"Kumusta ka na?" nakangiting tanong niya matapos kalasin ang mahigpit na yakap niya sa akin.
"I'm good," sagot ko at binigyan siya ng hilaw na ngiti. She looks exactly like her mom lalo na 'pag hindi siya nakangiti. Carbon copy kumbaga. Pakiramdam ko tuwing sisimangot siya ay pinapalayas niya na ako sa bahay nila."That's good! Halika roon, kanina ka pa hinihintay ni daddy!" maligalig na sabi niya bago ako hilahin palapit kay daddy na kanina pa pala nakatingin sa amin. He's smiling like he won a lottery while he's looking at me. Para bang ako ang nagpaganda sa malungkot niyang buhay."How are you, anak?" pambungad na tanong niya bago ako yakapin nang mahigpit. Niyakap ko siya pabalik bago magiliw na ngumiti. Sa totoo lang, si daddy lang talaga ang na miss ko rito maliban sa mga magagandang tanawin."I'm okay naman po, dad. How about you po?" tanong ko pabalik. Kahit na maraming taon na ang lumipas, makikita mo pa rin ang kakisigan sa buong pagkatao ni daddy. Unfortunately, wala siyang anak na lalaki kaya walang magmamana ng kagwapuhan niya. I looked exactly like him, though. Kuhang-kuha ko ang mukha niya habang ang kurba naman ay kay mommy ko nakuha."I missed you, anak. Kamusta naman ang buhay mo roon sa ibang bansa?" tanong niya ulit. Sasagot na sana ako nang makita ko ang papalapit na bulto ni Melania mula sa likod ni daddy. He's my daddy's wife, Ria's mother. Ang mahaba niyang buhok ay umaalon habang papalapit sa amin. Mas lalong nadepina ang pagkamorena ng balat niya dahil sa suot niyang red na lipstick.Malayo pa lang ay nararamdaman ko na ang maldita niyang awra dahil lang sa paraan ng pagtingin niya sa akin. "Anak?" muling tawag sa akin ni daddy nang hindi ko nasagot ang tanong niya. Inalis ko ang paningin ko kay Melania at binigyan ng hilaw na ngiti si daddy.Wala na, sira na ang araw ko."I'm doing good naman po sa school. Tinutulungan ako ni mommy tuwing nahihirapan ako," mahina kong sabi. Mas lalong lumawak ang ngiti ni daddy at tumingin sa likod ko. Sinundan ko ang tinitingnan niya hanggang sa dumapo iyon sa pwesto ni mommy na may kausap sa cellphone. Sobrang seryoso niya at halos magbanggaan na ang makapal niyang kilay dahil sa pagkunot ng noo. She's always like that whenever she's talking to someone about business. Sobrang suplada tingnan, sa malayo pa lang ay akala mo nilalait na ang buong pagkatao mo."Welcome back, Azari." Mabilis na naputol ang imahinasyon ko nang marinig ko ang matinis na boses ni Melania. Base sa lakas ng boses niya ay alam kong nasa likod ko lang siya, katabi ni daddy. Ilang beses akong nagmura sa isipan bago siya hinarap."Thank you, Melania," kalmado kong sabi bago plastik na ngumiti. Melania doesn't want me to call her mama or tita. Just Melania. Ang dahilan niya pa kung bakit daw ayaw niyang mag patawag na tita sa akin dahil daw pakiramdam niya ay tumatanda siya 'pag tinatawag siyang ganon. Sus, ayaw mo lang tawagin kitang ganon kasi ayaw mo sa akin. Tch, as if namang gusto rin kita. No way. I really hate everything about her. Mommy is intimidating too but not as intimidating as Melania. According to tita Elena, she's a manipulative evil bitch. I know it's bad but I can't help but to agree wholeheartedly."Why don't you come in? Paniguradong pagod kayo sa byahe ni Alejandra," nakangiting aya niya sa'kin bago tumingin sa likod ko na paniguradong sa pwesto ni mommy. Ewan ko kung imahinasyon ko lang o talagang sarkastiko ang pagkakasabi niya non."Oo nga naman, Azari! Yaya Belen already prepared your room. Promise, maganda 'yung pagkakaayos niya!" biglang sabat ni Ria. My room? Only mine? Akala ko ba ay dalawang linggo mags-stay rito si mommy? Ganon kasi ang set up namin taon-taon."Bakit kwarto ko lang--""Tita Alejandra, come here! Yaya Belen already prepared your food!" sigaw ni Ria kay mommy na pumutol ng sasabihin ko.Tsk, whatever. Mommy and I can share a room naman."C'mon, Azari! Let's go!" yaya sa akin ni Ria bago ako hinila papasok sa loob ng bahay. Wala akong nagawa kung hindi sumunod dahil sa paraan ng paghila niya. Napaka-agresibo.Halos madapa pa ako nang madaanan namin ang hagdan na nasa harap ng malaking pintuan ng bahay. Ilang baitang din 'yon kaya muntik na talagang sumubsob ang nguso ko sa sahig."Ria, sandali, napapagod na ako," reklamo ko bago hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Huminto kami sa tapat ng hagdan paakyat sa ikalawang palapag nang magreklamo ako. "Sorry. I'm excited kasi na ipakita sayo 'yung kwarto mo. Tinulungan ko si yaya Belen na mag-ayos para mapaganda lalo 'yon!" nagmamalaki niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko at parang tangang tumango. Gusto kong maging masaya nang marinig ko na nag effort pa siyang tumulong kahit hindi naman kailangan pero kahit na pag ngiti man lang ay hindi ko magawa. Pasimple kong tiningnan nag braso ko na namumula dahil sa higpit ng hawak niya. May maliliit din na cut 'yon dahil sa mahaba niyang kuko na bumaon kanina habang tumatakbo kami. "Let's go then. No running this time, please," pakiusap ko. Ghad, para kasing nasa karera kami kung makatakbo siya kanina. "Okay!" she cheerfully said. Laking pasasalamat ko nang nilakad na lang namin ang hagdan hanggang sa makarating sa kwarto ko. Siya ang nagbukas non kasabay ng pagbukas ng ilaw. Aaminin kong maganda ang disenyo non pero hindi ganon ang taste ko. It is a traditional styled room. I like minimalist styled more. Tanging pagkaaliwalas lang ng buong kwarto at puting kama ang nagustuhan ko roon. "Do you like it?" nakangiting tanong niya. Tinitigan ko siya bago pekeng ngumiti. Ria is very kind when it comes to me. I don't like her but I won't do anything to disappoint her. She's still my sister after all. "It's...good. I like it," pagsisinungaling ko. Yes, I admit it. Maarte ako. My mom spoiled me too much and give me everything I want. Lahat ng bagay na gusto ko ay nakukuha kaya naman nasanay ako na kung ano lang ang gusto ko, 'yon ang nasa paligid ko. "Really? Oh my gosh, I'm so happy!" malakas na sabi niya. Mahina akong natawa. Ria is three years older than me but she still acts like a child. Kung ipagtatabi mo kami nang hindi sinasabi ang edad, masasabi mong mas matanda ako. Hindi lang dahil sa ugali, dahil din sa physical appearance. Mas matangkad ako at mas may korte ang katawan. My boobs is even bigger than hers. I got it from my mother's genes. Pero kung mukha na ang pag-uusapan, mas matanda ang mukha niya at mas bata akong tingnan. Tanging mukha ko lang ang nagpapatunay na 15 years old lang ako. "Oh wait, I think I need to go na. Mayroon pa pala kaming lakad ng mga kaibigan ko," sabi niya habang nagdudutdot sa cellphone. "Yeah, sure," sabi ko. Muli niya akong niyakap bago nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. Nang maisarado niya ang pinto ay tamad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Unang araw pa lang ay gusto ko na agad bumalik sa US. Inunat ko ang katawan ko bago lapitan ang maleta ko sa gilid ng kama. Pagkarating namin ni Ria rito sa loob ay nandyan na 'yan, siguro ay inunang ipinasok ng mga maid nila rito. Gusto ko sanang matulog na lang buong araw dahil pagod sa byahe pero mas pinili kong mag ayos na lang ng mga gamit. Hindi ako makakatulog nang ganito kaaga saka tulog din naman ako sa eroplano kaya hindi ako masyadong inaantok. Una kong pinakielaman ay 'yung mga personal na gamit ko. Hinuli ko na 'yung mga hindi masyadong importante at inilagay 'yon sa cabinet. Buong umaga ay 'yon lang ang ginawa ko hanggang sa mag tanghalian. Doon ko lang naramdaman 'yung pagod na naipon habang bumabyahe kami. I was about to close my eyes when I remembered something. Where's mommy nga pala? Kanina ko pa siya hindi nakikita simula noong umakyat kami rito. Kadalasan kasi ay sa kwarto ko agad ang diretso niya tuwing mags-stay siya rito ng dalawang linggo. Kahit na napapagod ay pinilit ko pa ring tumayo. Ghad, gumala ba si mommy nang hindi ako sinasabihan? Nang makalabas sa kwarto ay isang maid na naglilinis lang ang nakita ko sa pasilyo. Pinupunasan niya 'yung mga paintings na naka display sa pader. "Ate, nakita niyo po ba si mommy?" tanong ko rito. Kitang-kita ko kung paano siya napatalon nang marinig ang boses ko. Hindi niya siguro naramdaman ang presensya ko kaya ganon. "A-Ah, good morning po, ma'am! Si ma'am Alejandra po ba? Hindi ko po siya nakita. Hindi pa po kasi ako bumaba simula kaninang umaga. Hindi ko rin naman po siya nakitang umakyat dito," paliwanag niya. Kahit na nagtataka ay tumango pa rin ako. Saan naman kaya nagpunta 'yon? "Salamat po," sabi ko bago siya talikuran. Nagpatuloy ako sa pagbaba hanggang sa marating ang sala. Walang tao roon at kahit anino ni mommy ay hindi ko makita. Lalabas na sana ako para puntahan siya sa garden kung saan kami laging tumatambay nang makasalubong ko si yaya Belen. Huminto ako sa paglalakad palabas at pumunta sa direksiyon niya. Maybe she know where mommy is. Ang sabi kasi kanina ni Ria ay may inihanda raw siyang miryenda para kay mommy. "Yaya Belen," tawag ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at nakangiting hinarap ako. I smiled back at her. Magaan ang loob ko sa kanya dahil ni minsan ay hindi ko naramdaman ang kaplastikan niya. Siya rin kasi ang nag-alaga kay daddy noong bata pa ito. No wonder I like her, parehas sila ni daddy ng ugali. "Bakit, iha? May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin. She's old but she can still manage to cook. Kahit nga paglilinis ng bahay ay kaya niyang gawin mag-isa."Wala naman po. Gusto ko lang po sanang itanong kung nasaan si mommy. Nakita niyo po ba siya? Simula kasi noong umakyat ako sa kwarto ay hindi ko na siya nakita ulit. Hindi rin daw po nakita ng isang maid na umakyat si mommy sa taas," sabi ko. Kumunot ang noo niya at nagtataka akong tiningnan. "Hindi ba ay umalis na siya kanina pa? Bakit? Hindi ba sinabi sayo?" nagtatakang tanong niya sa akin. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko. What? Umalis? She promised that she'll stay here for two weeks! "U-Umalis po? Saan daw po nagpunta?" muli kong tanong. Habang pumapatak ang bawat segundo ay mas lalo akong kinakabahan. She can't go home just like that! She can't leave me here without a proper goodbye!"Aba ay ang pagkakarinig ko, lumipad na raw pabalik sa US. 'Yon ang sabi ni Melania at Leandro. Bakit iha, hindi ka ba sinabihan?" "Hindi po," sagot ko bago nagkagat labi. Tinalikuran ko si yaya Belen nang magsimulang uminit ang paligid ng mga mata ko. Bastos na kung bastos pero wala akong magagawa, naiiyak ako. She can't just leave me like that. Alam niya kung gaano ko kaayaw rito. Alam niya kung gaano ako hindi kakomportable tuwing kasama ko sila. Alam niya lahat 'yon dahil tuwing uuwi ako sa Maryland ay umiiyak ako dahil sa paraan ng pagtrato nila sa akin. Kailanman ay hindi nila ako sinaktan ng pisikal pero kung tratuhin ako ni Melania, parang sinasampal sa'kin na isa talaga akong bastarda. Pagkakamali. Malaking pagkakamali. Mabuti sana kung nandirito palagi si daddy buong maghapon. Kaso wala, eh. Gabi lang siya nandirito. Lagi kong kasama ay si Melania at Ria. "Anak?" Mabilis akong napalingon sa tumawag sa akin. It was daddy. Katabi niya si Melania habang si Ria naman ay nasa likod nilang dalawa. Mayroong kasama si Ria na matangkad na lalaki sa tabi niya pero hindi ko masyadong mamukhaan dahil punong puno na ng luha 'yung paligid ng mga mata ko. They're all looking at me. Mas lalong sumama ang loob ko nang makita ko 'yung pwesto nila. What a perfect family. I'm jealous. "Why are you crying? May nangyari ba?" tanong niya. Mas lalong tumulo ang mga luha ko nang makita ko kung gaano kainosente ang mukha niya. "You're a liar..." may sama ng loob na sabi ko. Hindi ko pa mapigilang pumiyok nang pigilan ko ang hikbi ko. "What?" gulat na tanong niya. "You promised that mommy can stay here for two weeks every summer. Why did she leave? Mommy never leave without any stupid reasons. S-Siguro pinaalis niyo siya, ano? Pinaalis niyo siya because you hate her--""Watch your words, Azari," biglang sabat ni Melania. Kahit na umiiyak ay nagawa ko pa ring irapan siya. "Why w-would I? I'm telling the truth here! Why would mommy leave without even telling me? Why? 'Cause you know na hindi ako papayag, 'di ba? Dad, you promised that she can stay here even just for two weeks. Labag na nga 'yon sa loob ko dahil sobrang ikli tapos papaalisin niyo pa?" punong-puno ng sama ng loob na sabi ko. Pilit kong pinupunasan ang nag-uunahang luha galing sa mga mata ko para lang makita ang mga reaksyon nila. Sana man lang may makita akong nakokonsenya tapos pabalikin si mommy pero nakailang punas na ata ako ay hindi ko pa rin nakikita sa kanila 'yon. I may be childish for crying like this just because of that pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. 'Yung two weeks kasi na 'yon, nararamdaman ko ang kagandahan ng lugar na 'to dahil si mommy ang kasama ko. I can't see the beauty of this place whenever mommy isn't here. This place is peaceful but I feel alone. I always feel alone. "Uh, Azari you're already 15 naman na. You can sleep without tita Alejandra naman 'di ba? Saka we're here naman!" pagpapagaan ng loob sa akin ni Ria pero inirapan ko lang siya. Yes, I am a brat. "Don't you dare roll your eyes at my daughter, Azari!" banta sa akin ni Melania."Why? W-What would you do? You'll throw me out of this house? Yes, please! I would be glad!" sarkastikong sagot ko. Kitang-kita ko ang pagpula ng mukha ni Melania na para bang kaunti na lang ay hindi na niya mapipigilan ang galit niya. "Y-You have no shame! Can't you see? Ria has a visitor! Hindi ka man lang nahiya! Nakikitira ka na nga lang dito ganyan ka pa makaarte--" "Ha! Wow? Parang utang na loob ko pa, ah? Stop acting like I owe you something because I'm living in this house. For your information, our house is bigger! At anong pakielam ko sa bisita? Hindi ko na kasalanan na nagsinungaling kayo sa'kin kaya a-ako nagkakaganito!" putol ko sa kanya. "L-Look at that filthy daughter of yours, Leandro! Napakabastos--" "Enough, Melania!" sigaw ni daddy na nakapagpatahimik sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko pero hindi ko pa rin maiwasan ang humikbi. I wanna go home. "Don't you dare call my daughter filthy, Melania. You have no rights to call her that. Alejandra never treated Ria like that--" "So you're comparing me to her--" "THAT'S NOT WHAT I MEAN!" mas malakas na sigaw ni daddy na kahit si Ria ay naitikom ang bibig. Marahas na nagbuga ng hangin si daddy at masuyong lumapit sa akin. "Azari, anak? Your ate Ria is right, you're already 15. I'm sure you can sleep without your mom, right?" malambing na sabi niya bago pinunasan ang mga luha ko. Ilang beses akong humikbi bago siya mahinang itinulak."Yes, I'm 15 already! But who would love to sleep with strangers? No one!" Kumunot ang noo ni daddy, para bang hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.
"What do you mean 'strangers', anak?" "I don't friends with liars, daddy. For me, people that aren't friends are just strangers. So yes, y'all are just strangers to me. We have boundaries," sagot ko. Saglit silang natahimik bago ako lapitan uli ni daddy. "Okay, okay. I get it now. What do you want now? You want something? You wanna go shopping?" "I want you to send me home," sagot ko. Saglit siyang natahimik bago ilang beses na umiling."Except for that, anak--" "Then don't talk to me," putol ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.Mabilis akong umakyat sa taas at nagkulong sa kwarto. Buong gabi ay hindi ako lumabas. Kahit nang mag hapunan ay hindi ako bumaba dahil ayoko silang makita."Azari? May dala akong dinner. Kumain ka muna kaya?" rinig kong boses ni Ria mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pag iyak. She knew that mom was leaving but she didn't even bother to tell me. Ano ang inatupag niya? Ang pagmamalaki sa kwarto niyang hindi ko naman nagustuhan? Tch. I know I'm being a brat but this is what I feel. Nagagalit ako sa lahat dahil sa pagsisinungaling nila sa akin."Azari? Please, open the door. Nangangalay na ako," muling sabi niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay umirap pa rin ako."Kung nangangalay ka, edi bumaba ka na. I can't remember telling you to bring some foods for me. Leave me alone, I'm not hungry," napapaos na sabi ko. Ilang segundo ang lumipas nang marinig ko ang papalayong y
"I'm too handsome to be a paparazzi," naiiling na sabi niya. Mas lalong tumalim ang paningin ko. "You're so mayabang! Who are you ba? Bakit ka naririto? Paano mo nalaman 'yon? Saka, bakit ka nangingialam, ha? And for your information, sa lola ko 'tong chrysanthemums! Anong yaya Belen ka r'yan? Walang pakialam si yaya Belen kahit kalbuhin ko pa 'yang buong halaman na 'yan!" sigaw ko sa kanya. Lumayo siya ng kaunti sa akin na tila ba naiingayan sa pag sigaw ko. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil doon. "These chrysanthemums belongs to yaya Belen, Zari," sabi niya bago uli binalingan ang mga bulaklak at hindi pinansin ang mga tanong ko. "Can you answer even one of my questions? Kanina ka pa salita nang salita pero hindi mo man lang sinasagot 'yung mga tanong ko," medyo kalmado ko nang sabi. Ayoko nang sumigaw, nahihiya rin ako, 'no. "Which one?" tanong niya at tiningnan ako. Mabil
"Yes, tito. Marami rin pong itinuturo sa akin si papa. Not all of his knowledge, though. Hindi naman po kasi siya parating nasa bahay," rinig kong sabi ni Damian kay daddy. He's talking like he knows my dad for a long time so...they are very close, huh? "Well, parati ngang wala rito sa Fuego 'yang ama mo. Marami kasing mas malaking oportunidad sa labas ng bayan at bansang ito. Mabuti na rin na natututo kang mag-isa, iho. Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan mong matuto sa iba. You should know how to learn with yourself too," si daddy. Nananatili akong tahimik at nakikinig lang sa kanila. Kung mag usap sila ay para silang mag ama. I bet daddy wants Damian to be his son too. Hindi niya man sabihin ay halata naman ata naming lahat na isang beses niya na ring hiniling na magkaroon ng anak na lalaki. "Yes, tito. Ikaw po ba? Bakit po hindi niyo mas ipinalalaki ang business niyo? Your business is very successful at halos sayo na ku
Matapos ang tawagan namin ni Elli ay hindi na ako bumaba. Ayoko nang makasalamuha pang muli si Melania dahil baka hindi ako makapagpigil at masabihan ko pa siya ng kung ano-ano. Nanatili ako sa kwarto buong gabi kahit na kumakalam pa rin ang tyan ko. Kaunti lang kasi ang nakain ko kanina kaya grabe ang gutom ko ngayon. Ghad, noong nakaraang taon ay sama ng loob lang naman ang nakukuha ko. Bakit ngayon may kasama ng gutom? "Azari?" Mabilis natigil ang imahinasyon ko nang marinig ko ang boses ni Ria mula sa labas ng kwarto. Kahit na tinatamad ay nagawa ko pa ring tumayo mula sa kama at pag buksan siya ng pinto. "Bakit?" tanong ko. Sobrang liit lang ng bukas ng pinto na halos mata ko lang ang nakikita. Wala akong balak na patambayin siya ngayon dito sa loob dahil mainit pa rin ang ulo ko dahil kay Melania. Kung 'di lang siguro sila magkamukha ng nanay niya baka ginawa ko pa 'tong bestfriend si Ria.
"Uh...eherm," Mabilis akong napabalik sa reyalidad nang marinig ko ang pekeng ubo ni Ms. Williams. Nakataas ang kilay niya sa akin habang itinuturo ang relo niya. "Uh...I was about to thank him," dahilan ko nang makita ko ang pabalik-balik na sulyap niya sa aming dalawa ni Damian. Baka akalain pa nito may gusto ako roon. "Why didn't you do it?" tanong niya sa akin. Palihim akong umirap. Tsismosa rin pala 'tong si Ms. Williams eh no? "Because he's annoying," sagot ko. Nakita ko ang ilang beses na pag iling niya bago naglagay ng papel sa harap ko. Hindi ba siya naniniwala? Totoo namang 'yon ang dahilan ko, ah? Maissue rin 'tong si Ms. Williams. "Open your book on page 342," utos niya sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at sinunod ang utos niya. Nagsimula siyang magturo habang ako naman ay tahimik na nakikinig. Pinagpapahinga niya ako every 30 m
"Azari? Matagal ka pa ba riyan?" rinig kong tanong ni yaya mula sa labas ng kwarto. Kinagat ko ang labi ko at muling inayos ang nagulo kong buhok. "Sandali na lang po!" sagot ko. Paalis na sana ako kanina sa kwarto kaso sumabit yung buhok ko sa kung saan kaya nagulo na naman ito. Nadoble pa tuloy ang oras ko dahil sa pag-aayos. "Pakibilisan na lang, iha. Kanina pa naghihintay 'yung guro mo roon sa baba," muling sabi niya. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang sa pag-aayos. I really need to fix this. Kahit na malate pa ako ay wala akong pakialam. My hair is my makeup. Without my hair, I always feel ugly. "Sa wakas," sabi ko nang makuntento ako sa ayos ng buhok ko. Ilang minuto rin ang ginugol ko sa pag aayos non kaya naman natagalan talaga ako. It is styled as a princess like braid kaya naman medyo nahirapan ako. Nang m
"Kakahiwalay lang po ata nila noong nakaraang buwan sabi ni ma'am Ria," kwento uli nung maid. Liningon ko siya at tinaasan ng kilay. "Kinuwento ni Ria sayo?" tanong ko. Hindi naman pala kwento 'yon si Ria sa akin tungkol sa mga kaibigan niya. Si Damian nga lang ata ang willing niyang ikwento kahit pa sa lahat ng tao ng mundo. "Hindi po, narinig ko lang na pinag uusapan nila ni ma'am Melania. Naglilinis po kasi ako non sa dining area tapos pumasok sila at pinag usapan 'yung hiwalayan ni Peter at Dixie. Hindi ko naman po ako pwedeng umalis doon at iwan sila dahil pagagalitan ako ni manang Belen," paliwanag niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Akala ko tsismosa rin ito si Nerida, eh. "Mauna na ho ako, ma'am Azari. Marami pa po akong gagawin sa kusina," paalam niya. Ngumiti lang ako at hinayaan siyang umalis. Muli kong sinilip ang bintana at nakita kong papalabas
"Nagkausap na kayo ng mommy mo?" tanong sa akin ni daddy. Wala akong sinagot sa kanya kundi pag tango lang. Ano naman kung nag-usap na kami? Papauwiin niya na ba ako? "You don't have classes tomorrow. Anong gagawin mo bukas?" tanong niya uli. Napahinto ako. Oo nga pala, day off ni Ms. Williams tomorrow kaya wala akong klase. Ibig sabihin non, wala rin akong gagawin buong araw. Ano namang gagawin ko rito? Matulog buong araw? "I don't know. Maybe sleep?" patanong na sabi ko. Wala naman kasi akong alam na ibang pwedeng gawin kung hindi 'yon lang maliban sa pagbabasa. Hindi naman ako makakapamasyal dahil wala akong kasama. "What are your hobbies ba sa US, Azari?" tanong ni Ria sa akin. Simula kanina ay naging tahimik na sina Dixie at 'yung ibang babae niyang bestfriends. I don't know what happened to them at nanahimik na lang sila bigla. Tanging si Ria, yung dalawa pang babae at mga boys na lang ang nagsasalita nang walang preno.
"Dad, do you think Azari will like her new room?" nag-aalalang sabi ni Ria. Ibinaba ni tito Leandro ang dyaryo at nakangiti siyang tiningnan. "Oo naman, anak. Azari may be a brat but she's sweet. Hindi niya lang pinapakita 'yon dahil hindi naman siya sanay na makasama tayo," sagot ni tito sa kanya. Nananatili akong tahimik sa gilid at nakikinig lang sa kanila. Darating ngayon ang parating kinukwento ni Ria sa akin na kapatid niya. Her name is Azari. I've never seen her before kasi ngayon lang naman ako nanatili rito tuwing summer. Parati akong nasa ibang bansa para samahan si mama. "Dad, c'mon!" Hindi ko alam kung ngingiti ako o hindi dahil sa sobrang pagka-excited ni Ria. It's good that she's like this when it comes to her step-sister. Ang problema lang sa kanya ay masyado siyang magaslaw 'pag excited, nagiging aggressive tuloy. I'm used to it though. Ria is my friend since we were kids, sanay na sanay na ako sa ganitong ugali niya. Nananatili akong nasa malayo habang pinapanood s
Ang una kong nakita nang maimulat ko ang mga mata ay puting kisame. I'm sure I'm inside a hospital room. But why am I here? Gumapang ang kaba sa buong pagkatao ko nang maalala ang nangyari kanina. Agad kong hinaplos ang tyan ko at kinakabahang tiningnan 'yon. "'Yung baby ko..." I saw Damian beside me, sleeping. Nang marinig niya ang boses ko ay agad siyang naalarma. "Hey, are you okay? May masakit ba sayo? Should I call a doctor?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang ang tyan ko. Does he already know that I'm pregnant? Anong nangyari sa baby namin? Okay lang ba siya? Where's Ali? Si mommy lang ba ang kasama niya sa bahay? Does she know that I'm here? "Damian 'yung baby natin. A-Anong nangyari? Okay lang ba siya, Damian? D-Dinugo ako kanina. Baka m-may nangyari na sa anak natin, Damian," naaalarma kong s
Ilang buwan ang lumipas hanggang sa ma-discharged si daddy sa ospital. Dito muna sila sa manila dahil hindi pa kayang bumyahe ni daddy. Ang alam ko ay sa condo ni Ria sila ngayon tumutuloy. "Mom, where are you going?" tanong ni Ali sa akin nang makitang nakabihis ako. Nasa tabi siya ni Damian, nagkukulay sa coloring book niya. Kaninang umaga rumating si Damian dito. Ewan ko kung nagta-trabaho pa ba 'to dahil palagi na lang narito sa penthouse. "Sa office, anak. Mommy needs to check on lolo's company and...kailangan din sa business natin, baby," sagot ko. Nilabas ko ang cellphone ko at nanalamin doon. Gosh, ilang araw akong walang paramdmam sa opisina kaya kailangan kong mag pakita roon ngayong nakalabas na ng ospital si daddy. "Can you stay here, mom? Daddy's here, I think it's the best time to play." "Ali, I
"Ha?" Halos manginig ang kamay ko dahil sa kaba. Seryoso ba siya? Bakit ngayon? Masakit na nga ang katawan ko tapos interview with his parents pa? Saksakin niyo na lang ako. "Mama and Papa wants to talk--" "Narinig ko. Bakit daw? Galit ba sila sa akin? Omg, Damian, ha. Paano kung ano, ayaw nila sa akin?" sunod-sunod na tanong ko. I heard him chuckle before kissing my cheek. Mabuti na lang at wala si Ria rito, baka mas lalong masaktan 'yon. I really think we should stay away from Ria muna while she's in the process of moving on? Kung mag lalandian kasi kami ni Damian sa harap niya ay baka masaktan lang siya lalo. "Don't be nervous. Mama and Papa don't judge easily. They look intimidating but I know them, they won't hate you if you didn't explain your side yet," pang-u
Kinabukasan ay pagod na pagod ang katawan ko. Kahit nakatulog ako nang mahimbing ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod kagabi. Damian is still beside me, akala ko ay umuwi na siya kanina dahil ang sabi niya noong isang gabi ay isang buong araw lang siya rito. "Baby, let's eat breakfast," malambing na sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Iminulat ko ang mga mata ko at naaantok na tiningnan siya. "My body is tired." Humalakhak siya bago ako yakapin nang mahigpit. Hinaplos niya ang mukha ko bago ako halikan sa labi. "Last night was rough. I'm sorry but I'm not sorry..." Tiningnan ko siya nang masama at hinampas ng unan. Muli siyang humalakhak at hinila ako patayo sa kama. "Baby, c'mon! Alistair is waiting for us outside. She wanna hear your explanation about last night. Madaling araw ka na kasi u
Buong hapon akong naroon sa restaurant. Dalawang beses lang akong binalikan ng waitress at hindi na muling ginulo pa. I'm thankful that pinabayaran muna nila sa akin ang mga inorder ko para hindi na ako maistorbo. I don't want them to see me ugly crying while drinking wine. Hindi ako broken hearted, nalulungkot lang. Lumipas ang oras hanggang sumapit ang gabi. I feel a little bit dizzy because of the wine. Hindi naman umabot sa kalahati 'yon kaya nahihilo lang ako ng kaunti. Lumabas ako ng VIP room at pumuntang banyo. Inayos ko lang ang sarili ko bago umalis ng restaurant ng 'yon. Being alone while sad isn't helping, I need to socialize. Kailangan kong mag party. Sumakay ako ng sasakyan at inikot ang buong BGC. Sunod-sunod ang bar na nadaraanan ko pero ang tanging hinintuan ko lang ay 'yung walang pila. I don't have time
Tahimik ang buong kusina hanggang sa matapos ko siyang handaan ng pagkain. Grabe ang titig niya nang humarap ako, pakiramdam ko ay kaunti na lang ay itatapon niya na ako sa labas ng penthouse. Why is he so intimidating? "Here. Luto ni mommy 'yan," Inilapag ko ang plato na may lamang pagkain sa harap niya. Tinitigan niya 'yon bago nag simulang kumain. Umupo ako sa upuan ko kanina, hindi ko alam kung kakain na lang ako nang tahimik o kakausapin ko siya tungkol sa pinag-usapan nila ni Ria. "So uh...how's your day--I mean, kamusta 'yung pag-uusap niyo ni Ria?" Nag kagat ako ng labi, gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kaba. Ano ba, Azari? Hindi ka naman papatayin ni Damian. Bakit ka ba nag kakaganyan, ha? "It went well," maikling sagot niya. Akala ko ay may isusunod pa siya roon pero ni isang
Mas lalong tumulo ang luha ko. Linakasan ko ang loob ko at lumapit sa kanya. I wiped his tears before hugging him tight. "Baby, ako lang 'yun, ako lang 'yung may alam ng nararamdaman mo noon. Ako lang..." Paulit-ulit niya 'yong binubulong habang humihikbi. Pilit kong pinipigalan ang pag hagulgol ko dahil baka magising si Ali. Baka mag taka pa 'yon kung bakit kami nag iiyakan dito. "Is it true? Someone locked her inside a cabinet?" tanong niya. Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata kaya kahit natatakot ako sa kung ano mang gagawin niya ay mabilis pa rin akong tumango. I heard him curse before burying his face on my chest. "Now, my daughter thinks I don't love her..." bulong niya. Hindi ako sumagot at niyakap na lang siya. I know he's mad at me, pero ito lang ang alam kong mag papakalma sa kanya ngayon. "Tell me about her." I cleare
"Her fever is going down." Pinagmasdan ko si Ali, mahimbing at malalim ang tulog niya. This is the third day since she had her fever. Pababa na ang lagnat niya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko. Simula noong sinabi ko kila daddy na may anak ako ay pinabayaan muna nila akong alagaan si Ali habang may sakit siya. Wala pa akong natatanggap na tawag sa kahit na sino sa kanila, pati kay Damian. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil hindi nag pararamdam si Damian ngayon. Naiisip ko kasing baka hindi man lang pumasok sa isip niya na buhay ang anak namin. Baka ang nasa isipan niya ngayon ay nag pabuntis ako sa iba. Tumayo ako ng kama at iniwan si Ali kay mommy. Aalis ako ngayon dahil may kailangan akong gawin sa opisina ni daddy. Nag sisimula na kasi ulit bumangon ang negosyo niya dahil sa negosasyon namin sa iba't ibang b