"But you have to bring my gift for him," dugtong ni Mommy sa una niyang sinabi, at isang magaang tango ang tinugon ko sa aking ina.
Maya-maya pa ay bumalik na rin si Eloy aming hapag."Sorry for keep you waiting, ladies," paumanhin ni Eloy sa amin."It's fine, Eloy," sagot ni Mommy sa kaniya at muli na rin itong bumalik sa upuan na nakalaan para sa kanya."So, alam mo na ba, Ms. Jane," tanong agad nito sa akin."Yeah," tipid kong sagot.Maya-maya pa ay may inihain ng pagkain sa aming mesa, it's all delicious but I lose my appetite already so, I excuse myself to get some rest."You're not joining us, Jane?" tanong ni Ate ng makatayo na ako mula sa upuan."I'm still full, Ate kakainom ko lang din naman kasi ng kape," pagkukunwari ko."Jane, even just a little nakakahiya naman kay Eloy," wika naman ni Mommy."I hope you don't mind, Eloy," baling ko kay Eloy."Of course, Ms. Jane."Mabuti na lang at madaling kausap lang si Eloy kung kaya't pumanhik na ako sa taas at nagtungo sa aking kwarto."Ahhh!" sigaw ko ng makapasok na ako.No one can hear me outside, dahil sound proof itong kwarto ko kaya kahit magmura ako rito buong gabi ay wala talagang makakarinig sa akin. At 'yon nga ang ginawa ko, cussed here, cussed there sino ba naman kasi ang hindi kung kailang plantsado na lahat ay saka pa talaga nagbago ang isip ni Keiron.T*****a lang 'di ba!Pilit kong kinalma ang sarilli ko upang makagawa ulit ako ng pinabagong plano para tuluyang mapasaakin si Keiron.I need to be observant tomorrow para matunton ko ang hotel room ni Keiron natitiyak ko naman kasing hindi sila magkasama ni Ate Shiba sa iisang silid dahil iyon ang kabilin-bilinan ni Mommy sa kapatid na sigurado naman akong susundin ni Ate Shiba.Dahil akupado ang utak ko planong gagawin ko para bukas ay hindi na ako nag-abala pang lumabas ng aking silid. Mabuti na lang din at hindi na ako kinulit ni Mommy o, 'di kaya ni Ate Shiba kung kaya't maaga pa akong nakapagpahinga.KINABUKASAN, tulad nga ng sinabi ni Ate Shiba ay inagahan ko pa ang pagpunta sa Juliet's garden. Dahil mamayang alas sais pa naman magsisimula ang party ni Keiron ay tanging ang mga Bornea at si Ate pa lang ang narito sa lugar.Nang makita nila ako ay mainit naman nila akong tinanggap at nakipagkwentuhan pa sa akin ang mga magulang ni Keiron. Napapaisip tuloy ako kung ganito rin ba sila ka close sa kapatid ko pakiramdam ko kasi ngayon ay parang ako magiging bride-to-be ni Keiron. Well, that's my wish!At mas ginanahan lamang ako sa gagawin kong plano mamaya sapagkat panatag ang loob kong hindi magagalit ang mga magulang ni Kieron kung sakali mang bumigay mamaya ang anak nila sa pang-aakit na gagawin ko. Naging magaan ang buong hapon dahil mababait lang naman ang parents ni Keiron maliban siyempre sa kapatid niyang si Eloy na tahimik lang.Hanggang sa sumapit na ang gabi upang idaos ang kaarawan ng lalaking pinakamamahal ko.Ang ganda ng set-up ang linis ng paligid at higit sa lahat ay sariwa ang hangin kaya nag e-enjoy lahat ngayon ang mga bisita niya, of course maging ang celebrant at ang kapatid ko. Wala akong sinayang na oras kanina dahil pagkahatid na pagkahatid sa akin ni Ate Shiba sa hotel room ko ay tinanong ko na rin ang hotel room nila ni Keiron. Magkakalapit lang ang kwarto namin lalo na kina Keiron at Eloy dahil magkatabi lang talaga ito samantalang amin ni Ate Shiba naman ay one room apart pa pero, iisang way lang lahat which good at hindi ganun kalayo ang lalakarin. Mukhang nakikiayon talaga sa akin ang tadhana at bukas na bukas din ay siguraduhin kong magkatabi ba kami ni Keiron sa loob ng kaniyang silid at ako na rin ang papakasalan niya.Everybody was enjoying the party, samantalang ako ay nandito lang sa tabi nakatingin sa mga bisita habang umiinom ng ladies drink and to get drunk 'til I drop is also part of my plan for tonight."Jane hija, are you okay there?" tanong sa akin ng Mama ni Keiron ng mapadaan siya sa table namin."Yes, Tita don't worry po dahil nakaupo lang ako rito I'm enjoying the party," kaagad na sagot ko naman sa ginang."That's great, hija o siya balik muna ako sa mga amiga ko ha," paalam na nito sa akin.May iilang kaibigan din kasi siyang inimbitahan sa party ni Keiron at kung hindi ako nagkakamali ay ninang din lahat ng 'yon ni Keiron.Halos dalawang oras na rin ang nagdaan at unti-unti na akong natatamaan ng alak medyo nahihilo na kasi ako pero makakausap pa naman ako ng maayos sa katunayan ay nabobosesan ko pa nga ang bruha kong best friend na si Fred. Inimbitahan din pala siya ni Shiba at Keiron kaya narito siya ngayon."Uy, bruha ka lasing ka na!" bulalas ni Fred ng bigla itong sumulpot sa tabi ko."Not yet, Fred," katwiran ko sa kaniya."Tse! Anong hindi, e pulang-pula na iyang buong mukha mo namumungay na rin ang mga mata mo. Gusto mo ba ihatid na kita sa kwarto mo? Tutal patapos na rin naman ang party ni Keiron.""I'm fine, Fred I can still manage," turan ko naman agad na kinairap niya ng bongga.Magsasalita pa sana ulit siya ng biglang may kumalabit mula sa likod niya dahilan para mawala na lang ito bigla sa tabi ko. Isang bruskong lalaki lang naman kasi ay kumalabit sa kaniya kaya ayon mas mabilis pa sa alas cuatro mawala sa tabi ko si Fred. Loka!Maya-maya pa ay umiikot na ang paningin ko at kasabay niyon ay ang pagsilalisan na rin ng mga tao sa birthday celebration ni Keiron.Kahit na inaantok na ang mga mata ko ay malinaw pa rin naman ang aking paningin lalo na't hindi ako pwedeng malingat ngayon dahil ito na at ito na ang pinakahinihintay kong pagkakataon."Babe, hatid na muna kita sa room mo ha?"Nang marinig ko ang boses ni Keiron ay agad ko siyang hinanap agad ko naman silang nakita ni Ate Shiba na naglalakad patungo sa kinaroroonan ng kwarto ni Ate Shiba kaya agad ko silang sinundan kahit na unti-unti ng umiikot ang paningin ko. Nakailang shots na rin kasi ako kaya heto umiikot na ang paningin ko ngunit hindi ko pa rin hinayaaang mawala sila sa paningin ko.Ngunit kung kailan ilang hakbang na lang ang tatahakin ko papalapit kay Keiron ay saka pa ako tuluyang nawalan ng balanse sa paglalakad kasunod niyon ay ang pagdilim ng paningin ko at pagbagsak ko sa matigas na bagay. Lasing man ay natitiyak kong hindi ako sa lupa bumagsak kundi sa isang mala-bakal na katawan naramdaman ko rin ang pag-angat ng aking katawan sa ere.At wala ng ibang sasalo sa akin kundi si Keiron lang dahil siya lang naman ang taong sinundan ko. Sa kabila ng kalasingan ko ay nagawa ko pa ring ngumiti dahil tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan upang mapadali ang plano ko.Masasabi kong ako ngayon ang nagwagi dahil hindi ko hahayaang walang may mangyari sa aming ngayong gabi ni Keiron. Kaya sorry na lang muna si Mommy I'll just explain everything to her later for now tatapusin ko muna ng maayos ang plano ko.Jane's POV"Jane, nakapili ka na ba ng susuotin mong gown for your Ate Shiba's big day?" tanong ni Mommy sa akin habang kumakain kami ng almusal sa dining area ng aming mansion."Hindi pa ho, marami pa po kasi akong inasikaso sa trabaho ko," tugon ko, sabay higop ng kape ko."Anak, isang buwan na lang at ikakasal na ang Ate Shiba mo kaya pumili ka na ng susuotin mo sa kasal niya."Napairap na lamang ako sa concern ni Mommy para sa susuotin ko sa kasal ng kapatid na ikakasal sa lalaking gustong-gusto ko or should I say, sa lalaking mahal ko. "Mommy, marami pa pong time at maintindihan po 'yan ni Ate," giit ko kay Mommy."Pero nakakahiya kay Keiron, Jane," giit din niya.Keiron is the name of my sister's fiancee at si Keiron din ang lalaking tanging iniibig ng puso ko sa loob ng mahabang panahon. But unfortunately I'm not his type at kapatid lang talaga ang turing niya sa akin dahil si Ate Shiba ang nakakuha ng atensyon niya. And I envy my elder sister because of that, noon pa man ay h
"Are you for real, Jane?!" gilalas ng best friend kong bakla na si Fred.Nandito kami ngayon sa PDC, dahil balik trabaho na ulit ako at dinalaw ako ngayon ni Fred kaya kweninto ko sa kaniya ang kahindik-hindik kong plano sa mismong kaarawan ng minamahal kong si Keiron."Hindi pwedeng si Ate na lang palagi ang magwawagi, Fred, paano naman ako?" mataray kong wika."But, Ate Shiba is your loving sister, Jane so stop that evil plan of yours."Awtomatikong umasim ang mukha ko dahil sa sinabi nitong 'loving sister' so disgusting. Yuck! "F**king s**t!" malutong na mura ko."Cut that word 'loving sister', Fred! Because Ate and I will never be in good terms," malditang wika ko."Maldita!" umiirap niyang sabi."Yes I am," umiirap ko ring sagot."Gosh! Ako ang kinikilabutan sa gagawin mo, Jane," nakukunsuming ani pa niya."Kaloka ka!"The hell I care!Buo na ang desisyon ko at kahit ano pa siguro ang sasabihin ni Fred ay magiging basura na lamang ito."Ma'am Jane, nandito po sa labas ng office
"Finally, Jane nakapili ka na rin ng susuotin mong damit sa araw ng kasal ko," parang bata na wika ni Ate Shiba.Day off ko ngayon kaya nandito lang ako sa bahay para magpahinga pero dahil narito si Ate Shiba ay tiyak hindi na ako magkakapagpahinga nito. Maybe the bridal shop called her yesterday that I already picked my attire para sa nalalapit pero nanganganib niyang paparating na kasal. "Kung hindi ko pa sinama kahapon si Keiron sa office mo hanggang ngayon siguro ay hindi ka pa rin nakakapili ng susuotin mo," tunog tampo niyang wika.For pete's sake it's just a f***ing attire, pero ang OA, ng acting niya. C'mon!"Akala mo ba hindi ko nahahalata, Jane?" seryosong wika niya na nagpaalarma sa akin, baka kasi maburilyaso pa ang plano ko sa araw ng birthday ni Keiron.Mula sa pagbabasa ng libro ay mabilis ko itong tiniklop upang bigyang pansin ang kapatid ko."Na ano, Ate?" kunot-noo kong tanong at abot langit ang hiling ko ngayon na sana wala siyang malaman tungkol sa plano ko."Na m
Kasalukuyan akong tutok sa aking computer ng biglang tumunog ang phone ko na nasa ibabaw lang din naman ng desk ko. Agad ko iyong kinuha at nakita kong number ni Mommy ang nakarehistro kaya agad ko itong sinagot."Hello, Mommy!" bungad ko sa ina sa kabilang linya."Jane, nakapaglunch ka na ba?" tanong ni Mommy at bakas sa boses niya ang lambing."Not yet, Mom," turan ko naman agad."Sakto kakain kami ngayon ng Ate Shiba mo sa mall at bibili rin siya ng regalo para kay Keiron. Dadaanan ka namin diyan, anak para sabay-sabay tayong tatlo mag lunch," lahad ni Mommy."Mom is right, Jane para naman makapagbonding tayong tatlo ulit," dinig kong dagdag ni Ate Shiba mula sa kabilang linya."Sige, Mom hintayin ko na lang kayo sa labas." Pagkatapos kong tumugon sa ina at magpaalam ay pinatay ko na rin ang linya saka binaba ko na rin ang phone ko.Pumayag ako hindi dahil gusto ko silang makabonding just like Ate Shiba said but, because I wanna get some details about Keiron's birthday. I need it