh no? "Because he's annoying," sagot ko. Nakita ko ang ilang beses na pag iling niya bago naglagay ng papel sa harap ko. Hindi ba siya naniniwala? Totoo namang 'yon ang dahilan ko, ah? Maissue rin 'tong si Ms. Williams. "Open your book on page 342," utos niya sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at sinunod ang utos niya. Nagsimula siyang magturo habang ako naman ay tahimik na nakikinig. Pinagpapahinga niya ako every 30 m

  • The Billionaire's Daughter    8

    "Azari? Matagal ka pa ba riyan?" rinig kong tanong ni yaya mula sa labas ng kwarto. Kinagat ko ang labi ko at muling inayos ang nagulo kong buhok. "Sandali na lang po!" sagot ko. Paalis na sana ako kanina sa kwarto kaso sumabit yung buhok ko sa kung saan kaya nagulo na naman ito. Nadoble pa tuloy ang oras ko dahil sa pag-aayos. "Pakibilisan na lang, iha. Kanina pa naghihintay 'yung guro mo roon sa baba," muling sabi niya. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang sa pag-aayos. I really need to fix this. Kahit na malate pa ako ay wala akong pakialam. My hair is my makeup. Without my hair, I always feel ugly. "Sa wakas," sabi ko nang makuntento ako sa ayos ng buhok ko. Ilang minuto rin ang ginugol ko sa pag aayos non kaya naman natagalan talaga ako. It is styled as a princess like braid kaya naman medyo nahirapan ako. Nang m

  • The Billionaire's Daughter    9

    "Kakahiwalay lang po ata nila noong nakaraang buwan sabi ni ma'am Ria," kwento uli nung maid. Liningon ko siya at tinaasan ng kilay. "Kinuwento ni Ria sayo?" tanong ko. Hindi naman pala kwento 'yon si Ria sa akin tungkol sa mga kaibigan niya. Si Damian nga lang ata ang willing niyang ikwento kahit pa sa lahat ng tao ng mundo. "Hindi po, narinig ko lang na pinag uusapan nila ni ma'am Melania. Naglilinis po kasi ako non sa dining area tapos pumasok sila at pinag usapan 'yung hiwalayan ni Peter at Dixie. Hindi ko naman po ako pwedeng umalis doon at iwan sila dahil pagagalitan ako ni manang Belen," paliwanag niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Akala ko tsismosa rin ito si Nerida, eh. "Mauna na ho ako, ma'am Azari. Marami pa po akong gagawin sa kusina," paalam niya. Ngumiti lang ako at hinayaan siyang umalis. Muli kong sinilip ang bintana at nakita kong papalabas

  • The Billionaire's Daughter    10

    "Nagkausap na kayo ng mommy mo?" tanong sa akin ni daddy. Wala akong sinagot sa kanya kundi pag tango lang. Ano naman kung nag-usap na kami? Papauwiin niya na ba ako? "You don't have classes tomorrow. Anong gagawin mo bukas?" tanong niya uli. Napahinto ako. Oo nga pala, day off ni Ms. Williams tomorrow kaya wala akong klase. Ibig sabihin non, wala rin akong gagawin buong araw. Ano namang gagawin ko rito? Matulog buong araw? "I don't know. Maybe sleep?" patanong na sabi ko. Wala naman kasi akong alam na ibang pwedeng gawin kung hindi 'yon lang maliban sa pagbabasa. Hindi naman ako makakapamasyal dahil wala akong kasama. "What are your hobbies ba sa US, Azari?" tanong ni Ria sa akin. Simula kanina ay naging tahimik na sina Dixie at 'yung ibang babae niyang bestfriends. I don't know what happened to them at nanahimik na lang sila bigla. Tanging si Ria, yung dalawa pang babae at mga boys na lang ang nagsasalita nang walang preno.

  • The Billionaire's Daughter    11

    "Bye, thanks for the food," pagpapasalamat ko. Tumayo ako mula sa upuan at iniwan siya roon. Hindi na ako nagpaalam kina Ria dahil busy naman sila sa mga ginagawa nila. Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong maghapon. Tanging pagtulog at pagbabasa lang ang ginawa ko hanggang sa dumating ang gabi. Ang sabi ni yaya Belen ay umalis daw sina Ria kanina para maligo sa dagat. Nag island hopping sila at baka bukas pa uuwi dahil may hihintuan daw silang isla at doon magpapalipas ng gabi. Daddy is still out and I heard that Melania's with him. May importante raw na dinalo sa business si daddy at sinamahan lang ni Melania kung sakaling may kakailanganin ito. As if siya 'yung kailangan. Ni hindi nga marunong magpatakbo ng business 'yon. Mag-isa akong kumakain sa dining area at sa ilang araw ko na naririto, ngayon lang ako nakaramdam ng katahimikan sa paligid. Hindi literal na tahimik

Latest chapter

  • The Billionaire's Daughter    64

    "Dad, do you think Azari will like her new room?" nag-aalalang sabi ni Ria. Ibinaba ni tito Leandro ang dyaryo at nakangiti siyang tiningnan. "Oo naman, anak. Azari may be a brat but she's sweet. Hindi niya lang pinapakita 'yon dahil hindi naman siya sanay na makasama tayo," sagot ni tito sa kanya. Nananatili akong tahimik sa gilid at nakikinig lang sa kanila. Darating ngayon ang parating kinukwento ni Ria sa akin na kapatid niya. Her name is Azari. I've never seen her before kasi ngayon lang naman ako nanatili rito tuwing summer. Parati akong nasa ibang bansa para samahan si mama. "Dad, c'mon!" Hindi ko alam kung ngingiti ako o hindi dahil sa sobrang pagka-excited ni Ria. It's good that she's like this when it comes to her step-sister. Ang problema lang sa kanya ay masyado siyang magaslaw 'pag excited, nagiging aggressive tuloy. I'm used to it though. Ria is my friend since we were kids, sanay na sanay na ako sa ganitong ugali niya. Nananatili akong nasa malayo habang pinapanood s

  • The Billionaire's Daughter    63

    Ang una kong nakita nang maimulat ko ang mga mata ay puting kisame. I'm sure I'm inside a hospital room. But why am I here? Gumapang ang kaba sa buong pagkatao ko nang maalala ang nangyari kanina. Agad kong hinaplos ang tyan ko at kinakabahang tiningnan 'yon. "'Yung baby ko..." I saw Damian beside me, sleeping. Nang marinig niya ang boses ko ay agad siyang naalarma. "Hey, are you okay? May masakit ba sayo? Should I call a doctor?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang ang tyan ko. Does he already know that I'm pregnant? Anong nangyari sa baby namin? Okay lang ba siya? Where's Ali? Si mommy lang ba ang kasama niya sa bahay? Does she know that I'm here? "Damian 'yung baby natin. A-Anong nangyari? Okay lang ba siya, Damian? D-Dinugo ako kanina. Baka m-may nangyari na sa anak natin, Damian," naaalarma kong s

  • The Billionaire's Daughter    62

    Ilang buwan ang lumipas hanggang sa ma-discharged si daddy sa ospital. Dito muna sila sa manila dahil hindi pa kayang bumyahe ni daddy. Ang alam ko ay sa condo ni Ria sila ngayon tumutuloy. "Mom, where are you going?" tanong ni Ali sa akin nang makitang nakabihis ako. Nasa tabi siya ni Damian, nagkukulay sa coloring book niya. Kaninang umaga rumating si Damian dito. Ewan ko kung nagta-trabaho pa ba 'to dahil palagi na lang narito sa penthouse. "Sa office, anak. Mommy needs to check on lolo's company and...kailangan din sa business natin, baby," sagot ko. Nilabas ko ang cellphone ko at nanalamin doon. Gosh, ilang araw akong walang paramdmam sa opisina kaya kailangan kong mag pakita roon ngayong nakalabas na ng ospital si daddy. "Can you stay here, mom? Daddy's here, I think it's the best time to play." "Ali, I

  • The Billionaire's Daughter    61

    "Ha?" Halos manginig ang kamay ko dahil sa kaba. Seryoso ba siya? Bakit ngayon? Masakit na nga ang katawan ko tapos interview with his parents pa? Saksakin niyo na lang ako. "Mama and Papa wants to talk--" "Narinig ko. Bakit daw? Galit ba sila sa akin? Omg, Damian, ha. Paano kung ano, ayaw nila sa akin?" sunod-sunod na tanong ko. I heard him chuckle before kissing my cheek. Mabuti na lang at wala si Ria rito, baka mas lalong masaktan 'yon. I really think we should stay away from Ria muna while she's in the process of moving on? Kung mag lalandian kasi kami ni Damian sa harap niya ay baka masaktan lang siya lalo. "Don't be nervous. Mama and Papa don't judge easily. They look intimidating but I know them, they won't hate you if you didn't explain your side yet," pang-u

  • The Billionaire's Daughter    60

    Kinabukasan ay pagod na pagod ang katawan ko. Kahit nakatulog ako nang mahimbing ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod kagabi. Damian is still beside me, akala ko ay umuwi na siya kanina dahil ang sabi niya noong isang gabi ay isang buong araw lang siya rito. "Baby, let's eat breakfast," malambing na sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Iminulat ko ang mga mata ko at naaantok na tiningnan siya. "My body is tired." Humalakhak siya bago ako yakapin nang mahigpit. Hinaplos niya ang mukha ko bago ako halikan sa labi. "Last night was rough. I'm sorry but I'm not sorry..." Tiningnan ko siya nang masama at hinampas ng unan. Muli siyang humalakhak at hinila ako patayo sa kama. "Baby, c'mon! Alistair is waiting for us outside. She wanna hear your explanation about last night. Madaling araw ka na kasi u

  • The Billionaire's Daughter    59

    Buong hapon akong naroon sa restaurant. Dalawang beses lang akong binalikan ng waitress at hindi na muling ginulo pa. I'm thankful that pinabayaran muna nila sa akin ang mga inorder ko para hindi na ako maistorbo. I don't want them to see me ugly crying while drinking wine. Hindi ako broken hearted, nalulungkot lang. Lumipas ang oras hanggang sumapit ang gabi. I feel a little bit dizzy because of the wine. Hindi naman umabot sa kalahati 'yon kaya nahihilo lang ako ng kaunti. Lumabas ako ng VIP room at pumuntang banyo. Inayos ko lang ang sarili ko bago umalis ng restaurant ng 'yon. Being alone while sad isn't helping, I need to socialize. Kailangan kong mag party. Sumakay ako ng sasakyan at inikot ang buong BGC. Sunod-sunod ang bar na nadaraanan ko pero ang tanging hinintuan ko lang ay 'yung walang pila. I don't have time

  • The Billionaire's Daughter    58

    Tahimik ang buong kusina hanggang sa matapos ko siyang handaan ng pagkain. Grabe ang titig niya nang humarap ako, pakiramdam ko ay kaunti na lang ay itatapon niya na ako sa labas ng penthouse. Why is he so intimidating? "Here. Luto ni mommy 'yan," Inilapag ko ang plato na may lamang pagkain sa harap niya. Tinitigan niya 'yon bago nag simulang kumain. Umupo ako sa upuan ko kanina, hindi ko alam kung kakain na lang ako nang tahimik o kakausapin ko siya tungkol sa pinag-usapan nila ni Ria. "So uh...how's your day--I mean, kamusta 'yung pag-uusap niyo ni Ria?" Nag kagat ako ng labi, gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kaba. Ano ba, Azari? Hindi ka naman papatayin ni Damian. Bakit ka ba nag kakaganyan, ha? "It went well," maikling sagot niya. Akala ko ay may isusunod pa siya roon pero ni isang

  • The Billionaire's Daughter    57

    Mas lalong tumulo ang luha ko. Linakasan ko ang loob ko at lumapit sa kanya. I wiped his tears before hugging him tight. "Baby, ako lang 'yun, ako lang 'yung may alam ng nararamdaman mo noon. Ako lang..." Paulit-ulit niya 'yong binubulong habang humihikbi. Pilit kong pinipigalan ang pag hagulgol ko dahil baka magising si Ali. Baka mag taka pa 'yon kung bakit kami nag iiyakan dito. "Is it true? Someone locked her inside a cabinet?" tanong niya. Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata kaya kahit natatakot ako sa kung ano mang gagawin niya ay mabilis pa rin akong tumango. I heard him curse before burying his face on my chest. "Now, my daughter thinks I don't love her..." bulong niya. Hindi ako sumagot at niyakap na lang siya. I know he's mad at me, pero ito lang ang alam kong mag papakalma sa kanya ngayon. "Tell me about her." I cleare

  • The Billionaire's Daughter    56

    "Her fever is going down." Pinagmasdan ko si Ali, mahimbing at malalim ang tulog niya. This is the third day since she had her fever. Pababa na ang lagnat niya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko. Simula noong sinabi ko kila daddy na may anak ako ay pinabayaan muna nila akong alagaan si Ali habang may sakit siya. Wala pa akong natatanggap na tawag sa kahit na sino sa kanila, pati kay Damian. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil hindi nag pararamdam si Damian ngayon. Naiisip ko kasing baka hindi man lang pumasok sa isip niya na buhay ang anak namin. Baka ang nasa isipan niya ngayon ay nag pabuntis ako sa iba. Tumayo ako ng kama at iniwan si Ali kay mommy. Aalis ako ngayon dahil may kailangan akong gawin sa opisina ni daddy. Nag sisimula na kasi ulit bumangon ang negosyo niya dahil sa negosasyon namin sa iba't ibang b

DMCA.com Protection Status