Share

Chapter 4

Maxine

Pagkatapos ng klase namin ay nagkaayaan ang barkada na magpunta sa mall. It’s only two in the afternoon at maaga pa naman kaya pumayag na ako since wala naman akong daratnan sa bahay. I was about to text my Mom pero naalala ko na wala nga pala sila dito sa Pilipinas but I still messaged her anyway.

“Grabe! Ang cool talaga ng stepdad mo, girl! Sana all!” sabi ni Marie nang makasakay siya sa kotse ko

“Oo nga! Well cool din naman si Kuya Xyrus! Si Kuya Xavier lang naman ang hindi!” sagot naman ni Yumi na siyang katabi ko sa frontseat

“Speaking of Kuya Xavier, kamusta naman? Pinagalitan ka ba?” tanong naman ni Astra. Hindi namin kasama ngayon si Emman kaya sa amin siya nakisakay

“May bago pa ba? Palagi namang galit sa akin yun!” sagot ko naman sa kanila kahit pa sanay na sila because they are aware of Kuya Xavier’s treatment towards me

“Oh by the way guys, sino pala ang nagbayad kahapon? Sorry ha! Babayaran ko na lang kung magkano.” tanong ko sa  pero sinabi nila na may nagbayad na daw sa mga nainom namin

Hula ko tuloy si Kuya Xav yun dahil ang alam ko, kaibigan niya ang owner ng bar na pinuntahan namin kagabi which is Sir Jackson.

“Hindi ko din naman maintindihan diyan sa stepbrother mo ano? Bakit nga kaya mainit ang dugo nun sayo? I mean, it’s weird kasi okay naman sa kanya si Tita, pero bakit sayo, ganun siya?” Marie said and I just shrugged my shoulders

“Girl, two years na nating iniisip yan pero wala tayong makuhang sagot. Nakasanayan ko naman na so I think it’s okay!” sabi ko naman sa kanila and I guess they understood na ayaw ko ng pag-usapan iyon

Wala naman kasi talaga akong maisip na dahilan kung bakit. I’m being nice ang polite to him naman pero sadyang hindi niya ako gusto.

Pagdating namin sa mall ay nagmiryenda muna kami sa isang kilalang fastfood chain. Agaw pansin naman sa kanila ang bag na dala ko and it was the gift that Kuya Xy has given me.

“Wow! Limited edition yan, girl! Alam mo bang tatlo lang ang inilabas na ganyan sa buong mundo?” namamanghang kwento ni Marie habang nakatingin sa bag ko

“For sure naman hindi yan fake no!” ani naman ni Yumi 

“Malamang! Hindi naman siguro bibili ng fake si Kuya Xyrus!” Astra said habang nagtitipa sa phone niya. I guess chine-check na naman niya si Emman

Mahilig talaga ako sa bags and I only use and collect one brand. Pinag-iipunan ko talaga iyon galing sa sa allowance na binibigay sa akin ni Mommy and Tito Clark.

I never asked for extra money from my parents dahil mahirap na. Baka maisumbat pa sa akin iyon ni Kuya Xavier. Kung may gusto akong bilhin, pinag-iipunan ko talaga iyon. Well pwera na lang kung para sa pag-aaral ko pero aside from that, I choose to spend my own money.

Pagkatapos naming kumain ay nagikot-ikot na kami sa mall. May mga nabili naman ang mga kaibigan ko na gamit nila pwera lang ako dahil marami pa naman akong bagong gamit. And I’m pretty sure pag-uwi nila Mom ay may pasalubong na naman ako galing sa kanila.

Umilaw ang phone ko and I saw that Kuya Xy sent me a message.

‘hi babay sis! I miss you!’

Napangiti ako sa message ni Kuya Xy kaya naman inaya ko ang mga girls na mag-selfie saka ko ito sinend sa kanya.

‘hanging out with the girls. i miss you too, kuya. uwi ka na’ 

Nilagyan ko pa ito ng emoji na umiiyak bago ko sinend kay Kuya Xy na agad naman niyang sinagot.

‘we have a situation here baby sis so i guess hindi pa ako makakauwi. take care of yourself, okay!’

Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil ibig sabihin matatagalan pa talaga ang pagbalik niya.

I miss them so much at pag ganitong naiiwan ako, halos ayaw ko ng umuwi sa bahay.

‘okay kuya. don’t worry i’m fine. say my regards to Mom and Tito!’

Sumagot naman agad si Kuya Xy.

‘i will. uwi ng maaga baby sis. matutulog na ako’

‘goodnight kuya!’ maiksing sagot ko

Nagpatuloy kami sa paglilibot hanggang sa mapagod na ang mga kasama ko at naupo kami sa isang bench na nasa gitna ng mall.

“How about magkaroon tayo ng pajama party? Lonely si Max at ang kasama lang niya sa bahay ay ang Kuya niyang masungit!” Astra suggested kaya nkaramdam naman ako ng excitement

“Sige go ako dyan!” Sagot naman agad ni Yumi

“Listen, aalis ang parents so we can have the house all to ourselves by Saturday evening! Ituloy natin ang party na naudlot nang dahil sa KJ na kuya ni Max!” dagdag pa ni Astra ang nag-agree naman sila

“Count me in!” masayang sabi ko. Magpapaalam naman ako kay Mom like I always used too kahit pa nasa malayo siya

“Kape tayo!” tumayo na agad si Yumi kaya sumunod na din kami. Ganito talaga kami mag bonding. Pagkain pagkatapos ay kape. I will surely miss them once na mag-graduate na kami.

*****

Six PM na ako nakauwi and I immediately entered the house as soon as I parked my car. Napansin ko na kumpleto ang sasakyan ni Kuya Xav sa garahe so I guess nakauwi na din siya.

Tatlo kasi ang sasakyan niya and he alternately uses it. Depende siguro sa mood niya. Napangiti na lang ako sa iniisip ko at nagkibit-balikat.

“Magandang gabi senyorita! Ipaghahain na ba kita?” tanong sa akin ni Manang Helen ng makita niya akong papasok ng mansion

“Magbibihis lang po ako, Manang. Ako na po ang bahala!” sagot ko naman dito. Sanay naman si Manang Helen sa akin na sa twing nag-iisa ako ay ayaw ko na pinagsisilbihan ako lalo kung kaya ko namang gawin.

“Oh siya sige! Tawagin mo ako kung may kailangan ka!” bilin naman niya sa akin

“Magpahinga na po kayo,manang! Salamat po!” sabi po dito kaya tinanguan lang niya ako

Umakyat na ako sa kwarto saka ako dumeretso sa banyo para makaligo. Hindi pa naman ako gutom kaya napagpasyahan ko munang gawin ang ilang paperworks ko sa school na hindi ko pa natatapos.

Nalibanag ako sa ginagawa ko at hindi ko naman namalayan ang oras hanggang sa makita ko ang phone ko. I checked it and I saw that it is alteady nine in the evening.

Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasya na akong bumaba na sa kusina. Since gabi na, naisipan kong mag-sandwhich nalang.

Kumuha ako ng tinapay sa pantry saka ko hinalungkat ang ref kung ano ang pwede kong gawin palaman.

Nakakita ako ng cooked ham kaya inilabas ko ito. Nagslice ako tatlo at isinalang ko muna sa microwave para para hindi naman masyadong malamig. May fresh juice naman sa carton kaya nagsalin na din ako sa baso.

Naglabas ako ng lettuce at kamatis na din saka ko ito hinugasan at hiniwa. Nag-slice ako ng cheese at saka ko pinahiran ng mayo ang tinapay. I finished off my sandwhich saka ako nagsimulang kumain.

Sa sobrang gutom ko at focus ko sa pagkain ay hindi ko napansin na pumasok si Kuya Xavier. Napakurap pa ako dahil naka sweatpants lang ito at wala siyang damit pangitaas.

‘grabe naman talaga kung idisplay ang katawan eh!’

Automatic naman na napayuko ako habang pinagpatuloy ko ang pagkain pero napitlag ako ng biglang magsalita si Kuya Xav.

“Yan na ba ang dinner mo?” tanong niya and in my peripheral view ay nakita ko na kumuha ito ng bottled water sa fridge.

Tumango lang ako pero hindi pa rin ako nag-aangat ng paningin. Nakita ko na tumayo siya sa harap ko kaya naman napa-angat tuloy ang ulo ko.

He was looking at me at napako ang tingin ko sa kanya. Para niya akong hinihipnotismo na kahit ayaw ko siyang tignan ay hindi ko magawa.

“Ang payat payat mo na, you should eat rice.” sabi pa ni Kuya Xavier pagkatapos ay kumuha siya ng isang sandwich.

Kumagat siya nito habang hindi pinuputol ang tinginan namin and I swallowed dahil nasa bibig ko pa pala ang tinapay.

“This is good!” sabi pa niya saka siya siya kumagat ulit

Hindi ako nakapagsalita at pakiramdam ko nabato ako habang nakatingin ako kay Kuya Xav.

Inubos niya ang hawak niyang sandwhich saka siya uminom ng tubig at doon na ako napakurap. Tumikhim pa ako saka ko binalikan ang hawak ko.

“B-baka gusto mo pa?” tanong ko saka ko inusog sa harap niya yung plato

“Finish it Max! As I’ve said ang payat mo! Mas mainam yung may laman ka konti!” 

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Kuya Xav. Lumabas na siya sa kusina at pakiramdam ko doon na ako nakahinga nga maluwag.

I unconsciously smiled. May concern naman pala sa akin ang taong yun. At higit sa lahat, nagustuhan niya ang ginawa kong sandwhich. 

*****

Late na akong nagising kinabukasan dahil ten AM pa naman ang pasok ko. Bumaba ako sa kusina at naabutan ko naman doon si Manang Helen.

“Good morning manang!” energetic ang dating ng boses ko kaya naman nagulat pa ata itong si Manang. 

Ewan ko pero ang ganda lang talaga ng gising ko.

“Good morning senyorita! Mag-aalmusal ka na ba?” tanong niya sa akin pero ako na ang kumuha ng kakailanganin ko

“Ako na po!” sagot ko naman dito

Napangiti naman si Manang at saka siya tumango at itinuloy ang ginagawa niya.

“Si Kuya po? Umalis na?” tanong ko pa kay Manang habang sumasandok ako ng fried rice. 

Kapag ganito kasing nag-iisa ako, dito na ako sa kusina kumakain. Madalas nakaka kwentuhan ko si Manang Helen kaya kahit papano napalapit na ako sa kanya.

“Maagang umalis si senyorito Xavier!” tumango na lang ako kay Manang saka ko tinuloy sng pagkain ko.

Nakaramdam ako ng lungkot kasi hindi ko siya nakita. Ewan ko ba! Eversince last night na hindi siya nagpapakita ng inis sa akin, ay parang bumabalik ang paghanga ko sa kanya.

Paghanga lang naman yun at wala naman sigurong masama doon. Magkapatid kami kahit pa sabihing hindi naman kami blood related at ang magka-gusto sa kanya ay hindi dapat mangyari.

Tinapos ko na ang pagkain ko at umakyat na ako sa kwarto ko para makapaghanda na ako sa pagpasok ko sa school.

Excited din ako kasi ngayon ang pajama party namin kina Astra. Nabasa ko pa ang message niya sa groupchat namin na magdala kami ng bikini dahil may pool party daw na magaganap.

Nag-message naman ako kay Mom out of respect at nagsabi din naman ako kay Manang Helen bago ako umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status