Jane's POV
"Jane, nakapili ka na ba ng susuotin mong gown for your Ate Shiba's big day?" tanong ni Mommy sa akin habang kumakain kami ng almusal sa dining area ng aming mansion."Hindi pa ho, marami pa po kasi akong inasikaso sa trabaho ko," tugon ko, sabay higop ng kape ko."Anak, isang buwan na lang at ikakasal na ang Ate Shiba mo kaya pumili ka na ng susuotin mo sa kasal niya."Napairap na lamang ako sa concern ni Mommy para sa susuotin ko sa kasal ng kapatid na ikakasal sa lalaking gustong-gusto ko or should I say, sa lalaking mahal ko."Mommy, marami pa pong time at maintindihan po 'yan ni Ate," giit ko kay Mommy."Pero nakakahiya kay Keiron, Jane," giit din niya.Keiron is the name of my sister's fiancee at si Keiron din ang lalaking tanging iniibig ng puso ko sa loob ng mahabang panahon. But unfortunately I'm not his type at kapatid lang talaga ang turing niya sa akin dahil si Ate Shiba ang nakakuha ng atensyon niya. And I envy my elder sister because of that, noon pa man ay hindi na talaga kami close ng kapatid ko dahil siya ang mas tinutukan ng atensyon ng mga magulang namin. Si Ate Shiba lang ang magaling sa mga mata nila siguro dahil siya nga ay panganay at siyempre siya rin ang inasahang mag manage ng chocolate company namin which is the 'Pimentel Dairy Company' (PDC) pero iba pala ang gusto ng kapatid ko dahil nagpatayo ito ng isang pizza restaurant kaya sa huli ay ako ang namahala sa kompanyang iningatan ng aming yumaong ama at isa ang pamilya nina Keiron ang may pinakamalaking shares sa aming kompanya sila ng bunsong kapatid niyang si Eloy. Sila ang nakakausap ko pagdating sa negosyo pero mas madalas na kami lang ni Keiron dahil may ibang negosyo naman ang kapatid niya. Hindi ko alam kung kailan at paano ako nahulog sa isang Keiron Bornea basta kusa ko na lang iyon naramdaman and he's my first love. Nagbabalak na sana ako noong umamin kay Keiron nang biglang dumalaw si Ate Shiba sa kompanya namin upang kausapin ako sa mismong office ko at saktong naroon din noon si Keiron.(Flashback)"I get it, thank you for your patience and time, Ms. Jane," pasalamat ni Keiron sa akin pagkatapos kong e explain sa kaniya ang isang proposal ng kompanya namin."No problem, Sir Keiron anything for you," nakangiting sagot ko."Uhm... Sir Keiron, are you busy this afternoon?" tanong ko."Hi, Jane!"Sabay kaming napatingin ni Keiron noon sa pintuan ng opisina ko dahil sa pambubulabog ni Ate Shiba sa usapan namin."Ops... sorry, J hindi ko alam," paumanhin naman agad."What do you want, Ate?" tamad kong tanong noon sa kapatid.Bago pa man ako sagutin noon ni Ate ay umeksena na si Keiron dahil nagpakilala kay Ate at si Ate naman kahit na medyo nagulat ito ay tinanggap pa rin ng maayos ang pagpapakilala ni Keiron sa kaniya. I really hate that scenario way back dahil naagaw agad ni Ate Shiba ang atensyon ni Keiron nang walang kahirap-hirap samantalang ako ay kailangan ko pang magtanong kung kailan may free time ang binata para lang makausap ko ito.And that scene ruin my entire day dahil nakalimutan na ako ni Keiron and that was bulls**t!(End of flashback)Since then nagkamabutihan na silang dalawa hanggang sa ito nga ikakasal na sila at ako ang gagawa ng paraan para hindi 'yon matuloy. Hindi pwedeng si Ate Shiba na lang palagi paano naman ako? Kung sa ibang mga bagay ay mapagbibigyan ko siya pero sa lalaking mahal ko ay hindi kaya gagawin ko ang lahat mapasaakin lang si Keiron at wala na akong pakialam kung masira man ang pagiging magkapatid namin ni Ate Shiba.Oras na para ako naman ang magwagi."It's fine, Mommy baka naman busy pa talaga si Jane sa company." Sabay kaming napalingon kay Ate Shiba na kakarating lang."Hi, Anak how's your wedding preparation?" tanong ni Mommy sa kaniya ng magbeso sa kaniya si Ate.Akmang sa akin na ito magbebeso ay agad na akong tumayo mula sa kinauupuan ko upang hindi magdikit ang mga balat namin sa pisngi. Simula kasi noong naging sila na ni Keiron ay kinalimutan ko ng kapatid ko siya."Jane, saan ka pupunta?" tanong ni Mommy sa akin ng makatayo ako mula sa kinauupuan ko."Kukuha lang po ako ng kape, Mom.""Let the helpers do it for you."Napairap naman agad ako sa aking isipan dahil gusto talaga ni Mommy na magkasama kaming tatlo sa hapag-kainan."Oo nga naman, Jane," pagsang-ayon naman ni Ate Shiba."I'm full already kaya ikaw naman ang kumain diyan may tatapusin pa kasi akong reports for the company," sagot ko."Pero, Jane minsan lang dito ang Ate Shiba mo—""She can come back anytime, dahil bahay niya pa rin naman 'to sadyang marami lang akong tatapusin para sa PDC."Pero ang totoo niyan ay magpapahinga lang talaga ako sa silid ko dahil tapos ko na lahat ng trabaho ko sa PDC, It's just I don't like to be with my sister."It's fine, Ma sige na, Jane tapusin mo na ang reports mo for PDC."With that ay iniwan ko na silang dalawa ni Mommy sa dining area at pumanhik na ako sa taas. Pagpasok ko sa sa aking silid ay humiga agad ako sa aking kama at muling natulog saka na lang ulit ako bababa kapag umalis na ang kapatid ko.Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ng marinig kong may kumakatok sa pintuan ko at kasabay niyon ay ang pagtawag ni Mommy sa pangalan ko."Jane, nandito si Keiron halika muna rito sa baba," ani ni Mommy.Agad namang akong bumangon mula sa kama saglit na inayos ang aking sarilli dahil narito pala si Keiron at alam kong susunduin niya si Ate Shiba pero hindi pwedeng hindi ko siya makita ngayong araw."Susunod po ako saglit lang," turan ko kay Mommy habang pinupusod ang buhok ko."Bilisan mo, Jane at aalis na rin sila maya-maya.""Opo!"Agad-agad? Siguro ay kanina pa dumating si Keiron.Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na agad ko ng aking kwarto at bumaba. Nadatnan ko silang nag-uusap sa living room at pati pala si Eloy ay nandito rin pero parang may sarilli itong mundo 'yong tipong nakakairita."Hi, Keiron!" nakangiting bati ko kay Keiron na ikinabaling naman agad ng lahat sa akin maliban lang kay Eloy dahil nakaharap na ito sa akin."Hi rin sa'yo, Eloy," bati ko rin sa kaniya baka kasi isipin niyang bastos ako."Hello, Jane," turan naman niya."Come, Jane sit beside me may sasabihin kasi sa'yo si Keiron," ani naman ni Ate.Agad naman akong tumalima at nang hindi ko nakita si Mommy sa paligid ay tinanong ko muna si Ate Shiba kung nasaan ito."She's preparing some snacks at the kitchen, Jane," turan ni Ate Shiba."How are you, Jane?" tanong ni Keiron sa akin habang nakapaskil sa kaniyang mga labi ang pamatay niyang ngiti."Doing great, Keiron, so ano pala yong sasabihin mo?""Next week is my birthday, kaya gusto ko dumalo ka." Perfect!Mukhang nakikiayon sa akin ang tadhana dahil magagawa ko ng tama ang plano ko."Sure no problem," Kaagad kong sagot."Great! So, see you sa bahay next week and please you two don't be late," wika ni Keiron na may kasama pang pakiusap."I'm one hundred percent sure na hindi ako ma le-late, Keiron iwan ko lang diyan sa fiancee mo," natatawang turan ko, sa ngayon ay wala akong ibang choice kundi ang makipagplastikan sa kapatid ko para maging mabait sa harapan ng lalaking mahal ko."Hindi ka pa ba nasasanay, babe?" maarteng tanong ni Ate kay Keiron.Pigil na pigil ako ngayong umirap dahil ayaw ko namang maging atrabida sa harapan ng lahat lalo na't pumasok na si Mommy na may dala-dalang tray na may lamang mga pagkain at inumin."Asahan mo ang dalawa sa kaarawan mo, Keiron," ani Mommy."Ikaw din po, Tita if you may time po kayo you can drop by kung gusto niyo lang naman po."Aware naman kasi si Keiron na masyado ring aligaga si Mommy sa sarilli nitong spa business."I will, hijo kapag may oras ako," nakangiting turan ni Mommy.Pagkuwa'y pinagsaluhan na namin ang meryendang nakahain sa center table at kaming apat na lang ulit ang naiwan dito sa living room dahil nagpaalam sa amin si Mommy na may asikasuhin pa siya sa garden namin.Kung hindi talaga bastos mag walk out sa harapan nina Ate Shiba at Keiron ay kanina pa ako wala rito sa living room. Ang sakit kasi sa mata ng eksenang nakikita ko ngayon sobrang sweet nila sa isa't-isa at panay pa ang subuan nilang dalawa, kahit na hindi pa naman sila mga baldado.Ang corny nila!Pilit kong kinakalma ang sarilli kong huwag makagawa ng ikakasira nang hapon naming apat. Hindi pa ito ang tamang oras para magkagulo ang sitwasyon, everything will fall into its place kaya tamang bait-baitan lang muna ako ngayon. Or should I say tamang plastikan lang muna kami ng aking nakakatandang kapatid.Ilang oras pa ang nagdaan bago tuluyang magpaalam sina Keiron at Eloy sa amin."Jane, don't forget my birthday, okay?" paalala pa sa akin ni Keiron."Expect me on your day, Keiron," nakangiting sagot ko naman agad."Promise 'yan ha?" paniniyak pa niya."I'll make sure na hindi mo makakalimutan ang mangyayari sa mismong kaarawan mo, Keiron," demonyita kong usal sa aking isipan, ngunit nanatili pa ring nakapaskil sa aking mga labi ang mapagkunwari at puno ng kaplastikan kong ngiti kay Keiron."Oo nga," kunwari'y natatawang tugon ko."I'm just making sure,""Don't worry, Babe mahalaga ka kay Jane so she won't miss your day," sabad naman ni Ate Shiba sa usapan namin.Of course I won't miss it for the world, kaya ihanda na lang nila ang pasabog ng isang babaeng matagal ng may nililihim."Are you for real, Jane?!" gilalas ng best friend kong bakla na si Fred.Nandito kami ngayon sa PDC, dahil balik trabaho na ulit ako at dinalaw ako ngayon ni Fred kaya kweninto ko sa kaniya ang kahindik-hindik kong plano sa mismong kaarawan ng minamahal kong si Keiron."Hindi pwedeng si Ate na lang palagi ang magwawagi, Fred, paano naman ako?" mataray kong wika."But, Ate Shiba is your loving sister, Jane so stop that evil plan of yours."Awtomatikong umasim ang mukha ko dahil sa sinabi nitong 'loving sister' so disgusting. Yuck! "F**king s**t!" malutong na mura ko."Cut that word 'loving sister', Fred! Because Ate and I will never be in good terms," malditang wika ko."Maldita!" umiirap niyang sabi."Yes I am," umiirap ko ring sagot."Gosh! Ako ang kinikilabutan sa gagawin mo, Jane," nakukunsuming ani pa niya."Kaloka ka!"The hell I care!Buo na ang desisyon ko at kahit ano pa siguro ang sasabihin ni Fred ay magiging basura na lamang ito."Ma'am Jane, nandito po sa labas ng office
"Finally, Jane nakapili ka na rin ng susuotin mong damit sa araw ng kasal ko," parang bata na wika ni Ate Shiba.Day off ko ngayon kaya nandito lang ako sa bahay para magpahinga pero dahil narito si Ate Shiba ay tiyak hindi na ako magkakapagpahinga nito. Maybe the bridal shop called her yesterday that I already picked my attire para sa nalalapit pero nanganganib niyang paparating na kasal. "Kung hindi ko pa sinama kahapon si Keiron sa office mo hanggang ngayon siguro ay hindi ka pa rin nakakapili ng susuotin mo," tunog tampo niyang wika.For pete's sake it's just a f***ing attire, pero ang OA, ng acting niya. C'mon!"Akala mo ba hindi ko nahahalata, Jane?" seryosong wika niya na nagpaalarma sa akin, baka kasi maburilyaso pa ang plano ko sa araw ng birthday ni Keiron.Mula sa pagbabasa ng libro ay mabilis ko itong tiniklop upang bigyang pansin ang kapatid ko."Na ano, Ate?" kunot-noo kong tanong at abot langit ang hiling ko ngayon na sana wala siyang malaman tungkol sa plano ko."Na m
Kasalukuyan akong tutok sa aking computer ng biglang tumunog ang phone ko na nasa ibabaw lang din naman ng desk ko. Agad ko iyong kinuha at nakita kong number ni Mommy ang nakarehistro kaya agad ko itong sinagot."Hello, Mommy!" bungad ko sa ina sa kabilang linya."Jane, nakapaglunch ka na ba?" tanong ni Mommy at bakas sa boses niya ang lambing."Not yet, Mom," turan ko naman agad."Sakto kakain kami ngayon ng Ate Shiba mo sa mall at bibili rin siya ng regalo para kay Keiron. Dadaanan ka namin diyan, anak para sabay-sabay tayong tatlo mag lunch," lahad ni Mommy."Mom is right, Jane para naman makapagbonding tayong tatlo ulit," dinig kong dagdag ni Ate Shiba mula sa kabilang linya."Sige, Mom hintayin ko na lang kayo sa labas." Pagkatapos kong tumugon sa ina at magpaalam ay pinatay ko na rin ang linya saka binaba ko na rin ang phone ko.Pumayag ako hindi dahil gusto ko silang makabonding just like Ate Shiba said but, because I wanna get some details about Keiron's birthday. I need it
"But you have to bring my gift for him," dugtong ni Mommy sa una niyang sinabi, at isang magaang tango ang tinugon ko sa aking ina.Maya-maya pa ay bumalik na rin si Eloy aming hapag."Sorry for keep you waiting, ladies," paumanhin ni Eloy sa amin."It's fine, Eloy," sagot ni Mommy sa kaniya at muli na rin itong bumalik sa upuan na nakalaan para sa kanya."So, alam mo na ba, Ms. Jane," tanong agad nito sa akin."Yeah," tipid kong sagot.Maya-maya pa ay may inihain ng pagkain sa aming mesa, it's all delicious but I lose my appetite already so, I excuse myself to get some rest."You're not joining us, Jane?" tanong ni Ate ng makatayo na ako mula sa upuan."I'm still full, Ate kakainom ko lang din naman kasi ng kape," pagkukunwari ko."Jane, even just a little nakakahiya naman kay Eloy," wika naman ni Mommy."I hope you don't mind, Eloy," baling ko kay Eloy."Of course, Ms. Jane." Mabuti na lang at madaling kausap lang si Eloy kung kaya't pumanhik na ako sa taas at nagtungo sa aking kwa