Blanca
Isang linggo na din ang lumipas buhat ng unang pagkikita namin ni Marcus sa club kaya naman inip na inip na ako para sa susunod naming hakbang. Hinayaan ko muna ang tatlo na muling bumalik sa club gaya ng plano namin at mukhang effective naman dahil panay daw ang hanap at tanong ni Marcus sa akin. Pilit pa daw niyang inaalam ang number ko pero siyempre hindi naman yun binigay ng tatlo.“Ready na ang mga tao natin.” saad ni Ava kaya naman napangiti ako dahil sa wakas sisimulan na namin ang susunod na plano.“Ready ka na ba, Blanca?” tanong ni Ava sakin habang patuloy sa pagtipa ng laptop niya.“More than ready!” sagot ko sakanya sabay tanong"Nakuha na ba nila?”"Yup sis! Papunta na sila sa dito” sagot niya uli.Nakaramdam ako ng excitement dahil tagumpay ang mga tauhan namin na dukutin ang bunsong kapatid ni Marcus na si Shayne Marie Thompson. Isa siyang sikat na modelo dito sa Pilipinas at nagsisimula na din siyang makilala sa ibang bansa.Pinadukot siya ni Trish dahil kailangan namin ng mas maraming kapanalig para mas mapabilis ang pagtupad sa misyon ko. Mas madaming kakampi mas mabuti, sabi nga niya. Si Trish ang tumatayong lider ng Amor Quatro dahil sa aming apat siya ang pinakamatagal nang kasapi ng grupo. Pamangkin siya ni Mama Sandra at siya ang maaring magmana ng oragnisasyon sa oras na magretiro ito.Tumayo na ako para simulan ang munti naming palabas at pumasok sa isang kuwarto kung saan dadalhin si Shayne. Nandito na kami sa isa sa mga safehouse ng grupo habang hinihintay ang pagdating ng aming panauhin.“Sino ba kayo?! Pakawalan niyo ako!” may halong gigil na tili ng isang babae na natitiyak ko na ang bihag namin kaya naman pumwesto na ako sa gilid ng kama at nagkunwaring takot na takot.“Hoy babae, tumahimik ka! Kanina pa sumasakit ang tenga ko sa’yo.” Angil naman ng isa sa mga tauhan namin.Pagbukas ng pinto ay agad niyang tinulak papasok si Shayne na nagsimula ng umiyak.Naupo ito sa kama na tila hindi napansin ang presensya ko.“Huwag kang umiyak.” tila anghel na sabi ko kaya napalingon siya sa kinaroroonan ko.“Kinidnap ka din?” gulat na tanong niya kaya tumango ako sabay lapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya na nanginginig na sa takot kaya naman medyo nakunsensya ako pero wala ng atrasan ito. Isa pa anak siya ng taong nagpapatay sa magulang ko kaya dapat walang puwang ang awa.“Dalawang araw na ako dito,” pinalungkot ko pa ang boses ko para mas kapani-paniwala.“Natatakot ako baka saktan nila tayo. Ano ba kasi ang gagawin nila sa atin?” sabi niya saka uli siya umiyak ng umiyak.“Hindi ko din alam kung ano gagawin nila sa atin pero lakasan mo ang loob mo. Makakaalis din tayo dito” pang-aalo ko sakanya.Napangisi ako ng yumakap ito sa akin na para bang sa akin siya kumukuha ng lakas ng loob.‘Ganyan nga, magsimula na kayong matakot. Mas matindi pa dito ang ipaparanas ko sa inyo sa oras na mahanap ko ang tatay mo’ sigaw ng utak ko.Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at lumapit ang isa sa mga tauhan namin.“Umayos kayong dalawa at manahimik kayo!” sigaw nito habang turo sa amin.“Subukan niyong tumakas, papatayin ko kayo naiintindihan niyo?’Naramdaman ko ang panginginig ni Shayne kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Napa-igtad pa siya ng halos magiba ang pinto ng isara ito ng tauhan namin.“Huwag mo ‘kong iiwan.” pakiusap nito sakin kaya lalo ko siyang niyakap.“Hindi kita iiwan” nakangiti kong bulong sa kanya.Sa loob ng dalawang araw namin sa safehouse ay mas nakilala ko si Shayne. Hindi siya mahirap pakisamahan at nakikita ko naman na mabait siya. Hindi din siya maarte na gaya ng inaasahan mo sa mga anak mayamang babae at sikat na modelo pa. Hindi siya maselan dahil lahat ng pagkaing dinadala sa amin ay kinakain naman niya. Malinis naman ang mga iyon at inoorder pa nga ito ni Trish sa mga sikat na resto.Kagabi, matapos kong paamuyin si Shayne ng pampahimbing ng tulog ay lumabas ako sa sala dahil nandoon ang tatlo.“Maghanda ka na bukas, tatakas na kayo dito.” sabi ni Trish habang umiinom ng kape sa sala.“Oh my God salamat naman!” sabi ko pagka-upo ko at tumabi kay KC na agad namang yumakap sa akin “ Bored na ako dito!”“Kamusta naman yung alaga mo sa loob?” tanong ni KC.“Ok naman. Mukhang nakuha ko na ang loob niya gaya ng plano natin.” sagot ko.“Mas makukuha mo pa ang loob niya kapag nakaalis na kayo dito.” si Ava ‘yun na as usual nakaharap nanaman sa laptop niya.“Anong balita sa mga Thompson?” tanong ko kay Trish.“Nothing to worry about sis,” she assured me “wala silang nakitang kahit anong trace na magtuturo sa mga tauhan natin since na-hack lahat ni Ava ang mga CCTV sa lugar.”“May mga tauhan tayo sa lahat ng presinto sa Maynila kaya siguradong makakakuha tayo ng information kung sakaling magkakaproblema.” dagdag pa ni Ava.“That’s good!” sabi ko at bago ako humigop ng kape.“Ano bang plano mo sa mga Thompson?” tanong pagdaka ni Trish. “Ang sabi ni Mama tulungan ka namin pero ikaw daw ang bahala sa pagpaparusa.”Ibinaba ko ang tasa ng kape sa centertable at saka ako tumayo.“Walang makakaligtas sa galit ko, alam niyo ‘yan. Isa- isa kong papatayin sa harap ni Simon Thompson ang mga anak niya. Gusto kong masaksihan niya kung paano malagutan ng hininga ang mga anak niya at saka ko siya isusunod! Sisiguraduhin ko na matitikman niya ang pinakamasakit na kamatayan!” napasinghap naman ang mga kasama ko na akala mo naman ay bago sa kanila ang pumatay ng tao.“Walang kasalanan ang mga anak niya Blanca,” iling ni Trish “Alam mong labag sa batas ng organisasyon ‘yan. Hindi tayo mandadamay ng inosente.”“Wala din kaming kasalanan sa kanila , Trish, pero anong ginawa niya? Nang dahil lang sa lupa na hindi niya makuha ay pinatay niya ang pamilya ko!” nanginginig sa galit na sagot ko.“Nandun na ako at naiintindihan kita pero hindi mo dapat idamay ang mga anak niya. Isa pa baka nakakalimutan mo, hindi pa tayo sigurado kung ang matandang Thompson nga ang utak sa lahat, hindi ba?” mahinahon na paliwanag ni Trish.Tumayo naman si Ava at hinawakan ang magkabilang balikat ko.“We understand your pain sis. Galing din kami diyan hindi ba? Pero sana wag kang magpadalos dalos. Aaralin natin ang lahat at aalamin ang totoo okay?”Lumapt nadin si KC at niyakap ako.“Nandito kami sa tabi mo sis, pero sa ngayon get a hold of your feelings. Huwag kang mag-alala, kapag napatunayan natin na si Simon Thompson nga ang utak sa lahat ng ito, susunod kami sa gusto mo. Pero sa ngayon, kumalma ka muna ha?”Huminga ako ng malalim at saka ako tumango sa kanila. Sa ngayon susundin ko muna ang gusto nila pero hindi ako mangangako na hindi madadamay ang mga anak ni Simon. Kahit ikamatay ko, gagawin ko ang plano ko, kasama ko man silang tatlo o hindi.Nagpaalam nadin sila pagtapos naming pag-usapan ang “pagtakas” na magaganap bukas ng gabi. Alam ko na ang gagawin ko kaya naman nakahanda na ako.Pagpasok ko sa kuwarto ay tulog na tulog padin si Shayne. May munting awa akong naramdaman para sa kanya pero dapat isantabi ko iyon. Hindi ako pwedeng maawa sa kanila. Madamay na ang lahat ng madadamay pero tuloy ang plano ko.Matitikman nila ang galit ni Blanca dela Riva.Blanca“It’s time!” nadinig ko ang salitang iyon mula sa earpiece ko. ‘Yun na ang hinihintay kong signal galing kay Ava kaya naman nilapitan ko na si Shayne para gisingin ito dahil magsisimula na ang aming munting palabas.“Shayne! Shayne!” tawag ko sa kanya habang niyuyugyog ang balikat niya“Gumising ka na! Kailangan na nating tumakas dito!.” Bigla namang napabangon si Shayne. Nakakunot pa ang noo niya na tila hindi ako naintindihan.“Sigurado ka ba Blanca?” tanong niya na kakikitaan ng takot sa kanyang mga mata “Natatakot ako Blanca, baka mahuli tayo.” “Ngayon na ang pagkakataon natin Shayne. Nakalimutan nilang i-lock yung pinto kaya makakalabas na tayo. Tulog na tulog na din sila, sobrang lasing na kaya tara na!”sabi ko sabay hila sa kanyang kamayDahan-dahan kaming lumabas ng kwarto. Ingat na ingat ang bawat hakbang namin para maiwasang makagawa ng ingay. Magkahawak-kamay naming nilagpasan ang mga bantay na hindi ko alam kung totoong tulog na o nagpapanggap lang. Gusto ko
BlancaDalawang araw pa akong nanatili sa ospital at kahit inip na inip na ako ay wala naman akong magawa dahil kailangan ko daw tapusin ang mga gamot ko.Palagi namang dumadalaw si Shayne sa akin kaya ang tatlong bruha ay tuwang-tuwa dahil palagi silang kasahog sa mga pagkaing dinadala dito ng dalaga. Ang ending, busog sila araw-araw.“Nakakatuwa kayo ano?” sabi ni Shayne habang inaayos ang prutas na dala niya sa lamesa. “Hindi talaga kayo nag-iiwanan.”“Aba oo naman Shayne,” sagot ni KC habang nilalantakan ang dala ni Shayne na doughnut. “Alam mo kasi sabay-sabay kaming lumaki, kaya eto, hindi kami mapaghiwalay.”“Oo nga eh. Nakakainggit lang. Puwede din ba akong maki-join sa inyo?” tanong ni Shayne kaya naman biglang napaubo si Trish habang umiinom ng kape. Naibuga niya pa ito kay Ava na as usual nasa laptop nanaman ang atensyon.“Trish naman!” hiyaw nito sabay punas ng mukha niya na nabugahan ng kape.“Ang dugyot lang talaga!” Nag peace sign lang si Trish dito saka nginisihan si
BlancaAfter a week of medication ay magaling na ang sugat ko sa balikat. Nakapag pahinga ako ng maayos dahill wala madalas ang tatlong kaibigan ko na hindi ko malaman kung ano ang pinagkakaabalahan. Si Shayne naman ay tumatawag paminsan minsan dahil sa busy na din ito sa trabaho.Ngayong gabi nga ay paalis ako dahil pinagbigyan ko ang pangungulit ni Marcus na lumabas kami at mag-date. I just wore a simple black mini dress na tinernuhan ko ng pulang stilletos. Sleeveless ito at sakto lang ang v- cut nito sa dibdib dahil ayaw ko naman na masyadong revealing ang isusuot ko sa gabing ito. Eversince the tragedy ay nahilig na ako sa kulay itim. Maybe because I have a dark past at ito din marahil ang dahilan kung bakit Blanca ang tinawag sa akin ni Mama Sandra.Lahat kami sa organisasyon ay gumagamit ng fake identities. Ang dahilan? Para kung sakaling magsimula kami ng bagong buhay ay walang anumang bahid na makikita sa tunay naming katauhan.By birth, ako si Ria Celestine Alonzo, pero
BlancaLaunching ng bagong business nila Marcus at ng mga kaibigan niya ngayon kaya naman busy ako at ang tatlo sa pag-aayos dahil syempre invited kami sa event.After ng date namin ni Marcus ay naging busy naman siya sa pag-aasikaso ng bagong negosyo niya kaya hindi pa iyon nasusundan. Although he calls me often and sends me flowers, I have this feeling na nami-miss ko ang presensya siya. But I chose to ignore that. This is a mission. At hindi kailangan ang puso dito.“Tara na girls!” naiinip na yaya ni Ava sa aming tatlo. Siya talaga sa amin ang tipong mabilis kumilos kaya naman naiinip siya sa paghihintay.Sunod-sunod na kaming lumabas ng condo. We look like models sa mga suot namin dahil isang fashion launch ang gaganapin ngayong gabi. Kailangan naming maging elegante at maganda of course. Ayon sa research ni Ava, isang clothing line na sikat sa US ang itatayo nila dito. Pag-aari ito ng pamilya ni Hendrix Saavedra at magtatayo sila ng branch dito sa Pilipinas.Sa Hotel de Paraiso g
Blanca“Cheers!!!” sigaw ni Shayne sabay taas ng shot glass niyang may tequilla. Sumunod naman kami at saka sabay-sabay na tinungga ang laman nun.“Wooohh!!” napahiyaw pa si KC sabay tawa habang sinasalinan ng alak ang mga baso naminNanatili lang akong tahimik pero sumasabay naman ako sa inuman ng apat. I don’t know, I’m not just in the right mood to enjoy the night. And to hell with it hindi ko alam kung bakit? Pakiramdam ko ay sinasakal ako sa tindi ng galit na nararamdaman ko. Para sa matandang Thompson at pati na din kay Marcus.Tinungga ko ulit ang alak at hindi ko na hinintay ang mga kasama ko. Agad akong nagsalin ng panibago sabay tungga ulit. “Hey, dahan-dahan lang!” paalala ni Ava sa akin pero agad kong itinaas ang kamay ko para patigilin siya. Wala akong planong makinig ngayon. Gusto ko lang uminom ng tahimik.Tumungga ulit ako ng isa pa habang inaalala ang mukha ni Simon Thompson. I am already murdering him in my mind dahil naalala ko ang sinapit ng pamilya ko nung gabing
MarcusI woke up with a light heart and a smile on my face this morning kahit na hindi ako masyadong nakatulog kagabi. I had a hard time last night because I can’t sleep knowing that this woman is just inches away from me.I admit nakaramdam ako ng inis sa kanya when I saw her smiling at my dad. Ngayon niya lang nakilala ang daddy ko pero kung makangiti siya wagas, samantalang ako e kulang nalang bugahan niya ng apoy nung una naming pagkikita.I looked for Blanca after the event only to find out na umalis na pala ito kasama ang kapatid ko. I called my sister at once and she told me that they are in some bar kaya lalo akong nagmadaling puntahan ang dalaga. She might again do something stupid kaya kailangan kong makarating agad dun.She’s a little bit drunk when I found her kaya naman I forced her out of the bar at inuwi sa penthouse. I cannot stand it especially seeing some random guys around gawking and staring at her. The usual hardheaded Blanca at first resisted but in the end nana
BlancaI stared blankly at the ceiling while lying in my bed. Dito ako dumeretso pagkahatid sa akin ni Marcus. Tahimik ang bahay at hindi ko alam kung nasaan ang tatlong kaibigan ko. I tried calling them pero puro patay ang mga phone nila. Napabuntong hininga ako. Iniisip ko ang mga bagay na sinabi ni Marcus kanina. Masakit din pala ang pinagdaanan niya kaya pala ganun nalang ang reaksyon niya upon seeing my eagerness to know more about his dad. Hindi magiging madali ang pagkuha ng impormasyong kailangan ko kung ganyang may trust issues siya kaya dapat talaga ay makuha ko ang loob niya. Maybe I should consider having a relationship with him. In that way ay hindi siya magdududa sa akin. Ready na ba ako? Maybe? I don’t know. At first akala ko magiging madali lang but the way I see things parang hindi. I shook my head. Hindi pwedeng maging mahina. Kahit anong mangyari ay itutuloy ko ang plano. Masaktan na ang masasaktan.“We’re here!’ maingay na bungad ni KC sa akin pagpasok niya ng
BlancaNaghuhumiyaw na karangyaan. ‘Yan ang masasabi ko sa lugar na dinatnan namin ngayong gabi. Hindi maipagkakaila ang yaman na tinatamasa ng mga Thompson na kahit siguro ang ikatlo o ikaapat na henerasyon sa pamilya ay hindi magugutom.Alas-otso na ng gabi ng makarating kami dito dahil gusto ko ay grand entrance ang mangyari sa pagdating ko. I made sure na mapapansin agad ako ng mga tao sa oras na itapak ko ang mga paa ko sa loob.This time pinili ko ang kulay pulang gown para isuot sa okasyong ito. Hindi pa naman patay ang taong may utang sa akin kaya hindi akma ang itim para dito. Tube ang upper part ng gown na may mga kumikinang na bato sa gilid forming an intricate design. Naka-expose ang balikat ko na makinis naman kaya hindi nakakahiyang i-flaunt pwera sa sugat ko nung nakaraang madaplisan ako ng bala na kinaya namang takpan ng concealer. Mahaba ito hanggang sakong kaya I chose to wear a three inch black sandals. May slit sa gilid showing half of my long and curvy legs.I
Mitchell Blake ThompsonIt is Dad’s birthday at nandito kami ngayon sa isa sa mga hotel namin for the celebration. I am now handling the business together with my brother Martin since kaming dalawa ang nahilig sa ganitong larangan.Actually, I wanted to be a Scientist when I was young, but growing up I realized that being the first born I have to inherit the business. I have to continue my Dad’s legacy and at the same time take care of the family.“Happy birthday Dad!” bati ko as my Dad entered the hall with my beautiful Mom.Even at their age they still look good together and are still in love with each other.“Hi Mom! You look gorgeous, as always!” I kissed my Mom and hugged her. I miss her, especially her cooking kaya naman twing umuuwi ako ng Mansion ay palagi akong nagbibilin para makapag uwi ako ng pagkain pagbalik ko sa penthouse.We grew up with her cooking and she is the best!“Thank you iho!” sabi naman nila sa akin. We went inside kung saan nandoon ang mga taong mahalaga
RiaMabilis na umikot ang panahon at masasabi ko na ang buhay may asawa at pamilya ay hindi naging madali para sa amin ni Marcus.Marami kaming pagsubok na pinagdaanan pero lahat iyon nakaya namin dahil hindi namin binitawan ang kamay ng isa’t isa.Linggo ngayon at gaya ng nakasanayan namin, araw ito ng pamilya. Mamaya lang iingay na ang paligid sa pagdating ng mga anak namin.Nakaayos na ang mesa sa labas ng pool. Kakatapos lang mag-ihaw ng kasambahay ng barbeque dahil iyon ang request ng panganay kong si Mitchell. He is already 28 years old at siya na ang nagma manage ng TGC pagkatapos ng training niya with his Dad. Gusto na rin daw kasing mag retire ni Marcus at mag enjoy nalang sa buhay kasama ako since malalaki na daw ang mga anak namin.Marcus also trained Martin and at the age of 25 ay katuwang na ito ng kuya Mitchell niya sa kumpanya.Hindi naman linya ni Mason ang business and we just let him be. Kung ano ang gusto ng mga anak namin ay susuporthan namin. He is already working
MarcusI was pacing back and forth sa harap ng operating room kung saan ipinasok si Ria. She is already scheduled for a Caesarian Section this day dahil ayon sa doctor, baka mahirapan daw siya if we would wait for a normal delivery.“For God’s sake, Marcus, sit down! Kanina pa ako nahihilo sayo!” sita naman sa akin ni AvaKasama ko si Nanay Dang ng dalhin ko sa ospital si Ria. On our way tinawagan ko ang mga kaibigan niya at agad naman silang dumating.Nagkataon kasi na nasa labas sila ng mansion at may inasikaso sa site. Hindi ko naman na hinayaang sumama si Mama Sandra dahil na rin sa kundisyon niya.My family grew instantly sa pagdating nila and I really don’t mind at all. The mansion is too big at mas napapanatag ako pag alam kong may nakakasama ang mag-iina ko.Idagdag pa si Tatay Teban, si Nanay Dang at si Arthur, na nagsisimula na ding mag-aral at abutin ang pangarap niya. Tatay Teban worked diligently sa greenhouse and I can say na malaki ang naitulong ng kaalaman niya kaya l
RiaHindi na ako makapaghintay na makita uli ang pamilya ko lalong lalo na ang kambal. Sobrang miss na miss ko na sila. Cleared naman na daw ako sabi ng doctor at pwede na akong bumyahe kaya naman kinausap ng asawa ko si Tatay at Nanay. Napagpasyahan nila na bukas na sumunod sa Maynila dahil aayusin pa nila ang ibang gamit na maiiwan nila. Tinawagan na ni Marcus si Joseph para bigyan ng instructions kung saan susunduin sila Tatay at Nanay.“Mag-iingat kayo ha!” bilin ni Nanay sa amin ng palabas na kami sa kwarto. May helipad naman ang ospital kaya dito na kami susunduin ng chopper“Hihintayin ko kayo Nay, Tay. Darating po bukas si Joseph para sunduin kayo ha!” naisip ko kasi na baka magbago ang isip nila“Darating kami, anak!” pagtitiyak naman sa akin ni TataySabay sabay na kaming sumakay sa chopper. Napahinga ako ng malalim habang hawak ang kamay ni Marcus. Ilang saglit nalang makikita ko na sila.“Are you okay? Hindi ka nahihilo?” may pag-aalala sa tinig ni Marcus pero agad k
RiaNakaupo ako sa labas ng bahay ng hapon na iyon. Kakatapos lang namin magluto ni Nanay at namahinga muna kami bago mag tanghalian.Hinihimas ko ang tiyan ko. Sabi ni nanay, malaki daw ito pero hindi naman masabi kung ilang buwan na nga ba.Iniisip ko na sana magbalik na ang alaala ko dahil nung mga nakaraan ay panay ang pagsingit ng mga mumunting alaala sa isipan ko. Hindi nga lang ito malinaw pero umaasa ako na sana maging maayos na din ang lahat.Patayo na sana ako ng matanaw ko si Arthur na paakyat sa daang ginawa ni Tatay Teban.“Nay! Tay! Umuwi na po si Arthur!” masayang tawag ko “Ano ba kamo?” sabi ni Tatay na lumabas na din mula sa kubo“Si Arthur po paparating. At may mga kasama po siya!” ulit ko ditoLumabas na din si Nanay at tinanaw ang daan.“Aba’y oo nga! Batang yan! Bakit biglang umuwi e Martes palang naman ngayon?” may pagtataka sa tinig ni nanayNg makalapit na sila ay naagaw ang pansin ko sa lalaking nasa likod ni Arthur. Nagulat ako sa biglang pagtibok ng puso k
MarcusIsang buwan na at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kung nasaan ni Ria. Pati ang organisasyon na kinabibilangan niya dati at hindi matukoy kung nasaan siya.Halos mapatay ko si Floyd ng mahuli siya nila Zues pagkatapos ng ginawa niyang pagtatangka sa buhay ng mag-iins ko. Tahimik lang niyang tinanggap ang lahat ng suntok at mura ko sa kanya. Wala din siyang idea kung nasaan si Ria dahil nanlaban daw ito at natakasan siya.We could not track her dahil ipinasa niya pala kay Maegan ang tracker na ibinigay ni Ava sa kanya.Halos manlumo ako ng makita ko ang nasusunog na bahay. I first thought that my kids ang Ria is inside. Pinigilan lang ako ni Zues at ng mga kaibigan ko na pasukin ang bahay dahil baka pati ako mapahamak.Napaupo na lang ako at napaiyak sa maaring sinapit ng mag iina ko. Not until Ava said that may nasasagap siyang signal sa tracker ni Ria.Agad namin iyon sinundan at nakita ko na nagtatago sa likod ng isang batong malaki ang kambal. Mitchell was hugging he
Ria“Naku iha! Lumalaki na ang tiyan mo!” masayang sabi ni Nanay Dang habang nasa kusina kami at naghahanda ng tanghalian. Mamaya lang ay uuwi na si Tatay Teban galing sa taniman niya. “Oo nga po Nanay.” sabi ko habang hinihimas ko ang tiyan ko. Isang buwan na din ako dito sa kanila pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala tungkol sa pagkatao ko.“Sa isang linggo, sasamahan ka namin ng Tatay mo sa center. Kailangan mo din magpa-check up para makasiguro tayong malusog ang baby mo.” pahayag ni Nanay“E nanay, paano po pag tinanong po ako doon? Ano po ang isasagot ko? Baka po mamaya, may makakita sa akin doon?” medyo takot na sabi ko. Naisip ko kasi na siguro nga ay nasa peligro ang buhay ko noon kaya ako napadpad sa lugar na ito.“Yun lang! Pero kasi dapat talaga mapatignan ka! Para naman din sa kalusugan niyo ng anak mo.” paliwanag niya“ Cge po Nay. Sasamahan niyo naman po ako, hindi ba?”“Aba’y oo naman! Magagawa ba kitang pabayaan?” sagot naman ni Nanay kaya kahit papano
RiaPilit akong inilayo sa mga anak ko at sapilitang inilabas ng bahay ng mga lalaki.“Maawa ka sa mga anak ko!” pakiusap ko sa kanya. “Ako nalang ang patayin mo please, huwag sila, mga bata lang sila!” “Don’t worry! Darating din tayo diyan! Sa ngayon, manunuod muna tayo ng isang magandang palabas!” anito at saka inutusan ang tatlong tauhan niya“Simulan niyo na!” “No! No!” sigaw ko habang binubuhusan nila ng gasolina ang buong bahayTawa naman ng tawa ang lalaki na akala mo baliw. Nagpatuloy ako sa pag iyak at pagmamakaawa pero nanatili siyang bingi sa pakiusap ko.Nagsimula ng sindihan ng mga lalaki ang bahay at wala akong magawa kundi ang panoorin ito habang unti unting nilalamon ng apoy ang bahay.Hindi nagtagal ay biglang bumulagta ang tatlong lalakeng kasama ng taong may hawak sa akin. Alam kong nasa paligid na sila Ava!“Niloko mo ko!” sigaw nito sa akin at saka ako binigyan ng malakas na sampal. Natumba ako pero agad kong niyakap ng kamay ko ang tiyan ko para maprotektaha
RiaBigla akong bumalikwas ng bangon pagdilat ng mga mata ko. I was hoping it was just a nightmare pero ng makita ko ang mga tao sa kwarto ay naisip ko na hindi ito panaginip lang.Nasa tabi ko si Mama Sandra and she is holding my hand. Maybe she used the elevator para makaakyat siya aa kwarto ni Maegan“Mama.” I started to cry ng maisio ko ang nangyari kanina lang“Kumikilos na ang organisasyon iha. Mahahanap natin ang mga apo ko, pinapangako ko yan!” mariin ang tinig ni Mama at alam ko na galit din ito sa mga nagaganapPumasok naman si Marcus na may kausap sa telepono at ng magtama ang paningin namin at nagpaalam naman siya dito.“Baby how are you feeling? Wala bang masakit sayo?” tanong niya but I just shook my head“Ano ang silbi ng mga security mo dito, Ace? Bakit nakapasok ang mga taong yun sa bakuran mo?” may sumbat ang tinig ko at agad naman akong sinaway ni Mama habang nanatiling tahimik si Marcus.“Anak, wala namang may gusto sa nangyari. Ang kailangan natin ngayon ay magtu