Blanca
I stared blankly at the ceiling while lying in my bed. Dito ako dumeretso pagkahatid sa akin ni Marcus. Tahimik ang bahay at hindi ko alam kung nasaan ang tatlong kaibigan ko. I tried calling them pero puro patay ang mga phone nila. Napabuntong hininga ako. Iniisip ko ang mga bagay na sinabi ni Marcus kanina. Masakit din pala ang pinagdaanan niya kaya pala ganun nalang ang reaksyon niya upon seeing my eagerness to know more about his dad. Hindi magiging madali ang pagkuha ng impormasyong kailangan ko kung ganyang may trust issues siya kaya dapat talaga ay makuha ko ang loob niya. Maybe I should consider having a relationship with him. In that way ay hindi siya magdududa sa akin. Ready na ba ako? Maybe? I don’t know. At first akala ko magiging madali lang but the way I see things parang hindi. I shook my head. Hindi pwedeng maging mahina. Kahit anong mangyari ay itutuloy ko ang plano. Masaktan na ang masasaktan.“We’re here!’ maingay na bungad ni KC sa akin pagpasok niya ng kwarto kaya napabangon ako. Kasunod naman ang dalawa na naka- shades pa at halatang mga kulang sa tulog.“ San ba kayo galing? Nauna pa akong nakauwi sa inyo” sita ko sa kanila.“ Well, doon kami natulog sa mansion nila Shayne! Grabe ang laki-laki at ang bonggang-bongga!” dagdag pa ni Trish na humilata na sa kama.“E ikaw ba kamusta? Malaki ba?” sabi ni Ava habang tinataas- baba ang kilay sabay ngisi sa akin.“Malaki ang alin?” tanong ko naman dahil hindi ko talaga alam ang pinagsasasabi niya.“Ay oo nga pala, sorry!” sabi niya na sinabayan ng nakakalokong tawa.“ Avaline!” inis na sigaw ko kaya natawa na rin ang dalawa.“Kasi naman Ava alam mo namang virgin na virgin pa itong si Blanca eh. Lilinawin mo kasi!” dagdag asar ni Trish na ikinalaki ng mata ko.“Mga walanghiya kayo!’ sigaw ko sakanila dahil may idea na ako kung ano ang ibig nilang sabihin.“So ano na nga? Malaki ba?” tanong ni Ava na nakatingin sa akin.“ Malay ko! Hindi ko naman nakita!” kibit-balikat kong sagot.“Ay ganun?! Sayang naman! So anong ginawa niyo? Nag jack en poy?” buska pa ni KC. Ang babaeng ito talaga bukod sa maingay na wala pang preno ang bibig.“Lasing ako kaya natulog lang ako!” depensa ko dahil yun naman ang totoo.“Palibhasa kayo mga polluted na ang utak kaya ganyan mag-isip!” “Akala ko pa naman naka first base na si lover boy!” ayaw padin talaga tumigil ng mga ito. Sabay-sabay tumawa ang tatlo kaya napailing nalang ako. Ako talaga ang alaga nilang asarin pagdating sa ganitong bagay. Ano nga bang magagawa ko? Kahit naman noon walang lalake na nakapukaw ng interes ko. May mga nanligaw pero wala talaga ako matipuhan lalo pa at mga kasamahan din namin ang mga ito sa organisasyon.Ang iba naman ay mga naging kaklase ko sa school pero wala talaga. Aaminin ko, tanging kay Marcus lang kumabog ang dibdib ko.‘Guys, seryoso na tayo.” basag ko sa pagtawa nila dahil ayaw ko na ang tumatakbo sa isip ko. Sumeryoso naman sila at sabay pang tumingin sa akin.“ I decided to have a relationship with Marcus.” sabi ko sakanila.“‘Yun naman ang plano hindi ba?” tanong ni Trish kaya tumango naman ako.“ May problema ba?” nakakaramdam namang tanong ni Ava.I sighed. At saka ko kinwento lahat ng nilahad sa akin ni Marcus kanina.“OMG! Kaya pala ganun siya, wala na siyang tiwala sa love.” sabi ni KC.“Nagda-dalawang isip ka?” baling sa akin ni Trish pero umiling ako. “Iyon naman pala, so anong problema?”“I feel sorry for him, guys. Kung sakali, ako ang pangalawang babae na gugustuhin niyang seryosohin pero sasaktan ko din siya in the end.” malungkot na pahayag ko.“ So ano? Itutuloy pa ba natin? Nasa sa’yo naman yan eh!” Trish asked.“No! Tuloy ang plano.” matigas na sabi ko sa kanila pero ewan ko. As if I’m not sure kung kakayanin ko nga bang saktan ni Marcus.“Okay! Edi walang problema!” sabi ni KC at nahiga nadin sa tabi ni Trish.“By the way, personal tayong naimbitahan sa birthday ng matandang Thompson sa makalawa.” sabi ni Ava na naupo sa sofa at nagkalikot nanaman ng laptop niya.“Gaganapin iyon sa mansyon kaya tamang-tama lang sa plano natin. Gagawa ako ng paraan para makapagmanman sa loob. At kung papalarin baka may mahanap akong ebidensya na mag-uugnay kay Simon Thompson sa nangyari sa pamilya mo.” mahabang paliwanag ni Trish.“Siguraduhin mo lang Blanca na hindi mawawala sa paningin mo si Marcus at si Simon. Hangga’t maari dikitan mo sila. Ako na ang bahala sa mga CCTV ng mansyon. I will also guide Trish kapag nakapasok na siya sa loob.” ani naman ni Ava.“Noted!” sabi ko nalang.Kung mapapatunayan ko na si Simon nga ang may pakana ng lahat, humanda siya. Hindi ko siya sasantuhin. Sa mga kamay ko siya malalagutan ng hininga, pinapangako ko.“What if wala naman talagang kasalanan si Simon?” Trish asked out of the blue.“Siya lang ang may dahilan para gawin ‘yon Trish. Walang kaaway ang mga magulang ko.” sagot ko sa tanong niya. “Siya rin ang nagpupumilit na bilhin ang lupa ni tatay.”“Okay sis. Pero mas mabuti na yung sigurado tayo. Hanggat hindi tayo nakakasiguro hindi mo siya pwedeng galawin.” paalala nila sa akin. “Nung araw ng launch may napansin ako kay Simon.” bigla kong naalala ang reaksyon niya ng ipakilala ako ni Shayne sa kanya at sinabi ko iyon sa mga kaibigan ko.“Sigurado ka bang hindi mo pa siya nakakaharap kahit noon?” Ava asked na napukaw din ang interes sa sinabi ko.“Hindi pa Ava. Naririnig ko lang ang pangalan niya noon na siyang bumibili ng mga lupa sa lugar namin. At tanging ang lupa nalang ni tatay ang hindi niya mabili.May pumupuntang mga tao para makipag-usap sa tatay pero tinatanggihan niya talaga ang mga ito.” napatango naman si Ava pagtapos ay nag-isip“Okay given na may kasalanan si Simon at maparusahan mo siya, how about Marcus? Anong plano mo sa kanya?” Ava asked that made me uncomfortable.“Yeah! Pano nga ba? I mean from the looks of it talagang iba ang tama sayo ng taong ‘yun. Nag-alala nga siya sa’yo nung mabaril ka. Hindi ka niya iniwan, alam mo ba ‘yun?” kwento pa ni Trish.Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko sa narinig ko. I can feel how he cares for me at aaminin ko natatakot ako. “Hindi niya ako deserve. Kung ganun man ang mangyari kailangan ko siyang iwan. Mas magiging masaya siya sa iba at hindi sa kagaya ko.” masakit man sa loob ko ay kailangan kong tapangan ang sarili ko para masabi ko ‘yon sa harap nila.“Paano naman kung matatanggap ka pala niya? Kung sakali Blanca, let him decide, I mean just to be fair sa kanya.” kontra naman ni Trish pero umiling ako. “That is the best thing to do. Let’s not argue about it.” I shut the topic kaya alam kong mananahimik na sila.“Isa pa ginagamit ko lang siya. Wala akong nararamdamang kahit ano.” I even looked at my friends and I can say na hindi sila kumbinsido sa sinabi ko. May nararamdaman na nga ba ako para sa kanya. Honestly, hindi ko din alam.I just wish matapos na ito sa lalong madaling panahon. Mas mabilis, mas mabuti. Ayokong lumalim ng husto ang nararamdaman ni Marcus para sa akin dahil baka hindi na siya makabangon sa oras na kailangan ko na siyang iwan.Guilty man ang ama niya o hindi ay hindi kami pwede. Hindi niya deserve ang isang babae na may bahid ng dugo ang mga kamay. Sabihin na nating malaki ang atraso ng mga taong napatay namin sa lipunan, pero alam kong hindi niya iyon matatanggap.Madilim ang nakaraan ko at hindi siya nababagay sa isang katulad ko. Sa iba, alam kong hindi sila sangayon sa ginagawa namin. Sasabihin nilang may batas na dapat magparusa sa mga nagkasala, pero minsan pati batas napapaikot nila. Nabibili ng makapangyarihan at mapera ang batas kaya nagkakaroon sila ng lakas ng loob na gumawa ng mali at mang-abuso ng kapwa. Kung inilagay man ng organisasyon sa kamay nila ang batas, yun ay dahil hindi na rin mapagkakatiwalaan ang sistema.Huminga ako ng malalim. Tama lang ang desisyon ko. Hindi kami para sa isa’t-isa ni Marcus. Kailangan ko lang siyang gamitin para matapos ko ang misyon ko. I smiled bitterly with a heavy heart.BlancaNaghuhumiyaw na karangyaan. ‘Yan ang masasabi ko sa lugar na dinatnan namin ngayong gabi. Hindi maipagkakaila ang yaman na tinatamasa ng mga Thompson na kahit siguro ang ikatlo o ikaapat na henerasyon sa pamilya ay hindi magugutom.Alas-otso na ng gabi ng makarating kami dito dahil gusto ko ay grand entrance ang mangyari sa pagdating ko. I made sure na mapapansin agad ako ng mga tao sa oras na itapak ko ang mga paa ko sa loob.This time pinili ko ang kulay pulang gown para isuot sa okasyong ito. Hindi pa naman patay ang taong may utang sa akin kaya hindi akma ang itim para dito. Tube ang upper part ng gown na may mga kumikinang na bato sa gilid forming an intricate design. Naka-expose ang balikat ko na makinis naman kaya hindi nakakahiyang i-flaunt pwera sa sugat ko nung nakaraang madaplisan ako ng bala na kinaya namang takpan ng concealer. Mahaba ito hanggang sakong kaya I chose to wear a three inch black sandals. May slit sa gilid showing half of my long and curvy legs.I
Blanca“Happy birthday po sir.” tumayo ako at pilit pinasigla ang tinig sa harapan ni Simon nang lumapit ito sa mesa kung saan ako naroroon.Ngumiti naman ito sa akin at nagpasalamat. Medyo kinilabutan lang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. My senses never fail me kaya alam ko na may kakaiba sa mga titig na iyon.Umalis saglit si Marcus para salubungin ang ilang kaibigan nito na kakarating lang kaya naman mag-isa lang ako nang lumapit ang matanda.“Salamat iha. Blanca dela Riva right? “ anito sabay upo sa upuang nakaharap sa akin. “Yes sir.” I politely answered.“By the way, are you somehow connected with the dela Riva’s of Davao? Or the dela Riva’s of Pamapanga?”‘I don’t think so sir, actually my mother is from Bicol. Hindi ko po nakilala ang father ko and wala pong binabanggit ang mama ko about him. And I respect that po.” sagot ko dito.“Oh I see. Sorry iha.” hinging paumanhin nito pero umiling naman ako.“Wala pong problema sir.”“May naalala lang kasi ako noong unang be
BlancaInisa-isa ko ang mga kuha ni Trish sa phone niya pag-uwi namin sa unit. Hindi ako makapaniwala! Ang mga nakuhanan ni Trish ay mga kopya ng titulo ng lupa ng aking ama. “Original copies ang mga iyan Blanca, may deed of sale din na naka-attach, pirmado ng tatay mo at ni Simon. At higit sa lahat notaryado .” paliwanag ni Trish.“So ibig sabihin nabili na pala ni Simon ang lupa niyo? I mean, in a legal way dahil may pirma niya ito. “ Ava concluded pero napailing ako“Hinding-hindi ibebenta ng tatay ko ang lupa sa kanila. Nasisiguro ko na may ginawa ang matandang iyon para mapapirma ang tatay ko.” alam ko sa puso ko na hinding-hindi ibebenta ni tatay ang lupa na minahal niya at pinagyaman buong buhay niya.Sinuri ko uli ang mga pictures hanggang sa may napansin ako. I zoomed the photo para lalo akong makasiguro.“Pinirmahan ito ng tatay ko sa mismong araw na pinaslang sila.” lumapit din si Trish saka tinignan ang bahagi ng picture na itinuro ko.“So?” tanong niya sa akin na wari n
BlancaSabog ang utak ko ng magising ako ngayong umaga sabayan pang mabigat ang katawan ko dahil sa puyat. Naalala ko ang nangyari kagabi sa building kung saan nakatago ang dalawang bihag.Matigas ang mga ito at ayaw magsalita hanggang sa takutin ni Trish na kukunin ang anak ng isa at ibibigay sa mga tauhan namin. Alam naman naming hindi ‘yun gagawin ni Trish kaya sinakyan nalang namin ang pananakot niya.Nabalot ng galit ang sistema ko ng mapagtanto ko kung sino ang mga ito. Para akong sinapian ng sampung demonyo at nawalan ako ng kontrol sa aking sarili. Literal na kulay pula na ang nakikita ko at ang tanging gusto ko ay gilitan ang mga ito.“Hayop ka!” Demonyo ka!” patuloy na hiyaw ng isang lalaki ng kunwari ay iutos ni Trish kina Damian na kidnapin ang sinasabing anak nitong babae habng ang isa ay tila nalulon ang dila at tahimik lang na nakayuko.“Madali akong kausap! Sabihin mo ang kailangan ko, hindi mapapahamak ang anak mo!” ulit ni Trish. “Masyado mong pinoprotektahan ang am
BlancaIsinama ako ni Marcus sa penthouse niya pagkagaling namin sa Tagaytay. Namasyal muna kami at doon na rin kumain ng tanghalian. Isa sa specialty ng lugar ang bulalo at hindi namin iyon pinalagpas ni Marcus. Pansamantalang nawala ang mga iniisip ko ngayong araw na ito. Masasabi kong iba ang nagagawa ng presensya ni Marcus sa akin. He can make me feel calm and relaxed. Pinag-isipan ko din ang mga sinabi niya at hindi ko maiwasang mangamba. Natatakot ako. Ayokong ipakita sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam ko na walang pupuntahan ang relasyon na bubuuin namin. Kailangan ko siya para sa misyon ko pero hindi ko inaasahang mahuhulog ako . Oo tama, alam ko sa sarili ko na may pagtingin na ako sa kanya pero one way or another, I will definitely hurt him. Ako ang papatay sa ama niya pag napatunayang siya ang utak sa lahat ng naganap sa pamilya ko. Natitiyak kong isusumpa ako ni Marcus pag nangyari yun.He changed just because of me. Kaya paano na lang siya pag dumating ang araw n
BlancaNakatanaw ako sa malawak at maliwanag na ilaw ng siyudad. Kalat na ang dilim sa langit ngunit hindi nagpatalo ang liwanag na nagsisimulang kumalat sa buong lugar na hatid ng ilaw ng mga gusali sa buong Maynila, idagdag pa ang ilang bituin sa langit. Tumingala ako at hinanap ang tatlong bituin na magkakatabi. Noon kasi pag naaalala ko ang pamilya ko ay iniisip ko na sila ang mga bituin na iyon. Na palagi lang silang nandyan para bantayan ako.Agad kong nakita ang tatlong bituin kaya naman napangiti ako.‘mahal na mahal ko po kayo, konting tiis nalang, magbabayad na ang mga may utang sa atin’Nilingon ko ang pinto mula sa terrace dahil nasa loob si Marcus at pinuntahan ang pagkaing inorder niya. Gusto niyang mag dinner muna kami bago niya ako ihatid kaya hinayaan ko na lang.I kept on thinking kung ano ba ang dapat kong gawin sa amin ni Marcus. Habang tumatagal ay nahihirapan ako at aaminin ko na nasasaktan ako sa mga posibleng mangyari.I will be his father’s enemy and I will
BlancaNakatingin sa akin si Ava as if she is reading me. Naabutan ko siya sa sala ng umagang ihatid ako ni Marcus sa condo unit na tinutuluyan namin.“Spill it Ava!” naiinis na sabi ko dito dahil alam ko na may gusto siyang sabihin sa akin.“Nakapasok ka na talaga sa buhay ni Marcus.” she arched her eyebrows at saka humigop ng kape. “That’s the plan, right?” paalala ko sa kanya. Hindi ko alam kung aaminin ko ba sa grupo ang tungkol sa totoong nararamdaman ko para kay Marcus dahil alam ko na kokontra sila.“Are you ready for the consequences?” alam ko na nararamdaman ni Ava na may tinatago ako. Among the group she is the keenest and most of all, magaling siyang bumasa ng tao.“What do you mean?” patay malisya ko sagot sa kanya.“Don’t play dumb with me, Blanca!” she sarcastically answered as if she’s disgusted with my question. “ Kitang-kita naman sa mga mata mo Blanca. Kilala kita, ‘wag na tayo maglokohan!”I sighed.“ Gusto ko lang maging masaya, Ava, habang pwede. Bawal na ba yu
MarcusI am fuming mad habang minamaneho ko ang sasakyan ko papunta sa Thompson mansion. I just heard sa mayordoma namin na dumating na si Shayne at nalaman ko din na nandoon pala ang babaeng kagabi ko pa hindi mahagilap.I was busy the whole day sa office but I made it a point to send her messages just to check on her. Nagrereply pa siya not until evening came at hindi ko na rin siya makontak.I was worried kaya naman agad kong pinuntahan ang unit niya pero wala din ito at umalis daw kasama ang tatlong kaibigan niya. I couldn’t call her friends just to make sure dahil wala naman akong contact sa mga ito.Habang tumatagal na hindi ko alam kung nasaan siya ay lalo ako kinakabahan. I tried to look for her at some bars and clubs pero hindi ko talaga siya mahanap. I don’t trust her when she’s drunk. She seem to do stupid things at baka ikapahamak pa niya ito kaya lalo akong nag-alala.I was afraid that she might have changed her mind and is now running away from me. Hindi ko yata matatan
Mitchell Blake ThompsonIt is Dad’s birthday at nandito kami ngayon sa isa sa mga hotel namin for the celebration. I am now handling the business together with my brother Martin since kaming dalawa ang nahilig sa ganitong larangan.Actually, I wanted to be a Scientist when I was young, but growing up I realized that being the first born I have to inherit the business. I have to continue my Dad’s legacy and at the same time take care of the family.“Happy birthday Dad!” bati ko as my Dad entered the hall with my beautiful Mom.Even at their age they still look good together and are still in love with each other.“Hi Mom! You look gorgeous, as always!” I kissed my Mom and hugged her. I miss her, especially her cooking kaya naman twing umuuwi ako ng Mansion ay palagi akong nagbibilin para makapag uwi ako ng pagkain pagbalik ko sa penthouse.We grew up with her cooking and she is the best!“Thank you iho!” sabi naman nila sa akin. We went inside kung saan nandoon ang mga taong mahalaga
RiaMabilis na umikot ang panahon at masasabi ko na ang buhay may asawa at pamilya ay hindi naging madali para sa amin ni Marcus.Marami kaming pagsubok na pinagdaanan pero lahat iyon nakaya namin dahil hindi namin binitawan ang kamay ng isa’t isa.Linggo ngayon at gaya ng nakasanayan namin, araw ito ng pamilya. Mamaya lang iingay na ang paligid sa pagdating ng mga anak namin.Nakaayos na ang mesa sa labas ng pool. Kakatapos lang mag-ihaw ng kasambahay ng barbeque dahil iyon ang request ng panganay kong si Mitchell. He is already 28 years old at siya na ang nagma manage ng TGC pagkatapos ng training niya with his Dad. Gusto na rin daw kasing mag retire ni Marcus at mag enjoy nalang sa buhay kasama ako since malalaki na daw ang mga anak namin.Marcus also trained Martin and at the age of 25 ay katuwang na ito ng kuya Mitchell niya sa kumpanya.Hindi naman linya ni Mason ang business and we just let him be. Kung ano ang gusto ng mga anak namin ay susuporthan namin. He is already working
MarcusI was pacing back and forth sa harap ng operating room kung saan ipinasok si Ria. She is already scheduled for a Caesarian Section this day dahil ayon sa doctor, baka mahirapan daw siya if we would wait for a normal delivery.“For God’s sake, Marcus, sit down! Kanina pa ako nahihilo sayo!” sita naman sa akin ni AvaKasama ko si Nanay Dang ng dalhin ko sa ospital si Ria. On our way tinawagan ko ang mga kaibigan niya at agad naman silang dumating.Nagkataon kasi na nasa labas sila ng mansion at may inasikaso sa site. Hindi ko naman na hinayaang sumama si Mama Sandra dahil na rin sa kundisyon niya.My family grew instantly sa pagdating nila and I really don’t mind at all. The mansion is too big at mas napapanatag ako pag alam kong may nakakasama ang mag-iina ko.Idagdag pa si Tatay Teban, si Nanay Dang at si Arthur, na nagsisimula na ding mag-aral at abutin ang pangarap niya. Tatay Teban worked diligently sa greenhouse and I can say na malaki ang naitulong ng kaalaman niya kaya l
RiaHindi na ako makapaghintay na makita uli ang pamilya ko lalong lalo na ang kambal. Sobrang miss na miss ko na sila. Cleared naman na daw ako sabi ng doctor at pwede na akong bumyahe kaya naman kinausap ng asawa ko si Tatay at Nanay. Napagpasyahan nila na bukas na sumunod sa Maynila dahil aayusin pa nila ang ibang gamit na maiiwan nila. Tinawagan na ni Marcus si Joseph para bigyan ng instructions kung saan susunduin sila Tatay at Nanay.“Mag-iingat kayo ha!” bilin ni Nanay sa amin ng palabas na kami sa kwarto. May helipad naman ang ospital kaya dito na kami susunduin ng chopper“Hihintayin ko kayo Nay, Tay. Darating po bukas si Joseph para sunduin kayo ha!” naisip ko kasi na baka magbago ang isip nila“Darating kami, anak!” pagtitiyak naman sa akin ni TataySabay sabay na kaming sumakay sa chopper. Napahinga ako ng malalim habang hawak ang kamay ni Marcus. Ilang saglit nalang makikita ko na sila.“Are you okay? Hindi ka nahihilo?” may pag-aalala sa tinig ni Marcus pero agad k
RiaNakaupo ako sa labas ng bahay ng hapon na iyon. Kakatapos lang namin magluto ni Nanay at namahinga muna kami bago mag tanghalian.Hinihimas ko ang tiyan ko. Sabi ni nanay, malaki daw ito pero hindi naman masabi kung ilang buwan na nga ba.Iniisip ko na sana magbalik na ang alaala ko dahil nung mga nakaraan ay panay ang pagsingit ng mga mumunting alaala sa isipan ko. Hindi nga lang ito malinaw pero umaasa ako na sana maging maayos na din ang lahat.Patayo na sana ako ng matanaw ko si Arthur na paakyat sa daang ginawa ni Tatay Teban.“Nay! Tay! Umuwi na po si Arthur!” masayang tawag ko “Ano ba kamo?” sabi ni Tatay na lumabas na din mula sa kubo“Si Arthur po paparating. At may mga kasama po siya!” ulit ko ditoLumabas na din si Nanay at tinanaw ang daan.“Aba’y oo nga! Batang yan! Bakit biglang umuwi e Martes palang naman ngayon?” may pagtataka sa tinig ni nanayNg makalapit na sila ay naagaw ang pansin ko sa lalaking nasa likod ni Arthur. Nagulat ako sa biglang pagtibok ng puso k
MarcusIsang buwan na at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kung nasaan ni Ria. Pati ang organisasyon na kinabibilangan niya dati at hindi matukoy kung nasaan siya.Halos mapatay ko si Floyd ng mahuli siya nila Zues pagkatapos ng ginawa niyang pagtatangka sa buhay ng mag-iins ko. Tahimik lang niyang tinanggap ang lahat ng suntok at mura ko sa kanya. Wala din siyang idea kung nasaan si Ria dahil nanlaban daw ito at natakasan siya.We could not track her dahil ipinasa niya pala kay Maegan ang tracker na ibinigay ni Ava sa kanya.Halos manlumo ako ng makita ko ang nasusunog na bahay. I first thought that my kids ang Ria is inside. Pinigilan lang ako ni Zues at ng mga kaibigan ko na pasukin ang bahay dahil baka pati ako mapahamak.Napaupo na lang ako at napaiyak sa maaring sinapit ng mag iina ko. Not until Ava said that may nasasagap siyang signal sa tracker ni Ria.Agad namin iyon sinundan at nakita ko na nagtatago sa likod ng isang batong malaki ang kambal. Mitchell was hugging he
Ria“Naku iha! Lumalaki na ang tiyan mo!” masayang sabi ni Nanay Dang habang nasa kusina kami at naghahanda ng tanghalian. Mamaya lang ay uuwi na si Tatay Teban galing sa taniman niya. “Oo nga po Nanay.” sabi ko habang hinihimas ko ang tiyan ko. Isang buwan na din ako dito sa kanila pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala tungkol sa pagkatao ko.“Sa isang linggo, sasamahan ka namin ng Tatay mo sa center. Kailangan mo din magpa-check up para makasiguro tayong malusog ang baby mo.” pahayag ni Nanay“E nanay, paano po pag tinanong po ako doon? Ano po ang isasagot ko? Baka po mamaya, may makakita sa akin doon?” medyo takot na sabi ko. Naisip ko kasi na siguro nga ay nasa peligro ang buhay ko noon kaya ako napadpad sa lugar na ito.“Yun lang! Pero kasi dapat talaga mapatignan ka! Para naman din sa kalusugan niyo ng anak mo.” paliwanag niya“ Cge po Nay. Sasamahan niyo naman po ako, hindi ba?”“Aba’y oo naman! Magagawa ba kitang pabayaan?” sagot naman ni Nanay kaya kahit papano
RiaPilit akong inilayo sa mga anak ko at sapilitang inilabas ng bahay ng mga lalaki.“Maawa ka sa mga anak ko!” pakiusap ko sa kanya. “Ako nalang ang patayin mo please, huwag sila, mga bata lang sila!” “Don’t worry! Darating din tayo diyan! Sa ngayon, manunuod muna tayo ng isang magandang palabas!” anito at saka inutusan ang tatlong tauhan niya“Simulan niyo na!” “No! No!” sigaw ko habang binubuhusan nila ng gasolina ang buong bahayTawa naman ng tawa ang lalaki na akala mo baliw. Nagpatuloy ako sa pag iyak at pagmamakaawa pero nanatili siyang bingi sa pakiusap ko.Nagsimula ng sindihan ng mga lalaki ang bahay at wala akong magawa kundi ang panoorin ito habang unti unting nilalamon ng apoy ang bahay.Hindi nagtagal ay biglang bumulagta ang tatlong lalakeng kasama ng taong may hawak sa akin. Alam kong nasa paligid na sila Ava!“Niloko mo ko!” sigaw nito sa akin at saka ako binigyan ng malakas na sampal. Natumba ako pero agad kong niyakap ng kamay ko ang tiyan ko para maprotektaha
RiaBigla akong bumalikwas ng bangon pagdilat ng mga mata ko. I was hoping it was just a nightmare pero ng makita ko ang mga tao sa kwarto ay naisip ko na hindi ito panaginip lang.Nasa tabi ko si Mama Sandra and she is holding my hand. Maybe she used the elevator para makaakyat siya aa kwarto ni Maegan“Mama.” I started to cry ng maisio ko ang nangyari kanina lang“Kumikilos na ang organisasyon iha. Mahahanap natin ang mga apo ko, pinapangako ko yan!” mariin ang tinig ni Mama at alam ko na galit din ito sa mga nagaganapPumasok naman si Marcus na may kausap sa telepono at ng magtama ang paningin namin at nagpaalam naman siya dito.“Baby how are you feeling? Wala bang masakit sayo?” tanong niya but I just shook my head“Ano ang silbi ng mga security mo dito, Ace? Bakit nakapasok ang mga taong yun sa bakuran mo?” may sumbat ang tinig ko at agad naman akong sinaway ni Mama habang nanatiling tahimik si Marcus.“Anak, wala namang may gusto sa nangyari. Ang kailangan natin ngayon ay magtu