MarcusI woke up with a light heart and a smile on my face this morning kahit na hindi ako masyadong nakatulog kagabi. I had a hard time last night because I can’t sleep knowing that this woman is just inches away from me.I admit nakaramdam ako ng inis sa kanya when I saw her smiling at my dad. Ngayon niya lang nakilala ang daddy ko pero kung makangiti siya wagas, samantalang ako e kulang nalang bugahan niya ng apoy nung una naming pagkikita.I looked for Blanca after the event only to find out na umalis na pala ito kasama ang kapatid ko. I called my sister at once and she told me that they are in some bar kaya lalo akong nagmadaling puntahan ang dalaga. She might again do something stupid kaya kailangan kong makarating agad dun.She’s a little bit drunk when I found her kaya naman I forced her out of the bar at inuwi sa penthouse. I cannot stand it especially seeing some random guys around gawking and staring at her. The usual hardheaded Blanca at first resisted but in the end nana
BlancaI stared blankly at the ceiling while lying in my bed. Dito ako dumeretso pagkahatid sa akin ni Marcus. Tahimik ang bahay at hindi ko alam kung nasaan ang tatlong kaibigan ko. I tried calling them pero puro patay ang mga phone nila. Napabuntong hininga ako. Iniisip ko ang mga bagay na sinabi ni Marcus kanina. Masakit din pala ang pinagdaanan niya kaya pala ganun nalang ang reaksyon niya upon seeing my eagerness to know more about his dad. Hindi magiging madali ang pagkuha ng impormasyong kailangan ko kung ganyang may trust issues siya kaya dapat talaga ay makuha ko ang loob niya. Maybe I should consider having a relationship with him. In that way ay hindi siya magdududa sa akin. Ready na ba ako? Maybe? I don’t know. At first akala ko magiging madali lang but the way I see things parang hindi. I shook my head. Hindi pwedeng maging mahina. Kahit anong mangyari ay itutuloy ko ang plano. Masaktan na ang masasaktan.“We’re here!’ maingay na bungad ni KC sa akin pagpasok niya ng
BlancaNaghuhumiyaw na karangyaan. ‘Yan ang masasabi ko sa lugar na dinatnan namin ngayong gabi. Hindi maipagkakaila ang yaman na tinatamasa ng mga Thompson na kahit siguro ang ikatlo o ikaapat na henerasyon sa pamilya ay hindi magugutom.Alas-otso na ng gabi ng makarating kami dito dahil gusto ko ay grand entrance ang mangyari sa pagdating ko. I made sure na mapapansin agad ako ng mga tao sa oras na itapak ko ang mga paa ko sa loob.This time pinili ko ang kulay pulang gown para isuot sa okasyong ito. Hindi pa naman patay ang taong may utang sa akin kaya hindi akma ang itim para dito. Tube ang upper part ng gown na may mga kumikinang na bato sa gilid forming an intricate design. Naka-expose ang balikat ko na makinis naman kaya hindi nakakahiyang i-flaunt pwera sa sugat ko nung nakaraang madaplisan ako ng bala na kinaya namang takpan ng concealer. Mahaba ito hanggang sakong kaya I chose to wear a three inch black sandals. May slit sa gilid showing half of my long and curvy legs.I
Blanca“Happy birthday po sir.” tumayo ako at pilit pinasigla ang tinig sa harapan ni Simon nang lumapit ito sa mesa kung saan ako naroroon.Ngumiti naman ito sa akin at nagpasalamat. Medyo kinilabutan lang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. My senses never fail me kaya alam ko na may kakaiba sa mga titig na iyon.Umalis saglit si Marcus para salubungin ang ilang kaibigan nito na kakarating lang kaya naman mag-isa lang ako nang lumapit ang matanda.“Salamat iha. Blanca dela Riva right? “ anito sabay upo sa upuang nakaharap sa akin. “Yes sir.” I politely answered.“By the way, are you somehow connected with the dela Riva’s of Davao? Or the dela Riva’s of Pamapanga?”‘I don’t think so sir, actually my mother is from Bicol. Hindi ko po nakilala ang father ko and wala pong binabanggit ang mama ko about him. And I respect that po.” sagot ko dito.“Oh I see. Sorry iha.” hinging paumanhin nito pero umiling naman ako.“Wala pong problema sir.”“May naalala lang kasi ako noong unang be
BlancaInisa-isa ko ang mga kuha ni Trish sa phone niya pag-uwi namin sa unit. Hindi ako makapaniwala! Ang mga nakuhanan ni Trish ay mga kopya ng titulo ng lupa ng aking ama. “Original copies ang mga iyan Blanca, may deed of sale din na naka-attach, pirmado ng tatay mo at ni Simon. At higit sa lahat notaryado .” paliwanag ni Trish.“So ibig sabihin nabili na pala ni Simon ang lupa niyo? I mean, in a legal way dahil may pirma niya ito. “ Ava concluded pero napailing ako“Hinding-hindi ibebenta ng tatay ko ang lupa sa kanila. Nasisiguro ko na may ginawa ang matandang iyon para mapapirma ang tatay ko.” alam ko sa puso ko na hinding-hindi ibebenta ni tatay ang lupa na minahal niya at pinagyaman buong buhay niya.Sinuri ko uli ang mga pictures hanggang sa may napansin ako. I zoomed the photo para lalo akong makasiguro.“Pinirmahan ito ng tatay ko sa mismong araw na pinaslang sila.” lumapit din si Trish saka tinignan ang bahagi ng picture na itinuro ko.“So?” tanong niya sa akin na wari n
BlancaSabog ang utak ko ng magising ako ngayong umaga sabayan pang mabigat ang katawan ko dahil sa puyat. Naalala ko ang nangyari kagabi sa building kung saan nakatago ang dalawang bihag.Matigas ang mga ito at ayaw magsalita hanggang sa takutin ni Trish na kukunin ang anak ng isa at ibibigay sa mga tauhan namin. Alam naman naming hindi ‘yun gagawin ni Trish kaya sinakyan nalang namin ang pananakot niya.Nabalot ng galit ang sistema ko ng mapagtanto ko kung sino ang mga ito. Para akong sinapian ng sampung demonyo at nawalan ako ng kontrol sa aking sarili. Literal na kulay pula na ang nakikita ko at ang tanging gusto ko ay gilitan ang mga ito.“Hayop ka!” Demonyo ka!” patuloy na hiyaw ng isang lalaki ng kunwari ay iutos ni Trish kina Damian na kidnapin ang sinasabing anak nitong babae habng ang isa ay tila nalulon ang dila at tahimik lang na nakayuko.“Madali akong kausap! Sabihin mo ang kailangan ko, hindi mapapahamak ang anak mo!” ulit ni Trish. “Masyado mong pinoprotektahan ang am
BlancaIsinama ako ni Marcus sa penthouse niya pagkagaling namin sa Tagaytay. Namasyal muna kami at doon na rin kumain ng tanghalian. Isa sa specialty ng lugar ang bulalo at hindi namin iyon pinalagpas ni Marcus. Pansamantalang nawala ang mga iniisip ko ngayong araw na ito. Masasabi kong iba ang nagagawa ng presensya ni Marcus sa akin. He can make me feel calm and relaxed. Pinag-isipan ko din ang mga sinabi niya at hindi ko maiwasang mangamba. Natatakot ako. Ayokong ipakita sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam ko na walang pupuntahan ang relasyon na bubuuin namin. Kailangan ko siya para sa misyon ko pero hindi ko inaasahang mahuhulog ako . Oo tama, alam ko sa sarili ko na may pagtingin na ako sa kanya pero one way or another, I will definitely hurt him. Ako ang papatay sa ama niya pag napatunayang siya ang utak sa lahat ng naganap sa pamilya ko. Natitiyak kong isusumpa ako ni Marcus pag nangyari yun.He changed just because of me. Kaya paano na lang siya pag dumating ang araw n
BlancaNakatanaw ako sa malawak at maliwanag na ilaw ng siyudad. Kalat na ang dilim sa langit ngunit hindi nagpatalo ang liwanag na nagsisimulang kumalat sa buong lugar na hatid ng ilaw ng mga gusali sa buong Maynila, idagdag pa ang ilang bituin sa langit. Tumingala ako at hinanap ang tatlong bituin na magkakatabi. Noon kasi pag naaalala ko ang pamilya ko ay iniisip ko na sila ang mga bituin na iyon. Na palagi lang silang nandyan para bantayan ako.Agad kong nakita ang tatlong bituin kaya naman napangiti ako.‘mahal na mahal ko po kayo, konting tiis nalang, magbabayad na ang mga may utang sa atin’Nilingon ko ang pinto mula sa terrace dahil nasa loob si Marcus at pinuntahan ang pagkaing inorder niya. Gusto niyang mag dinner muna kami bago niya ako ihatid kaya hinayaan ko na lang.I kept on thinking kung ano ba ang dapat kong gawin sa amin ni Marcus. Habang tumatagal ay nahihirapan ako at aaminin ko na nasasaktan ako sa mga posibleng mangyari.I will be his father’s enemy and I will
Mitchell Blake ThompsonIt is Dad’s birthday at nandito kami ngayon sa isa sa mga hotel namin for the celebration. I am now handling the business together with my brother Martin since kaming dalawa ang nahilig sa ganitong larangan.Actually, I wanted to be a Scientist when I was young, but growing up I realized that being the first born I have to inherit the business. I have to continue my Dad’s legacy and at the same time take care of the family.“Happy birthday Dad!” bati ko as my Dad entered the hall with my beautiful Mom.Even at their age they still look good together and are still in love with each other.“Hi Mom! You look gorgeous, as always!” I kissed my Mom and hugged her. I miss her, especially her cooking kaya naman twing umuuwi ako ng Mansion ay palagi akong nagbibilin para makapag uwi ako ng pagkain pagbalik ko sa penthouse.We grew up with her cooking and she is the best!“Thank you iho!” sabi naman nila sa akin. We went inside kung saan nandoon ang mga taong mahalaga
RiaMabilis na umikot ang panahon at masasabi ko na ang buhay may asawa at pamilya ay hindi naging madali para sa amin ni Marcus.Marami kaming pagsubok na pinagdaanan pero lahat iyon nakaya namin dahil hindi namin binitawan ang kamay ng isa’t isa.Linggo ngayon at gaya ng nakasanayan namin, araw ito ng pamilya. Mamaya lang iingay na ang paligid sa pagdating ng mga anak namin.Nakaayos na ang mesa sa labas ng pool. Kakatapos lang mag-ihaw ng kasambahay ng barbeque dahil iyon ang request ng panganay kong si Mitchell. He is already 28 years old at siya na ang nagma manage ng TGC pagkatapos ng training niya with his Dad. Gusto na rin daw kasing mag retire ni Marcus at mag enjoy nalang sa buhay kasama ako since malalaki na daw ang mga anak namin.Marcus also trained Martin and at the age of 25 ay katuwang na ito ng kuya Mitchell niya sa kumpanya.Hindi naman linya ni Mason ang business and we just let him be. Kung ano ang gusto ng mga anak namin ay susuporthan namin. He is already working
MarcusI was pacing back and forth sa harap ng operating room kung saan ipinasok si Ria. She is already scheduled for a Caesarian Section this day dahil ayon sa doctor, baka mahirapan daw siya if we would wait for a normal delivery.“For God’s sake, Marcus, sit down! Kanina pa ako nahihilo sayo!” sita naman sa akin ni AvaKasama ko si Nanay Dang ng dalhin ko sa ospital si Ria. On our way tinawagan ko ang mga kaibigan niya at agad naman silang dumating.Nagkataon kasi na nasa labas sila ng mansion at may inasikaso sa site. Hindi ko naman na hinayaang sumama si Mama Sandra dahil na rin sa kundisyon niya.My family grew instantly sa pagdating nila and I really don’t mind at all. The mansion is too big at mas napapanatag ako pag alam kong may nakakasama ang mag-iina ko.Idagdag pa si Tatay Teban, si Nanay Dang at si Arthur, na nagsisimula na ding mag-aral at abutin ang pangarap niya. Tatay Teban worked diligently sa greenhouse and I can say na malaki ang naitulong ng kaalaman niya kaya l
RiaHindi na ako makapaghintay na makita uli ang pamilya ko lalong lalo na ang kambal. Sobrang miss na miss ko na sila. Cleared naman na daw ako sabi ng doctor at pwede na akong bumyahe kaya naman kinausap ng asawa ko si Tatay at Nanay. Napagpasyahan nila na bukas na sumunod sa Maynila dahil aayusin pa nila ang ibang gamit na maiiwan nila. Tinawagan na ni Marcus si Joseph para bigyan ng instructions kung saan susunduin sila Tatay at Nanay.“Mag-iingat kayo ha!” bilin ni Nanay sa amin ng palabas na kami sa kwarto. May helipad naman ang ospital kaya dito na kami susunduin ng chopper“Hihintayin ko kayo Nay, Tay. Darating po bukas si Joseph para sunduin kayo ha!” naisip ko kasi na baka magbago ang isip nila“Darating kami, anak!” pagtitiyak naman sa akin ni TataySabay sabay na kaming sumakay sa chopper. Napahinga ako ng malalim habang hawak ang kamay ni Marcus. Ilang saglit nalang makikita ko na sila.“Are you okay? Hindi ka nahihilo?” may pag-aalala sa tinig ni Marcus pero agad k
RiaNakaupo ako sa labas ng bahay ng hapon na iyon. Kakatapos lang namin magluto ni Nanay at namahinga muna kami bago mag tanghalian.Hinihimas ko ang tiyan ko. Sabi ni nanay, malaki daw ito pero hindi naman masabi kung ilang buwan na nga ba.Iniisip ko na sana magbalik na ang alaala ko dahil nung mga nakaraan ay panay ang pagsingit ng mga mumunting alaala sa isipan ko. Hindi nga lang ito malinaw pero umaasa ako na sana maging maayos na din ang lahat.Patayo na sana ako ng matanaw ko si Arthur na paakyat sa daang ginawa ni Tatay Teban.“Nay! Tay! Umuwi na po si Arthur!” masayang tawag ko “Ano ba kamo?” sabi ni Tatay na lumabas na din mula sa kubo“Si Arthur po paparating. At may mga kasama po siya!” ulit ko ditoLumabas na din si Nanay at tinanaw ang daan.“Aba’y oo nga! Batang yan! Bakit biglang umuwi e Martes palang naman ngayon?” may pagtataka sa tinig ni nanayNg makalapit na sila ay naagaw ang pansin ko sa lalaking nasa likod ni Arthur. Nagulat ako sa biglang pagtibok ng puso k
MarcusIsang buwan na at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kung nasaan ni Ria. Pati ang organisasyon na kinabibilangan niya dati at hindi matukoy kung nasaan siya.Halos mapatay ko si Floyd ng mahuli siya nila Zues pagkatapos ng ginawa niyang pagtatangka sa buhay ng mag-iins ko. Tahimik lang niyang tinanggap ang lahat ng suntok at mura ko sa kanya. Wala din siyang idea kung nasaan si Ria dahil nanlaban daw ito at natakasan siya.We could not track her dahil ipinasa niya pala kay Maegan ang tracker na ibinigay ni Ava sa kanya.Halos manlumo ako ng makita ko ang nasusunog na bahay. I first thought that my kids ang Ria is inside. Pinigilan lang ako ni Zues at ng mga kaibigan ko na pasukin ang bahay dahil baka pati ako mapahamak.Napaupo na lang ako at napaiyak sa maaring sinapit ng mag iina ko. Not until Ava said that may nasasagap siyang signal sa tracker ni Ria.Agad namin iyon sinundan at nakita ko na nagtatago sa likod ng isang batong malaki ang kambal. Mitchell was hugging he
Ria“Naku iha! Lumalaki na ang tiyan mo!” masayang sabi ni Nanay Dang habang nasa kusina kami at naghahanda ng tanghalian. Mamaya lang ay uuwi na si Tatay Teban galing sa taniman niya. “Oo nga po Nanay.” sabi ko habang hinihimas ko ang tiyan ko. Isang buwan na din ako dito sa kanila pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala tungkol sa pagkatao ko.“Sa isang linggo, sasamahan ka namin ng Tatay mo sa center. Kailangan mo din magpa-check up para makasiguro tayong malusog ang baby mo.” pahayag ni Nanay“E nanay, paano po pag tinanong po ako doon? Ano po ang isasagot ko? Baka po mamaya, may makakita sa akin doon?” medyo takot na sabi ko. Naisip ko kasi na siguro nga ay nasa peligro ang buhay ko noon kaya ako napadpad sa lugar na ito.“Yun lang! Pero kasi dapat talaga mapatignan ka! Para naman din sa kalusugan niyo ng anak mo.” paliwanag niya“ Cge po Nay. Sasamahan niyo naman po ako, hindi ba?”“Aba’y oo naman! Magagawa ba kitang pabayaan?” sagot naman ni Nanay kaya kahit papano
RiaPilit akong inilayo sa mga anak ko at sapilitang inilabas ng bahay ng mga lalaki.“Maawa ka sa mga anak ko!” pakiusap ko sa kanya. “Ako nalang ang patayin mo please, huwag sila, mga bata lang sila!” “Don’t worry! Darating din tayo diyan! Sa ngayon, manunuod muna tayo ng isang magandang palabas!” anito at saka inutusan ang tatlong tauhan niya“Simulan niyo na!” “No! No!” sigaw ko habang binubuhusan nila ng gasolina ang buong bahayTawa naman ng tawa ang lalaki na akala mo baliw. Nagpatuloy ako sa pag iyak at pagmamakaawa pero nanatili siyang bingi sa pakiusap ko.Nagsimula ng sindihan ng mga lalaki ang bahay at wala akong magawa kundi ang panoorin ito habang unti unting nilalamon ng apoy ang bahay.Hindi nagtagal ay biglang bumulagta ang tatlong lalakeng kasama ng taong may hawak sa akin. Alam kong nasa paligid na sila Ava!“Niloko mo ko!” sigaw nito sa akin at saka ako binigyan ng malakas na sampal. Natumba ako pero agad kong niyakap ng kamay ko ang tiyan ko para maprotektaha
RiaBigla akong bumalikwas ng bangon pagdilat ng mga mata ko. I was hoping it was just a nightmare pero ng makita ko ang mga tao sa kwarto ay naisip ko na hindi ito panaginip lang.Nasa tabi ko si Mama Sandra and she is holding my hand. Maybe she used the elevator para makaakyat siya aa kwarto ni Maegan“Mama.” I started to cry ng maisio ko ang nangyari kanina lang“Kumikilos na ang organisasyon iha. Mahahanap natin ang mga apo ko, pinapangako ko yan!” mariin ang tinig ni Mama at alam ko na galit din ito sa mga nagaganapPumasok naman si Marcus na may kausap sa telepono at ng magtama ang paningin namin at nagpaalam naman siya dito.“Baby how are you feeling? Wala bang masakit sayo?” tanong niya but I just shook my head“Ano ang silbi ng mga security mo dito, Ace? Bakit nakapasok ang mga taong yun sa bakuran mo?” may sumbat ang tinig ko at agad naman akong sinaway ni Mama habang nanatiling tahimik si Marcus.“Anak, wala namang may gusto sa nangyari. Ang kailangan natin ngayon ay magtu