Share

Chapter 6

Xavier

Maaga akong umuwi ngayon after my meetings kaya naman hindi muna ako pumunta sa bar kung saan kami nagpupunta ng mga kaibigan ko.

Saturday night ngayon and it’s our time para makapagbonding pero suddenly I had this urge to go home early.

Nag-take out ako ng pizza sa isang sikat na pizza parlor at ang dahilan? Hindi ko alam! Halos murahin ko na nga ang sarili ko dahil sa mga ginagawa ko lately.

After that kiss, parang unti-unti ng nagigiba ang pader na iniharang ko sa pagitan namin ni Maxine at hindi ko iyon nagugustuhan.

Last night paglabas ko ng kusina ay nakita ko siyang kumakain ng sandwhich. Kung dati ay nakakaya ko siyang hindi pansinin, ngayon naman ay ako pa ang lumalapit sa kanya.

I even ate her sandwhich and I saw how uncomfortable she is with me being there. Maybe kasi nasanay na siya na hindi ko siya kinakausap kaya naninibago siya.

Naisipan kong bumili ng pizza just in case magutom siya mamaya. Pwede naman naming kainin iyon ng sabay. 

‘s**t Xavier pinapahirapan mo ang sarili mo’ sigaw ng utak ko 

I immediately parked my car at the garage dahil excited na akong makita si Maxine. Nandito ang kotse niya so I guess nakauwi na din ito.

Agad naman akong sinalubong ng kasambahay and I handed her the pizza bago ako tumakbo paakyat sa pangalawang palapag ng mansion kung saan nandun ang mga kwarto namin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa pinto ng kwarto ni Maxine.

“Max?” tawag ko dito pero wala namang sumasagot

I knocked at again pero nahinto ako nang marinig ko ang mga yabag sa hagdan. It was Manang Helen na dala ang mga damit ni Max.

“Anong ginagawa mo dyan?” tanong nito sa akin na may halong pagtataka

“Tatawagin ko lang si Maxine. May pizza po kasi akong uwi.” nakangiting sagot ko dito kaya lalong kumunot ang noo ni Manang. 

Siguro kasi aware din siya sa cold treatment ko kay Max.

“Wala siya diyan.” binuksan ni Manang ang pinto ni Max at saka siya pumasok saka sinimulang ayusin ang dala niyang damit sa walk-in closet ng dalaga 

Napatingin tuloy ako sa relo ko and it’s already eight in the evening. Bakit wala pa siya?

“Umalis po ba siya? Nakita ko po kasi yung kotse niya sa garahe

“Hindi niya dinala at nagpahatid na lang siya kanina.” sagot ni Manang habang papalabas siya sa closet ni Max

“May lakad daw sila ngayon at doon matutulog sa bahay nila Astra. May pajama party ba yun?” tila hindi siguradong saad nito

“Nagpaalam po ba sa inyo?” nagsisimula na akong mainis dahil sa narinig ko mula kay Manang

Nag-effort akong umuwi ng maaga at bilhan siya ng pizza pero nakuha pa pala niyang pumarty? 

‘e bakit? Alam ba niya na’ 

Hindi ko na pinansin ang sinasabi ng utak ko at agad akong nagbukas ng social media account ko para matawagan si Jeric, ang kaibigan namin na detective.

“Oo! Nagpapaalam naman lagi yun kapag umaalis. Ipaghahain na ba kita ng dinner?”  tanong niya pero wala na sa dinner ang focus ko

“Mamaya napo manang.” tanggi ko dito kaya naman lumabas na siya sa kwarto 

“What’s up, asshole!” narinig kong sagot ni Jeric sa kabilang linya kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa

“Alam mo ba kung saan ang bahay ni Congressman Napoleon Tejada?” 

“What? Bakit? May atraso ba sayo?” Alam kong natatawa siya sa klase ng pagtatanong ko kaya tinaasan ko na ito ng boses

“Just look for it, f****r!”

“Okay! Okay! Relax bro! Masyado ka namang mainit! I’ll just send it to you!” pinutol na ni Jeric ang linya kaya naman napapikit ako

Hindi ko alam pero kailangan kong maiuwi dito si Maxine! Who knows kung totoong pajama party ang ginagawa nila? Baka mamaya umiinom na naman ito and worse may kasamang lalake!

Nagawa kong ilibot ang paningin ko sa kwarto ni Maxine. Nilapitan ko ang mga picture frames niya na naka-display at isa-isang tinignan iyon.

D**n! She is really beautiful! I can’t help but stare at those beautiful blue eyes! Nahaplos ko pa ito habang naaalala ko kung paano ko inangkin ang mga labi niya.

Ibinalik ko ang picture niya nang tumunog ang phone ko. Napangisi ako dahil sinend na sa akin ni Jeric ang adress na kailangan ko.

Agad na akong lumabas ng mansion and it took me two hours para makarating doon. Malayo ito at naipit pa ako sa traffic.

Pagbaba ko ng kotse ay nadinig ko na agad ang hiyawan at malakas na tugtog na nagmumula sa bakuran ng bahay na pakay ko.

Nakaramdam agad ako ng galit! Kelan pa naging ganito ka-ingay ang pajama party?

Pinapasok naman ako ng guard ng walang tanong-tanong kaya agad akong nagpunta sa bahagi ng bahay kung saan nandoon ang malakas na tugtog.

Natanaw ko ang mga kabataang nagsasayawan habang naka-trunks or shorts ang mga lalake habang naka-bikini naman ang mga babae.

I swear gusto ko ng magwala right now habang hinahanap ko si Maxine unti I saw her standing by the poolside.

Nakahawak siya sa balikat ng isang lalake habang nakahawak sa bewang niya ang lalake. I saw how he held Max’s chin at iharap ang mukha nito sa kanya kaya lalong nag-init ang ulo ko.

No one dares to touch what’s mine!

Agad akong lumapit sa kanila at hinila si Maxine palayo sa lalakeng ito. He looks familiar pero wala na akong panahon para kilalanin pa ito.

“Kuya?” ayan na naman ang salitang nagpapainit ng ulo ko!

“Pare, wala akong ginagawang masama kay Max.” paliwanag naman ng lalaking ito matapos ko siyang sigawan na huwag hawakan si Maxine

“Hindi tayo magkumpare!” yun nalang ang naisagot ko dahil nagpipigil akong  masapak ang lalaking ito

Pumalag naman si Maxine sa hawak ko and she was obviously pissed off. Pinagbibihis ko na siya pero tumanggi siya at nagmatigas.

“Huwag mong hintayin na kaladkarin kita palabas dito, Max!” banta ko sa kanya at nakita ko that she was alarmed

“Kuya please huwag mo naman akong ipahiya.” pakiusap niya kaya alam ko na natatakot siya sa akin 

“Sa itsura mo ba hindi ka nahihiya? You’re almost naked!” gigil na bulong ko sa kanya

“Bitawan mo na ako! Magbibihis na ako.” sagot niya sa akin na halata ang takot sa mga mata niya

Binitiwan ko na si Maxine at hinintay na siyang makapagbihis. Nakatingin lang naman sa akin ang lalakeng kasama niya kanina.

Kulang isang oras yata bago lumabas si Max at kahit inip na inip na ako ay hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Mahirap na at baka matakasan pa niya ako.

“I’m done!” 

“Finally!” sagot ko naman dito at bago ako umalis ay tinitigan ko pa ulit ang lalaki. Tatandaan ko ang pagmumukhang yan! 

Nagpaalam na si Max sa mga kaibigan niya bago kami lumabas ng bahay na iyon. Hindi na nga niya inantay na pagbuksan ko siya ng pinto. Pumasok na siya agad nung mabuksan ko na ito.

“Ganyan ba talaga kayong mga babae? Magbibihis lang aabutin ng isang oras?” hindi naman siya sumagot sa akin at ibinaling na lang ang tingin niya sa bintana

“Ano galit ka sa akin dahil sinundo kita?” 

Tiningnan ako ni Max at inirapan niya ako. I guess lumalabas na ang ugali niyang palaban pero hindi siya uubra sa akin.

“Umaalis ka ng bahay ng hindi nagpapaalam? Wala lang sila Tita nagkakaganyan ka na!” 

“FYI Kuya, Mom knew na aalis ako ngayon. Nagpaalam din naman ako kay Manang!” medyo malakas na ang boses ni Max kaya alam ko na galit ito

“Sa kanila nagpaalam ka? Sa akin hindi? Sino ba ang kasama mo sa bahay ngayon?” hindi ko na din napigil ang pagtaas ng boses ko dahil narinig ko na naman ang salitang kinaiinisan ko

Hindi na nagsalita si Max at ibinaling na muli ang tingin sa bintana. Tahimik kami hanggang makarating kami sa mansion. Agad na siyang lumabas ng kotse at iniwan na ako.

Napahinga na lang ako ng malalim. Ano ba tong ginagawa ko?

Pumasok na ako sa loob ng mansion at dumiretso ako sa kwarto ko. I took a shower dahil nag-iinit na naman ang pakiramdam ko the moment I saw Max with that f*****g two piece bikini!

Pagkatapos kong maligo ay dumeretso na ako sa kusina dahil naalala ko yung pizza na binili ko. Hindi pa nga pala ako nakakapag dinner dahil sa pag-alis ko kanina.

Naalala ko si Max kaya naisipan ko naman siyang tawagin habang iniinit ko ang pizza sa microwave.

“Max?” tawag ko dito habang kumakatok ako. I just wish hindi pa siya natutulog.

“Max?” tawag ko ulit at medyo nagulat pa ako ng bumukas ang pinto

“What?!” nakataas ang kilay na sabi ni Max

Tumikhim muna ako bago ako magsalita. S**t! She looks even prettier kapag ganitong nakataas ang kilay niya. 

“Patirikin ko ang mata mo dyan eh!” mahinang bulong ko 

“What?” tanong niya kaya agad akong umiling

“Wala! Ang sabi ko may pizza akong binili kanina. Kainin natin kasi bukas hindi na masarap yun.”

Nanatili lang na nakatitig sa akin Max and God knows how much I want to kiss her right now.

“Anong flavor?” tanong niya sa akin at kahit gusto kong ngumiti ay pinigilan ko ito

“Meat overload.” 

I saw a spark in Max’s eyes. Alam ko naman kasi na favorite flavor niya ito. 

“Susunod ako Kuya!” sabi nito sabay talikod at sara ng pinto

“Okay na sana eh! May kuya pa talaga!” napapailing nalang na sabi ko

Nagtimpla ako ng dalawang mug ng coffee. Black coffee for me at may creamer naman kay Max. I feel excited na gusto kong murahin ang sarili ko dahil para akong teenager na kinikilig.

Hindi naman nagtagal ay dumating na si Maxine. Agad siyang naupo kaya naman inilabas ko na ang pizza sa microwave.

“Let’s eat!” I used my authoritative voice bago ako dumampot ng pizza

Sumunod naman si Max and she ate silently.

“I’m sorry! I just want to protect you!” nakita kong natigilan si Max sa sinabi ko and she just stared at me before asking me a question

“Why?” 

“Anong why?” 

“Bakit mo ako kailangang protektahan? Hindi ba galit ka sa akin? Eversince I came here, you hated me! So anong point na kailangan mo akong protektahan?”

I wanted to answer her so bad? Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya. I want to tell her how much I want to be with her. 

Pero dahil hindi pwede, kailangan kong lumayo sa kanya. Kailangan kong ipakita na galit ako sa kanya. 

That is my way to protect myself but now, ako mismo ang sumisira sa pundasyon ng harang na binuo ko sa loob ng dalawang taon.

“Your mom asked me to look after you! Kung may mangyari sayo habang wala sila, ako ang malilintikan kay Dad.” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status