Share

Chapter 213: It's Over 2

Penulis: shining_girl
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-23 22:11:51

Tila nabingi si Jace sa ipinagtapat ng tiyuhin. “Paanong…”

“Hayop ka talaga, Reymond! Hayop ka!” singhal ni Divina kay Reymond, pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang police escort na kasama nito.

“Mas hayop ka, Divina! Hindi ba’t habang naiinggit ako sa pinsan ko dahil sa kayamanan at tagumpay na kanyang tinatamasa’y ikaw ang nagsabi sa akin na kayang-kaya mo siyang paglahuin sa mundong ibabaw? Alam kong ayaw mo sa kanya dahil ayaw niyang pahiramin ng malaking pera si Carlos para sa research lab na gusto mong ipatayo.”

“Sinungaling! Sinungaling ka! Do not believe him, officer! Naghahanap lang siya ng masisisi sa mga kasalanan niya!” ani Divina, panay pa rin ang piglas.

“Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung paano mo nilagyan ng lason ang alak ni James nang manggaling siya sa inyo bago siya umuwi sa kanila nang araw na madisgrasya siya? O gusto mong sabihin ko na kaya sa daan inabutan ng atake sa puso at aksidente si James ay dahil imbes na ang paghahanap
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (8)
goodnovel comment avatar
Marites Mendez
sa wakas ,,,natapos na rin ung mga nagpapahirap sa kanila
goodnovel comment avatar
Nemia Tomas Arboleda
update po...thnks po ...️
goodnovel comment avatar
buj gqab
update more please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 214: Starting Over

    Tahimik na pinagmamasdan ni Jace ang paglagak sa labi ni Keith sa mausoleum ng mga Montano. Iyon ang araw ng libing ni Keith. Despite the truths that he has discovered, hindi pa rin nagbago ang isip ni Jace at patuloy na inasikaso ang pagpapalibing sa dating kaibigan at kababata.Matapos ang isang linggong burol sa St. Anthony’s Hospital, inihatid na rin sa huling hantungan si Keith. Maraming kaakilala ang dumalo sal amay at libing ng doktor. Ang iba, mga dating pasyente na ginamot ng namayapang binata. Patunay na minsan, sa maikling buhay nito ay naging mabuti ito at nakagawa ng tama.Nakadalaw si Divina sa burol ng anak nito. Subalit, saglit lang. Hindi na rin kasi ito halos makausap nang mga panahong iyon. Lagi itong tulala at paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang, ‘Wala akong kasalanan.’Kung sino ang sinasabihan nito ng mga salitang ‘yon, kung ibang tao ba o ang mismong sarili nito, hindi na mahalaga para kay Jace. Ang tanging importante sa binata ay nakakulong na si Divina a

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-24
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 215: A New Enemy?

    Maingat na inilapag nina Coco at Lara ang bungkos ng mga bulaklak sa puntod na nasa kanilang harapan. Nasa public cemetery na sila sa San Marcelino. “Nay, tapos na po ang lahat. Nalaman na po ni Ate Lara ang lahat. Nagbabayad na rin po ang lahat ng may kasalanan sa nangyari sa kanya. Nagawa na po namin ni Ate ang nais mo. Pwede ka nang matahimik, Nay,” ani Coco sa pinatatag na tinig.“Salamat, Tiyang,” umpisa ni Lara. “Mula noon hanggang ngayon, ang kapakanan ko ang iniisip ko. H’wag ka nang mag-alala kay Coco, ako nang bahala sa kanya, Tiyang. Sisiguruhin kong matutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya,” dugtong pa ni Lara bago bumaling sa puntod ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. “Yaya Melissa, salamat dahil hanggang sa kahuli-hulihan, pinili mong iligtas ako. Salamat sa sakripisyo mo, nagawa ko pa ring makabalik sa tunay na pamilya ko.”Pinagmasdan ng dalaga ang pangalan ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. Pinapalitan na niya iyon noong huling beses silang nagpunta roon

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 216: Prelude To Happiness

    Ang mahihinang pag-uusap sa kanyang paligid ang tuluyang nagpagising kay Lara. Pagbukas niya ng kanyang mga mata, ang mukha ni Jace ang una niyang nakita.“L-Lara, how are you feeling? Anong masakit sa ‘yo?” magkasunod na tanong ng binata, bakas ang labis na pag-aalala sa tinig.“Y-you’re here? P-paanong—“ Naguguluhang ipinaikot ng dalaga ang kanyang mata sa loob ng silid na kanyang kinaroronan. Everything is white. She’s more more than sure she is in a hospital.“I came as soon as I received the news. Nawalan ka raw ng malay sa bahay after… after you saw your mutilated portrait.”Napasinghap si Lara nang maalala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. “S-si Cami? N-nasaan si Cami?” tanong ng dalaga sa paos na tinig.Masuyong hinaplos ni Jace ang pisngi ng asawa. “She is with Manang Lagring. Nasa labas na rin ng ER si Coco, naghihintay ng anumang balita tungkol sa ‘yo. Kasama nila ang ibang security detail natin. You don’t need to worry about anything, love. Pinapaimbestigaha

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 1: Hiling

    “Tiyo, bakit ako?” mangiyak-ngiyak na reklamo ni Lara sa tiyuhin na si Berto nang sabihin nito sa kanya na nakapili na raw ng aasawahin ang intsik na amo nito sa grocery store. At ang malas na babae, siya.“O e alangan namang ako? Alam mo naturingan kang gradweyt pero may pagkatanga ka rin minsan. Ikaw lang naman sa atin dito sa bahay ang puwedeng ialay kay Bossing. At saka ayaw mo no’n, tiyak na yayaman tayo, Lara. Kahit hindi ka na magtrabaho, mahihiga ka sa kwarta!” anang tiyuhin, nagsalin ng gin sa baso, humithit muna ng sigariylo bago uminom ng alak. “Matagal ka nang kursunada no’n ni Boss Chino e. ‘Di ba nga palagi kang may regalo sa kanya tuwing Pasko at birthday mo. Seryoso ‘yon sa ‘yo, kaya ‘wag mo nang tanggihan. Minsan na nga lang ako mag-utos sa ‘yo, nagrereklamo ka pa. Parang wala kang utang na loob a,” patuloy pa ni Berto, muling tumungga ng alak.Nakagat ni Lara ang kanyang pang-ibabang labi, yumuko. Noon pa man ay masakit nang magsalita ang kanyang tiyuhin. Asawa ito

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-30
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 2: Contract Bride

    “S-Sir… h-hindi ko po maintindihan--”“Fine, let’s get things straight. Hindi ba nasa labas lang ang mapapangasawa mo na hindi mo gusto?” Tumango si Lara. “I am offering you an escape from your current dilemma, Miss…”“Martinez, Sir. Lara Veronica Martinez.” “Well, Miss Martinez, I am offering you an escape. Six months of marriage, no strings attached. Marry me and I’ll solve your problems. How’s that?” ani Jace sa pormal na tinig.Lalong natulala si Lara sa sinabi ng boss.Sa dalawang taon ng dalaga sa LDC ni hindi pa niya ito nakakausap ng harapan. Kaya naa-amuse siya ngayon na kinakasuap siya nito nang harapan lalo pa at inaalok siya ng kasal!Kasal.Madalas ipaalala sa kanya ng kanyang tiyahin na ang kasal ay sagrado at ginagawa lamang nga mga taong lubos na nagmamahalan. Subalit… may iba pa ba siyang pagpipilian ngayon gayong iniipit siya ng kanyang tiyuhin?“Look, it’s just six months. It’s not like your signing your life away with me. It’s just half a year,” muling untag ni

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-30
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 3: Pagpapakilala

    “Siya nga? Halik hija, umupo ka rito sa tabi ko,” ani Doña Cristina ang abuela ni Jace. Agad namang tumalima si Lara, umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Nang sabihi ni Jace sa akin na nag-asawa na siya’y hindi ako agad naniwala. Subalit ngayong nandito ka na, sobra talaga akong natutuwa. You are beautiful, hija. Magaling pumili ang aking apo. Inaasahan kong mula sa ‘yo ay magpapatuloy ang lahi ng pamilya Lagdameo.”Alanganing ngumiti si Lara. “Makakaasa po kayo, L-lola,” anang dalaga mabilis na sumulyap kay Jace na nasa kabilang gilid lang ng kama ng matanda.“Mabuti kung gano’n. Si Jace ay nag-iisang apo ko. We have a curse in this family, Lara. Isang anak na lalaki lang sa bawat henerasyon ng Lagdameo ang ipinapanganak. At umaasa akong ikaw ang puputol sa sumpang ‘yon—““Alright, that’s too much information, Lola. Please, h’wag po ninyong takutin si Lara,” masuyong saway ni Jace sa abuela, mabilis na iniba ang usapan. “Nakainom ka na ng gamot mo? Nasaan nga pala si Nurse Mandy? Bak

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-30
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 4: Executive Floor

    “Uy, Lara, tawag ka ni boss,” bulong ni Erin kay Lara na mula pa nang dumating sa opisina ay tila hulog sa malalim na pag-iisip.Agad namang napakurap si Lara, mabilis na hinamig ang sarili. “H-ha? Ano ‘yon?”“Ms. Martinez, tinatanong kita kung ano nang progress sa pinagawa ko sa ‘yo noong isang araw?” mataas ang boses na sabi ni Amanda, ang marketing manager nila sa LDC at immediate boss ni Lara. “May progress na ba o tinambak mo na naman sa desk mo?”Sandaling napangiwi si Lara, hindi pa niya tapos ang pinapagawa nitong marketing plan dahil sa marami siyang iniisip. But that doesn’t mean she’s not efficient. Isang linggo ang ibinigay ni Amanda na palugit sa kanya She still has four days to finish it. “I’m half way through it, Ma’am. Pwede po akong mag-overtime mamaya para matapos ko,” pormal na sagot ng dalaga.Umirap si Amanda, noon pa ma’y mainit na ang dugo nito kay Lara dahil mabilis talaga magtrabaho ang dalaga kumpara sa ibang empleyado. Subalit, nangangahulugan din ‘yon na i

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-30
  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 5: Tulong

    Sandaling napatanga si Lara sa sinabi ng babae. Tila sanay na sanay itong mag-utos, gaya rin Jace. At sigurado si Lara na galing din ito sa maalwang pamilya gaya ni Jace.Biglang nanliit si Lara. Hindi niya napigilan sarili na ikumpara sa babae. While Via was a star, she was but juts a speck of dust.“Hey, did you hear me? Bakit nakatanga ka pa riyan? Ang sabi ko, kape. Pronto!” untag ni Via kay Lara, iritado. Nagkumahog naman si Lara na sundin ang utos ng babae at dali-daling nagtungo sa panty.Si Via naman ay umupo sa swivel chair ni Jace, bumusangot. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya lalo na ng mga utusan. She is a prima ballerina. Her time is precious and must not be wasted. Sa totoo lang, she shouldn’t be there yet because her plane from Milan just landed. Kaya lang, may nais siyang malaman agad kay Jace. Nangako ito sa kanya na hihintayin siya nito. That he will always wait for her to achieve her dreams before they get married. Noong umalis siya two years a

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-30

Bab terbaru

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 216: Prelude To Happiness

    Ang mahihinang pag-uusap sa kanyang paligid ang tuluyang nagpagising kay Lara. Pagbukas niya ng kanyang mga mata, ang mukha ni Jace ang una niyang nakita.“L-Lara, how are you feeling? Anong masakit sa ‘yo?” magkasunod na tanong ng binata, bakas ang labis na pag-aalala sa tinig.“Y-you’re here? P-paanong—“ Naguguluhang ipinaikot ng dalaga ang kanyang mata sa loob ng silid na kanyang kinaroronan. Everything is white. She’s more more than sure she is in a hospital.“I came as soon as I received the news. Nawalan ka raw ng malay sa bahay after… after you saw your mutilated portrait.”Napasinghap si Lara nang maalala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. “S-si Cami? N-nasaan si Cami?” tanong ng dalaga sa paos na tinig.Masuyong hinaplos ni Jace ang pisngi ng asawa. “She is with Manang Lagring. Nasa labas na rin ng ER si Coco, naghihintay ng anumang balita tungkol sa ‘yo. Kasama nila ang ibang security detail natin. You don’t need to worry about anything, love. Pinapaimbestigaha

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 215: A New Enemy?

    Maingat na inilapag nina Coco at Lara ang bungkos ng mga bulaklak sa puntod na nasa kanilang harapan. Nasa public cemetery na sila sa San Marcelino. “Nay, tapos na po ang lahat. Nalaman na po ni Ate Lara ang lahat. Nagbabayad na rin po ang lahat ng may kasalanan sa nangyari sa kanya. Nagawa na po namin ni Ate ang nais mo. Pwede ka nang matahimik, Nay,” ani Coco sa pinatatag na tinig.“Salamat, Tiyang,” umpisa ni Lara. “Mula noon hanggang ngayon, ang kapakanan ko ang iniisip ko. H’wag ka nang mag-alala kay Coco, ako nang bahala sa kanya, Tiyang. Sisiguruhin kong matutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya,” dugtong pa ni Lara bago bumaling sa puntod ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. “Yaya Melissa, salamat dahil hanggang sa kahuli-hulihan, pinili mong iligtas ako. Salamat sa sakripisyo mo, nagawa ko pa ring makabalik sa tunay na pamilya ko.”Pinagmasdan ng dalaga ang pangalan ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. Pinapalitan na niya iyon noong huling beses silang nagpunta roon

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 214: Starting Over

    Tahimik na pinagmamasdan ni Jace ang paglagak sa labi ni Keith sa mausoleum ng mga Montano. Iyon ang araw ng libing ni Keith. Despite the truths that he has discovered, hindi pa rin nagbago ang isip ni Jace at patuloy na inasikaso ang pagpapalibing sa dating kaibigan at kababata.Matapos ang isang linggong burol sa St. Anthony’s Hospital, inihatid na rin sa huling hantungan si Keith. Maraming kaakilala ang dumalo sal amay at libing ng doktor. Ang iba, mga dating pasyente na ginamot ng namayapang binata. Patunay na minsan, sa maikling buhay nito ay naging mabuti ito at nakagawa ng tama.Nakadalaw si Divina sa burol ng anak nito. Subalit, saglit lang. Hindi na rin kasi ito halos makausap nang mga panahong iyon. Lagi itong tulala at paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang, ‘Wala akong kasalanan.’Kung sino ang sinasabihan nito ng mga salitang ‘yon, kung ibang tao ba o ang mismong sarili nito, hindi na mahalaga para kay Jace. Ang tanging importante sa binata ay nakakulong na si Divina a

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 213: It's Over 2

    Tila nabingi si Jace sa ipinagtapat ng tiyuhin. “Paanong…”“Hayop ka talaga, Reymond! Hayop ka!” singhal ni Divina kay Reymond, pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang police escort na kasama nito.“Mas hayop ka, Divina! Hindi ba’t habang naiinggit ako sa pinsan ko dahil sa kayamanan at tagumpay na kanyang tinatamasa’y ikaw ang nagsabi sa akin na kayang-kaya mo siyang paglahuin sa mundong ibabaw? Alam kong ayaw mo sa kanya dahil ayaw niyang pahiramin ng malaking pera si Carlos para sa research lab na gusto mong ipatayo.”“Sinungaling! Sinungaling ka! Do not believe him, officer! Naghahanap lang siya ng masisisi sa mga kasalanan niya!” ani Divina, panay pa rin ang piglas. “Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung paano mo nilagyan ng lason ang alak ni James nang manggaling siya sa inyo bago siya umuwi sa kanila nang araw na madisgrasya siya? O gusto mong sabihin ko na kaya sa daan inabutan ng atake sa puso at aksidente si James ay dahil imbes na ang paghahanap

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 212: It's Over

    “Carlo,” tawag ni Jace sa lalaki nang makita niya ito sa harapan ng presinto kung saan siya nito pinapunta. “Mr. Lagdameo, salamat at nakabalik ka dito. I know you’re busy with other things and there’s no place you would want to be in right now but with your family, after what happened. Kaya lang, nagdesisyon na ang witness ko na magsalita at sumuko sa mga otoridad. I think you should be here as he makes his confession at the interrogation room,” anang binata. Humugot ng hininga si Jace, nagpakalma ng emosyon. “Thank you for informing me, Mr. d’Angelo. I appreciate it,” anang binata. Tipid na ngumiti ang lalaki, tumango-tango bago iginiya si Jace sa viewing room na nasa tabi mismo ng interrogation room. “They will bring in the witness any moment now,” ani Carlo, tumayo na sa tapat ng two-way mirror at hinintay ang pagdating ng mga tao sa kabilang silid. Gano’n din ang ginawa ni Jace. “So, tell me, who is this witness? Siya ba ang dahilan kung bakit nahuli natin si Divina?” tanong

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 211: No More Escape 2

    Matapos umalingawngaw ang putok ng baril sa loob ng mansiyon ay kusang iniharang ni Jace ang sarili upang protektahan ang kanyang mag-ina. His family had been through so many storms for many years. He wasn’t able to do anything then to prevent the deaths of people he cared for. But now, if he’d have to give his life just to protect his wife and child, then he’d gladly embrace death to keep them safe.Hinintay ni Jace ang pagsigid ng sakit sa anumang parte ng kanyaang katawan, palatandaan ng pagtama ng bala ni Divina sa kanya, subalit… walang naramdamang sakit o kung ano man ang binata. Nang magmulat siya ng mga mata, noon niya nakita and likod ni Keith na nakaharang sa kanyang harapan.Kasabay ng histerikal na pagsigaw ni Divina ay ang pagbagsak ni Keith sa sahig ng mansiyon... duguan.“O-oh my god, Keith!” hindik na sigaw ni Lara nang makita ang binata na nag-aagaw buhay sa sahig ng mansiyon.“Dammit! Take Divina, away! Now!” sigaw ni Carlo sa mga tauhan na mabilis na hinila palabas

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 210 : No More Escape

    Sandaling napawi ang kaba sa dibdib ni Lara nang makita si Carlo na pumasok mula sa front door. May hawak itong baril na nakatutok sa direksyon ni Divina.“At sino ka naman?” inis na tanong ni Divina kay Carlo. “At paano ka nakapasok, pinatumba na ni Omar ang mga bantay dito sa mansiyon kanina pa.”Nagpatuloy sa paghakbang si Carlo palapit. “H’wag na nating pag-usapan kung sino ako, Mrs. Montano. Ang mahalaga ngayon, nahanap na namin kayo ng anak mo at dito na rin magtatapos ang kasamaan ninyong dalawa,” sagot ni Carlo, mabilis na sumulyap kay Lara bago ibinalik ang tingin kay Divina. “So, this is the face of ThePoisonQueen. I have never expected na sa ganyang edad mo’y puno pa rin ng paghihiganti ang puso mo. Truly, maturity doesn’t come with age,” tuya ni Carlo sa matandang babae.Naningkit ang mga mata ni Divina. “Shut up you, moron! Anong alam mo sa buhay ko? Anong alam mo sa pinagdaanan ko?”“Oh I know many things about you, Mrs. Montano," umpisa ni Carlo, ngumisi. "Alam ko na na

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 209:Point Of No Return 2

    Ngumisi si Keith, nagustuhan ang isinagot ni Lara. “Madali ka palang pasunurin kapag si Cami ang pinag-uusapan. Sa susunod alam ko na ang gagawin ko,” anang binata, muling ngumisi bago tuluyang lumapit kay Lara.Sandaling ibinaba ni Kieth si Cami at kinalas ang tali sa kamay ni Lara. Humahagulgol na niyakap ni Lara ang anak pagkatapos. Agad namang yumapos si Cami sa ina, ibinuro ang mukha sa dibdib nito. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ng dalaga ngayong hawak niyang muli ang anak. Ang kailangan na lang niyang gawin ngayon ay mag-isip ng paraan upang matakasan si Keith.“M-Mommy, Papa Keith hurt Uncle Coco u-upstairs,” sumbong ng anak sa kanya.Pinigil naman ni Lara ang mapahikbi at lalong hinigpitan ang yakap sa anak. She wanted to check on Coco, god knows she really does kaya lang, mas dapat niyang unahin ang pagtakas nilang mag-ina.Hindi siya makakapayag na magtagumpay si Keith sa balak nito. Now that she has her daughter in her arms, mas maayos na siyang makakapag-isip ng paraan

  • The Billionaire's Contract Bride   Chapter 208: Point Of No Return

    Maingat na ipinarada ni Keith ang sasakyan sa garahe ng mansiyon ng mga De Guzman. Malayang naipasok ng binata ang kotse sa solar dahil kasama niya si Lara sa passenger’s seat. He instructed her not to make any objections and to keep her demeanor calm despite his gun poking on her side the whole time. Lara was cooperative. Ni hindi naghinala ang security team sa mansiyon that Lara was being held hostage by Keith.“Mabilis lang tayo rito, Lara. Kukunin lang natin si Cami at aalis din tayo. Doon muna tayo sa probinsiya mananatili habang inaayos ko ang mga papeles natin paalis ng Pilipinas. We cannot go out the legal way anymore. But I promise that I will take you and Cami out of the country. Basta gawin mo lang ang lahat ng inuuutos ko, walang masasaktan,” umpisa ni Keith bago, tinanggal ang tali sa paa ng dalaga. “I will go down first at sabay tayong papasok sa loob ng mansiyon. Don’t do anything stupid,”paalala pa ng doktor bago tuluyang lumabas ng sasakyan at umikot sa pwesto ni Lara

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status