Blanca
Napabalikwas ako ng bangon matapos akong dalawin muli ng panaginip na iyon. Tagaktak ang pawis ko kahit pa malamig ang buga ng aircon dito sa aking silid. Habang hinahabol ko ang aking hininga ay napapikit ako ng mariin at kinuyom ang aking mga palad. Pilit kong kinalma ang aking sarili. Sa tuwing dadalawin ako ng panaginip na iyon ay bumibigat ang pakiramdam ko at nawawala ako sa wisyo kaya kailangan kong mapakalma ang aking sarili dahil hindi ko gusto ang magiging epekto nito sa akin.Napasulyap ako sa orasang nasa gilid ng aking kama. Alas-singko na ng madaling araw at kahit kapos pa ako sa tulog dahil sa kakatapos lang na misyon ko sa Singapore ay nagpasya na akong bumangon. Kailangan kong maligo para maibsan ang galit na unti-unting bumabalot sa pagakatao ko matapos ang panaginip na iyon.Pagkatapos kong maligo ay dumeretso na ako sa ibaba. Naamoy ko na ang aroma ng kape na nakasalang sa kalan na siyang paborito naming lahat sa bahay. Sumilip ako sa kusina at nakita ko doon si Mama Sandra, ang taong pinagkakautangan ko ng loob. Ang taong nagligtas sa akin sa bingit ng kamatayan.“You’re early.” Anito na tila naramdaman ang presensya ko sa kanyang likuran. Hanggang ngayon ay hindi ko parin malaman kung paano iyon nagagawa ng ina-inahan ko.“Malamang nanaginip ka nanaman.” Sabi ni Manang Flor, ang kasambahay namin sa bahay. Siya ang nag-alaga sa akin at sa tatlo ko pang kasama na lumaki sa poder ni Mama.“Sana’y natulog ka pa, ilang oras ka palang nakatulog buhat ng dumating ka?” dagdag pa nito.“Hindi na din ako makakatulog, alam naman po ninyo ‘yan manang.”sagot ko habang kumukuha ako ng tasa para sa aking kape.Nakaupo na ako at umiinom na ng kape ng may inilapag na isang clear folder si Mama sa mesa. Nagtaka ako dahil karaniwan kapag ganitong galing kami sa misyon ay hinahayaan muna niya kaming magpahinga bago isabak sa bagong lakad.“Your next mission, Blanca.” Sabi nito sabay turo sa folder.“Sandra?” May pagtutol naman sa tinig ni Manang Flor pero hindi naman nakinig si Mama.“You’ve waited long enough for this, Blanca.” Nakataas ang kilay na sabi niya sa akin. “Nandyan sa folder na ‘yan ang taong magiging tulay mo para makalapit ka sa taong matagal mo ng hinahanap.”Agad kong binuksan ang folder dahil may ideya na ako kung ano ang ibig sabihin ni Mama Sandra. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba at tuwa dahil sa wakas dumating na ang oras na pinakahihintay ko.Bumungad sa akin ang larawan ng isang lalaki na sa tantya ko ay nasa mid 30’s. Clean cut ang itim na buhok nito. Bumagay ang makapal at pormadong kilay nito sa kanyang mga mata na tila ba malalim kung tumingin. Matangos ang ilong at mapula ang kanyang mga labi na tila hindi man lang ngumiti sa larawang ito.“What the..?” binitin ko ang dapat sana’y sasabihin ko nang narealize ko na pinupuri ko na ata ang lalaking ito.“Marcus Ace Thompson.” pagpukaw ni Mama sa nakalutang kong utak.“Thompson?!” tanong ko at tumango lang si Mama sabay higop ng kape niya.“As I’ve said, siya ang gagamitin mo para malaman mo kung nasaan ang ama niya. Masyadong mailap ang matandang Thompson at wala man lang makalapit sa kanya sa mga tao ko kaya hindi natin siya mahanap.” mahabang paliwanag ni Mama.Nanatiling nakapagkit ang mga mata ko sa larawan. Hindi ko alam, pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mata ng lalaking ito para matagal ko siyang titigan.“Napasundan ko na ‘yan sa tatlong kasamahan mo at may plano na sila kung paano kayo makakalapit sa kanya.” dagdag pa ni Mama“Salamat Mama.” sagot ko sa kanya.“Consider that as my parting gift iha.”anito na may ngiti sa mga labi. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.“Kung matapos mo man ang misyon o hindi, papalayain na kita. You can do whatever you want with your life.” she smiled kaya hindi ko mapigilang maluha.Lahat kami na kabilang sa organisasyon ay gusto din maranasan na maging malaya at magawa ang aming gusto. May mga pangarap din kami na ninanais na matupad at magagawa lang namin iyon kapag pinakawalan na kami ng grupo.“Blanca!!!!!” Kilala ko na kung kanino ang matinis na boses na iyon. “ We miss you sissy!” dagdag pa niya sabay yakap sa likuran ko.“Ang ingay mo, KC!” natatawang sabi ni Mama sabay iling.“Sorry na Mama, namiss ko lang po si Blanca.Tagal naming di nagkita.” sagot ni KC na hindi maalis ang yakap sa akin. Sa aming apat kami talaga ang close nito.“O siya maupo na kayo at maghahain na ako para masimulan niyo na ang trabaho niyo.” utos ni Manang Flor sa mga bagong dating na kasamahan ko na KC, Ava, at Trish Sa mga kasapi ng organisasyon, kilala kami bilang Amor Quatro. Kami ang pambato ni Mama Sandra sa mga misyon na dumaan sa ilang taong mahirap na pagsasanay. May kanya-kanya kaming abilidad at trabaho sa grupo. May kanya-kanya ding kwento ang buhay naming apat at iisa lang ang tumulong sa amin, si Mama Sandra.Gabi na ng lisanin namin ang bahay ni Mama. Sa isang condo unit sa Makati kami tutuloy para mas maging malapit kami sa target dahil nandito sa Antipolo ang tinutuluyan naming bahay.“Let the games begin!” ani Ava na kasalukuyang nagtitipa ngayon sa kanyang laptop. Sa aming apat siya ang bihasa sa usapang teknikal. Magaling siyang mang hack ng mga system kung kinakailangan at siya ang nagsisilbing mata namin sa bawat misyon.“Tara na Blanca,” sabi naman ni KC na inaayos ang suot niyang damit sa harap ng salamin. “Na-track na ni Ava si lover boy!”“Excited ka?” tanong ko dito matapos kong itali ang aking buhok into a high ponytail. Nakasuot ako ngayon ng black, leather, mini dress na litaw ang likod. Tinernuhan ko ito ng high boots na mas nakakadagdag sa kaseksihan ko.Ngumisi lang si KC saka ako hinila palabas ng unit. Siya din ang nagdrive ng pulang Vios na pinagamit sa amin ni Mama. We also readied our earpiece na nkatago sa mga hikaw namin just in case kailanganin.Maingay na ang club nang makapasok kami dito. Palibhasa Sabado ngayon kaya maraming tao ang gustong magsaya at mag enjoy sa ganitong lugar.“Target spotted!” sabi ko habang nakatingala ako sa itaas na bahagi ng club. Nandito nga ngayong gabi si Marcus Ace Thompson! Nakahawak siya sa railing habang pinapanuod ang mga taong pumapasok sa club.“Nanghu-hunting na ang loko!” komento ni Trish “Napaka babaero talaga!”“For sure may isang babae nanaman ang luluha ng dahil sa kanya!” dagdag ni Ava.“I think nakita na niya ako.” pasimpleng ani ko at saka ako lumakad na animo’y reyna sa gitna ng mga tao. I can see from my peripheral vision na ilang kalalakihan ang nakasunod ang tingin sa grupo namin. But I paid attention more on Marcus na hindi maalis ang tingin sa akin.I smiled. Ito ang kamandag ng Amor Quatro. Walang sinoman sa lahi ni Adan ang makakatanggi sa amin. Babae ang kahinaan nila kaya yun ang ginagamit namin para matapos ang aming misyon.Nakita ko ang bakanteng table sa tabi ng mesa nila Marcus kaya dun ako papunta. Nanatili naman siyang nakatayo na para bang hinihintay niya ang paglapit ko.He smiled, isang tipikal na galaw ng babaerong hudyo, ngunit nilagpasan ko lamang siya na para bang hangin lang siya.“Great girl!” nadinig kong sabi ni Ava sa earpiece ko.“Nakuha mo na ang atensyon niya!” segunda naman ni TrishTumawag agad ng waiter si KC once we settled ourselves on the couch.This is sure to be one hell of a night.BlancaPanay ang tawa ng tatlong kasama ko habang umiinom kami. Nakita daw kasi nila ang reaksyon ni Marcus nang lagpasan ko ito kanina at hindi pansinin. Pati daw ang mga kasama nito sa lamesa ay nagtawanan sa nasaksihan.“First time sigurong maranasan ni lover boy ang deadmahin kaya ayun, parang lumipad sandali ang kaluluwa niya at natulala!” natatawang kwento ni KC“I told you, effective ang plano ko diba?” proud na sabi ni Trina. “Babaerong tao ‘yan. Lahat ng gusto nakukuha niya. Walang sineseryoso at ang babae, basahan lang sa kanya. Kapag may babaeng hindi yan pinansin, asahan mo magwawala ang ego niyan!” “So tuloy na tuloy na ba tayo sa plan A?” tanong ni Ava kaya tumango ako.“We will go as planned. Paibigin at paikutin si Marcus para makakuha ako ng impormasyon kung nasaan ang hayop niyang ama!” tumungga ako ng alak at ninamnam ang pagguhit nito sa lalamunan ko. Nang mag-angat ako ng ulo ay nagtama ang paningin namin ni Marcus. Ngumiti siya pero tinaasan ko lamang siya ng
Marcus I slammed my door out of frustration that night the moment I entered my penthouse. Sobra akong nagagalit dahil pakiramdam ko ay pinahiya ako sa harap ng mga kaibigan ko ng babaeng ‘yon. Like what the hell! In my 32 years of existence in this earth ay may isang babae pala akong matatagpuan na hindi man lang ako pinansin! Lahat ng babae ay halos itapon ang sarili sa paanan ko makasama lang ako pero ang babaeng ito, kakaiba siya! Ni hindi man lang ata naakit sa akin at baliktad pa ata ang nangyari dahil ako ang naakit sa kanya.Pakiramdam ko tuloy ay may lahing mangkukulam ang babaeng iyon. Ano ba ang ginawa niya sa akin at buhat kanina ay hindi ko na makalimutan ang mukha niya. Para akong lalagnatin isipin ko palang ang mukha niya habang nagsasayaw kanina sa club. Kakaibang init ang nararamdaman ko sa tuwing maiisip ko ang pagtataray niya at ang pagtaas ng kilay niya na para bang gusto ko siyang parusahan sa kama.Makapagtaray pa kaya siya habang binabayo ko na siya sa kama? H
BlancaIsang linggo na din ang lumipas buhat ng unang pagkikita namin ni Marcus sa club kaya naman inip na inip na ako para sa susunod naming hakbang. Hinayaan ko muna ang tatlo na muling bumalik sa club gaya ng plano namin at mukhang effective naman dahil panay daw ang hanap at tanong ni Marcus sa akin. Pilit pa daw niyang inaalam ang number ko pero siyempre hindi naman yun binigay ng tatlo.“Ready na ang mga tao natin.” saad ni Ava kaya naman napangiti ako dahil sa wakas sisimulan na namin ang susunod na plano.“Ready ka na ba, Blanca?” tanong ni Ava sakin habang patuloy sa pagtipa ng laptop niya.“More than ready!” sagot ko sakanya sabay tanong"Nakuha na ba nila?” "Yup sis! Papunta na sila sa dito” sagot niya uli.Nakaramdam ako ng excitement dahil tagumpay ang mga tauhan namin na dukutin ang bunsong kapatid ni Marcus na si Shayne Marie Thompson. Isa siyang sikat na modelo dito sa Pilipinas at nagsisimula na din siyang makilala sa ibang bansa.Pinadukot siya ni Trish dahil kaila
Blanca“It’s time!” nadinig ko ang salitang iyon mula sa earpiece ko. ‘Yun na ang hinihintay kong signal galing kay Ava kaya naman nilapitan ko na si Shayne para gisingin ito dahil magsisimula na ang aming munting palabas.“Shayne! Shayne!” tawag ko sa kanya habang niyuyugyog ang balikat niya“Gumising ka na! Kailangan na nating tumakas dito!.” Bigla namang napabangon si Shayne. Nakakunot pa ang noo niya na tila hindi ako naintindihan.“Sigurado ka ba Blanca?” tanong niya na kakikitaan ng takot sa kanyang mga mata “Natatakot ako Blanca, baka mahuli tayo.” “Ngayon na ang pagkakataon natin Shayne. Nakalimutan nilang i-lock yung pinto kaya makakalabas na tayo. Tulog na tulog na din sila, sobrang lasing na kaya tara na!”sabi ko sabay hila sa kanyang kamayDahan-dahan kaming lumabas ng kwarto. Ingat na ingat ang bawat hakbang namin para maiwasang makagawa ng ingay. Magkahawak-kamay naming nilagpasan ang mga bantay na hindi ko alam kung totoong tulog na o nagpapanggap lang. Gusto ko
BlancaDalawang araw pa akong nanatili sa ospital at kahit inip na inip na ako ay wala naman akong magawa dahil kailangan ko daw tapusin ang mga gamot ko.Palagi namang dumadalaw si Shayne sa akin kaya ang tatlong bruha ay tuwang-tuwa dahil palagi silang kasahog sa mga pagkaing dinadala dito ng dalaga. Ang ending, busog sila araw-araw.“Nakakatuwa kayo ano?” sabi ni Shayne habang inaayos ang prutas na dala niya sa lamesa. “Hindi talaga kayo nag-iiwanan.”“Aba oo naman Shayne,” sagot ni KC habang nilalantakan ang dala ni Shayne na doughnut. “Alam mo kasi sabay-sabay kaming lumaki, kaya eto, hindi kami mapaghiwalay.”“Oo nga eh. Nakakainggit lang. Puwede din ba akong maki-join sa inyo?” tanong ni Shayne kaya naman biglang napaubo si Trish habang umiinom ng kape. Naibuga niya pa ito kay Ava na as usual nasa laptop nanaman ang atensyon.“Trish naman!” hiyaw nito sabay punas ng mukha niya na nabugahan ng kape.“Ang dugyot lang talaga!” Nag peace sign lang si Trish dito saka nginisihan si
BlancaAfter a week of medication ay magaling na ang sugat ko sa balikat. Nakapag pahinga ako ng maayos dahill wala madalas ang tatlong kaibigan ko na hindi ko malaman kung ano ang pinagkakaabalahan. Si Shayne naman ay tumatawag paminsan minsan dahil sa busy na din ito sa trabaho.Ngayong gabi nga ay paalis ako dahil pinagbigyan ko ang pangungulit ni Marcus na lumabas kami at mag-date. I just wore a simple black mini dress na tinernuhan ko ng pulang stilletos. Sleeveless ito at sakto lang ang v- cut nito sa dibdib dahil ayaw ko naman na masyadong revealing ang isusuot ko sa gabing ito. Eversince the tragedy ay nahilig na ako sa kulay itim. Maybe because I have a dark past at ito din marahil ang dahilan kung bakit Blanca ang tinawag sa akin ni Mama Sandra.Lahat kami sa organisasyon ay gumagamit ng fake identities. Ang dahilan? Para kung sakaling magsimula kami ng bagong buhay ay walang anumang bahid na makikita sa tunay naming katauhan.By birth, ako si Ria Celestine Alonzo, pero
BlancaLaunching ng bagong business nila Marcus at ng mga kaibigan niya ngayon kaya naman busy ako at ang tatlo sa pag-aayos dahil syempre invited kami sa event.After ng date namin ni Marcus ay naging busy naman siya sa pag-aasikaso ng bagong negosyo niya kaya hindi pa iyon nasusundan. Although he calls me often and sends me flowers, I have this feeling na nami-miss ko ang presensya siya. But I chose to ignore that. This is a mission. At hindi kailangan ang puso dito.“Tara na girls!” naiinip na yaya ni Ava sa aming tatlo. Siya talaga sa amin ang tipong mabilis kumilos kaya naman naiinip siya sa paghihintay.Sunod-sunod na kaming lumabas ng condo. We look like models sa mga suot namin dahil isang fashion launch ang gaganapin ngayong gabi. Kailangan naming maging elegante at maganda of course. Ayon sa research ni Ava, isang clothing line na sikat sa US ang itatayo nila dito. Pag-aari ito ng pamilya ni Hendrix Saavedra at magtatayo sila ng branch dito sa Pilipinas.Sa Hotel de Paraiso g
Blanca“Cheers!!!” sigaw ni Shayne sabay taas ng shot glass niyang may tequilla. Sumunod naman kami at saka sabay-sabay na tinungga ang laman nun.“Wooohh!!” napahiyaw pa si KC sabay tawa habang sinasalinan ng alak ang mga baso naminNanatili lang akong tahimik pero sumasabay naman ako sa inuman ng apat. I don’t know, I’m not just in the right mood to enjoy the night. And to hell with it hindi ko alam kung bakit? Pakiramdam ko ay sinasakal ako sa tindi ng galit na nararamdaman ko. Para sa matandang Thompson at pati na din kay Marcus.Tinungga ko ulit ang alak at hindi ko na hinintay ang mga kasama ko. Agad akong nagsalin ng panibago sabay tungga ulit. “Hey, dahan-dahan lang!” paalala ni Ava sa akin pero agad kong itinaas ang kamay ko para patigilin siya. Wala akong planong makinig ngayon. Gusto ko lang uminom ng tahimik.Tumungga ulit ako ng isa pa habang inaalala ang mukha ni Simon Thompson. I am already murdering him in my mind dahil naalala ko ang sinapit ng pamilya ko nung gabing
Mitchell Blake ThompsonIt is Dad’s birthday at nandito kami ngayon sa isa sa mga hotel namin for the celebration. I am now handling the business together with my brother Martin since kaming dalawa ang nahilig sa ganitong larangan.Actually, I wanted to be a Scientist when I was young, but growing up I realized that being the first born I have to inherit the business. I have to continue my Dad’s legacy and at the same time take care of the family.“Happy birthday Dad!” bati ko as my Dad entered the hall with my beautiful Mom.Even at their age they still look good together and are still in love with each other.“Hi Mom! You look gorgeous, as always!” I kissed my Mom and hugged her. I miss her, especially her cooking kaya naman twing umuuwi ako ng Mansion ay palagi akong nagbibilin para makapag uwi ako ng pagkain pagbalik ko sa penthouse.We grew up with her cooking and she is the best!“Thank you iho!” sabi naman nila sa akin. We went inside kung saan nandoon ang mga taong mahalaga
RiaMabilis na umikot ang panahon at masasabi ko na ang buhay may asawa at pamilya ay hindi naging madali para sa amin ni Marcus.Marami kaming pagsubok na pinagdaanan pero lahat iyon nakaya namin dahil hindi namin binitawan ang kamay ng isa’t isa.Linggo ngayon at gaya ng nakasanayan namin, araw ito ng pamilya. Mamaya lang iingay na ang paligid sa pagdating ng mga anak namin.Nakaayos na ang mesa sa labas ng pool. Kakatapos lang mag-ihaw ng kasambahay ng barbeque dahil iyon ang request ng panganay kong si Mitchell. He is already 28 years old at siya na ang nagma manage ng TGC pagkatapos ng training niya with his Dad. Gusto na rin daw kasing mag retire ni Marcus at mag enjoy nalang sa buhay kasama ako since malalaki na daw ang mga anak namin.Marcus also trained Martin and at the age of 25 ay katuwang na ito ng kuya Mitchell niya sa kumpanya.Hindi naman linya ni Mason ang business and we just let him be. Kung ano ang gusto ng mga anak namin ay susuporthan namin. He is already working
MarcusI was pacing back and forth sa harap ng operating room kung saan ipinasok si Ria. She is already scheduled for a Caesarian Section this day dahil ayon sa doctor, baka mahirapan daw siya if we would wait for a normal delivery.“For God’s sake, Marcus, sit down! Kanina pa ako nahihilo sayo!” sita naman sa akin ni AvaKasama ko si Nanay Dang ng dalhin ko sa ospital si Ria. On our way tinawagan ko ang mga kaibigan niya at agad naman silang dumating.Nagkataon kasi na nasa labas sila ng mansion at may inasikaso sa site. Hindi ko naman na hinayaang sumama si Mama Sandra dahil na rin sa kundisyon niya.My family grew instantly sa pagdating nila and I really don’t mind at all. The mansion is too big at mas napapanatag ako pag alam kong may nakakasama ang mag-iina ko.Idagdag pa si Tatay Teban, si Nanay Dang at si Arthur, na nagsisimula na ding mag-aral at abutin ang pangarap niya. Tatay Teban worked diligently sa greenhouse and I can say na malaki ang naitulong ng kaalaman niya kaya l
RiaHindi na ako makapaghintay na makita uli ang pamilya ko lalong lalo na ang kambal. Sobrang miss na miss ko na sila. Cleared naman na daw ako sabi ng doctor at pwede na akong bumyahe kaya naman kinausap ng asawa ko si Tatay at Nanay. Napagpasyahan nila na bukas na sumunod sa Maynila dahil aayusin pa nila ang ibang gamit na maiiwan nila. Tinawagan na ni Marcus si Joseph para bigyan ng instructions kung saan susunduin sila Tatay at Nanay.“Mag-iingat kayo ha!” bilin ni Nanay sa amin ng palabas na kami sa kwarto. May helipad naman ang ospital kaya dito na kami susunduin ng chopper“Hihintayin ko kayo Nay, Tay. Darating po bukas si Joseph para sunduin kayo ha!” naisip ko kasi na baka magbago ang isip nila“Darating kami, anak!” pagtitiyak naman sa akin ni TataySabay sabay na kaming sumakay sa chopper. Napahinga ako ng malalim habang hawak ang kamay ni Marcus. Ilang saglit nalang makikita ko na sila.“Are you okay? Hindi ka nahihilo?” may pag-aalala sa tinig ni Marcus pero agad k
RiaNakaupo ako sa labas ng bahay ng hapon na iyon. Kakatapos lang namin magluto ni Nanay at namahinga muna kami bago mag tanghalian.Hinihimas ko ang tiyan ko. Sabi ni nanay, malaki daw ito pero hindi naman masabi kung ilang buwan na nga ba.Iniisip ko na sana magbalik na ang alaala ko dahil nung mga nakaraan ay panay ang pagsingit ng mga mumunting alaala sa isipan ko. Hindi nga lang ito malinaw pero umaasa ako na sana maging maayos na din ang lahat.Patayo na sana ako ng matanaw ko si Arthur na paakyat sa daang ginawa ni Tatay Teban.“Nay! Tay! Umuwi na po si Arthur!” masayang tawag ko “Ano ba kamo?” sabi ni Tatay na lumabas na din mula sa kubo“Si Arthur po paparating. At may mga kasama po siya!” ulit ko ditoLumabas na din si Nanay at tinanaw ang daan.“Aba’y oo nga! Batang yan! Bakit biglang umuwi e Martes palang naman ngayon?” may pagtataka sa tinig ni nanayNg makalapit na sila ay naagaw ang pansin ko sa lalaking nasa likod ni Arthur. Nagulat ako sa biglang pagtibok ng puso k
MarcusIsang buwan na at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kung nasaan ni Ria. Pati ang organisasyon na kinabibilangan niya dati at hindi matukoy kung nasaan siya.Halos mapatay ko si Floyd ng mahuli siya nila Zues pagkatapos ng ginawa niyang pagtatangka sa buhay ng mag-iins ko. Tahimik lang niyang tinanggap ang lahat ng suntok at mura ko sa kanya. Wala din siyang idea kung nasaan si Ria dahil nanlaban daw ito at natakasan siya.We could not track her dahil ipinasa niya pala kay Maegan ang tracker na ibinigay ni Ava sa kanya.Halos manlumo ako ng makita ko ang nasusunog na bahay. I first thought that my kids ang Ria is inside. Pinigilan lang ako ni Zues at ng mga kaibigan ko na pasukin ang bahay dahil baka pati ako mapahamak.Napaupo na lang ako at napaiyak sa maaring sinapit ng mag iina ko. Not until Ava said that may nasasagap siyang signal sa tracker ni Ria.Agad namin iyon sinundan at nakita ko na nagtatago sa likod ng isang batong malaki ang kambal. Mitchell was hugging he
Ria“Naku iha! Lumalaki na ang tiyan mo!” masayang sabi ni Nanay Dang habang nasa kusina kami at naghahanda ng tanghalian. Mamaya lang ay uuwi na si Tatay Teban galing sa taniman niya. “Oo nga po Nanay.” sabi ko habang hinihimas ko ang tiyan ko. Isang buwan na din ako dito sa kanila pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala tungkol sa pagkatao ko.“Sa isang linggo, sasamahan ka namin ng Tatay mo sa center. Kailangan mo din magpa-check up para makasiguro tayong malusog ang baby mo.” pahayag ni Nanay“E nanay, paano po pag tinanong po ako doon? Ano po ang isasagot ko? Baka po mamaya, may makakita sa akin doon?” medyo takot na sabi ko. Naisip ko kasi na siguro nga ay nasa peligro ang buhay ko noon kaya ako napadpad sa lugar na ito.“Yun lang! Pero kasi dapat talaga mapatignan ka! Para naman din sa kalusugan niyo ng anak mo.” paliwanag niya“ Cge po Nay. Sasamahan niyo naman po ako, hindi ba?”“Aba’y oo naman! Magagawa ba kitang pabayaan?” sagot naman ni Nanay kaya kahit papano
RiaPilit akong inilayo sa mga anak ko at sapilitang inilabas ng bahay ng mga lalaki.“Maawa ka sa mga anak ko!” pakiusap ko sa kanya. “Ako nalang ang patayin mo please, huwag sila, mga bata lang sila!” “Don’t worry! Darating din tayo diyan! Sa ngayon, manunuod muna tayo ng isang magandang palabas!” anito at saka inutusan ang tatlong tauhan niya“Simulan niyo na!” “No! No!” sigaw ko habang binubuhusan nila ng gasolina ang buong bahayTawa naman ng tawa ang lalaki na akala mo baliw. Nagpatuloy ako sa pag iyak at pagmamakaawa pero nanatili siyang bingi sa pakiusap ko.Nagsimula ng sindihan ng mga lalaki ang bahay at wala akong magawa kundi ang panoorin ito habang unti unting nilalamon ng apoy ang bahay.Hindi nagtagal ay biglang bumulagta ang tatlong lalakeng kasama ng taong may hawak sa akin. Alam kong nasa paligid na sila Ava!“Niloko mo ko!” sigaw nito sa akin at saka ako binigyan ng malakas na sampal. Natumba ako pero agad kong niyakap ng kamay ko ang tiyan ko para maprotektaha
RiaBigla akong bumalikwas ng bangon pagdilat ng mga mata ko. I was hoping it was just a nightmare pero ng makita ko ang mga tao sa kwarto ay naisip ko na hindi ito panaginip lang.Nasa tabi ko si Mama Sandra and she is holding my hand. Maybe she used the elevator para makaakyat siya aa kwarto ni Maegan“Mama.” I started to cry ng maisio ko ang nangyari kanina lang“Kumikilos na ang organisasyon iha. Mahahanap natin ang mga apo ko, pinapangako ko yan!” mariin ang tinig ni Mama at alam ko na galit din ito sa mga nagaganapPumasok naman si Marcus na may kausap sa telepono at ng magtama ang paningin namin at nagpaalam naman siya dito.“Baby how are you feeling? Wala bang masakit sayo?” tanong niya but I just shook my head“Ano ang silbi ng mga security mo dito, Ace? Bakit nakapasok ang mga taong yun sa bakuran mo?” may sumbat ang tinig ko at agad naman akong sinaway ni Mama habang nanatiling tahimik si Marcus.“Anak, wala namang may gusto sa nangyari. Ang kailangan natin ngayon ay magtu