Share

Chapter 5

Maxine

“Let’s party!” 

Malakas na hiyawan ang pumuno sa bakuran nila Astra nung gabing yun. I didn’t expect na maraming invited sa pool party na sinasabi niya. Akala ko kami lang na magkakaibigan but instead, she invited our classmates and some of her friends too.

Maraming foods and drinks para sa lahat at napupuno ang buong lugar ng malakas tugtog kaya feeling ko tuloy nasa bar kami.

Galing din sa mayamang angkan si Astra. Her dad is a businessman and congressman kaya naman sunod sa layaw ang babaeng ito. 

Bunso siya and her siblings already have their own family kaya naman nag-iisa na lang siya dito sa bahay nila together with her parents.

“Akala ko ba tayo lang?” hindi ko mapigilang hindi itanong kay Astra ang bagay na iyon ng lumapit siya sa mesa namin 

Natawa naman si Astra sa tanong ko while she was sipping her drinks.

“Ano ka ba Max! Ano? Pool party tapos apat lang tayo? Ang boring kaya nun?” katwiran nito sa akin 

Of course hindi naman ako pwedeng magreklamo since party niya to.

“Sana pala tinawagan natin sila Hugh!” dagdag ko pa pero hindi gusto ni Astra ang idea ko

“Hay nako girl! Paano ka makakahanap ng love interest kung nandayn ang mga yun? Alam mo namang balak kang gawing old maid ng mga bro mo, aayain mo pa?” katwiran ni Astra kaya natawa naman si Yumi at Marie

“Grabe ka talaga Astra!” balik ko sa kanya pero tinirikan niya lang ako ng mata pero agad naman siyang ngumiti pagkakita niya kay Emman

“Babe kanina pa kita hinahanap!” Emman snaked her arms at Astra’s waist at ang gaga naman ay kilig na kilig

“Max, kanina ka pa sinisipat nung kaibigan ko. Would you mind if ipakilala kita?” tanong naman ni Emman sa akin pero ang atribidang si Yumi na ang sumagot

“Of course she won’t, Emman! Go na! Tawagin mo na yung friend mo!” utos niya kay Emman kaya naman umalis muna ito sa harap namin

“Yumi?!” inis na sita ko dito. 

Well wala naman problema kung makikipagkilala lang whatsoever but knowing na kaibigan ito ni Emman? I’m sure he is just like his friend, a playboy.

It’s a good thing na hindi pa rin sila nagkakahiwalay ni Astra knowing Emman’s reputation. Sana nga napabago na ito ng kaibigan ko para happy ending sila. Fingers crossed!

“Maxine, this is Sig. Sig this is our friend, Maxine Roberts.” hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Emman with his friend dahil sa pag-iisip ko

“Sigfried Arevalo, Sig for short.” Inabot niya ang kamay niya for  a shake at tinanggap ko naman yon.

“Maxine Roberts, but you can just call me Max.” I politely answered too

Mukha namang mabait si Sig. Moreno siya pero makinis. May itsura sa unang tingin pero pag tinitigan mo naman, nagiging gwapo siya, in fairness.

Clean cut hair, medyo singkit na mata, matangos na ilong and red lips. Actually pwede siyang mag-artista or model.

Nawala naman sa tabi ko ang mga kaibigan ko at naiwan kami ni Sig sa mesa. Magaan naman siyang kausap at palabiro pa.

“So, after graduation anong plano mo?” Sig asked me and surprisingly na-eenjoy ko naman ang company niya.

Usually kasi kapag first time kong nakilala medyo naiilang pa ako at hindi ako ganito ka comfortable.

He is from a well-off family but I can sense his humility. Hindi nga niya masyadong dinadala sa usapan namin ang pamilya niya, although I heard from Emman earlier that he is the son of a business tycoon.

“Work agad! I need to dahil I promised my stepdad to help in his company.” sagot ko sa tanong niya

“The Monteverde Group of Companies?” 

napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Gaano na ba karami ang alam niya tungkol sa akin?

“Paano mo nalaman?” I asked him just for me to know

“Well, I did a little research. And Xyrus is my batchmate and friend na din actually.” sagot naman niya sa akin kaya tinitigan ko siya ulit. Halos lahat kasi ng kaibigan ni Kuya Xy kilala ko

“Sorry, Hindi kasi kita nakikita sa mga pa-party ni Kuya Xy. Lahat kasi halos ng friends niya kilala ko”

“Matagal kasi akong na-destino sa Cebu. Dun ako pinadala ng Daddy ko.” kwento naman niya sa akin kaya napatango na lang ako. Kaya naman pala!

“Teka nga, paano mo pala naging kaibigan si Emman?” 

“Kaibigan?” nagtataka namang tanong ni Sig

“Yeah! Sabi niya eh! Bakit?” 

“That asshole!” napailing pa si Sig bago siya sumagot sa akin

“Actually, Emman is my cousin. Gaya ng sabi ko kakabalik ko lang from Cebu after five years. Dinalaw ko siya since I’m bored tapos sinama na nga niya ako dito.” mahabang paliwanag nito

“Sira- ulo din yang pinsan mo eh no?” napapailing na lang ako sa kalokohan ni Emman

“Sinabi mo pa!” he agreed saka siya nakipa-cheers sa akin

Surprisingly, na-enjoy ko naman ang company ni Sig. As I’ve said, down to earth siyang tao based on my observation. 

We were just enjoying each other’s company at tawa lang din ako ng tawa sa mga hirit niya.

“You wanna swim?” he asked me all of a sudden at sa palagay ko gusto ko yun since mainit na ang pakiramdam ko

Alam ko naman na medyo madami na akong nainom pero kayang-kaya pa naman. 

“Sure Sig! Tara!” tumayo ako agad at siguro dahil sa biglang paggalaw ko ay para akong matutumba. 

“Are you okay?” sabi naman ni Sig na mabilis namang umalalay sa akin

“Okay lang!” Nakabawi naman ako and I tried to compose my self

“Sorry ha! Matutumba ka kasi kaya napilitan akong hawakan ka. Baka kasi ma-awkward ka since unang beses pa lang natin nagkakilala

He is really gentleman sa palagay ko dahil sa katwiran niya.

“Okay lang Sig! No harm done! Swimming na tayo!” 

Tumango naman si Sig saka niya inalis sa harapan ko ang shirt niya and wow lang sa katawan ang taong ito! No doubt he takes care of his body kaya naman nasa right places ang mga muscles niya.

Tinanggal ko din ang robe ko at wala naman akong naramdamang hiya. Why should I? Kung palaban ako pag normal, mas palaban siguro ako ngayong nakainom.

Isa pa, I think I have the body naman! Sabi nga nila, if you have it, flaunt it! 

Napatingin naman ako kay Sig na natulala na ata sa harap ko. Nginisihan ko ito saka ko tinapik sa braso.

“Huy! Ako lang to!” yugyog ko sa kanya at doon naman siya tila natauhan

“Sorry! Wow! I mean, your body is great, Max!” sabi nito sa akin 

“Weh!? Hindi ba ako masyadong payat?” naalala ko yung sinabi sa akin ni Kuya Xav kaya minabuti ko ng kuhain ang opinyon niya

“Nah! You’re body is perfect! Well siguro depende sa tumitingin but for me, you are just perfect!” mukhang sincere naman si Sig sa sinabi niya kaya nagkibit-balikat na lang ako

Pumunta na kami sa pool and we enjoyed the water. Maharot din siya at parang bata kaya naman sinakyan ko din ang trip niya.

Nang mapagod na kami ay naupo muna kami sa may poolside. Hinayaan ko na nasa tubig ang paa ko while Sig excused himself at kumuha uli ng drinks namin.

“Kaya mo pa ba?” tanong niya pa sa akin bago iabot ang baso

“Kayang-kaya pa no!” sagot ko naman sa kanya 

“Max…” napatingin ako kay Sig ng tawagin niya ako ang I saw kung paano niya ako tignan. Bigla naman akong naconscious sa paraan ng pagtitig niya pero nagkunwari na lang ako na hindi ko napansin

“Yeah?” sagot ko pero ibinaling ko muli sa pool ang tingin ko

Tumikhim pa siya at saka siya bahagyang lumapit sa akin but still may distansya pa rin.

“Can we see each other again after this night?” napalingon ako kay Sig pero wala naman akong naramdamang kakaiba

But still the same pumayag naman ako. Wala naman sigurong masama dun. 

“Sure Sig! Why not!” I saw how Sig smiled and I smiled at him too

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan  tungkol sa mga buhay namin. Nalaman ko na dito na siya ulit sa Manila mamamalagi para ihandle ang negosyo nila na dito naka base.

Napatingin ako sa paligid ng maghiyawan ang mga bisita ni Astra. Nasa isang side sila ng garden at nagsasawayan. Nilingon ko si Sig na nakatingin sa akin kaya naman inaya ko siyang maki-join.

“Max, I don’t dance!” sabi niya pero wala siyang nagawa kundi tumayo at sumunod sa akin

We just stayed at the poolside habang sinasabayan ang maharot na tugtog. At totoo nga ang sinabi niya, he is not a dancer kaya tawa na lang kami ng tawa.

Bigla na naman akong nakaramdam ng hilo kaya wala akong choice kundi kumapit sa balikat niya.

“You good?” tanong niya sabay hawak sa bewang ko para alalayan ako

Alanganin akong tumango pero talagang hilo na ako. Naramdaman ko naman na itinaas ni Sig ang mukha ko using his fingers in my chin

“Sure ka?” tanong pa niya pero pakiramdam ko umalog ang ulo ko ng biglang may humablot sa akin

“Don’t f*****g touch her!” parang kulog ang boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali kaya agad ko itong nilingon.

“Kuya?”

 What on earth is he doing here?

“Pare, wala akong masamang ginagawa kay Max.” Sig said na nagtangka pa akong lapitan

“Hindi tayo magkumpare!” matapang na sagot ni Kuya Xav kaya naman nakaramdam na ako ng inis. Ipapahiya na naman ba ako ni Kuya gaya nung ginawa niya sa bar?

“Kuya ano ba! Ano bang problema mo!” pinilit kong bawiin ang kamay na hawak niya pero dahil sa higpit noon ay hindi ko magawa

“Get dressed!” utos nito sa akin in his dangerous tone

“Ayoko! What’s with you ba?” palaban na sabi ko dito

“Huwag mong hintayin na kaladakarin kita palabas dito Max!” there is danger in his voice and being the same Maxine na may takot sa kanya ay natabunan ang tapang ko

I may say na palaban ako sa iba. Pero pagdating kay Kuya Xav, nandun ang pangingilag ko.

“Kuya please huwag mo naman akong ipahiya!” halos pabulong na lang yun lalo pa at nagsisimula ng lumapit sila Marie at si Yumi.

Nilingon ako ni Kuya Xav at halos mapaatras pa ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. His eyes is about to spit fire anytime.

“Sa itsura mo ba hindi ka nahihiya? You’re almost naked!” 

Seryoso ba siya? Eh diba nga pool party ito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status